Chapter 4: Faith Healer or Killer?

Faith Healer or Killer?

"Wren, our club door is still open for you if ever you change your mind. I'm pretty sure of that, once you realized how stupid those losers are."

Kanina pa ako naririndi kay Winona. No scratch that. Kagabi pa siya nagpaparinig ng tungkol sa paglipat ni Wren sa club namin. Paulit-ulit siya na pagsisisihan ni Wren ang pagsali samin. Nakakainis dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kung anong binulong-bulong niya na panlalait doon sa dorm namin. Nakakainis dahil kahit na lumipat na sa amin si Wren ay ang lambing parin ng boses nito na sa halip na magalit ay para itong nagmamakaawa na bumalik ito sa kanila. Naiinis ako dahil sa amin ni Tobbie niya binubunton lahat ng sisi at gigil niya sa nangyari. Masyado naman ata siyang assuming kung iniisip niyang forever inseparable silang dalawa ni Wren.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakasubsob ng ulo at mga braso ko sa ibabaw ng lamesa ng cafeteria. Wren's silently eating his favorite snack samantalang abala naman si Tobbie sa kakatingin sa laptop niyang may tatak na Vaio.

Hinalungkat ko sa loob ng aking shoulder bag ang compact mirror ko at nang makita ko iyon ay pinagmasdan ko ang ilalim ng mga mata ko. Geez. I don't like bags under my eyes. Inayos ko rin ang paglalagay ng mga bobby pins sa right side ng aking buhok.

"I think I just found a new case with paranormal twist for us to solve." Tobbie declared cheerfully.

I shut my compact mirror closed and stared at him with my eyes narrowed into slits. Maging si Wren ay nasa kanya narin ang atensyon.

"Ano na naman yan, Tobbie ha? Kaya pala sobrang busy ka dyan e."

"You two, take a look at this."

Hinarap niya sa amin ang laptop niya. Isang online newspaper ang bumati sa aming mga paningin ni Wren. Binasa ko ng mabuti ngunit mabilisan ang nakalagay doon bago itinuon ang atensyon sa malapad ang ngiting si Tobbie.

"What makes you think that there's something off with these deaths?"

Kung babasahin kasing maigi ang report ay tungkol lamang iyon sa mga taong may karamdaman na binawian na ng buhay and the whole article was actually persuading others to take good care of their health and lifestyle. Ang una ay namatay dahil sa tuberculosis while the second one died due to lung cancer. The third due to STD and the last one died because of having a coronary heart disease. I don't find any supernatural intervention in those infos.

"I've done a further research on this and I found out on their medical records na gumaling na ang mga ito. Kahit nga ang mga doktor ay nagsabing isa raw himalang biglaan na lamang nawala ang mga sakit nila. Unfortunately, they passed away recently. Nakapagtataka di ba?"

"Malay mo naman bumalik lang yong sakit nila di ba?" I voiced out my thoughts.

"Do these people have something in common?" Wren asked all of a sudden that's why our attention darted on him.

"Actually, bago gumaling ang mga to, they all went to the same faith healer named Apo Segundo."

"Faith healer? Gaano naman kareliable yan?" I asked.

"Don't know pero marami narin tong napagaling kahit bago pa raw siya. Kaya nga raw dinarayo ang tahanan niya ng mga taong may malalang karamdaman."

Sumandal ako sa upuan ko at nag-isip sandali. Not that I'm underestimating faith healers but I just don't find them reliable and capable enough to cure. Mostly are reported practicing fraudulence for their own advantage.

"May kakaiba ba rito, Wren? Ano sa tingin mo?" Tobbie queried and the latter glanced at his watch.

"Is it okay for the two of you if we'll cut class?"

Nagkatinginan naman kami ni Tobbie. Mukhang nakuha naman agad niya ang gusto kong sabihin kaya binalingan niyang muli si Wren at tinanguan ang huli.

"Good. Let's go then."

---

Tumakas kami sa Wale University at mabuti na lang talaga na kasama namin si Tobbie, ang mang-gagantso. Hindi ko alam kung anong eksaktong sinabi niya sa guard para payagan kaming lumabas. And now we're heading to the faith healer's place to find out what's true.

Nasa backseat akong mag-isang nakaupo sa magarang BMW 7 ni Wren. He's already eighteen so probably he has a driver license now. Si Tobbie naman ang katabi nito sa front seat. Kinuha ko ang sticky note at steno pad with pink cover sa loob ng aking shoulder bag. I need to jot down notes and information na isa-submit ko sa SSC para sa activities ng club namin. I took my sign pen and wrote some descriptions on the sticky note.

Case #1: Faith Healer or Killer?

Idinikit ko iyon sa isang pahina ng steno pad kung saan ko itatala ang mga makukuha naming impormasyon mamaya.

Maya-maya pa ay dumating na kami sa lugar ng sinasabing faith healer. Sumilip ako sa bintana ng kotse ni Wren. Kung pagbabasehan ang dami ng mga kotseng nakaparada doon ay hindi maitatangging dinarayo nga ang faith healer. Nang makakita na ng bakanteng pwesto si Wren ay pumark siya doon at itinigil na ang makina ng kanyang kotse. Bumaba na rin kami ni Tobbie. Sumunod naman kaagad si Wren sa amin.

Lumapit kami sa may canopy kung saan naroroon ang ilang mga magpapagamot marahil sa faith healer.

"Dito tayo!"

Sinundan namin si Tobbie na nakahanap ng tatlong bakanteng magkakatabing monoblock chairs. Some censorious eyes landed on us. They might be wondering what we are doing there especially that it is still class hours and to think that we're still on our uniforms. Lumapit kami doon at naupo na.

"So ano ng gagawin natin?" I asked.

"Let's just observe first." Wren retorted just enough for the three of us to hear.

Nakatutok ang atensyon niya sa harapan niya kaya ibinaling ko narin doon ang aking mga mata. An old man in late 60's, dressed in all white is on the center and all the attentions were on him. Hanggang balikat ang mahaba at kulot niyang buhok. Marahil ay ito ang tinatawag nilang Apo Segundo. May babae ding kasing edad ata niya na nasa tabi niya. Nakaputing bestida ito at belo. The identical talisman that clung on their necks didn't escape from my sight.

"Ano ang iyong karamdaman?"

Tanong niya sa babaeng nasa early 40's na may kasamang batang lalaki na naka-wheelchair na nasa harapan niya. I wanna mock the old man by saying 'isn't it obvious?' but I might be his next victim so I just better keep my mouth shut and observe.

"Hindi po siya nakakalakad." Maluha-luhang ani ng babae.

Tumango si Apo Segundo at sinapo ang noo ng bata. Wala siyang sinambit na kahit na anong orasyon subalit mariing na nakapikit ang kanyang mga mata. Ilang saglit pa ang lumipas at dinilat na niya ang kanyang mga mata at bahagyang lumayo sa bata.

"Simula sa araw na ito ay makakalakad ka na, hijo."

Sinubukang patayuin ng ina ang bata. Inalalayan din sila ng babaeng katabi ni Apo Segundo at hindi na ako nagulat pa ng makatayo ang bata. Ito na nga ba ang sinasabi ko na baka nanloloko lang ang mga ito at ginawang kasabwat ang bata para makauto pa ng ilan. Malamang yong mga unang gumaling naman daw na namatay ay maaaring hindi talaga gumaling.

Humalukipkip ako at sumandal sa aking pwesto. I don't find this case interesting at all. Natigilan naman ako sandali dahil biglang sumagi sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Wren kahapon. Am I just really intrigued with paranormal mysteries? Am I only interested into this for a selfish reason? Hindi. Bumuntong-hininga ako at umayos ng upo para mag-obserbang muli.

"Nanghihingi ba siya ng kabayaran sa panggagamot niya?" I asked the men in my both sides.

"Hindi siya nagpapabayad pero siyempre may mga boluntaryong donasyon parin na ibinibigay ang mga tao sa kanya." Tobbie replied and I nodded.

Sinulyapan ko siya sa tabi ko at agad ko siyang sinapak nang mapansing busy siya sa kakalikot sa cellphone niya.

"Aray Buko ha!" Aniya habang sinasapo ang braso niyang hinampas ko.

"Tobbie ano ba? Magfocus ka naman."

"Tumutulong naman talaga ako ha." Ipinakita niya sa akin ang screen ng cellphone niya.

"May namatay na namang tao na napagaling niya di umano." Aniya na ikinatigil ko.

"Ano? Totoo ba yan? Anong sakit?"

"According sa medical records ay ovarian cancer daw ang ikinamatay nito."

Napatingin naman ako kay Wren na nasa harap parin ang atensyon.

"Ano sa tingin mo ang totoong sakit ng bata?" Tanong ko sa kanya.

"Basing on the swollen legs and ankles he had awhile ago, he has diabetes associated with macrovascular complication because it already affects the large blood vessels of his body."

Tumango ako sa paliwanag niya at tinignang muli ang harapan nang may babaeng may bandanna sa ulo ang biglang umupo sa monoblock chair na nasa harapan namin. Nginitian niya kami nang muli niya kaming nilingon kaya gumanti din ako ng ngiti sa kanya.

"Wala ba kayong pasok ngayon mga bata?" Tanong niya sa amin ng di pinapawi ang matamis na ngiti niya sa labi.

Marahil ay napansin niya ang suot naming uniporme.

"Magpapagamot din ba kayo? Sinong may sakit sa inyo?" Dagdag niya pang tanong.

Hindi ko nasangga ang tanong niya kaya hindi ko alam kung anong isasagot. Sinulyapan ko si Tobbie na abala parin sa kanyang cellphone kaya siya ang tinuro ko.

"Siya po!"

Naagaw naman ng pagturo ko sa kanya ang atensyon niya kaya nagtataka niya akong tinitigan.

"Siya po ang maysakit sa amin."

Kumunot naman ang noo ni Tobbie dahil sa sinabi ko. Tinago niya ang kanyang cellphone at tinignan ang babaeng kausap ko.

"Talaga? He doesn't look sick. Ang pogi nga niya e." Nakangiting wika ng babae.

Tobbie slowly stuck his tongue out to mock my lame excuse. Napairap ako sa kanya at tinignan ang babaeng naaaliw ata sa amin.

"Nagrereport po kasi siya sa harapan kanina sa klase namin kaso bigla na lang siyang natumba at nangisay sa sahig kanina. Dadalhin na sana namin siya sa ospital kaso inisip namin na baka nasaniban lang siya ng masamang espiritu kaya dito agad namin siya dinala. Mukhang ayos naman siya ngayon at hindi na inaatake."

"Talaga? Sana pina-check niyo na muna sa ospital kung ano talagang sakit niya."

"Di na po kailangan kasi alam na po naming may epilepsy siya at eating disorder na naging dahilan ng pagiging psychotic niya."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong tumili dahil sa kinurot ng walang hiya kong bestfriend ang tagiliran ko.

"Sana gumaling na siya no?"

"Himala na lang po kung mangyayari iyon pero dahil narinig namin na gumagawa sila ng himala dito ay hindi na kami nagdalawang isip pa na dalhin siya dito." Pagsisinungaling ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw dahil mas diniinan pa ni Tobbie ang pagkurot sakin. Napatingin tuloy ang ilang mga naroroon sa amin kaya natigil kaming dalawa at napaayos ng upo.

"Tama ka. Kaya nga umaasa akong gagaling ako dahil sa tulong ni Apo Segundo. Kapag nagkataon makakauwi na ako sa pamilya ko at makakasama ko na sila. Ang alam kasi nila ay nasa Chicago pa ako at nagtatrabaho kaso hindi na ako nakatagal doon dahil lumala na ang sakit ko. Nasa stage 4 na kasi ang brain cancer ko." She softly chuckled as tears streamed down from her eyes.

I don't exactly know what to say. I'm not really good at comforting people. Marahil ay namana ko iyon kay nanay na may kakaibang pamamaraan para pagaanin ang loob ng ibang tao. Should I tell her that everything will be fine? Because I think it's not. Stage 4 cancer is not a joke. I can't even stand the thought of lying that Apo Segundo can cure and save her life.

"Gustong-gusto ko ng umuwi sa nanay at tatay ko."

"Bakit di niyo po sila puntahan?" Biglaang tanong ko sa kanya na wala sa sarili.

If there are people whom one should be with at times like this, it should be their family. They should go home to where they really belong because I believe that everything that we tend to search for is in there. The love, the care and the acceptance. Nasisiguro kong hindi ka nila iiwan hanggang sa huling hininga mo.

"Matanda na sila at ayokong mag-alala sila sakin at sa kalagayan ko. Isa pa, hindi ko kakayaning makita silang nahihirapan ng dahil sa akin."

Mag-alala. I guess all families do that to their members. If you find your situation hard, then what it is more to those people who raised and molded you into the person that you are right now?

Kung malalaman ko na lang isang araw na mamamatay ako and I'm only given a day, I will surely spend it with nanay. I wanna hug and kiss her every minute and tell her how much grateful I am for having her as my mother every second. I wanna tell her I love her until I close my eyes and fall into my eternal slumber in her arms.

I don't know if keeping your real condition to yourself alone no matter how painful it is, is a selfless or a selfish act. Don't really understand it but if there is something I can do to save her, it is to find out the truth behind this faith healer.

➖➖➖

Do vote and share 😉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top