Chapter 50: Not The Happiest
Not The Happiest
"Dito ka muna. Sige na."
"Sir, may trabaho pa po kasi ako."
Kinuha ko ang tray na ginamit ko upang pagdalhan ng mga order ng mga bagong dating na customer saka binalingan ang direksyon ng katrabaho kong si Mela na ginugulo ng isang matandang lalaki. Kanina pa siya pinipilit nito na maupo sa tabi niya at aliwin ito. Akala siguro nito'y nasa isang beer house siya. Bastos.
"Babayaran naman kita e. Sige na wag ka ng magpakipot." Pilit nitong hinila ang beywang niya pero nagpumiglas si Mela.
Kumuha ako ng isang baso ng tubig at ipinatong iyon sa dala kong tray saka tinungo ang gawi nila.
"Tubig po sir. Palamig muna kayo." Confusion is painted on his face but before he could even ask ay pabagsak ko ng inilapag ang tray sa mesa niya dahilan para tumilapon ang ilang tubig sa kanya.
Napatayo siya sa sobrang gulat at ganoon din ang ibang mga customer maging si Mela. Iritadong-iritado siya nang punasan ang kanyang suot na polo bago ako hinarap at dinuro. Ang kaninang inis na nararamdaman ko sa kanya ay napalitan ng galit.
"Bastos kang bata ka ah! Sinadya mo yon ha no?!"
"Sino po kayang mas bastos sa atin?"
Kaagad na lumapit sa akin si Mela upang pigilan ako sa pagsagot sa huklubang customer.
"Paalala ko lang po, diner po tong pinuntahan niyo at hindi beer house. Kaya wag niyo po kaming binabastos kahit mga empleyado lang kami rito." Dagdag ko pa.
"At sumasagot ka pa talaga?! Nasaan ang manager niyo at kakausapin ko! Ipapasara ko tong lugar na to dahil mga wala kayong kwenta!"
"Sir, pwede bang pag-usapan na lang natin to ng maayos." Humarang na sa pagitan namin si Mela at sinubukang makipagkausap ng maayos sa kanya.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintong bumukas sa may direksyon ng counter kung saan iniluwa niyon ang kinakabahang mukha ng may-ari ng diner. She walked her way towards us and narrowed her eyes into slits when it landed on me for a second before facing the old man. It's an indication of a warning. Paniguradong makakatikim ako sa kanya mamaya.
"Sir, pwede po bang pag-usapan natin to ng maayos at mahinahon?"
☠️☠️☠️
"Anong nakain mo't binastos mo ang customer natin?!" Singhal ng may-ari sa akin pagkapasok na pagkapasok niya sa locker room namin.
"Ma'am, siya po ang unang nambastos kay Mela." Bahagya ko pang sinulyapan si Mela sa likuran niya na nakahanda para awatin siya.
"Wala akong pakialam! Customer ko iyon Coco at empleyado ko lang kayo rito kaya wala kang karapatan na magreklamo!"
"Ma'am, tama na po." Pigil ni Mela sa may-ari na dahilan para inis siya nitong lingunin at duruin.
"Wag kang makialam dito! Mga hampaslupa kayo! Ni hindi nga ata kayo makakakain kung di dahil sa trabahong to! Ang lakas ng loob niyong magreklamo! Ang kakapal ng mga mukha niyo!"
"Mawalang galang na po pero di naman po kayo ang nagpapakain sa amin. Kung ano man po ibinibigay niyo sa amin ay tinutumbasan din naman po namin iyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maigi rito. We're working for the amount that you are giving us."
Natigilan ang may-ari nang humarap sa akin. Hindi lang dahil sinagot-sagot ko siya kundi dahil hindi niya inaasahan ang pagsasalita ko ng Ingles gamit ang accent ng mga Briton. Halata iyon sa ekspresyong ipinapakita ng mukha niya.
"Matapos kitang pautangin ganyan ang ipapakita mo sa akin? Hindi ko kailangan ng mga katulad mo rito!" I already knew the end of this.
"You don't have to fire me ma'am because right now, I'm quitting this job. Ayokong manatili sa lugar na hindi nirerespeto ang karapatan ng mga manggagawa dahil sa pagkagahaman nila sa pera." Napaawang ang bibig niya ng ilang saglit sa sinabi ko.
Sinulyapan kong muli si Mela at naabutan siyang nakayuko. I know that she needs this job that's why I cannot force her to just leave it and find something else. Hindi kagaya ko ay may pamilya siyang pinapakain at sinusuportahan.
☠️☠️☠️
"Hala! Lumayas ka! Akala mo naman kung sino kang kawalan!"
Hindi ko na naawat pa ang may-ari ng itapon niya palabas ng backdoor ang aking backpack dahilan para matapon ang mga laman niyon sa lupa. Lumabas ako ng diner at lumuhod upang mahinahong pulutin isa-isa ang mga iyon. Mabuti na lang at hindi naman nabasag ang iPhone ko. I don't think I can afford to buy another like this.
Rinig ko ang malakas na pagsara niya ng pinto pero hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. She would only laugh at me on my unfortunate state.
Inabot ko ang binder kong tumilapon sa di kalayuan pero nagulat ako nang may kamay na pumulot niyon bago ko pa man iyon makuha. Nag-angat ako ng tingin at naabutan si Clay na nakasuot parin ng uniporme at nakasquat habang pinupulot ang iba ko pang mga gamit.
"Tulungan na kita." He said while picking up my things still.
Nag-iwas ako ng tingin at mas binilisan pa ang kilos ko. Hindi ko alam sa kung naaawa ba siya sa akin o hindi. I can't still feel his emotions. Sobrang kalmado niya na wala akong ibang maramdaman kundi iyon lamang.
I stood up immediately when I'm done. He did the same too before handing me my things he picked up. Ipinasok ko iyon sa backpack ko saka ko inayos ang pagkakalagay ng strap sa magkabilang balikat ko.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
"I followed you."
"Bakit?"
"I've heard you whispering you're hungry at Taki's back in our class awhile ago. So, I came here to invite you for a lunch. Judging on your paleness, I bet you haven't eaten anything still."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. I am feeling ashamed but I don't wanna lie. Kanina pa ako nagugutom sa klase namin kaya panay ang bulong ko nun. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at mataman siyang tinignan.
"Lilibre mo ko?" Kakapalan ko na ang mukha ko sa pagkakataong ito. It's either I'll starve myself to death or accept his offer. I rather chose the latter. A small smile slipped on his lips.
"I will."
☠️☠️☠️
Dinala ako ni Clay sa isang mamahaling restaurant. He asked me to order the food for us. Hindi naman ako tumanggi dahil nandito na rin naman kami kaya bakit pa ako magpapabebe? Nilantakan ko lahat ng inorder ko dahil gutom na gutom na talaga ako. Siya naman ay marahan ang ginagawang pagnguya sa kanyang mga kinakain. Kuhang-kuha niya rin ang dating ni Professor Cameron sa pagkain. Slow yet very princely. Royal Highness ang datingan nila.
Maya-maya pa'y napaayos na ako ng upo at nagpunas ng bibig ko dahil nailang ako bigla sa titig niya sa akin pagkatapos niyang kumain. Tumikhim ako saka nag-angat ng tingin sa kanya. When he's done sipping the water on his goblet, he slowly wiped the sides of his lips using the table napkin. I suddenly feel so small around him and Professor. Para bang pinalaki silang ganoon.
"Sorry ha. Napalakas yong kain ko. Gutom lang kasi talaga ako." Pagtatapat ko sa kanya.
I'm not really the type of person who would lie just to make a good impression. If I looked stupid and ugly in this situation then so be it. Pretending won't help me either. Ibinaba ni Clay ang hawak niyang table napkin kaya mas lalo akong di mapakali sa mga titig niya. Napansin ko na noon pa na talagang may itsura siya pero hindi ko inaasahang may ikakagwapo pa pala siya. Parang may kakaiba ring gustong kumawala sa loob ko habang pinagmamasdan siya.
"It's fine iubita." Aniyang bahagya namang ikinakunot ng noo ko pero ipinagkibit balikat ko na lamang iyon kahit pa hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Muntikan ko nang maibuga ang laman ng bibig ko nang maramdaman kong parang may kung anong kumagat sa binti ko sa ilalim ng mesa.
"Are you okay?" Pagtatanong ni Clay nang mapansing panay ang galaw ko dahil sa kung anumang nasa ilalim ng mesa. Tinanguan ko naman siya.
"Oo. Clay, pwede bang makisuyo? Pakikuha naman ako ng tubig sa may counter please."
"I'll ask the waiter to g-"
"No I mean pwedeng ikaw na lang. May trust issue kasi ako e." Sansala ko sa kanya and that was the lamest and stupidest excuse I've ever known. Pero sana ay kumagat naman siya sa palusot ko.
Maya-maya pa'y tumayo na si Clay pero sigurado akong matalino siya at alam niyang hindi totoo iyong sinabi ko kaya nga lang wala siyang ibang magagawa kundi ang pumayag sa gusto ko. I just felt like he can't say no to anyone. O baka naman sa mga pinagkakatiwalaan lang niyang tao na gaya ko. Kaagad kong inangat ang mantel at sinilip ang ilalim ng lamesa nang lumapit na siya sa counter. Then, I found a black devilish cat hiding in there. Balak niyang kagatin ulit ang binti ko pero natigilan siya dahil nahuli ko siya sa akto.
"Isang kagat mo pa't gagawin na talaga kitang siopao." Banta ko sa kanyang ikinasimangot naman niya.
"Anong ginagawa mo dyan?"
"I hide inside your bag and went out from there when I heard you're going here to eat. Ang swerte mo naman ata. Pakainin mo rin ako ng desenteng pagkain witch at nagugutom na ako." Reklamo niya't umupo na parang tao sa sahig at humalukipkip pa talaga.
Napangiwi ako pero napagtanto ko rin namang hindi sanay kumain ng mga de latang pagkain ang isa pang majesty na ito. Kaya kinuha ko ang isang pinggan na puno pa ng mga pagkain at inilapag iyon sa sahig sa ilalim ng lamesa.
"Hayan pero humanda ka at kangkong ang ipapakain ko sayo mamaya." Banta ko sa kanyang inismiran niya lang. Tiyempo namang dumating si Clay nang umayos na ako ng upo.
☠️☠️☠️
Pumara ako ng taxi at muling nag-angat ng tingin kay Clay na nakatingin doon nang huminto ito sa tapat namin. Nang bumaling siya sa akin ay kinailangan niya pang tumunghay dahil hindi naman ako katangkarang babae.
"You sure you don't want me to take you home?"
"Di na. Okay na ako Clay. Salamat talaga sa libre mo at nabusog ako. Salamat din dito." Bahagya ko pang inangat ang dala kong supot na naglalaman ng pinamili niyang chuckie at mga pagkain para sa akin.
I actually told him that'll just borrow an amount to buy things but he said he'll be paying for all these and that he won't ask for any repayment but I insisted kaya in the end ay hinayaan niya na lang ako. Babayaran ko na lang siya sa oras na makahanap na ako ng trabaho. Tango lamang ang tanging naisagot niya sa akin. Bahagya kong sinulyapan ang poker face niyang chauffeur na nag-aantay sa kanya sa labas ng kanyang limousine.
"Hinihintay ka na ng driver mo kaya umuwi ka na. Mag-ingat ka at magkita na lang tayo sa uni. Salamat talaga ulit Clay." He just let out a small smile before nodding.
Napangiti narin ako dahil pakiramdam ko ay isang achievement ang mapangiti kahit kaonti lang ang taong tulad niya na sobrang mailap sa mundo at sa mga tao.
Muli akong nagpaalam sa kanya saka tuluyan ng pumasok sa taxi at naupo sa backseat. Pinaandar na ng driver ang sasakyan at nang makalayo na kami ay may bigla akong napagtanto. Dali-dali kong binuksan ang backpack ko at tumalon palabas mula roon si Thygo pero hindi ko na muna siya pinansin at sa halip ay itinuon ko na lamang ang atensyon sa paghahanap ng wallet ko. Nang makita ko iyon ay kaagad kong tinignan ang laman niyon at tanging singkwenta at bente pesos na lamang ang naroroon. Kinabahan naman ako bigla. Ano kayang ibabayad ko sa driver? Nakasingkwenta na agad ako pagkaupo na pagkaupo ko sa taxi at medyo malayo-layo rin ang subdivision na tinitirhan ko kaya paniguradong malaki-laki ang maibabayad ko sa kanya.
Napansin ko ang pagsilip nung driver sa gawi ko mula sa front mirror. Sa tingin ko'y nakakaramdam na siyang hindi sapat ang pamasahe kong dala.
"Ayos ka lang miss?" See? I sat miserably on my seat.
"Manong, okay lang po ba sa inyong umutang?" Kaagad siyang pumreno at halos lumabas na ang kaluluwa ko sa pagkakabigla dahil doon.
"Bakit? Wala ka bang pambayad hija?"
"Wala po e. Pasensya na po talaga pero pangako ko po babayaran ko kayo sa susunod. Kunin niyo na lang po number ko o bigay niyo na lang sa akin yong sa inyo para matawagan ko kayo pag may pam-"
"Hija, bumaba ka na lang dito. Hindi na kita sisingilin. Pasensya ka na pero naghahanapbuhay ako at hindi nagpapakahero." Tumango ako bilang tugon bago lumabas ng kanyang taxi.
Lalakarin ko na lang siguro mula rito papunta sa bahay namin. Medyo malayo-layo pa siya pero kaya yan. Just when I'm already hopeful that I could get home by walking, rain began pouring heavily. Wala akong ibang magawa kundi ang tumakbo sa isang sulok para sumilong.
Inilipat ko ang posisyon ng backpack ko sa harapan saka ko iyon niyakap. Bigla iyong bumukas at tumalon palabas mula roon si Thygo. Tinignan ko siya nang may napagtanto ako.
"Thygo?"
"Hmm." Nag-angat naman ng tingin sa akin ang itim na pusa.
"Ba't di ka na lang kaya magteleport para makauwi na tayo agad ng bahay?"
"Ayoko." Aniya saka ibinaling ang kanyang paningin sa harap.
"At bakit?"
"Akala mo hindi ko natatandaan? Pakakainin mo ako ng kangkong pag-uwi natin." Nahihimigan ko ng pagtatampo ang boses niya and this is his way of getting even.
"Kung ganun hindi ka na kakain."
"You know what witch, I think you really want me to starve to death. Ang sama mong amo, alam mo yon?" Now, I'm sure he's sulking.
Nangingiti na lamang akong nagpailing-iling bago ibinaling ang aking atensyon sa daan sa harapan ko. The silence that enclosed us in this arcadian setting seems deafening and strange yet cozy. Until now, I still don't know why nanay casted a spell and put a curse on him. Sa tuwing tinatanong ko naman siya ay tanging naisasagot niya lang sa akin ay isa raw siyang masamang demonyo. I feel like there's something he doesn't want me to know and I think it's better that way.
"Thygo." Tawag ko sa kanya kahit pa ang mga mata ko'y nanatili sa daan.
"What?"
"Who's Gracie?"
Muli kaming binalot ng katahimikan. Hindi ko masabi kung nagulat ba siya dahil hindi niya inaasahan ang tanong ko o nag-iisip siya ng maisasagot sa akin.
"Siguro inakala mong hindi ko napapansin na lagi kang pumapasok sa loob ng bag ko at sumasama sa akin sa uni. I figured it out yesterday when I followed you. Pumunta ka sa building ng College of Nursing at sumilip sa bintana ng classroom niya. Patago mo siyang sinundan hanggang sa matapos ang klase niya at noong wala ka na ay kunyare binangga ko siya nang magtagpo kami sa canteen. Her name is Gracie White. I saw it on her nameplate."
It's very obvious that Gracie is someone who's dear to him. Akala ko'y hindi niya ako sasaguting muli pero napa-aray ako at mabilis na sinapo ang noo kong pinitik niya. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanyang ngayo'y nag-anyong tao na. He can somehow counter the body caging spell of nanay but not that fully.
"Ganyan ba ang naging epekto ng pagbasted ni Wren sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin at pinagsisihan ko kung bakit nagdrama pa ako sa harap ng isang pusa ng mga panahong iyon.
"Excuse me! Hindi niya ako binasted!"
"Sige. Sabihin na lang nating umasa kang mamahalin ka niya."
"Nagsalita ang taong hindi pa tapos magmahal." And I'm referring to Gracie.
Although my ability is limited to someone like him but I can feel that he's really in love sometimes. Para bang kusang lumalabas na lang ang emosyong iyon dahil hindi na niya kayang kontrolin pa.
Ilang sandali rin siyang nakipagtitigan sa akin bago ako nagtaas ng kilay sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin.
"Quit asking. You're digging too much gold." Masungit niyang tugon.
Napailing na lamang ako at bumaling ng muli sa daan saka ako sumandal sa pader ng sinisilungan namin.
Tandang-tanda ko parin yong araw na nakilala ko si Gracie. Hindi ko mailarawan ang itsura ko dahil sa sobrang gulat nang makita ko siya. Her black curly hair, white complexion and emerald eyes possessed strong resemblance with mine, only that my hair is of medium length while hers is long. She's like the spitting image mirroring my saddest part and mysterious side. Indeed, she looks like the unsmiling version of myself. But she's no doppelganger because she's real, a mortal and she's older than me.
Madami talagang dalang misteryo ang mundo. May ilang nakikita ng mata at may iilang nananatiling nakatago mula sa tanaw ng iba. Nobody can tell which and why because oftentimes all we care about is ourselves, our lives and on how we should drive our world.
☠️☠️☠️
Malalaki ang mga hakbang ko habang tinatahak ang hagdan paakyat ng rooftop. Pinihit ko ang seradula ng pinto at binuksan iyon. Kaagad na bumati sa paningin ko ang kaaya-ayang takip-silim.
Naglakad ako at humanap ng pwesto saka isinalampak ang sarili ko paupo sa sahig ng rooftop. I'm still on my PE uniform because right after our last period, I immediately went out of the uni to buy myself a present.
Binuksan ko ang bag ko at inilabas mula roon ang bote ng Jack Daniels. Mabuti na lang at nauto ko talaga iyong isang mamang pulubi kanina na bumili nito para sa akin. The saleslady won't believe me if tell her that I'm not a minor anymore. Nilibre ko naman ng pagkain ang mama kanina kapalit ng ginawa niya. It's also a good thing that Thygo decided to just stay at home dahil paniguradong sisitahin na naman niya ako pag nalaman niya to. Ramdam niya sigurong magtatanong at magtatanong ulit ako tungkol kay Gracie kaya umiiwas siya pansamantala.
Binuksan ko ang Jack Daniels at tinungga kaagad iyon. Darkness was slowly swallowing the orange firmament. Maya-maya pa'y pinailaw na ang mga lamp post at bombilya sa buong uni. Students must be in their respective dorms at this moment pero siguro pwede namang magcelebrate ng birthday ko kahit sandali.
Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkahilo nang mangalahati na ang laman ng bote. Tumayo ako at naglakad-lakad para patunayang matino pa ako at nakakapag-isip pa ng maayos habang hawak-hawak parin ang bote. Huminto ako sa isang dulo at pinagmasdan ang kabuuan ng uni. Anong oras na kaya? Malamig na ang simoy ng hangin kaya malamang ay malalim na ang gabi. Tamang-tama para maglabas ng sama ng loob at mga hinanakit sa mundo.
"Lintek na buhay naman to oh! Ang lungkot-lungkot ng birthday ko! Ang daya mo nanay! Hindi mo man lang inantay ang debut ko! Tignan mo ko ngayon." Bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Debut is supposedly one of the most significant event every girl could ever experienced but not for me. No eighteen roses. No escorts. No dances. No stunning ballgown and nothing at all. Just my miserable self, the cold night and the cruel world. This is not the happiest moment of my life.
"Ang miserable ko na, ang lungkot-lungkot ko pa."
Napaatras ako bahagya at muntikan ng matumba pero mabuti na lang at nakabalanse ako. Umiikot na ang paningin ko at unti-unti naring bumibigat ang mga talukap ko pero pinilit ko paring tignan ang baba. Pero lalo lamang niyong pinatindi ang epekto ng alak sa akin at ang antok ko kaya napapikit na ako ng tuluyan.
Gusto ko ng mahiga kaya hahayaan ko na sanang matumba ang katawan ko sa kung saan kaya nga lang ay may biglang humapit sa beywang ko at bumulong ang isang pamilyar na boses.
"Coco, gising na. Lasing ka na." I slowly unbarred my eyes and was surprised to see him this late at night. Lalo na't hindi naman siya dito nagdodorm.
"Clay?" Paniniguradong tanong ko sa kung siya ba talaga ang nakikita ko.
"Happy birthday iubita." He said with a smile.
💀💀💀
I'm really sorry for making you wait for so long for an update. Masyado lang talaga akong busy sa school. Anyways, the introduction for the next case might be on the next update. Sana makapaghintay kayo guys. ☺️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top