Chapter 27: Mannequins For Pleasure (Part 4)
Mannequins For Pleasure (Part 4)
°Three years ago°
"Tobbie! Tobbie! Tobbie!" Coco happily chanted as she was slightly jumping on their place.
"Bakit ba para ka na namang uod na binudburan ng asin dyan?"
Hinila ng wala parin sa sariling si Coco ang laylayan ng PE shirt ni Tobbie sabay nguso nito sa direksyon ng entrance ng auditorium na papasukan nila para sa isang symposium na dadaluhan ng mga eight graders na gaya nila. Binalingan ito ng binata at kaagad niyang napagtanto kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang kaibigan. Ang nakangiting si Wren Isaiah Avila lang naman ang naroroon na binabati ang mga estudyanteng papasok sa auditorium.
"Tobs, magbespren tayo di ba?"
"Oh? Tapos?"
"May plano ako pero kailangan ko ang tulong mo."
Napakamot si Tobbie sa batok niya at bahagyang humikab habang patuloy na nakatunghay sa kaibigang nagniningning ang mga berdeng mata sa kilig. Sanay na sanay na siya dito simula mga bata pa lamang sila. But despite of the all the things in which they varies, they're still inseparable.
"Ano na namang kalokohan yan Buko?"
"Ganito yon, kapag nasa pila na tayo mamaya at malapit na ako sa entrance ay itulak o di kaya ay bungguin mo ako papunta kay Wren. Pero siyempre dapat lakasan mo yong pagtulak sa akin para hindi mahalatang scripted."
Gustong matawa ni Tobbie sa plano ng bespren niya pero pinigilan niya ang sariling maging kontrabida sa pagpapantasya nito kay Wren. Kahit kailan talaga ay nawawala ang ayos ng utak nito pagdating sa binata.
"Sinabi mo yan ha?"
Tuwang-tuwang napa-palakpak at tango si Coco saka hinila na ang bespren papunta sa pila. Hindi magkamayaw sa sobrang excitement ang dalaga habang papalapit sa entrance sa kung saan nakatayo si Wren at binabati ang mga dadalo. Pansin niya pang panay ang bungisngis ng ilang mga babaeng binabati nito. Mga pabebe!
"Tobbie, hayan na. Go." Bulong niya sa bespreng nasa likuran niya nang nasa harap na siya ng entrance.
"Excuse me." Ani Tobbie na parang wala lang sabay bunggo kay Coco.
Papasok na sana si Tobbie sa loob ng auditorium pero nahinto siya at nilingon ang kaibigang sumubsob sa ground. Napalakas nga ata ang pagbunggo niya dito!
"Anyare te?" Pangungutya ng isang babaeng estudyante sa pila.
"Feel niya sigurong magswimming."
Nagsimula ng magtawanan ang mga taong nasa pila. Naawa naman bigla si Tobbie sa bespren niya at ang gaga naman ay hindi agad tumayo! Maglalakad na sana siya para puntahan ito kaso naunahan na siya ni Wren. Pinanood niya kung paano tinulungan ng binata ang bespren niya upang makatayo.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Wren kay Coco habang hawak ang kanang kamay nito at inaalalayan siyang makatayo.
"Ayos lang ako. Hindi naman siya masakit."
Pagsisinungaling ni Coco na nakakaramdam na ng kung anong mahapdi sa siko niya. But the mere sight of his hand holding hers somehow lessens the pain. Nang bumitaw ang mga kamay nila sa isa't isa ay pinagpagan na ni Coco ang suot niyang PE uniform. Napatingin naman si Wren sa siko niya.
"May mga galos yong siko mo. Ihahatid na lang kita sa clinic."
"Hind-"
"Andito ka lang pala. Halika na nga sa loob."
Napangiwi naman si Coco sa hapdi nang hawakan ni Tobbie ang siko niya.
"Careful. May mga galos siya." Ani Wren kaya naman inangat ni Tobbie ang braso ni Coco para tignan ang mga galos nito.
"Hindi ka kasi nag-iingat e."
Coco silently smirked at Tobbie's remark. Baka nakakalimutan nitong siya ang may gawa niyan.
"Halika na nga."
Magsasalita pa sana si Wren kaso hinila na ni Tobbie papasok ng auditorium si Coco. Sinundan niya ng tingin ang mga ito at hindi niya maiwasang mapangiti nang muli siyang nilingon ng dalagang may itim na umaalong buhok at berdeng mga mata saka siya nakangiting kinawayan. Kanina niya pa kasi ito napapansin sa pila na animo'y may papanooring concert dahil sa itsura nitong excited na excited. Inangat ni Wren ang kanang kamay niya at nakangiti rin itong kinawayan.
"Oh. My. Gosh. Nakita mo yon Tobs? Kinawayan niya ako! With matching ngiti pa!" Kinikilig na wika ni Coco sa kanyang bespren.
Binitawan na siya nito nang makakita na ito ng pwesto para sa kanilang dalawa. Naupo na si Tobbie samantalang nanatiling nakatayo si Coco sa harapan niya. Dumapo naman ang mga mata ng dalaga sa kanyang kanang kamay na hinawakan ni Wren kanina. Tobbie's face got distorted when Coco smelled her hand. Baliw!
"Hmm. Acqua de Gio. Ang bango niya Tobs!"
"Stalker!" Panunuya ni Tobbie sa kaibigan niyang nagmumukha ng blushing emoji na ngayo'y nasa kanang pisngi na ang kamay na hinawakan ni Wren kanina. Nangingiting nagpailing-iling na lamang si Tobbie dahil parang nagha-harlem shake na si Coco sa kilig.
---
"Sinong nanay mo?! "
"Ang nanay ko po ay si Maria Teres-"
"Wren, could you join me outside? Kukuha lang ako ng mga pictures."
Dumako ang mga mata ko kay Bethany mula sa pinapanood kong pantanghaling palabas na kasalukuyang kinukuha na ang dslr niya sa loob ng kanyang duffle bag.
"Sure. Sasama kayo?"
Sa halip na sagutin si Wren ay ipinagpatuloy ko na lang ang paghalughog ng iPhone ko sa loob ng aking backpack. Itetext ko pa si nanay. Pero hindi ko sasabihin sa kanyang na-suspend ako at kasalukuyang lulan ng barko papunta sa Bayan ng Camar na siyang pinakamalapit sa isla ng Palatas. Mahihimatay siguro iyon sa gulat at sama ng loob sa akin.
"Di na bro. Dito na lang kami ni Buko. Gagamutin namin ang nagdurugo niyang puso."
Tinapunan ko ng matalim na titig si Tobbie pero kinindatan lamang ako ng loko. Mabilis kong iniba ang ekspresyon ko nang bumaling si Wren sa akin.
"You want to join us Coco?"
"Hindi na. Magpapahinga na lang muna ako."
"You sure?"
Tango na lamang ang tanging naisagot ko sa kanya nang magpaalam na sa amin si Bethany at hinila siya palabas ng cabin. Napabuga ako ng hininga at isinalampak na lamang ang sarili ko sa ibabang bahagi ng double deck na pinaglalagyan namin ni Bethany ng mga gamit namin while Wren and Tobbie are the one's next to us. Inalis ko ang kung anumang malambot na bagay na tinapon ni Tobbie sa mukha ko.
"Ano to?"
"Unan. Duh." Sagot niya na sinabayan niya pa ng irap. Kung ibang tao lang ako ay iisipin kong nagiging bakla na siya pero dahil bespren ko siya ay alam kong paraan niya iyon para tuksuhin ako at sabihing 'tanga-tangahan bes?'
"Salamat ha?" I mocked and just cuddle the pillow he had given before I reached for my iPhone and texted nanay.
I love you nanay ❤️
I, then closed my eyes and readied myself for a slumber.
☠️☠️☠️
"Buko, gising na. Malapit ng dumaong yong barko."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko agad ang nakatunghay na mukha ni Tobbie sa akin.
"Punasan mo yong laway mo bes."
Walang pagdadalawang-isip kong hinampas sa tumatawa niyang mukha ang unan na yakap-yakap ko kanina. Does he even know how embarrassing it is? Lalo na at nakikinig pa sa amin si Wren! Mabilis akong napaupo at kinapa ang magkabilang gilid ng labi ko para alamin kung meron nga talaga. Tatawa-tawa naman si Tobbie habang pinapanood ang ginagawa ko. Thank goodness at wala naman pala! Pero ilang segundo pa ay naramdaman at narinig ko na lamang ang pagkulo ng aking tiyan. Maging silang tatlo ay napatingin sa gawi ko dahil doon.
"You're hungry?" Tanong ni Wren na tinanguan ko naman. What's the point of lying gayong narinig naman na nila?
At isa pa ay gutom na gutom na talaga ako. Hinawakan ko ang tiyan ko at natutulalang sinabi na
"Gutom na ko."
Napatingin muna si Wren sa relo niya bago siya nagsalita.
"We still have five minutes before we reach the port. I'll go to the canteen and get you something to eat."
"Salamat talaga Wren. Kahit cup noodles lang." Pagmamakaawa ko sa kanya na tinanguan at nginitian naman niya.
"As you wish."
"Gusto mo samahan kita?" I asked.
"Wag na. Just stay there and fix yourself."
"As you wish." I replied and his smile widened. He seemed happy too and I can feel it.
Nang makaalis na si Wren ay mabilis kong hinalungkat ang hairbrush sa loob ng aking backpack saka sinuklay ang kulot kong buhok. Hinayaan ko iyong nakalugay. Nagpulbo pa ako at nag-spray ng cologne. Konting push na lang talaga at maiinlove na siya sa akin!
☠️☠️☠️
"Thank you." Malambing na wika ni Bethany kay Wren na hawak-hawak ang kaliwang kamay niya at inaalalayan siyang bumaba ng barko.
Sumama tuloy ang timpla ko habang pinapanood sila while Tobbie was chuckling behind me kanina pa. Nang makababa at makalabas na kami sa port ng tuluyan ay ang simpleng bayan na ng Camar ang bumungad sa amin.
We spotted a lot of fishermen along the way. Kung titignang maigi ay pangingisda nga ang pangunahing kabuhayan sa bayan na ito. May nakikita din kaming mga souvenir shops na may iba't ibang produktong gawa nila na binebenta.
"Wren, kain muna tayo. I'm starving at baka ganun din si Bethany." Suhestiyon ni Tobbie na tinanguan naman ni Wren.
"Maghanap na lang muna tayo ng karinderya."
Sumang-ayon kaming lahat dahil kahit na nakakain na ako ng cup noodles ay nagugutom parin ako. I'm craving for the combination of rice and viand. Nang makahanap na kami ng karinderya ay kaagad kaming tumigil doon at umorder ng makakain. Sinabi namin ni Bethany ang mga order namin sa mga lalaki at sila na ang pumila sa counter. May ilan pang mga customer at staff na naroroon na nakakakilala kay Bethany kaya panay ang papicture sa kanya. Di din naman nagtagal iyon nang dumating na ang mga lalaki dala-dala ang order namin. Ganadong-ganado ako habang kumakain ng mga iyon.
"Paano tayo makakapunta sa Isla Palatas?" Biglaang tanong ni Bethany sa kanila.
Sinulyapan ko si Tobbie na abala sa paglamon. Alam na this. Ibinaling ko na lang kay Wren ang atensyon ko na tinawag naman ang isang may edad ng serbidora doon.
"Manang, pwede ho ba kaming magtanong?"
"Sige, ano yon at baka makatulong ako sa inyo."
"Alam niyo po ba kung paano pumunta sa Isla Palatas?"
Napakurap naman ako nang biglang naglaho ang ngiti ng matanda at nagpalinga-linga sa paligid na para bang sinisiguro kung may nakakarinig ba sa usapan nila and I can sense that she's frighten over something.
"Ayos lang ho ba kayo?" Magalang na tanong ni Wren sa matanda.
"Anong gagawin niyo roon sa isla mga bata?"
"May kailangan po kaming kitain doon na importanteng tao."
"Alam niyo bang delikado doon? Isa pa ay hindi basta-bastang makakapasok ang kung sinuman doon. Lalo na ang mga babae." Aniya at bahagya kaming sinulyapang dalawa ni Bethany.
"Ano pa po ang iba niyo pang nalalaman tungkol sa isla na iyon?" I asked.
"Mga lalaking mayayaman lamang ang nakakatungtong doon pero ang sabi-sabi ay maaari din naman ang mga babae kung sakaling inimbitahan sila ng mga kasaping lalaki ng islang iyon. Iyan lamang ang mga impormasyong maibabahagi ko sa inyo pero kung nanaisin niyo talaga pumaroon ay may bangkero sa dulo ng bayan na ito na siyang nag-iisang pwedeng maghatid sa inyo doon."
Nagpaalam na ang matanda sa aming pinasalamatan naman namin kaagad para sa mga impormasyong ibinigay niya. Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos kami ay tinungo na namin ang sinabi ng matandang nakausap namin.
Nagtanong-tanong pa kami sa mga naroroon tungkol sa lugar ng bangkero habang naglalakad hanggang sa marating namin ang tahanan niya sa dulo ng bayan. His house was the only one standing in that location. Mula sa kinatatayuan namin ay natanaw namin ang Isla Palatas sa di kalayuan na nababalutan ng hamog. It would give everyone the same chills as of watching a horror movie about a mysterious remote island.
"May tao oh. Baka siya yong tinutukoy na bangkero ng mga taga-rito." Wika ni Tobbie nang mamataan namin ang isang lalaking nag-aayos ng lambat ng kanyang bangka.
Maglalakad na sana si Tobbie papunta sa lalaki kaso ay hinarang ni Wren ang palad sa harapan nito.
"Have you already contacted Inspector Salazar?" Pagtutukoy ni Wren kay Tito Ken na tinanguan naman ni Tobbie na bigla na lamang sumeryoso.
"They're now on stand by." Sagot naman ni Tobbie kaya binaba na ni Wren ang palad niya. Kahit naguguluhan man ay hindi na lamang ako kumibo.
"Let's go then."
Nagpatuloy kami sa paglapit sa lalaki at doon ko napansin ang isa pang bangka sa di kalayuan.
"Mawalang-galang na po manong pero kayo po ba iyong bangkerong naghahatid ng mga turista sa kabilang isla?" Wren courtly asked and the man turned his attention on us.
"Oo ako nga hijo."
"Maaari niyo pa ba kaming ihatid doon?"
Nahuli ko ang bahagyang pagsulyap ng lalaki sa aming dalawa ni Bethany na nasa likuran ni Wren.
"Maaari ko kayong ihatid doon subalit hindi ang mga binibining kasama niyo dahil ipinagbabawal sila roon."
Nilingon kami ni Wren at mababakasan ng pagkabahala ang ekspresyon niya.
"Huwag kang mag-alala hijo. Narito naman ang asawa kong si Leonor para samahan sila habang hinahatid ko kayo doon at hinihintay sa kung anong pakay niyong gawin doon. Hindi naman siguro kayo magtatagal doon di ba?"
"Hindi naman po." Tobbie managed to answer the man.
"Kung gayon ay tatawagin ko lamang ang asawa ko."
Nagpaalam muna sa amin ang lalaki at tinungo na ang loob ng kanilang bahay. I watched him as he entered the house and I was quiet surprised to feel a lot of emotions residing in there kahit na iyong bahay lamang nila ang nakatayo doon. Maybe because they have children inside.
"Will you two be alright if we'll leave you for awhile here?" Asked Wren and Bethany immediately nodded her head in retort while I remained looking at the fisherman's house.
I am not sure if we'll really going to be. My gut feeling tells me to back out but the other part of me says to stay. Walang kahit na isang nagsalita sa amin. Marahil ay hinihintay nila ang sagot ko kaya hinarap ko na lamang sila at tumango. I opt to follow the other part of me who wants me to stay.
"Andito sila. Ikaw na munang bahala sa mga binibing kasama nila."
Napatingin kaming apat sa gawi ng mag-asawa. Leonor, the wife was smiling at us and it's creeping me out for an unknown reason.
"Wag kayong mag-alala mga ginoo at ako ng bahala sa mga kasintahan niyo."
"Salamat po."
Gulat at nakakunot-noo akong nag-angat ng tingin kay Tobbie ng akbayan niya ako. Maging sina Wren at Bethany ay napatingin sa gawi namin. Yuck! Ang kapal ng isang to! Napatingin ako kay Wren at naabutan ko siyang nakakunot din ang noo habang nakatitig sa aming dalawa ni Tobbie. If I only have an enough trust on this couple ay baka nasikmuraan ko na si Tobbie sa harapan nila but I also need to act accordingly.
☠️☠️☠️
Tinanaw namin ang unti-unting paglayo ng bangkang sinasakyan nina Wren at Tobbie papuntang Isla Palatas.
"Mga hija, pasok muna tayo sa loob." Sabay naming nilingon ni Bethany si Aling Leonor. Tumango si Bethany but I remained looking at the woman. Ewan ko ba kung bakit may parte sa aking nagsasabi na huwag siyang pagkakatiwalaan.
Iginiya kami ni Aling Leonor sa loob ng kanilang bahay at papunta sa kanilang kusina. Kaagad na bumungad sa aming paningin ang mga tasang naroroon. May laman pa ang mga ito. Lumapit ako at sinubukang hawakan ang isa at napakunot ang noo ko dahil mainit pa ito. There were five cups and I don't see anyone else aside from the two of them here in the house. Dumapo naman ang mga mata ko sa nakatumbang tasa.
"May mga kasama ho ba kayo rito?" I asked at maging siya ay napatingin sa mga tasang nakakalat. Kaagad niya iyong iniligpit at nararamdaman kong kinakabahan siya.
"Wa... wala na. Kami lang ni Isko ang naririto." There, she's lying.
Tumango ako sa kabila ng lahat. Pumasok si Aling Leonor sa isa pang parte ng kanilang kusina para gawan kami ng maiinom. Narinig ko ang paghila ni Bethany ng silya pero maagap ko siyang dinaluhan nang muntikan na siyang matumba.
"Ayos ka lang Bethang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko at tumitig ng diretso sa mga mata ko.
"Huwag na huwag kang iinom ng ibibigay niya." Marahil ay nakita niya ang nangyari dito o ang mangyayari pa sa amin.
"Heto na ang tsaa mga binibini."
Kaagad kaming napaayos ng tayo ng marinig namin ang boses ni Aling Leonor. Naupo na kami ni Bethany sa kanya-kanyang mga silya namin habang inilalapag naman ng ginang ang mga tsaang ginawa niya.
"Pwede po ba akong gumamit ng banyo?"
Nahinto sa pagbubuhos ng tsaa si Aling Leonor sa tasa niya at tinignan ako.
"Nasa kabilang kamalig iyong banyo namin hija. Wag kang mahiyang magsabi kung may kailangan ka pa."
Buong akala ko ay hindi siya papayag kaya laking pasalamat ko na hinayaan naman niya ako. Inaya ko si Bethany pero tumanggi siya sa alok ko. Hindi niya ma-gets ang ibig sabihin nun?! Wala akong ibang mapagpipilian kundi ang tunguhin ang banyo mag-isa. Nagbabakasakali din akong may mahanap doon.
Nang mamataan ko na ang kamalig ay napatigil ako sa paglalakad at sinulyapan ang isang bodegang gawa sa kahoy na lawaan. Nakakapagtaka lang kasi nakakaramdam ako ng matinding takot mula doon.
Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa bahagi niyon na may siwang. Habang palapit ako ng palapit ay nakakarinig ako ng mga paghikbi at dumoble pa ang emosyong iyon na nararamdaman ko kanina. Magkahalong takot at pangamba. Nang makalapit na ako sa siwang ay sinilip ko ang loob niyon. Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Kitang-kita ko ang panginginig at paghikbi ng mga babaeng nakakadena sa loob niyon. Nakatakip ang mga mata nila at nakabusal ang kanilang mga bibig. Nanginig ang mga tuhod ko sa napagtanto ko. These women are probably missing and they are the subjects for mannequin transformation. Kasapi sila ni Dr. Orem! Sina Aling Leonor at ang asawa niya! Bakit hindi ko napansin iyon?
Biglang sumagi sa isipan ko si Bethany. Dang! Dapat hindi ko siya iniwan! Tinalikuran ko ang bodega at babalikan na sana kaso sinalubong ako ng isang lalaking may dalang shotgun na itinututok niya sa akin. Nasulyapan ko pa si Aling Leonor sa likuran niya na hawak-hawak sa balikat ang nanghihinang si Bethany.
"Tumalikod ka!" Sigaw niya pero nagmatigas ako kaya puwersahan niyang hinila ang braso ko at kinaladkad papunta sa pinto ng bodega. Sinipa niya ang pinto niyon pabukas saka ako padarag na tinapon sa sahig.
Ganoon din ang ginawa ni Aling Leonor kay Bethany na nanginginig at kaagad akong niyakap.
"Tatawagan ko si Dr. Orem at sasabihin sa kanyang may dalawa na naman tayong bagong huli." Nakangising ani Aling Leonor.
"Nay, baka naman pwede kong tikman ang isa sa kanila." Napasigaw kami nang bigla niyang hinatak si Bethany.
"Bitawan mo siya!" Hinila ko ang humahagulgol ng si Bethany pero inilayo niya ito sa akin bago ako sinikmuraan.
Narinig ko ang pagsigaw ni Bethany sa pangalan ko pero nanghihina at namimilipit na lamang sa sakit akong napaupo sa sahig.
"Roberto, tumigil ka at baka pagalitan tayo ni Dr. Orem! Bitawan mo ang babaeng iyan."
Aangal pa sana ang tinawag niyang Roberto pero maya-maya pa ay inis niyang itinapon sa banda ko ang wala paring tigil sa paghagulgol na si Bethany. Kahit namimilipit sa sakit ay sinikap kong lapitan si Bethany at yakapin siya para patahanin. Mahigpit na yakap naman ang ginanti niya sa akin.
"Coco, natatakot ako."
I remained silent as I caress her hair. I don't know what to say. I really don't know how to comfort her especially that I am also trembling in terror. I am also scared. We stayed like that for a couple of moments until both of us felt tired and everything went blank.
☠️☠️☠️
Nang makarinig ako ng mga kalansing ng mga kung anuman ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Muli akong napapikit dahil sa matinding sinag ng ilaw na nasa kisame. Sinubukan kong igalaw ang mga binti at kamay ko subalit hindi ko kaya. Para bang may pumipigil niyon. Muli kong idinilat ang aking mga mata at doon ko nakitang nakagapos ang aking mga kamay at paa habang nakahiga sa isang operating table.
Umahon ang kaba sa sistema ko ng igala ko ang paningin sa buong paligid. Para akong nasa isang laboratory o operating room. Nasaan si Bethany?!
"Relax hija."
Napatingin ako sa taong nakasuot ng scrub, surgical cap at mask pati narin gloves.
"Si... sino ka?! Nasaan yong kasama ko?! Nasaan ako?!" Kinakabahan kong sigaw sa kanya.
"Dr. Willie Orem at your service." Aniya sabay yuko ng kanyang ulo. Sumiklab ang galit ko nang maalala si Zyrah at ang kalunos-lunos niyang sinapit sa kamay niya. Sumagi din sa isipan ko ang mga babaeng nakakadena at si Bethany kina Aling Leonor.
"Anong klaseng demonyo ka?! Bakit nagagawa mo iyon sa mga babaeng wala namang kalaban-laban! Baliw ka! Paniguradong masusunog ka sa impyerno dahil sa ginagawa mo!"
Isang nakakapanindig balahibong tawa ang pinakawalan niya bago niya tinungo ang lamesa na may mga surgical tools.
"Let me tell you about a tragic love story. Once upon a time, may isang surgeon na nahulog ang loob sa kanyang apprentice." If I'm not mistaken, he's pertaining to Joanna, his wife whom he killed.
"Pinag-aral niya ito hanggang sa makapagtapos ito. He proposed a marriage to her which she immediately accepted because she said she loves him. Pero nagbago iyon isang gabi nang malaman ng babae ang sikretong tinatago niya. Ininsulto ng babae ang lalaki. Tinanong nito kung paano sila magkakaanak at bubuo ng pamilya kung wala naman itong ari? Tiniis ng lalaki lahat-lahat ng pang-iinsultong iyon ng kanyang asawa dahil mahal niya ito. Hanggang sa isang araw, naabutan niya itong may kasamang ibang lalaki. Natutulog silang dalawa habang hubo't hubad. Galit na galit ang lalaki. Sa kabila ng pagtitiis at kabaitang ipinakita niya sa asawa niya ay ganoon ang igaganti nito. Sinaksak niya ng makailang beses ang kasamang lalaki ng asawa niya. Nagdilim ang paningin niya dahil nilamon na siya ng lubusan ng galit. Naisip niya bigla kung ano pang silbi ng asawa niya kung hindi naman siya nito kayang tanggapin at ang kondisyon niya. I can still clearly remember how hard she screamed and begged when I had given her a clitoral amputation using a blowtorch. But that doesn't still makes us even. Pinalitan ko ang mukha niya. Ginaya ko sa akin at saka doon ko siya pinatay."
Nahugot ko ang hininga ko nang hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya. Nakangisi siyang nakatunghay sa akin habang ipinapakita kung gaano katalas ang hawak niyang surgical scalpel.
"Mararanasan mo rin naman ang napagdaanan ng aking mga mannequin."
Gusto kong umatras pero hindi ko kaya sapagkat nakatali ako nang ilapit niya sa kanang mata ko ang dulo niyon.
"Your eyes are beautifully rare and I am pretty sure that my male customers will surely love it pero kailangan nga lang kitang bulagin."
Mabilis kong isinara ang mga mata ko sa takot ng palapit na iyon ng palapit sa akin. Sa sobrang takot ko ay halos namanhid na ang katawan ko. I know that my body's trembling yet I couldn't feel it. Humalakhak ang doktor sa ginawa ko.
"Don't worry dahil pagkatapos ng operasyon ay gagamitan kita ng magic." Bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
The surrounding suddenly grew silent and it scares the hell out of me more. Para itong masamang panahon na nag-aabang na maging bagyo. The corners of my eyes began to felt warm when he trace a line on the left side of my cheeks using the tip of the scalpel.
Gusto kong magmakaawa sa kanya pero alam kong hindi niya ako palalabasin ng buo dito sa kung saanman ito. Napasigaw ako sa sakit ng ibaon niya ang dulo niyon sa balat ng aking pisngi. Tracing the line again. Tuluyan na akong napahagulgol dahil sa pinaghalong sakit at takot na nararamdaman ko.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" I felt my tears mixed with the blood coming from the fresh cut he made on my skin as I cried for help.
I closed my eyes tightly as I prayed for my salvation. I am a hopeless case now and my only option is to call Him. I know He's there, just listening to everyone's prayer. I just hope He's not that too busy, not tired to heed mine.
Isang malakas na kalabog ang narinig ko dahilan pang imulat ko ang aking mga matang lumuluha. I am too weak to focus my whole attention in whatever's happening but I managed to gathered all the remaining strength I have to take a look at it. I just found Dr. Orem pinned against the nearby wall with a man whose back is very familiar to me. Dr. Orem turned pale and I can see how he struggles to breath for air as the man choke him.
"Wre... Wren." I know it's him.
Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha pero nasaksihan ko parin kung paano niya inangat ng walang kahirap-hirap si Dr. Orem mula sa sahig na kinatatayuan nito habang sakal-sakal niya ang leeg nito gamit ang isa niyang kamay. I had never seen him like this before and I am afraid that he might end up the surgeon's life. Kahit na naging sobrang sama ng doktor ay ayaw kong nakikita si Wren na tinatapos ang buhay niya gamit ang sarili niyang mga kamay.
"Tama na. Please." I plead as my consciousness started slipping away.
Bago ako sukuan ng aking malay ay nasaksihan ko ang pagbitaw ni Wren sa leeg ng doktor. He turned to face at my direction. The inconceivable pair of his red and gold eyes is the last thing I saw before everything turned black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top