Chapter 16: Tinks Gone Wild (Part 2)

Tinks Gone Wild (Part 2)

Hindi na ako nakapalag pa ng hilahin ako ni Wren paalis sa bar na iyon at papasok ng bangka. I hadn't even bid a formal goodbye to Cameron. He only let go of my hand when we arrived at the rest house without uttering any words. Hindi ko rin naman siya tinanong dahil ramdam na ramdam kong wala siya sa mood. Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya kaso hindi ko naman yon naramdaman sa kanya. That's why I don't like this so called psychic ability I have. I got hurt in knowing the truth through my own way.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa mattress na nakalaan para sa akin sa kwarto naming mga babae. Katatapos lang ng mangrove planting at seminar namin tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. We also had our breakfast inside a floating bar on the lake. Naaliw naman ako sa kababalat ng mga hipon na ulam namin at inihaw na isda. Busog na busog na tuloy ako ngayon. I placed my both hands on the top of my full tank tummy.

We were given time to enjoy the place and the other island that's why most of the ladies were rummaging over their things to find something to wear. Tumagilid ako ng higa sa kanang banda ko at ipipikit na sana ang mga mata kaso ay bigla namang nagsalita si Taki na nakatayo na pala sa gilid ko.

"Hindi ka ba sasama?"

"Susunod na lang ako."

"Sigurado ka? Alam mo balita ko ngayon lang daw tayo pagbibigyan ng mga facilitators sa pamamasyal dahil sunod-sunod naman na seminar ang pupuntahan natin bukas."

Napaupo naman ako sa sinabi niya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She's wearing a maxi dress. Seems like she's really going to spend the most of her free time and if I'm going to decline it then I'll be surely regretting it.

I told her that I'm coming and she nodded before leaving the room. Nilapitan ko ang maleta ko at kumuha doon ng susuotin. Tumunog ang iPhone kong nakapatong lang sa ibabaw ng mattress ko. Inabot ko iyon at agad na napangiti sa text ni nanay sa akin.

Baby Coco, miss ka na ni nanay.

Sinamahan niya pa ng crying emoji. Namiss ko siya tuloy bigla. Kamusta na kaya siya? Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa kanya.

Nanay, miss narin kita. Mag-iingat po kayo ha. I love you po.

Ilang sandali din matapos ko iyong isend sa kanya ay kaagad akong nakatanggap ng reply.

I love you too anak ko. Gusto sana kitang tawagan kaso wala akong load pantawag. Ni-redeem ko nga lang yong rewards ko para matext ka. Basta mag-iingat ka dyan ha. Mahal na mahal kita anak.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano kay nanay. Nagtipa ulit ako ng reply at sinend iyon sa kanya bago ako nagtungo sa banyo para magbihis. Dahil naman nasa isla kami at tipikal na magbabad sa nakakahalinang dagat ang gawain ng mga tao dito ay nagsuot ako ng itim na bikini na napaibabawan ng itim na shorts at puting mesh top. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko pero kinuha ko ang dala kong straw fedora hat at inilagay sa ulo ko.

---

Abala sa kani-kanilang mga gawain ang mga naiwan naming kasama sa isla. The others were enjoying their precious time on the other island. I took a fistful of sand and threw it on the edge of the sea.

"Aray ko naman Buko!"

Napatingin ako sa katabi kong nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang dagat at ang bangkang palayo sa amin. Kinusot niya ang mga mata niyang niliparan ng ilang buhanging hinagis ko. I was supposed to go there but my bestfriend whose stomach was as big and as many as of the carabao asked me to accompany him for awhile because he'll eat the custard cake that the staff of the mess hall serves for today. Ang ending ay naiwanan kaming dalawa ng bangka. Hindi pa naman babalik iyon ng isla dahil aantayin nun ang mga estudyanteng namamasyal na utos naman ng mga kasama naming guro.

"Buti nga sayo. Patay gutom ka kasi masyado." I replied.

"Eto naman. Sorry na nga di ba. Nagutom lang yong tao e."

I clicked my tongue as he tries to reached for my left arm but I managed to drew it away from him.

"No doubt about that. Lagi ka namang gutom." He chuckled and I threw a dagger look on me.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin. He wiped the sand particles on his black board shorts. Tumunghay siya sa banda ko at inabot ang kamay niya para tulungan din akong makatayo.

"Halika. Libutin na lang natin yong isla."

Napabuntong-hininga na lamang ako at inabot ang palad niyang nakalahad para suportahan akong makatayo. Pinagpagan ko ang mga buhangin sa shorts ko. Nauna ng maglakad sa akin si Tobbie. Habang sinusundan ko siya ay tinangay naman ng ihip ng hangin ang suot kong straw fedora hat kaya hinabol ko pa ito hanggang sa bumagsak ito malapit sa banda ni Tobbie. Inilagay ko ang kanang palad ko sa dibdib ko at yumuko para kunin iyon.

Nang mag-angat ako ng tingin pagkatapos kong kuhanin iyon ay naabutan kong kagat-kagat ni Tobbie ang pang-ibabang labi niya na para bang nagpipigil ng tawa. Bahagya naman akong sumulyap kay Wren na may kausap sa malapit lang. Napansin niya ata kami dahil nakatutok na sa amin ang atensyon niya habang patuloy parin sa pagsasalita ang kausap niya. Kumunot naman ang noo ko ng lingunin si Tobbie na ganoon parin ngunit maya-maya pa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili sa pagtawa.

"Anong problema mo?"

"Buko, hindi mo na kailangan takpan." Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko sa sinabi niya.

"Ano?"

"Ang sabi ko hindi mo na kailangan takpan yang dibdib mo kasi wala naman akong nakikita dahil pusod agad." Aniya at humalakhak.

My face heated up and I feel my cheeks reddened. Lalo na ng maging si Wren na nakikinig sa amin ay marahan ding natawa. Hinablot ko ang kaliwang tsinelas ko at kaagad na ibinato iyon kay Tobbie na natatawang tumakbo palayo. Hinabol ko siya at sisiguraduhin kong magbabayad siya sa oras na maabutan ko siya!

---

Umabot kami ni Tobbie sa likuran ng rest house kung saan naroroon ang napakagandang lawa ng isla.

"Aray ko!" Bulalas ko nang madapa sa mapunong bahagi doon.

Nahinto sa pagtakbo si Tobbie at lumapit sa akin.

"Oh? Anong nangyari sayo?"

Binalingan ko ang puno kung saan ako napatid ng kung ano. Unti-unting sumibol ang kaba sa sistema ko ng mapansin ang paang nakausli doon.

"Ayos ka lang Buko?"

Dahan-dahan akong inalalayan ni Tobbie para makatayo ngunit nanatiling nakapako ang mga mata ko doon. Kinakabahan ako habang palapit sa kinaroroonan nun. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Tobbie sa akin.

"Hoy, anong meron d-"

Natigil siya sa pagsasalita nang tuluyan na naming malapitan iyon. Marahil ay nagulat siya sa nadatnan namin na kung tutuusin ay ganoon din naman ako. Isang bangkay ng lalaki ang naroroon na dilat na dilat ang mga mata habang naliligo sa sarili nitong dugo.

"Di ba si Lance Lupenia to ng Section B?"

Sa halip na sagutin siya ay natulala akong napatitig sa bangkay. The guy wasn't familiar but the very tiny bite marks on the different parts of his body appeared to be. Tobbie squatted on the ground to check on the dead body.

"He died almost two hours ago based on his rigor mortis." He declared. Marahil ay natutunan niya iyon mula kay Wren o sa inspector niyang tiyuhin na si Tito Ken.

"Kailangan nating humingi ng tulong." Wika ko.

---

Pinapalibutan na ng police line ang crime scene at dinala naman ng mga pulis ang bangkay sa bayan sa kabilang isla para suriin at babalik na lang daw sila kapag may nakuha na silang impormasyon na agad naman nilang ipapaalam sa amin.

Nilibot ko ang paningin sa mga kapwa ko estudyante na naroroon. Mababakasan ng takot at kaba ang mga mukha nila dahil sa nangyari.

"Sino bang may kagagawan ng pagpatay na to?" Tanong ni Jenny habang yakap-yakap ang sarili.

Namataan ko naman si Micah sa di kalayuang banda ng mapunong bahagi na iyon sa lawa. She's staring straight into the lake and I don't know why but she's feeling uneasy.

"May ideya ka na ba kung sinong pumatay kay Lance?"

Nilingon ko ang nag-uusap na sina Tobbie at Wren na palapit sa akin. Huminto sila sa harapan ko at napagdesisyunang kong makinig sa pinag-uusapan nila.

"Wala pa pero hindi normal na murder to. I know you two noticed the bite marks of the victim."

"Oo. Kapareha yun ng kagat na nakuha ni Winona noong unang gabi natin dito." I butt in and they both turned their attentions on me.

Kinuha ni Tobbie ang cellphone niya mula sa loob ng kanyang bulsa at may kinalikot doon saglit bago hinarap sa amin.

"It's too big if we say that it's from the insects and take a closer look on this." Zinoom-in niya ang isa sa mga kagat.

"Hindi ganyan ang itsura ng kagat ng mga normal na insekto." He added.

Tumango naman ako samantalang nahulog sa malalim na pag-iisip naman si Wren.

"May missing din tayong kaklase." Sambit ni Tobbie habang nasa screen ng cellphone niya ang atensyon.

"Ha? Sino?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

"Diane Topacio."

Natigilan naman ako at kaagad na binaling ang atensyon sa direksyon ni Micah kanina pero wala na siya doon. Ibinaba ko ang mga mata sa lupa at napaisip sandali. Posible kayang may kinalaman siya dito?

"Why don't we ask some questions about the victim?"

Tumango kaming dalawa ni Tobbie sa sinabi ni Wren. Tinungo namin ang direksyon ng barkada ni Lance Lupenia para magtanong.

"Excuse me guys, we're the Mystic Club and we're here to ask something about Mr. Lupenia." Wika ko sa kanila.

Ilang saglit nila akong pinagmasdan bago nila hinarap ang isa't isa at nagkatitigan. Gusto ko silang taasan ng isang kilay kaso pinigilan ko ang sarili kong maigi dahil kami ang may kailangan sa kanila. I'm very much aware that they're mocking us judging on the way they stare.

"I'm sorry miss pero wala kaming panahon para sa dyan sa walang kwenta niyong club." Putol ng isang lalaking payatot sa katahimikan.

Kinuyom ko ang mga kamao ko at pinigilan na naman ang sarili ko para hindi ko masuntok ang mukha ng isang to. Naramdaman ko ang mga palad sa magkabilang balikat ko na iginigiya ako paatras sa mga iyon.

"Let me handle this." Ani Wren bago ako binitawan at humarap sa mga iyon.

They are a group of five members. Two girls and three boys at kasama na doon ang payatot na iyon.

"If you don't mind ladies and gents, we just want to ask some questions that might help you and the late Lance Lupenia to identify the culprit. Gusto niyo bang makipagtulungan para sa kaibigan niyo?"

"Sige, simulan mo na." Tugon ng babaeng nangingislap parin ang mga mata.

"Sinong huling kasama ni Lance kanina bago siya mamatay?"

"Kaming lahat dahil nagkukwentuhan kami sa mess hall at nagpaalam siyang magyoyosi sandali sa labas dahil bawal iyon sa loob ng rest house." Sagot ng lalaking katabi nung payatot.

"At saan siya lumabas?"

"Sa pintuan sa mess hall na palabas sa likuran ng rest house at papunta dito sa lake. Baka kasi mahuli siya at isumbong ng mga makakakita sa kanyang nagsisigarilyo siya." Tugon ni payatot. Ewan ko ba't nanggigigil akong tirisin siya!

"Hindi ba siya nagpasama o walang sumama sa kanyang kahit sino sa inyo?"

"Wala."

"Okay then. That's all and thank you for your cooperation. We'll solve this one soon." Ani Wren at muling tinungo ang crime scene kasama si Tobbie.

Susundan ko na sana sila kaso ay biglang sumulpot si Taki sa gilid ko.
"Sino daw yong namatay, Coco?"

"Lance Lupenia taga- section B." Nilingon ko si Taki at naabutan ko siyang tumatango sa sinabi ko.

"Kaya pala kanina pa amoy formalin dito."

Naguguluhan ko namang tinignan si Taki. Formalin? E hindi pa naman na-eembalsamo ang bangkay ni Lance? At siyempre hindi dito.

"Ano?"

"Ah. Wala. Kalimutan mo na yon." She smilingly retorted and I can't help but wonder.

---

"May nakuha ba kayong kahit ano?" Tanong ko kina Tobbie na maagap namang umiling.

Sinulyapan ko si Wren na nanatiling nakatitig sa lawa. Pero ilang sandali pa ay lumapit na siya sa amin.

"May mali talaga dito." He said.

Kinabahan ako bigla nang mapansin ang unti-unting paglubog ng araw at ang dahan-dahang pagkagat ng dilim. Naging mabilis ang paghinga ko ng maramdaman ang kung anumang nagpupuyos sa galit na nilalang na galing sa lawa.

"Buko, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Tobbie.

Hinawakan ko ang isang balikat niya para makahingi ng suporta sa pagtayo ko ng maayos. Inalalayan naman niya ako at maging si Wren ay nasa amin narin ang atensyon.

"This is not good." Aniya at tinungo ang gitna ng mga estudyanteng naroroon parin kasama namin sa lawa.

"Sinong huling kasama ni Diane Topacio?" Tanong niyang ikinagulat naman ng lahat.

Umayos ako ng tayo nang maramdaman ang matinding kaba at takot na nagmumula sa iisang direksyon. Sinundan ko ng tingin iyon at naabutan si Micah na nanigas sa kinatatayuan niya. Nagsimula narin ang mga bulong-bulungan sa kung nasaan na nga ba si Diane.

"Ang totoo niyan ay hindi narin namin siya nakikita." Tugon ni Micah.

"Nag-aalala na ng-"

"Tama na Micah! Tama na!"

Nabigla ang lahat sa di inaasahang pagsabat ng boyfriend niyang si Dustin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya pero agad din naman siyang nag-tiim bagang nang makabawi.

"Pinatay mo siya di ba? Tinapon mo ang bangkay niya sa lawa para walang edibensyang makuha galing sayo?! Tama na! Tama na!"

"Manahimik ka Dustin dahil kasalanan mo tong lahat! Mga traydor kayo! Mga traydor!" Humahagulgol na sigaw ni Micah.

Lumakas ang bulong-bulungan at napatingin ako kay Tobbie na nakatitig naman sa dalawang gumagawa ng eksena.

"Paano niyo nalamang may kinalaman si Diane Topacio dito?"

"Nahuli namin sina Micah at Dustin na nagtatalo sa loob ng mess hall dahil dito. Natahimik naman sila nang mapansin kami. Tapos kanina lang habang nag-iimbestiga ang mga pulis ay napansin kong kinakabahan si Micah habang nakatitig sa lawa. Habang sinusuri din namin ni Wren ang kabuuan ng lugar kanina ay napansin namin ang isang malaking bato na nababalutan ng dugo. Imposibleng sa kay Lance iyon ginamit dahil wala naman daw siyang natamong sugat na galing sa hampas ng kung anong bagay ayon sa autopsy report. Isa pa, tuyong-tuyo na yong dugo kaya duda namin ni Wren ay matagal-tagal narin iyon doon kaya bigla naming naalala ang missing person na si Diane Topacio." Tugon niya.

Pinapasok ng mga kasama naming guro sina Micah at Dustin sa loob ng rest house para makausap ng masinsinan. May ilang mga estudyante din ang sumunod at may ilang nagpaiwan. Nilapitan namin si Wren para ayain narin siyang pumasok dahil gabi na.

"Wren, pasok na tayo."

"Hindi. Hindi pa tapos to. Kailangan may kumuha sa bangkay ni Diane sa ilalim ng lawa." Wika niyang ikinagulat naman naming dalawa ni Tobbie.

"What do you mean?" I asked.

"Hindi titigil ang mga tinks hanggang hindi nakakaganti."

"Ano? Alam mo hindi kita maintindihan. Pwedeng paki-explain?" I frustratedly stated.

"Base sa mga maliliit na kagat na iyon ay walang duda na mga tinks nga ang may gawa nun."

"Teka, teka Wren, ano ang mga tinks?" Naguguluhang tanong ni Tobbie. Napabuntong-hininga muna si Wren bago siya sinagot.

"Tinks are the smallest kind of fairies."

"Tinks? Yong parang si Tinker Bell? Ganun?" Tobbie added.

"Yes but it's not like what you see on movies. They're naked and they are dangerous. They don't like violence pero dahil sa ginawa ni Micah na pagtapon ng bangkay ni Diane sa lawa ay nabulabog sila marahil. Hindi sila titigil hanggang hindi sila nakakaganti."

"Ano ng plano natin ngayon?"

"Papasukin niyo ni Coco ang mga kasama natin sa rest house. Siguraduhing sarado ang kahit na anong butas na maaaring pasukan ng mga tinks. Sabihin mo ring maghanda sila ng mga asin, asukal at anumang mga bagay na may iron at silver bilang panangga. Manatili kayong ligtas doon habang kinukuha ko ang bangkay ni Diane sa lawa." Utos ni Wren na lubha kong ikinagulat.

"Hindi. Sasama ka sa amin sa loob Wren."

"Ngayong umamin na ang may sala, Coco ay hindi na ito hahayaang makaalis ng buhay ng mga tinks. Kahit may mga inosente pang madawit kaya kinakailangang kunin ang bangkay doon."

"Pero... pero paano kung ikaw naman ang hindi makabalik?" Kinakabahan kong tanong. He smiled and he's actually feeling happy for an unknown reason.

"I'll be glad that I have met the both of you then."

Bigla akong nainis sa pamamaalam niya kaya kaagad kong kinuha ang kaliwang tsinelas ko at ibinato iyon sa kanya na maagap naman niyang nasalo.

"Tanga ka ba Wren?! Hindi ka si Rizal o si Superman kaya wag kang magpasikat!" I shouted as tears began to pooled my eyes.

"I have to. Tobbie, dalhin mo na siya sa loob."

Panay ang hila ko sa mga kamay ko mula sa pagkakahawak ni Tobbie. I will not leave Wren and let him do things he don't actually have to do.

"Buko naman!" Naiinis na sigaw ni Tobbie sa akin.

Nagulat ako nang buhatin niya ako. Panay ang hampas ko sa kanyang bitawan ako pero nagmamatigas parin talaga siya.

"Tobbie, wag mo namang hayaan si Wren doon please."

"Buko, babalik siya. Maniwala ka." Seryoso niyang sabi na ikinatigil ko naman.

Muli kong tinapunan ng tingin si Wren na ngayon ay nakatalikod na sa amin. Sana maging ligtas ka.

---

Pagdating namin ni Tobbie sa loob ng rest house ay agad niyang sinunod ang utos ni Wren. Kahit na maging ang ilang mga kasama namin ay nagtataka tumulong parin sila. We were then asked to stay inside our respective rooms. Micah was lying on her mattress covering herself with a blanket and relentlessly sobbing her heart out. Sana naman ay napagtanto na niyang mali ang ginawa niya.

Kanina pa hindi bumabalik si Wren at nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa mattress ko at nilapitan ang glass window. Hinawi ko ang kurtina doon at kaagad na bumungad sa paningin ko ang madilim na likuran ng rest house. Ang dating kalmadong lawa ay naging nakakapangilabot na tanawin mula sa kinatatayuan ko. Wala niisang ilaw na nakasindi doon. Di gaya noong nakaraang gabi.

"Where's Wren?"

Napatingin ako sa direksyon ng taong nagsalita. Pag-aalala ang nararamdaman ko sa presensya niya. Hindi niya man sabihin ay alam kong may gusto siya kay Wren. Mapait akong ngumiti sa kanya.

"He's trying to save us all here."

"Nasaan siya?"

"Maghintay na lang tayo kung kailan siya babal-"

"Do you hear yourself Coco? Maghintay? Na ano? Na tuluyan na siyang magpaalam?"

"Hindi naman sa gan-"

"Quit explaining. It doesn't help. Ako na mismo ang tutulong sa kanya."

Naalarma naman ako ng bigla niya kaming talikuran. Pipihitin na sana niya ang seradula pero minabuti ko ng magsalita.

"Hindi mo kilala ang mga kalaban nating nilalang Winona."

Natigil siya sa pagpihit at bahagya akong sinulyapan.

"Bakit? Kilala mo ba kung sino ako Coco?" Tanong niyang siya namang ikinatigil ko.

I don't know why but I suddenly felt the attempt to discover who really she is. Naguguluhan ako sa di ko mawaring dahilan. Parang yong Winona nangmamaliit sa amin ni Tobbie noon at yong seryosong Winona ngayon ay parehong may itinatago na hindi ko alam kung ano. Is it really possible that the person you quiet knew for a long time has still secrets waiting to be uncovered? Of all the mysteries that surrounding us, it's hard to determine which one we did already found out right.

"Keep this door locked." She stated.

Lumikha ng tunog ang pagsara ng pinto at naiwan akong natulala sa mga katagang binitawan ni Winona.
"Hayaan mo na siya."

Napatingin ako kay Taki na marahang tinatapik ang aking kanang balikat. I sighed and nodded at her. Lumapit muli ako sa bintana para antayin ang pagbabalik ni Wren. I'm saving all the hopes I have that he'll come back. Sana nga.

I drew myself closer to the window when I noticed a familiar silhouette of a man standing there outside. Kumunot ang noo ko nang makita ang kabuuan ni Gelm na naroroon sa labas. What is he doing there?

Muli akong napatingin sa direksyon ng pinto. Ganoon din ang mga kasamahan kong nagtataka pero wala niisa man sa kanila ang kumilos para tunguhin at buksan iyon. Hinablot ko ang pink knitted sweater na nasa ibabaw ng mattress ko at isinuot iyon bago ko dahan-dahang tinungo ang pinto.

Nagpatuloy ang pagkatok subalit wala namang nagsasalita na kahit sino mula sa kabilang banda.

"Sino yan?" Tanong ko pero binalot ng katahimikan ang kabilang bahagi.

"Si Ma'am Velez mga bata. Buksan niyo naman ang pinto niyo nang sa ganoon ay makapasok ako. Kakausapin ko lang uli si Micah."

Ibinaling ko ang aking atensyon sa mga kasama kong nakahinga ng maluwag dahil sa narinig. Si Micah naman ay napaupo sa mattress niya habang namamaga parin ang mga mata sa kaiiyak.

"Si Ma'am Velez lang naman pala. Buksan mo na Coco." Utos ng isa sa mga kasama ko.

Napatingin ako sa malamig na bagay sa paanan ko. Kumunot ang noo ko dahil sa tubig na nandoon na nanggagaling sa kabilang banda. Paano magkakaroon ng tubig dito?

"Bakit amoy tubig lawa?" Biglaang tanong ni Taki kaya agad naman siyang kinunutan ng noo ni Jenny.

"Anong amoy tubig lawa? Nasa labas yong lawa kaya malamang naaamoy mo. Teka, ano bang amoy ng tubig lawa?"

"Basta meron talaga e."

Napatitig akong maigi sa tubig na nasa paanan ko. Sinubukan kong pakiramdaman ang taong nasa kabilang banda. I sensed some suppressed anger there. Pero dahil sa sobrang tindi nun ay hindi ito kayang maitago o pigilan ng nilalang na naroroon.

"Sino ka? Hindi ka si Ma'am Velez."

Tumahimik muli ang kabila pero ilang saglit pa ay boses naman ni Ma'am Ferrer ang naririnig namin. Asking us to open the door and let Micah talk to them. Ngayon ay napatingin na ako kay Micah at nararamdaman ko na takot na siya.

"Micah, si Dustin to. Kakausapin daw tayo nina Ma'am Velez."

"Bumalik ka na sa kwarto niyo Dustin. Gabi na! Patulugin mo na kami!" Sigaw ni Taki na unti-unti naring natatakot.

"Micah bakit?"

Natigilan kaming lahat sa boses na narinig namin. Ang ilan pa sa amin ay nanlaki ang mga mata dahil sa kaba at takot. It's Diane.

"Bakit mo ako pinatay? Bakit mo ako tinapon sa lawa? Alam mo bang galit na galit sila dahil sa ginawa mo? Ang sabi nila magbabayad ka daw kaya buksan mo na yong pinto."

Nanginig ang mga labi ni Micah at pinigilan niya ang sariling humagulgol sa pamamagitan ng pagtatakip ng kanyang mga palad sa bibig niya. Nagkakarerahan sa pagsisisi at takot ang nararamdaman niya.

"Hindi namin bubuksan ang pinto." Matapang kong wika.

Dumagundong ang halakhak kasabay ng nagpupumiyos sa galit na nararamdaman ng mga nilalang sa kabila. Napaatras ako dahil hindi ko kayang harapin ang ganoon katinding emosyon na pakiramdam ko ay ang pagsira sa pintong nakaharang sa pagitan namin ay isang maliit na bagay lamang. Their request for us to open the door is only because they want to made their entrance more dramatic.

Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko dahil maya-maya pa ay dahan-dahan ng bumukas ang pinto. Naging nakakapangilabot ng tunog na ginagawa ng pagkakabukas niyon. Nanginig ang mga tuhod ko ng humakbang papasok sa loob ng kwarto si Diane na basang-basa mula ulo hanggang paa at iisa lamang ang eyeball. Kumapit si Taki sa braso ko ng ngumisi si Diane.

"Sabi ko naman sa inyo buksan niyo ang pinto di ba? Dahil hindi niyo ako sinunod mamamatay kayong lahat."

Humakbang siyang muli ngunit napahinto din naman at napansin namin ang matinding usok na nagmumula sa likuran niya. Napatakip kami ng mga tenga namin dahil sa mga matitinis na sigaw ng mga maliliit na lumilipad na nilalang na naghiwa-hiwalay mula sa katawan ni Diane.

"Lumabas na kayo bilis!" Sigaw ni Tobbie sa amin na may dala-dalang fire extinguisher.

Sinunod namin ang utos niya at kaagad na lumabas ng kwarto namin. Naabutan namin ang karamihan sa mga kaklase namin na nakikipaglaban sa mga tinks gamit ang mga asukal at asin na isinasaboy nila sa harapan ng mga ito at isa-isa namang binibilang ng mga tinks. May mga may hawak din ng mga silver crucifix at mga kung anu-ano pang mga iron na bagay.

Isinara ni Tobbie ang pinto nang susugod sana ang mga tinks sa amin. Mabilis kaming bumaba sa hagdan para tulungan ang mga kasama namin doon.

Nagkanya-kanya kami ng ginagawa para tulungan ang mga kasama namin pagdating namin doon. Tumulong ako sa pagsaboy ng asin sa mga tinks. We're many but the tinks equate the force that we have despite their diminutive size.

"Ma'am Velez!"

Napatingin ako sa estudyanteng sumisigaw na inaalalayan ang matandang guro namin na nagdurugo na ng todo ang braso. Magreretire na sana si ma'am ngayong taon kaya nga sinamahan niya kami dito sa huling pagkakataon. Susugod sana ang isang grupo ng mga tinks sa direksyon nila pero napansin iyon ni Ma'am Velez kaya kahit nanghihina na ay hinawakan niya ang balikat ng estudyante at hinarang ang sarili para hindi ito kagatin ng mga tinks.

"Ma'am!" Naiiyak na tawag ng estudyante sa kanya. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Ma'am Velez na konti na lang matutumba na.

May mga estudyanteng lumapit sa kanila at sinabuyan ng mga asin at asukal ang mga tinks. Inalalayan ng estudyante si Ma'am Velez para mahiga sa sofa.

"Iligtas niyong mga sarili niyo. Mag-aaral kayong mabuti mga bata ha."

My heart got wretched at the sight of them. Even in the toughest moments of our lives, there will always be people who will lend their hands just to save us. Kahit pa sariling buhay nila mismo ang magiging kapalit. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko habang tinatahak ang kinalalagyan ni Ma'am Velez. Nagkumpulan narin doon ang ilang mga estudyante. Ginawa naman ng mga lalaki ang lahat ng makakaya nila para harangan kami.

"Ma'am, salamat po." Umiiyak kong wika at sa huling pagkakataon ay ngumiti si Ma'am Velez bago tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.

---

Magmamadaling araw na halos at pagod na kaming lahat kakalaban sa mga tinks. Nang dumating na kami sa puntong napanghihinaan na kami ng loob na makakaligtas pa kami ay nabigla kami ng naging maamo ang itsura ng mga ito at tinalikuran kami. Para silang nahypnotized o kung anuman dahil nilisan nilang lahat ang lugar namin. Sinundan namin sila hanggang sa umabot kami sa lawa kung saan may nakakahumaling na bola ng liwanag ang lumulutang doon. Madilim pa ang paligid kaya talagang agaw pansin ang orb na iyon na sinusundan ng mga tinks.

Napaatras kaming lahat ng mapansing may kung anong aahon sa lawa. Hindi pa ba tapos to? Pero napaawang ang bibig ko at unti-unting nanubig ang mga mata ko nang makita si Wren na karga-karga ang namumutlang si Diane. Basang-basa silang dalawa at maya-maya pa ay napansin ko din sina Winona at Gelm na galing sa magkabilang bahagi ng lawa. Hinihingal si Winona samantalang kalmado naman si Gelm. Saan ba galing ang mga ito? Bakit wala sila kanina?

Namataan ko naman ang maliwanag na orb kanina na unti-unting naglalaho kasama ng mga tinks. Sinalubong ng mga lalaki at ni Winona sina Wren at Diane para tulungan.

"She needs an immediate medication. She's still alive." Ani Wren at tumango naman ang mga lalaking bumuhat kay Diane. Dustin was also there. Staring at Diane with teary eyes.

"I'm sorry Diane. Pagbabayaran ko ang ginawa ko sayo. Pangako." Umiiyak na wika naman ni Micah bago ito tuluyang makaalis.

Hinila ako ni Tobbie papunta kay Wren na binabalutan ni Winona ng tuwalya.

"Wren, anong nangyari kay Diane? Bakit buhay pa siya?" Tanong ni Tobbie.

"Tinks are wish granting fairies. Marahil ay humiling si Diane na sana ay hindi pa siya mamatay kaya tinupad iyon ng mga tinks at ito narin ang naghiganti para sa kanya." Wren stated.

I wasn't able to get a hold of myself when I began sobbing in front of him. Natigil naman si Wren sa pagpupunas ng sarili nang mapansin ako.

"Coco."

"Anong akala mo sa sarili mo Wren? Si Superman? Paano kung hindi ka nakabalik? Paano kung nanganib din ang buhay mo? Wag mo na ulit gagawin iyon dahil hindi ka nila patatayuan ng rebulto sa Luneta! Kung meron man ay sisirain ko dahil ang tanga mong bayani!"

Sa kabila ng reklamo ko ay ngumiti parin si Wren at lumapit sa akin. Mas lalo akong napahagulgol ng yakapin niya ako.

"Bumalik ako Coco. Bumalik ako para sayo."

➖➖➖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top