Chapter 1: Vengeful Cadaver
Vengeful Cadaver
"Coconut!"
Agad kong sinamaan ng tingin ang bestfriend kong si Tobbie nang patakbo nito akong lapitan. Bahagya akong tumingala dahil mas matangkad siya kompara sa akin.
"Coconut, ang club natin!"
Habol niya parin ang hininga nang tuluyan na siyang dumating sa harapan ko. Eleven years na kaming magkaibigan nito. Hindi naman siya bakla pero kung minsan ay naghihinala ako sa kanya dahil dinaig niya pa ang babae kung magsalita.
"Bakit? Anong nangyari?"
"I'm sorry, Coco but you and Tobbie must have to leave your clubroom and it's effective immediately today. Tinanggal na ng board ang club niyo sa listahan dahil dadalawang members lang parin kayo hanggang ngayon and you still haven't done any activities."
Napalingon ako sa likuran ko kung saan nakatayo ang bagong president ng Supreme Student Council na si Gelm kasama ang tatlo pang lalaki na member din. Nag-iwas ako ng tingin at kinuyom ang mga kamao ko.
Matagal na nilang pinag-iinitan ang club ko. Kesyo wala raw kaming nagagawa. Kesyo wala raw kwenta ang sa amin. He slightly lowered his gaze on me because I'm not really as tall as him.
"The student police needed your clubroom for their own."
Bahagya naman akong kinalabit ni Tobbie at binulungan. "Ipaglaban mong clubroom natin, prend."
"Hindi kami papayag." Mariin kong wika.
Umayos ng tayo si Gelm and motioned his fingers to order his fellows to walk past us and went inside our clubroom.
Hinila-hila ni Tobbie ang manggas ng gray blazer ko. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kung pinipilit niya akong ipaglaban ang club namin.
"It's an order, Coco."
Wala na akong nagawa ng nilagpasan niya kaming dalawa ni Tobbie. Bumitiw si Tobbie sa pagkakahawak sa aking blazer at inis na napapadyak ng kanang paa.
"Coconut naman e! Sana pinaglaban mo!"
Bumuntong-hininga ako at seryosong hinarap ang nagmamaktol na si Tobbie.
"Tobs, masakit mang aminin pero sa tingin ko wala na talaga tayong magagawa. Malakas ang hawak ni Winona sa SSC."
"That witch! Ang sama talaga ng ugali nun! Paano na tayo makakatulong niyan sa iba?"
"Hayaan mo na. Clubroom lang naman ang kinuha sa atin."
"Prend, tinanggal narin ang mismong club natin sa listahan." Nakapameywang niyang paalala sa akin.
"Look Tobbie, we can still help even if they won't recognize our club. Mystic Club parin tayo at tutulong parin siyempre tayo sa iba. By any means." I stated emphasizing the last sentence.
Napabuntong-hininga siya na para bang suko na at tinanguan na lamang ako. Tinungo namin ang aming clubroom at kinuha ang mga gamit namin mula roon.
---
"Coco, halika na."
Tumango ako kay Tobbie na nauna ng maglakad sa akin bitbit ang dalawang kahon. Pinaraanan kong muli ng tingin ang buong sulok ng aming clubroom. A part of me felt sad for the sudden departure but the other part says that the Mystic Club doesn't ends in this four walls and our real adventure was just about to begin. I sighed at that thought. Pampitong buntong-hininga ko na siguro ito sa araw na ito. I don't exactly know because I already lost counts.
Binuhat ko ang isang medium size na kahon at sumunod na sa nag-aantay na si Tobbie sa akin sa labas ng pinto.
Nakatalikod ako ng ikandado niya ang aming clubroom. Sinadya ko talaga iyon para hindi ko ito makita sa huling pagkakataong pagmamay-ari pa namin iyon. Nang matapos si Tobbie ay binuhat na niyang muli ang mga dalang kahon. Pareho naman kaming nagtaka nang may mga estudyanteng tumatakbo papunta sa may kung saan.
"Anong meron? Oy! James, anong meron dun?"
Tanong ni Tobbie sa hinihingal naming kaklase na papunta rin sa direksyon na tinatahak ng iba pa. Huminto ito sa harapan namin at sandaling pinunasan ang pawis sa noo gamit ang manggas ng kanyang blazer.
"May natagpuang patay na estudyante raw sa Anatomy Lab."
"Talaga?!" Gulat at magkapanabayan naming tanong ni Tobbie.
"Oo. Grade 11 daw na taga- Class D."
"Sige. Salamat."
Tumango ang huli at umalis na. Nagkatinginan kami ni Tobbie at dali-daling tinungo ang pinangyarihan. Nakisiksik kami sa kumpol ng mga estudyante at mga teacher na naroroon bitbit parin ang mga kahon.
"Excuse me po. Excuse. Excuse." Wika ni Tobbie sa mga naroroon.
Nang marating namin ang pintuan ng Anatomy Lab ay nahinto kami roon dahil sa police line na nakalagay. May mga pulis ng nag-iimbestiga sa loob at halos masuka ako sa nakita.
Isang lalaking estudyante ang nagbigti gamit ang bob wire at nanuot ang mga spikes nito nang sobra sa kanyang leeg. Patuloy parin sa pag-agos ang dugo mula doon at dilat na dilat parin ang kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw kong makakita ng pugot ulo on the spot dahil konting-konti na lang ay mapuputol na ang ulo nito kaya siguro medyo nahihirapan ang mga pulis na alisin ito roon. An instant decapitation is not really a good sight.
"Omygash! Ano ba ito?!" Bulalas ni Tobbie sa tabi ko.
"Tito Ken! Tito Ken!"
Nang ibaling ko ang atensyon sa kanya ay naabutan ko itong kinakawayan ang inspector niyang tiyuhin. Lumapit ito sa amin.
"Oh Tobbie! Anong ginagawa niyo rito ni Coco?" Nagtatakang tanong nito sa amin.
Nasulyapan ko naman sa loob si Wren na seryosong nakatingin sa bangkay. Malamang ay sinusuri niya ito nang maigi. But the mere image of a headless student sooner would definitely be terrifying!
"Tito, pwede po ba kaming pumasok? Baka po makatulong kami."
"Kasi ano Tobbie e...." Kinamot ni Tito Ken ang batok niya. Sign that he's doubting if he'll allow us inside. Ayoko rin naman no!
Napangiwi naman ako ng dumapo ang mga mata ko sa babaeng nag-aala Sherlock kasama ni Wren. Winona.
"Sige na po please. Hindi po kami manggugulo."
"Sige na nga. Basta wag kayong hahawak ng kahit ano lalong-lalo na iyong posibleng mga ebidensya."
"Opo! Promise po!"
Bahagyang inangat ni Tito Ken ang police line na nakaharang doon at pinapasok kami. Noong una ay ayaw ko pa pero hindi na ako nakapalag pa nang hinila ni Tobbie ang palapulsuhan ko.
Ang nakataas-kilay at halukipkip na si Winona ang bumungad sa amin. I even heard Tobbie tsked.
"What are the losers doing here?"
Pinaraanan niya kami ng isang nang-iinsultong tingin mula ulo hanggang paa bago umangat ang isang gilid ng kanyang labi.
"I see. Napalayas na pala kayo ni Gelm."
Hindi ko narin napigilan ang sarili kong mag-angat ng isang kilay sa kanya. She's the newest vice president of the SSC. What would I expect from her drastic superiority complex?
"If I know, naiinggit ka lang sa club namin kaya kinuntsaba mo ang SSC para patalsikin kami."
Nagpakawala siya ng isang nang-iinsultong tawa sa sinabi ni Tobbie.
"And why would I do that?"
"Kasi nga unique kami."
Humalukipkip si Winona sa harapan namin nang hindi inaalis ang nakakainis na ngisi sa kanyang labi.
"Poor Tobbie. Don't make another fool out of your foolish self."
"Stop it Winona."
Naagaw naman ni Wren ang atensyon namin nang magsalita siya nang hindi inaalis ang mga mata sa crime scene. Wren Isaiah Avila is the silent achiever unlike this bitchy bragging machine here. He excels in almost every subject and he has this unfathomable appeal towards ladies because he's undeniably handsome. With his brown clean cut hair, aristocratic nose, angled jaw, perfectly proportional and imposing appearance, no doubt he's the ideal man of every damsel. Of course, I wouldn't fail to recall those descriptions about him because I used to jot down those terms in my essays before in which he was the topic- inspiration. But when he chose to joined Winona's detective club I told myself not to like him since then. Ayoko kasing isipin na kasapi siya ng mga taong nangmamaliit sa aming club. However, I never heard of an insult from him.
Nagsquat siya sa sahig at may kung anong sinuri roon. Bukod sa magandang hitsura at talino nito ay pinagkakatiwalaan rin ito ng mga pulis sa mga ganitong sitwasyon. Kaya siguro nakapasok ang bruhang ito rito.
"Anong nangyari dito?" I asked gathering all my senses back.
"Duh? Do you still want us to state what's obvious?" Maarteng tugon ni Winona.
Itinikom ko na lamang ang bibig ko sa halip na kausapin siya. Maging si Tobbie ay pinilit na maging tahimik sa tabi ko.
"Basing on the rigor mortis of the body, he died four hours ago." Sagot ni Wren bago tumayo.
Sinulyapan ko ang itim kong wristwatch at napag-alamang alas-sais y media na ng umaga. Isang oras na lang at magsisimula na ang klase namin. So most probably, he died around 2 o'clock in the morning.
"The security personnel found the dead body at 5:57 am. Napansin kasi nilang nakabukas ang Anatomy Lab kaya pinasok nila." He added.
Sinulyapan kong muli ang crime scene. May monoblock chair na nakatumba sa malayong gilid. Maaaring suicide case nga ito kung pagbabasehan ang crime scene.
"Wala bang ebidensyang nagsasabi na nanlaban ang biktima?" I asked and Wren shook his head.
"This is really a suicide case."
"Teka, wala bang nangyaring foul play?" Tobbie suddenly queried.
"None of these evidences here indicated that there's a foul play."
"Hindi kasi ako kumbinsidong suicide to e." Mahinahong giit ni Tobbie na gusto kong sang-ayunan. "Anong pangalan niya?"
"Denver Ruiz. Grade 11 student of Class D." Winona answered impatiently.
"Nagdo-dorm ba siya rito?"
"Oo. What's with your questions? You're playing detective now? Oh please Coco, you're always a bum in this term."
"Masama na pa lang magtanong ngayon?"
"Tob, hayaan mo na," pigil ko kay Tobbie. Nang-iinis na ngumisi si Winona sa amin.
"Akala mo kung sino kang magaling ha."
"Magaling naman talaga ako at ang club namin. Unlike the two of you."
Naging malakas na ang away nina Winona at Tobbie kaya naman sinita na kami ng mga pulis na naroroon. Natahimik silang pareho nang magbanta ang mga itong paaalisin kami sa crime scene.
"Ano pa bang dapat alamin dito? Apparently, suicide to. No doubt about that. If it is his reason why he committed suicide that bothers you then psychology can answer it. Maybe, stress and pressure or any certain life event triggers the suicidal part of his brain," Winona stated.
"Tatanungin kita bruha, kung magpapakamatay ka anong gagamitin mo? A simple rope or a bob wire?" Natigilan naman sandali si Winona sa ibinatong tanong ni Tobbie sa kanya. Nang nakabawi na siya ay agad siyang humalukipkip at nagtaas ng kilay sa amin.
"So, anong pinapalabas mo? When your suicidal part activates, you would only think of any possible ways to end up your life."
Sa halip na pigilan silang dalawa ay nag-isip akong maigi. Kung ako ang magpapakamatay, I still don't find including the use of bob wire in my so called list of ways in ending my life.
"Come to think of it. Magpapakamatay na nga lang ang isang tao ay bakit pahihirapan niya pa ang sarili niya?"
Tinapunan nila ako ng nagtatakang tingin. Maya-maya pa ay natawa na si Winona.
"You two are ridiculous! You think that there's supernatural whatever behind this? Oh come on! Wag kayong stupid!"
"Don't worry, mas mukha ka namang stupid."
Sinamaan ng tingin ni Winona si Tobbie na agad namang tumahimik. Dumako ang mga tingin ko sa umiiyak na babaeng kausap ng mga pulis at ni Wren. Lumapit ako sa kanila at nakinig sa kanilang usapan.
"What's your name?" Tanong ni Wren sa babae.
"Aileen Jimeno po."
"Kaano-ano mo si Denver?"
"He's my boyfriend," tugon ng babae at tuluyan nang humagulgol habang nasa mukha ang mga palad.
"Anong napapansin mo sa ikinikilos ni Denver nitong mga nakaraang araw?"
"Napansin ko pong madalas siyang balisa at kung minsan ay tinatawagan niya pa ako na hindi daw siya makatulog sa gabi. Pansin kong nagsasabi po siya ng totoo dahil sa mga eyebags niya. Ang sabi niya po sakin ay may naririnig daw siyang bumubulong sa kanyang magpakamatay."
"Kailan nagsimula iyon?"
"Noong nakaraang linggo pa po pagkatapos ng klase namin dito sa Anatomy Lab."
"Araw-araw ba ang schedule ng klase niyo rito?"
"Hindi po. Sa katunayan, iyon yong unang araw ng klase namin dito."
"Anong huli niyang sinabi sayo?"
Muling lumipad ang mga palad ni Aileen sa kanyang mukha at humagulgol.
"Ga... gawin ... daw.. po... si-siyang cadaver."
Tumango si Wren sa itinugon ng babae. I stood frozen when his tantalizing brown eyes met mine.
"What can you say about this case?"
"I- It's weird kahit pa sabihing nagpakamatay nga siya."
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Shems! Umayos ka Coco! Sinulyapan ko siya sa gilid ng aking mata at napansin ko ang kanyang pagtango. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-angat ng mga gilid ng kanyang labi.
➖➖➖
Do vote and share this. ☺
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top