Chapter 20: Graveyard: Story Of A Murderer (Part 3)
Graveyard: Story Of A Murderer (Part 3)
"The world is full of obvious things which nobody by any chance ever observes."
-Sherlock Holmes, The Hound of the Baskerville
"Honeylette, kumain ka muna at ipagpapatuloy na lang natin mamaya ang paghahanap kay Tonio." Aya ni Ninang Ellie kay Ate Honeylette na mukhang pagod na pagod na.
Kanina niya pa kasi walang humpay na hinahanap si Kuya Tonio. Lahat ng mga taong madaanan niya o makabangga ay pinagtatanungan niya ng tungkol kay kuya but none of them gave her the answer that she really wants.
Naaawa na nga ako sa kanya dahil kanina pa siya hindi kumakain. Pinipilit siya nina Lola Aura pero ayaw niya talaga.
"Mamaya na lamang ho ako kakain tita. Kailangan kong hanapin si Tonio."
Nilapitan ni ate ang babaeng may dalang bayong na nasa pwesto ng nagtitinda ng isda dito sa palengke. Sinundan namin ni ninang at Tobbie si ate.
"Manang, nakita niyo ho ba ang lalaking ito?" Tanong ni Ate Honeylette sabay pakita ng litrato ni Kuya Tonio.
Sandaling tinignan ng babae ang litrato pero napailing din naman siya.
"Pasensya ka na ineng pero hindi ko siya nakita."
Tumango si Ate Honeylette bago bagsak ang balikat na ibinaba ang larawan ni kuya. Hindi nakatakas mula sa mga mata ko ang pagpatak ng luha mula sa gilid ng mga mata ni ate. Maagap niya iyong pinunasan para hindi namin mapansing umiiyak na naman siya.
"Maghanap pa ho tayo sa iba. Mukhang wala siya dito."
"Honeylette, ang tatay at Lolo Bert mo ay naghahanap din naman kay Tonio. Bakit di ka muna magpahinga sandali at kumain? Namumutla ka na." Nag-aalalang wika ni ninang sa kanya na inilingan lamang niya.
"Kaya ko pa po."
Napabuntong-hininga na lamang si ninang dahil kahit anong gawin niya ay ayaw talagang magpapilit ni ate.
Maya-maya pa ay nagpaalam si Tobbie kay ninang na hihiwalay daw muna kaming dalawa sa kanila para mas mapadali ang paghahanap kay kuya. Noong una ay ayaw pang pumayag ni ninang subalit bumigay din naman siya. Nang pinayagan na kami ay kaagad akong hinila ni Tobbie palabas ng palengke. Pumara siya ng traysikel at pinauna na muna akong pumasok sa loob saka naman siya sumunod.
"Manong sa sementeryo po."
Nagtataka akong napatitig kay Tobbie dahil sa narinig ko.
"Anong gagawin natin sa sementeryo?"
"Narinig ko yong mga tindera kanina na nakita daw ang katawan ni Mang Roel sa may sementeryo. Wala ng buhay." Seryosong aniya.
"Si Mang Roel? Yong... yong kasama nina Lolo Bert sa inuman kagabi?"
"Oo." He said and sighed.
"Oh no. So, ibigsabihin ay malaki ang posibilidad na baka nabiktima narin si Kuya Tonio?" Kinakabahan kong tanong. Maaaring magkasama sila kagabi.
"Yan ang aalamin natin."
Huminto kami sa may sementeryo at bumaba mula sa traysikel saka kaagad na nilapitan ang kumpol ng mga taong pinapaligiran ang crime scene. Nang makita ko na ang kabuuan ng crime scene ay parang umurong ang sikmura ko sa nakikita ko. Si Mang Roel nga iyon. Dilat na dilat ang mga mata habang paupong nakasandal sa isang lapida. Nababalot sa dugo ang buong katawan niya at may malaking parte sa leeg niya ang animo'y kinagat ng mabangis na hayop na parang isa lamang siyang simpleng karne. Wakwak din ang bituka nito at kitang-kita ang mga intestine niyang natitira sa loob ng kanyang tiyan.
Nag-iwas ako ng tingin at napansin si Tobbie sa tabi ko na may hawak-hawak ng papel.
"Saan mo na naman na-"
"Oo na ninakaw ko. We need to examine the evidences they found out here."
Napabuntong-hininga na lamang ako bilang pagsuko. Atleast, Tobbie did something to help pero ako?
"Read it. I'm listening."
Binasa muna niya ang nakalagay doon bago nag-angat ng tingin sa akin. Alam kong summary lamang ang ibabahagi niya sa akin. Tamad kasi siyang magpaliwanag. Ganyan ang ugali niya.
"Sa tingin ko hindi ang sinasabi nilang murderer ang pumatay sa kanya dahil hindi na ito kagaya ng mga naunang pagpatay. Ang mga bakas ng ngipin na nakita sa may bandang leeg ng biktima ay hindi galing sa tao."
"So, ibig bang sabihin niyan ay hindi pangkaraniwang tao ang pumatay kay Mang Roel?"
"Hindi nga tao di ba?" Sinamaan ko ng tingin ang pilosopong si Tobbie.
Itinupi niya ang papel at isinilid sa bulsa niya saka naglakad palapit sa bangkay. Nagpalinga-linga ako sa paligid subalit abala pa ang mga pulis sa pagtatanong sa mga posibleng suspek. Minabuti ko na ding lumapit sa bangkay dahil hindi na ako magkakaroon ng tsansa mamaya kapag kinuha na iyon.
---
"May suspek ka na ba kung sino?" Tanong ko kay Tobbie habang naglalakad kami pauwi.
"Oo."
"Sino?"
"Macaraig Ranillo."
Nakakunot ang noo kong hinarap si Tobbie. Huminto siya sa paglalakad dahil hinarangan ko siya sa daraanan niya.
"Bakit siya? Hindi pa siya nakikita di ba?"
"Exactly. Hindi pa siya nakikita at hindi parin nila nakikilala ang murderer. Remember, Buko wala namang bangkay na natagpuang nagpapatunay na patay na siya."
Ibinaba ko ang mga mata sa lupa para pag-isipan ang sinasabi ni Tobbie. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng may mapansing tuyong mga bahid ng dugo doon. Sinundan ko iyon hanggang sa makita ko ang bahay nina Nana Cora na kung saan naroroon ang lamay ni Ate Lia. Umayos ako ng tayo ng mapansin ang nakaitim na si Nana Cora habang pinagmamasdan ang bangkay ng anak. She wasn't crying anymore yet the people who attended continued comforting her.
"Tobbie, pasok muna tayo dito." I said and he nodded.
Pumasok kami doon at tahimik na naupo sa magkatabing monoblock chair na nasa likuran. Nang mapansin kami ni Nana Cora ay tinawag niya kami para lumapit sa kanya na siya namang sinunod namin.
"Nana, kamusta na po kayo?" Tanong ko na dahilan para malungkot naman siyang mapangiti.
"Ayos lang ako hija subalit wala ng saysay ang buhay ko ngayong wala na si Lia."
Titig na titig ako sa mukha ni Nana Cora habang patuloy siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong nangilabot sa napansin ko. There was a tiny red dot on the side of her lips and I'm pretty sure it's blood.
"Nana, sino po sa tingin ninyo ang maaaring may gawa nito?"
Napatingin naman ako kay Tobbie na nagsalita bigla sa likuran ko. Mapait na natawa bahagya si Nana Cora sa katanungan ni Tobbie.
"Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong isang halimaw si Macaraig?"
Pareho naman kaming natigilan ni Tobbie sa biglaan niyang tanong. Hindi ko pa nakikita si Macaraig pero natatandaan ko siya bilang isang missing person mula sa report ng mga pulis. Magkakilala sila?
"Hindi pa po namin siya nakikita Nana Cora kaya hindi po namin masasagot ang katanungan niyo." Magalang na tugon ni Tobbie sa matanda.
I can held myself but to wonder about something as I stared at her. The intensity of anger that I am feeling on her right now is the same with Mang Roel yesterday. Nang mapansin ko ang hibla ng puting buhok sa balikat niya ay nagkunwari akong hinahagod siya para pasimpleng makuha iyon. I don't know why but I feel like I'll be needing it.
"Naiintindihan ko hijo pero kailangan niyong malaman na hindi siya isang kati-katiwalang tao. Sila ng buong pamilya niya. Mga halimaw sila at nasisiguro kong siya ang pumatay sa anak ko. Magbabayad siya."
"Pero Nana Cora, kayo narin mismo ang nagsabi na isang halimaw si Macaraig kaya paano po ninyu siya lalabanan? Tsaka bakit nasisiguro niyo pong siya ang may gawa niyon kay Ate Lia? Ano bang ginawa niyo na nag-udyok sa kanya upang paslangin ang anak niyo?" Walang preno kong tanong sa ginang na ikinatigil naman niya.
Awtomatikong humakbang ng isang beses paatras ang mga paa ko ng maramdaman ang mas tumitinding galit ni Nana Cora. Seems like everything about her was just a fallacious facade at ang totoong siya ay isang matinding sikreto na nakakubli parin. Naramdaman ko ang paghila ni Tobbie sa braso ko palayo sa matanda. He apologized for what I did but nana keeps on throwing her dagger looks on me as if taunting me not to utter even just a single word at and about her.
Mabilis na pumara ng traysikel si Tobbie at kaagad na akong pinapasok doon. Sumunod naman siya sa akin. Iniwas ko ang tingin kay Nana Cora na nasa akin parin ang atensyon. I had something in mind but I still have to find evidences that could testify my theory.
"Manong, sa may sementeryo po."
Napansin ko ang pagkagulat ni Tobbie sa gilid ko. Hindi na ako nag-abala pang sulyapan siya.
"Anong gagawin natin doon?" He asked.
"We need to search for evidences about the murderer. Pakiramdam ko ay konting oras na lamang at makikilala na natin siya."
Natahimik naman siya sa sagot ko. He might be weighing the possible things that we are about to do. Ganyan naman talaga siya. When he knew I'm serious, he tied his tongue in saying something and just let me do what I planned to do.
---
"A strand of hair?!" Gulat na bulalas ni Tobbie nang ibigay ko sa kanya ang nakita kong hibla ng buhok sa ibabaw ng puntod na sinasandalan ni Mang Roel kanina bago siya kinuha ng mga pulis para as autopsy report.
"Obviously."
Inirapan ko muna siya bago ko pinagtuunan ng pansin ang hibla ng buhok na nasa palad ko. Sinubukan kong suriin iyon para humanap ng kahit anong pwedeng makatulong sa amin. I was able to spot some dry traces of blood on it.
"Baka sa killer to." Wika ko na ikinabunghalit naman niya ng tawa.
I looked at him with furrowed brows and creased forehead. Nagpailing-iling naman siya na animo'y pinipigilan ang sariling matawa ulit.
"Ano namang nakakatawa?"
"You're calling yourself a detective?" He ridiculed and I controlled myself and fist not to land it on his face.
"Paranormal detective." I corrected.
"Buko, what are you going to do with that strand of hair?"
"Identify the murderer?" I mocked.
"Tss. Ano namang matutulong ng buhok na yan?"
I handed him my pink handkerchief and opened it to let him see another strand of hair.
"Oh, ano namang gagawin ko sa puting buhok na to?"
"Use your connections in the police para malaman kung iisang tao lang ba ang may-ari ng mga yan." I retorted and he made a face.
"Seriously? Pinaghihinalaan mo si Nana Cora bilang mamamatay-tao?"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. How did he knew about that?
"Paano mo nalaman yon?"
"Nakita kita kanina ng kunin mo ang puting buhok na to ng palihim sa balikat ni Nana Cora and in fact magkababata tayo. Kaya kabisadong-kabisado na kita, Buko."
"Then just help me okay? I have something in mind and I need confirmation."
Bumuntong-hininga si Tobbie. Tanda ng pagsuko niya. Itinupi niyang muli ang panyong may laman ng buhok at isinilid iyon sa kanang bulsa niya. Kinuha naman niya mula sa kaliwang bulsa ng suot niyang capri pants ang panyo niya at itinago doon ang hibla ng buhok na natagpuan namin dito sa crime scene.
Tinawagan niya muna si Tito Ken dahil magpapatulong siya ditong magkaroon ng access sa istasyon ng mga pulis sa probinsyang ito at sa forensic team nila.
When he ended the call, he has this merrily and contented look on his face as if his request was granted by Tito Ken at tama nga ang hinala ko dahil kaagad niya akong hinila at pumara ng traysikel na maghahatid sa amin sa presinto sa bayan.
---
Habang inaantay ko si Tobbie at ang resulta ng pinapagawa ko sa kanya ay nag-umpisa na akong alamin ang personal profile at background ni Nana Cora kanina. Tobbie has an access on the personal profiles of the people registered on NBI not because Tito Ken permitted him but because he secretly hacked their account and I don't know how did he do that.
I immediately stood up from where I am sitting when the door near me swung open and Tobbie came out from there and he's carrying a short brown envelope with him.
"Ano ng resulta?" I asked as I handed his iPhone back at him.
Kinuha niya iyon mula sa akin at isinilid sa loob ng bulsa niya. Binuksan niya iyon at kinuha mula doon ang isang papel na sa tingin ko ay naglalaman ng resulta.
"It's positive. The DNA of Nana Cora's hair strand matches the one we found at the graveyard." Paliwanag niya habang inihaharap sa akin ang resulta.
"Does that satisfy your curiosity?" Dagdag niya pa pero pinanatili kong tikom ang aking bibig dahil hindi ko matantyang maigi kung anong klaseng tanong iyon.
"Pero bakit naman niya papatayin ang sarili niyang anak kung siya nga ang murderer?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko siyang nahuhulog sa malalim na pag-iisip.
"She didn't kill Ate Lia."
He bore his eyes on me and that's when I realized that I've got some explanations to do.
"I know that you're very much aware of it. May pattern ang unang tatlong murder cases na iba sa paraan ng pagpatay kay Mang Roel." I replied.
"Yes but if we'll going to have it as our only basis then it's not enough." He said and I nodded approvingly. How should we do this?
"But I guess it's Macaraig Ranillo who killed the first three persons basing on Nana Cora's reaction when you asked her about the murderer. Maybe or maybe not, nana's just taking revenge for her daughter. "
"Paano naman niya nalamang si Macaraig nga ang pumatay kay Ate Lia? At higit sa lahat, bakit naman niya ito papatayin?" He's really puzzled on all these things.
"I still don't know his intention but it somehow made me wonder on what really it is especially now that I found out that nana's complete name is Corazon Ranillo- Cagulada."
His lips formed into a thin line after hearing me. He must have been thinking right now.
"They're relatives." He concluded.
"May nalaman ka bang makakatulong sa atin?" I asked.
"Ang sabi sa police report ay isang araw na raw na nawawala si Mang Roel bago siya natagpuang patay sa may sementeryo. Even his family doesn't know that he went at the celebration of Ate Honeylette's wedding. Aside from him ay reported din na missing person si Mang Kanor but he returned home safely just an hour or two ago. Weird thing is that, he don't remember going at the celebration yesterday. Ang tanging huling natatandaan lamang niya ay ang paghampas ng isang tao mula sa likuran niya na dahilan ng pagkawala ng malay niya and he just woke up in the middle of an empty road in the next province. Umiyak pa nga daw siya ng malaman niyang patay na si Mang Roel."
The last statement struck something hard inside my head making me to think more of the case. The Mang Kanor that we're with yesterday wasn't talking while the Mang Roel yesterday has this intense feeling of hatred and anger towards him. The same level of anger I felt with Nana Cora. As far as I could recall, Macaraig is unable to speak because of the inherited and generic disability of his family. Hindi kaya silang dalawa ni Nana Cora iyong nakasama naming Mang Kanor at Mang Roel? Pero paano?
Malalim parin ang iniisip ko hanggang sa makalabas kami ni Tobbie ng presinto. Natigil lamang iyon ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na taong naglalakad na parang wala sa kanyang sarili papunta sa kung saan. Napatingin ako sa katabi kong nakatitig din sa lalaki.
"Kuya Tonio? Kuya Tonio!"
Mabilis na hinabol ni Tobbie si Kuya Tonio papunta sa kinaroroonan nito. Kumaripas naman ako ng takbo para mahabol sila. Panay ang tawag ni Tobbie sa kanya habang sinusundan namin siya pero para siyang bingi sa bawat sigaw namin sa kanya.
---
"Nasan na siya!?" Hinihingal na tanong ko kay Tobbie na ganoon din.
Nakapatong sa mga hita namin ang aming mga palad habang hinahabol namin ang aming mga hininga matapos habulin si Kuya Tonio na bigla na lamang naglaho pagdating namin sa sementeryo. Hindi man lang namin namalayan ni Tobbie na umabot na pala kami doon at gumagabi narin.
"Hindi ko rin alam." Aniya sabay ayos ng tayo nang makabawi siya.
Dumapo ang mga mata ko sa kubong nasa di kalayuan. Kapansin-pansin ang mga naiwang itim na mga marka na mukhang galing sa pagkakasunog doon. Tinapik ko ang balikat ni Tobbie at itinuro sa kanya iyon.
"Kaninong bahay yon?" I asked and his expression became serious.
"Macaraig Ranillo."
Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay kumaripas agad ako ng takbo papunta doon dahil nararamdaman ko ang presensya ng taong naroroon at naririnig ko rin ang bawat bitaw niya ng mabibigat na mga buntong-hininga na animo'y nahihirapan siyang huminga.
Narinig ko ang pagtawag ni Tobbie sa akin pero mas pinili kong balewalain muna siya sa ngayon. I need to know what's happening or who's in there first.
"Buko, bakit ba basta-basta ka na lang tumat-"
Hindi na naituloy pa ni Tobbie ang sasabihin niya ng huminto ako sa may hamba ng pintuan. Natigilan din siya sa likuran ko ng makita si Kuya Tonio na nakaupo sa may sahig habang nakasandal sa may kahoy na haligi ng kubo. Duguan siya pero nasisiguro kong buhay parin siya dahil sa pagtaas-baba ng mga balikat niya.
"Tu.. tulungan niyo ko." Nahihirapang wika ni kuya bago siya nawalan ng malay.
Mabilis kaming lumapit ni Tobbie sa kanya para sumaklolo. Inalalayan namin siyang makatayo sa pamamagitan ng pagsukbit ng mga braso niya sa magkabilang balikat namin ni Tobbie hanggang sa makalabas kami doon. Now things got even more complicated. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.
I stopped in mid-steps and Tobbie turned his attention on me as if wondering why I did it. I suddenly felt two opposing forces from different directions. One is hunger and the other is extreme anger.
"Tobs, sandali lang."
Kahit na nagtataka man ay tinanggap niya ang braso ni Kuya Tonio na hawak-hawak ko kanina. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa marating ko ang mga puntod na nasa likurang bahagi. Dito ko kasi nararamdaman ang pagkagutom na iyon. Bahagya kong itinago ang sarili ko sa isang malaking puntod nang mapansin ko ang isang bukas na kabaong at sirang puntod.
Sinilip ko mula sa pinaglalagyan ko ang ginagawa ng taong nakatalikod doon. He's making a
gnawing sound as if he's tearing some flesh using his teeth. Bahagya kong inangat ang sarili ko para mas makita pa ang kabuuan ng ginagawa ng lalaki. Muntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko. Kinakain niya ang bangkay na nasa loob ng kabaong na yon! Dahan-dahan akong umatras hanggang sa tuluyan na akong tumakbo palayo doon at pabalik sa kinaroroonan ni Tobbie.
"Anong nangyari?" Pambungad na tanong sa akin ni Tobbie paglapit ko sa kanya.
"We need to get out of here!" Natatarantang ani ko.
"Saan kayo pupunta?"
Pareho kaming napatingin ni Tobbie sa banda ng lalaking nagsalita. Nanigas kaming pareho nang mapagtanto naming kamukha nito si Kuya Tonio. Nakangisi ito na animo'y may masamang binabalak. I can sense anger and danger on him that's why I stepped aback. Hindi ko alam kung bakit pero mas natatakot ako sa kanya kaysa doon sa lalaking kumakain ng bangkay.
Sa kabila ng takot na nararamdaman ko ay nagawa ko paring mag-isip. Hindi kaya siya ang sinusundan namin kanina? Hindi kaya plano niya tong lahat? At sino ba talaga siya?
"Buko, pagbilang ko ng tatlo tumakbo na tayo." Bulong ni Tobbie sa tabi ko sabay ayos niya ng pagkakabuhat niya kay Kuya Tonio sa likuran niya.
Kahit na hindi ako tumango ay alam kong alam na niya na payag ako sa plano niya.
"Isa, dalawa, tatlo!"
Kumaripas kami ng takbo ni Tobbie sa abot ng makakaya namin pero aminado akong dehado kami sa kalaban naming nilalang. He was fast that he managed to materialize in front of us in an instant!
"Hindi kayo makakatakas sa a-"
Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay may kung sinong tumilapon papunta sa kanya dahilan para pareho silang matumba sa lupa. Napatitig akong maigi sa nilalang na iyon at napagtantong ito ang lalaking nakita ko kaninang kumakain ng bangkay.
"Halika na Buko!"
Bumalik ako sa realidad dahil sa tawag ni Tobbie sa akin. Maagap ko siyang sinundan na papunta sa isang dyip na nakaparada doon. Pinaupo niya ang wala paring malay na si Kuya Tonio sa may front seat. Naupo naman agad ako sa tabi niya ng sigawan ako ng natataranta ng si Tobbie. Sumunod narin siya sa amin.
The graveyard, the missing people we saw who were actually not really them, and the same intensity of emotions I am feeling all make sense now. I closed my eyes as I tried to recall the contents of Wren's journal. I can't be wrong. The Ate Lia and Mang Kanor I saw and bumped into wasn't talking or they can't just really talk because it's actually Macaraig who copied them and it is Nana Cora who did the same thing on Mang Roel and Kuya Tonio and those abilities they are showing are features of a ghoul.
Napatingin ako kay Tobbie nang marinig ko ang pagpatay ng makina ng dyip. Sinubukan niyang buhayin iyon pero ayaw na talagang gumana.
"We're doomed. Ano ng gagawin natin ngayon Tobbie? May dalawang ghoul na nag-aantay sa atin? Ayoko pang mamatay Tobs! So, motioned this vehicle now!"
"Pwede ba Coco, manahimik ka muna. Naiihi ako lalo sayo sa kaba e!" Sigaw ni Tobbie na nagpatahimik naman sa akin.
He called me by my real nickname and that indicates that he's really serious now kahit pa hindi ganoon kaseryoso ang lumalabas sa bibig niya. Mas kinabahan ako lalo ng hindi na talaga umandar ang dyip.
"Ano ng gagawin natin?" Pabulong kong tanong sa kanya.
Gabi na at dahil sa bali-balitang mamamatay tao ay wala ng masyadong naggagagala tuwing sumasapit ang dilim dito. Maging ang mga traysikel driver ay iniiwasan naring magawi dito. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang dyip nato dito. Marahil ay pagmamay-ari na naman ito ng bagong biktima ng mga ghoul na yon. If I would scream for help then probably no one will hear us.
Napasigaw ako nang may humila sa akin palabas ng dyip. Narinig ko pa ang sigaw ni Tobbie bago ako kinaladkad ng halimaw na kamukha ni Kuya Tonio palayo doon. Napaluha ako dahil sa sakit ng likuran kong tumatama sa mga batong nasa lupa dahil pahiga akong hinihila nito papunta sa kubong pagmamay-ari ni Macaraig. I'm positive that this is Nana Cora. I can still feel the same intensity of anger and now I'm pretty sure that it's coming from her. Tandang-tanda ko pa kung paano ko siya ginalit kanina.
Hinawakan niya ang kanang braso ko saka niya ako hinila patayo at itinapon sa labas na pader ng kubo. Napasigaw ako nang tumama ang masakit kong likuran doon. Nanghihina akong napaupo sa lupa at napasandal sa pader nang maramdaman ko ang pagdaloy ng kung anong likido sa likuran ko. Marahil ay nagdurugo na ang sugat niyon.
"Sa anong paraan mo gustong mamatay hija?"
The way he calls me hija only proves that she's actually Nana Cora. Ginalaw-galaw niya ang ulo niya papunta sa kanan at kaliwa hanggang sa lumabas ang matutulis niyang ngipin. Gusto kong umatras subalit wala na akong takas dahil sa pader na nasa likuran ko at dahil narin sa panghihina ko.
"Alam kong iniimbestigahan niyo na ako ng pakialamero mong kaibigan at dahil alam mo na kung ano talaga ako ay kailangan mo ng manahimik gaya ng iba pa. Alam mo bang ayos na sana ang lahat sa plano namin ni Lia?
Pupunta siya ng Maynila at doon hahanap ng mas maraming taong buhay na makakain namin. Pero ang walang hiya kong pamangkin ay pinigilan kami dahil dapat daw naming sundin ang batas ng angkan naming bangkay lamang ang kakainin. Hayan tuloy ang nangyari sa mga magulang niyang pipi. Namatay ng walang kalaban-laban sa sunog na ako mismo ang nagpasimuno. " Nagpakawala ng isang nakakapangilabot na halakhak si Nana Cora.
Kaya pala. Kaya pala ang tindi ng titigan nila sa isa't isa noong nagpapanggap sila bilang sina Mang Roel at Mang Kanor. Pero pinagsisisihan ko kung bakit hindi ko napansin na si Nana Cora pala ang may masamang intensyon sa kanilang dalawa. Pero may mga katanungan paring bumabagabag sa isipan ko.
"Anong kinalaman nina Gilbert Espina at Marianne Hernandez sa gulo niyo?"
"Anak sila ng mga walang utak na taga-bayan na sumama sa akin para sunugin ang bahay nina Macaraig dahil sila ang itinuro kong pumatay sa asawa kong pinakain ko kay Lia nang magsimula na siyang magutom at matakam sa karne ng tao."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Nagawa niya iyon sa sarili niyang asawa? At pinahamak niya ang sarili niyang pamilya para lang doon? The world is known for its cruelty but I believe that our family has the capacity to make us see the beauty it offers despite that saddening reality. Pero masakit malaman na ang mismong tao na gaya ni Nana Cora ang siyang nagpapahamak sa pamilya niya.
"May huli ka bang habilin bago ka mamatay?" Panunuyang tanong niya sa akin pero kung sakaling katapusan ko na nga ay hindi naman siguro masamang magpaalam sa tanging taong tumaguyod sa akin at nagpakita sa kagandahan ng mundo.
"Pakisabi na lang po sa nanay ko na mahal na mahal ko siya." Naluluha kong wika at naramdaman ko namang natigilan si Nana Cora pero mabilis naman siyang nakabawi.
"Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong mararamdaman din ng nanay mo ang sakit na mawalan ng anak."
I closed my eyes and waited for her to end up my life. I know I still haven't done anything I want to that's why I wish that God could give me a chance to do it. I may be indifferent sometimes but I want to meet my real father. There's a part of me that longs for him. I want to know if he's still alive or he's dead. I wishes to know if he still remembers me.
Napadilat ako dahil sa ingay na narinig ko na para bang may kung anong naputol gamit ang isang matulis na bagay. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang gumugulong na ulo ni Nana Cora na bumalik na sa totoo niyang itsura. Lumakas ang tibok ng puso sa kaba dahil baka ako na ang sumunod na biktima ni Macaraig na nakatayo sa harapan ko dala-dala ang palakol niya na ginamit niya upang pugutan ng ulo si Nana Cora. Ghouls ultimate weakness is the complete removal of the head.
Nakahinga ako ng maluwag ng ibaba ni Macaraig ang hawak niyang palakol. Ang kaninang pinipigilan kong luha ay tuluyan ng bumuhos kasabay ng aking hagulgol.
"Coco!"
I heard Tobbie shouted for my name from afar before everything in my sight turned black.
⚛⚛⚛
Sorry for the late update. Malapit na magsummer so I can probably give you more and faster updates. 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top