39

Nasa room kaming lahat ngayon nanatiling tahimik wala din naman akong sa mood kung magsalita dahil sa totoo lang lutang na ang utak ko masakit padin kaya ang buo kung katawan.


“MS PRIMUS,  HINDI BA NASA VIP ROOM KA NGAYON PANO KA NAKALABAS AT SAN KA DUMAAN?” tanong nang isa naming instructure saka tumingin sa‘kin.



“Sa pinto.”



“I KNOW NA SA PINTO BUT,  PANO KA NAKALABAS?”



”Dumaan ako sa pinto.”

“MS PRI—.”



“Ahh.. Mrs sorry pero isa si Mr Uno ang dahilan kung ba’t nakalabas si Primus,  at sa tingin naman namin si Ms Primus ay walang ginawang mali.”


”OO NGA!” pag sang-ayon ng lahat sa sinabi ni jayjay habang ako isinubsub nalang ang mukha ko sa disk.



____

√Alex Point Of View√



•••••••••••••

Napatingin kaming lahat kay mystein tahimik habang nakasobsob ang mukha sa disk.

”Ok nevermind but make sure na handa kayong ipagtanggol ang Ms President kapag dumating dito ang Leader ng board director.”


“YES MA’AM.” sagot naming lahat except kay Mystein.


Huminga ako ng malalim saka binalik ang sarili ko sa hawak kung libro siguro naman oras na muna para makinig ako sa lesson eh wala na yata akong natututunan eh. Ok lang sana kung magkasing talino kami ni mystein eh,  bobo din ako minsan eh magpapabaril din kaya ako sa ulo para kahit papano mas lalo akong tumalino.



“Ayos lang ba si mystein?”

tanong sa’kin ni ken kaya tumingin ako dito.“Aba,  malay ko. Ikaw ang fiance dapat alam mo kung ok lang ba si mystein o hindi.”


”Ikaw tinatanong ko kasi ikaw ang kaibigan.”


“Sino ba future husband?”


”Ako,  eh sino ba ang kaibigan?«


“Ako.” turo ko sa sarili ko.



”Oh, idi ikaw ang may alam.” sagot n‘ya tumingin naman ito sa mata ko kaya nakipagtitigan din ako sa kan’ya. Tssskk! Porket magkapated kami papatalo na ako sa kan‘ya excuse me lang ah.



”TO ALL C-U THIS DAY MAGKAKAROON TAYU NG DEBATE.”

”WWWWOOOOOOHHH NICEEEEE!!”

“Ma’am about sa anong ang pagdedebate?”


“Naakkksss by group po ba?”



”OO AND FOR GROUP 1 IS THIS ROW.” turo sa linya ng kinauupuan namin. So meaning kasama ko si ken sa dibate kasama ang mga 50 kung classmate. “AND THIS ROW IS GROUP 2.” turo sa linya nila mystein so meaning kasama ni mystein si jay at ibang student bali sa room na‘to nasa 100+ ang mga student kasi ang course na kinuha nila is civil engineer yah tama kayo ng basa ako si jay ken at mystein is nasa civil engineer madaming course dito pero nasa high section kami bali sa building nato mula first floor to 5 floor is puro civil engineer pero iba iba ang section.

“Start na po ba ang debate?”



“YAH. FOR GROUP 1 IS LOVE AND FOR GROUP 2 IS MONEY.” saad nito.

Samot samong reaction ang bumuo dito sa room dahil sa di nila gusto ang sa money pero maya maya din naman  naging maayos na  ang lahat at tumahimik na.  Napatingin ulit ako kay mystein at tulad kanina wala pading paki alam sa lahat.


”GROUP 1 START NA,  AND THE NEXT IS GROUP 2.”

Tumayo ang isa naming classmate para simulan ang debati kaya napatingin kaming lahat dito.



“For me love, Kasi ang love hindi lang para sa taong minamahal mo kundi para sa lahat. Wala kang kaibigan kung hindi ka marunong magmahal para sa‘kin hindi mahalaga ang pera sa panahon ngayon ang mahalaga ang love kasi ito ang nagpapatibay sa lahat. Kung wala ka nito eh hindi ka tao kasi di ka marunong magmahal.”



”Money.” saad nong sa kabila. “Hindi ka mabubuhay kung wala kang pera. Tama ka mas mahalaga ng love pero surw kabang magkakaroon ka ng madaming kaibigan if puro lang love ang pinapairal mo? And mali ka sa part na kung di ka marunong magmahal hindi ka mabubuhay no! mabubuhay ka , pero hindi ka mabubuhay kung wala kang pera kasi unang una ang pera tustusin para sa pagkain hindi pang habang buhay nasa love ka nakatuon matutu kang humawak ng pera para may makain ka para sa’kin mahalaga ang money so i choice  money.”



”Money? Tsssss! Pinipili lang iyan ang mga taong walang alam sa love hindi ka mabubuhay kung walang love at walang pagmamahal ng pamilya mo. Kasi unang una mas nauna ka nilang minahal kasi sa perang pinaglalaban mo.”


”Mali ka,  mas nauna nilang minahal ang pera bago nila ako minahal. Kaya mas mahalaga padin ang pera sa panhaon ngayon.”


”Sige,  sabihin na nating mahalaga ang pera. Pero sa tingin n’yo ba magiging masaya kayo kapag pera lang ang meron kayo at walang minamahal?”


”Oo. Kasi ganito lang iyan eh. Kapag may pera,  kapag madamu kang pera mas mamahalin ka ng lahat,  mas makikilala ka ng lahat kasi may pera ka alam mo kung bakit? Kasi karamihan sa mga tao ngayon plastik pag may pera ka mas lalapit sila sa’yu.”


“Tama ka.” saad nong sa group namin.“ ikaw na mismo ang nagsabi na sa panahon ngayon madaming plastik. Siguro kasi kaya ka plinaplastik kasi puro pera lang ang alam mo at hindi ka marunong mag mahal.”


“Really?” tanong sa kabila.“May pera kaman sa wala ,  may pagmamahal kaman o wala? Paplastikin ka padin kasi alam mo kung bakit? Sa panahon kasi ngayon kapag umaangat ka hihilahin kana pababa kasi takot malamangan tulad ng love na pinaglalaban mo ngayon kapag nagmahal ka masasaktan ka padin.”


“Tama ka,  pero atleast meron kang pagmamahal. Nabubuhay kang may pagmamahal sa puso eh ang money pagnamatay ka walang dadamay sa‘yu kasi di ka marunong magmahal mas inuna mo ang pera kaisa sa makilala at big‘yan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magmahal.”



Kunot noo akong palipat lipat ng tingin sa group namin at sa kabila dahil sa kadahilanang hindi kuna sila maintindihan. Ako si jay ken at mystein ito nanatili lang tahimik at walang balak makisali sa mga debate na nagaganap ano ba kasi pinaglalaban nila pareho.



“FOR GROUP 1,  ONE POINT.”


“YOOOOOWWWWWNN!!” naghiyawan ang mga kagroupmate ko dahil sa one point na natanggap namin. Tssssk one point palang naman.



“GROUP 2 KAYO ANG MAUNA SA DEBATE. LOVE OR FREINDSHIP. GROUP 1 IS FOR LOVE AND GROUP 2 IS FOR FRIENDSHIP.” saad ni ma’am.



”Love,  para sa‘kin love mas mahalaga ang love kasi one in a lifetime lang ito darating sa buhay mo. Once in a lifetime kalang din magiging mas masaya sa buhay.”



“Pasa sa‘kin friendship,  kung papipiliin ako mas mahalaga ang pagkakaibigan  ang love kasi ad’yan lang iyan eh madami kapang makakasalamuha na tao na maaari mong mahalin pero ang kaibigan bibihira kalang makakita ng totoo sa‘yu kaya para sa‘kin mas pipiliin ko ang kaibigan.”


“Tama ka,  bibihira mulang matagpuan ang totoong pagkakaibigan pero kapag ba natagpuan muna ito sure kabang totoo ito sa‘yu? Uso ang plastikan ngayon kapag mahina ka ibabackstob ka.”


“Tama ka,  pero hindi ba mas malala ang love bakit sure kabang totoong mahal ka ng taong iniibig mo? Para sa‘kin kasi ang love hindi minamadali iyan eh. At di mo sure kung matutulungan ka sa problema mo. Ang love na pinaglalaban mo mas madaming laru mas madaming nasasaktan kasi unang una ang love nagkukusang tumibok. Kung mahal kaman ngayon baka bukas pangalawa iiwan kana.” sagot nong sa group namin. Naakksss ang gagaling ah.

“Iiwan ka kung tanga ka,  ba’t mo pipiliin ‘yong taong hindi siguradong mahal ka.”



“That's the question,  bakit nga ba? Kasi ganito ’yan ang love hindi mo pwedeng diktahan hindi mo pwedeng turuan ang puso mo kung sino ang mamahalin mo. Sa friendship naman lahat pwede mong kaibiganin mas doble ang saya na mararamdaman mo kaisa sa love.”


“MAGALING MS JAY ANONG MASASABI MO?” napatingin ako kay Jayjay ng tanungin ito ng instructure namin.


“Magaling.” sagot ni Jay.


“IKAW MS ALEX? ANONG MASASABI MO SA KA GROUPO MO?”


”Magaling.” sagot ko.


“WALA NABA KAYONG DALAWANG IBA NA ISASAGOT KUNDI PURO MAGALING? ANG GUSTO KO SABIHIN MS JAY KUNG ANO ANG ISASAGOT MO SA SINABI SA KABILA.”




Napakagat labi si jay saka tumayo para magsimulang sumagot. “Well para sa‘kin it’s love.” sagot nito tapus tumalikod saka bumulong. ”Atleast naman mag pagpipilian pa ako.” bulong n‘ya na kinatawa ko.

Pfftt! Tama nga naman wala na s’yang pagpililian.



”SO WHY YOU CHOOCE LOVE?”


“Yan binigay mo samin diba?love.”

“WHATEVER SO EXPLAIN YOUR SIDE AFTED YOU,  MS ALEX IKAW ANG SUMAGOT.” tumango para sumang ayon.




”Love, ang love ay sumisimbulo ng pagmahal sa kapwa,  sa sarili sa buhay at sa lahat ang love ay hindi lang para sa taong minamahal mo kundi para sa lahat masakit man o masaktan kaman ayos lang lilipas din ’yan at magmamahal ka ulit. Para sa’kin ang love ay isang kakambal ng tao na kung saan  may kulang sa’yu kapag hindi ka nagmahal. Na kung saan kahit madami kapang kaibigan meron padin kulang at tila may hinahanap padin ang puso mo ng totoong pagmanahal hindi mo kailangang mag explain hindi mo kailangang isabi ang nararamdaman mo kasi nagkukusa itong maramdaman ng taong minahal mo. Kung hindi man‘ya mapansin well huwag mong tatawaging hindi marunong magmahal o manhid siguro kasi nagmamahal din s‘ya pero hindi ikaw ang gusto n’ya the point is ang love nagpapagaan ng loob at nagpapasakit kung gusto mong gumagaan ang loob mo ako piliin n‘yo totoo ako magmahal.”

Halos maghiyawan ang lahat sa sagot ni jay dahilan para mapatingin sa’kin si ken. Aham HAHAHAHAH.



“love? Naniniwala kaba talaga sa love?” tanong ko. “Kasi ako hindi. Hindi ako naniniwala sa love hindi ako naniniwalang kapag nagmahal ka magiging masaya ka.”

“Tama ka.” singit ni jay. “At wala akong sinabing pagnagmahal ka magiging masaya kana.”


”Tama kadin.” sagot ko. ”Pero sa point mo ganon padin napopoint ng sinabi mo na love magiging masaya ka. Actually no! Sa love walang pinipili gustuhin mumang di masaktan ibahin mo man ang nakatadhana sa’yu dadating at dadating padin ang time na masasaktan ka. Kasi sa love walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Kaya para sa’kin friendship kasi sa pagkakaibigan masasabi mong mas magiging masaya ka. Mararanasan mong maglakbay ng masaya. Mararanasan mong magtupad ang pangarap mo na masaya at higit sa lahat always and’yan kapag nagigipit ang isa.”



“Tama ka, pero kahit ganon tinataguan padin ng secreto hindi ba?” napakunot noo ako sa sinabi ni jay na naging dahilan tila nagkakatitigan ang bawat isa saming lahat dahil sa tanong na iyon.



“OK SA GROUP NINYO PAREHONG MAGALING SUMAGOT WALANG MAY GUSTO MAGPATALO AT WALANG GUSTONG MAGPANALO KAYA NAMAN MASASABI KUNG SOBRANG ANG GALING NG SECTION N’YO BUT BEFORE I’LL GIVE THE PONTS LET ASK MS PRIMUS KUNG ANO ANG MASASABI N’YA SA LOVE OR FRIENDSHIP FOR SURE MAY MAGANDA S‘YANG IPAPAYO.”

saad nito natahimik naman kaming lahat saka tumingin kay mystein na ngayon ay nakasubsub padin ang mukha nito sa disk. Di kaya natutulog na naman to?



Ilang sigundo kaming nakatitig sa kan’ya hanggang sa makaramdam ito na tila tumahimik kaya umangat ito ng tingin at isa isa kaming tinignan sa mata na walang kareareaction ang mukha.

Lagi naman e.




“SO MS PRIMUS ANONG MASASABI MO SA LOVE OR FREINDSHIP?”


”oh,  anong meron d‘yan?”




“MERON KABANG SASABIHIN?”



“Wala.”


“MS PRIMUS,  LAHAT NG CLASSMATE MO NAG PARTICIFATE SA DEBATE IKAW LANG ANG HINDI.”



“oh tapus?”



“KAYA NAMAN BINIBIGYAN KITA NG PAGKAKATAON PARA MAGSALITA KUNG GUSTO MONG MAGKAROO KA NG POINTS SA‘KIN SO ANO? PARA SA‘YU LOVE OR FRIENDSHIP?”



“Ganito lang iyan eh.” walang ganang pagsisimula ni mystein kaya minaigi naming makinig.” Ang love parang ice lang iyan eh kapag pinasok mo sa ref titigas.”

Napatanga kaming lahat sa sagot ni mystein.

“HUH?” kaming lahat.


“Ang friendship naman,  tulad ng kaldero kapagnilagyan mo ng bigas syempre isasaing mo tapus maluluto tapus kakainin mo.” dagdag na sagot n’ya.



”MS PRIMUS ARE YOU OK?”



“Oo naman.”



“THEN YOUR ANSWER IS NOT RELATED TO OUR TOPIC. WHERE THE HELL YOU GET THAT STUPID ANSWER?”


“In my mouth.”


“TALAGA BANG INIINIS MO AKO MS PRIMUS? PANO MO IDEDEFIND ANG LOVE AT FRIENSHIP?”


“Ba’t kailangan pa ng defind ganito lang iyan eh. Huwag kang magmahal at ayawan mo ang pagkakaron ng kaibigan.”


“I’LL ASK YOU IN A GOOD QUESTION MS.”



“Then I answer you.”


Napailing nalang ako. Basta si mystein talaga ang tinatanong nakakabobo ang sagot.




“GUSTO MO BANG BUMAGSAK MS PRIMUS?”




“May grade na ako remember? Nasa 99 panga eh.” sagot nito na kinanganga namin.

Teka sandali? Ba’t kami wala.




“PANONG NAGKAROON KA NG GRADE?”



“Nag advance exam ako para macheck lahat ng list ng student dito sa M.U ako inutusan n‘yo remember.”

Mystein said.

Magsasalita pa sana ang isa samin ng pumasok ang admin ng Board member.

“MYSTEIN LAWRENCE LUXWELL VALDEZ!” gulo na naman to for sure.

____






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top