23
Nasa Baba kaming lahat ngayon nakatingin sa isang bangkay as usual ganon padin pagwewelcome padin sa pagdating ni Uno. Inikot ko ang paningin ko baka sakaling makita ko si mystein pero wala , hindi ko alam kung san s‘ya naroroon pero siguro kailangan n’ya na munang mapag-isa.
“Nakita mo ba si Mystein?” tanong ko kay ken na nasa may gilid ko.
“Hindi eh, teka hanapin kulang ah.” saad nito. Tumango ako bilang sagot.
“ATTENTION TO ALL STUDENT OF M.U PLEASE PROCCED TO YOUR ROOM.”
“AGAIN ATTENTION TO ALL STUDENT OF M.U PLEASE PROCCED TO YOUR ROOM.”
Timalikod na ako para pumunta sa room namin pero habang papunta ako don nakatingin ang mga mata ko sa TV screen na nasa labas ng bawat room hindi ko alam pero tila nagbabago ang mga litrang nandito.
Kaya naman nagmadali ako , mukhang minumulto pa yata ako eh sakto naman pagdating ko don kasabay kung pumasok sina jayjay.
“Asan si Mystein?”
Tanong nito sa‘kin.
“Di muba kasama?”
“Mukha bang kasama ko?”
“Hindi.”
“Nasa Park Si Ms Primus.” Dawn said kaya sabay kaming napatingin ni Jay dito.
“PANO MO NALAMAN?”
sabay naming tanong.
“Nakita ko s’ya don, sabi n’ya gusto n’ya daw muna mapag-isa.”
Tumango tango nalang kami saka pumasok sa loob sakto namang pag upo namin ganon din ang pagdating ni Ms Thean. Eto na, oras na para magtakip ng taiga dahil alam kung sisisihin na naman nito si mystein dahil sa kahihiyang nangyari sa kan‘ya.
“MS THEA NANALO PO BA KAYO?”
“NO!”
“SABI NA EH, HINDI TALAGA TOTOONG MATALINO SI PRIMUS KASI NATALO TAYU ANO BA‘YAN, SAYANG IDOL KO PA NAMAN S‘YA PANO N‘YA NAGAWANG IPATALO ANG LARU?”
Tanga ba ‘to?“Tadyakan ko kaya utak mo.” inis na sagpt ko don sa isa naming classmate.
“Lahat ba ng matalino hindi natatalo? Palibhasa bobo kaya di mo alam.” dagdag ni Jay don sa classmate namin owshit double kill.
“WHERE’S MS VALDEZ? MAY KAHIHIYAN PA PALA S‘YA AT DI S‘YA PUMASOK SA ORAS NG KLASE KO? HINDI N’YA BA KAYANG TANGGAPIN ANG MGA SASABIHIN KO?”
“Ikinakalma ni Ms Valdez ang sarili n‘ya ngayon.” walang ganang sagot ko.
“HINDI BA DAPAT AKO ANG KAKALMA? DAHIL AKO ANG NAPAHIYA N‘YA , PINAGKAIWALAAN KO SYA KASI ANG ALAM KO MAIPANANALO N‘YA NGUNIT BIGO AKO, HINDI KO ALAM KUNG ANONG INIISIP N’YA KUNG BA’T DI NASAGUTAN LAHAT NG TANONG?”
“Teacher kayo diba? Don palang bago mag simula ang laru alam n’yo na ang dahilan ni Ms Valdez. Hindi ko alam kung bakit lahat kayo puro si mystein ang pinag iinitan, mapa teacher, co-owner , pamilya. D*mn it! Makiramdam naman kayo. Hindi lahat ng oras masusunod lahat ng gusto n‘yo. Durog na durog si mystein nong sumali s‘ya sa laru mas pinili n‘yang mapahiya dito sa M.U para sa kuya n‘ya. Now tell me Ms Thea? Alam mo ba ang totoong nangyari nong time bago kami pumunta sa Laru?”
Ako ‘yong nagsasalita ngayon, kaya suhukan nilang may sumingit lilipad tong upuan sa mga mukha nila.
Sawang-sawa na akong puro kaibigan ko nalang ang nasisi. Manhid ba sila?hindi ba nila nakikita kung ano ang dinadalang sakit ni mystein ngayon? Na kahit ako sa tuwing nakikita ko s‘yang nahihirapan parang ako ang naiiyak eh.
”Alam mo ba kung anong nangyayari sa buhay ni mystein ngayon Ms Thea?”
“Wala kang alam, walang kayong lahat alam. Kaya kung mas mahala sa inyo ang repotas’yon n‘yo para sa‘kin mas mahalaga ang kaibigan ko. Gusto mo pala na dapat ang M.U ang nanalo eh na dapat ikaw ang mapuri ba’t di ikaw ang sumali? Hindi lahat ng oras iisipin mo ang sarili mo Ms Thea , matutukang mag isip at pakinggan bawat hinaing ng mga Studyante mo. Naturingan kang professional pero ni katiting na paliwanag ni mystein di mo pinakinggan mas inuna mong pagalitan kaisa makinig at damayan.”
“At kayo?” turo ko sa mga classmate namin. “Anong karapatan n‘yong maki alam? Simulang simula ba? Gumawa si mystein ng mga bagay na ikakasira n‘yo? Hindi diba? Mas pinili n‘ya pa ngang iligtas kayong lahat kaisa sa taong mahal n‘ya tapus ngayon? Ang kakapal ng mukha n‘yong idown s‘ya sa simpleng laru lang na walang kwenta.”
Nanatili silang nakayuko habang si Ms Thea nakatitig lang sa’kin. Oo sumabog na ako sa galit. Ang hirap kasing makita ang kaibigan mong ganito yong hirap na hirap na para lang sa mga taong mahal n‘ya.
“ANO MAY SASABIHIN PA KAYO ABOUT MYSTEIN?” sigaw ko na kinapitlag nilang lahat.
“Ms-Ms Qu-queen tama na na-natatakot kana eh.” dinig kung saad ni Keil.
“SO-SORRY MS QU-QUEEN.” sabay sabay nilang sabi except Ms Thea na naupo sa upuan n’ya.
Tsskkk.. Kulang lang pala sa mga salita tong letche na mga to pinapainit pa ulo ko.
Hyyysstttt.
_____
•Mystein “Primus” Point Of View•
••••••••••••
Nasa may park lang ako ngayon ako lang mag isa dito. Tahimik at tanging paghinga kulang ang nadidinig ko. Mas gusto ko dito ‘yong wala kang madidinig na lait ng ibang tao na wala kang makikita na ikakasakit mo. Hindi ko alam pero ‘yong tipong gustong gusto mong umiyak pero di ko ginagawa kasi sa tuwing iiyak ako anytime babagsak ako dahil sa sakit ng ulo ko.
Grabi noh? Masakit ang puso masakit din ang ulo ko. Sana pala nagpakamatay nalang ako.
Alam n‘yo ‘yon? ‘yong tipong durog na durog kana pero heto ka padin pinipilit mong maging masaya para sa mga taong nasapalibot mo.
Ni hindi kupa nakita ang mukha ko sa salamin na naging masaya. Hindi pa.
“Myst?”
Napalingon ako sa gawi ko and I saw Ken—napayuko ako ng wala sa oras ng mapansin kung tila may kung anong bagay ang nakikita ko sa imahinasyon ko. “Andito kalang pala. Ayos kalang ba?” tanong n‘ya sa‘kin.
Nguniti ako ng pilit. “Hindi.” diritsang sagot ko.
Tumawa naman s‘ya. “Halata nga.”
“Halata naman pala ba’t kapa nagtatanong?”
“Kasi gusto ko ikaw mismo magsabi sa‘kin na di ka Ok? Na kailangan mo‘ko. Alam mo ba nong tayu pa kahit kunting problema mulang sinasabi mo sa‘kin pero simula nong nawalan ka ng ala-ala ang dami ng nagbago sa‘yu hindi na ikaw ‘yong dating mystein na minahal ko. Pero sinasabi ng puso ko na damayan ka pero ba’t parang ang sakit.”
Nanatili lang akong nakatitig sa kan‘ya. “Hindi ako ok, kasi hindi kita naaalala.” saad ko habang nakatingin sa malayu.
Ramdam ko din namang bigla s‘yang tumingin sa‘kin. “Alam mo ba ken, sinabi ko sa sarili ko na sana pagbumalik ‘yong dati na ikaw pa ang laman nito.” turo ko sa puso ko. “Babalik ako pero alam ko naman na hindi na mangyayari eh.”
“Hindi ako ok, kasi pakiramdam ko lahat ng mga taong nasa paligid ko hinihintay lang ang pagbagsak ko.”
“Hindi ako okey, kasi di okey ang puso at isip ko.”
“Hindi ako okey, ka-kasi hanggang ngayon galit padin si papa sa‘kin.”
“Hindi ako okey, kasi—kasi araw araw nalang akong masasaktan.”
“Hi-hindi ako okey ka-kasi, kahit anong tatag ang kinagawa ko. Nadudurog padin ako ken.”
“Hi-hindi ako okey kasi, kasi kahit anong gawin ko mali padin ang nakikita ko.”
“My-mystein?”
“Hi-hindi ako okey, Kasi tingin n‘yo sa’kin ang sama sama ko.”
Sa huling pagkakataon napagtanto ko ang sarili ko na umiiyak na pala ako. Ramdam ko din ang sakit ng ulo ko pero wala eh. Sumabog na ang sakit na dinaramdam ko lagi namam eh.
Pinunasan ni ken ang luha ko.
“H-hindi ako ok? Sobrang hindi ako ok? B-bigyan mo ‘ko ng dahilan para mabuhay ako ken, para manaliti ako. Kasi anytime—anytime babagsak na ako. Hindi kuna kaya pang lumaban.”
“Alam kung alam n‘yong lahat na ang mystein na‘to matatag, pero hindi.”
“Na ang Mystein na to matapang, pero hindi.”
“Na ang mystein na‘to walang inuurungan , pero hindi ken. Hindi eh—sa bawat araw ? Minuto? Oras? Buwan? Parang gusto ko nalang mamatay. ‘Yong tipong pipiliin kung di na kayong lahat makita.”
“Mystein?” niyakap n‘ya ako habang ako patuloy lang sa pag iyak.
“Pakiusap, huwag kanang umiyak. Ako ang nasasaktan sa tuwing nakikita ang taong mahal ko na nasasaktan.”
“Sa-sana tinuluyan mo nalang ako.” saad ko sa kan’ya dahilan para mapahiwalay s‘ya ng yakap sa‘kin.
“Tinuluyan?” pagtatakang tanong n‘ya nagpunas ako ng luha saka tumayo.
“Ok na ako, salamat sa pagdamay ken.” nakangiting sabi ko kaya tumayo din s‘ya para makaharap ako.
Kakalimutan ko ang araw na‘to araw na kung san nadurog ako ng husto.
Bukas panibagong araw, panibagong buhay ulit.
“Mag iingat ka kay Uno, mystein.” saad n‘ya kaya lumapit ako dito.
“Huwag kang mag alala, sa‘yu padin ako at kaya kung pangalagaan ang sarili ko. Kung kakalabanin n‘ya ko hindi sakit ang ibabalik ko sa kan‘ya kunti kilig. Tignan natin kung di n‘ya ko tigilan.”
“Seriously? Ginawa mong panyo ang uniform ko . tapus magbabago din naman pala agad ang pasya mo.”
“Hindi kita inutusan na yakapin mo’ko. Nagkusa kang lumapit sa‘kin.”
Napakamot s‘ya sa batok n‘ya.
“Sana pala umiyak ka nalang ng umiyak. Nakakatakot ka pag gan‘yan mukha mo eh.”
“Hindi pa naman ako demenyo, at kung nagmumura man ako tanging sa bibig lang iyon pero ang puso ko laging diyos. ”
“So anong plano mo?”
“Wala, di uso sa‘kin ang mga gan‘yan.” saad ko saka naglakad pabalik ng M.U ramdam ko ding nakasunod lang s‘ya sa‘kin kaya hinayaan kuna.
“M-mystein?”
Napatigil ako sa paglalakad ng sakto pagpasok ko ng M.U may bumanggit sa pangalan ko kaya naman humarap ako para makita ito.
“Oh?”
“Goosshhh!! What are you doing here?”
Gulat na tanong n‘ya sa‘kin.
“Nakatayu.”
Sagot ko.
“Arghhh!! Until now gan‘yan ka padin sumagot? Tssskkk.. Halatang walang pinag aralan ah.”
“Tssskk!! Halatang bobo ah.”
“What?!”
Inis na tanong n‘ya sa‘kin. Hulaan n‘yo kung sino? “I’m the future Ssg president of this University you know? Kaya matoto kang gumalang. And Oyy!! Hi Ken? Ano napag isipan mo nabang makipagdate sa’kin?”
Hindi kumibo si ken at inalisan lang ito. Kawawaang sanya HAHAHAHA basted
“Tamo, ayaw sa‘yu.”
“Inaasar mo ba ko? Baka gusto mong masampulan ulit.”
“Baka gusto mong makatikim ng kamao ulit?”
Seryusong saad ko.
“Do it, at ng mapunta ka sa office ko para parusahan.” sabay sabay kaming napalingon kay Uno na ngayon ay papalapit sa gawi namin.
“Omygoosssh Hi Uno, look oh inaway ako ng babaeng to.”
“Malandi na bobo pa.” Bulong ko.
Kaya naman unti unti akong lumapit kay Uno na kinagulat n‘ya. “Parusahan mo‘ko please?” mapang akit na saad ko dahilan para mapalunok s‘ya.
Iniwan ko naman sila don habang ako tawang tawa.
HAHAHAHHAA parusa pala ah.
The let’s the game Mr Uno.
____
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top