Chapter 39: She's A Witch

She's A Witch

°Three years earlier°

"Buko, ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ni Tobbie habang nakatingala sa kaibigang umaakyat sa gate ng isang bahay.

"Bumibisita." Nakangiting tugon ni Coco saka tuluyan ng tumalon pababa ng gate.

"Bumibisita? Trespassing ang tawag dito!"

"Sshh. Hinaan mo lang yong boses mo. Malilintikan tayo niyan e. Halika na, pasok na."

Kumunot naman ang noo ni Tobbie habang pinagmamasdan ang matayog na gate. Nakailang enervon kaya ito ngayon at bakit sa sobrang hyper nagawa niyang akyatin ito? Napailing na lamang siya at umakyat narin para sundan ang kaibigan sa loob.

"Oh ano ng gagawin natin?" Tanong niya sa kaibigang kasama niyang nagtatago sa likuran ng halaman.

"Sandali lang. Lalabas na si Wren maya-maya lang." Ngiting-ngiti na wika ni Coco habang nakatanaw sa veranda ng bahay ng mga Avila.

Umirap naman si Tobbie dahil nababad vibes siya sa mga ngiting iyon ng kaibigan. Parang shunga lang kasi e.

"Tobs! Hayan na siya oh! Ang pogi!" Panay ang hila ni Coco sa kwelo niya dahil wala na itong mapagsidlan ng kilig nang makita si Wren na nakasuot ng puting polo shirt at cargo pants na kalalabas lang sa veranda.

Lumapit si Wren sa may balustrade at itinukod doon ang magkabilang siko niya bilang suporta habang tinatanaw niya ang kabuuan ng lugar nila.

"Oh my gosh. Tobs, ayoko na! Grabe na talaga to! I can die happy now."

"Gaga." Binatukan na ni Tobbie ang kaibigan niyang nawawala na naman sa sarili nito at natawa na lamang. Ang bobita talaga ng babaeng to kahit kailan pagdating kay Wren.

Pero agad din namang napalitan ng kinakabahang ngiti ang tawa ni Tobbie ng mapatingin siya sa kabilang gawi niya.

"Oh jolly sweet spaghetti."

Napangiwi naman si Coco nang marinig ang marahang bulong ni Tobbie. Malamang ay gutom na naman ito.

"Buko, alis na tayo..." Sabi na nga ba't nagugutom na naman siya! Pero may napansin siyang kakaiba sa boses ng kaibigan. Para bang ayaw ni Tobbie na makaistorbo ng kung sino man.

"Ayoko." Aniya at humalukipkip pa upang magmatigas.

"Sige na..."

"Bakit ba namimilipit ka ha? Kung gutom ka na e di umalis ka na!" Sigaw ni Coco rito. Sana pala hindi nalang siya nagpasama rito.

"Hindi ako yong gutom. Siya."

Napatingin si Coco sa banda ni Tobbie at nalaglag ang panga niya sa itinuturo nitong Doberman Pinscher na kaface-to face lamang ng bespren niya. Napansin niya rin iyong itsura ng aso na animo'y handa ng manakmal ng kahit sino.

"Takbo!" Hindi na umangal pa si Coco nang itulak siya ng kaibigan saka sila kumaripas ng takbo habang hinahabol sila ng aso.

Malapit na sana sila sa gate kaso ay nadapa si Coco. Nang lumingon si Tobbie ay nakita niyang hindi parin ito tumatayo kaya kahit takot din sa aso ay pumulot siya ng isang patpating sanga ng puno at binalikan ang kaibigan.

"Tumayo ka na dyan. Bilis."

Nang mag-angat ng tingin si Coco kay Tobbie ay gusto niyang maiyak dahil binalikan parin siya nito kahit na may takot ito sa mga aso. Nagmukha tuloy siyang tagapagtanggol niya na may patpating sanga bilang sandata.

"Shooo. Shooo." Namumutlang bulong ni Tobbie habang itinataboy ang asong tahol ng tahol.

"Coco, dali na. Naiihi na ako sa takot." Mukhang ilang saglit na lang ay mahihimatay na ang kaibigan niya kaya tumayo na siya nang hindi pinapagpagan ang sarili niya.

"Go Tobs! Kaya mo yan! Aso lang yan! You need to face your fear!" Sigaw ni Coco sabay palit ng suntok sa hangin at talon-talon upang palakasin ang loob ni Tobbie.

Face your fear. Yan ang paulit-ulit na sumagi sa isip ni Tobbie. Napapalakpak naman si Coco nang tila ay nauto na niya ang bespren niya nang hawakan nito ng mahigpit ang hawak na sanga o mas magandang tawaging stick.

"Oh my gee." Di makapaniwalang bulong ni Coco nang mabali ang stick nang ihampas iyon ni Tobbie sa aso. Nang mag-angat ito ng tingin ay halatang naubos na talaga nila ang pasensya ng aso kaya galit na galit itong tumahol at humabol sa kanila.

Sigaw sila ng sigaw habang kumakaripas ng takbo at nagpapaunahang umakyat sa gate.

"Proverbs, stop."

Muntikan pang malaglag si Coco nang marinig ang boses na iyon. Gusto niyang lumingon pero nahihiya siya dahil sa itsura at ginagawa niya ngayon. Tama nga ang bespren niya. This is trespassing! Nakakahiya! And the evil dog who has a biblical name stopped.

"Sandali lang. Anong pangalan niyo?" Tanong ni Wren sa kanila habang hinihimas ang alagang si Proverbs.

Pero sa sobrang hiya ni Coco ay hindi niya magawang sagutin man lang ang tanong nito. Dali-dali siyang umakyat sa tuktok ng gate saka tumalon mula roon para makatawid sa kabila. Mabuti na lang at tama naman ang naging posisyon ng mga paa niya nang makababa kaya hindi siya nabalian. Narinig naman niya ang tawa ni Tobbie ng tumatakbo na siya palayo roon ng hindi nililingon ang taong sadya niya.

"Ako si Tobbie. Pangalan niya naman Coco, apilyedo niya Tanga." Rinig niyang natatawang pakilala ng bespren niya sa kanya.

☠️☠️☠️

When Snow White stepped three places on the left,
Twenty three is the evil queen's right age
Then, the dwarves made a shift

QEB OBXI QXIB FP XYLRQ QL YBDFK
-BSB

I spent most of my time deciphering the code from the mirror. Sinulat ko iyon sa papel at tuluyan ng tinapon ang natitirang basag na bahagi ng salamin dahil natatakot parin ako roon.

The numerical figures stated in the code was significant. Three places on the left and twenty three as the evil queen's right age. Left rotation of three places is the indication of the first one. But what's the connection of twenty three and right? Itinala ko muna ang mga iyon sa maliit kong memo notebook.

3 steps on the LEFT = left rotation of three places
23 as the RIGHT age =

Anong meron sa twenty three? I keep on tapping the tip of my pen on the table as I thought of an answer. This is a code so probably it deals with the alphabet. Alphabet. Tama! Yon nga! Dali-dali kong isinulat ang mga letrang bumubuo sa alphabet. I stared at it for awhile at tinignan ulit ang clue.

Sinubukan kong bilangin ang mga letra hanggang 23 kaya nahinto ako sa W. I also tried to count three places at siyempre magsisimula ako sa kanan na siyang pinakahuling letra sa alphabet kaya nahinto ako sa X. Pinag-aralan ko muna iyong mabuti saka ko ipinagpatuloy ang pagtatala ng ibigsabihin niyon sa memo notebook ko.

3 steps on the LEFT = left rotation of three places
23 as the RIGHT age = right shift of twenty three

The left rotation of 3 places is equivalent to right shift of 23.

It's a Caesar Cipher! Sinubukan ko ulit ayusin ang mga letra using the left shift of 3. So, inuna ko ang X kasunod ang Y, Z saka ang A at ang mga kasunod pa nito. Then, I matched it with the exact order of the alphabet. Nang magawa ko iyon ay sinubukan kong palitan ang code ng mga letrang katapat nito.

QEB = THE
OBXI = REAL
QXIB = TALE
FP = IS
XYLRQ = ABOUT
QL = TO
YBDFK = BEGIN
BSB = EVE

THE REAL TALE IS ABOUT TO BEGIN
-EVE

Natulala ako sa nakuha kong sagot. Sino ba talaga si Eve? I remembered her on Baby Patrick's toe tag pero anong kinalaman niya rito? Hinilot ko ang sentido ko gamit ang magkabilang kamay ko. Posible bang siya ang may pakana ng lahat ng ito? Kung oo man ang sagot ay bakit niya ginagawa ito?

"Buko, okay ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin kay Tobbie na puno parin ng band-aid ang mukha. I'm glad that he looks somehow fine now. Nagpalinga-linga naman ako para hanapin si Taki sa clubroom habang nakaupo parin ako sa swivel chair ko.

"Where's Taki?"

"Pinauwi ko na. Mukhang pagod na kasi e. Hindi nga ata siya nakatulog kagabi sa pag-aalala sa inyo."

"And you slept soundly?" He smirked at my inquiry.

"Busog ako e."

Nagpailing-iling na lamang ako sa kanya bago humilig sa swivel chair ko. Does he know that it's rude to bragged about having a good dozy moment on a sleep deprived person? I badly want to rest yet I still want to tell Wren about this Eve and I want to check on him too.

"Alam mo ba kung nasaan si Wren?" Tanong ko at sinulyapan siya sa gilid ng aking mga mata na tahimik na binabasa ang isinulat ko sa aking memo notebook.

"He called awhile ago asking me if you're fine."

May kung anong lumundag sa puso ko nang marinig iyon. Di ko tuloy maitago ang malawak kong ngiti nang harapin ko si Tobbie.

"Really?" Excited kong tanong na inirapan naman niya.

"Oo na. Oo na. Ikaw ng lumalablayp. Nasa locker room daw siya ngayon."

Hindi ko na hinintay pa ang mga susunod na sasabihin ni Tobbie dahil pinunit ko na ang papel na naglalaman niyong mensahe ni Eve at nilisan na ang clubroom para puntahan si Wren. Ewan ko ba't naeexcite akong makita siya. Sana nga lang ay ayos na siya. Hindi maalis ang ngiti ko nang tunguhin ko ang locker room.

☠️☠️☠️

"The mirror was owned by the evil queen pero papaanong napunta iyon kay Aira?"

Narinig kong tanong ni Wren bago pa ako tuluyang makalapit sa kanya.

"Isang tao lang ang alam kong kayang gumawa nun."

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Winona. Mabilis akong nagtago sa isang sulok at siniguradong nakasara ang isip ko para hindi niya marinig ang mga iniisip ko.

"Hindi parin ba siya nahahanap ng pamilya niyo?"

"You know that he's very powerful. Kayang-kaya niyang tumawid sa magkabilang mundo sa isang kurap lang."

Kumunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila dahil wala akong maintindihan. I thought that they know Eve and that they're talking about her but it's 'he'. Sa sobrang pagkakalito ko ay napagdesisyunan ko na lamang na sumilip mula sa pinagtataguan ko. Naabutan kong parehong nakasandal sa magkabilang bahagi ng mga locker silang dalawa. Winona was crossing her arms samantalang nakatingala naman ng bahagya si Wren.

"He's the most powerful man in the world of fairytale. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung sino ang naglagay ng masamang pwersa sa loob niyon because he can't do that. I am one of his descendants and he's neither on the side of light nor darkness. Alam ko iyon." Dagdag pa ni Winona nang hindi siya sinagot ni Wren.

"Probably, it's someone else's who needed him."

"Sa tingin mo sino?"

"I don't know but I guess Coco cluelessly does."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Wren. Wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"After the last case that she had been with Tobbie, she looks bothered about something and when I went inside our clubroom during the intramurals, there were a lot of crumpled papers inside the trash bin near her table. I tried to check on them then I confirmed that it was her handwriting and she's trying to decipher a code. Napansin ko ring may gusto siyang itanong sa akin nitong mga nakaraang araw but then she would end up thinking of another thing kaya nawawala na naman iyon sa isip niya and my intuition tells me too." That was true, I've been trying to ask him about Eve these past few days but seems like my luck just won't work dahil kung hindi kami busy ay may ibang bagay na naman na babagabag sa akin. May it be about my family, school or even about their real identities.

Lumapit si Winona kay Wren kaya naman napatunghay ang huli sa kanya. Kahit na mas matangkad sakin si Winona ay mas matangkad parin si Wren sa kanya.

"But I'm glad that you're safe now. Pinag-alala mo ako." Isinubsob ni Winona ang mukha niya sa dibdib ni Wren at niyakap ito. May kung anong sumakit sa puso ko dahil doon. Lalo na ng gumanti rin ng yakap ang huli.

"Please don't risk yourself again." Malambing na wika niya kay Winona na nararamdaman ko ang magkahalong tuwa at pagod na nararamdaman din niya sa piling ni Wren.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong maluha sa susunod na ng nangyari.

"You knew that I would do anything for you." Ani Winona at tumingkayad upang maabot ang labi ni Wren.

My heart felt stabbed for a thousand times because of that. Tears began to streamed down to my cheeks and I covered my mouth to prevent any sounds from coming out as I sobbed my heart out. I took the steps aback but I suddenly bumped the locker behind me causing an interrupting sound that caught their attention.

Nanlalaki ang mga mata ni Wren na nakatitig sa akin.

"Coco." Umiling-iling ako saka mabilis na tumakbo palabas ng locker room.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo nang makalabas na ako mula roon at hindi inalintana ang panahon na tila nakikisabay sa bawat pagpatak ng aking mga luha. I keep on asking myself why am I acting like a sick girlfriend who caught her boyfriend cheating? As I held my feet from running, realization dawned on me like an unforeseen hurricane when it occurred. There was never an us and he never told me that he likes me too!

"Coco, sandali lang." Napatingin ako sa kamay na humawak sa braso ko. Hindi ko na siya kailangang lingunin pa para mapatunayang siya iyon. Nakakalungot lang isipin na memoryado ko ang lahat sa kanya kahit nasa malayo lamang ako na nakatingin sa kanya.

"Let me explain everything."

Hinarap ko siya at laking pasalamat ko't umuulan kaya hindi niya makikita ang mga luha ko. Pero nagkamali ako ng makasalubong ang mga mapupungay niyang mata. He's sad and I can feel it. Tumango ako at hinayaan siyang magpaliwanag.

"You already knew that I am a hybrid from a werewolf mother."

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya habang inaantay pa ang mga susunod niyang mga sasabihin dahil may parte sa aking patuloy paring umaasa. Tanga na kung tanga.

"And Winona, she's.... my mate."

Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kanya after he said right in front of me and straight to my face that they're meant for each other. The pang of pain inside my chest was tolerable but still it injures as hope of us together began to slowly pulverized. Parang makailang ulit akong sinampal dahil sa sinabi niyang walang pag-aalinlangan. Mapait akong ngumiti sa kanya.

"Ayos lang." I managed to use an animated tone but I know that he won't buy it.

"Coco, naman. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Malungkot niyang aniya but I feel more than that and it triggered my tears and frustrations to come out of the surface.

"Anong gusto mong gawin ko?! Magpaparty dahil natagpuan mo na yong destiny mo?! Icongratulate ka dahil may forever ka na?! Bakit mo pa ako aalahanin gayong nandyan na si Winona?! Bakit? Ano mo ba ako ha?! Ano ba tayo ha?!"

Kinuyom ko ang mga palad ko nang mag-iwas siya ng tingin sa akin. "Concern lang naman ako sayo."

And that was it. Damn! Tinignan niya akong muli at hahawakan niya sana ako sa braso ko pero tinabig ko ang kamay niya. Pity was very evident on his eyes. Nararamdaman ko kanina pa ang pinaghalong lungkot, sakit at awa. Naaawa siya para sa akin.

"Yon na nga e. Concern ka lang. Ganoon na ba ako kamiserable para kaawaan mo?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Coco, hindi. Please don't think that way. I value you and your feelings 'cause you're important to me." Nagsasabi naman siya ng totoo. Mahalaga ako sa kanya pero hindi sa paraang nararamdaman ko rin para sa kanya.

The trouble and silliness I've done because of him during the last five years came flashing back in my head. His smiles, our exchanged glances and sweet gestures were supposedly kind deeds because he's a good man. Ako lang naman ang nagbibigay ng kahulugan ng mga iyon. Nakakapagod din palang umasang mapapansin niya ako sa paraang gusto ko.

"Coco." Sinubukan niya ulit akong hawakan ngunit umurong ako at umiling sa kanya.

Tadhana na ang nagdikta ng taong mamahalin niya. What can I do against his fate? Gusto kong ipaglaban siya at ang nararamdaman ko para sa kanya pero dehadong-dehado na ako dahil hindi lang si Winona ang kalaban ko kundi maging ang kapalaran niya. Mahal ko si Wren pero ayokong maiwang luhaan kung mananatili ako sa tabi niya habang kasama niya si Winona. Ayokong hadlangan ang bagay na siyang magpapasaya sa kanya at ayokong patuloy niya akong kaawaan habang nag-aantay ako sa kanya.

"Tama na Wren. Limang taon na e. Ang tanga-tanga ko na." Wala sa sarili kong wika at tinalikuran na siya. He called my name but I refused to turn. Masasaktan lang ako dahil kahit kailanman ay alam kong hindi niya ako mamahalin.

☠️☠️☠️

Nanatili akong nakaupo sa bench na nasa gilid ng field and decided to catch all the blessings that the rain had been relentlessly pouring.

Nobody can't stop fate. If I gamble with it then I don't really think I can win. Those who are fated to be fortunate are a part of the winner's circle and those who lose ended up hating the whole world and I don't wanna be like them. I won't play with games in which I'm bound to become a bummer. I thought it stopped raining when I can no longer feel the droplets showered on me. Nag-angat ako ng tingin at naabutan ang nakatunghay na si Tobbie na may dalang payong.

"Love rain lang ang peg? Tayo ka na dyan at ihahatid kita pauwi."

Another batch of fresh tears began pooling my eyes as I stared at him. Tumayo ako at niyakap siyang kaagad saka humagulgol.

"Tobs, bakit ganon? Nag-assumed ba ako masyado kaya nasasaktan ako ng ganito?"

Naramdaman ko rin ang pagganti niya ng mahigpit na yakap sa akin.

"Nagmahal ka kaya ka nasasaktan. Time will come that I will fell for someone and I'll be feeling it too. Lahat naman tayo e sadyang nauna ka lang talaga sa ating dalawa. At least, you've learned from there."

☠️☠️☠️

Gumalaw ang mga tenga ni Muning nang marinig ang mga yapak na palapit sa shop. Inangat niya ang tingin kay Charlotte upang ipaabot dito ang mensahe. She can't hear nor speak anymore but she can still see whatever people are thinking when she made an eye to eye contact with them.

Tinanguan niya ang pusa at pinaabot ditong maghanda na dahil marahil ay panibagong customer iyon. Ilang linggo na ang nakakaraan ng inutusan niya si Colleen na takpan ang paligid ng mesa na ginagamit niya sa panghuhula ng itim na tela so that everything that her customers saw and heard will remain in there with the help of some tricks. Tanging ang sagot lamang na gustong makuha ng mga customer niya ang natatandaan ng mga ito at hindi kung paano niya iyon ginagawa, nalalaman at pinapaalam sa mga ito.

Tumunog ang wind chime na nasa pinto ng shop hudyat ng pagdating ng kanilang inaakalang customer. Pumasok ang binatang nakasuot ng pamilyar na uniporme. Sinundan ito ng tingin ni Charlotte hanggang sa hinila nito ang upuang nasa tapat niya at naupo roon. Ramdam niya ang kakaiba at malakas na enerhiyang mayroon ito. He began tapping his index finger on the table without withdrawing his chillingly alluring olive eyes on her.

Ngumiti si Charlotte at pilit na ipinakita ritong welcome ito sa kanyang shop. She can't see anything on his eyes.

"Anong maipaglilingkod ko sa isang Student Council President?"

Dumapo ang mga mata ng binata sa nagsalitang pusa. Nagtagal ang titig nito roon na para bang sinusuri ito at inaalam ang pinakanatatagong sikreto nito.

"Body caging curse and submission spell." Anito nang hindi inaalis ang tingin sa pusa.

"This demon is the reason why you're now a deaf and mute, I bet." He drew a sideward glance on her to see her reaction.

Nagulat si Charlotte pero hindi niya hahayaang makita ito ng binata. Ngumiti siya at marahang hinaplos ang pusa.

"Isa siyang napariwarang demonyo." The cat smirked after hearing what he just had said. Siya ang nagsisilbing tagapagsalita ni Charlotte at wala siyang magagawa roon dahil nasa ilalim siya ng spell nito. Bahagya niya pang iniwas ang sarili niya sa haplos ng babae dahil naiirita siya sa tuwing ginagawa iyon sa kanya ng mag-ina. Kapag bumalik siya sa dati niyang anyo ay sigurado siyang pagbabayarin niya ang mga ito. Malamang ay hinahanap narin siya sa kanila pero paniguradong hindi matutunton ng mga ito ang lokasyon niya dahil sa kapangyarihan ng mangkukulam na ito.

"Marahil ay nakilala mo narin ang mga kapatid niyang hybrid." Gustong kalmutin ng pusa ang babae pero hindi niya iyon magawa.

"Tuso ka parin hanggang ngayon, Harriet O'Mara."

Napawi ang ngiti ni Harriet at tinitigan ng diretso ang binata. Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya kung sino ito. Hanggang ngayon ay hindi parin pala nito naiaalis ang ipinataw na kaparusan ng mga diyos sa kanya.

"Anong kailangan mo Apollo?" Pagsasatinig ng pusa sa nais sabihin ni Harriet.

"Masama bang bisitahin ang mag-ina ko?"

💀💀💀

Ready for the Volume 2? 😁

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top