Chapter 35: Fairest Of Them All

Fairest Of Them All

Our hearts are drunk with a beauty our eyes could never see
☸️ George W. Russell

Sa malawak na field ng Wale University pinapanood ni Aira ang mga naggagwapuhang football player na nag-eensayo para sa darating nilang kompetisyon.

"Hi!" Masiglang bati niya sa isang nagjojogging na dumaan sa harapan niya.

Kumunot ang noo ng binata na kinakawayan niya. Pinaraanan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa ng pabalik-balik. Hindi straight ang kanyang buhok o kulot. Sadyang magulo lang talaga ito. May braces siya alinsunod sa gusto ng mga magulang niya upang mapanatili raw di umano ang kagandahan ng ngipin niya. Her thick brows were untouched and a big spectacles to complete the geeky look she has.

"Pangit." Anito at nilagpasan siya.

Napaawang ang bibig ni Aira sa narinig at ibinaba na ang kamay niyang kinaway-kaway niya kanina. Bagsak ang balikat siyang naglakad papunta sa kaibigan niyang si Patricia na nagbabasa ng libro.

"Problema mo bes?" Tanong nito na sandaling nag-angat ng tingin bago ibinalik ang mga mata sa binabasa niyang libro.

"Bes, sabihin mo yong totoo ha?" Naupo siya sa bleachers sa tabi ng kaibigan.

"Sige ano yun?"

"Pangit ba ako?"

Nahinto ang kaibigan niya sa pagbabasa at tinitigan muna siya ng ilang segundo bago sinabing

"Matalino ka."

"Bes naman e. Yong totoo nga di ba." Pagmamaktol niyang wika.

"Anong magagawa ko bes? Truth hurts." Hinawakan siya ni Patricia sa isang balikat niya para pakalmahin siya.

"So pangit nga ako?"

"Bes, ang lagi mong tatandaan na ang kagandahan ay di nasusukat sa panlabas na kaanyuan. Kung maganda sila edi wow pero daig mo sila dahil sa kagandahan... ng kalooban mo. Kaya tandaan mo yan." Paalala ni Patricia sa kaibigan niya. Napabuntong-hininga si Aira at pinilit na ibaon sa kokote niya iyon.

☠️☠️☠️

Naglalakad sa kalagitnaan ng park si Aira bitbit ang mabibigat niyang mga libro nang bigla niyang mapansin ang matandang babaeng nakaitim at belo na inaaaway ng mga batang kalye. Nilapitan niya iyon upang tulungan ang kawawang matanda.

"Pangit! Pangit! Pangit!" Panlalait ng mga ito sa matanda.

"Anong ginagawa niyo kay lola?!" Pigil naman ni Aira sa kanila saka nilapitan ang kawawang matanda. Natigilan ng ilang saglit ang mga bata at tinitigan lamang siya. Pero maya-maya pa ay sumigaw na ang mga ito.

"Anak niya ata to e! Mag-inang pangit!" Bulaslas ng isa na dahilan ng paghagalpak nila ng tawa lahat.

"Aba! Bastos kang bata ka ah! Hindi ba kayo tinuruan ng magandang asal ng mga magulang niyo?!" Natahimik ulit ang mga bata sa sinabi niya.

"Wala po kaming mga magulang." Malungkot na tugon ng isa na siyang pinakamatino sa kanila.

Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha ni Aira sa narinig. Nakaramdam siya ng awa para sa mga ito at hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang pagaanin ang loob ng mga ito. Kinuha niya ang pitaka sa loob ng bag niya at binigyan ng isang libo ang mga bata.

"Hayan, wag na kayong mang-aapi ng kapwa ha. Hindi maganda yun at kung sakaling magkaroon kayo ng mga magulang ay hindi nila magugustuhan ang pag-uugaling yon at saka mas nakakapangit yon kaysa sa amin." Paalala niya sa mga bata.

"Ate sorry po ha at salamat narin dito." Magalang nasagot nung pinakamatino.

"Sige na. Basta hindi niyo ng uulitin to ha?"

"Opo!"

Nagpaalam na sa kanya ang mga bata kaya hinarap na niya ang matanda para tanungin kung maayos lang ito.

"Ayos lang po kayo la?"

Nag-angat ng tingin sa kanya at matanda at bahagya niyang nasulyapan ang kulay pulang buhok nito na natatakpan ng itim na belo. Ngumiti ito sa kanya at bumati sa paningin niya ang mga nabubulok at may itim pa nitong ngipin.

"Ayos lang ako anak. Maraming salamat sa iyo. Isa kang mabait na bata."

May hinugot na kung ano mula sa bulsa ng kanyang itim na palda ang matanda. Aira was surprised to see that the old woman got out a mirror with intricate designs on it from her pocket.

"Woah. La, pano niyo napasok iyan dyan?! May sa Doraemon po kayo?!"

Ngumiti ang matanda at sa halip na sagutin siya ay ibinigay niya rito ang hawak na salamin.

"Regalo ko sayo anak."

Nagdalawang-isip naman si Aira kung tatanggapin ba niya o hindi ang regalo di umano ng matanda.

"Pero la hindi ko po matatanggap y-" Isasauli sana ni Aira ang salamin subalit pinigilan siya ng matanda.

"Keep it and let's see who's the fairest of them all." Anitong nakangiti. Sandali namang natulala si Aira sa matanda dahil nagawa nitong magsalita ng Ingles ng dire-diretso saka niya nilipat ang paningin sa salamin.

Tinitigan niya ang kanyang repleksyon doon at lubusan siyang nagulat nang mapansin ang unti-unting pagbabago ng kanyang itsura. Her messy hair shifted into the color of brown with elegant curls. Her dry lips turned rubicund with cheeks so rosy. Wala siyang mapagsidlan ng saya at pagkabigla sa nakita niya sa repleksyon. Talagang gandang di niya inakala.

"Pa... paan-" Nag-angat siya ng tingin sa matanda pero wala na ito sa harapan niya. Nagpalinga-linga siya para hanapin ito pero hindi na niya talaga pa ito nakita.

"Paano nangyari to?" Di parin makapaniwalang tanong ni Aira sa sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon niya sa salamin.

Sa di kalayuan naman, sa pinakamadilim na bahagi ng isang eskinita naroroon si Eve at pinanood ang dalagang galak na galak sa kanyang bagong kaanyuan.

"So she's the damsel?"

Napangisi si Eve nang marinig ang boses ng lalaking nagsalita.

"And you're the evil queen."

Mas lumapad ang ngiti ni Eve na nagbalik na sa normal niyang itsura at hinarap ang lalaking may kulot at hanggang balikat na haba ng buhok. His chin and nose are both pointed and he's wearing a formal suit with black wooden cane in his right hand.

"You think so? Anyways, thanks for the mirror, Rum."

💀💀💀

'Anak, ako na dyan. May pasok ka pa.'

Inilayo ko na ang pinggang hinuhugasan ko nang subukan iyong agawin ni nanay sa akin. Nakauniporme na ako pero hindi ko pa suot ang gray blazer ko at nakatupi naman hanggang siko ang button down shirt ng bahagi ng uniform namin.

'Nanay, first day of school ulit namin dahil second semester na at isa pa maaga pa naman e.' And that was a lie but I'm glad that nanay cannot detect it. Kanina pa ako late! Pero ayoko namang iasa lahat ng gawaing bahay kay nanay gayong kaming dalawa na lang.

'Sigurado ka ba?'

Tumango naman ako.

'Malapit naman na po akong matapos e.'

Tumango si nanay at umalis narin. Nang matapos ako ay dali-dali kong binaba ang sleeves ng button down ko atsaka isinuot na ang gray blazer ko. Isasabit ko na sana ang gray chain shoulder bag ko nang mapansin ko ang natutulog na si Muning sa ibabaw ng cupboard. Kawawang Muning. Dahil hindi naman ako katangkaran ay hinila ko ang isang upuan palapit doon at pumatong para kuhanin siya. Nagising ko ata siya at balak niya sana tumalon palayo sa akin kaya  niyakap ko na siya ng mahigpit. Maingat akong bumaba ng silya para hindi kami malaglag na dalawa.

"Kawawa ka naman Ning. I know you want hugs and kisses."

Bahagya akong natawa nang mapansing panay ang iwas ni Muning sa mukha niya sa akin nang paulanan ko siya ng mga halik. Ang arteng pusa! Nanay and I are both cat lovers that's why I really want to take care of him. Maru and Muning are both male feline and I find it somehow absurd why nanay named him 'Muning'.

"Ang arte mo Ning!" Natutuwa kong bulalas.

'Anak, male-late ka na.' Ani nanay at lumapit sakin saka kinuha na si Muning mula sa pagkakabuhat ko.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at tuluyan nang isinukbit sa isa kong balikat at lumapit kay nanay para bumeso at magpaalam na.

'Bye po nanay. I love you!' Muli kong hinalikan ang magkabilang pisngi ni nanay bago siya mahigpit na niyakap.

'I love you too, anak.'

☠️☠️☠️

Hindi na ako nagulat pa nang maabutang nagsisimula na ang klase pero kaagad akong nag-ninja moves nang mapansin kong nakatalikod pa ang guro namin at may kung anong isinusulat sa white board.

Tahimik akong pumasok sa loob at mabilis na naupo sa bakanteng upuan na tiyempo namang nasa harapan at pinakamalapit sa pintuan. Mabuti na lang talaga at busy sa pagkopya ng oras ng class schedule ang mga kaklase ko. Lumapit ako ng kaonti sa katabi ko para magtanong.

"Anong subject niya?" Bulong ko sa kanya. I did my best to minimized the volume of my voice so that I wouldn't disturb the class. Pero bago pa man makaharap sa akin ang katabi ko ay may nagsalita.

"Seems like you have one uninformed and late classmate here."

My eyes widened in shock as I turned to face the direction of our professor. Nakatalikod parin siya at tuloy-tuloy sa pagsusulat sa white board hanggang sa huli niyang sinulat.

General Rule: Late corresponds punishment

Napaayos ako ng upo dahil doon. Mabuti na lang at hindi niya alam ang seat plan kundi ay double dead na ako. Sobrang tahimik ng buong klase na rinig na rinig sa buong sulok ng classroom ang paglalagay niya pabalik ng takip ng pentel pen at ang tunog na ginagawa ng sa tingin ko ay tic-tac-toe niyang sapatos nang humarap siya sa amin. He's tall and he has this intimidating presence which made me stood up immediately from my seat even without him asking me to do so.

"Done reading what's written on the board?" I nodded at him like an obedient puppy. I just also noticed that he has a natural German accent along with his foreign features.

"But because it's still the first day of our meeting then I'll make an easy punishment for you."

Nabuhayan naman ako sa narinig at ngingiti na sana kaso nagsalita ulit siya.

"Introduce yourself in German." My mouth suddenly fell open at his statement. Just what the actual hell?

Itinikom ko ang bibig ko at bahagyang sinulyapan ang white board. German Language was written on it. Dang! Akala ko French Class 2 at si Madame Seydoux parin ang magtuturo samin ngayong second semester! Nag-aral pa naman akong maigi doon and I had even studied it on advance!

Napalunok ako at muling binalingan ang bago naming guro who really reminds me of Professor Viru Sahastrabuddhe of Three Idiots. Yong tipong walang sinasanto kahit na matalinong mga estudyante. Paano na lang akong walang kaalam-alam sa German? Lalo akong kinabahan nang marinig ang pabalik-balik na pag-tap ng sapatos niya sa sahig. He's waiting for my answer and he doesn't seemed to have that what most British called solitaire which was popularly known as patience among others. Napalunok ulit ako bago nagsalita.

"Ich..." His lips twitched and he arched a brow. I know I got the first word right pero hindi ako sure sa susunod. Pumikit ako at bumuntong hininga bago ipinagpatuloy ang dapat sanay sagot ko.

"Liebe dich?" I used a rising intonation to really convey to them that I am not sure with what I've said. Those are the only German words I know for the Matter of Britain's sake!

There was a deafening silence inside the class. Seems like they're still on the midst of swallowing my words but not until one of my classmates who happened to be my ever supportive bestfriend break it with a sardonic laughter.

"Sir, sagutin mo ng I love you too!" Suhestiyon niyang tumatawa-tawa pa.

Napuno ng tawanan ang buong klase dahil doon. Nakakainis kasi hindi ako na-orient na may pretest sa German Language. Ako na walang kamuwang-muwang na bata ay naging kawawa tuloy. Nang balingan kong muli ang guro namin ay naramdaman kong nagpipigil siya na sigawan ako.

"Sir, sorry po. Sorry po talaga! I promise that I will not come to school late anymore." Paghingi ko ng paumanhin sabay yuko ng ulo ko.

☠️☠️☠️

Nagmartsa ako papunta sa totoo kong upuan. Sinundan naman ako ng tingin nina Tobbie, Taki at Wren. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa ibabaw ng armchair ko saka ako naupo.

"Anong pangalan nung prof natin?" Tanong ko sa kanila. Naghihintay na kasi kami ngayon sa susunod naming guro.

"Nazi." Matipid na sagot ni Tobbie kaya hinarap ko siya at kinunutan ng noo.

"Seryoso?"

"Mukha ba akong gutom para magbiro?" Balik na tanong ni Tobbie sa akin. He tried his best to look serious kaya napailing na lamang ako. Kaya pala may sa pagka- Adolf Hitler iyon.

"E anong apilyedo niya?"

"Vayrus." Tobbie chuckled and made a pseudo cough to make him look like serious again.

"Nakasulat sa board Coco." Tinuro ni Taki sa akin ang board at naroon nga't nakasulat ang pangalan ng prof namin. 

Mr. Nazzier E. Vayrus

Naagaw naman ng mga babae kong kaklase na nagpapaganda ang atensyon ko nang mapansin kong todo sila sa pag-aayos at pagpapaganda ng mga sarili nila. May nagreretouch, may nagsusuklay ng buhok at kung anu-ano pa. Mabuti na lang at kontento na ako sa buhok kong naka-side braid.

"Anong meron?" Tanong ko kay Taki na mukhang siyang pinakamatinong kausap. Wren's already reading his book and I don't want to disturb him.

"Ayon sa chismis nila ay pogi raw yong magiging next subject teacher natin." Naintriga naman ako bigla kaya inusog ko ng kaonti ang upuan ko at lumapit sa kanya.

"Talaga? Anong subject?"

"Statistics and Probability." Napangiwi naman ako nang marinig iyon. I'm a big time sucker for numbers.

"Ang sabi pa nila ay galing abroad daw iyon. Fresh grad saka grumaduate rin with flying colors."

"Ilang taon na raw?"

"Twenty years old. Narinig nila Jenny kanina nawinelcome ng faculty."

"Nakita ba nila?"

"Hindi e pero ang ganda raw ng boses pag nagsasalita." Funny how people made conclusions out of what they just hear and see.

"Good morning class." A familiar voice animatedly greeted everyone in the class who look shocked at the gorgeous man standing in front.

Naglaglag ang panga ko nang makita siya. May nakasabit na brown leather messenger bag sa kanang balikat niya. He's sporting on a white button down shirt na hindi nakatucked in sa itim niyang pants which most male teachers could supposedly do pero bumagay iyon sa kanya ng sobra. I heard my female classmates gasped when he smiled once again. I could never forget that boyish smile that captivates a horde of gals and of course that red hair!

"Aren't you supposed to greet me back?" Mapagbiro niyang sabi.

"Nastarstruck sila sir." Ani ng isa kong kaklaseng lalaki. Mukhang tama nga siya.

Itinikom ko ang bibig ko at umayos ng upo. Sinulyapan ko si Wren sa tabi ko nang mapagtantong kapatid niya ito. I blinked for five times when I saw him intently staring at his brother but this time ay wala na akong nararamdamang galit sa kanya. Maybe because of what his father had told him na magkaparehong landas ang tinatahak nila na taliwas sa kagustuhan nito. Nang ibalik ko na ang atensyon sa harap ay nagulat ako nang maabutan ng nakatitig sa akin si Cameron.

"I'm Cameron Viggo Volkszki and I will be your Stats and Probability teacher for this semester." He smiled once again.

☠️☠️☠️

"Sir, saang school kayo galing? I've heard you're from abroad." Tanong ni Jenny na halatang nagpipigil ng kilig.

"Cambridge University." Hayan na naman ang ngiti ni Cameron na kulang na lang sa mukha ng mga kaklase ko ang maglumpasay sa kilig.

"Sir, is it true that you graduated with flying colors?" Tanong pa nung isa.

"Ano sir?!" Excited na dagdag ng iba pa.

"Cum Laude."

The room was filled with paroxysm of surprise, praise and admiration. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit accelerated siya.

"Sir, may girlfriend ka na?" Walang kaabog-abog na tanong ni Lizzy na halatang kanina pa nagpapapansin.

Napansin ko namang bahagyang ngumuso si Cameron na para bang nagpipigil ng ngiti at sinulyapan ang direksyon ko sandali bago muling hinarap si Lizzy.

"I still don't have yet."

Ngiting tagumpay naman si Lizzy at ang iba pa. May ilan pang napasigaw ng yes na animo'y tuwang-tuwa sila sa balita.

"Now, class since it's still the first day let's have an introduction." Aniya kaya umayos or more of like nagpaganda naman agad ang mga babae.

Unang tumayo si Winona na siyang pinakaunang nakaupo sa harapan.

"I'm Winona Adlai Veneracion. Student Council vice-president." Seryosong pagpapakilala ni Winona na para bang hindi siya tinatablan ng charms ni Cameron. I mean Sir Cameron. I should remind myself to be respectful towards him starting from now on.

Napansin ko ulit ang pagsulyap niya sa direksyon namin but this time I'm pretty sure he's looking at Wren. Pero bakit?

The introduction went on as we waited for our turns.

"Ang pogi ni sir no?" Nakangiting kalabit ni Taki sa akin.

"Hoy Taki! Anong pogi ka dyan? Ako lang ang pogi sa classroom na to." Pasiga-sigang wika ni Tobbie. Nagkatinginan naman kami ni Taki.

"Ay ganon? Tara Coco labas na lang tayo."

Nagtawanan kami ni Taki.

"People at the back!"

Bahagya kaming napatalon sa upuan namin ni Taki dahil sa taong sumigaw sa harapan. I'm sure it's not Cameron. He's not that type of person and when we turned we're right. It's Lizzy and it was actually her turn to introduce herself. Kaya galit si ateng.

"Sorry po Teacher Lizzy." Tobbie stated imitating the tone of a nursery student.

Sinamaan ni Lizzy ng tingin si Tobbie pero kaagad siya na ngumiti kay Sir Cameron pagharap niya at ipinakilala na ang sarili. I guess my life this semester would be a total roller coaster ride.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top