Chapter 18: Graveyard: Story Of A Murderer

Graveyard: Story Of A Murderer

Soundtrack: Versace On The Floor by Bruno Mars

"Lia, mag-iingat ka doon sa Maynila ha? Ako'y masyadong malayo sa iyo para ikaw kamustahin at alagaan."

"Inang naman. Huwag na ho kayong magdamdam. Ako ho'y babalik naman dito sa probinsya kapag ako ho'y nakaipon."

Inalu ni Lia ang ina niyang naiiyak sa nalalabing mga minuto bago ang kanyang pag-alis sa kanilang probinsya. Ang pagpunta ng Maynila ang natitirang paraan na nakikita niya para maiahon sa kahirap ang inang may katandaan narin na naglalako lamang ng mga gulay sa palengke. Kung minsan naman ay tinutulungan niya itong kumita ng pera sa pamamagitan ng paglalako ng mga kandila sa may sementeryo sa mga taong dumadalaw doon.

Kahit dadalawa na lamang sila sa buhay ay hindi parin maipagkakailang hindi nila kayang tustusan ang mga pangagailangan nila. Kaya nga hahanap siya ng maaaring pasukang trabaho sa siyudad.

"Ipangako mo lang anak na babalik ka."

"Opo inang. Ako ho'y nangangako."

Sumilay ang isang malungkot na ngiti sa labi ng kanyang ina. Niyakap niya ito sa huling pagkakataon bago nagpaalam at sumakay sa traysikel na inarkelahan niya na maghahatid sa kanya sa terminal ng bus papuntang Maynila.

Umandar na ang traysikel nang tapunan niya ng tingin ang side mirror nito upang tignan ang inang kumakaway sa kanya habang lumuluha. Masakit man para sa kanya ay kailangan niya paring gawin ito para sa ikabubuti nilang dalawa.

Nang dadaan na sa sementeryo ang traysikel na sinasakyan niya ay nagtataka naman siyang napatingin sa drayber ng biglang bumagal ang takbo nito hanggang sa tuluyan na itong natigil sa pagtakbo.

"Manong, may problema ho ba?" Tanong niya.

"Mukhang nasiraan ata tayo ineng." Sagot naman nito at bumaba para tignan ang sira ng sasakyan.

Nag-aalala naman si Lia at baka maiwanan siya ng last trip ng bus papuntang Maynila. Mag-aalas diyez na ng gabi at baka sa first trip na siya makasakay bukas kung sakaling matatagalan pa sila doon. Kailangan niya pang maghintay doon dahil alas-kwatro pa iyon. Kinuha niya ang mga bag na dala niya at bumaba narin ng traysikel.

"Manong, ako ho'y maglalakad na lamang diyaan sa may crossing at baka may pumapasada pa hong mga traysikel. Baka ho kasi'y hindi ko na maabutan ang last trip. Heto nga ho palang bayad ko." Ani Lia sabay abot ng kanyang pamasahe.

"Sigurado ka ba ineng? Gabi na ah at alam mo naman iyong mga bali-balita di ba?" Nag-aalalang tanong ng matandang drayber sa dalaga habang tinatanggap ang bayad nito.

"Opo manong pero sadyang kailangan ko lang ho ng pera at mapapasukan sa Maynila sa mas lalong madaling panahon."

Tumango ang matanda at hinayaan na siyang tahakin ang daan at kabuuan ng sementeryo para makapunta sa crossing. Tinapangan ni Lia ang sarili niyang unti-unti ng nababalot ng kaba nang umihip ang napakalamig na simoy ng hangin.

Hindi naman sa ayaw niyang paniwalaan ang mga kwento ng mga kababayan niya tungkol sa mamamatay tao daw doon pero gusto niyang patatagin ang sarili para sa ina at sa mga pangarap niya. Nangilabot siya ng marinig ang maiingay na tahol ng mga aso na mula sa di niya matukoy na direksyon. Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan nang maramdamang may nakamasid sa kanya. Nahinto siya sa paglalakad at maagap na tinignan ang banda ng may malaking krus na lapida sa gilid niya dahil pakiramdam niya ay doon nanggagaling ang mga mapanuring mata na nakamasid sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba ng may maabutang anino doon na mabilis na tumakbo palayo. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga bag na dala niya at nilakihan ang bawat hakbang na ginagawa niya para makaalis doon sa mas lalong madaling panahon. Pinagpapawisan na siya ng malamig nang marinig ang mga yapak ng paa na nakasunod sa likuran niya. Ayaw niyang lumingon sa takot sa kung anong maaari niyang makita doon.

Napalunok siya ng maraming beses ng makita ang pigura ng lalaking may hawak na palakol dahil sa liwanag ng buwan sa kadiliman ng gabing iyon. Huminto siya sa paglalakad at naglakas-loob na harapin ang taong nasa likuran niya nang mapansing hindi na ito nakasunod sa kanya. Guminhawa naman ang pakiramdam niya ng walang kahit na sinong nakita doon. Marahil ay imahinasyon lamang niya iyon. Napailing na lamang siya at humarap nang muli sa daan papuntang crossing nang biglang bumungad sa paningin niya ang di inaasahang nilalang na kaagad inangat ang dalang palakol at hinagupit siya gamit iyon.

---

"Baby Coco, gising na. Aalis ka ngayon di ba?"

"Hmm.."

Tumagilid ako ng higa at hindi pinansin ang panggigising ni nanay sa akin. Kinamot ko ang ilong ko habang nakapikit parin nang may maramdamang may kung mamasa-masang bagay ang lumalapat sa balat ko doon. I slowly opened my eyes and witness how Maru licked the bridge of my nose.

"Nanay, alisin mo naman si Maru oh. Inaantok pa ako e."

Narinig ko ang mga yapak ni nanay na palapit sa kama ko. Kinarga niya ang itim niyang pusa. I was about to close my eyes when I heard her say something again.

"Your Ninang Ellie is already waiting outside with her family. Gumising ka na kung ayaw mong maiwan."

Napabalikwas ako ng higa nang maalalang hindi pa pala ako nakakapag-impake ng mga dadalhin ko sa probinsya. Great.

Mabilis ang bawat kilos ko mula sa paghablot ng backpack, mga damit at iba pang gamit na dadalhin ko doon hanggang sa pagbibihis ko. Why do I always fail to remind myself on packing my things at night before my departure?

---

"Anak, wag kang magpapasaway sa Ninang Ellie mo doon ah. Matigas na ang ulo ni Tobbie kaya wag ka ng dumagdag pa."

Marahas akong napabuntong-hininga dahil sa paalala ni nanay. Alam na alam niya kasi ang mga kalokohang magagawa namin ni Tobbie kapag magkasama.

"Opo."

I kissed her on the cheek then she guided me outside our house where a Toyota Hiace Super Grandia is waiting for me. Bumaba mula doon ang ngiting-ngiti na si Ninang Ellie at lumapit sa amin ni nanay.

"Charlotte, we'll take care of Coco. Parang anak ko narin siya kaya ako ng bahala sa kanya."

"Salamat naman Ellie. Tawagan mo lang ako kung sakaling may kalokohang ginawa itong anak ko." Wika ni nanay sabay sulyap sa akin.
I made a face and ninang chuckled while watching the two of us.

"Ako ng bahala sa mga to kaya wag kang mag-alala."

Lumapit si nanay sa akin at binalot ako ng isang mahigpit na yakap na siya namang ginantihan ko.

"Baby Coco, mag-behave ka doon ha kasi malayo si nanay."

"Opo nanay. No need to remind me."

Bumuwag si nanay sa yakapan naming dalawa pero nanatili ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"But before you go, I just want to know something."

"Sige. Ano po yon?"

"Did you know that Artemis is the twin sister of Apollo?"

I mentally expelled a deep sigh. Nanay will always be nanay.

"Yes po." I retorted and she smiled a little.

A faint of her sadness didn't escape me. Pero bakit? Anong mali sa sagot kong 'yes po'?

Nagpaalam na ako ng tuluyan kay nanay at pumasok na sa loob ng van pasan-pasan ang malaki kong backpack at unan. Bumungad sa akin ang nakangiting si Joey. He's the six years old and only brother of Tobbie. Mataba siya but that made him look more adorable. Kapansin-pansin ang namumula niyang matatabang pisngi dahil sa kaputian niya. Bakante ang dalawa niyang mga ngipin sa harapan and his curly hair adds more to his cuteness. Kamukha niya talaga ang batang Sto. Niño.

"Ate Coco's finally here!" He gleefully exclaimed.

Naupo na siya sa tabi ni Yaya Dolce na siya namang nagbabantay sa kanya. She's thirty-two years old and she's with Joey for almost five years now.  Huminto ako sa tabi ni Joey at pinisil ang nakakagigil niyang mga pisngi.

"Ang cute mo Joey!"

Yaya Dolce smiled and I stopped myself from pinching the little boy's pinkish and fluffy cheeks. I chuckled a bit when his expression looks so dazzled because of what I did. The nice thing about this kid is that you won't hear any complaints from him when you pinched his lovely cheeks. He won't pout his lips if you teased him. He will only look confused and puzzled as if he was wondering on why people are doing such things to him. He's our very innocent Joey. The kid whose mind is till untainted on all the miseries of the world.

"Buko dito!"

Napabaling ako sa bandang likuran kung nasaan mag-isang nakaupo si
Tobbie na may neck pillow pa. The van can hold up to eleven seaters but Ninang Ellie and Ninong Rouse will be taking the front seats which will only mean that the four of us will be occupying the remaining seats at the back.

Naglakad ako papunta sa direksyon niya and he gave me the space near the window. Makapal ang taint ng van kaya alam kong hindi ako makikita ni nanay mula doon. So, there's no use of waving goodbye at her.

Pinagmasdan ko ang katabi kong abala sa kung anong pinapanood niya sa kanyang cellphone habang naka-earphones pa. Pumasok narin sina ninang at ninong sa sasakyan.

"Ready na ba kayo?" Magiliw na tanong sa amin ni ninong. I smiled and Joey was slightly jumping on his seat. Samantalang nakatutok parin si Tobbie sa cellphone niya.

Nang paandarin na ni ninong ang van ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinilip na ang cellphone ni Tobbie. He's watching a music video and my eyes narrowed into slits when I realized that it was actually Bethany.

"Ang galing niya Buko no? Her music video is a hit and it made her even more famous than before."

Nanatili ang mga mata ko sa music video ni Bethany. It was all about a pretty girl who fell head over heels for a guy at first sight and she stalked him a lot. Hmm. That story seems familiar huh.

"Now, I'm really wondering if she can still have time for the Mystic Club." I declared.

"My dearest coconut wag kang masyadong bitter. Give her a chance to prove herself. Hindi pa nga nagsisimula yong tao, hinuhusgahan mo na."

"Let's see Tobbie."

Inagaw ko ang kanang bahagi ng kanyang earphone at inilagay iyon sa tenga ko upang pakinggan din ang music video. It was really nice and it manifests how beautiful Bethany is and that made me feel jealous towards her.

Nagulat naman ako nang bigla akong amoy-amuyin ni Tobbie. Umatras ako palayo dahil naweweirduhan ako sa kanya.

"Hindi ka naligo Buko no?"

Kaagad ko siyang hinampas ng malakas gamit ang matabang unan na dala ko. Ang kapal niya!

"Kailangan talagang ipamukha?" Wika ko na ikinatawa naman niya. Palihim ko ding inamoy ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho ah! Hinampas ko siya ulit dahil doon.

"Naka-ilang spray na ako ng bench perfume sa katawan ko kaya imposibleng mabaho parin ako."

"Buko, you may lie but you can't never hide it from me. May laway ka pa oh." Aniya sabay turo sa gilid ng bibig ko habang tumatawa.

Eww! Kaagad kong tinakpan ang bibig ko at hinalughog ang wet wipes ko sa loob ng backpack. Kadiri naman oh!

---

Alas- dos na kami ng hapon nakarating sa probinsya ng San Juan. Lola Aura and Lolo Bert immediately welcomed us with warm embrace. Matapos ang sandaling kamustahan ay pinapasok na nila kami sa loob ng kanilang bahay.

The walls and the floor of their second floor was made out from varnished bamboos. Even the furnitures. Nagmukha tuloy iyong elegante para sa akin kahit gawa lang iyon sa simpleng kawayan. May flat screen sila and a classic living room. Anak nila si Ninang Ellie who is a florist samantalang isang industrial engineer naman ang asawa niyang si Ninong Rouse. May lima pa silang anak at nasa abroad ang tatlo samantalang naninirahan naman sa Mindanao ang dalawa including Ate Honeylette's parents na kalilipat lang dito sa katabing bahay nina Lola Aura na siya namang ipinagawa ni ate para sa kanyang pamilya. Unlike Lola Aura's house ay concrete ang bahay nina Ate Honeylette and it is modern in design.

Kilala na ako ng pamilya nila dahil palagi akong dinadala nina Ninang Ellie dito sa probinsya nila simula noong mga bata pa kami ni Tobbie. Pagkarating namin ay kaagad akong naligo dahil hindi parin matigil-tigil sa pang-iinis sakin si Tobbie. Nagbihis ako ng plain maroon shirt at capri joggers. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ko iyon hineart braid. Lumabas na ako ng kwarto naming apat nina Ninang Ellie, Yaya Dolce at Joey.

"Tobbie, nasan na si Coco?"

"Nasa loob pa po ng kwar-"

"Ate Honeylette!" Sigaw ko sa tuwa ng makita siya.

Napangiti naman siya ng dumapo ang mga mata niya sa akin. Lumapit siya at bineso ako bago mahigpit na yumakap sa akin.

"Mabuti naman nakasama ka."

"Ate, congrats. Ikakasal ka na bukas!"

Bumuwag siya sa yakapan namin at nginitian ako. I sensed happiness on her. Ganoon ba talaga kapag nakita mo na ang taong pakakasalan mo?

"Forever na ba yan ate?" I teased and she giggled.

"Forevermore pa nga e."

"Ate Honeylette, tinatawag ka ni Tita Emily sa labas." Ani Tobbie kaya nagpaalam muna si Ate Honeylette sa akin para puntahan ang nanay niya.

Nagkatinginan kami ni Tobbie nang maiwan kaming dalawa. Alas- kwatro na ng hapon pero may gusto parin akong gawin.

"Ma, mamamasyal lang po kami sandali ni Coco sa bayan ha?"

Nahinto si ninang sa paghihiwa ng mga gulay at hinarap kami. Joey was playing on the sala with his toy car with Yaya Dolce.

"Sige pero sandali lang kayo doon ha dahil mag-gagabi na. Bantayan mong maigi si Coco at baka may kung sinong umaligid sa dalaga ng Ninang Charlotte mo." Wika ni ninang na ikinapula naman ng pisngi ko.

I really don't like it when they talk about my potential suitors in front of me. I just felt this self-conscious shame. 

"Makakaasa ka ma." Tugon naman ni Tobbie sabay saludo kay ninang.

"Tobbie, kayo ba ay magtutungo ni Coco sa bayan?"

Napatingin naman kami kay Lola Aura na kakapasok lang ng bahay. Lumapit siya kay ninang at kumuha ng isa pang kutsilyo para tulungan ito.

"Opo lola. May iuutos po kayo?"

"Ubos na kasi iyong stock ng asin dito. Maaari ka bang bumili sa palengke ng isang kilo ng asin para sa selebrasyon bukas?"

"Oo naman po lola."

---

"Tobbie, ano ba? Akala ko ba ipapasyal mo ako? Mag-aalas singko y media na oh pero nandito parin tayo sa palengke! Malilintikan tayo niyan e!" Litanya ko sa kaibigan kong panay parin ang kain ng bibingka habang nakatayo sa stall na nagbebenta nun.

Ako pa talaga ang ipinagdala niya ng isang kilo ng asin na ipinabili ni Lola Aura sa amin. Kaya yakap-yakap ko iyong supot niyon ngayon.

"Hayaan mo na ako Bukow. Mish ko na to e." Aniyang puno parin ang bibig at tuloy-tuloy parin sa paglamon ng bibingka.

Sinamaan ko siya ng tingin pero binalewala niya lamang iyon. Sana mabilaukan ka! Nakakainis kasi hindi tumataba yong mokong na to kahit na ang lakas-lakas niyang kumain. Hindi tuloy nadadala.

"Bahala ka nga dyan! Lagi ka namang gutom!"

Nagmartsa na ako palayo sa kanya bitbit ang supot ng asin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad dahil sa inis ko kay Tobbie hanggang sa may nabangga na akong babae. Sa lakas ng impact ay napaupo kaming dalawa sa sahig ng palengke at napansin ko na lamang ang nabutas na supot ng asin na dala ko. Nanlumo ako ng mapansing natapon iyon at ang ilang pa ay nasa babaeng nakabangga ko.

Dali-dali akong tumayo upang tulungan siya pero natigilan naman ako nang mapansing umuusok ang mga butil ng asin na tumatama sa balat niya na kaagad naman niyang pinupunasan para maalis doon.

"Buko!"

Naramdaman ko na lamang ang paglapit ni Tobbie sa tabi ko. Napatingin siya sa babaeng napaupo sa sahig at inilahad niya ang palad para tulungan itong makatayo.

"Ate Lia?" Gulat niyang wika ng mag-angat ng tingin ang babae.

Hinawi niya ang palad ni Tobbie na nakalahad na mas ikinagulat naman ng huli. Dumapo ang atensyon niya sa akin at nakaramdam ako ng takot sa nanlilisik niyang mga mata.

"Sorry po." I said but she only stood up fast and walked pass us.

Nilingon ko siya at naabutan siyang nakatitig ng masama sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan ang natapong asin sa sahig.

"Bili na lang tayo ulit ng asin."

Tumango naman si Tobbie sa sinabi ko at sinamahan na ako pabalik sa nagtitinda ng asin. I'm aware that he knows the woman awhile ago but he didn't said a word. Malamang ay naweweirduhan din siya doon sa kakilala niya.

"Manang, isa nga pong kilo ng asin." Aniya sa tinderang tumango naman.

"Tobbias?"

Sabay naman kaming napatingin sa nakangiting may katandaan ng babae na tumawag sa kanya.

"Nana Cora, kayo po pala."

"Kailan ka pa dumating dito? Kamusta ka na ba? Binata ka na ah. Dati rati'y natatandaan ko pang ika'y sipunin." Ani ng matanda at bahagyang natawa.

"Nana naman!"

Maging ako ay natawa narin sa reaksyon ni Tobbie. Natigil sa pagtawa ang matanda at nakangiting tumingin sa akin.

"Siya ba ay nobya mo?"

"Naku! Hindi po!"

"Hindi po ah!"

Nagkatinginan kami ni Tobbie pagkatapos ng magkapanabayan naming tugon sa matanda. Mas lumapad naman ang ngiti ng matanda.

"Mga kabataan talaga ngayaon."

"Maiba ko lang po nana. Kamusta na kayo ni Ate Lia?"

Ate Lia? It must be the woman we bumped into awhile ago.

"Maayos naman kami hijo. Sa katunaya'y kaaalis niya lamang kagabi papuntang Maynila."

Nanlaki ang mga mata ni Tobbie sa narinig at maging ako man ay nagulat. We saw her just awhile ago!

"Pero nakita po namin siya kanina."

"Imposible iyon hijo. Umalis na siya kagabi."

"Pero p-"

Naputol ang sasabihin ni Tobbie nang may lumapit sa aming tanod na hinihingal pa.

"Nana Cora, sumama ho kayo sa amin."

"May problema ba Dennis?"

"Si... si Lia ho natagpuang walang buhay sa sementeryo."

➖➖➖

Shoutout sa mga kaibigan kong supportive. Mwaah! 💋

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top