27
Febraury 15 andito padin si mystein sa Dispensary , minaigi ko s‘yang pinagmasdan maganda padin s‘ya. Naalala ko ‘yong Unang beses na pinakita ni zedrick samin ang litrato ni Mystein at sinabing hanapin ito dahil gusto n‘yang makita ulit si mystein. Pero nakakapagtaka ba’t parang ayaw n‘yang maniwala na ‘yong bata na tumulong sa kan‘ya ay mystein at hindi Kim.
“J-Jay?”
“Mystein.” biglang tanong ko ng magising ito. Kumuha ako ng tubig para painumin siya pagkatapus umupo. Pinagmasdan ko s‘ya.
“Kailan mo sasabihin na bumalik na ang ala-ala mo?”
Nagulat s‘ya dahil sa tanong ko kaya ito napatingin sa mga mata ko.
“Pagsinabi ko ba, mababalik yong dating buhay ko? Pagsinabi kuba hindi na ako mahihirapan? Pag sinabi ko ba sasabihin nilang lahat ang totoo s‘kin? Ang gusto kulang naman ‘yong kahit nawalan ako ng ala-ala maging honest sila. Yong tipong kahit di ko maalala ang lahat sana sinabi nila.”
“Mystein?”
“Hindi Jay, Pilit kung inilalagay sa utak ko kung anong nangyari nong gabing iyon pero lahat blurd ni hindi ko makita , hindi ko mamukhaan lahat kasi sobrang blurd.”
“Yong Diary ng S-U? Nasa ilalim ng Unan mo. Kapag may time ka basahin mo kung gusto mong malaman lahat ng kasagutang meron sa‘yu mystein.”
“Pero bakit Jay? Ba’t kailangan pang mamatay ni dawn at keil? Bakit? Ano bang nagawa nila?”
Napahinto ako sa tanong n‘yon naalala kuna naman na halos tumulo na sipon ko sa pag libing namin sa dalawa.
“Kaibigan namin si Mr Uno.”
“Putang*na , what?”
“Akala namin nong napunta kami dito sa M.U akala namin si Sk ay Si Uno kaya naman di kami naghinala s‘ya ’yong naging tunay naming kaibigan. Pero bago dumating kaming lahat dito sa M.U binigyan kami ng litrato ni Uno para mahanap ka pero nagulat kami isang araw biglang pumunta si Zed dito para hanapin ang kambal n‘ya at ikaw pero di namin nasabi dahil buhay ang kapalit kapag nalaman ni zed na buhay si sk kaya tinago namin hanggang sa umalis s‘ya sa M.U nong dumating ka binalak naming pigilan si Sk na magkagusto sa‘yu pero di namin ginawa kasi alam naming mahal muna ito kaya ok lang samin. Hanggang sa?”
Tumigil ako sa pagkwento at tumingin sa kan‘ya ng mabuti.
“Hanggang sa?”
“Oh, mystein gising kana pala?”
Bigla kaming dalawa napalingon sa pinto ng dumating si alex kasama si ken.
“Hindi tuloy pa‘ko.”
“Tsssskk... Nahimatay kananga’t lahat lahat pilosopo ka padin. So ano? Ok , kana ba?”
“Always naman akong ok.”
“Ok kana ba talaga? May masakit paba sa‘yu? Kumain kana muna may dala akong pagkain.”
Nagkatinginan kami pareho ni alex. “Ano meron?” dinig kung bulong ni alex ng makalapit ito sa‘kin.
“Malay ko diko alam.”
“Ba’t naging sweet bigla?”
Tanong ulit sa‘kin.
“Tanga kaba? Mukha bang alam ko?”
Tumingin ulit kami kay ken at mystein na ngayon ay magkahawak kamay.
“AHAMMMM!!”
“AHAMMMM!!”
Kunwari kaming naubo ni alex para naman kahit papano eh mapansin nila kami dito eh noh?
“Oh, jay? Alex? Andito pala kayo?”
“Ay hindi ken, wala kami dito. Kaluluwa lang namin to kakahiya naman sa‘yu diba mystein?”
“Oo nakakahiya sa inyo.”
“Sya nga pala mystein , wala kabang balak na umattend ng party mamaya? Di ba mahalaga ka don? At isa pa about don sa Bulleten board na naka paskil ano plano mo don?”
”Pinagpaplanuhan paba ‘yon ken?”
“Oo naman, pano mo magagawa ng maayos ang hangarin mo kung di mo pinagplanuhan diba?”
“Sabay pinagplanuhan mo din naman ako diba?”
“Huh?”
“Pin-pinagplanuhan mong mahalin ako yon.”
Napakamot kami ni alex sa batok namin dahil sa mga nadinig namin galing kay mystein. “Lex, pwede ba tayung mag-usap?”
“Bakit, Jay?”
Hindi ako kumibo bagkus ay lumabas nalang ako ramdam kung nakasunod s‘ya sa‘kin. Kaya naman huminto ako saka humarap sa kan’ya.
“Ano ba plano mo? Wala kana bang balak na sabihin lahat kay mystein? Hindi kana ba naawa sa kan’ya. Lex? Kaibigan mo si mystein at kaibigan ko si mystein ayukong dumating ang time na magulo ang pagkakaibigan n‘yo sa dahil lang sa mga sekretong di pwedeng itago.”
”Ano bang alam mo Jay?”
Napangisi ako saka lumapit sa kan’ya. “May kinalaman kaba sa kapatid ni mystein?” tanong ko sa kan’ya.
“O-oo.”
“ So anong plano mo? Hahayaan mo nalang ba lahat ng to? Wala ka palang kwentang kaibigan eh. Pati si mystein na tinuturing kang kaibigan niloko mo? Anong klaseng kaibigan kaba huh alex? Tama nga ang sabi ni luz plastik ka.”
”Wala kang karapatan na sabihin sa‘kin yan Jay. Dahil gulong gulo nadin ako. Wala ako sa labas ng M.U para gumalaw naiintidihan mo ba? Ako ang napapagitna dito jay ano ang naiipit sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan dalawang buhay ang nakataya dito Jay buhay ko at buhay ng kapatid ni Mystein gusto kung umalis dito para kunin ang kapatid ni mystein sa taong gustong sumira ng pamilya n’ya. Sa tingin mo ba pagsinabi ko ang lahat matatapus to agad? Hindi diba? Kaya huwag mo’kong sasaabihan na plastik ang gusto kulang naman ngayon bumalik na ang ala-ala ni mystein para kahit papano guminhawa na ako sawa na akong promotekta nasasakal na ako sa leeg.”
“Eh , si ken?”
“Si Ken ang nagsabi sa’kin na itago ang kapatid ni m-mystein. Si-si Ken din ang bumaril kay mystein.”
Halos mabigla ako sa sinabi ni alex ngayon, tila di ako makagalaw dahil sa nalaman ko.
”Pe-pero ba-bakit?”
“Gangster si Mystein , nong gabing may pinadukot na bata ang ama ni ken yon ay ang kapatid ni mystein, hindi alam ni mystein na ang papa ni ken ang nagpadukot. Nong gabi ding iyon , sumugod si mystein sa kung san dinala ang kapatid nito naka mask non si mystein kaya di nakilala ni ken dahil sa gulong nangyari napatay ni Mystein ang kuya ni ken dahil sa galit ni ken binaril n’ya ang kapatid ni mystein , at binaril ni ken si mystein sa ulo. Ng bumagsak ito don n‘ya napagtanto na ang babaeng mahal n‘ya ang nabaril n‘ya.”
”Pano mo nalaman lahat ng to?” takang tanong ko sa kan‘ya.
“Dahil kapatid ko si ken.”
“ANO?”
“Oo Jay, kapated ko si ken.”
“Pero ba’t wala kang ginagawa?”
“Meron Jay, meron akong kinagawa. Kinakalaban kuna si ken para lang kay mystein ginagawa kuna ang lahat para mabalik ang kapatid n’ya kalaban ko ang pamilya ko Jay ? At kung yon ang paraan para lang makabawi sa lahat ng kasalanang nagawa ng pamilya ko at ni ken kay mystein gagawin ko Pero sa ngayon hayaan mong ako ang kumilos para sa lahat Jay at kapag bumalik ang ala ala ni sana tapus na lahat ng gulo dito sa M.U para matapos natin ang gulo na namamagitan sa labas ng M.U.”
tila nakalog yata ang utak ko.
“Ba’t parang gulong gulo yata utak ko ngayon alex? Eh ang papa ni zed at sk? Si mystein ang pumatay diba?” tanong ko ulit.
“hindi, hindi si mystein ang pumatay sa papa nila Sk.”
Another revelation na naman.
Pinagmasdan ko s‘ya habang nakatingin sa malayu ang daming sercetong nalaman ko ngayong araw. Pero meron padin akong di maintindihan siguro maiintindihan ko ang lahat kapag nakalabas na kami ng M.U dahil ang hirap gumalaw ng maayos pag nasa M.U ang dami pang dapat malaman ni hindi kunga alam kung pano naka konektado lahat eh.
“So pano? Kita nalang tayu mamaya.”
Alex said tumango ako bilang sagot saka bumalik sa kwarto ni mystein.
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top