Chapter 25: Mannequins For Pleasure (Part 2)

Mannequins For Pleasure (Part 2)
Soundtrack:  Somebody To You by The Vamps

"Abrakedabra. Maging palaka ka! Wossh!"

Iwinasiwas ko ang hawak kong slider ng folder at itinutok sa kay Tobbie na abala sa pangongopya ng mga activity namin sa Philosophy ni Wren sa mini sala ng aming clubroom. Bahagya kong sinipa ang paa ng table ko para umatras ang inuupuan kong swivel chair.

Disturbed by my murmurs ay napatingin sa gawi ko si Tobbie habang nakatutok parin sa kanya ang slider ng folder na hawak ko. He blinked three times bago nakipagtitigan sa aking maigi.

"Kokak, kokak."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Maging si Wren ay natigil sa pagbabasa niya ng librong hawak but he didn't bother to look at Tobbie. Umepek ang spell ko! Agad naman akong sumimangot nang bumunghalit ng tawa ang bespren ko.

"Buko, bumalik ka na lang ng Hogwarts dahil marami ka pang kakaining wand bago ka maging wizard."

Sa sobrang inis ko ay naihagis ko sa kanya ang slider. Mabilis siyang nagtakip ng mukha nang tumama iyon sa gilid ng mata niya. Napatayo tuloy ako sa pwesto ko saka siya nilapitan dahil nakonsensya naman ako sa ginawa ko!

"Buko, anong ginawa mo? Sinira mo ang pogi kong mukha. Paano na lang ang future ko nyan?" Pag-iinarte naman niya nang alisin ko ang mga palad sa kanyang mukha.

"Ang oa nito. Wala ka namang galos e." Wika ko sabay bitaw sa mga palad niya.

"We only have ten minutes left before our Philo class."

Napatingin naman ako kay Wren na nakatutok parin ang mga mata sa binabasang libro. I take a quick glance at the cover and my brows arched when the writings doesn't seemed familiar to me. Hindi ko maintindihan kung ano iyon. Is it Greek? German? I don't know.

"Oh Buko hayan."

Napatingin naman ako kay Tobbie na inaabot ang activity sheet ko. Sinulyapan ko ang papel niya pero hindi pa naman siya tapos sa pangongopya kaya bakit niya ibinabalik iyong akin?

"Hindi pareho yong sagot niyo ni Wren. Kanina ka pa madaming mali mula sa activity one. Yong kanya na lang ang kokopyahin ko para sigurado."

Sinamaan ko siya ng tingin saka padarag na hinablot ang papel ko sa kamay niya. Ang kapal ng unggoy na cheater! Lumapit ako sa backpack ko at kinuha mula doon ang signpen ko saka nagmartsa pabalik sa banda ni Tobbie. Padabog akong naupo sa tabi niya at inagaw ang papel ni Wren.

"Patingin nga!" Hinablot ko mula sa banda niya ang papel ni Wren na nakalatag sa coffee table namin.

"Grabe siya oh! Kung makahablot ka naman kala mo ikaw may-ari. Ask for Wren's permission first." Pangaral ng butihin kong kaibigan.

It was then too late when realized what I had just done. I was about to copy Wren's paper in front of him! Bakit ang tanga ko? Ano na lang ang iisipin niya? Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawa pang tignan o sulyapan man lang si Wren but I tried to use my ability to know how he feels and I was quiet surprised to know that he's happy and I can feel him smiling at me.

Hindi ko na ginulo pa si Tobbie sa pangongopya sa activity ni Wren at sa halip ay sinagutan kong mag-isa ang sa akin.

☠☠☠

I keep swinging my legs while I am sitting on the bench in our campus's park as I eat my doughnut. Pinanood ko ang ginagawa ng mga taong naroroon mapa-estudyante man o hindi. Half of me was fascinated to feel the different emotions they have as of the moment. It's overwhelmingly scary for I consider it both a blessing and a curse. 

Simula pa lang noon ay gusto ko ng isang normal na buhay despite my ardent endeavor to solve mysteries. Kaya nga kahit manghuhula si nanay ay niminsan hindi ko ginustong malaman o mabasa niya ang kapalarang nakaukit sa aking mga palad. It might sound absurd that a person who possesses an extreme passion for solving mysteries doesn't want to unravel the secrets of her own life.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga naiisip ko pero kaagad na naagaw ng atensyon ko ang isang matinding emosyon. Iyon ay takot na hindi ko alam kung kanino galing pero sinundan ko ng tingin ang direksyon na pinanggalinggan niyon. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang malaking rectangular na kahon na tinutulak ng guard papasok sa campus. Pansin ko pang panay ang singhal ng isang lalaking sa tingin ko ay senior high school din na gaya ko na para bang may kung anong babasaging bagay sa loob niyon. Ramdam ko ang inis sa kanya habang nakatingin sa ginagawa ng guard. Pero naguluhan ako nang maramdaman ang matinding takot sa loob ng box. Anong meron doon?

Nakalayo na sila subalit hindi parin ako mapakali sa pag-iisip sa kung anong meron doon sa loob. My curiosity went deeper as I stay sitting on my place. Naguguluhan ako dahil kung ganoong klaseng takot ang mararamdaman ko ay malamang hihingi na ako tulong sa iba. Nang maubos ko na ang kinakain ko ay kaagad kong hinawi ang manggas ng aking blazer para tignan kung anong oras na. It's already five o'clock in the afternoon but I guess I still have time to check on it. 

Nasa magkabilang bahagi ng campus ang boys and girls dormitory. Female students stay on the east wing while the male students are on the west wing. Bawal ang mga babae sa boys dormitory samantalang ganoon din ang mga lalaki sa girls dormitory. Pero siyempre ay may mga estudyante paring matitigas ang ulo na lumalabag sa alituntunin ng paaralan and maybe I can adopt some skills on how to sneak into the men's lair in the campus.

Inayos ko ang pagkakalagay ng strap ng aking backpack sa aking magkabilang balikat bago ako tumayo at tinahak ang daan papunta sa dormitory ng mga lalaki.

☠☠☠

Tiningala ko ang puno ng mahogany sa tapat ng dorm ng mga lalaki. Hindi naman iyon ganoon kataas at saka ang sabi ni Tobbie sa akin ay nasa second floor daw ang dorm room ni Joshen Espinosa, the guy with the mysterious box awhile ago. Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong dito ako dinala ng kuryusidad ko.

"Kaya ko to."

There's no turning back now. Nandito narin naman ako. Hinigpitan ko ang ayos ng strap ng aking bag saka inayos ko rin ang suot kong shorts sa ilalim ng aking palda and in just a few seconds I found myself climbing the tree. Huminto ako sa sangang malapit sa bintana ng door room ni Joshen. He's staying alone in there kaya bulong-bulungan na lagi daw siyang nagdadala ng mga babae ng palihim sa kanyang kwarto.

Noong una ay hindi ko pa siya nakikita sa kahit saan subalit maya-maya pa ay umusli na ang ulo ng pawis na pawis na si Joshen kaya bahagya ko na siyang nakikita sa bintana mula sa pinaglalagyan ko. Akala ko ay hindi na ako magugulat dahil sa mga nalaman ko pero iba pala talaga kapag mismong nasaksihan mo na. Napakapit akong maigi sa sangang kinalalagyan ko at napatakip din ako ng bibig dahil sa nakita ko. He's naked and for the nth time ay naramdaman kong muli ang takot na takot na emosyong iyon. Nag-iwas ako ng tingin kahit na hindi ko pa nakikita kung sinuman iyong kasama niya. Pero naaawa ako sa kung sinuman iyon kaya sinubukan kong tumayo sa sanga pero napasigaw ako nang madulas ako bigla. Inaasahan ko na isang mabatong lupa ang sasalubong sa akin nang mahulog ako mula sa punong iyon pero nagtaka naman ako dahil sa malambot na kung anuman ang sumalo sa akin.

"What are you doing here Coco?"

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata kong nakapikit. Naabutan ko ang nakatunghay na si Wren sa akin habang buhat-buhat ako. Malalim ang naging pagkakaunot ng kanyang noo habang pinagmamasdan ako. He's not on his uniform now. Nakasuot siya ng pulang polo shirt na tinernuhan ng itim na pants na hanggang tuhod. Nararamdaman ko ang matinding pagtataka niya sa kung bakit ako naroroon.

"Hey Avila!"

Pareho kaming nag-angat ng tingin ni Wren kay Joshen na nakapatong ang mga siko sa kanyang nakabukas na bintana. Siguro ay narinig niya ang pagsigaw ko kanina nang malaglag ako and for goodness sake he's topless kahit na hindi ko man nakikita ang lower extremities niya ay alam ko ng nakahubad parin siya!

"Bring your girl to your room and let her experience pleasure nang sa ganon ay hindi niya ginagawang sinehan ang kwarto ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Joshen. Ngumisi siya sa akin bago sinulyapang muli ang ngayo'y si Wren na nagtitiim-bagang na habang nakikipagtitigan sa kanya. I can sense some suppressed anger on him kaya minabuti ko ng kumilos para makaalis na mula sa pagkakabuhat niya sa akin. Tumayo ako saka inayos ang sarili ko. Wren didn't even bother to look at me. His eyes were still bore on Joshen hanggang sa pinagsarhan na siya ng bintana nung huli.

"Wren, sorry. May... may..." I stutteringly stated. Hindi ko pa matapos-tapos dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya!

"Anong ginagawa mo dito?"

"Kasi... uhm... ano e..."

Nang hindi ko na maituloy ang sinasabi ko ay tinignan na niya ako ng diretso dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko. Kung ikokompara kanina ay mas naging kalmado na siya ngayon pero hindi parin ako sanay na nakikita siyang ganito na parang nagpipigil ng galit at kinokontrol ang sarili na sigawan ako. I directed my eyes on the side to avoid meeting his dahil pakiramdam ko ay nagiguilty ako dahil sa ginawa ko sa tuwing tumitingin ako sa kanya.

"Sorry." Iyon na lamang ang tanging nausal ko sa harapan niya.

"Don't you know him? He's a total maniac of sexual sadism." Aniya sa medyo mataas na tono.

"I've heard of him before." But I didn't know that he's a sadist. So, he likes inflicting pain into his partners. Teka, kaya ba... kaya ba may nararamdaman akong kung sinuman na kanina pa takot na takot?

"I think the girl that he is with needs help. Kanina ko pa nararamdaman iyong matinding takot na iyon e!"

Ngayo'y tuluyan nang huminahon si Wren. Bumuntong-hininga muna siya bago ako nilapitan at hinawakan sa palapulsuhan saka hinila palayo doon.

"If that so, then let me check it  for you later basta huwag ka na ulit pupunta dito. I don't want you to see such pernicious act again."

I absentmindedly nodded as I stared at how he held my wrist. It's gently tight or just so I thought and hopefully believe. But the raging effect it brought upon the rhythmic organ inside my chest is something unbearable yet overwhelming. Holding wrist pa lang yan pero ibang ng epekto sa akin, paano na lang kaya kung lumevel up na?

"Coco?"

The flow of my thoughts was suddenly shut off when he called my name. Ilang beses akong nakakurap sa likuran niya habang hinahayaan siyang hilahin ako papunta sa kung saan.

"Bakit?"

"The female victim awhile ago was already identified."

And here comes the moment na kailangan ko na talagang magseryoso. Tungkol ito sa babaeng nakahubad na walang buhay na natagpuan kanina sa may eskinita.

"Really? Kanino mo nalaman?"

"Tobbie handed me the information he obtained from the autopsy report and from the policemen. She's Rina Belleza. Aside from the details we have, lacerations, bruises and abrasions were found on the pelvic area and it seems to appear that she experienced vaginal trauma. Fully defective eyesight due to radiation cataract, aphonia due to the disruption of the recurrent laryngeal nerve that supplies all the muscles in the larynx causing a person to produced sound and speak and complete hearing loss were also identified from the victim."

Natahimik ako sa sinabi ni Wren.  Nawawalang mga braso at ngipin, entirely defective vision,  hearing and muteness, vaginal trauma at sunog na mukha and let's don't forget the beeswax scent. Anong meron sa mga iyon at paano ko iyon pag-uugnay-ugnayin?

"We were able to locate the address of the victim at pupuntahan natin iyon bukas."

Napatingin ako sa dorm namin na nasa di kalayuan na nang tumigil na sa paglalakad si Wren. He let go of my hand first saka siya humarap sa akin.

"Sasama ka ba?"

Tumango ako bilang tugon  sa kanya. Kahit saan ka ba naman pumunta ay sasamahan kita. Para akong timang na nakangiti sa kanya habang nakatitig. I sense amusement in him and I just confirmed it when the corners of his lips slowly moved to form a smile.

"See you tomorrow then. Magpahinga ka na." He gently patted my head habang nakapamulsa ang kanan niyang kamay. Napawi ang ngiti ko dahil sa ginawa niya. When will this man realize what I'm really feeling for him? Na sa simpleng ngiti at hawak niya pa lang sa akin ay naghuhuramentado na ako. Tango na lamang ang tanging naisagot ko sa kanya na ginantihan naman niya ng isang matamis na ngiti.

"It's getting late now. You better get inside so that I can go."

Para akong wala sa sarili na tumango na naman! Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng dorm. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga nang maisara ko na ang pinto ng dorm kung saan nakasandal ang kanang palad ko habang hawak-hawak naman ng kaliwa kong kamay ang seradula. I need to center my attention in searching for some more information for this case.

☠️☠️☠️

Inilagay ko na sa aking buhok ang aking headband at muling sinuklay iyon gamit ang aking brush. My headband is ornamented with white pearls na sa tingin ko ay bumagay sa itim kong umaalon na buhok. Ibinalik ko na sa loob ng backpack ko ang brush at sunod ko namang kinuha ang compact mirror ko at peach matte lipstick saka naglagay ng sakto lamang. Pagkatapos nun ay hindi ko rin kinalimutan ang pag-iispray ng perfume sa katawan ko. I'm waiting for the Mystic Club dito sa park namin sa campus dahil pupuntahan namin ang address ni Rina Belleza at siyempre magkakasama na naman kami ni Wren kaya dapat pretty ako para mainlove na siya sa akin at manligaw tapos magiging kami narin finally. Charot. I would like to laugh at such thought pero naagaw nina Tobbie at Taki ang atensyon ko na magkasamang tinutungo ang bench na kinauupuan ko. 

Napatingin ako kay Tobbie na kaagad ibinagsak ang sarili paupo sa tabi ko while Taki remained standing.

"Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa bespren ko.

"Naabutan ko si Taki sa entrance ng dorm namin kanina paglabas ko and we all know that girls are not allowed in there." Tamad na sagot niya habang idinidipa ang mga braso sa bench na kinauupuan namin at dahil matangkad siya at mahaba ang kanyang mga braso ay naabot nito ang likuran ko. Napabaling naman ako kay Taki na mukhang nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

"Bakit nandun ka?" I asked.

"Remember the beeswax scent I smelled on the female victim yesterday?"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya pero tumango ako nang sa ganun ay maipagpatuloy niya ang sinasabi niya.

"Yes. Bakit?"

"I smelled it again this morning that's why I followed the scent and it brought me there."

"Sabi na sayo't may lahing aso yan e." Bulong ni Tobbie sa banda niya pero mabuti na lang at mukhang hindi naman ata iyon narinig ni Taki.

"Di ba sabi mo ay ginagamit iyon sa paggawa ng mga kandila? Baka naman ay may nagsisindi o gumagamit lang ng kandila." I suggested but she just shook her head disapprovingly.

"No because I'm pretty sure that I smelled the same exact compound mixed with beeswax awhile ago na naamoy ko rin doon sa biktima."

"Can you identify some of those?"

"I can but not all especially that I am not familiar with it. Pero sigurado ako sa amoy ng zinc oxide at kaunting silicone."

Ilang segundo rin akong nakipagtitigan kay Taki. I've never met someone before whose sense of smell is as incredible as her. Iniisip ko rin kung ano ang koneksyon ng mga sinabi niya sa naramdaman kong takot kahapon. Naguguluhan na ako. Nauna siyang nag-iwas ng tingin sa akin saka may kinuha na kung anuman sa may kalakihang satchel bag niya. It's her mask.

"I think I need to use my protection for this abnormality I have." She smilingly said pero ramdam ko ang lungkot sa presensya at tono niya. Isinuot niya ang kanyang mask bago kami tinalikuran at maglalakad na sana pero tinawag ko siya.

"Don't consider it as some sort of abnormalities, Taki. You are made atypically special just like us."

Naramdaman ko ang pagngiti niya kahit na nakatalikod siya sa amin ni Tobbie.

"I will. Thank you Coco." Aniya bago tuluyang tinahak ang daan palayo sa amin.

☠️☠️☠️

"Kailan mo huling nakita si Rina Belleza?"

Nanatili kaming nakaupo nina Bethany at Tobbie sa isang loveseat sa loob ng parlor ni Renee Lazada, ang kaibigang bakla ni Rina Belleza, while Wren was doing the interview. Panay naman ang take note ko ng mga detalye sa aking pink na steno pad.

"Noong gabing matapos ang pageant na sinalihan niya."

Sinulyapan ko ang mukha ni Renee. Namumugto ang mga mata niya marahil ay dahil sa nabalitaang sinapit ng kanyang kaibigang si Rina. Maging ang mga magulang ng biktima ay ganoon din ang pinagdadaanan kaya hindi kami napaunlakan ng interview.

"Sino ang huling kausap niya?"

"Ako at si Sandra Lupenia. Yong isa sa mga judges ng pageant na nilapitan kami."

"Narinig mo ba ang usapan nila?"

"Oo at inaaya ni Sandra si Rina na pumunta sa resort nila dahil libre iyon para sa kanya."

"Tinanggihan ba niya ang imbitasyon ni Sandra?"

"Ganoon nga ang akala ko kaso dalawang araw matapos ang pageant ay pinuntahan ako ng nanay ni Rina tinatanong kung nakita ko daw ba siya o alam ko daw ba kung saan siya pumunta dahil bigla na lang daw siyang umalis ng hindi nagpapaalam."

"Alam mo ba kung saan ang resort na tinutukoy nung Sandra?" Umiling si Renee bilang tugon sa katanungan ni Wren sa kanya.

"Sinabi ko kina tita ang tungkol kay Sandra Lupenia at ipinahanap nga nila ito pero nang tanungin namin ang mga pulis ay wala naman daw ganoong pangalan sa listahan nila ng mga tao sa NBI. Kahit sa NSO ay wala rin kaya doon na kami nagduda."

"Ano sa tingin mo Tobbie?" Biglaang tanong ni Wren sa seryosong si Tobbie sa tabi ko.

"Fake identity." Matipid niyang tugon na tinanguan naman ng huli.

"Sinubukan niyo na bang ilarawan siya sa pulisya through facial composite?"

"Facial composite? Ibig mo bang sabihin ay iyong i-iisketch nila ang mukha ng kriminal base sa mga napansin ko sa itsura nito?" Naguguluhang tanong ni Renee.

"Opo."

"Oo, last week pa noong apat na araw ng nawawala si Rina. May mga suspek silang ipinakita sa akin na kamukha ni Sandra pero wala talaga sa mga iyon e."

"She must have been using prosthetics to hide her identity." Ani Wren na tinanguan naman naming lahat.

Itinuon kong muli ang atensyon sa aking steno pad at nagtala doon ng mga impormasyon.

Profile: Rina Belleza

Beeswax (with zinc oxide+silicone) + female victim's body =?

Other info: Missing teeth, fully defective eyesight (radiation cataract), complete hearing loss, aphonia, vaginal trauma and cut arms

Info of the possible culprits: Fake identity and prosthetics?

Habang isinusulat ko ang mga iyon ay biglang sumagi sa isipan ko si Monica. Hindi kaya nagpanggap din ang kriminal na ibang tao para mabiktima ang ate niyang si Zyrah? At ano namang ginagawa nila sa mga biktima nila?

Kung pagbabasehan ang mga resulta sa autopsy report ni Rina ay hindi malayong gawain ito ng mga sindikatong sangkot sa human trafficking at prostitution. Naguguluhan na ako lalo na at sabi pa ni Wren na may kakaiba nga talaga sa kasong to? What is it then?

Matapos ang ginawa naming interview kay Renee ay bumalik na kami sa Wale University. Papasok na sana kami sa gate nang makita ko ang guard na tumulong kay Joshen Espinosa sa pagdadala ng malaking kahon sa dorm room nito.

"Sandali lang." Wren stopped the car and curiously look at me through the mirror in front.

"May kakausapin lang ako."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at sa halip ay kaagad na akong bumaba ng kotse at tinungo ang guardhouse kung saan naroroon ang guard na nakita ko kahapon.

"Magandang hapon po." Magalang kong bati sa nagtatakang guwardiya.

"May kailangan kayo ma'am?"

"Kayo ho di ba iyong tumulong kay Joshen Espinosa sa pagdadala ng malaking box kahapon sa dorm ng mga lalaki."

"Ah opo! Bakit po ma'am?"

"Alam niyo ho ba kung anong laman nun?"

Walang kaabog-abog kong tanong sa kanya sa ikinagulat naman niya.

"Hindi po e. Bakit po? May laman  ho ba yong bomba o baril o mga delikadong armas?" Kinakabahan niyang tanong sa akin. Despite his nervousness ay ramdam kong nagsasabi siya ng totoo. Hindi niya talaga alam ang laman nun.

"Wala naman po. Nagtaka lang po ako kasi ang laki po nun."

"Oo nga po ma'am e. Nahirapan pa ako kahapon sa pagdadala nun. Ang bigat talaga nun parang may tao sa loob. Tapos si sir naman panay ang sigaw sa akin na ingatan ko daw iyon dahil mas mahal pa daw iyon sa buhay ko."

Napangiwi naman ako sa kaarogantehan ni Joshen sa ikinuwento ni Manong Guard. Wale University is known for its wealthy students who came from a family of politicians, pioneering clans and other eminent social figures. Ganoon din ang mga estudyanteng matatalino. However, it's not a doubt why would a Joshen Espinosa bragged like that to this dedicated employee here. Napailing na lamang ako sa aking mga naiisip. Mabuti na lang at hindi kami ganoon kayaman ni nanay. Nagpapasalamat ako at hindi lumalaki ang ulo ko dahil doon.

"Salamat po."

"Walang anuman po ma'am."

Nginitian ko si manong na sumaludo pa sa akin. One thing I love about Wale University is that their employees are very accessible. Bumalik na ako sa loob ng kotse kung saan naghihintay silang tatlo sa akin.

"Ano bang tinanong mo kay Manong Guard, Buko?"

"It's about Joshen Espinosa and to his huge box that I saw yesterday. Nakaramdam kasi ako ng takot mula sa loob niyon kahapon kaya sinundan ko siya sa dorm niyo."

Kumunot ang noo nina Tobbie at Wren samantalang nagtataka namang napatingin sa akin si Bethany na katabi na naman si Wren. Nakakarami na siya ah?!

"Anong meron sa box na iyon?" Bethany suddenly queried.

"I don't know pero aalamin ko kung ano iyon."

"Tobbie, kindly have a copy of the CCTV footage of Joshen Espinosa yesterday around four to five o'clock in the afternoon. Maybe we could find some more details about this case in there." Utos ni Wren na kaagad namang tinanguan ni Tobbie.

"You think they're connected?" I asked.

"That's what we'll going to find out." He answered as his car roared into life and set into motion.

✴️✴️✴️

A/N: 

Sorry for the very late update and thank you for all your supports. I thought madali na lang tong isusulat ko dahil nga paranormal lang siya at hindi yong tipong seryosong detective story but I was wrong. I still have to search for terms that could help me in making it more appealing to you and for early announcement, I am planning to make this a three-season in one book story. More cases, more surprises, new characters and a whole lot new twists kaya sana abangan niyo.

Asahan niyong pagsisikapan ko pang maigi ang pagsusulat at pag-iisip ng mga bagong kaso nila. Thank you so much once again for inspiring me in writing more chapters of this story. 😘 By the way, part 3 will be on the next update. 💋

•illinoisdewriter•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top