Chapter 26: Mannequins For Pleasure (Part 3)
Mannequins For Pleasure (Part 3)
"It takes a great deal of bravery to stand up to our enemies, but just as much to stand up to our friends."
☸️Albus Dumbledore, Harry Potter and the Sorcerer's Stone
"Sandali lang, ihinto mo muna dyan saka mo i-zoom in." Utos ko kay Tobbie na kaagad naman niyang sinunod.
We are currently watching the CCTV footage of Joshen Espinosa kahapon dito sa clubroom namin. Pinahinto ko sa banda kung saan ko nakita ang isang maliit na card. Pina-zoom in ko iyon sa kanya para mabasa namin ang nakasulat doon.
Orem Girls: Mannequins For Pleasure
Sinulyapan ko ang nakahalukipkip na si Wren sa tabi ko na nakatutok parin ang mga mata doon. Seryosong-seryoso siya at dahil doon ay mas naging matingkad ang kanyang nakakahumaling na itsura. Why does he always has that effect on me?
"Focus Buko. May ginagawa tayo dito."
Kaagad kong sinamaan ng tingin si Tobbie after he snapped his fingers in front of me. I heaved a deep sigh. I really need to get a hold of myself! Hindi ito ang tamang panahon para sa ganoong mga bagay. Muli kong itinuon ang atensyon sa footage. Aside from the frequent snorts Joshen had given to the guard and to the zoomed image of the said card ay wala na kaming iba pang nakitang kahina-hinala doon.
"Mannequin lang pala ang laman nun. Akala ko kung ano na." Komento ni Tobbie habang inuunat ang kanyang mga braso at bahagyang humilig sa sofa ng mini sala namin sa clubroom.
"Ano sa tingin mo Wren?" Tanong niya kay Wren na mukhang may malalim na namang iniisip.
Tobbie closed his Vaio laptop and looked at me as if he's waiting for my answer and decision. Ang nakakunot kong noo naman ang naging tugon ko sa kanya.
"What do you think?" Ngayon ay si Bethany naman ang binalingan niya.
"It's a sex toy, isn't it?"
"Exactly. What should we expect from a sadistic man?" Tobbie seconded pero hindi ko magawang ibigay agad ang aking kongklusyon dahil binabagabag parin ako ng emosyong iyon na naramdaman ko na nagmumula sa loob ng kahon.
"It's not just that. Ever heard of Dr. Willie Orem?"
Napako naman kaagad ang atensyon namin kay Wren nang bigla siyang magsalita. Who is Dr. Willie Orem?
"Who is he?" Bethany asked and I can sense that she's really intrigued with the man he had just mentioned.
"Four years ago, on the 27th day of July, a woman named Joanna Orem was murdered by his surgeon husband Willie Orem when she discovered that he has aphallia. It is a congenital malformation with the absence of phallus or the reproductive organ. Natagpuan ang bangkay nitong nakalublob sa bathtub nilang puno ng dugo. The police identified the person as Willie but after the autopsy report ay nagduda ang mga ito dahil sa resulta. It's not him, it's actually his wife who undergone plastic surgery done by her husband para takpan ang mga ebidensyang magtuturo dito bilang salarin but after a few days ay nahuli siya ng mga pulis. He was then diagnosed with psychotic disorder. Some speculations say that he was able to murdered five mental patients in the same ward with him by performing a horrible surgery on them. Nabahala ang mga naroroon kaya napagdesisyunan nilang ilipat siya sa isang intensive care institution at isolated unit pero habang ibinabyahe siya papunta doon ay nakatakas siya at hanggang ngayon ay pinaghahanap parin siya ng mga awtoridad."
"The mannequins are called Orem Girls, sa tingin mo siya ang gumagawa ng mga iyon?" I asked as I made up a conclusion in my mind.
"There's a great probability that he really is."
"Paano niya isinagawa ang surgery sa mga biktima niyang mental patient, Wren?" He turned his attention unto Tobbie to answer him.
"He secretly sneaked into their ward's laboratory and had used the available tools in there to execute a surgical operation. He deceived the victims one by one and suffering from various mental disorder, he easily tricked them. Ang isa sa mga biktima niya ay tinanggalan niya ng mga mata samantalang ang isa naman ay binuksan niya ang utak. The other three were not stated on the report because they want to keep it at utmost confidentiality."
"Kung totoo nga ang teorya natin ay posibleng may madiskubre pa tayong kakaiba sa mga mannequins na iyon. I am not convinced that a lunatic surgeon would manufactured a simple humanoid figure for pleasure." Matapang kong pahayag na kaagad naman nilang sinang-ayunan.
"So, what are we going to do now?" Tanong naman ni Bethany na nararamdaman kong nag-aalaala.
"Kailangan nating kompirmahin kung ano nga talaga ang nasa loob ng kahon na iyon at kung ano ang tinatago ni Joshen sa kwarto niya and if he affirms our hunches then we need to know everything from him." Seryosong tugon ni Wren.
"Ibigsabihin pakakantahin natin siya? I like that." Natutuwang sambit naman ni Tobbie. Kumunot ang noo ko. I didn't know that he's into some sort of violence and force para paaminin si Joshen. Inirapan ko naman siya nang nakangiting binalingan niya ako.
"Paano naman?" I asked.
"This may sound antagonistic but in which point do you think villains attack the heroes?" Wren queried as his eyes still glued on his phone. Must be searching for something I guess.
"Weakness point." Tobbie proudly retorted as he formed his right hand into a gun and motioned it as if shooting someone. Then, Wren nodded still busy with his phone.
"Ano namang kahinaan ng isang Joshen Espinosa?" Bethany suddenly asked then Tobbie and I turned our attentions on her.
"Beautiful girls." Wren replied without looking at us.
☠️☠️☠️
"Sigurado ba talaga kayo dito?" Nag-aalala kong tanong habang nanonood sa screen ng laptop ni Tobbie.
We are sitting on a gazebo near the boys' dormitory and the two of us are watching what Bethany is seeing as she was doing her act in accordance to our- their plan I mean. I am against it because it's like we're putting Bethany on the line but the boys won't just listen to me. Kinain na sila ng sistema nila bilang mga detectives! They made her wore a video contact lens na binigay daw ni Tito Ken kay Tobbie which I highly doubt. Si Wren naman ay palihim na nakasunod kay Bethany para mailigtas ito kung sakaling manganib man.
"Bakit Buko, gusto mo ikaw na lang ang pain? Naku! Wag na. Hindi ka papasa sa standard ni Joshen lalo na at flat chested k- Ouch! Damn you Coconut!"
Inis kong hinila ang buhok niyang naka-man bun kaya hindi na niya matapos-tapos pa ang dapat sasabihin sana niya. Hinawakan niya iyon at sinamaan ako ng tingin. I returned the equal look. Wag mo kasi akong pinoprovoke! Siya ang unang sumuko saka binalingan na lamang ang pinapanood namin sa kanyang laptop.
"Baliw ka talaga. Hindi ko alam kung bakit naging magbespren pa tayo." Nginiwian ko siya kahit na nakatalikod pa siya sa akin. Magtampo ka all you want!
Itinuon ko na lang din ang atensyon sa kasalukuyang nakikita ni Bethany gamit ang video contact lens. Maya-maya pa ay nakita na namin si Joshen na naglalakad papunta sa direksyon ng gate ng dormitoryo nila. Palapit ng palapit ang kuha ng video sa kanya kaya sa tansha ko ay naglalakad na si Bethany para lumapit sa kanya. Maya-maya pa ay nagkabanggaan sila. If I haven't known about the plan, I would think that their 'bump-into-each-other' scene is one of those lame cheesy moments that a director of a romantic movie could ever think of. But knowing that Joshen is an x-rated man, my idea of romance is something erotic kaya kawawa si Bethany pag nagkataon!
Dahil sa lalim ng mga naiisip ko ay hindi ko na nasundan ang mga pangyayari. I just found myself watching the part where Bethany was roaming her eyes around Joshen's room in the dormitory. Ibinalik niya ang mga mata sa binata and the guy was smirking evilly as he stares at her. Dumapo naman ang mga mata niya sa pigura ng isang balingkinitang babae na nakaupo sa isang leather armchair.
"Ano yon?" Dinig kong tanong ni Bethany kay Joshen na bahagyang nilingon ang bahaging iyon bago siya nakangising hinarap ulit.
Mabilis kong hinalughog ang flyer na ibinigay sa akin ni Monica kahapon sa loob ng aking backpack at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking napansin.
"Meet Zyrah, my doll."
"Buko, ayos ka lang?"
Hindi na ako sumagot pa kay Tobbie at sa halip ay kumaripas ako ng takbo papasok sa gate ng dormitory ng mga lalaki. Alam kong nakasunod lang sa akin si Tobbie. May mga guard na sinita ako pero nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa.
Habol-habol ko parin ang hininga ko nang marating ko ang ngayon ay nakabukas ng kwarto ni Joshen. I caught Wren knocking him down on the floor samantalang si Bethany naman ay natulala habang nakaharap sa mannequin na kamukha ni Zyrah. Ang emosyong nararamdaman ko noon ay mas lalong lumakas ngayon at sigurado na akong sa mannequin iyon galing.
"Hindi madaling magpatulog ng guwardiya ah. Buko, wag ka ngang basta-basta tatakbo bigla papasok dito sa teritoryo naming mga lalaki." Hingal na wika ni Tobbie sabay sara ng pinto saka hila sa akin papasok ng tuluyan sa loob.
"Saan mo nakuha ang mannequin na yan?" Seryosong tanong ni Wren habang kinukwelyuhan si Joshen na nginisihan lamang siya.
"And why would I tell you?"
"Wren, ako na nga."
Binitawan ako ni Tobbie saka tinungo niya ang direksyon nina ni Wren na ngayon ay nakatayo na. Mabilis na hinablot ni Tobbie ang kwelyo ni Joshen at hinatak ito patayo saka inilagay ang mga kamay nito sa likuran at isinandal itong nakaharap sa pader. Tobbie's undeniably strong but I don't want to see him beating someone with his force. Nag-iwas ako ng tingin at lumapit na lamang sa mannequin na nakahubad habang naririnig ko ang palitan ng mga salita ng dalawa.
"Saan galing ang mannequin?"
"Bakit ko naman sa- Fuck! Lagot ka talaga sakin Araneta kapag nakawala ako dito! Babasagin ko yang bungo mo!"
"Saan?"
Despite the series of screams I heard from Joshen ay pinilit kong lapitan si Wren na ngayon ay chinecheck ang mannequin while Bethany was still stunned on where she was standing. Habang naglalakad ako papalapit sa mannequin ay mas lumalakas ang takot na nararamdaman ko mula dito. Why am I feeling such emotion from a mere mannequin? Marahang hinawakan ni Wren ang braso ng mannequin at bahagya itong inangat. Pagkatapos ay maingat niya ulit itong ibinaba. May kung ano namang ginawa ang kamay niya sa likuran ng mannequin before he horizontally positioned his index finger below the mannequin's nostrils.
"Jacobson, Perez, ipsilateral and radiobicipital reflexes. Unstable respiratory pulse rate and dyspnea or shortness of breathing."
A deafening silence enveloped the whole area even Joshen and Tobbie went quiet on their side. I guess they are also swallowing everything that Wren had said. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang ideyang iyon sa bahagi ng utak ko nang hinawakan ko sa balikat ang mannequin. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Wren na seryoso naman ang ekspresyon pero nararamdaman ko ang pagkabahala sa kanya. It might not be perceptible but I am totally sure that I felt the mannequin jerked in the slightest manner and the frighten emotion I am feeling from it doubles up.
"Bu... buhay siya." Napipiyok na wika ni Bethany.
All make sense now. Beeswax is also a known component for mannequin making.
"Kindly check if the teeth are missing."
Kaagad namang sinunod ni Wren ang utos ko. Naikuyom ko ang mga palad ko nang buksan niya ang bibig ng mannequin. Isinara niyang ulit iyon at naglakad papunta sa kama ni Joshen at hinila ang kumot na naroroon. Bumalik siya sa puwesto ng mannequin at binalot ito gamit iyon.
"The lower legs and the forearms extending to the hands are obviously artificial. She might have been undergone into a transplant of those parts. Basing on her reflexes, she cannot see nor hear anything that's why she only reacted when we touched her. The movable parts of her body are still reflexing faintly." He explained.
"Posible bang... siya si Zyrah Legarda?" Hindi ko inalintana ang pumipiyok kong boses. Gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng tumango si Wren kasabay nun ang isang palahaw na sigaw ni Joshen na malamang ay nakatikim na naman ng kamao ni Tobbie. This would definitely be a heartbreaking news for Monica if ever we tell her. The prosthetics and the transplantations all linked and pointed one person, Dr. Willie Orem the lunatic surgeon.
"Umamin ka na Espinosa. Kapag nalaman to ng mga administrators ng university at ng mga pulis ay paniguradong makukulong ka. Ipapaalala ko lang sayong dise otso ka na pare."
I tried to calm myself first habang pinapakinggan sila.
"Maybe you forgot that my grandfather is a judicial body in the supreme court. He could surely spare m- Oh fuck! You'll pay for this dude!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at mabibilis ang mga hakbang kong tinungo ang direksyon nina Tobbie.
"Iharap mo siya sa akin."
"What?"
"Sabi ko iharap mo siya sa akin!" Tila nagulat naman si Tobbie sa reaksyon ko pero kaagad naman niyang pinaharap sa akin si Joshen habang hawak-hawak niya parin ang mga kamay nito sa likuran.
"Are you gonna save me from this stupid man? You know, you're pretty, I can add you on my lis-"
Natigilan siya sa pagsasalita nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya. I made sure that it's as strong as Tobbie's punches on his gut. Let me inflict some physical pain in this sadist na kung susumahin ay kulang pa para sa ginawa niya.
"Alam kong baboy ka pero paano mo nasisikmura ang kahayupang ito?! Alam mo ba ang pinagdaanan niya sa kamay ng kung sinumang demonyong may gawa niyan sa kanya?! Alam mo bang halos lumuhod na sa lahat ng taong nakakasalubong niya ang nakababatang kapatid ng babaeng yan para lang tulungan siya na hanapin ang ate niya?! Hindi mo alam dahil wala kang pakialam! Wala kang puso!"
Tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kumuyom ang panga ni Joshen at hindi man lang siya nag-abalang harapin ako. Nanatiling nakatungo ang ulo niya. Men are known to be cruel but witnessing how heartless they are is not something you would be proud of that you had just proven to be true.
"Hindi ka ba naaawa sa kanya? Kailangan niya ng tulong at hindi karagdagang pasakit."
"I am a sinner and that's a fact I cannot change." Malungkot niyang sagot nang hindi parin tumitingin sa akin.
"Makasalanan tayo, oo, pero hindi pa huli para pagsisihan ang mga kasalanang ginawa natin at gawin iyong tama and telling us the truth would help her."
Binalot kaming lahat ng katahimikan. Wala niisa man sa amin ang nagsalita hanggang sa binasag ng mga guwardiyang bumukas ng pintuan iyon.
"Andito po silang lahat ma'am!"
Umayos kami ng tayo lahat ng pumasok si Mrs. Castro, ang principal ng senior high school department kasama sina Winona at Gelm na isa-isa kaming pinupukol ng mga malalamig niyang titig.
"What are you all doing here?" Mahina ngunit may diing tanong ni Mrs. Castro na bigla kong ikinatakot. Disbelief, disappointment and anger are all over her presence.
Wala niisa sa amin ang sumagot man sa kanya. Kung iisiping maigi ay ako ang may kasalanan nito. We could have perfected our plan, their plan, if I just didn't ran here and ruined the scene.
"All of you, meet us at the Disciplinary Office right now."
☠️☠️☠️
Nanatiling tikom ang bibig ko habang pinapakinggan ang eksplenasyon nina Bethany, Tobbie at Wren sa harapan nina Mrs. Castro at ng Student Council president at vice-president. Ganoon din naman si Joshen sa tabi ni Tobbie na tadtad ng pasa ang mukha.
Halos mahilo na ako sa pabalik-balik na lakad na Mrs. Castro sa harapan namin while Winona was crossing her arms habang nakatayo sa gilid ng nakaupong si Gelm na kalmado lamang. I tried to sense his emotion but it was to no avail and I wonder why. Sinabi kasi ng mga kasama ko ang totoong nangyari. As in lahat-lahat maybe because they're thinking that keeping a single secret won't help us. Lalo na at seryosong kaso ito. Hindi nga makapaniwala si Mrs. Castro kaya kanina pa siya rumarampa na parang modelong hindi mapakali habang nagpapractice para sa magaganap na fashion show sa isang runway series. They ordered some staff to bring the mannequin to the specialist to check if we're really telling the truth.
"Ma'am, we are really sorry for this trouble pero nagsasabi po kami ng totoo."
"Avila sa lahat ba naman ng naririto, you are the least person I expect to get into this kind of trouble."
Napangiwi naman ako sa narinig. Porket na-late lang ako kahapon sa French Class namin ay expected ng gagawa ako ng ganito? Bahagya ko namang sinulyapan si Winona na nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan si Bethany na nakakapit sa braso ni Wren. Maging ako man ay napaangat din ng kilay dahil doon pero kaagad din namang napalis iyon ng tinitigan ako ni Gelm. I sat miserably on my chair and I drew away from his stare.
"We won't do it again ma'am." Pangako naman ni Bethany na nakalingkis parin kay Wren. Naiinis na ako ha!
"But still, this university doesn't tolerate any acts of disobedience to its rules and policies. Ano sa tingin mo ang dapat gawin sa kanila Gelm?" Ani Winona na nahihimigan ko ng iritasyon.
"Despite of your intentions, all of you shall face the consequences of your actions and misbehaviors. Ms. Vasquez and Ms. Quizon for sneaking into the boys' dormitory. Mr. Avila and Mr. Araneta for beating Mr. Espinosa and lastly Mr. Espinosa for bringing such obscenity into this university. Clearly, all of you disobeyed our rules and policies here. You are supposed to be given expulsion for that but I will give you one last chance so your punishments will just be a suspension for three days."
Nakahinga naman ako doon pero hindi nga lang ganoon kaluwag dahil iniisip ko pa kung paano ko sasabihin ka nanay na na-suspend ako sa klase. Pero mabuti na lang at hindi naman nila ipapasara ulit ang Mystic Club.
"I will call your parents to inform them about it."
Naalarma naman ako sa sinabi ni Mrs. Castro.
"Ma'am, please nagmamakaawa ako. Huwag niyo na lang pong sabihin sa nanay ko."
"And for what reason, Ms. Quizon?" Tanong naman ni Gelm sa akin na ikinagulat ko.
"It's a family matter and if you don't mind I would like to keep it private between me and my mother."
Ang totoo niyan ay nagpapa-good shot ako kay nanay. Umaasa parin kasi ako na masasagot niya rin ang mga katanungan ko tungkol kay tatay. Sana nga lang. Natuwa naman ako nang pumayag naman silang huwag ng ipaalam kay nanay ang suspension ko. Naglalakad kami na kami papuntang cafeteria nang bigla kaming napahinto dahil sumulpot sa harapan namin si Joshen.
"I ordered Zyrah online from a secret selling website. They are located at an artificial island they called Palatas. I hope that would help her." Aniya bago kami tinalikuran. It's really never too late to change.
"I guess may gagawin na tayo sa three days suspension natin."
❇️❇️❇️
I need to cut it here kasi masyado ng mahaba. Part 4 will be posted soon 😉
•illinoisdewriter•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top