Chapter 21: How Is It Like?
How Is It Like?
I've been surfing the internet for a few hours now just to find some information about those men who are a part of the British army. Living or dead doesn't really matter on what I am searching. I just feel like having this drastic enthusiasm to look for him. After the incident, it made me realized a thing, life is too short and letting myself believe that I don't need him doesn't make it worthwhile.
I'm not holding a grudge on him or what. It's just that, not knowing him made me feel this indifference towards him and to his whereabouts. Namulat ako sa pag-aarugang ibinigay ni nanay sa akin. Yon lang ay pakiramdam ko sapat na. I thought I wouldn't need a paternal figure just to fulfill the missing pieces of myself but who am I kidding? Seeing those kids who were happy holding the hands of their father flared the sparks of envy upon me when I was young. Pero pinaniwala ko ang sarili kong kaya kong mabuhay kahit na wala siya sa tabi ko. Akala ko makakaya ko hanggang sa makasanayan ko ng gawin ang mga pagpapanggap na iyon pero wala pala talagang forever. At mahirap pala talagang maghanap ng mga taong hindi mo kakilala. Nanay never mentioned his name and it didn't bothers me because I want to respect her decision in keeping his confidentiality. Hindi naging isyu yon sa akin noong mga bata pa ako pero ngayon, hindi ko na alam.
I don't have any details in hand about him basta ang alam ko lang ay college si nanay noong magkakilala silang dalawa. She's taking up Culinary Arts that time when she got pregnant kaya nahinto siya sa pag-aaral ng isang taon noon. Pero bumawi naman siya kina lolo at lola nang maipanganak na ako. She pursued her studies with the help of Tita Caroline who's already having a stable job during those days.
"Baby Coco?"
Mabilis kong in-off ang Macbook ko at itinago. Tiyempo naman nang mabuksan niya ang pinto ay naabutan na niya akong nakaupo sa kama ko.
"Po?"
"Nasa baba si Maggie. Hinahanap ka. Baka daw gusto mong mamasyal."
"Pakisabi na lang po na bu-"
Just when I was about to decline my cousin's offer, she appeared and went inside quickly in my room.
"No. No. No. You will make sama with me whether gusto mo or not."
I groaned at her command. Humiga ako sa kama ko at tinakpan ng mataba kong unan ang aking mukha.
"Mags, pagod ako. I wanna rest. May pasok na kami bukas."
Narinig ko ang pagpadyak ng mga paa niya sa sahig ng kwarto ko sabay protesta na para bang napaka-big deal nun.
"Couz naman e. It wouldn't take us long."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Manghihikayat na nga lang siya ay hindi pa ginalingan ng todo. Hindi niya ako mauutong sandali lang siya doon. She will buy anything that captures her attention and pleases her eyes regardless of its prices.
"Daddy gave me money pa naman. He told me to buy you things that you like rin. Kaya sige na insan. Pretty please?"
I wish I could call someone as daddy too. Hindi ko man ipakita at aminin sa iba pero naiinggit ako kay Maggie. She has a complete happy family. Nandyan si Tito Joseph to provide her all the love and care that she needs and it turns out that the excess have poured into me. Gusto kong maramdaman iyong pagmamahal ng ama na sinasabi nila pero mukhang malabo lalo na't parang may mga loophole sa kwento ni nanay sa akin tungkol sa totoo kong tatay.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa lahat ng mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Then, I just found myself taking the pillow off my face and sitting on my bed while nodding at her.
---
"Come on insan! We'll still going to my favorite jewelry shop pa."
Napangiwi na naman ako sa pangatlong pagkakataon dahil sa isa pang kagustuhan ng butihin kong pinsan. Kanina pa kami namimili ng kung anu-anong mga gamit dito. Mabuti na lang at binibilhan din naman niya ako ng mga damit at iba pang mga pambabaeng bagay na gusto ko. Maggie and I shared the same philosophy and taste for fashion. Kaya hinabaan ko na lang ang pasensya ko sa kanya kahit pa pagod na pagod na ako sa kakasunod sa kanya.
Inis kong hinagis sa trash can na nasa gilid ko ang wala ng laman na chuckie at binuntutan na naman siya.
Pumasok kami sa isang sikat na jewelry shop sa mall na iyon. Pagdating namin doon ay hindi maipagkakailang dinarayo nga iyon. Nagsimula na si Maggie sa pagtingin ng mga alahas na nasa loob ng mga jewelry glass. Bahagya akong napahikab habang sinusundan siya. I'm not really into jewelries kaya siguro hindi ko mapantayan ang pagkaaliw na nararamdaman ni Maggie habang sinusulyapan ang mga iyon.
"Couz, what do you think of this? Is it maganda or not?" Tanong niya sabay turo sa isang y-necklace na may asul na bato sa gitna at dulo nito.
"It's nice but I prefer to have emerald as its stone ornament." I replied and she pouted.
"If I know, it's emerald na birthstone lang naman ang alam mo." She teased and I mouthed whatever.
Nagpatuloy sa paghahanap ng mga alahas si Maggie hanggang sa wakas ay may napili na siya. Nagtungo kami sa may counter nang sa ganun ay mabayaran na niya ang binili niya.
Napatingin ako sa likuran ko nang may maramdaman akong sobrang kinakabahang presensya. Pumasok ang isang lalaking naka-itim na leather sa loob ng shop. Pansin ko pang pawis na pawis siya. If I am still on a normal situation ay malamang pinagsabihan ko na siya na tanggalin ang jacket niya para naman makalanghap ng hangin ang katawan niya. But he's really frightened of something.
Muling dumako ang mga mata ko sa kadarating lamang na lalaki sa shop. Lumapit siya sa lalaking mukhang kinakabahan kanina at may ibinulong na kung ano. Kinakabahan parin na tumango ang lalaki sa mga sinasabi ng kasama niyang kadarating lang. I stood frozen when I spotted how the man who just came in carefully handed a gun to the other guy who's trembling in nervousness. Naglabas ulit siya ng isa pang baril at sumigaw.
"Walang sinumang kikilos! Holdap to!"
Nagsimulang magkagulo ang mga tao sa loob matapos marinig iyon. Hinila ko kaagad si Maggie para magtago sa likuran ng counter kasama iyong saleslady na kinakabahan narin and it was too late when I realized that it was actually a wrongful move. Nasa counter kami at normal na destinasyon iyon ng mga magnanakaw. Napasigaw sa gulat ang saleslady nang hatakin siya patayo ng lalaking nagdeklara ng holdap kanina sabay tutok sa kanya ng baril sa tagiliran.
"Ibigay mo samin yong pera. Ngayon na kung ayaw mong mamatay! "
Tumango ang saleslady at kinakabahang binuksan ang cash register para kuhanin ang pera doon. I suddenly felt useless dahil wala akong magawa para tulungan ang babaeng takot na takot na. Even Maggie's trembling on my side.
Nahagip kami ng mga mata ng lalaki kaya inutusan niya ang kasama niya para hulihin kami at isama sa iba pang mga customer na naroroon sa isang bahagi. Hindi na kami pumalag pa ni Maggie nang hatakin kami ng kasama niyang nararamdaman ko paring kinakabahan. I know he doesn't want what he's doing right now. Kaagad na napakapit sa braso ko si Maggie nang makarating kami doon.
"Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit na ano kung ayaw niyong masaktan." Sigaw ng holdaper matapos itapon sa banda namin ang saleslady na umiiyak na sa takot. Malamang ay nakuha na niya ang laman ng cash register.
"Ed, ayoko na. Hindi tama tong ginagawa natin." Nanginginig na wika ng lalaking kanina pa kinakabahan.
"Lintek naman Jason! Andito na tayo tapos ngayon pa mababahag yang buntot mo?!"
"Mga anak, hindi magugustuhan ng Diyos ang ginagawa niyo."
Napatingin kami sa matandang lalaki na may suot na kwintas na may maliit na crucifix. Sa tingin ko ay isa siyang pastor. Hinawakan naman ng babaeng kaedaran niya ang braso niya para patigilin siya sa pagsasalita. Nakakaramdam ako ng pangamba sa kanya at pag-aalala.
"Hoy tanda! Kung totoo iyang Diyos na sinasabi mo ay hindi na sana namin ginagawa to ngayon! Asan na siya ha? Gumising ka nga! Masyado kayong nagpapaniwala sa mga bagay na hindi naman kapani-paniwala. Kung totoo man siya ay bakit hinayaan niya kaming magkaganito ha?! Ha?!"
After hearing that, I cannot impede myself from wondering. Kung titignang maigi ay may punto ang sinasabi niya. Bakit sila nalugmok sa ganoong sitwasyon? Did God really planned for that to happened to them? I don't understand why.
"Hindi ito ang gusto ng Diyos para sa inyo mga anak. Kayo mismo ang gumagawa ng mga paghihirap na ito sa buhay niyo." Dagdag pa ng matandang lalaki saka naman mapait na humalakhak ang holdaper. Itinutok niya ang baril sa matanda at walang pagdadalawang isip na ipinutok iyon sa direksyon nito. Marami ang napasigaw sa pagkakabigla dahil sa nasaksihan namin. Maging si Maggie at ako ay napasigaw din nang matumba ang matandang may tama na sa kanyang tagiliran. Mabilis naman na dumalo ang kasama niyang matandang babae at iba pang naroroon. Ramdam na ramdam ko ang halo-halong emosyon ng takot, kaba at pangamba sa paligid.
"Ang ingay mo kasi. Binalaan na ngang huwag gagawa ng kahit ano kung ayaw mong masaktan. Oh?! Sino pang gustong sumunod?!" Sigaw ng holdaper na nagngangalang Ed na animo'y walang nangyari.
Maging si Maggie ay tumulong narin sa iba pang mga customer sa pagsaklolo sa matandang lalaki samantalang nanatili naman ako sa kinatatayuan ko. Bakit ganoon? Totoo ba? Totoo ba talagang sa dami ng tao sa mundong ito ay nakakalimot ang Diyos? Kaya ba hinayaan niya ang mga taong ito na malugmok sa ganoong kondisyon? Sino ba talaga ang totoong may hawak ng buhay ng tao? Hindi ba Siya?
"Yes but God had given men the free will and He respects that. Even if it hurts Him a lot to see how His children had gone this way and how they refuse to believe in Him."
Bumaling ako sa lalaking bigla na lamang nagsalita sa gilid ko. It's Azi on his disguise and usual getup. What is he doing here?
"I'm the angel of death milady and it's my job to be here and fetch the soul of those who will die." Aniya habang tinatanaw ang hawak niyang vintage compass o clock na hindi talaga ako sigurado kung ano.
Bahagya akong napatalon sa malakas na putok ng baril. Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan nun at naabutan si Ed na duguang nakatihaya sa may sahig ng jewelry shop.
"Go! Go! Go!"
Tulalang binitawan ni Jason ang hawak na baril saka itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko sa pulisya. Inalalayan naman ng mga pulis ang matandang lalaking nanghihina na para dalhin sa ospital. Sinundan ko ng tingin si Azi na nilapitan ang duguang katawan ni Ed. He squatted on the floor and I held my breath in astonishment as I watch him pull the soul out of the guy's body.
"For further inquiries, you can always call God through your hotline."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. The creased of my forehead deepen when he chuckled softly. Yeah. Mind reading again. Ang daya lang kasi hindi ko mabasa ang emosyon niya.
"I sometimes forget that you are a mortal. It's prayer, milady. Talk to Him through prayer and I assure you that He will listen."
Napaisip naman ako sandali. If ever that I will ask God of something, will He grant my wish?
"Trying won't harm. Do it and you will see, milady."
I threw a glance on Ed's soul and he seemed submissive and lifeless. When my eyes landed on Azi, he smiled at me and I don't know why.
"You may have psychic abilities but it's limited to someone like us, milady. " He said and I nodded.
"See you again soon." He added and quickly disappeared in just a blink of an eye.
---
Hindi ko maiwasang mainggit habang pinagmamasdan si Maggie na kinakamusta ng nag-aalalang si Tito Joseph. I can sense and see through his eyes that he truly cares for his daughter. Now I'm curious how is it like to have and to feel the pamper and love of a father.
"Daddy, how many times will I tell ba na I'm okay? You don't even have to brought me dito sa hospital."
"Anak, I'm just checking if you and Coco are really fine."
"Daddy, there's nothing to worry naman. I have no galos or what and so insan."
Dumapo ang tingin ni tito sa akin. Nakaupo ako sa katabing kama ni Maggie sa emergency room na pinagdalhan sa amin. Ganoon ka nag-alala ng todo sina tito at tita sa amin matapos nilang mapag-alaman ang nangyari.
"Coco, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"
My heart got distorted at his query. Itatanong din kaya yon ng tatay ko kung sakaling nandito siya? Umiling ako bilang tugon sa tanong ni tito.
"Ayos lang po ako."
"Don't worry. Your Nanay Charlotte will be here in a few minutes."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Nanay is always present in all the happenings I had in my life. She's been with me through good and bad times. She saw how I tripped and fell over my knees and she witnessed how I strive so that I could stand up again. Masaya akong kasama siya pero ngayon hindi ko maiwasang magtanong sa kung anong mararamdaman ko kapag kasama ko ang tatay ko. I wanna meet and get to know him. Hold his hand and embrace him until I get tired and satisfied. I must spend my nights in praying to God about this matter. I just hope, He will answer it.
---
"Baby Coco, mas mabuti pa sigurong magpahinga ka na muna. It had been a tough day for you at may pasok ka na bukas."
Mababakasan parin ng pag-aalala ang boses at emosyon ni nanay. Ni minsan hindi ko naramdamang nagkulang si nanay sa pag-aaruga sa akin. Kahit mag-isa lang siya ay itinaguyod niya ako at isang malaking utang na loob iyon na panghabambuhay kong tatanawin sa kanya. But I cannot take the other missing part of me lost. I need to fill the empty space of my identity and nanay is the only person I knew who can tell me everything.
Nanatili akong nanonood sa kanya habang nililigpit niya ang mga tarot cards na naiwan niya kanina nang malamang nasa ospital kami ni Maggie at nasangkot sa isang holdapan.
"Nanay."
I made my voice sound stern and that caught her attention. I want to know what's true because I don't want to hide myself in the melancholy shadows of a truth half told anymore. I need answers to my questions.
"Totoo po ba ang lahat ng kinuwento niyo sakin tungkol kay tatay? That he's a British soldier? Na hindi na siya bumalik? I want to know the truth nanay."
"Saang parte ba ang hindi mo pinaniniwalaan sa mga sinasabi ko sayo tungkol sa kanya?"
"Lahat po."
Ramdam kong natigilan si nanay sa sagot ko sa kanya. I know I sounded quiet rude but I'm just really eager to find it out.
"Nasabi ko na ng lahat ng dapat mong malaman tungkol sa tatay mo, Coco. Nasa iyo na iyon kung maniniwala ka o hindi."
Nagsimula ng manginit ang gilid ng mga mata ko habang patuloy na pinagmamasdan si nanay. My ability tells me that she's lying and that's the least thing I expected her to do. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang panginginig nun.
"Naiintindihan ko po."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa dahil kaagad ko na siyang tinalikuran saka tinungo ang daan papunta sa kwarto ko habang pinipigilan ang sariling humikbi at tuluyang bumigay nang hindi pa nakakalayo sa kanya.
➖➖➖
Do vote, share and comment. 👻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top