Chapter 33: Baby Don't Cry (Part 4)

Baby Don't Cry (Part 4)

"Malapit na pong sumikat ang araw ina. Ano pong gusto niyong gawin ko?" Tanong ng lalaking nakaitim na cloak kay Eve na nakikinig ng musika sa earphones na nakita niya sa loob ng itim na Porsche ni Taki.

The both of them are sitting on the backseat of the luxurious car while waiting for the majestic sun to rise unmindful of whatever's happening inside the Dela Vega's mansion.

"Sunrise is such a beautiful thing to witness, isn't it Cross?" Panunuyang tanong ni Eve sa kasama.

"But not for vampires." He callously replied and she snickered.

"My bad. What a fool I am? I forgot that you are a hybrid from the infamous clan called The Originals." She teasingly stated and had flashed a playful grin afterwards.

"You did your part awhile ago Cross. Now, just sit back there and relax."

☠️☠️☠️

"Paano natin siya hahanapin Coco?" Tanong ni Taki sa akin. I know that she cannot go out there and just follow the traces of Mariel's scent. It's pretty dangerous.

"Ako ng bahala." I closed my eyes and tried to emptied my mind to centered my thoughts in using my ability.

"Anong ginagawa niya?" Narinig kong bulong ni Taki.

"Ssshh. Wag kang maingay. Nagcoconcentrate siya para maging super saiyan." I opened my eyes and casted Tobbie with deadly glares which made him shut up immediately.

Ipinikit ko ng muli ang mga mata ko at nagfocus. Good thing they're not anymore talking. Kailangan ko ng matinding concentration.

Surprisingly after a few minutes when I thought I made it successfully, I began to feel the body temperature of everybody in the room. Mas inigihan ko pa ang pakikiramdam para maabot pa ang ibang bahagi ng bahay. Those who were dead are cold while those alive are warm. I even recognized Tita Jasmin's corpse at nang maramdaman ko ang isa pang mainit na body temperature na nasa kusina ay mabilis kong idinilat ang mga mata ko at hinabol ang hininga ko. Muntikan na akong matumba sa sahig pero mabuti na lang at kaagad akong dinaluhan nina Taki at Tobbie.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Taki habang inaalalayan nila akong maupo sa gilid ng kama.

"Na... sa... kusina si Mariel." Nahihirapan ko paring paliwanag dahil sa kakapusan ko ng hangin.

"Paano mo nalaman iyon?" Di makapaniwalang tanong ni Taki. I guess I forgot to tell her about my ability.

"She's a clairempath according to Wren." Pagpapaliwanag ni Tobbie.

"And you're a clairscent." Pabulong na dagdag niya. Atleast that's what Wren told us about her.

Hindi naman agad nakasagot si Taki. Ilang sandali pa ay akmang ibubuka na sana niya ang bibig kaso ay itinikom niyang muli iyon. She don't know what to say. I don't know if she likes having such psychic ability on the first place because if not then we're sharing the same sentiments.

☠️☠️☠️

"Buko, nakakapagtaka lang. Di ba nakita ni Taki na nakahandusay si Mr. Dela Vega sa sahig kanina? Kung ang tiyanak ang may gawa nun bakit hindi niya pa ito tinapos? I mean malaki ang galit ng tiyanak na yun sa tatay niya for sure so bakit niya pa ito hinayaang mabuhay?"

I am puzzled as well on why did the tiyanak still let Mr. Dela Vega alive. Sa tindi ba naman ng galit nito sa ama ay paniguradong kulang pang kapalit ang buhay nito. Bahagya kong sinilip si Mr. Dela Vega sa likuran ni Tobbie. Sumulyap din doon ang bespren ko. Kasalukuyang nag-uusap ng masinsinan sina Taki at ang ginoo. I don't know what they're talking about but seems like Taki was still on her best to persuade the man to believe us.

"Sa tingin ko hindi ang tiyanak ang may gawa nung nangyari sa kanya kanina."

Napatingin sa akin si Tobbie at halata sa ekspresyon niya ang pagtataka.

"Kung ganon sino? Si... Taki ba?"

Ako naman ngayon ang gulat na napatitig sa kanya. Bakit niya naiisip yon?

"What? Of course not. Mr. Dela Vega is a  huge man at kayang-kaya niya si Taki sa isang suntok lang. At nung makita natin siya kanina ay nasa noo ang sugat niya at nakatihaya siyang nakahiga so probably someone hit him in front. Siguradong nakita niya kung sino iyon."

Tumango-tango naman si Tobbie sa paliwanag ko at napabuntong-hininga.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Taki sa amin nang mapansin ang medyo napalakas atang pag-uusap namin ni Tobbie. Umiling ako.

"We need to go now para maabutan pa nating buhay si Mariel." I said and they nodded. Tobbie picked up the flamethrower and Taki got the gas container.

"Ate Coco, I'll co-" Napalingon ako nang sumigaw si Mico.

Naabutan ko siyang hawak-hawak ni Mr. Dela Vega ang kamay na animo'y pinipigilan itong sumama sa amin. I understand him tho. As much as possible he wants his son safe. That's the fascinating side of every man who is also a father despite how ruthless their outward visage may seem. I smiled at him to assure him that we'll finish this one.

"Sasama kami." I was stunned as I watched Mr. Dela Vega walked his way to us while holding Mico's hand at mukhang ganoon din ang mga kasama ko.

"Ililigtas ko ang mga anak ko."

☠️☠️☠️

Nagtungo kaming lahat sa kusina. We never let our guards down for each passing seconds as we stride going to the kitchen. Si Tobbie ang nangunguna sa amin sa paglalakad. Hawak-hawak naman ni Mr. Dela Vega ang kamay ni Mico na nararamdaman kong natatakot.

Pagdating namin ng kusina ay ang masangsang na amoy ng dugo ang bumungad sa amin. May ilan pa kaming nakitang bangkay na naliligo ng sarili nilang dugo at nawawala ang ilang bahagi ng katawan. Kaagad na napatakip si Taki ng ilong.

"Ayos ka lang?" I asked but she only nodded and I know she's not.

Mas inilapit naman ni Mr. Dela Vega si Mico sa kanya. Inilawan naming muli ang buong paligid hanggang sa may marinig kaming mahinang boses na nahihirapang magsalita.

"Tu.... tu... long."

"Narinig niyo yun? Baka si Mariel yun? Hanapin natin siya." Ani Taki at nilibot namin ng ilaw ng flashlight ang buong paligid.

Nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang banyo ng kusina ay dahan-dahan kong tinungo iyon and I took larger steps when I felt a terrified emotion coming from there. Nanghihina na kung sinuman iyon at nahihirapan ng humingi ng tulong. Tumakbo ako papunta doon dahil nasisiguro kong si Mariel iyon!

Tinawag ako ni Tobbie but I refused to answer him. Nakarinig ako ng mga yapak sa likuran ko kaya sigurado akong sinundan nila ako. Mabilis kong binuksan ang pinto at nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa nangyayari kay Mariel. She was barely breathing and her left foot  wasn't there anymore and the other was covered with blood at kinakain narin ng tiyanak!

Naestatwa ako sa puwesto ko. Nanginginig ang parehong mga tuhod at kamay ko sa aking nakikita. I know that I should be helping her right now but... I just can't!

Narinig ko ang pagsinghap ni Taki sa likuran ko at alam kong nasa punto na sana siya ng pagsigaw kaso ay may pumigil sa kanya.

"Tu.... tu... long.." And now blood's splitting in her mouth. Ang tanga ko! Kilos Coco!

Nang kikilos na sana ako ay naunahan na ako ni Mr. Dela Vega na kasalukuyang sinusunog na ang tiyanak gamit ang flamethrower. Kitang-kita ang pamumula niya sa galit habang sinusunog ang tiyanak. Narinig na naman namin ang matinis na iyak ng tiyanak kaya napatakip kami ng mga tenga namin dahilan para muli na naman itong makatakas pero mabilis din naman itong hinabol ni Mr. Dela Vega.

Inalis ko ang mga palad kong nakatakip sa tenga ko at nilapitan na si Mariel. Sinubukan ko siyang buhatin pero hindi ko kaya. Mabuti na lang at kaagad naman kaming nilapitan ni Tobbie at binuhat ng walang kahirap-hirap si Mariel.

"Nandito na kami Mariel! Wag kang bibigay! Dadalhin ka na namin sa ospital!" Umiiyak na sabi ni Taki habang pinagmamasdan ang kaibigan. Maging si Mico na hawak-hawak na niya ay umiiyak narin kaya hindi ko narin napigilan ang sarili ko kaya tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko.

"Taki, Coco, ako ng magdadala kay Mariel sa ospital. Hanapin niyo si Mr. Dela Vega at siguraduhing mawawalan na yong tiyanak."

Kahit na labag sa loob naming hindi samahan si Mariel ay sinunod namin ang utos ni Tobbie.

"Magiging maayos din siya." Hinagod ko ang likod ng umiiyak paring si Taki para patahanin siya.

Tumango siya kaya pinuntahan na namin si Mr. Dela Vega sa kusina. Karga-karga ko si Mico dahil wala parin sa sarili niya si Taki.

Napahinto ako sa malayong parte sa likuran ni Mr. Dela Vega nang mapansin kong tumataas-baba ang balikat niya dahil sa pag-iyak. Nabitawan na niya ang kanina'y dala-dalang flamethrower. Sinilip ko kung ano ang nasa harapan niya para malaman kung anong nakapagpaiyak sa kagaya niya. Kahit ako man ay nanlambot nang makita ang kawawang sanggol na umiiyak sa harapan niya. I am fully aware that it was the tiyanak who was luring his father through that disguise but something inside me was telling me that what if my father and I were like this.

"Pa... Patrick?... a... anak... ko..." Humagulgol na wika ni Mr. Dela Vega at lumuhod sa gilid ng umiiyak na sanggol.

Would my father do the same? Will he cry in front of me? Umagos ang mga panibagong luha sa aking pisngi. Anong klaseng katangahan ba tong iniisip ko? Wala akong tatay and I don't think I could ever meet him. Siguro, siguro tama yong sinabi nong babaeng nakilala ko sa mall noong bata pa ako. Maybe it's true that I wouldn't be given a chance to meet him.

Nang akmang yayakapin na ni Mr. Dela Vega ang sanggol ay nagbago ang itsura nito. Kinagat nito ang leeg niya hanggang sa dumapo ang mga mata ng tiyanak sa puwesto namin. Lalong-lalo na kay Mico. Nararamdaman ko ang galit nung tiyanak para sa pamilya ni Mr. Dela Vega. Mabilis kong ibinigay kay Taki si Mico at tinulak silang pareho para makatakbo na kami palayo doon.

Mabilis kaming nahabol ng tiyanak kaya niya nahila ang kaliwang paa ko. Padapa akong hinila ng tiyanak palayo sa kanila.

"Coco!" Sigaw ni Taki na karga-kargang maigi si Mico.

"Magtago na kayo bilis!"

Umiling si Taki na walang humpay sa pag-agos ang mga luha na sinabayan naman ni Mico ng kanyang paghagulgol. I made a pleading look so that she'll obey me. Maya-maya pa'y tumango na siya at mabilis na tumakbo palabas ng kusina.

Mukhang napansin naman ng tiyanak na paalis na sila kaya lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon taon para sipain siya at paupong lumayo sa kanya. Nang makita ko ang flamethrower sa di kalayuan ay nilapitan ko iyon at kukuhanin na sana nang bigla na naman akong hilahin ng tiyanak. Bakit ba ang lakas niya?!

Sinagang ko ang kanang braso ko sa bawat kalmot na ibinibigay sa akin ng tiyanak. I tried my best to reach for the flamethrower using my left hand at nang makuha ko na iyon sa wakas ay hinampas ko iyon sa tiyanak gamit ang buo kong lakas dahilan para tumilapon naman ito sa di kalayuan at mawalan ng malay.

Gumapang ako papunta sa kinalalagyan ng gas para tuluyan ng sunugin ang tiyanak habang wala pa siyang malay. Tumayo ako ng makuha ko iyon at paika-ikang naglakad papunta sa kinaroroonan ng tiyanak. Walang pagdadalawang-isip kong ibinuhos sa kanya ang gas at susunugin na sana siya ng flamethrower subalit ay nag-anyo sanggol na naman ito. Pilit kong pinapaalala sa sarili ko na isang halimaw ang nasa harap ko at hindi basta-bastang kawawang sanggol na umiiyak. Pinikit ko ang mga mata ko at gagamitin na sana ang flamethrower kaso ay narinig ko ang boses ni Mr. Dela Vega.

"Wag. Parang awa mo na."

Dumilat ako at agad na nakasalubong ang mga nanunubig niyang mata at duguan niyang leeg. Tumango ako at hinayaan siya kargahin ang anak niyang umiiyak.

"Patrick, ako ang daddy mo. Pasensya ka na anak dahil naging isang masamang ama ako. I'm sorry kasi mas ginusto kong mawala ka kaysa bigyan ka ng pagkakataong mabuhay. I'm sorry anak."

Muli kong inangat ang hawak kong flamethrower ng magbago na naman ang itsura ng tiyanak at mabilis na kinagat ang leeg ni Mr. Dela Vega. A tear fell from his right eye and I was stunned as I watched him smile. He's happy and I can feel it but why in this kind of situation? Dahil nakasama niya ang anak niya? Bakit? Another batch of fresh tears streamed down to my cheeks. My heart got wrenched at the sight of them and he made me love my father more. Kahit pa na hindi ko siya nakikilala.

"Can you do me a favor?" Pagpukaw ni Mr. Dela Vega sa akin habang karga-karga parin ang tiyanak na kinakagat ang leeg niya.

Tumango ako upang iparating sa kanyang gagawin ko ang pabor niyang hihilingin.

"Ano po iyon?"

"Please tell my children I'm sorry and that I love them and please let me be with my Patrick for the last time." Ngumiti si Mr. Dela Vega at bahagyang sinulyapan ang bintanang tinatakpan ng makapal na kurtina. May konting siwang doon kung saan sumisilip na ang liwanag ng araw. Sunlight is the tiyanak's greatest weakness. Kapag naabutan sila ng sikat ng araw sa totoo nilang anyo ay nasusunog sila.

Now I know what he wants me to do. Muli kong ibinalik ang tingin kay Mr. Dela Vega at pilit siyang nginitian. Sinuklian niya rin ako ng tipid na ngiti kaya alam ko ng nanghihina na siya dahil unti-unti na siyang nauubusan ng dugo.

"Mahal kita Patrick at patawarin mo sana ako." Dahan-dahang hinarap ni Mr. Dela Vega si Patrick sa direksyon ko at mahigpit itong niyakap upang hindi makatakas dahil napansin kong umalma ang tiyanak nang makita ang liwanag ng sikat ng araw. Tumango si Mr. Dela Vega sa akin hudyat na dapat ko ng gawin ang pabor na hinihiling niya. Hinila ko ang kurtina at binalot ng sigaw ng tiyanak ang buong paligid nang tumama na ang araw sa kanya. The tiyanak slowly turned into ashes and Mr. Dela Vega fell into his knees and began sobbing for his lost afterwards.

Pinaraanan ko ng tingin ang buong paligid. Blood were found everywhere along with the dead bodies of their employees. Muli akong napatingin kay Mr. Dela Vega na tumayo at paika-ikang tinungo ang puwesto ng asawa niyang si Tita Jasmin. Nahiga siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito.

"I'm sorry. I'm really really sorry." He said before closing his eyes.

In life, the failure of the poor decisions we made upon difficult instances sometimes served as an eye-opener for us in identifying on what kind of person we are and on what kind of life we have lived. We are only humans flawed with imperfections and deceived by mundane factors. Mr. Dela Vega is a mere human. Ruthless and sinful but witnessing how he remorse for every bad things he had done is such an amazing thing that only humans would do.

I made a sign of the cross and offer everything to God on a prayer.

☠️☠️☠️

One more case left and goodbye Volume 1 😊

°illinoisdewriter°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top