Chapter 11: Misadventures of Coco in California (Part 3)

Misadventures of Coco in California (Part 3)

"Coco?"

"Cameron!" Agad kong niyakap ang gulat paring si Cameron nang makita ulit ako.

Nang bumuwag na siya sa yakapan namin ay tinignan niya ako ng nagtataka.

"What are you doing here?"

Sa halip na sagutin siya ay napatingin ako sa likuran namin. Thygo was ordering the maids to prepare the foods he bought from the fastfood chain. Pagkatapos utusan ang mga ito ay tinignan niya kami ni Cameron.

"Feed that famish stray animal, Cameron." Aniya at nilagpasan kaming dalawa.

Humarap ulit ako kay Cameron at nginitian siya. "Samahan mo ko kumain?"

Ngumiti din siya at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila papunta sa dining room.

Medyo hininaan ko naman ang paglamon dahil sumabay sa amin sa pagkain si Thygo. Baka isipin niya pang napakapatay gutom ko naman. Mukhang labag pa naman sa loob niyang isama ako pabalik sa bahay nila.

---

Nang mai-plugged ko na ang charger ng cellphone ko sa outlet na nasa guestroom na tinutuluyan ko sa bahay nina Cameron, nahiga ako ng ilang sandali at napaupo din naman agad ako sa kama ng mabagot ako. Anong gagawin ko dito? Tutunganga? Bukas ko na lang kasi hahanapin si Tita Colleen at mangungutang narin ako kay Cameron ng kahit konting dolyar lang para suportahan ang sarili ko. Sana nga ay pagbigyan niya ako. Talking about him, nasaan na kaya siya ngayon?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para hanapin siya. Naabutan ko siya sa baba ng living room na tinutupi ang suot niyang flannel shirt hanggang siko na napailaliman ng puting tshirt. Sinulyapan ko naman ang itim na wristwatch na suot ko at pinagmasdan ang madilim na paligid sa labas ng kanilang bahay sa pamamagitan ng glass wall na nakaharap sa dagat. Saan siya pupunta?

Mabilis kong tinahak ang hagdanan pababa ng living room. Naabutan ko naman si Cameron na nakatitig na sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang paraanan ng palad ang pula niyang buhok. Ang gwapo niya talaga at mukhang nasa lahi na nila iyon.

"Ayos na ayos tayo ngayon ah? Saan ang lakad?"

"I'm going on a bar." Tugon niyang nakangiti.

Natigilan naman ako sandali. Iiwanan niya ako dito sa bahay kasama si Thygo? No way. Kahit na tinulungan niya ako kanina ay natatakot parin akong mag-isa kasama ito because I really feel like he's a beast. A sexy one.

"Isama mo naman ako Cam oh."

Dinungaw niya ako at bakas sa mga mata niya ang pagdadalawang isip. I made a please sign with my both hands close together to beg for him to tag me along.

"Please?"

"But you're just seventeen."

"They wouldn't know if you wouldn't tell them."

"But Co-"

"Sige na Cam. Hindi ako aalis sa tabi mo. Magpapakabait ako. Promise."

Tinitigan ako ng ilang sandali ni Cameron bago siya napabuntong-hininga at tumango. Natuwa naman ako at agad na tinungo ang kwarto ko para magbihis. Nagsuot din ako ng flannel shirt para pareho kami. Napailaliman iyon ng itim na spaghetti strap top at tinernuhan ko ng tattered pants. Sinuklay ko lang ng ilang sandali ang buhok ko bago bumaba ng kwarto. We might be going into some beach bars and clubs kaya naman okay lang siguro kung ganito lang ang suot ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay pinaraanan ako ni Cameron ng tingin mula ulo hanggang paa. Malamang ay nagtataka siya kung bakit naka-flannel din ako. I smiled at that thought.

"Para terno tayo." I winked at him and he smiled.

"Halika na nga. Kawawa naman yong puso ko sayo." Aniya at inakbayan ako.

Nagtataka ko namang inangat ang mga mata ko para magtanong.

"Ano ulit yon?"

"Nothing. I said let's go so that we can go home early."

"Okay."

"Alam mo Coco, mabuti na lang bumalik ka dito."

"Bakit naman?"

"Akala ko kasi hindi na kita makikita. Hindi ka nga rin nagpaalam sakin e."

"What is it again, Cam?" Tanong ko dahil hindi ko siya masyadong narinig.

Pinitik niya ang ilong ko kaya maagap ko iyong hinawakan gamit ang mga kamay ko. Marahan naman siyang natawa sa reaksyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Pango na nga ang ilong ko gagawin niya pang malala.

"Cameron naman! Mas papango yong ilong ko!" Now, he chuckled heartily.

"Ang bingi mo kasi e. Anyways, hindi ka naman pango ah." He stated as he removed my hands away from my nose.

I tsked and he laughed. Mambobola din tong isang to e. Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa Jaguar XJ niya papunta sa isang kilalang bar doon. Inakbayan niya ako nang papasok na kami sa loob ng bar para hindi magtaka ang mga bouncer na nakapwesto sa entrance.

Mabuti na lang at hindi naman nagtanong ang mga ito sa amin at hinayaan lang kaming makapasok. We were welcomed by the blinding disco lights, deafening trance music and wasted people on their bikinis with shot glasses in hand. Iginiya ako ni Cameron paupo sa isang high stool sa counter. Tumabi naman siya sa akin.

"One brandy and a piña colada." Utos ni Cameron sa barista na naroroon.

Di din naman nagtagal at dumating din ang mga inorder niya. Ibinigay niya sa akin ang piña colada at alam ko na kung bakit.

"Feeling mo talaga ang bata ko pa para uminom ha no?" I stated and he chuckled.

"Just drink it Coco. It's good for a little girl like you." He teased.

Sinamaan ko siya ng tingin pero maya-maya pa ay napailing na lamang ako at ininom ang drinks na inorder niya para sa akin. Bahagya naman akong natawa nang biglang tumunog ang 'Twerk It Like Miley'. Mas lalo tuloy naging wild yong mga tao.

"Hi there. Wanna dance?"

Napatingin naman ako sa banda ni Cameron kung saan nakatayo ang babaeng may blonde na mahabang buhok na nakasuot ng pulang bikini at itim na short. Nahiya naman tuloy ako ng pagmasdan ang masagana niyang dibdib. Sinulyapan ko naman ng bahagya ang sa akin. Bakit ka ba kasi napag-iwanan ng panahon at hindi na tumubo?

"I'm sorry but I'm with someone." Tugon ni Cameron habang nagpatuloy parin sa pag-inom ng brandy.

Tinignan ako ng blondina at nginiwian na para bang isa akong nakakairitang larawan. Ngumiwi din ako ng makatalikod na siya. Inabot ko ang piña colada ko at tinungga iyon na para ding umiinom ng alak.

"Sayaw naman tayo Cam. Nabobored na ako e."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa high stool ng counter at hinila na si Cameron na umaayaw pa papunta sa dancefloor.

Nang ayaw niya talagang magpapilit ay binitawan ko ang kamay niya at pinaningkitan siya.

"Hindi ka marunong sumayaw ha no?"

"Says who?"

Tumayo siya at hinila na ako papunta sa dancefloor. Tatawa-tawa pa kaming dalawa habang sinasabayan ang tugtog sa pamamagitan ng sarili naming choreography. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para umikot. I made a 'woosh' sound as I landed on his arms and he laughingly catch me. Para kaming mga timang sa ginagawa namin. Natigil lamang kami ng marinig namin ang sigawan at hiyawan ng mga kalalakihan malapit sa may stage. Napailing na lamang ako ng lumabas ang mga babaeng naka-bikini at stilletos sa may stage na nagsasayaw sa pole. Men will always be men. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng libog sa mga lalaking nanonood sa mga babaeng halos wala ng saplot. Weird.

"That's why I don't want to bring you here." Cameron said and took a step beside me.

Bahagyang nilingon ko si Cameron at pinakiramdaman ang presensya niya but I couldn't feel anything. Baka nga nag-iimagine lang ako sa sobrang pagiging sensitive ko sa pakiramdam ng mga nasa paligid ko. My eyes instantaneously widened in surprise when a familiar female went out from the backstage. A woman of late 40's or so was pushing her forcefully to go out on the stage. Her white skin, pixie cut brown hair and pleasing features told me that she's really the woman that I'm looking for. Tinakpan niya ang dibdib niya gamit ang isang niyang braso samantalang hinihila naman niya pababa ang laylayan ng suot niyang maikling skirt gamit ang isa pa. She's pitying herself for being in that kind of situation.

Ako mismo ang nasasaktan habang pinagmamasdan siyang pinipilit ang sarili niyang gawin ang bagay na ayaw naman niya. Nanubig ang mga mata ko habang nararamdaman ang matinding lungkot at awa niya para sa sarili.

"Coco are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Cameron sa tabi ko.

Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Ito pala ang sinasabi ni nanay na masamang nangyayari. But why did she kept the truth from us? We're still her family and we could help her. Humiyaw ng malakas ang mga lalaki sa tipid niyang galaw sa ibabaw ng stage. Nasaksihan ko pa kung paano umakyat ang isang topless na lalaki at sumabay sa pagsasayaw niya. Nahinto siya sa pagsasayaw at lumayo sa lalaking sinusubukan siyang halikan.

Natahimik ang lahat ng dumapo ang isang malutong na sampal na pisngi ng lalaki. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ng babae. Mabilis itong tumakbo pababa ng stage at lumabas sa backdoor. Awtomatiko namang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya. Dinig ko pa ang pagtawag ni Cameron sa pangalan ko bago ako nakalayo ng tuluyan sa kanya.

"Take her because she's useless here. You're so stupid Colleen for not following my simple commands." Ani ng babaeng tumulak sa kanya kanina.

Isinara ko ng tuluyan ang backdoor at patakbong nilapitan ng van kung saan nakapalibot ang mga lalaking armado doon kasama sina Tita Colleen at iyong babae. Nagpupumiglas si tita sa hawak ng mga lalaking iyon.

"Hey! Put her down! I'm gonna call the police for your attempt to kidnap her!" I angrily shouted but they all just let out a sardonic laughter.

Tita Colleen's expression softened when our teary eyes met. Umiling siya habang hawak parin ng lalaking nasa likod niya ang beywang at leeg niya.

"Oh. A fresh and virgin young woman. Don't you think she's perfect for the sacrifice?"

Napaatras ako ng lumabas ang isang matandang lalaking naka-coat and tie at fedora hat. Puno din ng iba't ibang singsing ang mga daliri niya. I can sense greediness on his presence.

"Take her." Utos niya at agad naman akong hinawakan ng mga lalaking naroroon sa magkabilang balikat.

"No! No! Please! Take me instead of her! I volunteered to be your sacrifice!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw ni tita. The old man turned to her with a creepy smile on his ugly face.

"Did I heard it right? You volunteered?"

"Yes. Just let her go."

"Fine then. Take the other woman." He ordered and his ugly minions followed.

Tinangay nila ang walang kalaban-laban na si Tita Colleen papasok sa van nila. Sinipa ko pa ng malakas sa maselang bahagi ang lalaking nasa kanan ko para makawala ako pero maagap naman ang nasa kaliwa ko na bumunot agad ng baril at itinutok sa akin.

"What are we going to do with this girl, master?"

"You know what to do to the intruders."

"Ugly fat duckling like you old man breaks promises. No doubt why you grew that way. Old and freaking ugly!" I mocked and he angrily faced me.

"Kill that brat!"

Kaagad siyang sumakay sa van niya at ilang sandali lang ang lumipas bago ito naglaho sa paningin ko. Puwersahan akong hinila ng mga lalaki at ang tanga nilang kidnapper dahil hindi man lang nila tinakpan ang bibig ko.

"Cameron!" Malakas kong sigaw para humingi ng tulong sa tanging tao na sa tingin ko ay makakatulong sa akin sa mga oras na iyon.

Nagulat na lamang ako ng biglang tumilapon sa malayo ang lalaking nasa kaliwa ko kanina. Maging ang nasa kanan ko ay natigilan din. Pareho kaming nabigla ng sakalin siya ng lalaking kasama ko kanina. Napansin ko pa na nakaangat na mula sa buhangin ang armadong lalaki at halos hindi na makahinga. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako sa sobrang pagkakabigla at takot. The gleeful brown eyes of the man I am with awhile ago turned red and I didn't even know that he has this inhuman strength.

"Ca... Cameron?"

Nang hindi na humihinga ang lalaki ay binitawan na niya ito at hinayaang mahulog sa buhangin. Panay ang pagtaas-baba ng dibdib ko sa kaba habang nakatitig sa mga pula niyang mata. Bumalik sa natural na kulay ang kanyang mga mata ng humakbang siya palapit sa akin.

"Si.. sino ka ba talaga?" Nauutal kong tanong habang nagpatuloy ako sa pag-atras.

"Coco, let me explain everything."

---

I didn't even know how many times I blinked while listening to Cameron's explanation. Ilang beses kong naibuka ang bibig ko pero maagap din namang isinara habang nakaupo sa sofa ng living room at nakikinig sa kanya.

He admitted that his family has this mafia named Chess Pieces and they're not just a simple mafia because their father is a demon. The literal one. Gusto kong matawa na ewan. Mababaliw na ata ako dahil akala ko ay sa mga cases ng Mystic Club lang ako makakakilala at makakakita ng mga tulad nila. But I am wrong! This situation I am in right now is so off-tangent.

"We're doing legal business on the morning but we're into the illegal ones on the evening. We're pioneering in the mafia world because we have this extraordinary strength and ability because we're demons."

Cameron patiently told me everything. May narinig akong kalabit ng baril sa gilid ko at agad kong naramdaman ang malamig na dulo ng pistol na hawak ni Thygo na nakatayo naman sa gilid ng sofa na kinauupuan ko. Can I still survive here after this big revelation?

"You've already said a lot brother. Can I kill her now?"

Ganun na ba talaga niya kagustong wakasan ang buhay ko? Parang gigil na gigil na siyang makita ang pagdanak ng dugo ko dito sa sahig nila.

"As far as I know, demons use human disguise to interact with mortals. Does that mean na nagpapanggap lang kayo ngayon?" I asked as I recall this content from Wren's journal.

"No. Young demons like us don't know how to use human disguise. What you are seeing right now are our true appearance, unlike our father who uses human disguise of a twenty seven year old man because he's one of the oldest demons alive." Cameron answered before turning his attention onto his brother.

"Thygo, kindly put it down. You're scaring her."

"After knowing everything about us, I think she needs to die."

Hinilot ni Cameron ang sentido niya at bumuntong-hininga. "Ako ng bahala sa kanya."

Ibinaba ni Thygo ang pistol na hawak niya at iniwan na kaming dalawa ni Cameron sa sala. Images of my helpless Tita Colleen was replaying inside my memory vault. She needs my help. Nanunubig ang mga mata kong nag-angat ng tingin kay Cameron. Kahit ano pa siya ay wala na akong pakialam. Kailangan kong iligtas si Tita Colleen.

"Cam, I've heard the bad guys who abducted tita talked about making her a sacrifice. Can you... can you help me save her? Please?"

"Coco, tanggap mo ba kung ano ako?" He suddenly asked and I stared at him for awhile.

"I don't care of what really you are but I want you to know that I'm seeing you as a human."

Sumilay ang isang ngiti sa labi niya at tinanguan ako bilang tugon. Nagtungo kami ni Cameron sa kwarto niya. He switched his iMac computer on to check the background of those abductors. We found out na magbubukas ng isang hotel si Mr. Caesar Langdon, the old ugly fat duckling na kumidnap kay tita. May-ari din ito ng bar na pinasukan namin kanina.

"Anong gagawin nila sa sacrifice?" Tanong ko kay Cameron na may kinakalikot parin na kung ano sa computer niya.

"It's a human sacrifice Coco. I guess that business man thought of doing some satanic ritual to ensure the success of his hotel."

"Sigurado ka ba dyan?" Di makapaniwalang tanong ko ulit.

"I'm sure. Greedy men like him will do everything for his own advantage."

"We need to find my tita before it's too late."

"And I know where to find them."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng kwarto niya at papunta sa kotse niya. He started the engine then drove fast that it made me gripped on my seatbelt tightly and pray a safe trip for the both of us.

---

Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari dahil sa sobrang bilis ng mga kilos ni Cameron. Halos walang binatbat ang mga armas ng mga lalaking nagbabantay sa paligid ng bagong hotel na itinayo ni Mr. Langdon. Mabilis naming narating ni Cameron ang pinakatuktok na floor kung saan naroroon ang matabang gahaman at ang tita kong walang malay na nakahiga sa isang malaking lamesa na pinapalibutan ng mga itim na kandila.

May ibinubulong na kung ano sa hanging ang matanda. Sa sobrang inis at galit ko ay binato ko siya ng bungo na nakita ko sa gilid. Nanlilisik ang mga mata niyang lumingon sa akin pero hindi ako nagpatinag. Pakiramdam ko kasi ay masyadong mahina ang isang to. He's a greedy mortal who does know nothing about this thing.

"What are you doing here?!"

Hindi ko pinansin ang galit niyang tanong at sa halip ay kaagad kong tinungo ang kinaroroonan ni tita para palayain siya mula sa mga taling nakapulupot sa mga kamay at paa niya. Habang kinakalagan ko si tita ay ramdam ko ang matinding galit ni Mr. Langdon sa gilid ko. Napatingin ako sa banda niya ng may marinig akong malaking bagay na nalaglag. Nabitawan ni Mr. Langdon ang hawak niyang bungo na sa tingin ko ay ihahampas niya sana sa akin pero naunahan na siya ni Cameron na sinasakal na siya ngayon at nakaangat na sa sahig ang kanyang mga paa. Naramdaman ko na naman ang takot na nararamdaman niya. Nawe-weirduhan na talaga ako sa sarili ko.

"Who... who are.. you?" Nahihirapang tanong ni Mr. Langdon.

"My kind is what you are summoning."

Nakatalikod sa akin si Cameron pero alam kong kulay pula na ngayon ang mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin habang hinihintay niya ang dahan-dahang pagkalagot ng hininga ng matanda. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkakalag kay tita. Even if I owe him something, I still don't like the idea of killing people. The very thing which the both of us varied. He's a demon who ends up the life of whoever comes their way and I'm a mortal who strongly dislike such idea.

---

"Opo nanay uuwi na kami ni Tita Colleen dyan. Sige po at susunduin ko na siya."

Kaagad ko ng tinapos ang tawag naming dalawa ni nanay para tapusin ang pag-aayos ko ng mga gamit. Tinext ako ni Tita Colleen at nasa bus stop na raw siya at nag-aantay sa akin. Sasama na kasi siya sa akin pauwi ng Pilipinas. Namatay na kasi ang nanay niyang Amerikana isang taon na ang nakalipas. Ginipit siya ng babaeng inuutangan nito at inalok ng ganoong trabaho ng sa ganun ay mabayaran niya ang utang ng yumaong ina.

Isinilid ko na ang iPhone ko sa bulsa ng aking pants at isasabit na sana sa mga balikat ko ang aking backpack ng may biglang magsalita sa likuran ko na agad ko namang nilingon.

"You think you can go home alive?"

Hindi ko maintindihan kung bakit pero bigla akong nakaramdaman ng takot sa taong humahakbang palapit sa akin. I took a step aback when I witnessed how his raven eyes shifted into a red colored one.

Nagpatuloy ako sa pag-atras hanggang sa naramdaman ko na lamang ang malamig na pader sa likuran ko. Nanginig ang tuhod ko ng ikulong niya ako doon gamit ang mga palad niyang nakasandal sa magkabilang gilid ko. He slightly lowered his head to meet my eyes.

I really felt scared whenever he's around and he gave me chills just like Azrael but knowing that the latter is an angel somehow lessens the fright I have for him. But this beast standing so close to me is really terrorizing my whole system. Hindi ba niya alam na epektibo ang mga death threats niya sa akin?

"Hmm?"

"Just.. just let me live.. Hinding-hindi na ako magpapakita pa sayo. Pangako." Kinakabahan kong wika.

I can feel his hot and manly scented breath against my right cheek and it made me more uncomfortable. Didn't he noticed that I'm trembling already?

"Please. Maawa ka naman. Bigyan mo pa ako ng chance mabuhay at hinding-hindi mo n-"

I was cut off in mid-sentence when he suddenly brushed his lips against mine. It only lasted for a two or three seconds but it made my sensory neurons behaved in an outrageous manner turning my brain into an incalculable fiasco.

I stood frozen, still in the efficient state of shock when he drew himself away from me. His eyes returned into its natural color. I stared at him in so much awe as he stood up properly in front and smirked at me.

"Just make sure that we'll not see each other again because I won't let you leave breathing anymore."

He turned his back on me and began walking away. Damn! Thygo just stole my first kiss! But the memory of his soft and sweet lips against mine felt..... something and I just found my heart pounding rapidly inside my chest.

➖➖➖

Balik club at paranormal mystery na tayo next update. 😃

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top