Chapter 43: Land Of Eyes And Teeth

Land Of Eyes And Teeth

"Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na." Paulit-ulit kong sambit habang nakaupo sa gilid ng oval at hawak-hawak ang panga kong sa tingin ko ay nadismantle ata dahil sa makailang beses kong pagsubsob sa mga hurdle na kinailangan naming talunan para sa activity namin sa PE.

Naupo sina Taki at Tobbie sa tabi ko at pare-pareho kaming pawis at pagod na pagod dahil sa buwis na buhay na activity namin sa PE.

"Papatayin ata tayo ni Ma'am Ferrer tuwing PE natin e. Buko, pahingi ngang tubig." Inabot ko naman sa kanya ang bottled water kong mabuti naman at may laman pa.

"Si Clay yon di ba?"

Napabaling ako sa oval kung saan tinuturo ni Taki si Clay na walang kahirap-hirap at sunod-sunod na tinalunan ang mga hurdles na nakaharang sa daraanan niya. I was stunned as I follow his every graceful movements with my eyes. For a guy who has so many questions about the world and who seems like cloistered, it's unbelievable that he possessed such strength and endurance to perform strenuous activities like that.

When he's done, he received a massive applause mostly from our female classmates. Matapos ang activity ay tinipon na kami ni Ma'am Ferrer lahat para sa kanyang anunsyo.

"I am so disappointed with the result of this activity. Most of the class failed to reach the passing score except for Mr. Avila and Mr. Petrova who perfected it so I'll be giving them a hundred points for that." Ang unfair! Paano naman po yong panga kong nadisarranged dahil doon?

"Let's call it a day and class dismissed." Ani Ma'am Ferrer at tuluyan ng umalis.

"Taki, tawag ka raw ni Marky. Usap daw kayo sandali." Wika ni Jenny habang nagpipigil ng kilig na tinuturo ang STEM student na masugid na manliligaw ni Taki sa di kalayuan.

Tumayo na si Taki mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang kanyang PE pants. "Guys, puntahan ko lang siya sandali ah."

Tinanguan ko naman si Taki at sinundan siya ng tingin habang papunta sa direksyon ni Marky. Napatingin ako bigla kay Tobbie nang muli niyang agawin sa akin ang bottled water.

"Sa tingin mo sasagutin na siya ni Taki?" Tanong ko na nagpangiwi sa kanya at napahinto sa pagbubukas ng bottled water.

"Di hamak na mas gwapo naman ako dun." Nagulat ako sa isinagot niya at tutuksuhin na sana siyang may crush kay Taki kung hindi lang tumunog ang iPhone ko sa loob ng aking bag.

Inabot ko iyon na nasa gilid saka kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Professor Cameron. Luckily, nasasanay narin ako sa ganoong tawag sa kanya.

"Professor? Napatawag po kayo?"

"Coco, tell your members to come to the clubroom including Radicus- oh! No need. He's here already. May kliyente tayo." Laking pasalamat ko naman sa narinig. Radicus is a Grade 12 STEM student at siyempre hindi pa kami ganoon kaclose kaya medyo awkward pa sa part ko na kausapin siya lalo na't hindi rin naman siya nagsasalita.

"Noted Professor." After that I ended the call and then I turned to Tobbie.

"Pinapapunta raw tayo sa clubroom. I'm gonna inform Wren kaya ikaw ng bahala kay Taki." Panunukso ko sabay kurot sa tagiliran niya. Hinampas niya ang kamay ko at napangiwi.

Nang mamataan ko si Wren sa di kalayuan kausap si Clay ay tumayo na ako at iniwan si Tobbie para puntahan sila.

"Bro, ang galing mo kanina." Wren complimented and raised his right fist for a bump but Clay just tilted his head on the side and blinked three times like as if he's wondering.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong niya rito. Wren was surprised for the sudden query.

Nangingiting napailing na lamang ako at nilapitan sila.

"Ganito ang gagawin mo." I said as I hold his hand and balled it into a fist then raised and bumped it into Wren's fist.

"Hayan na. Fist bump ang tawag dyan. Boys are doing that when they both agree on an idea, compliment each other or just simply to say thank you." Paliwanag ko habang nakangiti at tumango-tango naman si Clay. Naramdaman ko pang naaaliw si Wren sa panonood dito at tuluyan ng napangiti kaya nilingon ko siya.

"Pinapatawag daw tayo sa clubroom." Sabi ko at tumango naman siya. I need to be cool with him even if he's the reason for my heartbreak. We're club members at ayoko namang binabastos siya o si Winona kahit pa ang sama ng ugali nun sa tuwing magkasama kami.

"Okay. I'll just tell Winona." Paalam niya at ako naman ang tumango. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa marating na niya ang bleachers kung saan naroroon si Winona.

"Coco."

Napabaling akong muli kay Clay at naabutan ko siyang nakataas ang kamao. Kumunot naman ang noo ko pero maya-maya pa'y napangiti ako nang mapagtantong gusto niyang magfist bump din kaming dalawa.

"Fist bump tayo." Pagpapaliwanag niya na mas ikinalapad ng ngiti ko.

Hindi ko tuloy mawari sa kung anong itatawag ko sa kanya dahil kung anyo at itsura niya ang pagbabasehan ay walang dudang gwapo siya pero kasi yong mga galaw at mga sinasabi niya ang nagpapacute sa kanya.

"Bakit?"

"I just want to thank you for telling me the things I should know." Sagot niya kaya inangat ko narin ang kanang kamao ko at nakipagfist bump sa kanya. I stared into his oceanic colored eyes and see nothing but innocence paralleled with recondite and bottomless secrets. Then there's this question again that keeps on bothering me. Why are you really like this?

☠️☠️☠️

"I am Heidi Soriano and this is my friend, Meredith Fulgar and she needs your help." Pagpapakilala ni Heidi sa sarili niya at sa kaibigan niyang si Meredith na kanina pa hindi mapakali. They're both Grade 9 students.

Nasa clubroom kaming lahat ngayon at pinapakinggan ang pinakaunang humihingi ng tulong namin bilang isang club. Professor Cameron's on my table sitting and listening intently to our guest. Nasa kamay ko rin ang aking maliit na memo notebook at signpen upang magtala ng mga impormasyong makakatulong sa amin.

"How can we help you Ms. Fulgar?" Marahang tanong ni Wren sa bisita namin. Nakakatawang isipin na nauna si Radicus sa amin dito sa clubroom upang maidlip lamang. Nasa mini dining room siya ngayon at nakatungo ang ulo at natutulog habang nakaupo.

Kanina ko pa napapansin na hindi mapakali at panay ang galaw ng mga mata ni Meredith sa bawat sulok na para bang natatakot siya at kinakabahan and I can really feel it. But not because she's afraid of us, this girl must have been gone into an upsetting event in the past. She's vigilant and always on lookout for danger, a clear symptoms for psychological trauma but I still need to make some confirmation. Patawarin niya lang sana ako sa gagawin ko kung talagang natrauma nga siya. Nang makita ko ang maliit na vase na nasa gilid ko ay nakaisip agad ako ng plano. Bibili na lang ulit ako ng bago. Maingat ko iyong siniko upang hindi nila ako mapansin habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Heidi tungkol sa napapansin niya sa kaibigan niya.

Nang malaglag iyon ng tuluyan ay lumikha ng tunog ang pagkakabasag niyon kaya napatayo bigla si Meredith sa kinauupuan niya at nagpalinga-linga. Tatahakin na nga sana niya ang daan palabas kung hindi lang siya hinawakan ni Heidi sa kanyang kamay para pigilan siya sa pag-alis. Panic attack. Confirmed that she's traumatized.

"Sorry. Sorry talaga." I said trying to sound really sorry at tumayo upang kuhanin ang dustpan at walis tambo.

"Calm down Ms. Fulgar, everything's fine so please tell us your problem and we'll promise to help you." Rinig kong sabi ni Professor Cameron habang nagwawalis ako ng mga bubog nung vase na siniko ko. His voice sounds so soothing to calm her down I guess.

Nilingon ko ang banda ni Meredith at nakita kong huminahon na siya saka umupo sa tabi ni Heidi. Itinungo niya ang ulo niya at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Galing kami sa Poblacion Očiazuby ng pamilya ko. Isang taon din kaming nanatili roon kahit na may kakaiba kaming napapansin sa lugar na iyon. Nakakatakot. Nakakatakot ang mga tao roon." Natulala si Meredith at hindi na natapos pa ang pagkukwento. Tinignan ko si Professor at inilingan ko siya ng dumapo naman sa akin ang mga mata niya para iparating sa kanyang wag ng pilitin si Meredith sa pagkukwento.

"Ms. Soriano, hindi namin makakausap ng maayos si Ms. Fulgar kaya sana ay ikaw na lamang ang sumagot sa mga tanong namin. Wren." Pagtawag ni Professor sa atensyon ni Wren.

"Heidi, anong nangyari kay Meredith?"

"Hi... hindi ko alam pero ang lagi niyang sinasabi sa akin ay natatakot daw siya."

"Ano namang kinatatakutan niya?"

"Hindi ko talaga alam. Madalas kasi siyang tulala pero lagi niyang binabanggit ang tungkol doon at sa tuwing tinatanong ko naman siya ay lagi siyang umiiyak."

Natigil ako sa pagwawalis at pinanood na lamang sila nang maramdaman kong hindi na alam ni Wren ang gagawin sa kanila dahil hindi naman sila makausap ng matino.

"Heidi, bakit niyo hinihingi ang tulong namin?" Marahan paring tanong ni Wren sa kanya.

"Kasi naaawa na talaga ako kay Meredith. Ang sabi niya kasi ay hindi raw siya makatulog sa gabi sa pag-aalala sa tatay niyang naiwan sa Poblacion Očiazuby para iligtas sila. Kailangan daw nito ng tulong."

"Bakit hindi kayo nagpatulong sa mga pulis?" Nakisali narin si Winona sa pagtatanong para tulungan si Wren.

Kami naman nina Taki at Tobbie ay tahimik na nakikinood lang samantalang tulog parin si Radicus.

"Sa tingin niyo hindi ko sinubukan?" Medyo tumaas na ang boses ni Heidi. Maybe because she's thinking that we'll treat them the way that the policemen they went to did. Ramdam ko ang namumuong inis sa kanya. Hindi rin naman nagpatalo si Winona at nagtaas din ng kilay. Jusko naman.

"We're just asking kaya wag mo kong pagtataa-" Bago pa man matapos ni Winona ang sasabihin niya ay mabuti na lang at nahila na siya nina Taki at Tobbie papunta sa dining room at pinaupo roon kasama ni Radicus.

"Anong nangyari Heidi matapos niyong humingi ng tulong sa mga pulis?" Seryosong tanong ni Wren at alam kong may ideya ng namumuo sa isipan niya ngayon.

"Pinagtawanan nila kami kasi wala naman daw lugar na Poblacion Očiazuby. Baka raw nasa labas yon ng bansa." Naiinis na tugon ni Heidi. Marahil ay naaalala niya iyong tagpong iyon.

Nagkatinginan sina Wren at Professor na para bang nagkakaunawaan sila sa isang ideya. Maging si Winona ay natahimik din.

"Kung galing si Meredith doon ay wala ba siyang mga documents na nagsasabing mayroon talagang ganoong lugar? I mean pwede iyong mailagay sa address niya noon and nagtagal siya ng isang taon doon so probably nakapag-aral siya roon." Suhestiyon naman ni Tobbie na inilingan ni Heidi.

"Supposedly, Grade 10 na sa taong to si Meredith pero hindi siya nakapasok noong isang taong naroroon pa sila dahil ayaw daw niya kaya wala siyang kahit na anong records na magpapatunay nga ng lugar na iyon at isa pa binago raw ng nanay niya ang dating address nila upang makapagsimula sila ng bagong buhay gaya narin ng gusto ng tatay niya."

"So you want us to bring her father here?" Tanong ni Taki.

"Please save my father." Pumatak ang mga luha mula sa mga nakatulalang mata ni Meredith. Nararamdaman kong nagmamakaawa siya sa amin na gawin iyon kahit pa hindi namin nakikita sa itsura niya ngayon ang ganoong emosyon. Natatakot at nangangamba siya sa kalagayan ng kanyang ama.

"Please."

☠️☠️☠️

Sabay kaming bumaba ni Taki mula sa mala-attic style na second floor ng cabin na ibinigay sa amin ni Madame Sue. Pareho na kaming nakabihis at may dala naring mga backpack. I'm sporting on a swing stripe short sleeved tee at denim jogger pants. Nakaboxer braids naman ang buhok ko. Taki's wearing a long sleeves na tinernuhan niya ng simpleng jeans. Nilalamig daw kasi siya. Who wouldn't be? Pasado alas kuwatro pa lang ng umaga pero babiyahe na kami papuntang Poblacion Očiazuby. Sabi kasi ni Professor ay posible raw na nasa ibang dimensional plane ang lugar na iyon at ang kwento naman ni Wren ay mga bandang alas singko raw madalas magbukas ang mga portals papunta sa kabilang dimensyon.

Nakakatawa't pareho silang hindi sigurado basta raw ay dire-diretso lang kami ng takbo. Baka mamaya'y hindi na namin mamalayan na naroroon na pala kami. Ano na lang kayang mangyayari sa amin pag nagkataon?

Nang tuluyan na kaming makababa ni Taki ay hindi ko parin maiwasang mamangha sa cabin na tinutuluyan namin kahit pangalawang araw na namin ito rito.

The place was so just so relaxing and eye pleasing. Ang mga sahig sa first floor ay gawa sa hardwood samantalang binubuo naman ng mga kawayan ang pangalawang palapag na siyang tinutulugan namin. Nasa magkabilang gawi ang kwarto ng mga babae at lalaki. The boys are on the left side while we are staying on the right and it's being separated by a wall in between kaya mayroong dalawang hagdanan para sa magkabilang parte nito. The left wooden staircase leads into the sala kung saan naroroon din ang study corner namin na napalilibutan ng mga bookshelves. May whiteboard at pin board din doon at mahabang mesa kung saan pwede kaming mag-aral o magplano tungkol sa mga kaso namin. Nasa first floor din sa bahaging iyon ang kwarto ni Professor at ang coffee bar.

The right side leads into the kitchen with unique ceiling design and dining room. Ang parehong kwarto naman naming mga babae at lalaki ay may long platform bed na kasya kahit ilan kami. Namangha naman ako ng mapag-alamang may walk in closet din kami na may mga damit at gamit na. Ang ilan pa roon ay mga uniporme ng iba't ibang propesyon na marahil ay kakailanganin namin sa pagdating ng araw. Natuwa rin ako sa jacuzzi na nasa bathroom naming mga babae.

There are firefly string lights on our room that made it look pretty ethereal. May mga color-changing light cubes din sa sala na umaaliw sa akin sa tuwing pinapailaw nila ito sa gabi. We also have an outdoor dining room na sementado ang table at kahoy naman na mga upuan na sinadyang gawing parang bahaging naiwan matapos putulin ang isang puno. May fire pit din at magandang landscape ang labas ng cabin. Ms. Davica assured us that we're safe in here dahil sa protection spell na ginawa niya sa paligid. Ah, this is life in pleasure and in harmony with nature.

Nagtimpla at uminom muna kami ni Taki ng kape para mainitan naman ang mga sikmura namin. Then after a few while, the boys went down from their room and asked for a cup of coffee except for Radicus na nanghingi ng tsaa. Sa loob ng dalawang araw ay ngayon ko lang siya narinig magsalita and Taki was right that he's from England. He has this thick British accent that made me conclude that he's been raised and grew up in there yet there are some points in where his accent have mixed with the one the Filipinos have. Halata rin na madalas ang pagbisita niya rito dahil sa impluwensya niyon sa tono niya at accent sa tuwing nagsasalita.

Maya-maya pa'y lumabas narin si Professor sa kwarto niya at dumiretso na sa dining room at naupo roon. Lumapit naman agad ako sa kanya at ibinigay ang kapeng tinimpla ko para sa kanya.

"Don't worry, walang creamer yan Professor." Inunahan ko na siya dahil alam kong hindi siya naglalagay ng creamer sa kape niya. Napansin ko iyon kahapon at kagabi.

"Thanks Coco." Aniyang nakangiti. He's crossing his thighs while raising his cup of coffee and he really drink like a dignified Englishman. Marahil ay dahil iyon sa pag-aaral niya sa ibang bansa.

Huling bumaba si Winona at kaagad na ininom ang kape niyang lumamig na ata pero hindi na siya nagreklamo pa dahil alam niyang mas matatagalan lang kami.

"Everyone check your important things first before entering the van." Paalala ni Professor sa amin bago kami lumabas.

Napakurap naman ako ng lagpasan ako ni Radicus na wala man lang dalang kahit ano maliban sa sarili niya. Dali-dali kong isinara ang zipper ng backpack ko at isinabit na ang mga strap nun sa magkabilang balikat ko saka hinabol si Radicus na papasok na ng itim na van na regalo sa amin ni Madame Sue.

Saglit akong natigilan sa hamba ng pintuan niyon dahil sa sobrang gara ng dating ng looban nito. Ibang-iba ito sa inaasahan ko. Grabe ang yaman ni Madame ah! Ang galante rin. Pamigay ba naman ng ganito?! Ngayon alam ko na kung bakit Brilliant Van ang tawag dito.

Nagpailing-iling naman ako at tuluyan ng pumasok sa loob para tanungin si Radicus na pumwesto na sa pinakalikurang upuan.

"Rad, don't you have anything important to bring?" I asked but he just shrugged his shoulders at nahiga na roon. Dahil sa laki niyang tao ay naokyupa niya ang buong likuran. Maya-maya pa'y pumasok narin sina Taki at Winona sa loob.

"Ano ba?! Bad dog! Bad dog!" Sumilip ako sa nakabukas na pinto at naabutan kong nakikipag-away na naman si Tobbie sa aso ni Wren na si Psalm.

Kagat-kagat kasi nito ang manggas ng pantalon niya at mukhang ayaw pang bumitaw.

"Tobbie halika na!" Tawag ko sa kanya.

"Wren, yong demonyo mong aso pinoprovoke akong gawin siyang barbecue! Hindi kami nag-almusal kaya kumakain ako ng kahit ano so don't me doggie!" Napairap na lang ako sa hangin dahil muli niyang kinausap ang aso.

"Let's go Psalm!" Pagtawag ni Wren sa aso na kaagad namang tumakbo papunta sa kanya. He'll be sitting on the front seat together with Professor.

Tumakbo na rin si Tobbie papunta sa amin at pumasok na saka isinara ang pinto ng van.

"Ready na kayo?" Tanong ni Professor na nakaupo na sa driver seat at mukhang handa ng magmaneho.

"Aye! Aye Captain!" Masiglang sagot ni Tobbie sabay saludo pa.

"Hindi ka rin excited ha no?" Panunuya ko sa kanya.

"First time to Buko. First time." Kumunot naman ang noo ko sa pinagsasasabi niya.

"Na ano?"

"Na wala akong almusal huhu." He said and faked his tears.

Dinig ko pa ang marahang pagtawa ni Professor sa harapan bago niya binuhay ang engine ng sasakyan.

"Brace yourself everyone dahil kailangan nating maabutan ang portal papuntang Poblacion Očiazuby."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top