Chapter 10: Misadventures of Coco in California (Part 2)

Misadventures of Coco in California (Part 2)

Soundtrack: Mean by Taylor Swift

Cameron is nineteen years old and he's taking up his last year in Engineering in college at Cambridge University. Kahit nineteen pa siya ay nasa 5th year college na siya dahil accelerated daw siya. He's in California right now to spent his summer vacation. July pa lamang ngayon at bakasyon pa para sa mga kanluraning bansa.

Marami-rami din kaming mga napagkwentuhan sa kotse niya habang nasa daan and that made me feel comfortable towards him.

"Whoa. Bahay-bakasyunan niyo lang ba talaga to?"

Namamangha kong wika habang pinagmamasdan ang mga full glass walls nila. Pababa kami sa mahabang staircase nila mula sa main door. I'm too stunned to describe its content.

"Make yourself feel at home while I ask the maids to prepare dinner for us."

Paalam ni Cameron na sinang-ayunan ko naman. Hindi parin ako makapagsalita sa sobrang pagkamangha sa nakikita ko. Nang masulyapan ko ang labas ng glass wall nila ay nakita ko ang isang malaking pool na overlooking sa dagat. Ang pader naman na nasa loob ng bahay no scratch that, mansion to ay kulay puti. Mamahaling marble ang sahig at napakalinis at organized ng paligid. I even spotted maids na naka-Victorian uniform. Yaman naman. Pero bakit nagnanakaw pa siya?

Naglibot muna ako sa paligid niyon. Dumapo ang mga mata ko sa mga picture frame na nasa ibabaw ng shelves sa living room. Isa paring malaking palaisipan sa akin kung bakit nagnakaw si Cameron gayong ganito naman pala sila kayaman.

"Who are you?" A baritone voice said from behind.

Nanigas ako ng maramdaman ang malamig na dulo ng isang bagay sa likod ng ulo ko. Kahit nakatalikod ako ay alam ko kung ano yun. It's a freaking gun!

"I'm asking you. Who are you?"

"I... I'm Coco Quizon." Kinakabahan kong sagot.

"Your name sounds stinky."

Napasinghap ako sa narinig. At nang-insulto pa talaga. Gagalaw sana ako kaso biglang diniinan nito ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko. Oh my ghad. Ang kawawa kong brain cells baka magkalat kapag ipinutok niya iyon sa ulo ko. I raised my both arms surrendering myself to the man behind me. Gusto ko pang makauwi ng buhay sa Pilipinas.

"I'll do and give you everything just please don't kill me." Pakikiusap ko sa kanya.

Sinasabi ko na nga ba at dapat ay hindi na lamang ako sumama kay Cameron dito. Hindi ko alam kung bakit may baril ang lalaking ito pero sa tingin ko ay tama ang hinala kong kasama sa isang sindikato si Cameron. Jusko naman! Ang tanga ko! Kaya nga sikat ang 'Don't talk to strangers di ba?'.

"Turn."

He ordered and I immediately follow. Ayoko pang mamatay. I turned to face him and I was surprise to see the man behind. Nakasuot ito ng puting button down na tanging ang dalawang huling butones lamang ang nakabutones. Showing a wonderful sight of his perfectly sculptured abs and chest. Napansin ko din ang black diamond earring na nasa kanang tenga niya. His jet black hair suits him very well. His aristocratic nose, striking jaw and naturally red and kissable lips can make every woman drool and salivate.

Napalunok ako ng muling paraanan ng tingin ang kabuuan niya. Shit. To say that this man is hot is an understatement. He's dreadfully sexy! Geez. Never really thought that men could be this sexy. When I met his piercing dark eyes, I stood frozen. Pinaraanan niya din ako ng tingin at ibinalik iyon sa aking mga mata habang nakataas ang isang kilay. Itinutok niya ang baril sa noo ko na dahilan ng paninigas ko sa aking kinatatayuan.

"You have nothing. Should I kill you now?" He asked.

"Babe?"

Napabaling ang atensyon ko sa magandang babaeng nasa hamba ng kabubukas lang na pintuan. Nakabalot ito ng puting kumot at mukhang alam ko na kung bakit. Teka, she's familiar. Nanlaki ang mga ko ng mapagtanto kung sino ang nakikita ko. Yong sikat na model sa American Showbusiness na galing din sa pamilya ng mga modelo. Oh my ghad. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi iyon sa araw na ito.

The curves, the nose and the lips are very popular among men who scanned her magazines for pleasure and entertainment. Lumapit ito sa lalaking nasa harapan ko na nakatingin parin sa akin. She snaked her left arm on his back while her other hand was holding the piece of cloth that covers her body.

"Who is she?" She asked the guy and began kissing his neck.

Parang wala lamang iyon sa lalaki na hindi parin natitinag sa paninitig at panunutok ng baril sa akin.

"Some brainless intruder."

The famous model stopped kissing him and threw a sideward glance on me. Itinuon niyang muli ang atensyon sa lalaki at kinagat ang earlobe nito bago may binulong na kung ano. Ni tango ay wala man lang sinagot ang lalaki kaya naglakad na ang modelo pabalik sa kwarto na pinanggalingan niya.

"Thygo, she's my guess."

Napatingin ako sa palapit na si Cameron na kalmado lang. Parang normal lang sa kanyang makakita ng baril ah? Nagtaas ng kilay ang tinawag niyang Thygo pero hindi parin nito ibinababa ang baril na hawak niya. Kung hindi man ako mamatay sa putok ng baril niya ay baka atakehin naman ako sa puso dahil sa takot.

Napansin ko ang pag-iling ni Cameron. Lumapit siya sa amin at ibinaba ang kamay ng lalaki na may baril.

"Ako ng bahala sa kanya. Bisita ko siya and I owe her something."

"Just make sure that she wouldn't stay here for long. I don't want to see some stray animals wandering around this house."

Aba! Mabilis kong isinara ang bibig kong nakabuka para sana magprotesta. Sa halip kasi na umangal ay pananatilihin ko na lamang na tikom ang aking bibig at baka tuluyan na niya ako. Tumango si Cameron kaya umalis na si Thygo. Buong akala ko ay papasok ulit siya sa kwarto na pinanggalingan ng model kanina pero ibang daan ang pinuntahan nito. I exhaled when he was out of sight. I didn't know that I was actually suffocated all through that minutes.

"Sino yon?" I asked Cameron and he turned to face me.

"He's my older brother, Thygo."

"Brother? E bakit di kuya ang tawag mo sa kanya?"

"When you are westernized, you wouldn't addressed the elders such terms. In fact, he's just twenty years old."

"Nag-aaral pa ba siya?"

"Nope. Just like me accelerated din siya. He's already managing our business for two years now."

Nagpatango-tango naman ako sa paliwanag ni Cameron. They're really from a smart clan if I'll baseđ it on his stories.

"Ano bang business niyo?" I asked and he flashed a cunning smile.

"Secret."

Biglang sumagi sa isipan ko ang sikat na modelo kanina.

"Girlfriend ba niya yong sikat na modelo kanina na lumabas dyan?" Tanong ko sabay turo sa pinto ng kwarto.

"Nope."

"Fiancee?"

"Hindi."

Ngayon ay kumunot na ang noo ko. My previous guesses were incorrect.

"Then what are they?"

"She's just one of his bitches and fuck buddies."

Napaamang ang bibig ko sa isinagot ni Cameron pero agad ko din naman iyong isinara ng matandaan ang kabuuan ni Thygo. The concrete epitome that sexiness and gorgeousness also associate men. It's not impossible if famous female personalities drooled over him.

"Coco, nakahanda na yong hapunan. Halika na." Anyaya ni Cameron sa akin. Naalala ko tuloy na kanina pa pala ako hindi kumakain ng kahit ano.

Sinundan ko siya papunta sa dining room nila. Nalaglag ang panga ko sa mga nakakatakam na pagkaing nakahanda doon. Napatingin naman ako sa nakangiting mukha ni Cameron.

"Eat all you can." Aniya sabay lahad sa mga pagkaing nakahanda sa mahabang lamesa.

Mabilis akong naupo sa isang silya at walang kaabog-abog na nilantakan agad ang mga pagkain. Gutom na gutom na talaga ako at sa mga ganitong panahon ay hindi ako natatablan ng hiya. Cameron chuckled lightly as he sat down on the chair next to me. Sinabayan niya akong kumain habang nagpatuloy sa pagseserve sa amin ang mga katulong nila.

Pagkatapos naming kumain ay parang puputok ang tiyan ko sa kabusugan. Hinatid ako ni Cameron sa guest room kung saan muna ako matutulog. Thygo doesn't want me around kaya nagpaalam na ako kay Cameron na aalis agad ako kinaumagahan.

"Goodnight, Coco."

Pipihitin ko na sana ang doorknob kaso napatigil ako at humarap ng nakangiti kay Cameron. Now that I've proven he's a good guy, I didn't regretted coming with him here.

"Goodnight Cam. Nga pala, matanong ko lang. Mayaman na kayo di ba? Bakit ka pa nagnakaw kanina?"

"Ah. Yun ba? I just feel like doing some actions to lessen the boredom of my vacation."

He retorted smilingly and I made a face. Wow ha? Action? Naging extra pa ako. I'm the supporting character who suffered all the consequences.

I greeted him goodnight once again before entering the guest room. As what I expected ay hindi basta-basta ang laki at dating ng kwartong pinasukan ko. Tinanggal ko mula sa magkabilang balikat ko ang mga strap ng aking backpack at inilapag iyon sa ibabaw ng kama. Naupo ako doon at dinama ang lambot ng kutson gamit ang mga palad ko. When I was satisfied, I threw myself on the bed completely and covered myself with the blanket. It was a long tiring day. I need to have some rest. I'm still going to find Tita Colleen tomorrow.

---

Hinila ko pababa ang laylayan ng short sleeved skater dress ko ng tangayin iyon ng hangin na nagmumula sa dagat.

Mabuti na lang talaga at may naitabi pa akong ilang mga damit sa backpack ko pero gaya kahapon ay ang sneakers parin ang suot ko. I didn't even had the chance to styled my hair kaya nakalugay lamang ito ngayon at malayang sumasayaw kasabay ng umiihip na hangin.

Maaga akong umalis sa bahay nina Cameron. Ayaw ko kasing maabutan pa ako ni Thygo. Who am I to against him? I'm just an intruder and stray animal according to him. May attitude problem din iyong isang iyon.

Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Cameron dahil tulog pa daw ito. Pero nag-iwan naman ako ng note sa mga katulong para magpasalamat sa kabaitan niya at pagtulong sa akin.

Para akong timang na inabot na ng tanghali kakalakad sa kahabaan ng buhangin ng Zuma Beach. Sa pagkakaalam ko kasi ay naririto lang si Tita Colleen pero saan? Hindi ko naman makontak si nanay dahil sa kabusugan ko kahapon ay nalimutan ko ng i-charge ang cellphone kong na-low batt. Wala pa akong nakakain na ano sa almusal. I can't survive in this place alone.

Pinuntahan ko si Tita Colleen kanina sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya kaso wala siya roon. Nagtanong ako sa mga kasama niya at ang sabi nila ay wala naman daw silang kakilalang empleyado doon na Colleen Quizon. Dismayado ako sa di ko malamang dahilan. Did Tita Colleen lied to us? Di ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

Awtomatikong kumulo ang tiyan ko sa gutom nang dumapo ang mga mata ko sa stall ng nagtitinda ng hotdog. Hinawakan ko ang tiyan ko ng di inaalis ang mga mata doon. Gutom na talaga ako! I need to find a way para makakain.

Napatingin naman ako sa isang matandang lalaki na naka-ball cap at may dalang gitara na nakatayo sa maliit na stage na itinayo niya. May mic sa harapan nito at kumakanta siya ng 'Imagine' ni John Lennon. Nakabukas naman ang lalagyan niya ng gitara para sa donasyon ng mga tao. I ran my gaze around but the people doesn't seem to pay much attention on him.

It saddens me to witness how unaware the others are for this old man's presence. I suddenly feel the urge to help him. Nagpunta ako sa direksyon ng matanda na ngayon ay nahinto na sa pag-awit.

"Good morning mister. Can I borrow your guitar for awhile? I'm gonna help you."

Nakangiti niyang inabot sa akin ang gitara niya at bumaba na siya mula sa mini stage na ginawa niya. Isinabit ko na ang leash ng gitara sa katawan ko at tumungtong na sa stage. I inhaled for air and then exhaled it. Lumapit ako sa may mic para i-check iyon. Nang mapatunayan kong maayos naman iyon ay nagsimula na ako sa pagkaluskos ng gitara.

"You, with your words like knives
And swords and weapons that you use against me
You, have knocked me off my feet again,
Got me feeling like a nothing"

The people began to turned their attention on me. Some went near me while others took pictures and videos of me using their smart phones.

"You, with your voice like nails
On a chalk board, calling me out
When I'm wounded
You, picking on a weaker man"

Others began filling the guitar case with some coins and dollars.

"You can take me down
With just one single blow
But you don't know what you don't know
Someday, I'll be living in a big old city
And all you're ever gonna be is mean
Someday, I'll be big enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be is mean
Why you gotta be so mean?"

The crowd lend their ears intently as I keep on singing the song which I don't know why I chose.

---

"Thank you so much but it's yours."

Marahang itinulak ni Uncle Steve ang kamao kong may hawak ng perang nakuha ko kanina. Ngumiti ako at umiling. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa palad niya.

"I told you that I'll help you right? So this is for you."

The old man's expression softened at my remarks. He insisted again to give it back to me.

"I'll just take some to buy something to eat."

I took an enough amount of money so that I can buy myself a hotdog on stick. Aayaw pa sana si Uncle Steve pero pinigilan ko siya at tuluyan ng nagpaalam sa kanya. Muli siyang nagpasalamat sa akin na tinanguan ko naman.

Patakbo kong tinungo ang stall na nagbebenta ng hotdog at bumili ako ng isang piraso doon na sakto lang sa pera ko.

"Thank you!" Nakangiti kong wika sa tinderang nag-abot sa akin ng order ko.

My ghad gutom na gutom na ako. Nagsimula na akong maglakad habang pinagmamasdan ang pagkaing pinaghirapan ko kahit papaano. Kakagatan ko na sana iyon nang biglang may kotseng bumusina ng napakalakas sa gilid ko dahilan para matapon ko sa sobrang gulat ang hawak kong hotdog.

Nanlumo ako ng makita ang sinapit ng pagkain ko. Malapit na yon sa bibig ko e! Ni hindi ko man lang nakagatan kahit konti! Nagpatuloy sa pagbusina ang may-ari ng kotse pero tila napako na ang mga mata ko sa hotdog.

Isang malakas na pagsara ng pinto ng kotse ang narinig ko bago ko nakita ang isang mamahaling Italian shoes sa paningin ko na katabi ng natapon kong pagkain.

"What's wrong with you, woman? I keep on telling you to step aside."

Nag-angat ako ng tingin sa pamilyar na boses na iyon. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil si Thygo nga iyon.

"Ikaw na naman? Are you stalking me?" I asked and he laughed, the kind when you are mocking someone.

"Dream on. Could you get out of the way? You're blocking it." Seryoso niyang wika.

Sinulyapan ko ang kotse niya at nalaglag ang panga ko ng makilala kung anong modelo iyon. The man who's oozing with gorgeousness and hotness is driving an Aston Martin Volante Vanquisher! He's a freakin' rich kid!

Hinarap ko siyang muli at nilahad ang kaliwang palad ko sa harapan niya. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

"What's that for?"

"Bayaran mo yong natapon kong hotdog."

"Is that how you take money from others? Well, sorry to tell you, but I'm not buying it."

Tatalikuran na sana niya ako kaya maagap kong hinawakan ang kamay niya. Gutom na talaga ako. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"Please? Gutom na gutom na talaga ako. Humanap ako ng paraan para makabili ng pagkain tapos natapon lang ng ganoon kadali."

I don't care anymore if I sounded desperate. For goodness sake, I'm starving to death.

"Take your hands off me." He commanded emphasizing each words.

Nakaramdam ako ng takot sa kanya kaya agad kong binitawan ang kamay niya. Even without gun, I could still feel some inexplicable terror within him. I feel like he's too dangerous for me and he's controlling something from his inside to get out.

"Sorry."

Napayuko ako at tumabi sa gilid ng daan. Hindi ko siya tinapunan ng kahit na anong tingin at hinayaan siyang paharurutin ang sasakyan niya palayo sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at naramdaman ko na lamang ang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata. Ayokong husgahan siya agad na masama at walang puso dahil kakakilala lang namin pero hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Gusto ko lang namang kumain dahil gutom na gutom na ako. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking mga palad.

"Gusto ko ng umuwi ng Pilipinas."

I miss everyone I left there. Ibang-iba si Wren kay Thygo. If he's here with me he wouldn't do the same thing that the latter did. I was about to completely hate the sexy beast named Thygo but his luxurious car materialized in front of me.

"Get in." Nakatiim bagang wika niya habang nasa daan parin ang mga mata.

Nagtaka naman ako sa kung anong klaseng hangin ang umihip at dinala siya pabalik dito para pasakayin ako. Nang hindi ako sumagot o gumalaw man lang ay ibinaling niya ang mga nakakahumaling na mata sa akin. His dark eyes were piercing as his black diamond earring shines and it horrifies me even without him saying anything.

Parang may sariling buhay ang mga paa ko ng tinahak nila ang distansya sa pagitan namin ng kotse niya. Nang makapasok ako sa loob ay walang imik niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Huminto siya sa isang fast food chain na may drive thru. Cheeseburger lamang ang tanging narinig kong inorder niya sa babaeng nagniningning ang mga matang pinagmamasdan siya. Hindi ko kasi nasundan ang iba niyang sinabi dahil sa dami at pagiging hindi pamilyar ng mga ito sa akin. When he received his orders, he immediately turned the car's engine into life and he motioned the steering wheel.

Panay ang sulyap ko sa mga naka-take out na lalagyan ng fastfood chain na iyon sa backseat. Hindi ko man aminin ay naglalaway na ako habang pinagmamasdan iyon. Thygo wasn't really bad as I thought.

---

Do vote and share. Leave your comments too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top