Chapter 2: Vengeful Cadaver (Part 2)

Vengeful Cadaver (Part 2)

"Manang, damihan niyo po ng cheese ha?"

Nakangiting sabi ko sa tindera ng banana cream. Ngumiti din siya at tumango. Inabot na niya sa akin ang order ko saka tinungo ko na ang table namin ni Tobbie. Inilapag ko ang tray na dala ko at kinuha mula roon ang mga binili kong snack.

"Coconut, anong masasabi mo sa kasong to?"

"It's weird." Kibit-balikat kong tugon sa kay Tobbie.

Isusubo ko na sana ang isang piraso ng saging kaso bigla niyang tinampal ang kamay kong may hawak ng kutsara. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang siya natinag.

"Mali yong sagot mo. Uulitin ko yong tanong, ayusin mo yong sagot mo ha. Anong masasabi mo sa kasong to, Coconut?"

Inirapan ko muna siya bago sinagot. "It's supernatural. Okay na?"

"Good."

Adik din tong isang to e. Kinain ko na ang banana cream ko at napangiti ako sa sobrang sarap niyon. Inalis ko ang kutsara sa bibig ko at pinagmasdan ang timawa kong kaibigan.

"Pero alam mo Tobs, hindi talaga ako satisfied sa resulta ng kaso e. Pakiramdam ko may kulang."

Nahinto siya sa pagkain ng kanyang pizza at nag-angat siya ng tingin sa akin saka tumango.

"You think so? Alam mo ako rin. May missing piece talaga dun e."

"Hanapin natin?" Nakangiting anyaya ko sa kanya.

Lumapad ang ngiti niya at agad na tumango. Dali-dali naming tinapos ang pagkain namin para puntahan ang Anatomy Lab na bakante sa ngayon. This is our chance to at least search for something supernatural. 

---

Tahimik ang buong Anatomy Lab pagpasok namin doon. Malamang kaming dalawa lang yong tao e. Dumiretso kami sa kwarto kung saan naroroon ang mga cadaver. Tandang-tanda ko pa ang sinagot ni Aileen sa tanong ni Wren tungkol sa huling sinabi ni Denver bago ito nagpakamatay. Gusto raw nitong maging cadaver. Ikinuwento ko iyon kay Tobbie kaya heto kami ngayon sa kwarto ng mga bangkay na ginagamit sa mga eksperimento.

I want to decline such idea of using unclaimed and anonymous dead bodies in a research even if it is for scholarly purposes. It's like whenever you are here, there's no room for empathy and emotions. Pero marahil ay normal na bagay na lamang iyon sa mga panahon na ito. Nagbago lang naman ang pananaw kong iyon when I watched a film about a dedicated professor in teaching his medical students. Nung namatay na siya ay hinabilin niya sa mga estudyante niyang naging doktor na na gawin siyang cadaver sa institusyong tinuturuan niya. I felt touched and sad at the same time. Siguro ay may mga tao lang talagang kayang ihandog ang buong pagkatao nila sa kanilang ginagawa. Pero si Dr. Frankenstein talaga ang laging unang sumasagi sa isipan ko kapag napupunta sa usapang cadaver ang lahat.

"Coconut, anong gagawin natin? May ideya ka na ba kung paano natin inunudnud sa mukha ng bruhang Winona na iyon na tama tayo?"

Sa halip na sagutin si Tobbie ay itinuon ko na lamang ang atensyon sa mga bangkay na tinatakpan ng mga puting tela. Ano nga ba? Maaaring nagmulto ang mga ito dahil may hindi pa sila natatapos na business dito sa mundo. Yeah, cliché. But does they really have something to do with the suicide case of Denver Ruiz?

"Isip Coco. Isip. Isip."

Nilingon ko si Tobbie sa likuran ko at agad na sinamaan ng tingin. Kanina pa kasi siya bulong ng bulong tungkol sa pag-iisip ko para lutasin ang kasong to at patunayang may kababalaghan ngang nangyayari.

"Sorna po."

Naka-peace niyang ani bago tumalikod at isa-isang tinignan ang mga bangkay.

If I'm going to put myself on these corpses' shoes, then I might disagree with the thought of making me a cadaver. Ayoko e. Lalo na kapag anon-

"Tobs, isipin mo ngang maigi. Halimbawa multo ka na tapos nakita mo ang bangkay mo, unclaimed and they labelled you as anonymous. Then, some institutions find you perfect for their research. Would you like to become a cadaver to cut it short?"

Sinulyapan ko si Tobbie na nakalagay ang index finger sa kanyang baba na animo ay nag-iisip ng maigi.

"Hmm. Kung makikita ko ang bangkay kong hubo't hubad tapos wakwak ang tiyan dahil dinessect ng mga estudyanteng wala namang pakialam sa kanilang ginagawa basta ba't nakabayad lang ng tuition ay siyempre hindi ha no! Ano sila? Sinuswerte? Kahit multo na ako ay malamang masasaktan ako o di naman kaya ay magagalit."

"Exactly!"

Tuwang-tuwa kong bulalas sa kanya. It must be a vengeful spirit of one of the cadavers we have here.

"I guess it's a vengeful spirit of one of these dead bodies here. Pero kung totoo man iyon ay sino sa kanila?"

Isa-isa naming sinulyapan ni Tobbie ang mga bangkay. Binilang din niya ang mga iyon bago humarap sa akin.

"Coconut, meron tayong siyam na bangkay dito excluding those who are still in the freezer."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Paano namin hahanapin ang kaluluwa na iyon? There are more than twenty cadavers here at isa pa, we don't have any references on how to identify the carcass of the vengeful spirit. 

"Aahhh!!"

Nagkatinginan kami ni Tobbie at mabilis na tumakbo palabas ng cadaver section para puntahan ang direksyon ng sumisigaw.

Naabutan namin ni Tobbie ang isang babaeng estudyante na bumubula ang bibig at nangingisay sa sahig ng Anatomy Lab. Sinubukan itong kargahin ni Tobbie pero huli na dahil hindi na ito gumagalaw pa. Hinawakan ko ang pulso ng babae upang alamin kung may buhay pa ito pero wala na. Nag-angat ako ng tingin sa natulalang si Tobbie at umiling.

"Uminom siya ng formalin, Coconut!"

Napatingin ako sa bote ng formalin na nasa bahaging paanan ng babae.
"It's formaldehyde poisoning."

"Ano?! Anong ibig mong sabihin, Coco? Is she murdered? Or is it another suicide case?!"

Natatarantang tanong ni Tobbie. Alam kong kinakabahan na siya ng todo dahil sa parehong nasaksihan namin. After formulating our theory about the vengeful spirit, I don't seem to consider this as another suicide case.

---

"Anong ginagawa niyo doon ni Coco, Tobbias?"

Magkatabi kaming naupo ni Tobbie sa mga monoblock chair ng police station habang ginigisa ng tiyuhin niyang inspector at ng isang police detective.

Matapos kasi naming isuplong sa mga pulis ang nangyari kanina ay inanyayahan nila kami sa istasyon ng mga pulis. We're not dumb not to know why. Of course, we're suspects of such incident! Kami lang naman ang naroroon ng mga oras na iyon sa Anatomy Lab. They will surely laugh at us if we'll tell them about the vengeful spirit of one the cadavers there. They might even think that we're lunatics.

"Bakit may fingerprints mo Ms. Quizon ang pulso ng biktima?" Tanong ng detective sa akin.

"Sir, I checked her pulse to know if she's still alive."

"Dahil nga pinatay niyo siya?"

Oh. My. Ghad. Kanina pa kami paulit-ulit dito ng detective na to e. Ipinagpipilitan kasi niyang kami nga ni Tobbie ang mga salarin sa krimen.

"Look Mr. Detectiv-"

"It's Detective Arden."

"Look Detective Arden, we're just trying to help the girl kaya chineck namin kung humihinga pa siya dahil pwede pa kaming makagawa ng paraan para ihatid siya sa ospital. There's no evidence that could testify that we're the culprit of such crime. Dahil hindi nga talaga kami!" I honestly retorted not minding my tone.

"Ngayon, sagutin mo ako, Tobbias. Anong ginagawa niyo ni Coco sa Anatomy Lab?" Seryosong tanong ni Tito Ken sa pamangkin.

"We're trying to find something that could help in solving the first suicide case tito."

"At kailan pa kayo naging detective?"

"Last year lang po. Huli na po pala kayo sa balita?"

Napahilamos na lamang ako ng mukha gamit ang kanang palad dahil sa tugon ni Tobbie and he sounded so innocent in asking his tito in regards to our undertakings.

Ni-release din naman nila kami ng mapatunayang penmanship nga ni Greta Zubiri ang suicide note na iniwan niya bago nagpakamatay. It stated there that she wants to become a cadaver. Seriously? Anong meron sa pagiging cadaver?

Inis na inayos ko ang strap ng shoulder bag ko ng makalabas na kami ni Tobbie ng police station. Hinarang ko siya sa dinaraanan niya saka ako humalukipkip.

"This mystery needs to be taken action. Anong plano natin?"

"Tama ka, Coconut. Baka may madamay pang ibang estudyante kapag nagpatuloy pa ang evil spirit na iyon. Pero ikaw ng mag-isip ng plano natin."

"Okay. Magkita tayo mamayang alas-otso ng gabi sa labas ng dorm namin. Pupunta tayong Anatomy Lab at tatapusin na natin lahat doon."

"Aye! Aye! Captain!" Ani Tobbie sabay saludo sakin.

"Anyways, hindi mo ba e-iinform si Ninang Charlotte ng tungkol dito?"

"Di na. Pinaalalahan pa naman niya ako kanina na short-tempered daw si Ares ngayon kaya dapat ay hindi ako makisali sa mga possibleng gulo. Pero anong gagawin ko kung yong gulo na mismo ang lumalapit sakin?"

Natawa naman si Tobbie sa sinabi ko. "You're such a trouble magnet my dear friend Coconut."

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa bestfriend kong bad luck. Wag ka ngang dikit ng dikit sakin at nahahawa ako sa kamalasan mo."

Inakbayan ako ni Tobbie at ginulo ang buhok ko saka kinuha ang headband ko. I groaned and he laughingly run away. Pinakaayaw ko sa lahat ay yong nasisira ang hairstyle ko.

"Humanda ka sakin Budoy!"

Hinabol ko ang tatawa-tawang bestfriend ko. No one messes up with my hair!

---

"Baby Coco, pupunta akong Spain ngayong linggo. Baka umuwi ka kasi sa bahay at magtaka ka kung nasaan ang iyong beautiful nanay kaya nagpaalam na ako sayo."

Kumunot naman ang noo ko habang pinapakinggan si nanay sa kabilang linya. Anong gagawin niya sa Spain? Nag-indian sit ako tsaka inayos ang pantulog na dress na suot ko at hinawakang maigi ang iPhone sa aking tainga.

Nasa dorm na ako at kasalukuyang nakaupo sa kama kong nasa itaas ng isang magarang double deck na style na kama. Tatlo kami sa isang kwarto at sa kamalas-malasan ko ay isa sa mga ka-roommate ko si Winona na separate sa amin ni Annie ang kama.

"Anong gagawin mo sa Spain nanay?"

"Maghahanap ng bago mong tatay."

"Nanay!"

"Di joke lang. Ikaw naman Baby Coco. Siyempre hindi ko papalitan ang iyong poging tatay. Anyways, pupunta ako sa Spain kasi may kumare akong kailangan daw ang tulong ko. May sakit siya kaya ako na lamang ang tutungo sa lupain ng dating mananakop natin."

I rolled my eyes at nanay's remarks. Bakit ang lalim niya atang magtagalog?

"Lubha bang matatas ang aking mga salita anak?" She chuckled on the other line.

"Opo nanay. Mag-iingat po kayo doon ha?"

"No. You take care anak dahil malayo si nanay."

"Nanay, I can handle myself. I'm a big girl now."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni nanay sa kabilang linya.

"Mamimiss kita anak."

"Nanay naman. Ilang araw ka ba dun?"

"Isang linggo lang anak. Anyways, may trivia ako. Did you know that the Muslim Umayyad Dynasty rule Spain until 1031?"

Napairap na naman ako sa trivia ni nanay. She's very fond of giving me such stuffs.

"Yes nanay."

"Good. Ito pa. Did you know that Ares is the most significant lover of Aphrodite?"

"Yes nanay and they had a long time love affair even if Aphrodite was still married to the god of craftsmanship Hephaestus. They have five children which made the husband suspicious because they look very unlikely. And tama siya sa hinala niya dahil mga anak nga iyon ni Aphrodite kay Ares."

For me, Greek mythology is a load of infidelity and polygamy. Kumbaga uso sa kanila ang unfaithfulness, adultery and concubinage. Sad life.

"Ang tsimosa mo talaga Baby Coco." She laughingly replied.

"Saan pa ba ako magmamana? Edi sa nanay kong maganda." I teased and she chuckled heartily.

"I love you anak."

"I love you too nanay."

I smiled when I ended our call. I owed all that I am right now to nanay. She's always there for me through thick and thin. Kahit na kaming dalawa lang ay hindi niya pinaramdam saking may kulang. Hindi niya kailanman ipinaramdam na hindi ako buo dahil wala akong tatay. Mahal na mahal ko si nanay.

"Nawala lang yong club niyo naging kriminal na kayo ni Tobbie."

Lumapit ako sa edge ng aking kama at ibinaba ang tingin kay Winona na nakangising nakatayo doon. Pinigilan ko ang sariling taasan siya ng kilay at sa halip na makipagbangayan ay bumalik na lamang ako sa aking pwesto at nahiga. May gagawin pa kami ni Tobbie mamaya kaya dapat hindi ako mag-aksaya ng energy sa kanya.

---

"Hu-waw! Hiyang-hiya naman ako sayo buko. Ang usapan alas-otso pero anong oras ka ng dumating?"

Masungit na bungad ni Tobbie sa akin pagdating ko ng Anatomy Lab. Ipinasok ko ang mga palad sa loob ng bulsa ng aking red hoodie at nilapitan na siya. Hinintay ko pa kasing makatulog sina Annie lalong-lalo na si Winona dahil alam kung magtatanong sila kung saan ako pupunta.

"Inantay ko pa kasi silang makatulog. Alam mo namang roommate ko si Winona at tiyak na magdududa iyon."

Tuloy-tuloy parin ang simangot ni Tobbie nang mahinto ako sa harapan niya. Sinulyapan ko ang sliding glass door ng Anatomy Lab.

"Paano natin to papasukin?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa pinto.

Ngumisi naman siya at naglakad sa may gilid kung nasaan naroroon ang door lock. Napansin kong may nakaipit na card doon na agad naman niyang hinawakan at ilang saglit pa ay nabuksan na ito.  Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Ba't di mo sinabing member ka pala ng martilyo gang?"

"Wala akong martilyong dala buko." Natatawa niyang wika at nauna ng pumasok sa loob.

Sinundan ko naman siya at dumiretso na kami sa loob ng Cadaver Room. Nahinto ako sa may pintuan at napalunok sandali. Kahit na may kaonting ilaw ay hindi ko parin maiwasang mangilabot. Pinapalibutan kami ng mga bangkay at ang isa sa mga ito ay kaya kaming patayin!

"Maging cadaver ka!"

"Tobbie!"

Sinamaan ko ng tingin ang natatawang si Tobbie nang tuluyan na niya akong maitulak sa loob. Tumakbo ako sa likuran niya at dumoble pa ang tawa niya sa ginawa ko kaya napairap na lamang ako.

"Seryoso, Coco. Ano ng gagawin natin?"

"Hanapin ang cadaver na pumapatay?"

"Paano naman? Ganito na lang, why don't we summon the vengeful spirit right? Para malaman natin kung alin sa mga bangkay na ito ang hinahanap natin."

"At paano mo isusummon ang espirito aber?"

"Talagang ako talaga ang tinatanong mo niyan? Di ba espiritista ang nanay mo. Dapat ala- Aray ko naman!" Reklamo niya ng hampasin ko ng malakas ang likuran niya.

"Soothsayer si nanay hindi espiritista! Eleven years na tayong magkakilala hindi mo parin alam yon?"

"Sorna po. Pero di nga, di talaga espiritista si ninang?" Hinampas ko ulit siya kaya lumayo na siya sakin para makaiwas.

"Tobs, kung tatawagin natin ang espiritu ay hindi naman natin alam kung anong gagawin kapag lumitaw na siya sa harapan natin. In fact, killer yon. Baka kinabukasan makita na lang tayong walang buhay dito. Hanapin na lang natin yong vengeful cadaver okay?"

Ngumuso si Tobbie at maya-maya pa ay tumango na. Nagsimula na kaming isa-isahin ang mga bangkay.

"Ano ba kasing hinahanap natin Coconut?" Inis na tanong niya bago tinakpang muli ang huling bangkay na chineck niya.

Talagang nagmumukha na kaming tanga sa ginagawa namin. Para kaming mga timang na naghahanap ng bagay na hindi naman namin alam kung ano. Napabuntong-hininga ako at tinakpan narin ang chineck kong bangkay.

"I never expected that it would be this hard."

"Searching for the vengeful cadaver is like a wild goose chase." He added and I nodded.

"Alam mo malapit na akong mawalan ng pag-asang may kakaiba nga dito. But thinking about the other students who might get killed next doubles my determination to know what's really true."

"Then maybe I can help you."

Sabay naman kaming napatingin ni Tobbie sa pintuan kung saan nakasandal habang nakahalukipkip si Wren.

"Anong ginagawa mo dito Wren?" Tobbie asked.

"Sinundan ko kayo. I can see through the both of you that you're really eager to find out what's true before this day ends. And there's something off with the previous two suicide cases."

Tumayo ito ng maayos at may kinuhang maliit na notebook sa bulsa ng kanyang pants tsaka lumapit samin. Binuksan niya iyon at binasa.

"Both happened here in the Anatomy Lab and both students claimed that they wanted to become a cadaver."

Itinago niya ulit sa kanyang bulsa ang maliit na notebook at tumingin sa amin ni Tobbie ng diretso.

"Both of them visited the lab only once and it's bizarre to say that they already found the good spot for their so-called suicide."

"So, what do you mean?" I asked.

"I heard that you mentioned about the vengeful spirit. Actually, it really is and it is a poltergeist to be exact."

I frowned finding everything he said hard to swallow.

"Poltergeist? What's that?"

"It's a vengeful spirit who is capable of making noises and touching the tangible objects. In short, it can harm you physically."

"You mean hindi talaga suicide yong nangyari? Ginamitan ang mga ito  ng pwersa ng tinatawag mong poltergeist?" Tanong ni Tobbie ng makabawi.

"Yes but not with force. I guess this poltergeist was able to hypnotized his victims to commit suicide."

Napaawang ang bibig ko sa paliwang ni Wren. Bakit alam niya ang mga ganoong bagay?

"Bakit kaya niyang manghypnotized ng buhay?" I asked and his gaze landed on me.

Hindi siya sumagot at sa halip ay naglakad papunta sa isang bangkay na e-nisolate sa iba. Ibinaba niya ang puting tela na nakabalot dito hanggang sa beywang nito at inilahad sa amin ang palad ng bangkay. Dinig ko ang pagsinghap ni Tobbie sa tabi ko dahil sa gulat niya. May naka-markang bituin doon na nasa loob ng isang bilog. Such symbol is marked on his palm using iron branding.

"Does this symbol rang a bell on you two?" Wren asked.

"That's pentagram. A famous symbol for witchcraft." Tobbie retorted and I stared at him in awe.

"Does this mean na gumagamit ng witchcraft ang poltergeist kaya siya nakakapatay?" I asked and he slowly nodded.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Wren ng magsalita siya.

"This is Rommel Serrano. Napatay ng hindi pa napapangalanang sindikato."

"Ano bang trabaho niya?"

"Smuggler na marunong gumamit ng witchcraft."

"Ano nang gagawin natin sa bangkay niya?" I asked as a hint of terror filled my system.

"Kailangan nating sunugin para hindi na siya magkaroon ng kakayahang makapatay ng iba pang estudyante."

Tumango ako at tinulungan si Wren na buhatin ang bangkay na binalot namin ng puting tela nito. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Tobbie sa amin.

"Teka, yong sinasabi mo bang poltergeist ay parang buhay na buhay talaga, Wren?"

"Yes."

"Tapos hindi lumulusot sa mga bagay-bagay?"

"Possibly."

"Tsaka mukhang galit na galit?"

"Vengeful nga di ba? Malamang." This time ako na talaga ang sumagot dahil sa inis ko.

"I think I already saw one."

Dumikit agad sa amin si Tobbie kaya sinundan ko kung saan nanggagaling ang titig niya and to my surprise ay nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa bangkay. Mabuti na lamang at malakas naman si Wren para buhatin ng buo ang bangkay.

Kung hindi ko lang kilala ang bangkay na hawak ko kanina ay baka isipin ko ng buhay ito na galit na galit na tinatahak ang daan papunta sa amin. He began uttering words that I don't understand as he walks his way to us. Latin? Griyego? Ah! Hindi ko alam! But I guess he's muttering some spell!

Sinubukan naming tatlo na tumakbo papunta sa pintuan dala-dala ang bangkay niya pero hinarangan niya ang daraanan namin ng mga bangkay na nakapatong sa mga aluminum mortuary tray. Pinigilan ko ang pangangatog ng binti ko nang mas lalong lumakas ang boses ng poltergeist habang patuloy parin sa pagsambit ng mga di ko maintindihang salita.

"Take the cadaver out of here. Puntahan niyo ang kotse ko sa labas at kunin niyo sa compartment nun ang gas at lighter saka sunugin niyo ang bangkay na ito."

Hindi na nakapalag pa si Tobbie ng ibinigay sa kanya ni Wren ang bangkay. Kumunot ang noo ko at hinarap siya.

"Paano ka naman?"

"Ako ng bahala dito basta sunugin niyo na agad ang bangkay. That's the only way to stop this ugly poltergeist."

"Coco, halika na! Ililigtas natin si Wren pag nasunog na natin tong bangkay!"

"Pe-"

Hindi na ako nakaangal pa ng hinila na ako ni Tobbie palabas ng Cadaver Room. Gusto kong takpan ang mga tenga ko nang nagpakawala ng isang nakakabinging sigaw ang poltergeist pag labas namin doon. Nasulyapan ko pa si Wren na kalmadong binubunot ang baril na nakatago sa kanyang likuran. Who are you Wren? Bakit ang dami mong alam?

"Coco, bantayan mo muna dito ang bangkay. Kukunin ko lang ang gas at lighter sa kotse ni Wren."

Nakabalik lamang ako sa tamang huwisyo sa hingal na wika ni Tobbie. Ibinaba niya ang cadaver sa ground at tumakbo na kaagad sa BMW7 na nakapark sa malapit lang. Nang makabalik na siya bitbit ang mga kailangan namin ay inagaw ko sa kanya agad ang gas at ibinuhos iyon sa buong katawan ng bangkay. If we weren't able to save the lives of the other two students at least we can spare Wren from the wrath of the vengeful cadaver right now!

Pagkatapos ng ginawa ko ay inihagis naman ni Tobbie ang umiilaw na lighter sa bangkay dahilan para magliyab ito. Lumayo kami ni Tobbie doon. We watched the cadaver as it slowly turns into dusts and ashes. 

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang taong iniwan namin sa loob ng Anatomy Lab. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Tobbie sa akin nang tinakbo ko ang distansya namin mula sa lab. Nahinto ako ng ilang metro nang lumabas mula roon si Wren na bitbit ang baril sa kanang kamay niya.

Sinuri ko ang kabuuan niya habang palapit siya sa amin. Mabuti na lang at wala naman siyang natamo na kahit anong galos. Lalagpasan na sana niya ako kaya minabuti ko ng isatinig ang lahat ng katanungang tumatakbo sa isipan ko.

"Sino ka?" I asked and he stopped.

"I'm Wren Isaiah Avila."

Hinarap ko siya and I made at face at his retort. Pinaglolo-loko ba ako nito?

"Not your name but your identity."

He turned to face me and I can feel the tiny creatures (not so sure if they're really butterflies) feasting inside my tummy when he flashed a boyish smile showing his perfect set of white teeth.

"Wren Isaiah Avila. A detective and an inborn hunter."

➖➖➖

Sana po ay suportahan niyo ang kanilang adventure. Do vote and share. Leave your thoughts as well. 😁

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top