Chapter 24: Mannequins For Pleasure
Mannequins For Pleasure
"Congratulations Rina! Ikaw talaga ang ultimate title holder ng bawat pageant dito sa atin!"
Marahang natawa si Rina sa papuri ng bakla niyang kaibigan sa kanya. Katatapos lang ng pageant nila and she was hailed as their queen again. Nagtaka naman siya nang nakangiting lumapit sa kanila ang isang mataba ngunit maputing babae. Kilala niya to dahil isa ito sa panel of judges nila kanina.
"Ms. Rina Belleza?" Tanong nito.
"Ako nga po. Bakit po?"
"I'm Sandra Lupenia. I'm one of the judges awhile ago. I am here to tell you that I am working on a five star hotel and resort and we have an invitation here for you for a two days vacation. It's a gift from us because you are the winner. Sana ay paunlakan mo kami."
"Kasama na ba po dyan ang pamasahe?" Usisa ng baklang kaibigan ni Rina. Tumango naman si Sandra kaya napatili ang bakla.
"Our company will cover everything for you."
"Ay bongga! Sama tayo bes?"
"As much as we want you to tag your family and friends along in this vacation but we only have one invitation and it's intended only for you, Ms. Rina." The woman stated with an apologetic expression.
"Ay paasa."
Sinamaan ni Rina ng tingin ang kaibigang agad namang natahimik. Nag-isip muna siya ng ilang sandali bago muling sinulyapan si Sandra na nag-aantay sa kanyang kasagutan.
"Pag-iisipan ko po muna."
---
Aliw na aliw si Rina habang pinagmamasdan ang along humahampas sa dalampasigan. Nasa resort na siya at hinihintay na lamang niya si Sandra para sunduin siya.
"Ms. Rina, we're glad that you accepted our invitation."
Napabaling siya sa kararating lang na babae. Nginitian niya ito kaya gumanti naman ang huli.
"Ayaw ko po kasing sayangin tong chance na to e. I haven't told my parents about this dahil alam kong hindi nila ako papayag lalo na't mag-isa lang akong pupunta dito."
"Hija, hinding-hindi ka magsisisi sa pagpunta mo rito. So paano? Hatid na kita sa hotel?"
Tumango si Rina kaya tinulungan na siya ng mga kasamang lalaki ni Sandra na empleyado ng hotel sa pagdadala ng mga gamit niya. Nauna na siyang maglakad papunta sa dala nitong kotse. Umangat ang isang sulok ng labi ni Sandra habang pinagmamasdan ang babaeng palayo sa mga mata niya. Mula sa hubog ng katawan nito at magandang mukha ay perpektong-perpekto na ito para sa plano nila.
***
I heaved a deep sigh before I gave up staring at the busy people in the canteen. Most of them are college students na abala sa pag-aaral para sa subject nila. May ilan pang napapasulyap sa direksyon ko maybe because I am wearing a high school uniform and it's still class hours but I am here!
Kinuha ko ang iPhone ko sa loob ng bulsa ng aking gray blazer. I set it on front cam and then I faked a smile before I took a picture of myself. Nag-log in ako sa Facebook ko at mabilis na nagtipa ng caption.
This is what happened when you are dismissed earlier than your classmates from a two period class.
#Saklaf
After adding a crying emoji, I immediately clicked the post button and I wasn't anymore surprised when Tobbie was the first one to react. Pinili niya iyong laughing reaction. Kapal talaga. Kung meron mang deserving na madismissed ng maaga sa klase ay siya yon! Sinasabi ko na nga ba at nag-iinternet lang yon kanina kaya nakatingin sa cellphone niya. And I praise Madam Seydoux's good observation skills for not noticing it. Ang daya!
"Coco?"
Nag-angat ako ng tingin sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Taki was standing on my side and she was holding a can of coke. Nagtaka tuloy ako sa kung anong ginagawa niya doon.
"Taki, anong ginagawa mo dito?"
"Na-late din kasi ako e. Habang naglalakad ako papunta sa room ni Madam Seydoux ay narinig ko yong sigaw niya then I saw you stepped outside the room. Kaya hindi na lang ako pumasok."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. She's playing safe but it's a good thing na may kasama na akong late comer dito.
"Mabuti ka pa, sinunod mo yong instincts mo. Hindi ka tuloy napahiya." Wika ko na marahan naman niyang ikinatawa.
Nang mahinto siya sa pagtawa ay naupo siya sa tabi ko at may kung anong kinuha mula sa loob ng bag niya. She took out a mask and used it to cover her nose.
"Why are you using that? Do you have allergies or something? I mean you seemed fine. " Nagtatakang tanong ko sa kanya. She slightly lowered her mask to answer me.
"It's a protection for my peculiarity." Aniya bago inayos ang suot na mask. Weird.
"Hi."
Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Taki sa babaeng may dalang mga flyers. She's Monica Legarda, kaklase ko noong Grade 7. She was smiling at us yet the emotion I'm feeling from her is on contrary. Alalang-alala siya sa kung anuman at hindi rin maitatanggi ang kalungkutan sa kanya.
"Monica, may kailangan ka?" I asked courtly.
Sa halip na sumagot ay binigyan niya kami ni Taki ng tig-iisang flyer na hawak niya. I immediately read the content inscribed in there. Nandoon ang picture ng isang babaeng may hawig sa kanya at may 'missing' na nakasulat sa ibaba nun.
"You're elder sister is missing?" Narinig kong tanong ni Taki kaya nag-angat na ako ng tingin kay Monica. Her eyes began to glistened with forthcoming tears.
"Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa amin."
"Kailan niyo siya huling nakita?" Tanong ko sa kanya.
"She informed us that she'll be leaving for a three day photoshoot pero hanggang ay hindi parin siya umuuwi."
"Is she a model?"
"Yes."
"Have you already contacted the staff that she's with? How about her manager? The agency perhaps?" Pag-uusisa ko pa.
"Yes, lahat sila nakausap na namin pero ang sabi nila ay naunang na raw umuwi si Ate Zyrah dahil may emergency daw pero hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi."
"Wala bang huling sinabi ang ate mo tungkol sa maaari niyang pinuntahan?"
"We never heard of anything from before her disappearance that night."
"How about elopement? May kilala ka bang boyfriend niya?"
"Tama. Baka naman nakipagtanan na siya." Pagsang-ayon ni Taki sa tabi ko na may mask parin. Maagap naman na umiling si Monica.
"Ate Zyrah never mentioned something about her having a boyfriend. Tsaka hindi naman ganoong klaseng tao si ate."
"Don't worry Monica, we will inform you immediately if we found something about your sister."
Sabay kaming napatingin ni Taki sa nagsalitang si Tobbie. Monica nodded and my best friend looked at us.
"If you don't mind, may I excuse Coco?"
"Sure."
"Oh bakit? Pinapatawag na ako ni Madam Seydoux?"
"May pupuntahan tayo."
Basing on his expression, I know we're up for some cases. I courtly excused myself to them and stood up but I halted when Taki suddenly spoke.
"Coco, pwedeng sumama sa inyo? Library period naman e and I would only sleep during those minutes at kapag sinimulan ko ng matulog ay wala na akong nagagawang productive sa buong araw kaya sige na please." Pagmamakaawa or more of like pagpapacute ni Taki para isama namin.
"Sige na nga."
Tuwang-tuwa siyang tumayo sa pwesto niya at naunang pang maglakad sa amin ni Tobbie paalis ng canteen.
"Hoy Buko."
Sinamaan ko ng tingin ang bespren kong katabi ko na sinisiko ako.
"Ano?" I hissed.
"Bakit isasama mo yong si Daikhei ha?" Tanong niya sabay nguso sa direksyon ni Taki.
"Gusto niya e."
"Buko naman, may kaso tayo tapos magdada-"
"Pwede ba Tobs, wag ka ngang nega. Pustahan tayo may bago na tayong member bago matapos ang araw na to."
Tobbie heaved a deep sigh. Halatang suko na siya sa pangugumbinsi sa akin kaya nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad papunta sa parking lot ng eskwelahan.
Tumigil kami or should I say natigilan ako sa tabi ng BMW ni Wren nang makita ko si Bethany na nakaupo sa front seat. She's prettier than the last time I saw her, dagdagan pa ng walang humpay niyang pagngiti. Ibinaba niya ang tint ng kotse ng makita kami. She smilingly waved her hands at us.
"Hi Tobbie! Hi Coco! Oh! We have another member?"
"Hello Miss Bethany! By the way, I am Tavleen Daikhei Fernandez. Do you mind if come along with you?"
"As long as my club members don't mind, you are gladly welcome for this ride." Nakangiting tugon ni Bethany kay Taki na tuwang-tuwa namang pumasok sa kotse.
My eyes landed on the driver seat where he was sitting. He was busy checking his phone that he didn't noticed our presence and that adds more to my disappointment. Bagsak ang balikat kong tinungo ang backseat at naupo sa kanang tabi ni Tobbie while Taki was on the other side.
"Are we all set?" He asked but I didn't bother to respond.
"Yes!" Excited na sambit ni Tobbie na gumalaw-galaw pa sa pwesto niya. Nainis naman ako dahil sa kakarampot naming espasyo dito sa likuran. Kung sana ay mga babae kaming pareho dito ay marahil hindi magiging ganito kasikip.
Inis kong inilapag ang backpack ko sa ibabaw ng aking hita. I caught Wren took a glance on the mirror in front.
"Tobbie naman, umayos ka nga. Kita mong ang sikip-sikip dito e."
His mouth was slightly opened at alam kong sa puntong yon ay handa na siyang mang-inis lalo. When he leaned closer, I knew what he was about to do.
"I smell something fishy." He said on a low voice. Napairap naman ako.
"Hininga mo siguro yon kaya pwede shut up ka na lang?"
Marahan namang natawa si Taki sa tabi niya. I was surprised when Tobbie encircled his right arm around my neck and pulled me closer to him saka niya ako binugahan ng hininga niya!
"To prove na mabangong hininga ko. Calvin Klein ata perfume ko."
I was just joking when I told him about that. In fact, he smelled well scented pero ang loko-loko sinakyan pa talaga iyon.
"And I bet you're using Calvin Klein for almost five years now. I could still smell on you the various fragrance of it. Eternity, Euphoria, CK One and Reveal, isn't it?" Wika ni Taki na bahagyang ibinaba ang kanyang mask.
Wala akong maramdamang gulat o kung anuman kay Tobbie but he sat properly on his seat and his expression tells me that he was surprised maybe because Taki got it right. Kahit ako man ay hindi makapaniwala sa sinabi niya. Alam ko ang gustong perfume ni Wren not because I smelled it but because I stalked him a lot before. Sa tuwing pumupunta siya ng mall ay paminsan-minsan ko siyang sinusundan hanggang sa nakabisado ko na lahat ng palagi niyang binibili. Nahinto ako sa pag-iisip ng muling mapasulyap si Wren sa gawi namin mula sa harapang salamin.
After that scenario, all of us grew quiet during the ride. Hindi din naman nagtagal at dumating na kami sa crime scene. Kaagad kaming bumaba ng sasakyan. Men and women of all ages flocked in the area. Hinalughog ko sa loob ng aking backpack ang Polaroid camera ko para kumuha ng mga larawan na maaaring makatulong sa amin.
"Keep an eye on our potential member." Nagulat naman ako sa sinabi ni Wren bago niya ako nilagpasan.
Ilang segundo din ata akong natulala bago ko tinapos ang paghahanap sa Polaroid ko sa loob ng aking bag. When I found it ay kaagad kong inayos ang pagkakasukbit ng sling ng backpack ko sa aking balikat at tuluyan ng nilapitan ang crime scene.
Napaatras pa ako ng bahagya nang makita ko ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima. She's naked and her face was entirely burnt making her terribly indistinguishable. Putol din ang mga braso niya at nagkalat ang dugo na nagmumula doon. Her body position on the cemented ground was traced using a chalk at may nakapalibot narin na police line doon. I gathered all the courage I have to took a picture of her. Kaagad namang lumabas ang larawang kinuhanan ko gamit ang polaroid. I waited until the image became visible. Ganoon din ang ginawa ko sa sunod pang mga larawan.
When I felt satisfied sa mga nakuha kong litrato ay tinapunan ko ng tingin ang banda ni Wren kung saan kinakausap niya ang isang police officer. Sumulyap siya sa gawi ko at napako ang tingin niya sa akin. Ilalagay ko na sana ang ilang takas na hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga kaso natigilan ako ng bigla siyang tumango na para bang may kausap. Kunot ang noo kong napatingin sa likuran ko at naabutan si Bethany na nakikipagtitigan din sa kanya!
Nadismaya na naman ako pero kaagad din namang napalitan iyon ng pagtataka nang maglakad si Bethany palapit sa bangkay. Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sa huminto siya sa gilid ng bangkay at hinawakan ang braso nitong nababalot ng dugo. Nasaksihan ko kung paano natulala ng ilang saglit si Bethany habang hawak-hawak ang bangkay.
"Hoy! Ano yan?!"
Mabilis na lumapit ang kausap na pulis ni Wren kay Bethany. Maagap namang tumayo si Bethany at naramdaman ko ang panghihina niya. She was about to fell unconscious on the ground pero mabuti na lang at mabilis siyang nasalo ni Wren. Lumapit kami ni Tobbie sa kanila dahil sa nasaksihan namin. Tiyempo namang dumating sina Tito Ken kasama ng isang lalaking namumukhaan ko pa. If I'm not mistaken, he's the irksome detective who keeps on insisting that we killed Greta Zubiri na biktima ng vengeful cadaver noon.
"Oh Coco, Tobbie, anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Tito Ken. Maging ang detective na kasama niya ay nagulat din ng makita kami.
"Hey, I know you two." Pagtutukoy niya sa aming dalawa ni Tobbie.
"You're the suspects for Greta Zubiri's case before." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napairap sa hangin dahil sa sinabi niya.
"Paano naman ho kami magiging suspect e suicide nga po iyon di ba?"
"Oo nga po. Napatunayan naman pong hindi kami totoong mga kriminal Detective Garden."
"It's Detective Arden!" Inis na wika ng detective kay Tobbie na tumingin sa akin at nakangising kumindat. Muling nagmukhang inosente siya ng harapin ang detective.
"Tobbias, may pasok pa kayo ah kung hindi ako nagkakamali. Anong ginagawa niyo rito?"
"Library period po namin tito. Di ba po nasabi ko na sa inyong mga detective kami kaya nandito kami ngayon."
"This is not a playground for you kiddos so better go back to your class now." Masungit na ani detective.
"Beeswax?"
Napatingin kaming lahat kay Taki na nakababa na ang suot na mask at inaamoy ang sunog na mukha ng bangkay.
"Sinabi ng bawal lumapit o humawak sa bangkay! You're ruining the possible evidences!"
Inis na nagmartsa si Detective Arden palapit kay Taki. Mabilis kaming tumakbo ni Tobbie papunta rin sa kanya para hatakin siya palayo doon.
"Tobbie, mabuti pa at bumalik na kayo sa klase niyo. We'll take care of everything here." Bilin ni Tito Ken sa amin na sinang-ayunan naman ni Detective Arden.
"Mabuti pa nga. Prove that you've got something in your class and not here. You're not yet professionals. Marami pa kayong kakaining bigas para maging tulad namin."
Konting-konti na lang talaga at masasapak ko na siya. Pasalamat siya't mahaba-haba pa ang pasensya ko. Bumalik na kami sa kotse ni Wren. Nanghihina parin si Bethany kaya inabutan na siya ng bottled water ni Wren na tinanggap naman niya at ininom.
"Can you share your observations?" Tanong sa amin ni Wren.
Tinignan ko naman ang mga litratong hawak ko. I examined all the images carefully hoping that I could find something and it only took me awhile to noticed it. I lifted the picture I am holding on my left hand and showed it to them.
"Maliban sa mga braso niyang nawawala ay nawawala rin ang mga ngipin niya."
Tumango si Wren at tinignan naman si Bethany na mukhang nakabawi na. I suddenly felt envious and disappointed kaya ibinaba ko na lamang ang hawak kong larawan. It's just a simple information but it won't hurt if he will atleast thank me for that.
"What did you see?"
"The woman was running away hanggang sa mapadpad siya sa lugar na iyon. Takot na takot siya na para bang may tinatakasan."
Yeah, she and her recognition ability. I know I had nothing compared to her. She got everything pero sana man lang-argh! Nakakainis!
"How about you Taki?"
Nagtataka naman akong napatingin kay Taki na hindi man lang nagulat sa biglaang tanong ni Wren sa kanya.
"Amoy beeswax ang sunog na bahagi ng mukha niya and there were also traces of beeswax scent on the different parts of her body."
"Beeswax?" Nagugulumihang tanong ni Bethany.
"Beeswax are known for its various uses. Pero mas kilala iyong gamit sa paggawa ng mga kandila." Taki took the initiative to explained.
"You mean may possibility na ang sunog sa mukha niya ay dahil sa kandila?" Tanong naman ni Tobbie.
"A mere candle cannot caused such burn but we still cannot eliminate the possibility that it might be."
Napatango kaming lahat sa sinabi ni Wren. Binuhay niya makina ng kotseng sinasakyan namin at nagsimula na siyang magdrive pabalik sa campus.
"These are the only information we have in hand so far but what makes you think that there's something off with this case?" Kanina pa ako nagtataka kaya naman minabuti ko ng isatinig iyon.
"I feel like there really is."
Napatango na lamang ako sa tinugon ni Wren. Wala akong panlaban sa intuitive prowess niya kaya mas mabuti pang manahimik na lamang ako.
The whole ride went fast and I just found myself chasing Tobbie and Taki who went out of the car immediately. Muli pa akong napalingon ng isang beses sa kotse ni Wren kung saan sila na lamang ni Bethany ang natitira. Despite my distance, I could still see how they smile at each other so happily and it's another instance wherein I hate myself for having an empathic ability because I can feel it.
Bagsak ang balikat na nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Sa sobrang pag-iisip ko ay nabunggo ko tuloy ang likuran ng humintong si Tobbie.
"Tobs, ano ba?!"
Sa kabila ng singhal ko sa kanya ay lumapit sa tabi ko si Tobbie at inakbayan ako. Nakakunot ang noo kong tiningala siya habang nagpatuloy kami sa paglalakad. Problema nito?
"Buko, wag kang ma-jelly. Alam nating pareho na maganda, talented, mabait at talaga namang may ibubuga si Bethany pero ikaw yan bespren e. Ikaw si Coco Quizon na mahilig mag-ayos ng buhok at lumutas ng mga misteryo. Apparently, you two are different but that's what makes you special."
For the first time ay naramdaman kong special ako dahil sa mga sinabi ni Tobbie sa akin. Unti-unti akong napangiti dahil aminado akong nakaka-touch ang mga sinabi niya.
"Talaga?" Parang batang sabik kong tanong sa kanya na tinanguan naman niya.
"Oo naman pero ang ganda talaga ni Bethany e."
Biglang sumama ang timpla ko sa sinagot niya kaya kaagad ko siyang siniko sa sikmura niya. Mabilis naman siyang napahawak doon at namilipit sa sakit.
"Alam mo minsan nagtataka ako kung saan ka nga ba talaga kampi e. Ang balimbing mo kasi. Porket may magandang babae lang sa harapan mo nakalimutan mo ang bespren mo. Ang sarap mo talagang tirisin Tobs kaya labs na labs kita!" Panunuya kong wika bago naunang maglakad sa kanya.
"Labyu too Buko!" Sigaw niyang inirapan ko naman.
Nagulat na lamang ako ng muli niya akong akbayan pero nagtuloy-tuloy parin kami sa paglalakad. Hinayaan ko siyang manatiling ganoon hanggang sa bigla na naman siyang magsalita.
"How do you find Taki?"
"Her sense of smell is not ordinary. Para siyang aso o anuman. Ang talas masyado. Alam mo ba kung bakit?"
"Nope but Wren might know why."
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya. I'm really looking forward on working with her for the upcoming cases. Yan ay kung sasali siya sa amin. Sana nga within this day ay sumali na siya sa Mystic Club. Ilang sandali pa bago ko napagtantong wala na siya sa paligid. Nagpalinga-linga muna ako para hanapin siya pero wala talaga kaya nag-angat na ako ng tingin kay Tobbie para magtanong.
"Where is she?" Nagkibit lamang ng balikat si Tobbie.
"Mukhang nauna na sa classroom. Malamang ay bumabawi sa pagiging late niya kanina. Nga pala, anong next period natin?"
"Philippine Politics and Governance."
"Ilang minuto pa ang natitira bago matapos ang Lib period natin?"
Sinulyapan ko ang itim kong wristwatch para alamin kung ilang minuto pa ang natitira.
"Ten minut-"
"Canteen muna tayo. Nagugutom na ako e."
Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko dahil bigla-bigla na lamang niya akong hinila papunta sa canteen. Yeah, Tobbie and his huge stomach.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top