Chapter 15: Tinks Gone Wild

Tinks Gone Wild
Soundtrack: Baby Now That I Found You by MYMP

"Kailan mo ba sasabihin sa kay Micah ang tungkol sa ating dalawa Dustin ha?"

"Malapit na Diane. Humahanap lang ako ng tiyempo para hiwalayan siya."

Hinabol ng lalaki ang babaeng napatigil naman sa may banda ng puno at hinarap ang lalaki.

"Talaga?"

"Oo naman."

Hinagilap ng lalaki ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan. Napangiti naman ang dilag nang makita ang magkahawak nilang mga kamay sa tahimik na lugar na iyon. Tanging ang tunog lamang na ginagawa ng mga kuliglig ang naroroon at ang kalmadong lawa sa likuran nila na nasisinagan ng maliwanag na buwan sa kalangitan.

Pareho silang napatingin sa direksyon na pinagmumulan ng narinig nilang mga yapak ng paa. Nanlalaki ang mga mata ni Micah at panay ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat habang pinagmamasdan ang dalawang halatang nagulat sa di inaasahang pagdating niya.

"Anong klaseng kalokohan to Dustin? Kailan niyo pa ako nilolokong dalawa?"

Nagtiim bagang si Micah habang inaantay ang sagot ng dalawa. Naguguluhan naman si Dustin sa kung anong gagawin niya.

"Sumagot kayo!"

"Micah, let us explain everything." Natatarantang tugon naman ni Diane sa kanya na agad niyang sinipat at sinugod.

"Walang hiya ka! Naturingan pa naman kitang bestfriend pero inaahas mo na pala ang boyfriend ko!"

Nanggagalaiting hinila ni Micah ang buhok ni Diane at nagsimula narin siyang awatin ni Dustin subalit masyado itong nabulag ng galit para sa panlolokong ginawa ng kanyang kaibigan at kasintahan kaya ayaw na niyang magpapigil pa. Panay naman sa pagsagang si Diane sa mga hampas at sampal ni Micah sa kanya hanggang sa napahiga na siya sa lupa.

"Micah tama na!" Sigaw ni Dustin nang mapansing dehadong-dehado na si Diane.

Itinulak ni Micah si Dustin nang malakas kaya bahagya itong tumilapon palayo sa kanila. Nagdilim na ang paningin ng dalaga nang abutin niya ang malaking bato sa malapit at hinampas iyon ng paulit-ulit sa ulo ni Diane.

"Micah tama na please! Patawarin mo ako pero mahal ko si Dustin." Humagulgol na pagmamakaawa ni Diane sa kaibigan.

Tuluyan namang napigtas ang pasensya at natitirang awa sa katawan ni Micah dahil sa narinig mula sa kaibigan. Hinampas niya ito ng pagkalakas-lakas sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Diane!"

Mabilis na nilapitan ni Dustin ang dalaga at natulala na lamang si Micah nang mapagtanto ang ginawa niya. Tumayo siya mula sa pagkakadagan sa kaibigan nang mapansing hindi na talaga ito humihinga pa.

"Anong ginawa mo sa kanya Micah?! Magbabayad ka!"

"Ano? Magsusumbong ka?! Sige pero idadamay kita! Ikaw lang at ako ang nandito Dustin at walang magliligtas sayo kapag idinawit kita. Tandaan mo yan." Giit naman ni Micah para pagtakpan ang takot na nararamdaman niya.

"Pinatay mo siya!" Naiiyak na ani Dustin.

Alam na alam ni Micah na ayaw ni Dustin na madawit sa ginawa niya dahil kapag nagkataon ay hindi lang ang binata ang masisira kundi pati narin ang pamilya nito ng mga kilalang pulitiko. Nagpalinga-linga siya para humanap ng lugar kung saan niya itatapon ang bangkay ng kaibigan. Nang makita niya ang lawa ay walang anu-ano'y hinila niya ang mga kamay ni Diane na nakahiga parin sa lupa papunta doon. Nanlaki naman ang mga mata ni Dustin sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?!"

"Dinidespatsa ang ebidensya. Kung ayaw mong makulong at masira ang imahe ng pamilya mo ay wag ka na lang pumalag sa gagawin ko." Wala sa sariling sabi ni Micah sa binata.

Napasabunot ang labing-walong taong gulang na binata ng kanyang buhok dahil alam niyang maaari ngang mangyari iyon dahil kaya iyong gawin ng kasintahan niyang may problema sa pag-uugali.

Natulala na lamang siya nang tuluyan ng nailaglag ni Micah ang bangkay ng babaeng mahal niya sa lawa. Pinunasan naman ng dalaga ang mga kamay niya gamit ang kanyang shorts at nilagpasan na ang binata na para bang walang nangyari.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya."

"Walang magbabayad kung walang makakaalam. Kaya kung ako sayo ay ititikom ko na lang ang bibig ko."

Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalaga pabalik sa rest house na tinutuluyan nila na kasama ng iba pa nilang mga kaklase.

"Patawarin mo ako Diane."

Pinunasan ni Dustin ang mga patak ng luha sa kanyang pisngi at tinalikuran na ang lawa para tahakin ang daan pabalik sa rest house nila.

Matapos ang ilang sandali nang muling tumahimik ang buong paligid na maging ang mga tunog ng mga kuliglig ay hindi narin naririnig ay umahon mula sa pinakamalalim na bahagi ng lawa ang isang nilalang na kasinlaki ng isang hinliliit at may pakpak na gaya ng sa mga paru-paru ang nagpupumiyos sa galit. Puting-puti ang kulay ng kanyang nakahubad na katawan at isinumpa niyang magbabayad ang lahat ng sumira sa katahimikan ng kanilang tirahan.
---

"Coco, hindi ka ba lalabas?"

Nahinto ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa aking maleta at nag-angat ng tingin kay Taki na nasa pintuan na kasama ng ilan ko pang mga babaeng kaklase.

"Susunod na lang ako. Tatapusin ko muna tong ginagawa ko."

Tumango naman siya at isinara na ng tuluyan ang pinto. Pero bumukas din naman iyon at pumasok sa loob ng kwarto si Micah na balisang-balisa. Pinilig ko ang ulo ko at pinagmasdan siyang maigi. She's trying to conceal her fear but it didn't escape on me. Para siyang may tinatago na kung ano.

Nag-iwas ako ng tingin nang dumapo ang mga mata niya sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagtutupi ng mga damit ko nang masulyapan ko ang basang gilid ng kanyang shorts. Malamang ay nagbabad siya sandali doon sa dagat o baka naman doon sa lawa sa likuran ng rest house na tinutuluyan namin.

"Coco, nakita mo ba si Diane?" She asked and I'm surprised to sense a lie on her query. Weird. 

"Hindi e. Bakit?"

"Kanina ko pa kasi siya hinahanap pero hindi ko siya makita."

"Ganun ba? Baka nandyan lang sa tabi-tabi at may pinagkakaabalahan. Gaya mo."

Sinulyapan ko ang basa niyang shorts pero namutla siya bigla at hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang ibig kong sabihin o hindi. Isinabit niya ang tuwalya niya sa kanyang balikat at nagpaalam na munang magsa-shower. Tumango naman ako at ipinagpatuloy na ang pagtutupi ng mga damit ko. Basta-basta ko lang kasing itinapon ito dito sa loob ng maleta ko kanina dahil late na akong nagising at ayokong mas mahuli pa lalo. Hindi naman ako VIP para hintayin pa nila. Sana pala ay hinayaan ko na lang si nanay na mag-impake ng mga gamit ko kagabi kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari.

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay tumayo na ako mula sa foam na para sa akin at itinabi na ang maleta ko para lumabas at bumaba na mula doon.

Tiyempong pagbaba ko ng hagdanan ay siya namang pagpasok nina Winona at Lizzy ng rest house. Panay ang kamot ni Lizzy sa leeg at mga balikat niya. Kapansin-pansin na nga rin ang mga pulang pantal sa mga bahaging iyon. Must be mosquitoes.

"Andaming mga lamok doon sa may lawa. Ang ganda pa naman sana doon." Aniya habang nagpapatuloy sa ginagawa.

Bumaba na ako ng hagdan ng tuluyan at namataan ko naman ang dumudugong braso ni Winona. They're both wearing spaghetti strap tops kaya kitang-kita ang mga iyon. Maging si Lizzy ay nagulat din nang mapansin iyon.

"Gosh! Winona, dumudugo yong braso mo!" Turo ni Lizzy sa braso niya.

Tinignan naman iyon ni Winona at napangiwi na lamang.

"Grabe na talagang mga lamok ngayon. Lumelevel up narin." Dagdag na komento naman ni Lizzy.

Napatingin ako sa kadarating lang sa sala na sina Wren at Tobbie. Kaagad na naagaw ng braso ni Winona na dumurugo ang atensyon nila.

"Oh Winona? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Tobbie sa kanya na ikinairap naman niya.

"Nakagat lang ng lamok sa labas. Teka, e ano bang pakialam mo ha?" Naiiritang tugon ni Winona.

"Grabe naman yan. Pati lamok mukhang may galit na rin sayo at kinagat ka ng todo." Pang-iinis na bawi ng bestfriend ko.

Lumapit si Wren kay Winona at hinila ang braso niyang nagdurugo para tignan iyon. She was shocked at what he did and so am I. Nag-iwas ako ng tingin nang dumapo ang mga mata ni Winona sa akin. I don't want to see her mocking expression.

"Wren, don't worry. It's just a mosquito bite."

Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Wren o ang dagdag pang sasabihin ni Winona dahil naglakad na ako papuntang mess hall kung saan may ilang estudyante ding kumakain na ng hapunan. I felt annoyed just by staring and listening at them. Tinungo ko ang counter at kinuha ang dinner meal na nakalaan sa amin sa gabing iyon. Panandalian namang nawala ang inis ko nang makita ang pagkain. Inihaw na hita ng manok, atsara at kanin. Nakakagutom namang tignan.

Dinala ko ang tray ko at naghanap ng pwedeng mauupuan. There are only a few students there so I can probably sit on a table alone.

"Coco dito!"

Napatingin naman ako sa kumakaway na si Taki sa akin. May kasama siyang dalawa sa mga kaklase namin sa table na iyon. Tinahak ko ang daan papunta sa kanila at napagdesisyunang doon na lamang kakain. They all happily welcomed me on their table. Nakakaramdam ako ng tuwa at excitement sa kanila. Nakakailang subo na ako ng magtanong si Taki sa akin.

"Coco, sama ka mamaya sa amin? Pupunta kaming kabilang isla."

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko bago isinubo ang piraso ng inihaw na manok.

"Nandoon sa kabilang isla ang mga bars, hotels at restaurants. Tsaka may disco doon kada gabi. Sali tayo?!" Excited na wika ni Jean na isa sa mga kasama namin sa table.

A beach party? That sounds nice and tempting. I've haven't experienced something like that before and I wanna try it. Sandali akong nag-isip bago nakangiting tumango sa kanila bilang tugon atsaka tuluyan ng nagkamay habang kumakain.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagtungo kami sa mga teachers na kasama namin para sa summit at ipinaalam sa kanila ang balak namin. Pumayag naman sila ngunit nilimitahan nila kami na hanggang alas-nuebe y media lamang at sumang-ayon naman kami. Dali-dali kaming nagtungo sa nakalaang kwarto para sa amin nang sa ganoon ay makapagbihis na kami. I'm sporting on a halter strap sundress and I'd just let my jet black curly hair untied.

Matapos ang mabilisang pag-aayos namin ay bumaba na kami at lumabas ng rest house para puntahan ang de makinang passenger boat na nag-aantay sa amin sa dalampasigan. We're quiet many that we'll be going there. Na marahil ay isa sa mga rason kaya kami pinayagan.

Naabutan ko naman ang nakakunot-noong si Tobbie na tumatabay sa dalampasigan habang pinagpapalit-palit ang tingin sa aming lahat. My colleagues excitedly hop in the boat one by one. Lumapit naman sa akin ang nagtataka paring si Tobbie.

"Saan kayo pupunta Buko?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

"Sa kabilang isla."

"Ano namang gagawin niyo doon?"

"We'll party."

"Ha? Pinayagan kayo nina Ma'am Velez?"

"Aha. Paano alis na ako." Paalam ko sa kanya nang mapansing halos nakapasok na ang lahat sa bangka maliban sa akin.

"Uy! Uy! Teka, sama ako!" Ani Tobbie saka ako hinila papasok ng bangka.

"Pwede namang hindi manghila di ba? Para ka namang tatay ko e."

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at naupo na lamang sa tabi niya nang magsimula na kaming umandar. Hinarap niya ako at nang-iinis na nginitian.

"Bakit may tatay ka ba?"

Natigilan naman ako sa tanong niya. A spark of an unknown emotion suddenly flared upon me. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Sige, ipamukha mo pa."

"Wala ka naman talagang tatay ah." Aniyang ikinainis ko naman.

"See these eyes? Meron akong tatay at British siya! Tandaan mo yan Tobbias." Wika ko sabay turo sa mga mata ko gamit ang dalawang daliri ko.

"Alright. Alright. Chill ka lang Buko. Hindi naman kita inaaway."

Hinarang niya ang dalawang palad sa pagitan namin. Ibinaba ko ang mga daliri ko at napabuntong-hininga na lamang. Napatingin naman ako sa pinakadulong banda ng likuran kung saan nahagip ng mga paningin ko ang natatanging taong kasama naming nakaupo sa malaking bangka na iyon. Nakatayo kasi ang ilang mga kasamahan namin at inaaliw ang mga sarili nila sa pagmamasid sa dagat. Gelm's olive eyes were bore on us with his arms crossed together. It's his duty as the student council president to be with us but there was something about him that I couldn't understand. I made use of my psychic ability but I just couldn't avail any emotions from him.

Minabuti kong mag-iwas na lamang ng tingin hanggang sa marating na namin ang kabilang isla. Lights and loud music filled the area together with the tourists who seemed to enjoy the night. Masyadong malayo ito sa pagiging kalmado ng isla namin.

Isa-isa na kaming bumaba ng bangka at agad naman kaming sinalubong ng mga babaeng may hawak-hawak na mga leis na gaya ng sa mga nakikita ko sa Hawaii. They were all plastering their sweetest smile as they greet us and made the boys whom with us to wear those. Malapad ang ngiting ipinapako kay Tobbie ng isang babae na hindi nalalayo sa edad namin. Sinulyapan ko naman ang bestfriend kong nakangiti ding isinabit sa leeg ang kwintas na may mga bulaklak. With his thick eyebrows and other pleasing facial features, he's undoubtedly handsome and it
might be the reason why Maggie is really after him.

"Sobrang pogi ko na ba para tignan mo ako ng ganyan?" Kumunot ang noo ko sa kahambugan ni Tobbie sa katawan niya.

"As if. Matanong nga kita Tobbie, bakit ba ayaw mong bigyan ng chance si Maggie? Bakit hindi mo siya pinapansin?"

"Buko, hindi naman sa ganun kaso kapag pinansin ko kasi siya ay baka mas lalo pa siyang mahulog sa akin."

"Wow ha." Panunuya ko sa kanya dahil sa pagiging conceited niya masyado sa kanyang sarili na magiging ganoon nga si Maggie.

"Oh bakit wala kang hairstyle ngayon?" Tanong niya nang marahil ay mapansin ang buhok kong nakalugay.

Dumapo naman ang mga mata ko sa mga orchids na nasa lei niya. Lumapit ako at pumitas ng isang kulay violet na orchid at isinabit iyon sa kanang tenga ko.

"Ano? Okay na?" Tanong ko na ikinakurap naman niya ng ilang beses. What's wrong with him?

"Halika na nga. Naiwanan na tuloy tayo ng mga kasama natin."

Hinila niya ako papasok sa loob ng isang medyo malawak na bar kung saan naroroon ang mga kaklase namin nang makabawi siya. Unlike the other bars here ay mas peaceful and soulful ang mga tugtog ng live band dito.

"Ayun sina Daikhei oh!" Turo niya sa pwesto nina Taki and then I realized that I'm the only one calling her that way.

Tavleen Daikhei Fernandez kasi ang totoo niyang pangalan and I find it too long kaya ginawan ko siya ng palayaw na short cut ng pangalan niya. But she's commonly called Daikhei among the others.

Lumapit kami sa pwesto nila pero agad din naman akong nagpaalam na maghahanap na lamang ng ibang pwesto dahil gusto kong maupo malapit sa stage kung nasaan ang live band. Pumayag naman sila at hinayaan ako sa gusto ko. Nang makahanap ako ng table for two ay doon na ako naupo at nag-antay sa susunod na kakantahin ng banda.

Narinig ko ang paggalaw ng upuan sa harapan ko at ang pagkakalapag ng isang maliit na baso ng alak sa ibabaw ng table kaya agad akong napatingin sa taong bigla na lamang naupo doon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tuwa na makita ulit siya at ang pula niyang buhok.

"Hi pretty." He greeted with a boyish smile that caught my breath for awhile.

"Ca-Cameron?" I asked in disbelief.

"At your service." Tugon naman niya na sinabayan niya pa ng isang saludo.

I owed this man a lot for his help way back when I was in California. Pero anong ginagawa niya rito?

"What are you doing here? Wala ka pa bang pasok?"

"It will be next week that's why I decided to spend my remaining days of vacation here. How about you? Anong ginagawa mo dito?"

"I'm with my class and schoolmates for our annual environmental summit."

Nagpalinga-linga ako sa paligid para masiguro kung kasama niya ba ang kuya niya. I shouldn't crossed paths with that guy again. Maaga akong mamamatay pag nagkataon. Tila naguguluhan naman si Cameron sa ikinikilos ko nang maibalik ko sa kanya ang mga mata ko.

"May kasama ka ba dito?"

"I'm with some of our pawns."

Mapapabuntong-hininga na sana ako nang hindi ko narinig ang pangalan ni Thygo kaso napakunot ang noo ko sa itinugon niya.

"Pawns?"

"That's the term we used to associate our mid-ranking mafia reapers. You know, reapers would mean another thing on our own dictionary." He stated as his right eye quickly changes into red and brown color again.

Napagtanto kong ibang nilalang nga pala sila and their definition of reapers would be a literal one in the supernatural perspective.

"Buko, halika muna."

Napatingin naman agad ako kay Tobbie na hinila ang braso ko patayo. Naguguluhan naman ako nang muling bumaling kay Cameron na halatang nagtataka din habang tinitignan kaming dalawa.

"Pasensya ka na. Babalikan na lang kita mamaya."

Paalam ko na marahan namang tinanguan ng huli. Hinarap ko si Tobbie at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung saan kami papunta. He's taking me to the stage!

"Hoy! Tobbie, bitawan mo ako!"

"They're asking if someone would like to sing on stage. Isang sampol naman dyan Buko."

Pinilit kong hilahin mula kay Tobbie ang mga kamay ko kaso mas malakas siya kaysa sa akin.

"Go Coco!" Taki and the group cheered from their seats and I mentally made a face palm.

Grabe na to, hindi man lang ako nawarningang kakanta pala ako at sa harap pa ng mga taong ito.

"So, you're the pretty singer they're talking about?" Nakangiting tanong ng lead vocalist kaninang babae sa akin. Sinasabi ko na nga ba't pinagkakaisahan nila ako!

"It must b-"

"Siya nga po." Tobbie cut me off in mid-sentence.

"Anong pang hinihintay natin? Do you play guitar too?"

"Opo." Sagot naman ng spokesman kong si Tobbie.

Nakangiting inabot ng lead vocalist ang acoustic guitar niya kay Tobbie at inabot naman iyon ng huli sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang nakangiti niyang mukha. Konti na lang talaga at hahambalusin ko siya niyan.

"Pagbigyan mo na kami. Turo pa naman ni ninang na huwag ipagkait ang talent natin sa iba kaya sige na."

Sinulyapan ko ang nakangiting mukha ng bokalista at ganoon din ang itsura ng mga customers doon. And when my eyes landed on Cameron, an amused smile slowly flashed on his handsome face.

Kinabahan naman ako ng kunin ko mula kay Tobbie ang gitara at isinabit ang leash nun sa leeg ko. Lumapit sa akin ang bokalistang babae at may ibinulong.

"May nagpaparequest ng kantang 'Baby Now That I Found You' ng MYMP. First anniversary kasi nila ng asawa niya."

Bahagya ko namang tinignan ang direksyon ng mag-asawang tinutukoy niya. Parehong nakatutok ang atensyon nilang dalawa sa stage habang magkahawak ang kanilang mga kamay. I should not disappoint this lovely couple here. Tinanong ko ang apelyido ng mag-asawa at lumapit na sa may mic.

"This song is for Mr. and Mrs. Da Silva." I stated and then I began strumming the guitar.

"Baby, baby when first we met
I knew in this heart of mine
That you were someone
I couldn't forget
I stepped right and abide my time
Spend my life looking for that somebody
To make me feel like new..."

---

"You have a great voice and you didn't told me about that." Panunukso ni Cameron nang makalapit akong muli sa kanya.

"You didn't ask."

Naupo akong muli sa upuang kinaroroonan ko kanina. I was about to say something but a romantic song played. May ilang mga tumayo at niyaya ang mga kasama nila para sa isang sayaw. Napatingin naman ako sa palad na nakalahad sa harapan ko. I lifted my gaze on him and caught him beaming with his infamous boyish smile.

"Can I have this dance? Babalik na akong Cambridge."

"Paano kung ayoko?"

Tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at lumapit sa tabi ko saka inilahad ang isang palad niya. Naguguluhan naman akong nag-angat ng tingin sa kanyang nakangiting mukha.

"Pipilitin parin kitang sumayaw kasama ko. So, now Miss Colbie Corryl Quizon, will you be my dance?"

"Sige na nga. Ang pogi mo masyado para tanggihan e." I said as I placed my hand on his and he chuckled softly.

Nagtungo kami sa banda ng mga taong nagsasayaw. Pagdating namin doon ay iginiya niya ang mga braso ko paikot sa leeg niya. He wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. I was stunned as I stared at him. He's too good-looking to just ignore at hindi mo mapagkakamalang demonyo pala siya dahil doon.

"Mamimiss mo ba ako Coco?"

Naramdaman ko na lamang ang panginginit ng mga pisngi ko dahil sa tanong niya.

"O-oo naman."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang mas lumapad ang ngiti niya. It's embarrassing if he'll notice that my cheeks are in crimson. Nagulat naman ako nang may biglang humila sa kamay ko palayo kay Cameron. Kaagad kong napansin ang pagiging pamilyar ng likuran na iyon. Bakit ko naman makakalimutan iyon kung sa loob ng limang taon ay yon ang lagi kong nakikita mula sa malayo?

"Wren."

"Stay away from her." Banta niya.

Sinilip ko si Cameron mula sa likuran niya at naabutan ko itong nakikipagsukatan ng tingin kay Wren. But his expression was calm unlike the latter who seemed suppressing some anger to explode from his inside. Did I missed out something? Bakit parang nakakaramdam ako ng matinding galit mula kay Wren?

➖➖➖

Do vote, share and comment. 😃

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top