Chapter 48: Gone With My Everything
Gone With My Everything
Sabi nila kapag may nawawala ay may laging darating. But what if the one that you lose was the very thing you only have in life? Makakaya mo bang pakawalan na lamang ang nagsilbing buong mundo mo kapalit ng mga kasagutan sa mga katanungang matagal mo ng ninanais matugunan?
Mahirap. Hindi madali sapagkat kapag pumili ka ng alin man sa dalawa ay may isang mawawala. In life, you cannot have everything. You cannot choose both options because it's beyond the mechanics of the game you're playing while living. And in my case, fate made a dire entrance and an ugly twist for my story. I didn't chose any but it did the job for me.
Gusto kong itanong kung bakit? Bakit sa lahat siya pa? Naging sobrang sama ko ba para kunin siya sa akin? What thing did I did so wrong to experience this?
I heard murmurs of condolence from the people who attended the funeral as I remained sitting indifferently on the seat near her coffin. Some are pitying me for my loss. Si Tita Colleen ay kanina pa tahimik na umiiyak sa gilid ng kabaong niya. Samantalang patuloy parin sa paghagulgol si Tita Caroline habang nakatingin sa malamig niyang bangkay.
"Sinong may gawa sayo nito?! Charlotte, sisiguraduhin kong makukulong sila!"
Nararamdaman ko ang galit at sobrang kalungkutan kay tita na sinusubukan ng patayuin ni Maggie mula sa pagkakaluhod nito sa sahig habang hawak-hawak ang gilid ng kabaong. Sa halip na damayan sila sa pag-iyak ay nanatili akong nakatulala sa harapan niya. I got tired of crying after I realized that my tears won't bring her back to life. Hindi natutumbasan ng luha ang pinaghalong sakit, lungkot at galit na nararamdaman ko ngayon. I'm like a ticking bomb ready explode through a single trigger. Gusto kong magwala pero sa sobrang bigat at tindi ng damdamin ko ay wala akong ibang magawa kundi ang matulala na lamang.
The dreams I've made up with her were shattered into its tiniest parcels. The Mystic Club also came here together with Professor. Sinubukan nila akong kausapin pero tango lamang ang tanging naibibigay kong sagot sa kanila. I even spotted Madame Sue along with Ms. Davica and Gelm at ngayo'y ramdam ko ang mga titig nila sa akin but they didn't tried to approached me.
"Mommy!" Sigaw ni Maggie nang mahimatay bigla si Tita Caroline na kaagad namang dinaluhan ni Tito Joseph at ng iba pang mga lalaki.
I want to help but my whole system won't just cooperate because it don't want me to take my eyes off the coffin in front. Thygo, now on his cat form, was sitting on the seat next to me. After that night, he gave me the book of spells and the letter that nanay had written for me and from there, I knew everything.
Nakakalungkot isipin na ang pamilyang kinalakihan ko at itinuring na kabahagi ng buhay ko ay hindi ko pala mga kadugo dahil hindi naman pala si nanay ang totoong Charlotte Quizon. But I won't mind because I am still happy and grateful that for once in my life they made me feel complete even if it's just a make-believe. Family is not all about blood relation, sometimes it's about the genuine bond and the hearts' unconditional connection.
Binuhat ni Tito Joseph si Tita Caroline palayo rito and Tita Colleen with bloodshot eyes followed to check on her.
"Pwede ka ba naming makausap Coco?"
Madame Sue sat on the next seat on my other side. Nanatili namang nakatayo si Ms. Davica sa gilid niya. She didn't addressed me on last name basis maybe because she knew that I am not a real Quizon. I cannot underestimate her skills especially that she seems to know a lot about us. Tumango ako bilang tugon sa kanya.
"We want to talk to you in private and not here."
Kahit gustuhin ko mang umayaw ay wala na akong ibang magawa maliban sa pagtango. Tumayo na si Madame at naglakad palabas kasama si Ms. Davica kaya tumayo narin ako at sumunod sa kanila.
☠️☠️☠️
Hindi ko na inalis ang titig ko kay Gelm na kaharap kong nakaupo sa opisina ni Madame Sue sa Wale University. Kung noon ay umiiwas ako sa kanya ngayon ay hindi na matapos kong mabasa ang liham ni nanay. I may not know their real story but I already knew who is him in my life.
"Judging on the way you look at him, I guess you already knew everything."
Nanatili akong nakatingin kay Gelm sa kabila ng sinabi ni Madame. Bakit nga ba hindi ko iyon napansin noon? Yong mga sinasabi niya sa tuwing nagkikita kami na pawang may mga kahulugan ay hindi ko napapagtanto. Yong mga pasimple niyang paalala at tanong tungkol kay nanay ay masyado kong ipinagsawalang bahala. Nanay was also giving clues on who's really him but I just failed to recognized those.
"He's your father and he's the Greek god of light, Coco. Siya si Apollo." Pagpapakilala ni Madame sa kanya pero pinanatili kong tikom ang bibig ko at hinayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita.
"He was exiled from the world of gods and was forced to take his teenage form as a punishment."
Many questions bombarded my mind and I want to ask them yet my pride won't just let me. Gusto kong itanong kung bakit siya naparusahan at kung bakit niya kami iniwan pero laging may parte saking nag-uutos na huwag kung gagawin iyon dala ng mga hinanakit ko sa kanya at sa mga ginawa niya. He could have done something to save nanay pero wala e.
"But his twin sister, Artemis, help him but still her powers were not enough to lift the punishment given to him by Zeus. Kaya tuwing kabilugan ng buwan ay bumabalik siya sa totoo niyang anyo."
Pagkatapos ng sinasabing iyon ni Madame ay binalot kami ng matinding katahimikan. Nararamdaman kong hindi rin niya alam ang buong kwento ni Gelm o Apollo at ng nanay ko.
"May gusto ka bang itanong?" He finally speak up without removing his eyes off me.
"Bakit sinasabi mo sa akin ngayon to?" Walang kaemo-emosyon kong tanong sa kanya na ginantihan naman niya ng parehong ekspresyon. Now I know why I can't feel his emotions. It's because his not a mere mortal nor a Fandrall just like nanay.
"Do you now feel responsible for me?" Dagdag ko nang mapagtantong hindi niya sasagutin ang nauna kong tanong.
"Ngayong wala na si nanay saka ka pa magpapakita? If I only knew from the very beginning ay hindi ko na sana ginusto pang makilala ka. Sana pala nakontento na lang ako kay nanay." I did my best to still not show any emotion but the bitterness on my voice escaped.
Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin at hindi na inabala ang sarili niyang sagutin pa ang tanong ko.
"Madame Sue, sigurado po ba kayong si Harriet O'Mara ang nanay niya?" Biglaang pagputol ni Ms. Davica sa katahimikang bumalot sa amin.
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Gelm ang kanang kamay ko at paikutin sa daliri ko ang singsing na ibinigay ni nanay sa akin. Hindi ko inalis ang mga mata ko roon nang umilaw iyon hanggang sa naging isang itim at mahabang pakurbang stick iyon.
"Sa..sandali, kay Harriet ba ang wand na yan?" Gulat na tanong ni Ms. Davica. Maski ako man ay nagulat dahil naging wand ang singsing na ibinigay ni nanay sa akin.
Binitawan ako ni Gelm at matapos ang ilang sandali ay umilaw ulit iyon at bumalik na naman sa pagiging singsing. Inangat ko ang kamay ko at pinakatinitigan ang daliri kong kinalalagyan nun. Gulantang parin ako dahil sa katotohanang nalaman ko na si Harriet O'Mara ang nanay ko na nasa katawan ni Charlotte Quizon at ngayo'y napatunayan ko namang isa talaga siyang witch.
"She gave it to me." I mumbled as my eyes are still on the ring.
Naramdaman ko naman ang pagsang-ayon ni Ms. Davica na walang dudang si Harriet nga ang nanay ko.
"Alam mo bang isa siya sa mga witch na pinaghahanap ngayon sa Abseiles?" Tanong niyang simple ko lamang na tinanguan bilang tugon. I've read a glimpse of her story on the letter she had written for me.
Tumakas siya mula sa kanila noong hinatulan siya ng Mana Extraction dahil sa pagtataksil ng mga magulang niya sa lahi ng mga Fandrall na maaaring maging sanhi ng pagkamatay niya dahil ang kapangyarihan ng mana niya ang siyang bumubuo ng kalahati ng buhay niya.
"It's her wand. I've seen Harriet's and it's titanium." Wika ni Gelm.
"Right. I forgot that Titanium wands are given to the advance and most powerful students of Salem Institute and Harriet was probably one of them. Pero paanong nagkaroon ng wand si Coco gayong hindi naman siya pumasok ng Salem?" Ms. Davica inquired.
"She asked the help of her friend wizard named Kafka for this. Natatandaan mo ba noong araw na pinabili ka ng nanay mo ng iba't ibang mga bato?"
Nag-angat ako ng tingin kay Gelm nang maalala ko nga iyon. He told me that day that nanay did a good job in raising me.
"She might have given those to him as an exchange for her wand request. Alam niyang hindi siya panghabambuhay na mananatili sa tabi mo kaya niya iyon ginawa."
I turned my gaze away from him. Telling me that nanay already knew that this will gonna happen and that she will leave me still wrings my heart. She deserves justice for her death. I might not still know the reason why Eve wants us dead but I'll make her pay for this. Kinuyom ko ang mga palad ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga masasakit na alaala ng gabing iyon. Tumungo ako at pinigilan ang nagbabadyang mga luha ko habang nakatingin sa mga nakakuyom kong mga kamao. Guilt creeps through me like a wildfire on a tranquil forest. Anguish is swallowing me and my whole being like as if I'm such a small and frail prey to its sturdy predator. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Ang hina-hina ko pa. Wala akong kwenta. Sana ako na lang ang namatay.
Nag-angat ako ng tingin nang may palad na humawak sa kaliwang balikat ko.
"Everything happens for a reason." Madame Sue enunciated with an assuring smile.
☠️☠️☠️
"Hala. Umaambon. Mabuti na lang nagdala ako ng payong. Mukhang uulan kasi talaga ngayon e." Binuksan ni Tobbie ang dala niyang payong at pinasilong ako.
Hindi ko siya magawang kausapin o kahit sinuman na lumalapit sa akin. Ni hindi ko maalis ang mga mata ko sa nangyayaring panghuling seremonyas bago siya tuluyang ilibing. The excavation for the burial of her body is ready but I just can't let her go yet I can't do anything.
Tita Caroline was whining on the already wet ground when a group of men began went near her coffin and closed it. Gusto kong tumakbo at sulyapan siya sa huling pagkakataon pero hindi ko kaya. Tita Colleen and Maggie started sobbing on their places as they watched the mournful scene. I fight my desire to cry and whined and lash out and become too emotional on this day. I stared blankly at the men who slowly lowered down her coffin on the grave using an equipment.
Ramdam ko ang awa ng mga taong nakatingin sa akin. Do I really look miserable without her? They began to throw soil on the excavation to cover the coffin. Parang pinipiga ang puso sa bawat tapon nila ng lupa roon. Wala ka na ba talaga nanay? Iniwan mo na ba talaga ako?
I never wished for this to happened before. My life way back with her was just simple and peaceful. We we're not living on riches but we're happy because we consider ourselves as our very own treasures.
Sabi ni Madame Sue lahat ay nangyayari dahil may rason and what could it be on my case? Para saktan ako? Para maiwan akong nag-iisa sa mundo kung saan mabilis na tumatakbo ang mga tao palayo sayo? If the reason doesn't mean to harm nor hurt me, then what is it? I couldn't find any because the true reason for my existence is already dead. Her smiles are my cure, her caresses are my comfort and her loving arms are my life but now she's gone with my everything.
Ang ambon ay naging ulan dahilan kaya mas binilisan nila ang kanilang ginagawa habang ang pakiramdam ko'y nanatiling nadudurog at nagdurugo. Pakiramdam ko maging ako'y nawalan narin ng buhay. Nalulungkot ako at nasasaktan na dumating na sa puntong nakakapagod na. Gusto kong magwala pero tila namanhid na ang buo kong katawan. Tila nawalan na ng rason para kumilos.
"Buko, halika na." Hindi ko man magamit ang kakayahan ko sa kanya ay dinig ko sa boses ni Tobbie ang kalungkutan para sa akin pero hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinahihimlayan ni nanay.
Nahimatay si Tita Caroline na ilang gabi naring walang tulog kaya mabilis siyang binuhat ni Tito Joseph na dinaluhan naman nina Maggie at ng iba pa.
Sinubukan ni Tobbie na hawakan ang kamay ko para hilahin ako papunta sa sasakyan dahil mas lalo pang lumakas ang ulan pero iniwas ko iyon sa kanya at mabilis na tumakbo papunta sa libingan ni nanay.
"Coco!" Sigaw niya pero nanatili akong bingi sa lahat ng tawag niya sa akin.
Hindi ko inalintana ang malakas na buhos ng ulan habang tumatakbo papunta kay nanay. Nahinto ako sa libingan niya at lumuhod saka nagsimulang hakutin ang basang lupa gamit ang mga kamay ko.
"Nanay, wag mo kong iwan please. Sige na. Sorry na po talaga. Bumalik ka na please. Magpapakabait na ako." Umagos ang mga luha kong ilang araw ko ng sinubukang pigilan kasabay ng pagbuhos ng mas lumakas pang ulan. Naramdaman ko na ang unti-unting panlalamig ng buo kong katawan dahil basang-basa na ako subalit hindi ako nagpatinag at ipinagpatuloy parin ang paghuhukay.
☠️☠️☠️
"Maaraw po dapat ang panahon sa location natin ngayon pero bakit umuulan?" Nagkatagpo ang mga kilay ni Davica habang tinitignan ang lagay ng panahon sa iPad niya.
Tumango Madame Sue at muling ibinaling ang tingin sa dalagang umiiyak sa di kalayuan habang sinusubukang hukayin ang libingan ng kanyang ina gamit ang maliit nitong mga kamay. Si Apollo naman sa tabi niya ay tahimik na pinapanood lamang ang anak. She knew that he had something up on his sleeves right now kaya hindi ito kumikilos kahit pa binawian na ni Eve ng buhay ang babaeng minahal nito.
"What do you think is happening?" Tanong ni Madame kay Apollo na nanatiling tahimik at pinagmamasdan ang anak.
Alam niya ang nangyayari kahit hindi pa siya sagutin ni Apollo. The sudden change of weather has something to do with Coco and to her empathic ability. Hindi lang siya basta-bastang psychic dahil isa siyang Fandrall at demigod kaya hindi nakapagtataka ang taglay nitong kakaibang kakayahan.
"She'll get through worse." Payak ngunit makahulugang sambit ni Apollo bago tinungo ang labas ng canopy na pinaglalagyan nila at naglakad papunta sa anak nitong nagdadalamhati para sa pagkawala ng ina nito.
☠️☠️☠️
"Nanay, buhay ka pa di ba? Kukunin kita dyan wag kang mag-a-" Natigil ako nang may pumigil sa kanang kamay kong may hawak ng lupa.
Nag-angat ako ng tingin at kaagad na nakatagpo ang mga mata niyang may kakaibang kulay. He squatted in front of me and tears just streamed down more on my cheeks. Kilala ko na ang tatay ko pero sa mundong laging nanghihingi ng kapalit ay hindi mo talaga makukuha lahat ng gusto mo.
"Babalik siya di ba?" Umaasang tanong ko sa kanya.
"She's safe now."
💀💀💀
Please take time to read this.
We all know na nagsimula na ang pasukan and I've already seen my schedule. Hindi gaanong loaded ang units namin at hindi rin ganoon kaheavy ang mga subjects but still my nocturnal self needs to adjust to my 6: 30 a.m. first period class 😭. Ang layo pa naman ng bahay namin sa uni. I cannot tell kung kailan ako makakaupdate and it won't be that fast just like before but I am really giving my best to fill my drafts for the coming chapters each day. Kaya sana pagpasensyahan niyo na kung medyo matagalan ako sa pag-aupdate. Sana maintindihan niyo lahat ng ito. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top