Chapter 23: The Witch, The Psychic and The Halfway Truth
The Witch, The Psychic, and The Halfway Truth
"Isang malaking kasalanan ang ginawang pagtataksil nina Avery at Sigel sa atin."
"Sumasang-ayon ako sa kanya. Isa silang Fandrall subalit sumanib sila sa mga Nodram. Isang malaking kahihiyan iyon sa lahi natin lalo na at kasapi sila ng council."
Maingat na pinanonood ni Harriet ang Council of Magistel mula sa kakaonting siwang ng pinto ng malaking kwartong kinapapalooban ng mga iyon. Kanina niya pa pinakikinggan ang usapan ng mga ito tungkol sa kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi matapos magpaalam ng mga ito sa kanya. Isa sa mga Magistel ang kanyang mga magulang na siyang tawag sa mga witches at wizards na may matataas na ranggo hindi lang sa institusyon ng Salem na pinapasukan niya kundi maging sa buong lupain ng Abseiles.
May bali-balita kasi siyang naririnig na pinagtaksilan daw umano ng kanyang mga magulang ang lahi ng mga white witches na mas kilala sa tawag na Fandrall. Kumampi raw ang mga ito sa mga Nodram na siya namang mga black witches. They could be wicked but they're not traitors and she's sure of that. Maraming taon narin ang lumipas subalit ang hidwaan ng dalawang lahi ay hindi parin natatapos sa kadahilanang pinipigilan ng mga Fandrall ang lahat ng mga masasamang balak ng mga Nodram. Pero hindi naniniwala si Harriet sa bintang ng mga ito sa kanyang mga magulang dahil nasisiguro niyang tapat ang mga ito sa lahi nila.
"Ano ng gagawin natin sa kanila Mogarde?" Tanong ng isang may kataandaang miyembro ng Magistel sa pinunong ministro na nahulog sa malalim na pag-iisip.
"Hindi na natin sila mahagilap kahit saan kaya bakit pa natin poproblemahin ang gagawin sa kanila?" Sabat naman ng babaeng Magistel na kulay abo ang buhok sa kabila ng bata nitong itsura.
"Paano naman si Harriet? Anong gagawin natin sa kanya? Isa siya sa mga magagaling kong estudyante kaya magiging malaking kawalan siya sa klase ko kapag nagkataon." Wika naman ng guro niya sabay ayos sa salamin nitong dumudulas sa kanyang ilong.
"Alam mo ang patakaran ng lahi natin. Kung hindi natin mahagilap sina Sigel at Avery ay ang kanilang anak mismo ang makakatanggap ng karampatang-parusa." Dagdag na komento naman ng isa pa.
"Anong ng gagawin natin sa kanya Mogarde? Kailangan namin ang iyong desisyon para dito."
Matagal din bago tumugon ang punong ministro. Napansin ni Harriet ang pabalik-balik na paghimas nito ng mahabang puting balbas na animo'y nag-iisip ng maigi at tinitimbang ang lahat. Maya maya pa ay itinigil na nito ang ginagawa at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
"Kailangan nating sundin ang patakaran. Thadeus, ikaw ng bahala."
The man with a clean cut blonde hair nodded and stood up then went to the space in the center of that big circular table where the Council of Magistel settled. Anticipation is evident in their eyes as they waited for the man to do his part. Itinaas nito ang hawak na wand at paikot na iwinagayway sa ere.
A number of letters in gold materialized and float in the air. They're moving to form a sentence.
"Ang Class A witch na si Harriet O'Mara ay inaaresto at tatanggalan ng mana bilang karampatang parusa sa ginawang pagtataksil ng kanyang mga magulang na sina Sigel at Avery O'Mara sa angkan ng mga Fandrall." Wika ni Thadeus hanggang sa natapos ang mga lumulutang na mga letra sa pagbuo ng pangngusap na iyon.
Bahagyang napaatras ang nakasilip na si Harriet sa siwang ng pintong iyon dahil sa narinig. Importante ang mana para sa kanilang mga witches at wizards na mga Fandrall at Nodram. It's the source of their power and it's their natural and inherited abilities aside from casting spells. Kaya magiging mortal sila kapag tinanggal iyon sa kanila. And worst case scenario ay maaari nila iyong ikamatay lalo na sa mga witches and wizards na may malalakas na mana.
Napaatras si Harriet sa kanyang narinig. Mabilis niyang tinahak ang pasilyo papunta sa silid na nakalaan sa kanya. She's one of the so-called Privilege Fandrall student in Salem dahil sa kanyang kakaibang mana and she wouldn't want to just give it up because it might cost her life. Kinuha niya ang kanyang hex bag at wand nang makapasok siya sa kanyang silid. She needs to get out of the area as soon as possible. Inangat niya ang wand niya at ginalaw iyon ng paikot.
"Zmiana."
Her wand instantly shifted into a broomstick. Tinungo niya ang balkonahe bago pinalutang ang walis niya at sumakay doon. She maneuvered the broomstick to go to the forest to meet the only person she knew could help her.
"Kafka, kailangan ko ang tulong mo." Pambungad niya sa lalaking nakatalikod sa kanya habang dahan-dahang ibinababa ang hood ng cloak niya.
"Huhulaan ko. Pinapahuli ka na ng Council of Magistel dahil sa kagagawan ng mga magulang mo."
Humarap sa kanya ang lalaking may kulot at kulay brown na buhok. He's wearing a brown cape that would remind everyone of the great Sherlock Holmes. May dala itong flask na may lamang kung anong kulay lilang likido na umuusok.
"I need to get out of here. Kukunin nila ang mana ko."
"That's the consequence for what they did."
Kafka is one of the best wizards in Salem who is of her age but the guy refused to be in the institution where is she for an unknown reason. Ginugol nito ang panahon sa pag-aaral ng mahika sa sarili niyang istilo at kakayahan.
"Hindi sila nagtraydor sa angkan natin." Harriet insisted.
"Kahit na. Hindi parin kita matutulungan."
Akmang tatalikod ng muli si Kafka subalit nagsalita si Harriet.
"Not unless I give you this."
Hinagis ni Harriet ang maliit na itim na supot papunta sa direksyon ng binata. Binuksan niya iyon at napangisi sa nakita. Birthstones. He's known to be very fond of different gems and stones because of his unusual magic spells.
"Anong kailangan mo?"
"Tulungan mo akong makaalis dito sa Abseiles." Tumaas ang isang kilay ni Kafka sa narinig.
"At saan naman kita dadalhin?"
"Sa mundo ng mga tao."
Ilang minuto ding nagsukatan ng tingin sina Harriet at Kafka subalit naunang sumuko ang binata at napabuntong-hininga na lamang bago niya kinuha ang isang briefcase sa may ilalim ng kanyang lamesa.
"Are you sure of this? Mas lalo ka nilang paghihinalaan dahil tumakas ka."
"Papatunayan ko sa kanilang nagkamali sila ng hinala."
Napabuntong-hiningang muli si Kafka sa katigasan ng ulo ni Harriet. Inilapag niya ang briefcase sa gitna nilang dalawa.
"Visas!" Lumitaw ang wand ni Kafka sa kanyang mga kamay at kaagad na itinutok iyon sa briefcase na nasa pagitan nila.
"Handa ka na ba talagang iwanan ang Abseiles, Harriet?"
Nahimigan ni Harriet ang pag-aalala sa tono ng kaibigan. Aside from his expertise in spells, the guy is actually possessing pleasant features. His cinnamon brown curly hair, fair complexion and hazel eyes had always been the talked of their town and she's thankful that he's one of the trusted person she have in her life.
"Wala akong ibang mapagpipilian."
Tumango si Kafka at sinimulan na ang kanyang gagawing spell na tutulong kay Harriet. Iwinigayway niya ang kanyang wand sabay usal ng kanyang orasyon.
"Citarea spirite deschis pragul śi lãsati cele douã lumi evoca."
Huling itinutok ni Kafka ang kanyang wand sa briefcase na nasa gitna nila. Kusang bumukas iyon kasabay ng paglabas ng mga usok na nanggaling mula sa loob niyon. Ibinaba ni Kafka ang kamay niya at inilahad ang kabilang palad sa nakabukas na briefcase. Lumapit si Harriet doon dahil alam niyang nagawa nga ng kaibigan ang hinihingi niya.
"Mag-iingat ka doon, Harriet. Iba ang mundo natin sa kanila."
Isang tipid na ngiti ang itinugon ng dalaga sa kanya. Tumango siya bago tuluyang nagpaalam sa kaibigang pumasok na sa loob ng briefcase na magdadala dito sa kabilang mundo.
"Dispar." Bulong ni Harriet na dahilan para maghalo bigla ang kanyang wand nang makarating siya sa mundo ng mga mortal.
Ibinaba niya ang hood ng kanyang cloak. Pinaraanan niya ng tingin ang paligid ng lugar kung saan siya napadpad mula sa Abseiles. Sa tingin niya ay nasa isang gubat siya dahil sa mga punong nakikita niya. Harriet walked her way out of the forest.
Mga kabahayang gawa sa kahoy at nipa ang bumungad sa paningin niya nang makalabas siya mula sa gubat. Ibang iba nga talaga ang lugar na iyon sa Abseiles na binubuo ng mga matatayog na kabahayan. Pinasadahan niya rin ng tingin ang mga kasuotang nakasampay sa labas ng bahay ng mga mamamayan sa lugar na iyon. Hindi maaaring ang cloak na suot niya ang gamitin doon. Kailangan niyang magpalit. The sun was still shining yet the place is so lonesome and forlorn. Wala kasing masyadong mga taong gumagala doon. Nagkaroon tuloy nang pagkakataon si Harriet na kuhanin ang ilang mga nakasampay na damit doon at magpalit.
Naglakad siya hanggang sa umabot siya sa bayan kung saan naging mas maingat ang mga kilos niya dahil sa nararamdaman niyang presensya ng mga Fandrall Guards. Unlike the previous place, the town proper seems to be dwelled by many people and she can't just point out who of them were the Fandralls. Pero sigurado siyang ipinadala ang mga iyon para hanapin siya. Kaagad siyang lumayo sa palengkeng dinaanan niya nang maramdaman ang mga itong nakasunod sa kanya. Mabilis siyang nagtago sa maliit na espasyo sa gilid ng isang grocery store para hindi matunton ng mga iyon.
"Nahanap mo na?"
Bahagya niyang sinilip ang hinihingal na lalaki mula sa pinagtataguan niya. Inilingan naman ng lalaki ang kasama niya.
"Hindi e pero naramdaman ko kaninang nasa malapit lang siya."
"Mukhang mahihirapan tayo sa paghahanap sa kanya. Balita ko pa naman isa siya sa mga magagaling na estudyante ni Magistel Latakia."
Tumango ang kasama ng lalaking nagsasalita. Nakahinga nang maluwag si Harriet nang umalis na ang mga ito para hanapin ulit siya. Nilisan niya kaagad ang lugar na iyon bago pa siya balikan ng mga guwardiya. Subalit nahinto siya sa paglalakad nang mapansin sa di kalayuan ang isang babaeng nakatingin sa kanya habang nakaupo sa pwesto nito sa may maliit na mesa.
Sa di niya malamang dahilan ay tinahak niya ang daan palapit sa babae hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa harapan nito. The lady smiled sweetly at her.
"Magpapahula ka?" She asked.
Harriet can see nothing but money on her eyes. Ang makita ang mga iniisip ng mga tao sa kanilang mga mata ay ang kanyang mana. She can see the mental pictures of whatever the people are thinking through their eyes and the woman in front is not an exception. Napangiwi pa siya nang makita sa mga mata nitong inaakala nitong mayaman siya.
"Peke ka." Harriet declared.
"You wanna bet?" Matapang na panghahamon ng dalaga sa kanya na kasing edad niya lang ata.
Pero sa halip na sumagot ay nanatiling tikom ang bibig ni Harriet. Naghihintay siya sa susunod na sasabihin nito.
"Ikaw yong hinahanap ng dalawang lalaki kanina di ba? Isa ka sa mga magagaling na estudyante ni Magistel Latakia. Tama ako di ba?"
Mabibigla na sana si Harriet sa sinabi nito kung hindi niya lang nakita ang katotohanan sa mga mata nito. The woman heard the men talking about her as well as her physical descriptions, three kilometres away from that place minutes ago.
"You just heard them."
Ang babae naman ang nagulat sa sinabi niya. Hindi siya maaaring mapahiya at lalong-lalo ng hindi siya pwedeng mawalan ng pera.
"Paano mo nalaman iyon?"
"You're a clairaudient, am I right?" Deklara ni Harriet na mas ikinagulat ng huli.
"Anong pangalan mo?"
"Harriet, ikaw?"
"Charlotte. E Ikaw ano ka?"
"That's for me to know and for you to find out. Oh well, Charlotte, I find your work interesting. Maybe I can help you?" Nakangiting ani Harriet.
Sa halip na tumanggi sa alok ni Harriet ay nakangiting tumango si Charlotte. Iniisip niya kasing baka makatulong ito sa kanya para kumita ng mas malaki-laki sa araw na ito lalo na't kaarawan ng ina niya and Harriet gave in a sad and longing smile after seeing it through her eyes.
---
"Shit! Late na ako!"
Kumaripas ako ng takbo papunta sa room namin para sa two periods na French Class. Pagdating ko doon ay kaagad akong napahawak sa hamba ng pituan habang hinahabol ang hininga ko. All eyes are on me. Maging ang strikta naming guro na matandang dalaga ay nasa akin ang atensyon. Napansin ko pang nahinto si Wren sa pagpapaikot ng ballpen niya sa mga daliri niya samantalang nag-angat naman ng tingin si Tobbie sa akin mula sa kung anumang nasa ilalim ng desk niya.
"Good morning Madame Seydoux." Magalang kong tugon sa guro naming pinupukol na ako ng mga matatalim na tingin. Anong silbi ng pagpunta ko ng maaga dito sa school kung malelate din naman ako dahil ang inaasahan kong simpleng pag-idlip ay nauwi sa mahabang tulugan?
"You're too early for the next period Ms. Quizon."
"I'm sorry Madame Seydoux." I quickly bowed my head to show that I'm really apologetic about what happened. I even stated her name completely dahil iyon ang gusto niya.
"Apology accepted but I won't allow you to join my class not unless you sing 'My toes, My knees' in French." She replied with an accent na ikinalaglag naman ng panga ko.
Isinara ko ang bibig ko at napalunok ng maraming beses. I even caught Winona evilly smirking on her desk. Alam niya at ng lahat na hindi ako magaling sa French Language. I only knew two French words and nothing else!
"Are you coming in or you just want to wait at the PDSA Office until I finished my class here?"
Umiling muna ako bago tuluyang pumasok sa loob at tumayo sa harapan ng buong klase. Winona is still wearing that annoying smile on her face. She knew I'm going to suffer big time because of this.
"The clock is ticking Ms. Quizon. Do it now."
Isang beses pa akong napalunok. May French Class nga kami pero ngayon ay sising-sisi na ako dahil ni hindi ko man lang sinanay ang sarili kong intindihin at pag-aralang maigi iyon. I positioned my both hands pointing at my knees then I began singing the most epic song of my life.
"Bonjour, je t'aime, je t'aime, bonjour, bonjour, je t'aime, je t'aime, bonjour."
I sang repeatedly. Ginamit ko ang dalawang French na salitang alam ko at sinunod ang tono ng kanta. My classmates burst out laughing as Madame Seydoux dropped her jaw in so much disbelief. Si Wren naman ay nangingiting nagpailing-iling habang pinapanood ako.
"Oh Mon Dieu! Stop it!" Nanggigigil na sigaw ni Madame Seydoux prolonging the last word kaya natigil ako sa ginagawa ko sabay ayos ko ng tayo na parang isang sundalong inutusan ng kanyang commander na sumaludo.
"Get out and go to Paris Ms. Quizon and learn French on your own!"
Napabuntong-hininga ako at bagsak ang balikat na tumalikod at lumabas ng silid.
➖➖➖
Sorry for the very very late update everyone. May tinatapos lang akong mga requirements sa school but I assure all of you that updates will be fast during summer. Keep holding on guys. 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top