5
Nagising ako sa kadahilanang may sumampal sa‘kin. Ayos din naman ah ganito ba sila magpagising ng nakikidnap? Nananampal sampalin ko kaya utak ng mga to.
Nakatitig ako sa lalaking nasa harap ko ngayon at ang lawak ng ngisi ah. Dinaig pa si satanas na nakahithit ng katol.
“Naaalala na kaya di mystein lahat?”
Tanong nito.
“Aba, malay ko. Mukha bang hawak ko utak non? At ako ang tinatanong mo?”
“Tssss... Sa pagkakaalam ko kasi kaya mo s‘yan ginawang kaibigan kasi may kasalanan ka sa kan‘ya tama ba?
Natigilan ako at pansamantalang nakatitig sa kan‘ya ano bang gustong palabasin nito?
Ngumisi ako. “At pano mo naman nalaman huh? Kaibigan ko si mystein.”
“Kaibigan? O kinaibigan lang?”
“Siraulo kaba? Ano bang gusto mong sabihin huh?”
“Masisira kaya ang relasyon n‘yong lahat na magkakaibigan kapag bumalik ang ala-ala ni mystein? Pag nagkataon maaaring hindi kuna na ako maki alam sa pagmatay sa inyo dahil alam kung sa kan‘ya palang patay na kayo.”
“So, gagamitin mo ang alaala ni mystein para makaganti? Pano kung bumalik ang ala ala n‘ya at isa kadin sa puntirya n’ya remember kilala ka padin ni mystein kahit nawalan s‘ya ng alala ‘yon ngalang kilala kalang n‘ya bilang kalaban sa gang pero pag naalala n‘ya kung sino ka talaga.” ngumiti ako.“ mula ulo hanggang paa, chap chap ka.” dagdag ko.
Nakatikim ulit ako ng pangalawang sampal galing sa kan‘ya.
“What the f*ck kaba? Di mo ba ako titigilan sa kakasampal mo sa‘kin? Tang*na nito.”
Magsasalita pa sana ito ngunit nakadinig kami ng malakas na putukan kaya naman napatakbo ang iba palabas sa H.U na ito at naiwan tong sumampal sa‘kin.
•••••
√Mystein point of view√
•••••••
Papasok ako ng sofa para sana magpahinga pero bumungad sa‘kin si chairman.
“Ano pong ginagawa n‘yo dito?”
Tanong ko.
“Nakaupo, ikaw?”
“Nakatayu.”
Tumawa s‘ya at lumapit sa‘kin. “Ilang months at ngayon lang ulit kita nakita apo kumusta kana?”
“Ito si mystein padin.”
Sagot ko saka naupo.
“Kumusta pag aaral mo?”
Tanong n‘ya ulit.
“Ayon walang pinagbago nag aaral padin.”
Kunot noo akong napatingin sa kan‘ya ng tumawa ito ng malakas.
“HAHAHAHAHAHAHAHA kahit... Kahit nawalan ka ng alaala wala padin pinag bago ang ugali mo?”
“Hindi naman ugali ko ang nawala sa‘kin kunti ang alaala ko. And besides sumasakit padin ang ulo ko tanging pain killer lang ng napapawala sa tuwing umiinom ako.. Kayo nadin mismo ang nagsabi na hindi pa nakukuha ang bala sa ulo ko... Hanggang ngayon , kayat madaming pain killer ang nasa kwarto ko bakit ba ayaw n‘yong ipatanggal ang bala na nasa ulo ko? At bakit ganon nawalan ako ng alaala?”
“Ang sabi ng doctor nong nabaril ka sa ulo tumama ang ulo mo sa semento dahilan para mabagok ka dahilan ng pagkawala ng alaala mo.”
“Eh yong bala?”
Tanong ko na kinatahimik n‘ya. ‘yong tipong parang ayaw n‘yang sabihin sa‘kin ang mga nalalaman nila. Ano to? Mabubuhay nalang ba ako na puno ng kasinungalingan?
“Pagtinanggal ang balang nasa ulo mo, posibleng mamatay ka.”
Napaatras ako ng kunti.“Hindi paba sapat na halos mamatay na ako sa sakit tuwing kikirot ang ulo ko? Hindi paba sapat ang mga pain killer ko. Chairman? I’m tired.”
Lumapit s‘ya sa‘kin.
“Pasens’ya kana apo... Pero hindi ka ooperahan hanggat di bumabalik ang alaala mo.”
“Putang*nang alala ‘yan.”
Bulong ko , pero alan kung nadinig n‘ya.“Kapag bumalik ang alala ko, at kapag masasakit lang naman din ang alaalang nakaraan ko magpapaopera ako. Kung mamamatay man ako idi mabuti.”
Saad ko.
All this time may taning pala ang buhay ko? All this time maaari na pala akong mamatay kaya naman pala laging sumasakit ang ulo ko sa tuwing magagalaw ito ng malala at sa tuwing mapapa isip ako ng malala kaya laging dala ko ang pain killer. Yon din ang reason kung bat tahimik ako lagi, paki ramdam ko kasi sa tuwing magsasalita ko sumasakit ang ulo ko.
“A-apo?!”
Ngumiti ako saka kinapa ang cp ko na nasa leader jacket ko.
“Oh?!”
Sagot ko don sa tawag.
“[He-hello ba-tang*na mo ka brix tumahimik kanga. He-hello babe si b*llshit brix ano ba]”
“Ano ba kailangan mo kuya?”
“[Si al-alex nakidnap, nakita namin kanina may isang doctor ang kumuha ka kan‘ya. Ano gagaw—]”
Hindi kuna pinatapos ang sasabihin nito binaba ko kaagad ito saka mabilis na umalis pero bigla kung nakasalubong si Papa kaya ako napahinto.
Magbibisa sana ako pero tinapik n’ya ang kamay ko. Kaya hinayaan ko nalang.
Hanggang ngayon galit padin s’ya sa‘kin. Hyytttssss!!!
“Aalis kana naman? Mabuti sana kung umalis ka pag balik ko kasama muna ang kapated mo? Pero baka nga pag umalis ka isang buhay na naman ang mawala ng dahil sa‘yu.”
Saad ni papa na kina tigil ko.
“Huwag ka po mag alala, darating ’yong time na wala ng mystein kayong makikita. Makakaganti nadin kayo sa‘kin.”
Nakangiting saad ko.
Pero deep inside nasasaktan ako. Kinagat ko ang sarili kung ngipin ng makaramdam ako ng kirot ulo ko. Buo na ang disesyon ko kahit di pa ako magkaron ng alaala at makatapus ako sa pag aaral papatanggal kuna ang balang nasa ulo ko.
Kinuha ko ‘yong pain killer na nasa kabilang bulsa ko saka ito binuksan kumuha ako ng dalawa saka nilunok ito at tuluyan din akong umalis.
Pinaandar ko ‘yong motor ko at panay pikit ako dahil nandidilim ang paningin ko pero bumabalik din naman agad. Dumiritsu ako sa ospital dahil sabi ni kuya sa txt andon daw sila mag hihintay.
Pagkadating ko don bumaba din naman agad ako ng motor.
“O-oh b-babe ang putla mo? Ayos kalang ba?” may pag aalalang tanong ni kuya sa‘kin.
Tumango ako bilang sagot.
Lumapit naman si riley naiilang akong tumawag na kuya sa kanila eh di ko naman sila kaano ano.
“Mukhang nilalagnat ka ah.” saad nito pagkatapus mahawakan.
“Bakit?”
Tanong ko.
“Ang init mo kasi eh.”
Sagot n‘ya.
“Buhay ako eh.”
Sagot ko na kina iling n‘ya.
“Pano ‘yan mystein nilalagnat ka. Pano si alex? Wala kaming alam about sa barilan kung sakali.”
Saad ni lixian.
“Don’t worry alam ko kung sinong kumuha kay alex. Ako na magliligtas sa kan‘ya kung gusto n‘yong sumama merong mga baril sa likod ng sasakyan ni kuya kumuha nalang kayo.”
Saad ko.
Napatingin naman ang lahat kag kuya na tila parang nagtatanong.
“Te-teka? Ba-bat gan‘yan kayo makatingin? Wa-wala akong alam d‘yan.”
Kuya said na tila kinakabahan.
”Eh pano kung di pumutok ang baril?”
Tanong ni brix.
“Sa inyo nga pumuputok kahit di kinakasa baril pa kaya.”
Napakamot naman sila sa batok dahil sa sinabi ko.
“Pano kung di mamatay kalaban namin.”
“Oh, idi patay kayo.”
Sagot ko.
Saka sumakay ulit ng motor. Bahala na sila sa buhay nila kung susunod sila sa’kin o hindi ang mahalaga mailigtas ko si alex.
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top