36
Nanatili kaming naka upo sa gilid habang naka bantay kay mystein. Yong halikang naganap kanina?wala na samin iyon mabilis naming nakalimutan at nanatili nalang na tahimik.
“Alam n’yo ba kung bakit sobrang mahalaga sa’kin ang kapatid ko?” napatingin kaming lahat kay Marvin ng magsimula itong magsalita habang nasa gilid ni mystein at hinahagod ang buhok nito.“Kasi s’ya lang ang nagparamdam sa‘kin na mahalaga ako.” he said.
Lahat kami tahimik.
Walang may balak magsalita.
At pinapakinggan ang bawat boses ni marvin na bumabalot sa pagilid namin.
“Pre?”
“Hindi ako nagdadrama mga dude kung iyan ang nasa isip n’yo. Gusto kulang iparating sa inyo na masasaktan ako kapag may nangyaring masama sa kapatid ko.” tumigil ito sa pagsasalita saka tinignan ang mukha ni mystein.
“Sa tuwing dumadaing s‘ya sa sakit ng ulo n’ya nadudurog at nadudurog ang puso ko. Kasi sa totoo lang kahit sabihin nating magdodoctor ako pero wala akong magawa sa kapatid ko. Ni hindi ko matulungan sa tuwing sasakit ng ulo n’ya.”
“Lahat ng bagay mula sa simula palang ako na ang inaalala n’ya. Kahit sabihing Galit na galit si papa sa kan’ya pero heto nanatili padin s’yang nasa tabi ko.”
“Bakit ba kasi galit na galit si teto kay Mystein?” tanong ni Lixian.
“Hindi galit si Papa gusto n’ya lang iparamdam kay Mystein kung pano mabuhay ng mag isa. Laging sinasabi ni papa sa’kin na kahit anong mangyari huwag kung pababayaan si Mystein na lagi akong nasa tabi nito. Pero ngayon muntik na s’yang mapahamak dahil sa kagaguhan n’yo.”
“Dude, wala naman kaming balak sa kapatid mo.”
“Accedente lang ang lahat pre.”
“Pasensya na dre.” Isa isa kaming humingi ng tawad sa kan‘ya.
Oo na nagsisi na kami sa kagaguhan na ginawa namin. ”Si mystein nalang ang nag-iisang kapatid ko na natitira sa‘kin. Ikakamatay ko kung mawawala s’ya sakin.” he said.
“Hmmmm.” sabay sabay kaming napatingin kay Mystein ng Umungol ito.
Ito ang unang beses na hindi kami matutulog para lang bantayan ang nag iisang babae at dahil kasalanan namin ok lang naman maging ganito kami noh?
“Zed? May Punish paba si mystein?”
“Oo.”
”What? Hindi mo manlang pinagtanggol si mystein?”
“Board Officer ang kalaban ko.”
”But dude, alam naman nating ikaw ang owner ng M.U diba? Kaya wala silang magagawa kapag kinontra mo ang mga patakaran nila.”
”I’m not the owner.” sabay sabay kaming napatigil dahil sa sinabi ni zedrick.
Nagmarka sa isipan namin ang sinabi n‘ya at hindi iniisip kung totoo ba ito o nagbibiro lang.
“Kidding.” natatawa na sabat ni Riley.
”Naalala n‘yo ba nong time bago naging Mysterious University ito? Nong Monteverde University ito ako ang may ari at pinamahala ko kay Teto. Yon din ang time na hindi ko alam na buhay pala si Sk bawat nagaganap na kababaglahan sa University na ’to alam ko dahil laging may nag uupdate sa’kin except sa pagsabi ng totoo na buhay ang kambal ko.”
”Ano ba kasi ang story ng University na to bago naging M.U?” tanong ko.
“Base sa nalaman ko merong studyante dito na nagpakamatay. Na naging dahilan kung ba’t nasunog ang lunch counter sa kabila.”
”Tapus?” tanong ni Klient habang nakasiksik kay brix.”Na-nalaman ba ang dahilan kung bakit nagpakamatay? At kung bakit nasunog?” sunod na tanong ni brix.
Umiling si zedrick saka tumingin kay Marvin kaya napatingin din kami dito. Pero nagtaka nalang din kami ng umiwas ito ng tingin.
”Hindi nalaman ang dahilan. Hanggang ngayon! Pero base sa balita isang multo at nagmumulto padin hanggang ngayon.”
Sabay sabay kaming napakuha ng kumot dahil sa Salitang Multo. Kung nang aasar man to? Sana bangungutin sana bukas.
”Teka sandali? Eh bakit sabi pinatay ang dating ssg president dito?”
”Tama ka.”
”Bakit pinatay?” tanong ko habang nananayuan ang mga balahibo ko. Tang*na gabi pa naman ngayon mga tsong.
“To be honest, Bago si Nica Marie may isang Ssg president dito na namatay at yon ang simula kung bakit naging Mysterious University ang Paaralang ito.”
”Sino?”
”Si Ayesha. Ayesha Janice Safra s‘ya ang Ssg president na naging Mysteryuso ang pagkamatay. Simula non sunod sunod na ang patayan dito.”
”Teka, Ba’t alam na alam mo lahat ng kwento Zed? Naku dre may lihim kabang hindi namin alam?”
“Teka nakakalito. Eh sino ba talaga ang totoong Owner nitong University.”
“Si mystein.”
Sabay sabay kaming napalingon kay Marvin. “WHAT?!” kaming lahat pati si zed nakiki what nadin amputang*na.
“What? Are you kidding me? What the h*ll are you talking dude?”
“Oo nga dre? What the h*ll are you talking?”
“Highschool non si Mystein at close bestfriend n‘ya si Ayesha. Bago dumating si alex kay mystein mas naging close si Ayesha at Mystein. Dito nag aaral si mystein nong highschool silang dalawa ng kaibigan n’ya pero nong patapos na ang klase biglang nagbago lahat biglang nagkagalit si Mystein at ayesha hindi alam ng lahat na si Mystein ang may ari ng University nato.”
”Eh bakit, Monteverde University to dati? At hindi Luxwell University?”
”Kinuha ni mystein ang apilyido na Monteverde nong makilala n’ya si Zedrick 11 years old si Mystein nong makilala n’ya si zedrick nalaman n’ya din ang Apilyido nito kaya naman nong nangako si Zed na pagmagkita sila ni mystein ay liligawan n’ya ito kaya naman nag hintay si mystein at nagpatayu ng paaralan. Nong una wala s’yang paki alam sa paaralan nato katuwaan lang tapus isang araw nagising nalang s’ya na sikat na University nato.”
”Diba dito din nag aral si Sk? Ba’t di sila nag kita nong mga bata pa sila.”
”Dahil wala pa si Sk dito.”
”Anong nangyari kay Mystein at Ayesha?”
”Nong patapos na ang klase bigla nalang di nagkasundo si Mystein at kaibigan n’ya. Hanggang sa isang araw nakita nalang nila si Ayesha na nagpakamatay simula non nabago ang takbo ng University wala ng paki alam sa isat isat kung may patayan na maganap. Nasunog ang dating lunch counter dahil sinunog ito ni mystein after non nagpasya si Mystein na Umalis sa University nato at don din ang time na pumasok ang kambal ni zed dito. Inanggkin ang University nato at pinalitang n Mysterious University dahil lahat ng nangyayari dito di nila maexplain.”
“Pano nabalik si mystein dito?” tanong ni Arvin nagkibit balikat naman si Marvin saka tumingin ulit ito kay mystein.
“Bakit ni Isa walang alam si mystein sa mga nangyari dito? Ba’t wala s’yang matandaan?”
“KASI NGA NAGKA AMNESIA!” sabay sabay naming sagot sa tanong ni Adrian.
”Dapat si mystein pala ang sisihin kasi nga sya ang dahilan kung bakit naging ganito ang takbo ng University dahil pinabayaan n’ya.” kinutusan ko si Brix.
”Tanga kaba? Ikaw ba naman mawalan ng kaibigan kung di ka magiging ganon diba?”
“Kahit na, dapat kasi kung may namatay man inayos n’ya.”
“So sinisisi mo kapatid ko.”
”Hindi, sinisisi ko ang University nato. Sana di nalang nabuo diba?”
”Oo arvin sana di ka nalang nabuo o binuo nil teto diba?” nakangusong sagot ni klient.
”Teka nga? Ba’t di mo ipagtapat ang lahat kay mystein total alam mo naman ang lahat diba?”
“Sa tingin mo ba pagsinabi ko ang lahat kay mystein mababalik ang lahat? Baka nga mas lumala pa eh. Alam mo n’yo bang mas naging pabor pa sa’kin na nabaril si mystein sa ulo kasi kahit papano nakalimot s’ya sa mga madilim n’yang nakaraan.”
Marvin said.
”Lumaki si Mystein sa puro dugo , patayan , gulo ang nasa palibot n’ya. Akala ko kasi dati pag nawalan s’ya ng ala-ala matatapos na ang lahat mas naging malala pa pala. Meron kasing mga tao na kahit iwasan mo lalapit at lalapit sa’yu guluhin lang ang buhay mo.” dag dag nito.
”Bakit may gulo padin sa M.U?”
“Ang sabi may last activity kami. Teachers ang kalaban namin pag nakapasa lahat ng studyante tuluyan ng malaya ang lahat.”
“Kasali ba kami sa activity?” tanong ko.
“Bakit, studyante ba kayo ng M.U?” pabalang na tanong ni Zedrick.
”Oo, andito nga kami diba?”
”Tanga graduate na kayo mga gag*.”
”Eh, bakit ikaw? Magkaklase lang naman tay ah?”
”Anong magkaklase. Oo nga noh? Ah basta iyon na iyon di kayo kasali sa activity.”
”At sino namang may sabi na di kami kasali?”
“Si Primus.” sagot ni zed.
“Sinong Primus?”
“Oo nga sinong primus?”
“Sino si Primus?”
“Who’s Primus?”
”Tama kanga sino si Primus?” sunod sunod naming tanong.
”Si Mystein.”
“Meron paba kaming hindi nalalaman tungkol kay mystein sabihin n’yo na ang lahat at ng malaman na namin.” sagot ko.
”Ano paba ang meron kay mystein sabihin n’yo na.”
”She’s ssg president.” pagsisimula ni zed.
”Tapus?”
”She’s bright.”
”Then?”
”She’s Mysterious Girl.”
”then?”
”She’s mine.”
”GAGO!” sagot namin kay zedrick.
”Teka nga? Ang dami nang secreto na nabulgar ngayon baka gusto n’yong matulog na. Mag aala una na nang gabi oh? Di paba kayo inaantok?” tanong ko.
”Inaantok na.”
”Eh, ba’t di pa kayo natutulog?” tanong ko.
“Marvin huhuhu Inaantok na ako.. Matutulog na ako kasi naman eh hindi naman talaga ako kasama don sa kasalanan ng Cboys diba? Wala naman akong ginawa eh.” nakangusong saad ni klient.
”Go ahead.” saad ni Marvin saka binigyan ng unan si klient.
“DREEEE?!” sabay sabay naming saad na tila nag mamakaawa kasi sa totoo lang gusto na naming matulog.
”Wag n’yo kung kakausapin nandidilim ang paningin ko.”
Napakamot nalang kami sa batok ng wala sa oras.”So , sabi mo kanina si mystein ang totong may ari nitong M.U pero di n’ya lang maalala? So meaning meron talagang diary itong M.U ? Eh asan?”
“Meaning alam n’ya ang totoong nangyari dito sa M.U?”
“Teka sandali kung may diary itong M.U ibig sabihin lahat ng mga tanong nandon ang kasagutan sa diary.”
“Nasa Diary ng Class S-U.”
“Iwan. Pero teka sandali? Sa totoo lang crush ko si Sanya pwede n’yo ba akong tulungang manligaw?” sabat ni adrian na kinataas ng kilay namin.
”Tanga ex ng kaibigan natin papatusin mo? Tanga , matulog kana nga.”
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top