Chapter 46: Land Of Eyes And Teeth (Part 4)

Land Of Eyes And Teeth (Part 4)


"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ni Charlotte sa ate niyang si Caroline nang may ilapag itong piraso ng papel sa ibabaw ng lamesa nila na may nakaimprintang nangangailangan ng mga bagong tauhan ang Hacienda Miranda.

"Tutunawin mo gamit ang mga mata mo. Charlotte naman. Siyempre babasahin mo."

Sa halip na tignang muli ni Charlotte ang papel upang ipakita sa ate niyang binasa na niya iyon ay tinitigan niya lamang ang mga mata nito. Then, she found out that she wants her to apply in there.

"May nakabili na ng Hacienda Miranda at naghahanap ngayon ng mga tauhan iyong bagong may-ari. Kada linggo yong sweldo at siyempre stay in kayo roon pero makakauwi naman kayo tuwing Sabado o Linggo. Mag-apply ka riyan at itigil mo na iyang raket mo na yan dahil delikado na ang panahon natin ngayon."

"Pero manang gusto kong manghula." Giit ni Charlotte na dismayadong inilingan naman ni Caroline.

"Narinig mo naman iyong balita di ba? Yong tungkol sa pinatay na dalaga. Charlotte, bilang ate niyo kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan niyo."

Hindi maiwasan ni Charlotte ang malungkot nang muling maalala ang gabing iyon. Ang gabi kung saan pinagbigyan niya ang huling kahilingan ng totoong Charlotte.

"Charlotte, nakikinig ka ba?" Pag-uulit ng ate niya.

"Manang, may bumili na pala roon sa Hacienda Miranda? Matagal ng binabantayan iyon Manong Hernan ah." Sabay silang napatingin sa bunso nilang kapatid na si Colleen.

Freckles were very visible on her pretty face. Ito ang siyam na taon nilang kapatid. Anak ito ng kanilang ama sa isang Amerikana na hindi na nila mahanap pa matapos nito itong iwan sa kanila.

"Oo kaya nga naghahanap ng mga tauhan iyong bagong may-ari upang may makatulong sa kanyang pangalagaan at pasaganahin ulit iyon."

"Balita ko manang dayuhan daw iyong nakabili. Totoo ba?"

"Oo at binata pa." Tugon nito at nang-iinis na sinulyapan si Charlotte habang tinataas-baba ang kanyang mga kilay.

"Wag mo kong pinabubugaw manang." Pabirong sambit ni Charlotte na ikinatawa lamang ni Caroline.

"Asus. Manang Charlotte naman. Nineteen ka na kaya pwedeng-pwede ka ng magnobyo lalo na't porenjer. Hindi naman namin sasabihin kay itang at inang. At isa pa, hindi na kailangan pang tumaya ni itang sa lotto dahil jackpot na tayo dyan." Pangungunsinti naman ni Colleen na kaagad binatukan ni Caroline.

"Anong jackpot ka dyan? Mag-aral kang mabuti Colleen at kapag nakatapos ka, iyon ang totoong jackpot." Pangaral ng kunyare ay butihin nilang ate.

"Isusumbong kita kina inang at itang manang. Nobyo mo na pala si Kuya Joseph? Lagot ka." Colleen raised her index finger to threatened Caroline before running out from their living room.

"Colleen, gusto mo ba ng puto maya? Bibili kita sa bayan." Wika ni Caroline at sinundan ang bunsong kapatid palabas.

Napangiti na lamang si Charlotte at muling binalingan ng tingin ang papel. Kinuha niya iyon at tinignang maigi. Tatanggapin niya ba? Nangako siyang tutulungan ang pamilya ni Charlotte.

Umihip ang malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas nilang bintana kaya nilipad niyon ang papel. Sinundan iyon ni Charlotte hanggang sa mapadpad siya sa kanilang kusina. Inabot ng babaeng nakaupo sa kabisera ng kanilang lamesa ang papel sa ere at binasa iyon.

"Hacienda Miranda. You know, you should really apply in here." Anito.

Nahinto si Charlotte mula sa paglalakad at sumeryoso. Kailangang walang makahalata sa kanya kahit pa ginamitan na niya ng matinding switching spell ang pagpapalit nila.

"Naalala mo pa ba ako Charlotte?" Nakangiting tanong ng magandang babaeng nakaupo. She can't see her thoughts in her eyes maybe because her mana is limited to other creatures like the moon goddess in front of her.

"Diana." She mumbled recollecting all those whom Charlotte have known. Napangiti naman ang babae.

"Mabuti naman at natatandaan mo pa ako at sigurado akong pati narin ang kasunduan natin."

Tango lamang ang tanging naisagot ni Charlotte. She's Harriet and it's actually the real Charlotte who made the deal with her. Pero siya na si Charlotte ngayon at wala na siyang magagawa pa para tanggihan si Diana.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong niya rito. Harriet's sure that the woman wouldn't be able to know her true identity even if she's the moon goddess.

Isa sa mga ginamit niyang spell ang ipinagbabawal at para sa mga Fandrall na kaedaran lamang niya ay isa iyong bagay na hindi pa nila natututunan sa Salem Institute. Pero dahil ang mga magulang niya ay kabilang sa Council of Magistel ay tinuruan siya ng mga ito ng iba't ibang spells na pawang makapangyarihan because they want her to rise above the rest and to be the best even if they've go beyond the boundaries to the rule of their kind and to righteousness.

"Nasabi na ni Hermes kay Apollo kung nasaan at sa kung anong panahon niya matatagpuan ang reincarnation ni Daphne. Then, I just found out that he made it to the mortal world, changed his name and bought the land to search for her."

"Ibig mo bang sabihin?"

"Ah-huh. Siya ang bumili ng hacienda and I need your help."

💀💀💀

"I also have to tell you something." Pagbasag ni Wren sa katahimikang panandaliang bumalot sa aming lahat.

"Dean Fulgar is a hunter like me and to the family I've grown up with. Natatandaan ko siya noong kasama ni Lolo Samuel sa hunting and he has the gift of time." Pagpapatuloy niya.

"Gift of time?" I asked.

"Yes, matagal na iyon sa angkan nila at siya ang naging tagapagmana nito. He can travel to any other dimensions. He can go back to the past or visit future times."

Wren further explain that maybe just maybe Dean Fulgar was the reason why Poblacion Očiazuby is in another dimensional plane. Marahil ay inalter niya ang time and space na nasa buong lugar upang mailagay ito sa ibang dimension nang hindi siya magtagumpay sa pagpigil kay Nero Novak sa pagsunog sa Očiazuby. The massive arson led to the death of all the Christian dwellers of the place leaving the atheists as undead.

"Dude, kung totoo ang sinasabi mong si Dean Fulgar nga ang naglipat ng Poblacion Očiazuby sa ibang dimensyon ay paniguradong hindi pa siya patay. Maybe he was just held as captive."

"Tama dahil kailangan nila ang sinasabing gift ni Dean para itago ang lugar na ito mula sa iba." Pagsang-ayon ni Taki. She got a point in there but there's something off.

Kasi hindi ba dapat mas pabor iyon kay Nero? Because if the place isn't located in another dimension, the undead would be freed to mankind with an intention of diminishing all those who believe in God.

"O baka pwede ring si Dean lang ang tanging daan para makaalis ang mga undead dito sa lugar na to." Pabulong kong saad.

"I guess you're right." Dagdag naman ni Winona na hindi ko aakalaing sasang-ayunan ako.

"Okay everyone prepare yourself. I think I know where to find Dean." Ani naman ni Professor na umayos na ng upo sa pwesto niya sa driver seat.

"Saan naman Professor?" Tanong ni Taki.

"Sa City Hall."

"Napansin ko ring ang weweirdo ng mga tao roon kanina. Ang aligaga nila. Ang daming restricted room doon kaya limitado lang iyong napuntahan ko." Tumatango-tango namang paliwanag ni Tobbie.

"But guys remember na may mga undead sa paligid kaya hindi ko masisigurong magiging ligtas tayo kaya kailangan nating mag-ingat."

Tumango naman kaming lahat sa paalala ni Professor. Napatingin kaming lahat kay Radicus nang marinig naming kinalabit niya ang gantilyo ng hawak niyang pistol.

"Simulan na ang party." Wika niyang nakangiti.

☠️☠️☠️

"Wren, kanina pa tayo rito. Bakit di natin puntahan si Professor? Baka kung ano ng nangyayari sa kanya." Reklamo ko kay Wren na nakatutok parin ang mga mata sa harapang bintana ng van.

Professor said that he'll take Dean out of there and all we need to do is to stay here. Hindi kami sumang-ayon pero bilin sa amin ni Madame Sue na laging susundin si Professor kaya wala rin kaming nagawa sa huli. He shifted his self into the appearance of the undead landlady and went out of the van. Hindi raw kasi siya mahahalata ng mga iyon at mukhang tama naman siya dahil nang makalayo na siya mula sa van naming nakatago sa madilim na bahagi ay nagsilabasan ang mga undead sa city hall pero mabuti na lang at hinayaan lang siya ng mga ito at hindi sinaktan.

"Ayos lang si Professor maniwala kayo." Aniyang mas ikinainis ko.

"Wren, pwede ba? Halos dalawang oras na tayo rito pero wala paring Professor na lumalabas mula roon! Baka kailangan niyang tulong natin!"

"Coco, huminahon ka lang." Aniya para pakalmahin ako pero lalo lamang akong nagngitngit sa inis sa kanya.

"Mahinahon naman ako ah!" I shouted at his back.

"I'm getting bored here too. I need some fun." Usal naman ni Radicus na nakapatong ang ulo sa kanyang palad at nakatukod na siko. Nakatagilid siya ng higa at mukhang nababagot na talaga siya habang pinaglalaruan ang baril niya.

Hindi lang ako kundi maging ang mga kasama ko ay halatang kinakabahan hindi lang dahil sa mga undead sa labas ng sasakyan namin kundi maging sa hawak niyang pistol na kanina pa nakakasa at kulang na lang ay ang iputok niya.

"Dude, I'm no future seer but I guess it would be better if we'll move and not just wait on whatever's going to happen here. Mukhang may di magandang mangyayari kung mananatili lang tayo rito." Pangungumbinsi naman sa kanya ni Tobbie and I keep on nodding at him. I badly want to mock Wren and say 'see?' on his face but I prevented myself from doing so because it's so unladylike of me.

Namataan ko pa si Winona sa tabi ko na umiiling. My thoughts were probably too loud and unguarded kaya nababasa niya but that's the least of my concern now. Napapikit si Wren para pakalmahin ang sarili niya at tinitimbang kung ikokonsidera ba ang panig namin. Nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago nagsalita.

"Alright then we'll go and save Professor and Dean Fulgar inside. Tobbie, do you know how to use gun?"

"Dude, maniwala ka man o sa hindi ay matalik kong kaibigan ang mga baril ni Tito Ken but sadly I'm not into guns."

"You can use the katana."

"Really?! Nasaan na?!" Excited na tanong ni Tobbie at bahagyang tumalon pa sa pwesto niya.

Nauna ng bumaba si Wren at sumunod naman sina Tobbie at Radicus sa kanya. Bumaba kaagad ako para sabihan sila ng plano.

"Okay guys, all we have to do is to save both Professor and Dean Ful-" Napatili ako bago ko pa man matapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang nagpaputok si Radicus sa likuran ko.

Napalingon ako at kaagad na nakita ang undead na may tama na ng baril sa sentro ng kanyang ulo at nakahandusay na sa malamig na kalsada.

"You say what?" Nang-iinis na tanong pabalik ni Rad. He's obviously not listening! I grabbed my hair frustratedly with my both hands and I groaned in so much annoyance. Kailan ba makikinig ang mga lalaki sa akin?!

Narinig ko pang tumawa si Tobbie na ngayon ay may hawak ng katana. Lumapit narin sa amin si Wren na galing sa likuran ng van na may hawak naring dalawang malalaking rifles. Where did he get those?

"Easy there Coco. Everything's going to be fine. Rad, kunin mo to." Ibinigay niya kay Rad ang isang rifle na ikinalapad naman ng ngiti ng huli. He's seriously creeping me out. He's better sleeping than with guns.

"Wren, paano naman kami?" Tanong ni Taki nang mapansing walang balak si Wren na bigyan kaming mga babae ng mga armas. Kanina pa nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga lalaki at sa mga hawak nila.

"Girls, you don't need weapons. Just stay with Winona and she'll keep you safe."

"That's clearly a manifestation of gender inequality." Nakangiwi kong saad at nilahad ang isa kong palad. "Armas dali."

☠️☠️☠️

Radicus began firing a group of undead who blocked our way from entering the city hall. Wren did the same too and we can hear nothing but gunshots and screams from the undead. Lagi pang nasasapul ni Rad sa gitna ng ulo iyong mga tinitira niya. Si Wren naman ay sinisigurong matatamaan ang mga fatal points ng katawan nila. Tobbie's also doing his part using the katana and I had nothing to do but to unbelievably stare at the piece of wood Wren had given to me as a weapon. Nakakainis! Taki just said that she'll just stick to Winona for protection.

"Coco!" Sigaw ni Winona sa aking ng mapansing binabagabag ko parin ang sarili ko dahil sa natanggap kong armas. Nararamdaman kong naiinis na siya sa akin.

Napairap na lamang ako at hinampas ang mga undead na lumalapit sa aming mga babae na hindi namamalayan ni Winona.

Di nagtagal ay nakapasok narin kami sa loob ng city hall. Our Bluetooth headset was ringing but my members were too busy fighting kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sagutin ang tawag ni Professor.

"Coco!" He shouted and I heard a chain of breaking sounds from the background.

"Professor, okay lang po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. May narinig pa akong nagmura sa kabilang linya at base sa boses ay si Nero Novak iyon. Looks like they're in the midst of fighting.

"Listen, Dean Fulgar's imprisoned in the basement. Tell Wr-"

"I'll go find him." Sansala ko sa sinasabi ni Professor. He'll surely ask Wren to find Dean Fulgar but I'll do it para magkaroon naman ako ng maitutulong sa kanila.

"What? Coco, n-" Hindi ko na pinatapos pa si Professor dahil pinatay ko na ang tawag niya.

"Nasa basement si Dean Fulgar. Ako ng bahala sa kanya." Pagpapaalam ko kay Winona na kahit abala sa pakikipaglaban ay kumunot ang noo.

"Ano? Nasisiraan ka na ba? Løvitúrá!" Pinipilit niya paring sumagot sa akin kahit na nahihirapan narin siya sa mga undead na sumusugod sa amin na kaagad namang tumitilapon palayo dahil sa ginagamit niyang spell.

"Sasama ako." Sambit naman ni Taki na tinanguan ko at dahilan ng pagmumura ni Winona dahil sa pagkakairita sa katigasan ng mga ulo namin.

Mabilis kaming tumakbo ni Taki papunta sa basement. Mabuti na lang at may ilaw pa roon pagkababa namin. The corridor was empty but that doesn't lessen the fear that we're having right now. Kahit hindi ipakita ni Taki ay alam kong natatakot na siya. Kung kanina kasi ay kasama namin ang iba, who are probably the strongest in our group, kaya nakakasiguro kaming ililigtas nila kami pero ngayon ay kami na lamang dalawa. We can only count on each other when danger arises.

Napansin kaagad namin ang silid na may metallic door sa dulo ng pasilyo subalit may mga nakabukas na pinto rin sa bawat gilid bago namin marating iyon. I held onto the piece of wood tightly.

"Handa ka na?" Tanong ko kay Taki na tumango naman. Takot siya pero gaya ko ay gusto niya ring makatulong sa iba. We both don't want to be a damsel in distress that's why we're doing this.

"Tatakbuhin natin ang distansya galing dito papunta sa dulong pinto okay?" Tumango ulit si Taki at nagbilang ng isa hanggang tatlo saka kami sabay na kumaripas ng takbo papunta sa dulo.

Nahinto kami mula sa pagkakatakbo sa gitna ng pasilyo nang biglang lumabas ang isang lalaking undead sa isa sa mga pintuan at humarang sa daraanan namin. Di tulad ng ibang nakita namin kanina ay halos bungo na ang undead na ito at nararamdaman kong nagpupumiyos na siya sa galit.

"Coco." Kinakabahang bulong ni Taki at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Maging ako man ay ramdam narin ang panginginig ng mga tuhod ko sa takot pero sinubukan kong pigilan iyon.

Inangat ng undead ang kanang kamay niya at tinuro kami gamit ang hintuturo niya.

"Kristiyano!" Nakakapangilabot niyang sigaw bago tumakbo papunta sa direksyon namin.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kahoy na dala ko at hinampas iyon ng sobrang lakas sa kanya paglapit niya sa amin. He stopped and his head turned 180 degrees. Surely, it hurts because I heard the cracking of his nerves.

Habol-habol ko ang hininga ko pagkatapos niyon dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Lilingunin ko na sana si Taki at sasabihan siyang ayos na ang lahat pero pareho kaming napaatras nang dahan-dahang lumingon sa amin ang undead at naririnig ko rin ang paglagating ng mga ugat niya sa leeg habang ginagawa iyon. The bloody hell!

Panay ang atras namin ni Taki habang nagpatuloy naman siya sa paglapit sa amin. Tumalikod ako at mabilis na tinulak si Taki patakbo paalis sa lugar na iyon. Narating namin ang hagdanan pero bago ko pa man maakyat iyon ay nahablot na nung undead ang buhok ko.

"Coco!" Sigaw ni Taki pero inilingan ko siya habang hawak-hawak ang buhok kong mahigpit na sinasabunutan ng undead upang pigilan ito dahil sa tingin ko ay matatanggal na iyon sa anit ko.

"Wag! Sige na! Humingi ka ng tulong sa kanila!" I shouted at her but she insisted with tears.

"Please!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Nasa alanganing sitwasyon na ako kaya ayokong pati siya ay madamay. Umiiyak narin ako gaya niya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Nang sa wakas ay naintindihan na niya ako ay tumango siya at tuluyan ng umakyat paalis ng basement. Sumigaw ulit ang undead at bigla na lamang akong hinagis sa malayo. Sa sobrang lakas niya ay tumalsik ako sa pinto sa dulo at nadapa. Ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko at ganoon din ang pag-agos ng kung anumang malapot na bagay mula sa ulo ko.

Nahihirapan na akong huminga at lumala pa iyon ng marinig ko ang mga yapak ng paa niyang palapit sa direksyon ko. Tumatahip na ang kaba sa dibdib ko kasabay ng mga nagkakarerahan kong luha. Natatakot na ako.

But regardless of my condition right now and no matter on what might happen to me, I'm still hoping that God will save me. That He'll make a way to spare me from dying because I know that my time hasn't come yet. I believe in Him and I know that He's listening to me.

I cannot fight back. I can't run nor even walk away for my life and praying is the only thing I could do right now. I silently prayed for my salvation as tears of terror began pooling my eyes.

Ilang sandali pa'y hindi ko na naririnig ang mga yapak ng paa nung undead kaya kahit nahihirapan ako ay inipon ko lahat ng mga natitirang lakas ko upang mag-angat ng tingin pero nagulat ako ng makita ang isang taong nakasuot ng itim na cloak na parang humaharang sa undead na papunta sa direksyon ko. I had even noticed his big bat-like wings. Hindi ko man makita ang mukha niya pero gusto kong magpasalamat sa kanya.

"Salamat." I whispered before closing my eyes.

☠️☠️☠️

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at muli akong napapikit nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Buhay pa pala ako?

Idinilat kong muli ang mga mata ko at sinubukang igala iyon sa paligid. Nasa loob na ako ng van. Dahan-dahan akong napaupo nang mapansing nakahiga pala ako sa backseat na dapat sanay pwesto ni Radicus.

"Coco!" Natutuwang bulalas ni Taki at lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Bumitiw din naman kaagad siya ng mapagtantong may masakit parin sa akin.

"Ayos ka na ba? Mabuti na bang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin na tinanguan ko na lang dahil wala na akong ibang masabi.

"Sandali tatawagin ko sina Professor."

Mabilis siyang lumabas ng van at tinawag ang mga kasama namin. Seconds later, they all flocked inside the van to check on my condition.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Tobbie.

"May masakit pa ba sayo?" Dagdag naman ni Professor.

"What happened to you?"

"You shouldn't went to the basement alone!" Wren and Winona said in chorus respectively.

"I want tea!" Napalingon kaming lahat kay Radicus who uttered a very incoherent statement. He just shrugged his shoulders and keep his mouth shut again after.

"Wait. Pwedeng isa-isa lang? Mahinang kalaban." Sinapo ko ang noo ko kaya doon ko pa lang napagtantong nakabenda pala iyon.

"Kamusta na siya?"

Napatingin ulit ako sa lalaking balbas sarado at may mahabang buhok na kulot na pumasok sa van. Hinila ko ang manggas ng t-shirt ni Tobbie na nasa lalaki narin ang atensyon. Dumungaw siya sa akin kaya tinanong ko na siya.

"Buhay pa ba talaga ako?"

"Oo naman." Nakakunot noo niyang tanong.

"Akala ko kasi siya si Papa Jesus." Or else papasa siyang portrayer ni Jesus Christ dahil sa itsura niya.

"Asa ka namang sa langit ka mapupunta." Nakangising tugon ni Tobbie na inirapan ko naman.

"He's Mr. Dean Fulgar, Coco. When we saw you unconscious at the basement, you were in front of his prison door." Paliwanag ni Professor and Mr. Dean Fulgar smiled in gratitude at me so I returned a 'you're welcome' beam.

"What happened to Nero Novak?" I asked.

"We ended the history about him for good." Seryosong sagot ni Professor.

"Pero paano nangyari yon? I thought he's immortal." I was consumed by skepticism so I inquired.

"Yes but all things have weaknesses that might cause to their death." Tipid ngunit makahulugang paliwanag ni Mr. Fulgar.

I nodded but there's another mystery that baffles me and that's about the person who saved me from the undead that I've encountered...

💀💀💀

Guys, I would just like to thank you because MCTPD ranked 49 in Mystery/Thriller as of 06/08/17. 🎉🎉

Masaya lang ako guys kaya hayaan niyo na kung hindi naman siya ganun kataasan na rank. I'm just happy weeee haha

Anyways, I just found this while searching on the net. The looks, the kind of curl and the way she dresses just match the way how I exactly want Coco to be :)


And this is how I imagined her to look like up close minus the green eyes :)

P. S. It's just my own imagination. You have yours too :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top