44

Umupo kaming dalawa ni Jay sa tabi ni Mystein saka ito niyakap.

“Oh, yari sa inyo?” tanong n‘ya.

“Niyayakap ka namin para atleast pag namatay ka,  nayakap kana namin sa huling pagkakataon.” natatawang saad ni Jay kaya napatawa din ako


Bigla namang naging tahimik ang paligid nang biglang magseryuso ang mukha ni Mystein dahilan para mapalayu kaming dalawa ni jay.

“I’m sorry.”

“Sorry saan?” tanong ko.


“Sorry for didn't save ken,  Hindi ko sinasadyang mawala s‘ya. Hindi ko sinasad‘yang mamatay s‘ya.” panandaliang natahimik ako.


Ngumiti ako para ipakitang ayos lang,  pero deep inside talaga di pa ako handang mamatay si ken hindi ready sa ganitong bagay. “Wala ka namang kasalanan mystein
” sagot ko.

“Tama si Alex ,  wala kang kasalanan at isa pa ang mahalaga ngayon buhay si Marvin ,  buhay ang kuya mo mystein.”

“A-Alam ko. Pero panigurado alam nadin ito ni Clarence, natatakot akong malaman n‘ya ang lahat na napahamak si kuya nang dahil lang sa‘kin kasi for sure mag aaway na naman kamo nito.”

Napakagat labi ko nasabi ko kasi don sa body guard ni Clarence ang nangyari naku,  patay!

“Saka muna isipin iyan,  ang mahalaga tapus na ang klase at bukas bakasyon na oh diba? Bukas malaya na lahat pwede na natin gawin ang mga bagay na ikakasaya natin nang walang tumututol.” saad ni jay.


Siguro nagtataka kayo na wala si Marvin dito sa Dispensary tama kayo wala talaga s‘ya dito. Ang Cboys ang naghatid sa Luxwell Hospital hindi ko nga din alam e dahil gusto kung sumama pero tila may iniiwasan sila na maaari kung makita sa ospital  kaya ayaw nila akong pasamahin.

Ano naman kaya tinatago nila sa ospital na iyon?

__

√Lixian Poinf Of View√

•••••••••••••

Nasa unit kami ni Riley ngayon except with zed na nag aayos nang mga gamit n‘ya sa office n’ya. Isang araw nalang babalik na kami sa dati naming buhay at wala manlang kaming naiambag sa University na ito kundi puro katarandahuhan lang.


“Anong plano n‘yo?” bigla kaming napatingin kay Arvin nang putulin nito ang katahimikan.

“Plano? Anong plano?” pagtatakang tanong ko.



“Alam n‘yong iisang ospital lang si Stephen at Marvin diba? Pano kung malaman ni Zed at Mystein na buhay pa si Sk? Idi for sure magkakagulo? Alam mo naman ang dahilan kung ba’t naitago natin si Stephen diba? At sinabing inilibing na pero ang totoo nasa Luxwell Ospital lang pala.”

“Sino ba kasing may sabing sa Luxwell ospital n’yo dalhin si Marvin? Pag nagkataon na bumisita si Mystein or zed hindi talaga maiiwasan na makita  nila si Stephen dito.”

Oo tama kayo nang basa nong araw na nawalan nang malay si mystein bigla kaming dumating non at nagmadaling dinadala si stephen sa ospital tanging si dawn lang ang nakakaalam pero ngayon kami nalang dahil wala na si Dawn. Itinago ni Marvin si Sk dahil sa mga nalaman n’ya at andon kami nong time na malaman n‘ya ang totoo.



Hindi kami sumunod agad dito sa M.U dahil kay Stephen nong time na napadalhan kami nang unang black envelope sakto din ang time na nagising si Sk oo tama kayo nang basa matagal nang gising si Sk pero nasa Ospital padin ito alam n’yo kung bakit  dahil pinapatanggal ni Marvin ang lahat nang ala ala ni Sk para makalimutan si Mystein.

Sk is not a good lover for mystein ,  nong una di kami naniniwala pero naniwala din agad kami dahil sa mga sunod pa na nangyari.

“Ba’t di nalang natin sabihin ang totoo,  kasi pag sina mystein pa mismo ang makasaksi na buhay si sk hindi lang gulo ang mangyayari.”

Saad ni Brix.


“Hindi naman malalaman ni Mystein at Zed na buhay si Sk eh,  dahil kahapon umalis na ito nang pilipinas at utos iyon nang papa ni Mystein.”


“Kaya ba pumunta si Teto sa ospital? Hindi lang para kay Marvin kundi para din pala kay Sk? Ba’t di n‘ya pinakulong si Sk?”

“Simple lang kapag nalaman ni mystein na buhay si Sk at pinakulong nang papa n‘ya doble ang magiging galit  ni mystein dito. Kaya tama ang ginawa ni Marvin na ipabura ang ala ala ni sk at tama din ang ginawa ni teto na ipadala si Sk sa ibang bansa. Alam nadin ito nang parents ni Zed si zed nalang ang di pa nakaka alam nang lahat.”


“Teka?” singit ni Brix. ”Hindi ko maintindihan? Ano bang ginawa ni Sk kaya naging ganito ang lahat?”


”Naalala mo iyong si Ayesha na pinatay ni Marvin?”


“Oo.”


“Iyon ang inutusan ni Sk na patayin si mystein.”

“Patayin,  hindi iyan ang nalaman ni Marvin nong time na iyon?” pagtatakang singit ni Riley.



“Ang gulo n‘yo naman,  ano ba talaga?” nakangusong tanong ni Klient.

“Alam ni Sk na si Zed talaga ang mahal ni Mystein nong una pa kaya minabuti n‘yang patayin ito pero sadly hindi n’ya nagawa dahil alam n’yang pag ginawa n’ya iyon talo  s’ya. Ginamit n’ya si Ayesha para patayin si Mystein pero nalaman ito ni Marvin. Actually hindi si marvin ang tuluyang pumatay kay Ayesha kundi si Sk pinatay n’ya ito para di na makapagsalita.”

Tumango tango silang lahat na para bang naiintindihan na nila ang paliwanag ko.

“Pero  bakit?” tanong ulit ni klient.


“Iyon ang isa sa dahilan at ayaw nang sabihin ni Marvin. At saka hayaan n’yo na mabuti nga buhay Si Sk diba? Kung di man si SK AT MYSTEIN sa isat isa baka sa kambal ni Mystein pwede sila.” sagot ni Adrian


Huminga kami nang  malalim.

“Hanep din kasi ang buhay ng mga Valdez mala wattpad ang story eh noh? Siguro kung italata lahat nang mga sanaysay nang buhay nila kulang pa ang isanv buong pahina nang libro sa tindi nang mga nangyayari sa kanila.”

“Huwag mo sabihing nag babasa ka nang wattpad lixian?” tanong sakin ni  riley

”Bakit bawal ba?”

”Himala badboy tapus wattpad reader,  angas ah. Kailan pa?”

”Nong nauso ang possessive reader.” sagot ko na kinatahimik namin.


“Kaya pala manyakis ka.”

“Lol,  manyakis pinagsasabi mo. Mas maganda kasi magbasa kaisa manood.” sagot ko na kinatawa nilang lahat.

Bakit?

Masama bang magbasa nang story sa wattpad?


“Ikaw lang naman nanonood non nong di pa uso ang wattpad.”

“Uso na ang wattpad nong naipanganak ako.” sagot ko pinagbabatukan naman nila ako isa isa.


”Hay naku dre,  baka naman gawin mo iyang binabasa mo sa babaeng gusto mo huh?”


“Tanga nagbabasa lang ako pero hindi ako manyakis ba’t ko naman gagawin sa kan’ya kung pwede naman akong gumawa nang sarili kung posisyon hindi ba? Tanong ko.

“Posisyon panga. Pano kung wattpad reader din ng babaeng makuha mo.” natatawang tanong ni Brix.

“Ang swerte ko naman kung ganon,  kung wattpad reader man naksss asan na bat ang tagal mapunta sa‘kin.”

Nagtawanan silang lahat saka tumayo. ”San punta n‘yo?” tanong ko.

“Kakain sama ka?” saad ni riley.

Tumayo nadin ako sakto gutom na ako eh.

__

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top