Chapter 41: Whole Day Mishaps
Whole Day Mishaps
I looked at my reflection on the mirror. Tumalikod ako saka sinilip ang flower braid na ginawa ko sa aking buhok. I smiled to myself because I got the look I just exactly want. Kinuha ko ang gray chain shoulder bag ko at sinabit iyon sa aking balikat saka umalis na ng dorm. Sinadya kong dito matulog kagabi dahil first period namin ang pinakapaborito kong guro sa German Language at ang aming Homeroom teacher. Ayoko na kasing malate at baka maging google translator na naman ako ng wala sa oras kaya nagtiis talaga ako sa nakakairitang mukha ni Winona.
Pagdating ko ng classroom ay walang lingon o ni tapon man lang ng tingin akong ginawa sa banda ni Wren saka dire-diretsong nagtungo sa pinakalikuran.
"Paeng, dun ka na." Utos ko sa katabi ni Tobbie sa pinakalikurang hanay. Mula sa paglalaro ng bola sa kamay niya ay umayos ng upo si Paeng at nang-aasar akong nginitian.
"Ilang araw ka ng dito umuupo ah. LQ parin kayo ng crush mo?" Tanong niya sabay nguso kay Wren. Maya-maya pa'y nagtawanan sila ng lintek kong bespren at naghigh five pa.
"Ha-ha nice joke. Lumipat ka na ron dali." Mataray kong sagot sa kanya habang nanatili paring nakatayo sa harap niya. He sighed, an outward sign and admission of defeat, and that means I won.
Tumayo na siya at naglakad papunta sa upuan ko kaya ibinaba ko ang mga hawak kong libro sa desk niya saka naupo narin ako sa dapat sana'y upuan niya. Naabutan ko ang malungkot na mga mata ni Wren na nakatitig sa akin. He's sad because he feels sorry for me and not because of reasons I want to think that he does. Isinentro ko ang tingin ko sa harap dahil hindi lang siya ang problema ko sa ngayon. Nag-iisip din ako ng palusot kung sakaling malaman ni Professor Vayrus na hindi ko sinunod ang seating arrangement.
"Uy! Balita ko ngayon daw papasok ang bagong kaklase natin na galing sa Romania."
"Talaga? Lalaki ba o babae?"
"Lalaki raw."
Tumaas naman ang kilay ko habang sinasagap ang mga chismis sa paligid. My female classmates feel excited for something I don't know samantalang normal lang naman yong mga lalaki na nagpapayabang ng kung anu-ano tungkol sa basketball.
"Taki." Kinalabit ko siya na nasa unahan ko kaya napalingon siya sa akin.
"Ano yon Coco?"
Lumapit ako sa kanya para mas magkausap kami ng maayos.
"May bago tayong classmate?" Tumango naman siya.
"Pwede ba yon? E ilang linggo na ring nagsisimula ang second sem ah."
"Ewan ko nga e. Siguro sobrang yaman nun kaya pinayagang lumipat dito." Sa bagay. This is a private institution after all. Tumango-tango ako at napaayos na ng upo ng pumasok na si Professor Vayrus. Ganoon din ang ginawa ng iba ko pang mga kaklase.
"Guten morgen klasse!" Bati sa amin ni Professor Vayrus pagpasok niya ng classroom.
"Guten morgen professor." Sabay-sabay naman naming tugon. Parang kindergarten lang e. Ganito ang epekto ni professor sa amin. We shrunk into puppies.
"As what I told you in our previous class, you will be meeting your new classmate today. Help me welcome him." Nakangiting wika ni professor.
Lumingon siya sa pintuan at nakangiting tinanguan ang kung sinumang naroroon. Pigil-hininga ang ginawa ng mga kaklase kong babae ng pumasok siya. Tila natameme ang lahat at tanging ang tunog lamang ng mamahalin niyang itim na Italian shoes ang maririnig ng maglakad siya sa harapan at nahinto sa tabi ni professor.
The girls' mouth agape while looking at him. Maging ako man ay nagulat. He stood in front wearing his uniform on with his undeniable princely stance. He also has this both calmness and coldness on his presence. Hindi rin nawawala ang semi dangling niyang hikaw na may bughaw na bead sa kanyang kaliwang tenga. I sensed that the females in the class are suddenly swooning over him. Who wouldn't be anyway? He's like a blonde masterpiece drawn by a virtuoso that is set out to become a wonderful sight and present to women. It's Blondie! Cor blimey!
Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang bawat pagkurap niya habang sinusuyod ng tingin ang buong classroom. Bakit para sa akin ang cute niya parin? Ganoon din kasi ang ginawa niya habang nakatitig at nakikinig sa kapitan noong unang pagkikita namin.
"You may introduce yourself." Professor Vayrus encouraged him to speak up.
"I'm Clay Petrova."
Nangingiti akong napapikit dahil sa boses niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bakit ang cute niya? Para siyang inosenteng bata kung magsalita. I felt that everyone in the room most especially the females are anticipating for him to resume his introduction but he didn't. Nainip ako sa kakaantay na pakinggan ang boses niya kaya dumilat ako at kaagad na nakatagpo ang bughaw niyang mga matang kumurap pa ng tatlong beses habang diretsong nakatingin sa direksyon ko. Ang sarap niyang kurutin sa pisngi!
Nang mapagtanto ni professor na yon lang ang gagawing pagpapakilala ni Blondie ay pinaupo na niya ito sa tabi ko na siyang bakanteng upuan. Nagsimula namang magbulong-bulungan ang mga kaklase kong babae habang sinusundan ito ng tingin. Ang ilan pa kala mo naman kung sinong mga nobya at asawang makapanlisik at irap pa sa akin.
"Sumasabay talaga sa panahon tong biniyak na buko e. Lumipat ng upuan kasi alam niyang may gwapo tayong magiging classmate." Napairap na lang ako sa hangin dahil sa bulong ng isa. Binulong mo pa talaga! Ang immature nito. #Insecurity #FeelingFroggySiAteng
"Okay class, pass your assignment in front." Halatang nasa good mood si prof pero assignment?
"And Mr. Petrova, since it's still your first day, it's alright if you just pass it tomorrow." Nakangiting paalala ni professor kay Clay. Pero seryoso, anong assignment namin?
"Yes sir."
"Anong assignment?" Pabulong kong tanong kay Tobbie sa tabi ko. Pinasa niya muna ang yellow paper niya saka ako binalingan.
"Nakalimutan mo na? We need to choose an English article tapos itatranslate natin yon sa German."
Nalaglag ang panga ko sa sagot ni Tobbie. Hindi ko nga pala nakopya yon sa white board kahapon kaya pagdating ko sa dorm room ay akala ko wala kaming assignment dahil pagbukas ko ng binder ko ay wala naman akong isinulat! I slapped my forehead for such stupidity.
Nasulyapan ko pang binibilang na ni professor ang mga yellow paper. The bloody hell! I'll get caught! Lumapit ako ng kaonti kay Tobbie para bumulong.
"Wala ka bang extra dyan?" Tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya. Lumapit din siya sa akin para bumulong.
"Buko, ano ka ba? Hindi ako gumagamit ng napkin."
I groaned because of annoyance. Naagaw tuloy namin ang atensyon ng iba including Professor Vayrus!
I sat properly on my seat yet I feel miserable as hell because of his censorious stare. Bahagyang dumulas sa ilong niya ang salamin niya habang nakatingin sa akin. Adding more effect on his intimidation. Inayos niya iyon at napasinghap ako nang unti-unti na siyang maglakad papunta sa gawi ko.
"I wouldn't ask anymore on who among you failed to make their homework."
Nagulat ang kaklase kong nagbabasa ng pocketbook ng kuhanin iyon ni professor sa kanya ng madaanan siya nito. Naramdaman kong parehong nagulat at napahiya ang kaklase kong iyon dahil sa ginawa ng aming guro kaya napaayos siya ng upo samantalang napalunok naman ako.
"Ms. Quizon." Awtomatiko akong tumayo ng marinig ang boses niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.
"Sir yes! Sir!" Napapikit ako sa hiya nang magtawanan ang mga kaklase ko. Mas matindi pa siya kay Madame Seydoux!
Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang ibinaba ang hawak nitong pocketbook sa ibabaw ng desk ko.
"Do you want to say anything?" Panghahamon ni professor sa akin.
"I'm sorry professor but I don't have an assignment."
"And why is that?"
"Nalimutan ko po." Nakayuko kong tugon.
"I will give you another chance." Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya kaya nag-angat ako ng tingin. He's not that bad after all!
"But I guess it would be more unfair for your obedient classmates if I give you the same homework as to them." He stated giving emphasis on the word 'obedient'.
Tinapik-tapik niya ang pocketbook na nakapatong sa desk ko.
"So I want you to translate the contents of this in German. Manipis lang naman to e." Napanganga ako sa sinabi ni professor.
Tinuro ko iyong pocketbook saka iyong sarili ko ng nakaawang ang bibig. Gusto kong magreklamo! Gusto kong magprotesta! Gusto kong maglumpasay sa sahig! Anong manipis?!
"It's either you take it or you leave it but if you choose to have the latter then I will mark you failed without blinking, how do you like that?" Sobra ka naman prof!
Kinuha ko ang pocketbook sa desk ko at binuklat-buklat ito.
"Kayang-kaya ko po to! Parang ang nipis lang nito e!" Wow. I tried to make my voice sound excited as I say those lies. Professor Vayrus smirked and was about to leave but he faced me again.
"By the way, that's not your proper seat and as punishment, you'll sit there all throughout the semester." No problem. Tatalikuran na sana niya ako subalit bigla niya ulit akong hinarap. Ano na naman?!
"You can share to Mr. Petrova the lessons that we had taken up while you do your assignment and I'll give you additional points for that." Ang pagtango na lamang ang tanging nagawa ko sa utos niya sa kabila ng mga pabulong na reklamong naririnig ko mula sa mga kaklase kong babae.
☠️☠️☠️
"This is the school cafeteria and I bet you already know what's in there." Pagpapaliwanag ko kay Clay na tango naman ng tango habang nakatayo kami sa labas ng cafeteria.
Professor Vayrus also asked me to tour him around the campus. Tinatamad ako at the same time ay natutuwa sa kanya habang nagpapaliwanag. Tango lang siya ng tango at mahahalata mo talaga ang pagtataka sa kanya dahil kumukurap siya ng maraming beses which I find very cute.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingala siyang nakatitig naman sa cafeteria. We can be good friends. Napawi naman ang ngiti ko nang dumapo ang mga mata ko sa dalawang taong magkasamang papasok sa entrance ng cafeteria. She's snaking an arm around his left arm and they were all smiles as they strode all the way inside the cafeteria. Sad to say for me but they're happy with each other's company. Sino ba namang malulungkot kung ang mate mo na ang kasama mo? Mate na ang ibigsabihin para sa mga katulad ko ay totoong pag-ibig, forever at one and only. I smiled bitterly to myself.
I know that it's not right to hold grudge on them but I just can't help it. Masisisi ba nila ako? Nasaktan ako e. They're happy in each other's arms while I was left in mess alone. I was left in broken pieces because of my love for Wren.
"You like him." I lifted my gaze on Clay whose eyes was still fixed on the cafeteria. He's not asking me. It's a statement with certainty.
"Alam mo ang chismoso mo." I said and he turned to me. He titled his on the right side kaya pati yong hikaw niya ay gumalaw din.
"Anong ibigsabihin ng chismoso?" He asked then blinked for three times after.
Marunong naman siyang magsalita ng Tagalog pero bakit ganun? Parang ngayon lang siya nakaranas ng maraming bagay kaya madalas siyang nagtataka at namamangha. So far, those are the only emotions I felt from him. Seems like he was cloistered from the world for a long time. Napabuntong-hininga ako.
"Chismoso in my own dictionary means nakikisali bigla o nakikiistorbo sa isang usapan o sa buhay ng isang tao. In English, it is used by Filipinos to address those who are meddling in one's business. Chismosa naman ang tawag sa mga babaeng ganoon." I explained and he nodded.
"Tara punta na tayo sa rooftop. Doon na lang tayo mag-aral."
☠️☠️☠️
Clay's currently searching for an article to translate on his iPhone while I started translating the contents of the pocketbook after reading it. Madali siyang turuan at sa tingin ko ay matalino naman siya dahil kung minsan ay nalilimutan ko yong ilang mga German words kaya tinitignan ko ulit sa dictionary na dala ko pero siya kabisado na niya kaagad kahit isang tingin at sabi ko lang nun.
Napahinto ako sa pagtatala ng translations sa yellow paper ko at napatingin sa mga speakers na nasa paligid ng rooftop ng tumugtog doon ang isang pamilyar na awitin na gawain ng mga nasa broadcast team tuwing lunchtime.
Anong ligaya ang nadarama
Pag ika'y kasama na
Puso ko'y walang pangamba
Sinikop ko ang buhok kong hinihipan ng pantanghaling hangin. Memories of us together flooded my head. Ganitong-ganito rin iyon e. The moment when I asked him to join the Mystic Club.
Pangako ko
Pag-ibig ko'y iyong-iyo
Saan man makarating
Ikaw lang ang mamahalin
That's when I had the courage to faced and to talked to him at yon din ang panahong umasa ako na pwedeng maging kami. Masaya ako noong mga oras na iyon dahil napansin niya rin ako pero umasa lang pala ako sa bagay na hindi kailanman mangyayari.
Habambuhay,
Ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa habambuhay
Sumpa ko'y ikaw lang walang iba
"Pangako ko ito habambuhay." I sang in whisper.
Ayoko na. I am already done on the part where I waited for him because I'm hoping that there could be an us together but fate slapped me real hard in the end for being a fool in believing. In the game of love in which we played, I was titled as the bummer and Winona was the one who's able to won his heart then realization hit me, it was never mine on the first place.
"You love him."
Napabaling ako kay Clay na nakatitig narin sa akin. Masyado ba akong obvious?
"Clay bakit dito ka nag-aral?" I asked trying to change our topic.
"My mother wants me to be here." Sagot niya at nag-iwas ng tingin. Nakakagulat dahil biglang naging malamig ang nararamdaman niya na naramdaman ko naman dahil sa kakayahan ko.
"Maybe you have a happy and complete family. Lumaki ka kasing ganyan. Yong tipong binibigay sayo lahat." That's one of the things I've noticed on him.
"Is that how you humans measure happiness? Through material and tangible things that you possesses? Is your definition of a complete family means always being happy with the people you're with at home?"
Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanyang nakatingin lang sa kawalan. Bakit ganun siya? I feel like he has a lot of questions about life and humanity but he just can't voice it out.
"You talk as if you're not human." Pabulong kong tanong pero mukhang narinig niya iyon kaya siya napabaling sa akin. May naramdaman akong kakaiba ng mapatitig ako sa bughaw niyang mga mata. Staring into his deep seated blue eyes was like diving into an abyss of secrets and danger.
"Tell me, what does it means to be human?" He asked and for a second or more, my mind was filled with confusion and disarray causing my tongue to back off in stating any indefinite answers.
"I don't k-"
"Clay, you're here! I've been looking for you everywhere!"
Pareho kaming humarap sa boses ng babae na tumawag sa kanya. Natigilan si Bethany nang makita ako. I smiled at her because it's been a long while since the last time I saw her. Pero nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa amin ni Clay kaya sabay na kaming tumayo mula sa pagkakasalampak namin sa sahig ng rooftop.
"Let's go Clay. Your mother will not be glad if she'll know about this."
I was surprised to see her stoic face when I turned. I've never seen her before like this and the patent hostility on her voice and tone didn't escaped my sensitive ears. Naglakad siya palapit kay Clay at hinawakan ito sa kamay saka hinila na.
"Magkaano-ano kayong dalawa Bethang?" I asked then she halted on her steps but didn't turned to look at me.
"He's my childhood friend so if you'll excuse us."
"Bethany." Muli siyang nahinto at tiningala si Clay. I felt that she softened upon hearing him called her name.
"What is it?" Malambing niyang tanong dito.
"Chismosa ka." Napakurap ako dahil sa winika ni Clay and he sounded so innocent at that. An amused smile escaped from my lips. Bakit ganun siya?
☠️☠️☠️
Pagkatapos akong iwan ni Clay kanina ay napagdesisyunan kong magtungo na lamang sa clubroom. Namiss ko na ang club ko dahil ilang araw narin akong hindi bumibisita roon.
Pinihit ko ang seradula ng pinto at binuksan iyon agad nang mapansin kong hindi iyon naka-locked. My members must be inside. Natigilan ako sa mga mukhang nabungaran ko roon. They're really here with additional guests. There's a guy with spectacles sitting alone on one couch while reading a thick book. Nakacrossed ang mga hita niya and he has a mesomorph body built in which made me conclude that he's strong even in physical matters.
'He's Radicus Walker, Madame Sue's son.' Pagpapakilala ni Winona sa lalaki sa isipan ko. So, he's the son of the university's owner.
Kinalma ko agad ang sarili ko nang makita ko si Winona na nakaupo sa swivel chair ko pagpasok ko ng tuluyan sa loob. I made a straight face as I compete with her on a staring contest.
"What are you doing here?" Malamig kong tanong sa kanya. Ramdam ko ang mga titig nina Taki, Tobbie at Wren sa akin pero mas pinili kong hindi sila pansinin. Radicus' eyes was still bore on the book that he's reading and my final assessment on his character is that he's the type who don't actually give a shit on anything.
"I'm starting to do my duty as the new president of the Mystic Club." She replied and I balled my fists when I sensed that she's telling the truth.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top