Chapter 49: Lonesome Difficulties
Lonesome Difficulties
"Cash advance?! Kibago-bago mo pa lang ang lakas na ng loob mong magcash advance!" Singhal sa akin ng may-ari ng diner kung saan ako nagpapartime job.
"Bukas na po kasi yong exam namin pero kulang pa po yong pambayad ko ng tuition para sa bagong semester." Pagpapaliwanag ko sa may-ari. I really need money. I cannot take the exam if I couldn't pay for my tuition.
"Jusko naman! Bakit ba kasi ang ambisyosa niyong mga pobre kayo? Yong anak ko nga ay sa public school nag-aaral e." Pagmamalaki niya sa anak niyang puro pagbubulakbol naman ang alam. Sa ilang linggo kong pananatili rito ay napansin ko iyon. Gusot-gusot o di naman kaya ay hindi nakabutones ng maayos ang uniporme at amoy sigarilyo ang ibubungad nito sa amin pagkatapos ng klase nito sa junior high school.
Nagpapart time ako bilang parte ng crew sa diner na ito kada pagkatapos ng klase ko. Minsan nagwewaiter ako, nagpupunas at naglilinis ng mga table, dishwasher o di naman kaya ay nagma-mop ng sahig. Ilang linggo na ako rito dahil nahihiya akong manghingi ng pera kina Tita Caroline samantalang si Tita Colleen naman ay bumalik na sa Paris noong isang linggo. They insisted to pay for me and take full responsibility of me pero umayaw ako. Nahihiya ako sa kanila dahil sa turing nila sa akin bilang isang totoong kapamilya. I don't think I deserve all of those and I don't want to keep feeding them with lies. Hindi nila deserve iyon but I am not blaming nanay for lying. She just did what she thought was right and what the real Charlotte Quizon have asked her to do so.
Inaya rin ako ni Tita Caroline na sa kanila na tumira pero umayaw ako dahil mas gusto ko sa bahay namin dahil naroroon ang mga alaala ni nanay. Tita insisted but then she gave up and respected my decision to stay in there. Then, weeks ago, I saw Ms. Davica muttering incantations to seal my house with a protection spell. Ang sabi niya'y inutusan daw siya ni Madame Sue. Last week lang din ako nakabalik sa klase na siya namang ikinagulat ng mga kaklase ko at ng mga guro ko including Professor Cameron and the club. Plano ko nga sanang sa susunod na buwan pa bumalik pero sinabi ni Tobbie sa akin na malapit na ang exam namin. Natutuwa naman ako dahil araw-araw niyang dinadaan ang mga notes niya sa bahay namin bago bumalik ng cabin kaya napag-aaralan ko rin naman iyon.
Sa hinaba-haba ng litanya ng may-ari ng diner ay pinautang niya rin naman ako ng kaonti na sinamahan niya pa ng ngiwi. Dali-dali akong nagbihis pagkatapos ng shift ko para bumalik ng uni at makapagbayad ng tuition. Sana nga lang ay hindi pa nagsarado ang mga cashier. Kailangan kong makapag-exam bukas.
☠️☠️☠️
"Ma'am, sige na po oh."
"Alam mo ang kulit mong bata ka. Sinabi na ngang sarado na kami e. Hindi ka ba marunong bumasa niyan?" Tinuro ng cashier ang nakapaskil na 'we are closed' signage.
Inirapan niya ako at nagpatuloy na sa paglalagay ng make up sa mukha niya.
"Ma'am, kailangan ko po kasi talagang makapag-exam bukas kaya sige na po. Tanggapin niyo na yong bayad ko." Pagmamakaawa kong muli.
Natigil siya sa paglalagay ng blush on at inis na isinara ang kanyang compact powder saka ako binalingan.
"Bakit ba ang kulit ng lahi mo ha? Hindi ka ba marunong magbasa ng relo? Hanggang ala sais lang kami at 6:15 na kaya sarado na kami." That's what I keep on talking about! Fifteen minutes lang akong late at nag-ala maze runner pa ako para makaabot lang.
"Ma'am, please. Galing pa po kasi ako sa part time job ko at inutang ko lang to sa amo ko para makapagbayad ako kasi kailangan ko talagang makapag-exam bukas kaya sige na po." Feeling ko mukha na akong tanga dahil paulit-ulit na lang ako ng mga sinasabi sa kanya.
"Hija, bakit kasi nagprivate ka pa? Alam mo na ngang hirap kang humanap ng tuition dito mo pa naisipang pumasok. Sorry ha pero hindi ka talaga nababagay dito. Ang mga kagaya mong pobreng ambisyosa ay walang maaabot sa buhay." She stated giving emphasis on the word 'hija' and 'pobre'.
Todo ang ginawa kong pagpipigil sa sarili ko upang huwag siyang sagot-sagutin. But hearing someone judging and predicting my future merely based on my financial capabilities is not something that one who's striving would like to hear and embrace. Tinignan ko ang ID niyang nakasabit sa dulo ng kwelyo niya at sinuri siya na ikinakunot naman ng noo niya.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Nakataas kilay at mataray niyang tanong sa akin.
Kanina ko pa napapansin ang pagngiwi ng medyo may edad na niyang kasamahang cashier habang nakikinig sa mga sinasabi niya sa akin. I am feeling an unreturned entitlement on her. Muli kong binalingan ang cashier na nanatili paring nakataas ang kilay at nakanguso na animo'y inaakala niyang siya ay kagandahang nilalang.
"Nakakatawa pong isipin na sa inyo pa talaga nanggaling yan." Pinanliitan niya ako ng mga mata pero sa kabila niyon ay nagpatuloy parin ako.
"Nakatira po kayo sa isang squatters' area at hindi niyo na tinapos ang college. Bakit kayo naririto kung ganoon nga? Siyempre iba na ang nagagawa ng may kapit na nasa mataas na ranggo ng staff ng uni." Pansin ko pang gulat na napatingin sa amin ang matandang cashier.
"Tsaka sa panahon natin ngayon, madali ng pumeke ng mga dokumento." Dagdag kong ikinaawang ng bibig niya.
"Paan-" Gotcha.
"Paano ko po nalaman yon? Nag-aaral po kasi akong maigi kahit pobre lang po ako gaya ng sinasabi niyo." Dahilan ko sa kanya. I was actually guessing pero nang maramdaman kong nagulat silang pareho ng matandang cashier na siyang sa tingin ko ay tumulong sa kanya hindi dahil sa tabas ng dila ko kundi dahil sa totoo ang mga sinasabi ko at base sa ekspresyon nila ay hindi ako nagkamali ng hula.
Ang totoo niyan ay gusto ko lang talagang ibato ulit sa kanya ang mga binitawan niyang salita kaya gumawa ako ng kwento. But even if the mouth won't tell and the expressions won't spill the truth, the emotions don't lie.
"Myrna, sige na. Tanggapin mo na ang bayad niya. We are paid to serve students here." Seryosong utos ng matandang cashier sa babaeng tinawag niyang Myrna na dali-dali namang binuhay ang computer niya.
"Pangalan?" Tanong niya sa akin habang nakatutok parin ang mga mata roon.
"Colbie Corryl Quizon po." Magalang kong tugon sa kanya at nahuli ko pa siyang ngumiwi.
"Your tuition is already paid."
"Po?"
Umirap naman siya at alam kong para sa akin iyon kahit pa nakaharap siya sa monitor.
"May nagbayad na ng tuition mo."
"Sino po?" She scrolled the mouse down to find the name of the person who paid for my tuition.
"Gelm Devetri Kanellis Stravidris ang nakalagay dito." Aniyang ikinatigil ko naman. Doing some fatherly duties huh?
☠️☠️☠️
Tanging ang kalansing lamang ng mga ginagamit naming mga kutsara at tinidor ang maririnig sa buong bahay. Kaming dalawa lang din naman ang naririto. Maya-maya pa'y binaba na niya ang mga hawak niyang kubyertos kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Are we going to eat something like this forever?" Tanong ng maarteng demonyo. Parang pang-apat pa lang na araw naming pabalik-balik na ulam ito kung makareklamo siya kala mo naman mag-iisang buwan na.
"Pasalamat ka nga at may ulam ka pang sardinas. Alam mo bang may iba nga riyan na hindi na makakain dahil sa kahirapan nila?"
"I'm just asking but now you're blaming me why they're poor." Nakaismid niyang sagot sa akin. Napairap na lamang ako at iling sa kanya.
"Gawin kaya kitang pusa dyan para okay lang kahit yong tira-tira na lang ang ipakain ko sayo." He grimaced and I smirked.
Sa ilang linggong lumipas ay alam ko na kung paano gamitin ang wand na ibinigay ni nanay sa akin at umusal ng mga orasyon na gaya ng ginagawa ni Winona dahil sa tulong ng spell book na iniwan din niya sa akin.
"Don't you dare." Panghahamon niya sa akin.
"Ano bang paborito mong pagkain?" Tanong ko sa kanyang ikinataas naman ng kilay niya. He might be wondering on the sudden change of topic.
"Bistecca alla Fiorentina." Kumunot ang noo ko sa isinagot niya.
"Anong klaseng luto ba iyon sa mga tao na gustong-gusto niyong mga demonyo?" Panunuya ko sa kanya. I felt his annoyance escalate and even his expression tells likewise.
"Tomfool witch. It's an Italian food!" Iritado niyang giit and I did my best not to laugh at his annoyed face.
Akalain mo nga namang noon ay natatakot ako sa kanya pero ngayon ay nagagawa ko pa siyang biruin at inisin. His annoyance quickly changed into puzzlement nang ilahad ko ang kanang palad ko sa harap niya.
"Bigyan mo ko ng pera at ibibili kita ng ingredients at ipagluluto ng paborito mo."
"Wala akong pera." Pabulong niyang wika at gusto ko na talagang matawa sa itsura niyang nakatitig lang sa nakalahad kong palad. Nakapagtagalog din siya.
"Exactly kaya magtiis ka sa ulam natin." Nagpatuloy na ako sa pagkain at hinayaan siyang tumitig sa akin habang nakaismid.
"Bakit di ka na lang manghingi ng pera sa tatay mong mayaman?"
Nahinto ako sa pagkain at marahang nginuya ang nasa bibig ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.
"Hindi pwedeng papasok na lang siya bigla sa buhay ko at aakuin ang responsibilidad niya bilang ama ko na para bang walang nangyari. Pride na lang ang meron ako ngayon at isasalba ko iyon." After everything, it's not that easy to just accept, forgive and forget. Aaminin kong ang mga hinanakit ko sa kanya ang pumipigil sa akin para tanggapin na lamang siya ng ganoon kadali.
He may earned my forgiveness but not my acceptance nor trust. In a world full of secrecy and chicanery, you could never know what's true that easily not unless you've been gone through a myriad of pain and heartaches.
"Sige pagpatuloy mo yan at tignan na lang natin kung makakain mo yang pride mo na yan kung sakaling magutom ka na balang araw."
"Zmiana." Usal ko at narinig ang pagmumura ni Thygo nang ibalik ko siya sa pagiging anyong pusa niya.
Ayoko talagang sinisermonan niya ako. It's just so bizarre to hear a demon scolding me for my hardheadedness. Nagpatuloy ako sa pagkain at kahit nauuyam na ako sa ulam naming ito ay tiniis ko iyon para lamang magkalaman ang tiyan ko. Wala ng laman ang ref namin dahil wala naman akong pera pambili ng mga ilalagay doon. Actually, I am fine with the thought of not eating. Ang inaalala ko lang naman ay ang maarteng pusa.
Mula sa inuupuan niyang silya ay tumalon ang anyong pusa na si Thygo papunta sa ibabaw ng lamesa at lumapit sa akin.
"Seriously, witch, you need help. We know you're in pain but you can't surpass difficulties when you're lonesome. You need them and we are here to help you."
Nahinto ako sa pagkain at tumitig sa kanya ng matagal. He's serious on what he's talking. But do I really need help?
☠️☠️☠️
Sabay-sabay kaming nakahinga ng mga kaklase ko nang matapos narin sa wakas ang unang araw ng pre-final exam namin. Nagsimula na silang magligpit ng mga gamit nila na ginawa ko rin naman.
"Coco."
Natigil ako sa paglalagay ng binder ko sa loob ng aking backpack nang tawagin ako ni Taki. A concern smile formed on her lips.
"Kailan ka babalik ng club?" Tanong niya. Ilang saglit muna akong nakipagtitigan sa kanya bago ako bumuntong-hininga.
"Siguro kapag naging maayos na ako." I miss them already. The club, the cabin, the mysteries and our grand adventures.
Lumapad naman ang ngiti niya na tila nabuhayan siya ng loob dahil sa sagot ko.
"E kailan ka magiging maayos?" She's very hopeful. I can feel it.
"Sa tingin ko, hindi na." Tugon kong ikinapawi naman ng ngiti niya.
"Guys, gutom na ako. Samahan niyo naman ako sa cafeteria." Pagputol ni Tobbie sa nakakailang na katahimikang namamagitan sa amin. Tumango si Taki at tumayo na. Binalingan naman nila akong dalawa.
"Hindi na ako sasama. May part time job pa kasi akong pupuntahan." Tobbie was about to protest but I immediately looked away and resumed putting my things inside my bag.
"Si... ge. Mag-iingat ka Buko ha?" Kahit hindi ko man maramdaman ang emosyon niya ay alam kong nag-aalala siya sa akin pero naiilang siyang kausapin ako sa ganitong kondisyon ko at alam kong naiintindihan niya ako. We're not best friends for nothing.
Tango lamang ang tanging naisagot ko at maya-maya pa ay narinig ko na ang mga yapak ng paa nilang palabas ng silid. Taki went out from the room with a heavy heart.
Nasa tabi ko pa si Clay at nagliligpit din ng mga gamit niya. Ramdam kong binabagalan niya ng sadya ang pagkilos niya pero hindi ko nga lang alam kung bakit. Tinapos ko na ang ginagawa ko at isinukbit sa magkabilang balikat ko ang strap ng backpack ko nang marinig ko ang pagkalam ng sikmura ko. Inaamin kong nagugutom na ako at nakakahiya dahil mukhang narinig din iyon ni Clay na bahagyang nahinto sa ginagawa niya.
Walang pasabi at mabilis akong naglakad palabas ng classroom. Kumain naman ako ng agahan kanina pero siguro kapag paulit-ulit na lang talaga ang ulam ay talagang hindi nakabubusog. Siyempre nagreklamo na naman si Thygo kaya nga kapag naisauli ko na sa may-ari ng diner na pinagtatrabahuan ko ang pera ay ibibili ko na lamang ng ulam namin mamaya ang matitira sa baon ko. Baka bumili na lang ako ng itlog o pancit canton o di kaya ay noodles para may uniqueness naman ang ulam namin gaya ng panunuyang mungkahi ni Thygo kanina.
Tandang-tanda ko pa yong sinabi niya kanina. 'Wala na ba talagang mas u-unique pa sa sardinas na alam mong mumurahing ulam?'
Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang park ng uni.
"Miss tabi!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng babae. Tatabi na sana ako pero huli na ang lahat dahil nabangga na niya ako habang nakasakay siya sa kanyang skateboard. Napaupo ako sa lupa samantalang siya naman ay pinahinto ang skateboard niya at tinapakan ang isang dulo niyon para umangat ang kabila saka niya ito kinuha. She's wearing a helmet, a knee and elbow pad kaya hindi siya napuruhan sa banggaan namin and she even seems to be a dab hand on that.
Lumapit siya sa akin saka nilahad ang palad niya para tulungan akong makatayo.
"Miss sorry talaga." Paghingi niya ng tawad. Inabot ko ang kamay niya kaya tinulungan na niya akong makatayo. Nang mas malapitan ko siya ay nakita ko ang kabuuan niya. She has chinky eyes, white complexion and she's real pretty. She looks younger than me. Four to five years I guess. Kahit na pareho kaming ng suot na uniporme ay halatang freshman pa siya sa junior high.
"Lavi!"
Pareho kaming napalingon sa babaeng tumawag sa kanya. Isang magandang morenang babaeng may mahabang tuwid at itim na buhok na sa tingin ko'y kasing edad lang niya ang tumakbo palapit sa amin.
"Win." Mahinang tawag nung Lavi sa kanya. I feel some sisterly connections between them.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Win sa amin at nang mapagtanto na niya ang nangyari ay yumuko siya sa akin.
"Sorry po sa kalokohang ginawa ng kapatid ko." So, they're really sisters.
"Hindi. Ayos lang." I smiled at her when she lifted her gaze. She returned the equal beam on me before looking at her sister.
"Lavi, sinabi ng bawal ang paggamit ng skateboard dito sa uni. Makinig ka naman." Mahinahon niyang sabi. She managed to maintain a soft tone while reprimanding her sister. Base sa boses niya ay mukhang hindi talaga siya sanay sumigaw o magtaas ng boses habang nanenermon.
Tinanggal naman ni Lavi ang suot niyang helmet at napakurap ako sa pagkamangha nang makita ang kulay ng buhok niya. It's an ombre of blonde on top and pink downwards. Halatang pinakulayan niya iyon dahil napansin kong itim ang kulay ng manipis niyang kilay but it really suit her and I envy her for that.
"Win, ikaw lang ang gumawa ng rule na yan. Why don't you try it sometimes para hindi naman masyadong maging boring yang buhay mo."
Napailing na lamang si Win sa sinabi ni Lavi at hindi ko maiwasang magpalipat-lipat ng tingin sa kanila. Win is the prim and proper type while Lavi, on the other hand, is the rule breaker and happy-go-lucky sister.
"Girls, tama na yan."
Napabaling naman ako sa lalaking pamilyar na kararating lang na hingal na hingal pa. Halatang hinabol nito silang dalawa. May bitbit pa siyang biik sa kaliwang braso niya samantalang nasa kabila naman ay ang mga nakasabit na bag na tingin ko'y kina Win at Lavi.
"Pa!" Sabay nilang tawag dito.
Natigilan ang lalaki nang makita ako at nang matitigan ko siya ng malapitan ay doon ko lamang napagtantong siya si Dean Fulgar na nakapag-ahit na ng kanyang makapal na balbas at nakapagpaputol na ng mahabang buhok! He's on his late 30's but he still looks young and handsome. Marahil ay may kinalaman din ito sa gift niya.
"Coco?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Mr. Fulgar."
"You know her pa? Akin na si Juday." Tanong ni Lavi na kinuha ang biik mula sa braso ni Dean. Si Win naman ay kinuha ang kanilang mga bag na nakasabit sa balikat ng ama nila.
"Yes, she's one of those who helped me."
Napatingin sila sa akin at naramdaman kong nagpapasalamat sila ng lubos sa pagkakaligtas ng ama nila.
"Salamat po!" Maligaya at magkapanabayang bulalas nila sa tuwa.
"Akala po talaga namin ay hindi na namin makakasama pa si papa." Hinawakan ni Win ang kamay ko at nginitian ako.
"Masyado pa po kaming bata para iligtas siya at nasasaktan din po kami sa tuwing nakikita si Ate Meredith na nalulungkot at natutulala dahil sa nangyari sa amin sa Poblacion Očiazuby. Pero maayos na po siya ngayon at masaya na kami dahil buo na ulit ang pamilya namin." Wika naman ni Lavi.
"Mga anak, magpakilala muna kayo sa Ate Coco niyo."
"I'm Wingardy Alouette Spellbound Fulgar." Nakangiting pakilala ni Win.
"I am Laviosa Shiloh Spellbound Fulgar." Nilahad ni Lavi ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon at ginantihan din siya ng ngiti. Their names are apparently inspired by the Harry Potter series. Whoever named them must be a Potterhead.
"They're my twins and their mother is a Fandrall just like you. Win's mana is technopathy while Lavi's mana is ability contradiction." Nakangiting dagdag ni Dean.
I must have to admit it. I am jealous because this twins and Dean has a complete and happy family now.
"I've heard about what happened to you." Malungkot niyang sabi.
Tipid na ngiti lamang ang naisagot ko sa kanya. Kinuha niya ang pitaka niya sa loob ng likurang bulsa ng pantalon niya at inabutan ako ng isang calling card. I took it from him and I stared at the black calling card with something printed in red on its center. Midnight DJ was engraved in there.
"Midnight DJ." I mumbled while reading it.
"That's my job. Just in case, if you wanted to talk to me and ask questions, feel free to call me. You can also listen to my radio segment every midnight and figure out my real job. Yan ay kung gising ka pa ng mga ganoong oras."
Nag-angat ako ng tingin kay Dean at nakangiti siyang tinanguan. "I will."
"Coco, trust me when I tell you that your future is worth fighting for so don't give up just yet. A lot of good things are still waiting for you." Nakangiti at makahulugang paalala ni Dean sa akin.
💀💀💀
Someone sent me a private message asking if we could exchange votes. Siguro ay napansin niyang kokonti lang ang votes nito but I didn't reply. I just want to clear things out, I am not after the number of votes nor to the popularity of my story. I wrote this one with an aim that my readers would get something from me and from my story instead. Things like lessons, inspiration and happiness.
Ang sarap lang sa feeling na may nakakaalala sayo dahil may natutunan sila mula sayo. Kaya kahit matapos man ito nang hindi sumisikat o hindi ganoon karami ang votes ay ayos lang sa akin and I wouldn't ask for more. My contentment is the by-product of your happiness. Sana'y lagi rin nating tandaan na ang pinakamahalagang makukuha natin mula sa isang kwento ay ang mga aral na napupulot natin mula rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top