Chapter 14: Knowing What You Got
Knowing What You Got
"Sa... sali ka sa amin?" Gulat at magkapanabayang tanong namin ni Tobbie kay Bethany.
Tumango naman ang magandang dilag na nakangiti habang nakaupo sa sofa ng clubroom namin. I'm glad to know na hindi naman siya naggalaw ng diablo di gaya ni Jane Nobles. May paliwanag si Wren sa kung bakit pero hindi ko naman siya maintindihan. Ang sabi niya pa ay Davea daw ang tawag sa nakita ko doon sa kwarto ni Bethany. According to him, it's a special type of demon because it's a shadow creature. May paliwanag din siya kung bakit may psychic ability si Bethany at yun daw ang rason kung bakit hindi siya tuluyang nagalaw ng Davea o diablo o kahit ano pa man iyon.
Nung tinanong ko naman siya nang tungkol sa pagkakaroon ko ng psychic ability ay hindi niya rin daw alam kung bakit.
Ilang araw narin ang lumipas simula ng nangyari iyon at lumipat na dito sa dorm si Bethany para lumayo doon.
"E paano na lang ang broadcasting team niyo? Ang career mo kung sasama ka sa amin?" Tanong ko naman sa kanya.
"I can do multi-tasking tsaka sabi ni Wren ay makakatulong daw ako sa inyo." Her cheeks reddened.
Sumandal ako sa swivel chair ng table ko. Should I accept her? Mababawasan nga ang mga alalahanin ko tungkol sa dami ng club members kaso madadagdagan naman ang mga karibal ko kay Wren. Mabuti na lang talaga at nauna na siyang umuwi sa kanila dahil Sabado ngayon at hindi na niya naabutan pa si Bethany dito. Grabe ang selfish ko naman. She's very much of an asset. Inabot ko ang registration paper niya at pinirmahan iyon.
"Welcome to the club." I gave her a warm welcoming smile and she returned a grateful beam.
"Thank you very much Coco. I'm looking forward working with you." Wika niya nang magkamayan kami.
"By the way, you're all my friends now and I want my friends to call me Bethang." She said as she smilingly looked at us.
Iba talaga si Bethany sa lahat ng nakilala kong sikat. Napaka-down to earth niya talagang tao. Yun bang tipong hindi nasisilaw sa mga atensyong nakukuha niya.
"Sure Bethang." I retorted and her smile widened.
Sinulyapan niya ang wristwatch niya at nagpaalam na sa amin. Tumayo ako mula sa swivel chair ko at nilapitan ang full length mirror naming nakadikit sa pader na malapit sa may pinto. Pinagmasdan ko ang suot kong sleeveless top na tinernuhan ng bohemian skirt. My hair was also tied in a side loose ponytail. Naalala ko tuloy si nanay sa trip kong attire sa araw na ito.
"Buko, alis na ako ha? Uuwi ka rin ba sa inyo?"
Nilingon ko si Tobbie na hawak-hawak na ang seradula ng pinto. Tumango ako sa kanya.
"Oo. Sige Tobs, ingat ka. Paki-kamusta na lang din ako kina Tita Ellie."
"Makakarating." Wika niya sabay saludo sa akin.
Napangiti ako at nagpaalam narin sa kanya. Nang umalis na siya ay pinagmasdan kong muli ang sarili ko sa salamin. Inabot ko ang sling bag ko at kinuha mula doon ang paborito kong shade ng lipstick at naglagay.
Maagang umalis si Wren kanina kasi ngayon daw lilipad pabalik ng Stanford University ang mommy niya dahil magsisimula na ang pasukan doon kaya gusto nitong magbonding silang mag-ina. Naalala ko tuloy si Cameron. Kailan kaya ang pasukan niya? Ba't ba ang dami kong iniisip?
I took my sling bag and slung it across my body. I still need to go to the mall to buy some birth and gemstones for nanay. Utos niya e. Lumabas na ako ng clubroom at nilock iyon.
Nahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko sa corridor si Gelm na mukhang papunta sa clubroom namin. Ang sa amin kasi ang pinakadulong silid kaya imposibleng tumatambay lang ito dito.
"Ano namang ginagawa mo dito? Wag kang mag-alala at may bago na ulit kaming member. It's Bethany Vasquez and take note of that." Pambungad ko sa kanya bago niya pa ako unahan.
Tumunghay siya and I suddenly feel so small. Nakakapaghinayang naman at hindi nauso ang Gloxi noong bata pa ako.
"I'm not here for that. I'm just checking if you're still alive after the last case you've been." He said with nonchalance.
Wow. Kailan pa naging concern ang poker face na ito sa amin? Humalukipkip ako sa harapan niya.
"As you can see, I'm still alive and kicking so that means we're perfectly fine. Salamat sa concern mo at kailangan ko ng umalis dahil bibili pa ako ng mga kakaibang bato para sa nanay ko."
Bigla namang naging nagtataka ang ekspresyon niya sa narinig which I rarely witness. Maliban kasi sa poker face ay wala na akong ibang nakitang ekspresyon sa kanya. Weird. Anong meron sa sinabi kong nagpabago niyon?
"What is she going to do with those?"
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Nalimutan kong hindi nga pala kami close nito kaya hindi ko naikwento sa kanya ang trabaho ni nanay.
"She's a soothsayer. Weird occupation right? Pero alam mo bang dahil dun ay nabuhay at naitaguyod niya akong mag-isa? Hindi mo pala alam kasi hindi naman tayo close. But I just feel like sharing this to you now. Kahit may pagka-weirdo yong nanay ko ay hindi niya kailanman ipinaramdam sa aking wala akong tatay."
Pinagmasdan ko ang ekspresyon niya pero nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Dapat pala hindi na lamang ako nagshare sa kanya.
"Pasensya ka na. Feel ko lang talagang magshare. Pero hayaan mo na, kompleto naman na ako sa piling ni nanay kahit wala akong tatay. Ay, ang drama ko. Wala ka nga palang pake. Sige alis na ako at namimiss ko na siya."
"Coco."
Muli akong napatigil sa pwesto ko kung saan lalagpasan ko na sana siya. May emosyong hindi ko mapangalanan sa paraan ng pagtawag niya sa akin pero tila may kung anong kumurot sa puso ko sa di ko malamang dahilan.
"Tell your mom that she did well in raising you."
Tango na lamang ang kaya kong maisagot sa kanya bago ko tinahak ng tuluyan ang daan palayo sa kanya. I guess I need to take a break on all the peculiarities I'm experiencing these past few days and just awhile ago.
Lumabas na ako ng Wale University at pumara ng jeep papuntang mall. Kaagad ko namang binili ang mga ipinag-utos ni nanay sa akin nang sa ganun ay makauwi na ako. Nakaka-homesick na kasi e. Paglabas ko ng mall ay isinilid ko ang mga binili ko sa loob ng aking sling bag. Nagtungo ako sa LRT dahil feel kong makisingit sa pila ng mga taong nagmamadali sa kani-kanilang mga gawain.
Punuan na pagpasok ko sa tren kaya wala akong ibang choice kundi ang tumayo at kumapit na lamang. Kinuha ko ang earphones sa loob ng sling bag ko at inilagay iyon sa magkabilang tenga ko para makinig ng mga tugtog habang nasa biyahe. I like the feeling of being in the pedestal. Yong ganito lang kasimple ang buhay mo kasi normal ka lang din na gaya nila. Gigising sa umaga, maglalakad at gagalaw maghapon at magpapahinga sa gabi. But no matter how hard I tried to hide in the sea of people, I still find myself feeling the emotions they have. Ayoko ng ganun. Ayokong nalalaman ang mga saloobin nila. Ayokong masaktan sa mga bagay na kahit na ilihim nila ay malalaman ko dahil nararamdaman ko iyon. I want everything to be a surprise. And just when I'm being too dramatic, the song of Five for Fighting played to mock me.
I can't stand to fly
I'm not that naive
I'm just out to find
The better of me
I'm more than a bird
I'm more than a plane
More than some pretty face beside a train and
It's not easy to be me
"You don't wish to be Superman?"
Agad akong napatingin sa taong biglang umagaw sa isang bahagi ng earphone ko na nasa tabi ko lamang. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Ang weirdong kulay ng buhok ng human disguise niya at ang itim na coat na hanggang tuhod niya ang haba. Azrael.
"Of course. Babae ako, lalaki si Superman. Ayokong magpalit ng kasarian." He laughed at my statement at napailing na lamang ako.
Anong ginagawa nito dito sa tren? Binalingan ko naman ang ilang pasahero sa paligid at baka isipin nilang nababaliw na ako dahil may kinakausap akong hindi nila nakikita pero mukhang abala naman ito sa kani-kanilang mga ginagawa.
"Don't worry about them milady. I made it look like you are talking to someone."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Someone huh? Someone like the Korean star he imitated. Kumunot naman ang noo ko ng matawa ulit siya. Yeah, he's probably reading my mind again.
"Nope. They're seeing someone else who you know."
"Sino?" Tanong ko sa kanya bago niya pa ako maunahan sa pagbasa ng nasa utak ko.
"Avila." Aniyang nakangisi.
Naisip ko naman bigla kung sakali ngang magkasama kaming dalawa ni Wren dito ngayon. Paniguradong pume-PBB teens kami. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa narin ng marahan kasabay ni Azrael dahil sa ideyang iyon.
"Call me Azi milady. Don't make it sound like I'm a thousand years older than you."
"Fine Azi Tanda." I teased and he smiled.
I don't know why pero bigla na lamang naglaho ang takot na nararamdaman ko sa angel of death na ito. Siguro ganoon talaga kapag nakilala mo ng lubusan ang isang tao.
"Correction milady, hindi ako tao and I'm glad to know that you're not scared with me anymore."
Napairap na naman ako nang basahin niya ang laman ng utak ko. Reading minds, seriously where's the fun in there?
"Okay I will not use mind reading when I'm around with you." He smilingly said.
Ang daya din ng anghel na ito at siniguradong pogi ang human disguise niya. Di ko tuloy maiwasang ma-starstruck. I made a face when he chuckled.
"Akala ko ba hindi mo na babasahin?"
"Last na yon milady."
"Why are you here anyway?"
"May mga hinatid lang ako sa kabilang buhay tapos naisipan kong daanan ka." He replied while wiggling his brows and I actually find it cute for an angel.
"Ano bang ibang mga music mo dyan?"
Inabot niya ang iPhone ko at hinayaan ko siyang maghanap ng mga tugtog na gusto niyang pakinggan doon. Kung makaasta din siya ay parang normal na tao lang ah. Hinintay kong magreact siya sa iniisip ko kaso ay wala akong narinig na kahit ano mula sa kanya kaya marahil ay tinupad niya ang ipinangako niya.
Napangiti naman ako ng marinig ang kanyang piniling kanta na 'Bless The Broken Road' ni Rascal Flatts. Azrael will always be an angel. Nakangiti niyang ibinalik sa akin iyon na maagap ko namang tinanggap. We stayed like that until we reached the other station where I stopped. Nakalabas na kami ng station at lalakarin ko na lamang ang bahay namin galing doon pero nakasunod parin sa akin si Azi.
"Azi, wala ka bang gagawin?"
"Pinapaalis mo na ba ako milady?" Tanong niya at sinadyang gawing malungkot ang kanyang boses.
"Hindi naman sa ganun kaso nakakapagtaka lang kasi dapat busy palagi ang isang anghel. Dapat focus ka sa utos ni Lord sayo."
"Hindi naman dapat sa lahat ng pagkakataon ay busy kami. Sa tingin mo ba kapag ginagawa namin lagi ng tama ang mga gawain namin ay may mga multo pang gagala-gala dito sa mundo niyo? It only shows that even angels commit shortcomings. Kaya patas ang Diyos sa parehong mga anghel at tao milady."
"I don't question Him and His creations. Pero alam mo namang malaki parin ang kaibahan naming mga tao sa inyo di ba? You're created with abilities and powers that we don't have."
"Abilities and powers are not the measure of His love for all of us."
"I know."
"I guess I have to go now milady. May susunduin pa ako. See you again soon."
Nanigas na lamang ako nang biglang halikan ni Azi ang pisngi ko. Lumayo siya sa akin at nginitian ako bago naglaho na parang bula sa mismong harapan ko. Napailing na lamang ako sa anghel na iyon at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi sa amin.
---
"Si Tita Colleen po nanay?" Tanong ko nang hindi ko mahagilap si tita sa paligid.
"Ngayon ang simula ng trabaho niya sa kompanya ng Tita Caroline mo bilang isa sa mga shoe designer nila."
Tinanguan ko si nanay at inilapag na sa mahabang mesa namin ang pinapabili niyang mga bato. Hindi ko na siya tatanungin kung anong gagawin niya dyan. Masaya naman ako para kay Tita Colleen kasi unti-unti na siyang nakakabangon sa tulong nila nanay.
"Nanay, may annual environmental summit nga po pala kaming pupuntahan ngayong linggo sa isa sa mga isla sa Palawan." Maaga kong paalam kay nanay.
Lumapit si nanay sa mga batong inutos niya at tinignan ako.
"Ilang araw naman kayo doon Baby Coco?"
"Three days and two nights lang naman po kami doon nanay."
"Anak, mag-iingat ka palagi ha. Sana naman ay hindi mo ipahamak ang sarili mo." Ani nanay at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
Huli na nang mapagtanto ko ang ginawa niya. Malungkot na ngumiti si nanay sa akin bago binitawan ang kamay ko.
"Nakilala mo na siya anak."
Naguluhan naman ako sa sinabi ni nanay. Alam kong hinulaan niya ako pero hindi ko maiwasang magtaka kung sino ang ibig niyang sabihin.
"Sino po nanay?"
"Akala ko ba ay ayaw mo ng spoiler?" Napangiwi na lamang ako sa panunukso niya sa akin.
"Nanay naman e. Pero paninindigan ko ang sinumpaang mga salita ko sa inyo nanay. Di pwede ang spoiler sa buhay ko." Ngumiti naman siya akin.
"May tanong ako sayo anak."
Inilapit ko naman ng kaonti ang mukha ko kay nanay para pakinggan ang sasabihin niya.
"Alam mo bang anak nina Demeter at Zeus si Persephone?"
Napahilamos na lamang ako ng isang palad sa isipan ko. I should have seen this one coming.
"Opo. Zeus was attracted to her sister Demeter but she resisted him. But he violated her in the form of a bull and they mated in the form of intertwining serpents."
"Very good Baby Coco. Anak nga kita." Aniyang pumapalakpak.
"Ang weird mo talaga nanay pero namiss po kita."
Niyakap ko ng mahigpit si nanay at gumanti din naman siya ng ganoon sa akin. Kahit nasalo pa ni nanay lahat ng kaweirduhan sa mundo ay mamahalin ko parin siya ng buong-buo. Nang makawala na ako sa yakap niya ay nagpaalam na muna akong magtutungo ng kwarto ko para magpahinga.
---
Hila-hila ko ang maliit kong maleta at backpack habang papunta sa park ng university kung saan naroroon ang iba ko pang mga kaklase at mga senior high school para sa biyahe namin papuntang Palawan.
Magla-landtrip kami gamit ang mga bus na ipinahiram sa amin ng school at sasakay ng eroplano para tawirin ang Luzon papuntang Palawan kung saan may susundo din daw sa aming bus doon. Dalawang section lamang kaming pupunta doon kaya isang bus lang ang gagamitin namin. Hindi nga rin kasama ang section nina Bethang dahil tapos na raw ang schedule nila noong nakaraan.
"Buko!" Kaway ni Tobbie sa akin nang mapansin akong papunta sa direksiyon nila.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang dala kong maliit na maleta. Niyakap ko ang suot kong sky blue knitted sweater nang umihip ang malamig na pang-umagang hangin. Ala- sais pa lamang ng umaga at mas makakarating daw kami ng maaga doon kung maaga kaming aalis.
Umakyat na kami ng bus at kaagad kong namataan ang magkatabing sina Winona at si Wren na nagbabasa. Sandali pa akong napahinto sa harapan nila pero nang mag-taas ng kilay si Winona at mag-angat ng tingin si Wren ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa pwesto namin ni Tobbie.
"Anyare sayo Buko?" Tanong niya ng makalapit ako.
Pinaupo niya ako sa may bandang bintana dahil alam niya talagang gusto ko doon. I always want to watch the sceneries outside a running vehicle. Umupo narin siya sa tabi ko pagkatapos ko.
"Wala naman."
"Asus. Hulaan ko ha. Nagseselos ka doon sa dalawang nakita mong magkatabi ha no?"
"Whatever Tobs."
"Sabi na nga ba e."
Hindi ko siya nilingon o sinagot man lang pero pinakiramdaman ko ang emosyon niya pero wala naman akong nakuha na kahit ano. Salamat naman kung ganon. Normal parin talaga ang tingin ko sa sarili ko sa ganitong mga pagkakataon. Tinanong ko si Wren kung anong nakikita niya kay Tobbie noong isang araw at ang sabi niya sa akin ay wala daw siyang makita na kahit ano. Nagtataka nga siya sa kung bakit ganun.
Sumandal ako sa upuan ko at nagpakawala na lamang ng isang malalim na buntong-hininga. I should stop overthinking. Baka may kung ano pang nag-aantay sa amin sa Palawan.
➖➖➖
I'm planning to insert some third person point of view on every start of every chapter para magkaroon kayo ng hint kung ano talagang nangyari sa mga kasong kahaharapin nila.
What do you think will be the next creature they will encounter in Palawan? Abangan...
Do vote and share guys. 😃
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top