Chapter 31: Baby Don't Cry (Part 2)
Baby Don't Cry (Part 2)
My mind was still busy deciphering the codes from the tag that Mariel had given to us when we reached our clubroom. Hindi naman ako ganoon ka-genuis na isang tingin ko lang ay kuha ko na agad ang sagot kaya nagpatulong ako sa google. I searched for the types of codes and ciphers and studied it. Isa-isa kong sinubukan ang mga iyon hanggang sa ginamit ko na ang columnar transposition cipher.
I put a number above each letter of the key text which is 'Birth' basing on their orders in the alphabet and then I arranged the given codes in columnar form.
PCA ILA AKV TDE REG
1 3 4 5 2
B I R T H
P A T R I
C K D E L
A V E G A
Patrick Dela Vega. I keep on tapping the tip of my pen as I stared at the name I have deciphered. Who are you?
"Are we going to inform Wren about this?"
Napatingin ako kay Tobbie na bahagyang hinawi ang blinders ng aming glass windows habang may kung anong dinudungaw sa labas.
"No. We'll going to solve this on our own." I replied and he nodded.
"Tobs?"
"Hmm?"
"May papahanap ako sayo."
☠️☠️☠️
"Maraming Patrick Dela Vega ang nakarehistro sa NSO but what caught my attention ay itong record ng isang sanggol na kamamatay lang. His name is Patrick Dela Vega, son of Agatha Bahian." Wika ni Tobbie habang nakatutok parin ang atensyon sa kanyang laptop.
"Kunin mo ang address nung nanay dahil pupuntahan natin siya after meeting Baby Justin."
Nag-angat ng tingin sakin si Tobbie at tumango. Sinulyapan niya ang wristwatch niya sandali saka muli akong tinignan.
"Baka nasa parking lot na si Taki. Ang sabi niya sabay na daw tayong pumunta kina Mariel."
Tumango ako at nagsimula ng magligpit ng mga gamit. Ganoon din ang ginawa ni Tobbie. Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan nag-aantay si Taki na kasama ang driver niya.
"Mariel's already waiting for us. May ideya na ba kayo sa problema niya?" Nag-aalalang tanong ni Taki.
"Tiyanak."
Sabay kaming napabaling ang atensyon kay Tobbie na pumapasok na sa loob ng likuran ng itim na Porsche na pagmamay-ari ni Taki. Nagtatakang napatitig naman sa akin si Taki.
"Nadecipher ko na iyong nakalagay sa tag na ibinigay sa akin ni Mariel. Patrick Dela Vega ang nakalagay at pinahanap ko ang nagmamay-ari ng pangalang iyon kay Tobbie. Naagaw ng atensyon namin ang record ng sanggol na kamamatay lang. Nakuha narin namin ang address ng nanay ng bata. Pwede nating puntahan kung gusto mo."
"Sure pero Dela Vega talaga ang apelyido?"
"Yes."
"Mariel is a Dela Vega also. Magkaano-ano sila kung ganun?"
"Yan ang aalamin natin." I retorted and Taki nodded then we both entered the car. Umupo ako sa tabi ni Tobbie sa backseat samantalang nasa shotgun ride naman si Taki.
"As you may partially know, there are many versions of the tiyanak folklore. May sariling bersiyon ang mga taga-Pampanga, Mindoro at mga Batangueño but they all agree that this creature takes the form of an infant to probably lure his victims."
Pinakinggan namin ang eksplenasyon ni Tobbie sa amin tungkol sa tiyanak habang nasa kotse parin kami papunta kina Mariel.
"But in this case, the Batangas version is I think the most closely related. Ang sabi-sabi ay normal na batang sanggol daw ang itsura nito na nagmimistulang nawawalang bata sa gubat. They are believed to be an aborted or dead fetus without a name and without being baptized. I guess we really need to meet the mother of this Patrick Dela Vega to know everything." Dagdag pa niyang tinanguan ko naman.
Aborted child and dead fetus huh.
☠️☠️☠️
"Come in. Come in."
Nakangiting pag-anyaya ni Mariel sa amin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa bahay nila. Sa tingin ko'y ito ang pinakamalaki sa eksklusibong village nila na iyon. Her father is a very known man in the real estate world. Hindi lang dahil magaling ito kundi dahil wala rin itong sinasantong kahit sino. He's very ruthless when it comes to business.
Pagpasok namin sa loob ay kaagad naming naabutan ang pagbaba ng kanyang amang nakaformal attire mula sa grand staircase nila. He immediately eyed us with his censorious look and august stance. Siya yung tipo ng amang talagang manginginig ang kahit na sinumang naglakas-loob na manligaw sa anak nilang dalaga.
"Who are they, Mariel?" Tanong nito nang tuluyan ng makababa sa hagdan.
"They're my friends dad and they're here for a group study." Mariel was trying her best to sound convincing in front of her dad who only arched a delicate brow. Napansin ko pa ang bahagyang panginginig ng kamay ni Mariel. She must be really afraid of him.
"I'm Taki Fernandez sir and these are Coco Quizon and Tobbie Araneta." Nilahad ni Taki ang palad niya para kamayan si Mr. Dela Vega pero tinignan lamang iyon ng huli.
Tumikhim si Taki at itinago na lamang ang kanyang kamay nang mapagtantong wala itong balak na tanggapin iyon. That was embarrassing!
"Just make sure that you will not disturb your mom and remind them not to touch things they don't own. Did you get it Mariel?"
Parang robot na tumango si Mariel sa kanyang ama bago siya nito nilagpasan. I don't know why but I suddenly felt annoyed. What kind of treatment was that? Isa pa hindi naman kami naririto para magnakaw!
Nahihiyang napalingon sa amin si Mariel. I guess I already know on where her obedience fountained. She forced a smile for an apology.
"Pasensya na kayo ha. Ganun kasi talaga si papa. He doesn't like guests pero hayaan niyo na. Come on join us. We're still having our lunch."
Iginiya kami ni Mariel papunta sa dining room nila. A woman of mid 40's welcomed us with her smile. Mayroon ding batang lalaki na nasa edad pito ang nakaupo roon kasama ng babae. They shared the same resemblance with Mariel.
"You brought your friends here?"
"Yes mommy. May group work kasi kaming tatapusin."
"Ganoon ba? Come join us. Melba, dagdagan mo pa nga ng tatlong pinggan para sa mga bisita ni Mariel."
Kaagad namang tumalima ang katulong na tinawag ng ginang na si Melba. Inilahad niya ang mga upuan kaya naman naupo na kaming tatlo na magkakatabi. The maids served us with mouth watering foods and I caught Tobbie's eyes sparkled because of it. Napailing na lamang ako at nagsimula nang kumain.
"Wag kayong mahihiya mga bata ha. Kumain lang kayo dyan."
"Aba! Opo!" Napairap ako sa magiliw na tugon ni Tobbie. Hindi na talaga siya magbabago.
"By the way, I'm Jasmin Dela Vega, Mariel's mother and this is Mico Dela Vega, her brother." Pagpapakilala ni Mrs. Dela Vega.
I held myself not to ask about Baby Justin nor lift my gaze to look for him. Pero noon namang nagawa ko ng pigilan ang sarili ko ay siya namang pagkarinig namin ng malakas na pagkalabog na galing sa itaas. Napatigil kami sa pagkain maliban kay Tobbie samantalang mabilis namang pinunasan ni Mrs. Dela Vega ang bibig niya gamit ang table napkin.
"That's Baby Justin. He must be really hungry by now." She stated and my forehead instantly creased.
I don't really think a normal baby could caused such sound. Pwera na lang siyempre kung hindi talaga siya bata. Mrs. Dela Vega excused herself and we all nodded except Tobbie who's still busy with his food.
"Ate, Baby Justin's really acting weird this past few days." Inosenteng sabi ng kapatid niyang si Mico. Hinawakan ni Mariel ang kamay niya at nginitian siya ng pilit. She don't even know how to explain it to him.
"Ang suplado niyang bata ha. Nagdadabog kapag nagugutom." Natatawang komento ni Tobbie. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman nabilaukan siya at kaagad na uminom ng tubig.
Napatingin kami sa pababa ng si Mrs. Dela Vega na karga-karga si Baby Justin. Napansin ko pang aktong maduduwal sana si Taki pero mabilis niyang tinakpan ang bibig niya at ilong.
"Pasensya na kayo ha. Gusto kasi ni Baby Justin na nakakakita ng maraming tao."
"Ma'am! Ma'am! Ma'am!"
Napabaling kami sa hinihingal na katulong na kararating lang. Sapo-sapo niya pa ang dibdib niya habang habol-habol parin ang hininga.
"May problema ba Lena?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Dela Vega sa katulong.
"Ma'am... si Roy po! Patay na po siya! Nasa garden!"
Tinapunan kami ng nag-aalangang tingin ni Mrs. Dela Vega. Nararamdaman kong kinakabahan siya pero ayaw niya iyong ipahalata. Tinungo nila ang daan palabas kasama ng iba pa.
"May patay na naman ate?"
"Mico, keep mo muna ang mouth mo kapag nandyan si mommy okay? Act as if you don't see nor hear anything." Marahan namang tumango si Mico.
Bumuntong-hininga muna si Mariel bago kami hinarap nang maramdaman niya sigurong nakatitig kaming tatlo sa kanya.
"Ayoko lang madamay siya dito. He's still too young at wala kaming ibang kakampi dito dahil nasa ibang bansa ang Ate Karen namin." Pagpapaliwanag niya.
Naalala ko tuloy iyong sinabi niyang sinampal siya ng mommy niya nang imungkahi niyang ipatingin sa espiritista si Baby Justin.
"Amoy formalin yung bata. Nakakasuka." Komento naman ni Taki na mukhang nawalan na ng ganang kumain.
"What do you mean?" Tanong ko naman sa kanya dahil hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa kakayahan niya.
"Nakapagtataka nga e kasi sa tuwing may patay o yung kamamatay lang na hindi pa naeembalsamo ko lang naman iyon naaamoy. Pero kanina mukhang buhay na buhay naman yung bata."
"Tiyanak nga kasi yon." Sansala naman ni Tobbie na puno ng pagkain ang bibig.
"Ate, what's tiyanak?" Inosenteng tanong ni Mico sa ate niyang hindi naman alam kung paano ipapaliwanag iyon.
"Mariel, samahan mo kami. Puntahan natin yung sinasabi nung katulong." Anyaya ko saka tumayo. Sumunod naman sa akin si Taki.
"Pero kasi..." Nilingon ko si Mariel na nagdadalawang isip pa. Halatang takot siya sa mga magulang niya. I wonder how hard it is for a princess like her to live in this house fearing her parents. The way she behaves and her micro expressions whenever she's with them tell me how she was being raised as a child and the statement she had given mentioning her Ate Karen delineates her dependency on her and it affirms my hunches.
"Tobbie will take care of Mico."
Saglit na napatingin si Mariel kay Tobbie na tinanguan naman siya upang makasiguro. Napabuntong-hininga siya at tumayo na para samahan kami sa garden.
☠️☠️☠️
"No one will call the attention of the police. Not you, even you and most especially not you intruder. Ouch. Sakit nun. Uwi ka na lang Taki."
Napailing na lang ako ng ulitin na naman ni Tobbie ang sinabi ng galit na galit na si Mrs. Dela Vega kay Taki when she suggested to inform the policemen about the death of Gardener Roy. Naabutan namin ang biktima na naliligo sa sarili niyang dugo at kalahati ng bahagi ng leeg nito ay nawawala na animo'y sinakmal siya ng mabangis na hayop.
"Saang parte ba doon ang nakakatawa PG?" Naniningkit ang mga mata ni Taki nang tanungin si Tobbie na nagkibit lamang ng balikat sabay kagat niya sa hawak na mansanas.
Nasa kwarto kami ngayon ni Mariel kasama si Mico. The little boy was sitting on the hardwood floor kasama ang ang prenteng nakatagilid ng higa na si Tobbie. Nakatukod ang isang siko niya sa sahig upang masuportahan niya ang ulo niyang nakapatong sa palad niya.
"Niminsan ba wala talaga kayong nireport na isa sa mga pangyayaring gaya nito?" I asked and Mariel lowered her head.
"I once tried to help the family of one of Baby Justin's babysitters dahil naawa na talaga ako. Pero alam niyo naman ang nagagawa ng pera di ba? Daddy had paid someone to make sure that they will keep their mouths shut eternally. Tapos..."
Nag-iwas ng tingin si Mariel. She obviously doesn't want to talk about the topic.
"They punished me and threatened not to help anyone of them anymore. Hindi ko alam kung anong meron sa bata na iyon at mas mahal pa ata siya ni mommy kaysa sa aming mga totoo niyang anak and daddy doesn't want to hurt mommy." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Mariel na kanina niya pa pinipigilan. Tumayo si Taki para aluin siya. Nanatili ako sa puwesto ko dahil nakaramdam ako ng galit na emosyon na kahit nakatalikod ako sa direksyon ng pinto ay alam kong may nanonood sa amin.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama ko sa kwarto ni Mariel. I noticed that Taki was constantly rubbing her nose. Posible kayang... Mabilis kong nilingon ang pinto at nahuli ko pa ang isang pares ng mga matang nakasilip sa maliit na siwang ng pinto na kaagad naman naglaho.
Mahinahon akong tumayo nang sa ganon ay hindi sila magtaka sa ikinikilos ko. Binuksan ko ang pinto at isinarang muli. Alam kong hindi pa nakakalayo ang nilalang na iyon. Sinuyod ko ng tingin ang paligid pero wala akong nakita. Nararamdaman ko parin siya sa paligid kaya alam kong nandito lang siya sa malapit. I calmed myself before closing my eyes and tried to use my ability in finding the creature. Nang matagpuan ko na ang pinanggagalingan niyon ay dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko kasabay naman nun ang pagpatak ng butil ng kung anong likido sa harapan ko na nagmumula sa kisame.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin doon at minabuti kong pakalmahin ang sarili ko upang hindi magpanic habang pinapanood ko ang maliit na nilalang na mabilis na gumagapang sa kisame papasok sa isang kwarto. I felt him on the ceiling on top of me when I closed my eyes awhile ago at laking pasalamat ko na hindi naman niya ako tinalunan. Pero hindi dapat ako magpakampante dahil ramdam kong may hindi magandang mangyayari. The silent ambiance in this house is not something that could tell you you're safe. It's like the quietude atmosphere when a raging storm is approaching. This is not good.
Patuloy kong kinalma ang sarili ko hanggang sa tuluyan na akong nakapasok muli sa kwarto ni Mariel. I need to act this way. I need to learn how to handle this kind of situation because there will be no Wren this time to save me and us when everything fall short. I only have myself and them to get through this case.
"Kailangan na nating umalis."
Napaupo si Tobbie sa sahig mula sa pagkakahiga niya kanina. Nahimasmasan na si Mariel kaya tinignan ko si Taki para makuha niya ang nais kong iparating. Tumango naman siya. Nilapitan ko si Mico at hinawakan ang kamay niya saka siya dinala kay Mariel.
"Alam kong hindi kayo papanigan ng mommy niyo kaya siguraduhin mo na lang Mariel ang kaligtasan ninyong dalawa ni Mico. He needs you so stay with him. We'll be back as soon as we finished what we're about to do. Tawagan mo lang kami kung may kailangan ka okay?"
Tumango at pilit na ngumiti si Mariel kahit pa batid sa ekspresyon niya ang pagtataka. Nagpaalam na kami sa kanya para tunguhin si Agatha Bahian.
☠️☠️☠️
"Sekretarya ako ni Mr. Frederick Dela Vega sa kompanya niya sa loob ng apat na buwan."
Nanatili akong nakatitig kay Agatha habang hinahayaan siyang magpakilala. Nasa apartment niya kami ngayon at halata ang malaking pagbabago sa kanya. There were dark circles under her eyes, messier bun and skinnier figure are far from the picture we have on her profile. I am mentally taking down notes about her as we resumed the interview.
"Hindi na po ba kayo nagtatrabaho doon ngayon?" Magalang na tanong ni Taki sa ginang na marahan namang umiling.
"Hindi na." Succinct reply.
"Bakit po? Kasi kakaonting buwan lang iyon kung tutuusin." Pahabol na tanong ni Taki. She rarely meet our eyes in most of the time.
"Pwede bang huwag na nating pag-usapan iyon?" Refusal to talk about the topic.
Nag-iwas siya ng tingin at nararamdaman ko ring kinakabahan na siya. She's hiding something and that's for sure.
"Who's Patrick Dela Vega?"
Kaagad siyang napatingin sa akin nang sabihin ko ang pangalan ng anak niya. The outset of the glimmering of tears in her eyes ensued weep.
"May relasyon ba kayo ni Mr. Dela Vega? Anong nangyari kay Baby Patrick?" Walang preno kong tanong. Sinubukan ni Taki na aluin ang ginang.
"A... anak ko siya... Namin ni Frederick. Nagkaroon kami ng relasyon pero ang sabi niya ay hanggang doon lang ang maibibigay niya sa akin kaya noong malaman kong buntis ako ay hindi ko sinabi sa kanya ang totoo pero wala pala talagang sikretong hindi nabubuking. Nang kabuwanan ko na ay doon niya nalaman ang lahat. Pinilit niya akong ipalaglag ang bata dahil makasisira daw iyon sa imahe niya at sa pamilya niya pero hindi ako pumayag. Huli na nung malaman kong pinalitan niya pala ng abortion pills ang gamot na iniinom ko para kay baby. Naipanganak ko naman si Patrick pero maraming naging komplikasyon sa kalusugan niya. Ilang linggo din siyang nanatili sa incubator pero noong nakaraang buwan lang ay pumanaw na siya..." Muling napahagulgol si Agatha matapos niyang isalaysay ang mga pangyayari.
I clenched my fists as I watch her weeping for the lost of her son. May ama bang nakakasikmurang gawin iyon sa sarili niyang anak dahil lang sa pinapanatili niyang malinis ang kanyang imahe? Dahan-dahan kong inalis ang pagkakakuyom ng mga kamao ko. Paano kung ganoon din pala ang tatay ko? Paano kung sa sobrang gahaman at sama niya ay iniwan siya ni nanay? Paano kung talagang ganoon siya kaya mas pinili ni nanay na ilihim sa akin ang katotohanan dahil doon?
"Saan po nakalibing si Baby Patrick?"
Napatingin naman kaming lahat sa nagsalitang si Tobbie. Alam kong alam na niya ang gagawin para pigilan ang tiyanak na si Baby Patrick. Sinabi ni Agatha sa amin ang sementeryong hinihimlayan ng kanyang anak kaya nagmadali kaming tunguhin iyon.
☠️☠️☠️
"Matagal pa ba yan Tobs?" Naiinip kong tanong habang nakadungaw sa kung gaano na kalalim ang nahuhukay ni Tobbie dito sa public cemetery na pinaglibingan kay Baby Patrick.
It's already 7 o'clock in the evening at mabuti na lang at hindi gaanong matao ang sementeryong iyon kung hindi ay kanina pa kami nasita rito sa paghuhukay ng libingan ni Patrick.
"Bakit di ka kaya kumuha ng pala doon at tulungan ako dito?" Panunuyang tugon niya na inirapan ko naman.
Dumapo naman ang mga mata ko sa hinihingal na si Taki na kararating lang dala ang flamethrower at gas na pinabili namin sa kanya. Nasulyapan ko pa sa malayo ang driver niyang si Manong Jude na nagtatakang pinagmamasdan kami.
"May kailangan pa ba kayo?" Tanong ulit ni Taki sa akin na maagap ko na namang inilingan.
"Guys, ilawan niyo nga muna ako dito!"
Binuksan ko ang ilaw ng flashlight para kay Tobbie nang makita na niya ang maliit na kabaong ni Baby Patrick. Nakaramdam naman ako bigla ng awa para sa sanggol. Kung tutuusin ay kasalanan ito ng ama niya but he suffered the consequences. Umakyat na si Tobbie at inabot mula kay Taki ang flamethrower at gas. Pinanood ko siya habang ibinubuhos niya ang gas sa nakabukas na kabaong ng sanggol.
"Gagawin ba talaga natin to?"
Ramdam ko ang paninitig nina Taki at Tobbie sa akin. Hindi ko sila magawang lingunin dahil mas lalo lamang akong maguguluhan. Naaawa ako sa bata at naiinis ako sa sarili ko dahil doon!
"Mamili ka, susunugin mo ang bangkay o hahayaan ang tiyanak na magpatuloy sa pagpatay?"
Bahagya akong natauhan sa sagot ni Tobbie pero ayoko paring harapin sila. Marahan akong tumango at hinayaan siyang tuluyan ng sunugin ang bangkay. Narinig naming tumunog ang cellphone ni Taki.
"Si Mariel tumatawag."
"Paki-loudspeaker please." I replied.
Nang makarinig ako nang boses sa background ay alam ko ng nasagot na ni Taki ang tawag.
"Mariel? Hello Mariel?"
"Ta... Taki..."
Mabilis akong napatingin sa direksyon ni Taki nang maramdaman kong bigla siyang kinabahan.
"Mariel, anong nangyayari sayo dyan?! Ayos ka lang ba?!"
"Ta... Taki..." Sinundan iyon hikbi at nararamdaman ko ang takot ni Mariel dahil sa sobrang lakas niyon.
"Ayos ka lang ba?! Nasan na kayo?!" Mababakasan na ng prustrasyon ang boses at ekspresyon ni Taki.
"Tu... tulungan niyo kami please. Iligtas niyo kami ni Mico." Pabulong na sagot ni Mariel na para bang nag-iingat para hindi siya marinig ng kahit na sino.
Nagtaka ako ng unti-unti kong nararamdaman ang paghabol ko sa aking hininga dahil sa samo't saring emosyong nagmumula sa kabilang linya.
"Mariel, makinig ka papunta na kami dyan kaya wag kang mag-alala."
"Sa-"
Hindi na natapos pa ni Mariel ang sasabihin dahil isang nakakabinging sigaw na ang naririnig namin mula sa kabilang linya. May tunog din ng kung anong nalaglag at tunog na gaya ng ginagawa ng isang mabangis na hayop kapag ngumunguya ng pagkain. Tinakpan ni Taki ang bibig niya nang mapagtanto niya kung anong nangyayari. Kaagad niyang tinapos ang tawag at nanginginig na lumapit sa akin. Napaluhod siya at hinawakan ang kamay ko.
"Tu... tulungan natin ang kaibigan ko. Please." Umiiyak niyang pagmamakaawa.
"Teka, paano nangyari yun e nasunog na natin yung bangkay ni Patrick di ba?" Naguguluhang tanong ni Tobbie.
Napaisip akong maigi hanggang sa maalala ko ang tag na ibinigay sa akin ni Mariel. Natatandaan ko pa ang sinabi niyang nakita raw nila iyon sa daliri ni Baby Justin sa paa nang makita nila ito. Gusto kong sampalin ang sarili ko nang mapagtantong baka toe tag iyon na inilagay ng embalsamador sa bangkay ni Baby Patrick. Come to think of it also, ang sabi ni Agatha ay naisilang daw niya si Baby Patrick pero matapos ang ilang linggo ay namatay ito. Nakuha nina Mariel ang toe tag pero may nailibing na bangkay si Agatha na inakala niyang si Patrick. Ibigsabihin ay may tao sa likod ng lahat ng to at...
"Ibang bangkay ang sinunog natin."
☠️☠️☠️
Umiiyak parin si Taki nang pumasok kami sa loob ng kotse niya. Si Tobbie ang nasa driver seat katabi niya dahil pinauwi na muna namin si Manong Jude sa bahay nila para hindi ito madamay sa mangyayari. Minamaneho ni Tobbie ang sasakyan papunta sa bahay nina Mariel habang panay din ang abot niya ng tissue kay Taki. Nag-aalala parin ang huli para sa kaibigan niya.
I sat in the backseat alone but I guess that's much better. Binuksan ko ang mini backpack ko at kinuha mula sa loob niyon ang toe tag. May kung anong puwersang nagtutulak sa akin na tignan ang likuran nun kaya binaligtad ko iyon. Kumunot ang noo ko nang mapansing may nakasulat din doon.
BIRTH
GIREEL TFHHAE RNOMRL EGMOOE ESTTFV
☠️☠️☠️
I would just like to commend those who tried to crack the previous code. Kahit hindi niyo kinomment ang sagot niyo ay natuwa parin ako dahil sinubukan niyo. Kahit hindi ito ganoon kasikat ay sinusubaybayan niyo parin and I thank you for that. 😊
Shout out sa mga kaibigan kong kinareer na ang pagsuporta nito. Salamat talaga sa inyo guys! ❤️
°illinoisdewriter°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top