Chapter 17: Smell of Death
Smell of Death
"Daddy, bakit po ganoon ang amoy ni lola?"
Katanungan ng batang si Daikhei nang makalabas sila ng ama sa morgue kung saan ineembalsamo ang kanyang Lola Viola. Tumunghay naman ang ama niyang si Randy habang hawak-hawak ang kanang kamay niya at hila-hila siya papunta sa kotse nila.
"Ginamitan kasi ng formalin si lola anak para mapreserve yong katawan niya bago siya ilibing." Paliwanag naman ng kanyang ama na tinanguan na lamang niya kahit na hindi niya pa lubusang mawari iyon.
Ipinasok siya ng daddy niya sa shotgun ride bago ito umikot para pumasok narin sa driver seat. Pinaandar nito ang sasakyan nang sa ganun ay makauwi na silang mag-ama sa bahay nila. Hindi pa naman maganda ang naging lagay ng mommy niya ng iwanan nila ito. Patuloy parin ito sa pag-iyak at pagsisisi dahil sa pagkawala ng lola niya. May tampuhan kasi ang mga ito at hindi nabigyan ng pagkakataon ang ina niyang si Amanda na humingi ng tawad at makapagpaalam ng maayos sa lola niya.
Hininto ni Randy ang kotse niya sa garage at kinausap muna ang anak na excited ng bumaba para makita ang ina.
"Daikhei."
Nagtataka namang napatitig ang bata sa ama niyang malungkot na nakatingin sa kanya.
"Yes daddy?"
"Wag mo munang guguluhin si mommy mo ha. Hayaan mo muna siya dahil nasasaktan parin siya sa pagkawala ng lola mo."
"Opo daddy." Tumatangong tugon niya rito.
Lumabas na si Daikhei ng tuluyan sa kotse nila at nagtaka nang muling makaamoy ng formalin. Hinarap niya ang daddy niyang nakalabas narin ng kotse para tanungin ito.
"Daddy, bakit amoy formalin parin?"
Bahagya namang nagulat si Randy sa biglaang tanong ni Daikhei sa kanya.
"You must have memorized the smell of it kaya ganun anak."
Tumatango naman si Daikhei sa paliwanag ng kanyang amang hindi din naman sigurado sa itinugon niya sa anak. Pero naging kampante naman siya ng mapagtantong nakumbinsi niya ito. Masyado pang bata ang anak niya para malaman ang mga kakaibang bagay.
Hinawakan niya ang kamay ng anak at sabay nilang tinungo ang daan papasok sa bahay nila. Hindi inalintana ni Daikhei ang amoy ng formalin na mas lumalakas pa habang papasok sila at palapit sa sala.
Nagulat na lamang siya ng bitawan ng kanyang ama ang kamay niya at mabilis itong tumakbo papunta sa inang walang malay na nakahiga sa sahig at duguan. May hiwa ang pulso nito at may kutsilyo malapit sa bandang iyon.
Ang kaninang amoy ng formalin ay napalitan ng amoy ng nayuyupos na kandila at napakurap na lamang siya ng makita ang inang lumuluha na nakatayo sa likod ng daddy niya na humahagulgol habang niyayakap ang katawan nitong wala ng buhay.
---
"The moments, the knowledge and courage you shared with us will remain and will be cherished forever. Thank you Ma'am Juliana Velez."
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa kaliwang pisngi ko. Nasa Wale University kami ngayon at inaalalayan ng dasal ang yumao ng si Ma'am Velez. Pinostponed ang pasok namin sa linggo iyon para bigyan kami ng pagkakataong makabawi sa mga naranasan naming mga kababalaghan sa isla.
"Buko, halika na?" Tanong ni Tobbie sa akin matapos ang seremonya ng paggunita namin sa kapita-pitagang guro.
Pinunasan ko ang mga natitira kong luha at tumango na sa kanya. Tumayo na ako mula sa bench na kinauupuan ko at naglakad na palapit sa kanya.
"Uuwi ka na?"
"Oo. Doon muna siguro ako sa bahay."
"Sama ako?"
Tinitigan ko ang nakangiting pagmumukha ng bestfriend ko. Walking distance lang ang bahay namin sa kanila and we're leaving on the same subdivision.
"At bakit?"
"Baka kasi may natira pang kakanin si Ninang Charlotte sa bahay niyo. Ang daya mo kasi at ibinigay mo kay Wren lahat ng laman nung malaking tupperware." Nagtatampong wika niya.
Napangiwi naman ako sa narinig. Sinasabi ko na nga ba at may binabalak siyang may kaugnayan sa pagkain. We visited Wren on the hospital awhile ago. He was recovering fast after the incident and I asked nanay to make some kakanins for him and she gladly granted my request. Nakabantay naman kay Wren ang mga katulong at nurse na inutusan ng mommy niya para alagaan siya. He told us that he will be discharged soon and he can attend the start of our postponed class next week.
"Grabe yong breed mo ha. Pinagsamang baboy at kalabaw." I mocked and he giggled.
Inakbayan niya ako nang makalabas na kami ng gymnasium. Manghihingi na naman ng pabor to kapag ganoon ang datingan niya. Humalukipkip ako habang hinayaan siyang manatiling ganoon.
"Sige na Buko. Please? Hindi ka ba naaawa? Nangangayayat na yong bestfriend mo oh." See?
"Nangangayayat ka dyan. Mukha mo."
"Grabe siya oh! Isama mo na ako sa inyo at isasama kita sa kasal ni Ate Honeylette sa probinsya bukas."
Naalala ko bigla na ikakasal na nga pala ang pinsan niyang stewardess. Tobbie's family and mine are very close. A sort of bond which we both inherited from them. Ikakasal na si Ate Honeylette sa fiance niyang isang guro di umano sa isang kilalang unibersidad sa Europa at sa probinsya daw nila gaganapin iyon.
"Oo na. Dadalhin na kita sa bahay basta isama mo ko bukas ha?"
"Oo naman. Ikaw pa. Malakas ka ata sa akin e." Aniya at hinila ang leeg ko gamit ang braso niyang nakapalibot doon.
Nainis talaga ako ng ginulo na naman niya ang buhok kong naka-half ponytail. Sinikmuraan ko siya kaya nabitawan niya ako at napahawak siya sa tiyan niya.
"How many times do I have to tell you Tobbias not to messed my precious hair and its style?"
Inayos ko ang nagulo kong buhok at napaayos narin siya ng tayo. Lumapit siya sa akin at hinila na ako palabas ng gate.
"Halika na nga. Ang dami mo pang satsat. Gutom na ako e."
---
"Nanay!"
"Ninang!"
"Nanay!"
"Ninang!"
"Nanay!"
"Ninang!"
"Buhay pa ako kaya buksan niyo na yong gate at pumasok dito kaysa sigaw kayo ng sigaw dyan!" Sigaw ni nanay galing sa sliding glass door ng kusina na nakaharap sa gate namin.
Nagkatinginan kami ni Tobbie at sabay na nagtawanan dahil sa ginawa naming kalokohan. We're always like this since we were kid. We do name calling games when we arrived home to teased nanay or Tita Ellie. Inabot ni Tobbie ang lock ng hanggang leeg na gate namin at binuksan iyon.
Pumasok kami sa loob at kaagad na tinungo ang kusina. Naabutan namin si nanay doon na nagluluto ng maruya. Nagningning naman agad ang mga mata ni Tobbie ng makita iyon. Nagulat naman ako ng maabutan si Tito Ken na nakaupo sa isa sa mga upuan ng dining table namin habang pinaghahandaan ni Tita Colleen ng meryenda. I can sense some awkwardness and suppressed affection on the both of them. Yong tipong nagkakacrush yong isang tao.
Sinulyapan ko naman si nanay na nakakalokong ngumisi at nagkibit ng balikat sa akin. I know she gets what I meant by my stare.
"Ninang, damihan mo yong sakin ah?"
Walang kaabog-abog namang naupo si Tobbie sa harapan ng dalawang potential love birds habang inaantay ang niluto ni nanay. Naglakad ako papunta sa silyang nasa tabi niya.
"Basta talaga pagkain ang usapan e." Panunuya kong sabi ko sa kanya na inirapan naman niya.
Hinila ko ang upuan at naupo na lamang sa tabi niya. Nginitian kami ni Tito Ken samantalang lumapit naman si Tita Colleen kay nanay sa may marble kitchen counter namin.
"Oh Tito Ken! Anong ginagawa niyo dito?"
Napairap ako sa hangin dahil sa wakas ay napansin narin ni Tobbie ang tiyuhin niya.
"Hinatid ko lang si Colleen dito galing sa presinto. Pinatuloy naman ako ni Ate Charlotte para magpasalamat at makapagmeryenda."
"Ano pong ginagawa ni tita sa presinto?" Nakakunot-noong tanong ko kay Tito Ken. He's a year older than tita but I think they will click nonetheless.
"Na-snatchan yong tita mo. Mabuti na lang at malapit lang doon ang iniimbestigahan ng Tito Ken mo kaya nagawa niyang habulin yong snatcher at ibalik kay Colleen ang bag niya." Tugon naman ni nanay sabay lapag niya ng pitsel ng juice sa lamesa.
Si Tita Colleen din ay ibinaba na ang dalang tray ng mga nilutong maruya ni nanay na agad namang sinunggaban ni Tobbie. Ang patay-gutom talaga. Kaya bago niya pa ako maubusan ay minabuti ko nang kumuha ng maruya at naglagay sa pinggan ko ng dalawang piraso.
"Tito Ken, sasama po ba kayo papuntang San Juan bukas?" I asked.
"Maraming nakatambak na trabaho sa istasyon at kinakailangan namin ng maraming tao kaya hindi ako makakasama."
Tumango naman ako sa paliwanag ni Tito Ken. Ang hirap pala talagang maging pulis.
"Bakit sasama ka kina Tita Ellie mo Baby Coco?"
"Opo nanay. I promised Ate Honeylette that I will be there when she get married. Kaya payagan niyo na po ako nanay."
"Okay, basta mag-iingat kayo doon ha? May tiwala naman ako kay Tobbie kaya papayagan kitang sumama."
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap si nanay.
"Salamat nanay! Tobbie will take care of me. Di ba Tobbias? Di ba?"
Sinipa-sipa ko ang paa niya para pansinin niya ang pagtawag ko sa kanya. Pero kapag kumakain talaga siya ay hindi mo siya maiistorbo. Maya-maya pa'y nag-angat na siya ng tingin kay nanay.
"Ninang, pwede pong magtake out ng maruya? Bibigyan ko si Joey para matikman naman niya."
Napangiwi naman ako sa narinig. If I know, he'll eat all of those.
"Joey ka dyan. Baka ikaw lang din ang kumain niyan ha." I mocked.
"Oo naman Tobbie. May naibalot na nga ako para sa mommy mo. Wag mo na lang kalimutan mamaya."
"Hinding-hindi ninang!" Tuwang-tuwang sambit ni Tobbie at napailing na lamang ako.
---
"Ingat ka Tobs! Wag ka ng babalik kung makikikain ka lang naman dito!" Tukso ko sa kanya sabay kaway.
He looked at me and stuck his tongue out. Sinamaan ko siya ng tingin but he only chuckled and walked away with Tito Ken.
Hinarap ko si Tita Colleen na sinusundan ng tingin si Tito Ken. Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga taong pumapag-ibig.
"Tita, sama ka? I'll go to the mall."
"Anong gagawin mo dun?"
"Magpapa-aircon po."
Naguguluhang napatitig sa akin si Tita Colleen. I know right. I sucked at joking.
"Mamamasyal lang po tita."
"Ah ganun ba? I guess I'll pass this time. I still have to prepare my designs for tomorrow's meeting."
Tumango ako sa tugon ni tita at pumasok na sa loob ng bahay at kwarto ko saka nagbihis ng boho tunic top at tattered pants. I tied my hair on a side loose braid and I applied a peach matte lipstick. I will have some quality time with myself on the mall. Nagpaalam ako kay nanay at mabuti na lang at pinayagan niya ako.
Tinungo ko ang istasyon ng tren at sumakay doon. Bumaba ako sa istasyon na malapit sa mall na pupuntahan ko. Walking distance lang naman iyon kaya minaigi ko na lamang na maglakad. Brisk walking is a good form of exercise and sometimes if nanay and I have free time we attend zumba sessions especially on Sunday mornings.
I halted in mid-steps when I suddenly felt a terrific jolt of extreme fright. Ang matinding takot na iyon ay nagmumula sa isang eskinitang malapit sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ang tama ng bala sa noo ng taong iyon. The drastic emotion of horror slowly fades away. As if on clue, I started freeing my sight from being barred by my eyelids.
Nagitla ako sa palad na biglaang nagtakip sa bibig ko at sa malaking braso na pumulupot sa beywang ko. Sinubukan kong magpumiglas nang pasukin namin ang eskinita pero hindi ako umobra sa lakas ng isang to. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin ang pamilyar at matipunong likuran ng isang lalaki doon na nakaputing-button down shirt at itim na pants. Ibinaba niya ang hawak na baril at maagap naman na lumapit ang isang lalaking nakatuxedo sa kanya para kunin iyon.
"When they send spy, they have to see to it that it's not a weakling."
Bahagya kong sinulyapan ang nakaratay na bangkay ng isang lalaki sa harapan niya. There was a shot on his forehead and then I realized that it must be his fearful emotion that I felt awhile ago. Nangilabot naman ako ng mapansin ang mga ngipin nito sa nakabuka niyang bibig. Matutulis lahat ng iyon at malalaki din. Just like to those of piranhas and he has a twin-fork tongue too.
"Boss Thygo, anong gusto niyong gawin namin sa Leviathan na ito?"
"Eliminate all the evidences including him."
Tumango ang lalaki at kaagad na inutusan ang ilan pa nilang mga kasamahan. Nang humarap si Thygo sa amin ay naramdaman kong natigilan siya. But that vanished quickly or maybe he managed to conceal it and I wondered how he do it.
"What the hell are you doing here?" He asked with his usual baritone voice.
Pinakawalan naman ako ng lalaking may hawak sa akin ng tignan siya ni Thygo. Nakakunot-noo niyang ibinaling muli sa akin ang atensyon pero hinarap ko ang lalaking nasa likuran ko at napaawang saglit ang bibig ko sa laki niya. His muscles are bulky and when I say it's very I mean it. He's tal- no he's a giant. A real Goliath! He's similar to those of universal soldiers I watched on action flicks.
Sinuntok ko ang tiyan niya para siguraduhing hindi nga ako namamalikmata. But I immediately withdrew the fist I used to punch him when I heard a cracking sound and waved it to and fro as I mouthed 'ouch'. Now, I'm pretty sure it's not abs!
"Boss Thygo, the Japanese investors are already waiting for you in the meeting."
Napatingin naman ako sa lalaking nakatuxedo na may earpiece at dala-dalang itim na coat which he handed to Thygo and the latter put it on. I was quiet impressed on the way he do it with so much grace and sexiness. He buttoned it then fixed its sleeves. I stared at him with awe as he continue dressing himself.
"Tell them I'm on my way." Aniya sa lalaki.
Nang maayos na niya ang suot ay nag-angat na siya ng tingin sa akin.
"Didn't I told you that I don't want to see your face again brat?"
Alam kong ako ang kinakausap niya pero nanatili akong nakatitig sa kanya. I don't believe that I'm not scared at him anymore, it's just that the fear I have for him lessen after what he did when we were still in California. I diminished the idea I had in mind when my cheeks heated up at that memory.
"Napadaan lang ako dito pero bigla ba naman akong kinaladkad ng bakulaw na ito papunta dito." I pointed my index finger on Goliath but he remained stern.
Thygo walked past us and left me dumbfounded. He really got an attitude, don't he?
"Boss, ano pong gagawin ko sa binibining ito? Nais niyo po bang wakasan ko na ang buhay niya?"
Napakurap ako ng makailang beses ng balingan ang nagsalitang si Goliath. Even his voice sounded horrifying similarly to those of mutated soldiers on the movie! Nahinto sa paglalakad si Thygo at bahagya kaming nilingon.
"Put her inside the front seat." He ordered as he slightly motioned his head on the Bugatti Chiron parked in front of him. Ang galante ah!
Napasigaw ako ng kargahin ako ng bakulaw at ipinatong sa isang balikat niya.
"Ibaba mo nga ako! Help! Tulong! Help!"
I stopped shouting when I heard the big man chuckled. Binuksan ni Thygo ang pinto ng shotgun ride at ipinasok naman ako doon ni Goliath.
"Thanks Sigurd."
So Sigurd is the real name of Goliath. Kung titignang maigi ay medyo kaedad lang ito ng mga universal soldiers na napanood ko noon. Unlike the men in tuxedo awhile ago, he was wearing something different plus a cowboy hat. Tumango siya kay Thygo at isinara naman ng huli ang pinto sa banda ko bago siya umikot papunta at papasok sa driver seat.
"Saan mo ko dadalhin?"
"Better fasten your seatbelt because I will take you to hell."
Namutla ako sa sinabi niya kaya mabilis kong inilagay ang seatbelt ko. He's a demon and it's not impossible. He smirked when I made a sign of the cross. Halos liparin ang kaluluwa ko papuntang Jupiter dahil sa bilis ng patakbo niya. Dinaig niya pa iyong mga nagda-drag racing.
---
"You may go out now."
Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng bintana ng kotse niya bago ako humarap sa kanya.
"You're kidding right? E dumpsite to?!"
"So?" He peevishly turned to my side.
"Dalhin mo ako sa mall. Doon ako papunta kanina kung hindi lang sana ako dinala ni Goliath sa inyo." Humalukipkip ako sa pwesto ko.
"It's Sigurd not Goliath."
"Whatever."
"Baba. I still have a meeting to attend."
"Ayoko." Pagmamatigas ko.
"Then you left me with no choice."
Naalarma naman ako ng hablutin niya ang pistol na nasa ibabaw ng dashboard niya.
"Get out alive or you're dead."
"Oo heto na! Bababa na po!"
Tinulak ko ang pinto pabukas at lumabas na agad mula doon.
"Salamat ha!" Sarkastika kong wika sabay sara ng padabog sa pinto ng milyo-milyones niyang kotse.
Pinaharurot niya ang sasakyan niya at tuluyan akong iniwan doon. Beast!
➖➖➖
They're up for the next case...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top