22

Sumunod kaming apat palabas ng Conference room. Mabuti nalang at wala pa si mystein dito.

“Alam mo ba ang tugkol dito ken? Ba’t di mo sinabi samin na si Uno pala ay si Zedian Drake? Pano mo naitago to huh?”
Galit si jay jay na humarap sa‘kin kaya naman nasa may pinto pa kami nakatayu. “Tapus? Anong sinasabi n’yang mahal? May sekreto kabang di sinasabi sa‘min?” tumingin ako sa kan’ya. Diritsu sa mga mata n‘ya.

“Wala,  at kung meron man sa’kin nalang.”
Sagot ko saka tuluyang umalis.

Hinanap ko si Uno para kausapin. Pero tila di ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita mismo ng dalawang mata ko kung pano matumba si mystein dahil sa pagtulak nito.


___

√Alex Point Of View√

•••••••••••••

Papasok  kami ngayon ni mystein sa M.U , kung tatanungin n’yo kung ano ‘yong nangyari kanina sa bahay nila Lixian? Wala naman bumili lang sila ng isang dosinang yelo para sa pasa ni mystein sa mukha dahil sa natamong sampal. Tapus bumili ng isang dosenang tissue pamunas sa luha ni mystien na ang akala nila umiiyak talaga.

Eh hindi naman umiiyak si mystein non eh. Tawang tawa dahil sa inis. Nakakaloka diba?

Ngayon naman ito tulala at tila mas malamig pa sa ice kung titignan ang mukha nito.

Ang mas malala pa,  alam kung galit sa kan’ya si Ms Thea dahil sa nangyari dahil napahiya ito. Panigurado maibabagsak s’ya nito sa  math subject.

“Gusto mo bang kausapin ko Si Ms Thea para sa‘yu? Alam kung di n’ya alam kung sino si Marvin kaya naman ganon nalang ang galit n’ya sa‘yu kung ba’t mo pinatalo ang quiz.”

Sabi ko , pero tila isang hangin lamang ang nakakausap ko dahil ni isang boses na lumabas sa bibig n’ya wala akong natanggap.

Kung ilalarawan ko ngayon s‘ya.

Ang mukha n‘ya walang reaction,  nakalagay din sa bulsa ng shirt n‘ya ang isa n’yang kamay at ang isa hawak ang black envelope.

“Alam kung galit ka mystein,  ramdam ko ’yon kahit di mo sinasabi pero pakiusap. Kahit ngayon lang kalimutan mo muna ang problema mo.”

“Ayuko na makiaway.”

“Wh-what?”
Takang tanong ko sa sinabi n‘ya. Ano ba kasi nasa isip niyo? Ang hirap basahin.

“Ayuko na maki away,  ayuko na sa gulo. Sawa na ako! Sawang sawa na ako. Gusto kulang ang mapayapa na buhay ’yong walang paki alam sa mundo.”

Nanatili akong nakatitig sa kan‘ya.“Unti-unti kunang naaalala lahat. At tila hindi ko gusto ang mga nakikita ko sa mga nakaraan ko. Hindi pa ako handa na malaman ang totoo kung pagkatao at kung ano talaga ang nangyari sa’kin.”


“M-mystein?”

”Huwag kang kabahan alex,  alam ko namang hindi ka part ng nakaraan ko bago ako nawalan ng malay diba? Kasi nawalan na ako nang ala ala bago pa kita nakilala.” nakangiting sabi n’ya sa’kin.

My-mystein? Tanging hulong ko sa isip ko ng pangalan n’ya.

Nabalik din ako sa pag iisip ng mapansing nasa M.U na pala kami at halos bumangga ako sa likuran ni mystein dahil sa biglaang paghinto nito.

“S-Sk?”
Bulong n’ya kaya napa angat ako ng ulo. All this time ang akala ko talaga nakamove on na s‘ya pero nanatiling nasa puso n’ya padin ang lalaking mahal n’ya.

Hindi ko alam—kung ano ang magiging reaction n’ya pagnalaman n’yang  ang lalaking matagal n’ya ng hinihintay ay ang lalaking naging dahilan kung ba’t nawalan s’ya ng alala. Ang lalaking gusto n’yang makasama.

“SK?! I MISS YOU? MO-MOY? I MISS YOU?!”
She said saka mabilis na niyakap ang lalaking nasa harap n‘ya ngayon.

“Let me go!”

(Blagggg)

“Mystein.”
Mabilis akong lumapit sa kaibigan ko pagkatapus nitong bumagsak sa semento sa may hallway banda.

“Moy? HAHAHAHAHHAHA!! Moy? Ang pangit pala ng tawagan n’yo.” galit akong tumingin sa lalaking nasa harao namin ngayon. “Ano! Galit ka? Kasi humagsak ang kaibigan mo? Kulang pa’yan eh.”

“Ano bang problema mo? Ano? Dahil na naman kay Kim kaya ka andito? Huh!”
Bulyaw ko dito.

“Tssss.. Andito ako para makita ang mga taong naging dahilan kung ba’t nagulo ang buhay ko. At dahil sa babaeng iyan kaya nakipagbreak sa’kin si KIM,  at dahil din d’yan kaya namatay ang kambal ko. Wait? Namatay ngaba o pinatay?”

Tama kayo si zedrick ang nandito at hindi na ako magtataka kung s’ya ang Uno na sinasabi nila. Umupo ito saka humarap kay mystein.


”Ang galing mo din eh noh? Pano mo nagawang paikutin ang kapatid ko ng ganon ganon lang? HAHAHA pagkatapus ka n’yang mahalin tapus hahayaan mulang na mamatay? Owww.. Pinatay mo pala at talagang ginawa mo ang lahat para maghiwalay kami ni Kim diba? Alam mo ba huh?” hinigit ni zed ang damit nito saka nilapit sa kan’ya. ”Ang babaeng nakipaghiwalay sa‘kin ay ang babaeng sobrang mahal na mahal ko at ikaw? Sino kaba sa akala mo HUH?”


“W-wala akong ginawa.”

“SINUNGALING?!”



Halos lahat kami nagulat , napalapit din sina ken samin at jay ng mapansing itinaas ni Zed ang kamay nito para sampalin si mystein.

“Masakit pa ang mukha ko dahil sa sampal. Pero sige kung ikakasaya mo at ikaluluwag ng puso mo na masaktan ako. Go ahed! Heat me then kill me.”

Napangisi si zed dahil sa sagot na’yon ni mystein. “Ang tapang padin ah. Pero sige lang masasaktan din kita at gagawin ko lahat mawala lahat ng nasa sa‘yu dito sa M.U.”


“Madaliin mulang. Busy ako!”
Pambabara ni mystein dito na kinatayu ni zedrick.


“Huwga kang mag alala , nagkukusang dumating ’yan. Alam mo ba nagtataka nga ako eh.  Bukod sa malademonyo mong ugali ano pa ang nagustuhan sa‘yu ng kapated ko? Pinakain mo ba ng may kayuma? Nilandi? Nilasing? O baka naman araw araw mong kinakasama para makuha sa’yu ang lahat. Walang pinagkaiba ang kuya mo hinalikan ang gf ko baka naman ang mama mo may kalabuyo ding iba o kaya ang papa mo.”

“ABA’T —!”

makikisali sana ako ganon din sina ken pero pinigilan ito ni mystein,  Kaya naman napatigil kami.

”Tapus kana ba?”

“Hindi pa. Gusto ko umiyak ka sa harap ko magmakaawa dahil sa lahat ng ginawa mo at di kita titigilan hanggat di nangyayari i—.”


“Tapus kana bang laitin ang buhay ko?”
Putol ni mystein sa sinabi sabi nito dahilan para mapatigil ito.

Sa totoo lang mas gusto ko si Sk hindi si Zedrick kasi niminsan hindi ako nakadinig ng salita na masasakit galing kay Sk patungkol kay mystein pero dahil si Zedrick ang masa harap namin ang daming pinagka iba ng ugali nila sa isa’t isa.


“Laitin? Hindi ba totoo?”

“Say it again Mr Uno dahil kahit kapatid kapa ng lalaking mahal ko hindi ako magdadalawang isip na patamaan ng kamao ko ’yang mukha mo.”


”Ba’t di mo gawin? Tutal d’yan kana man magaling diba? Ang pumatay ng tao. Ang manakit ng kapwa mo tao! Ganon naman kasi diba? Pag gawain ng ama o ina gawain din ng anak? Diba tama ako? Tam—BOOOOGGGGGSSSS”

Isang malakas na sunto ang sumalubong sa bunganga ni Zed galing kay mystein dahilan para matumba ito.


“Nagkamali ka ng nilait mo Mr Uno. Kung malandi ako wala ng may mas ilalandi pa sa Gf mo.  Mamatay tao? Tssssk... Bago mo‘ko husgahan? Bago ka makisawsaw sa buhay ko dapat alam mo ang buong pagkatao ko. Hindi ko kailangan ng toxic piece of shit na isang kagaya mo ang sasalubong sa’kin pagbalik ko dito sa M.U  ngayon? Wala akong paki alam kung Co- owner ka sa University na’to dahil kahit pader babanggain ko. Tandaan mo ’yan!”


Mystein said na kinanganga ni zedrick. Tssskkk buti nga.


“ANO BA KASING NANGYARI? ANONG PINATAY?”

”OO NGA AT SINO BA‘YANG MYSTEIN NA’YAN AT ’YONG GWAPONG LALAKI? NA NASUNTOK?”



“GOOOOOSSSSHH!! KUNG YANG MYSTEIN NA’YANG ANG MAMAMATAY TAO HINDI BA DAPAT MATAGAL NADIN ’YANG PATAY EEEWWW KILLER PALA IYAN.”

“WILL YOU JUST SHUT UP! MAKA EW KA NAMAN WAGAS ALAM MO KAHIT MAGING KILLER YANG MYSTEIN DI PADIN MAGBABAGO NA MAS MAGANDA ’YAN KAISA SA PGMUMUKHA MO AT ’YANG NILALAIT MO YAN ANG SUPREME STUDENT AT ANG ISA ANG CO -OWNER SO SHUT UP!”

“TSSSS.. SUPREME PERO KILLER ANO KAYA ’YON?! KAYA PALA DI NAMAMA—.”



“PUTANG*NA!
natahimik ang lahat dahil sa malutong na mura ni mystein pati ako napapitlag ng wala sa oras eh.

“GUSTO N’YO BANG—.” tumingin sa mystein sa mga mata ng mga studyanteng nakapalibot ngayon dito. “MAMATAY?!” patuloy na sabi n‘ya dahilan para mapa atras ito. “UMALIS KAYO SA HARAPAN KO AT NAAALIPADPARAN AKO SA MGA PAGMUMUKHA N‘YO.” malakas na sigaw nito dahilan para mag sialisan ang lahat at ang naiwan nalamang ay ako,  ken,  jay, dawn, keil, mystein at zedrick

“Ms Primus a—.”


“Hindi ako ok.” mabilis na sagot ni mystein kay dawn saka ito tuluyang umalis.

“Anong nangyari?” tanong ni ken ng makalapit ito sa‘kin habang ako nakatingin kay zedrick na nasa semento padin naka upo habang hawak ang panga n’ya.


“Tinatanong paba ’yan?”


“Malamang kasi di ko alam.”
Sagot ni ken sa‘kin kaya napaharap ako dito.

“Seryuso?di mo alam? Diba nga nakita mo kung pano laitin at ipahiya si mystein tapus magtatanong ka?”

“Tinatanong ko kung aano nangyari sa labas ng M.U kung bakit ganon nalang ang galit at pagka cold n’ya ng dumating dito.”

“Huwag muna problemahin ang problema ni mystein ken,  ang problemahin mo kung pano mo ipapaliwanag lahat kay mystein pagtuluyan ng bumalik ang ala ala nito.”



Ngumisi ito saka nilapit ang mukha ko sa mukha n’ya. ”Hindi ba’t may kasalana kadin?” natatawang tanong n’ya sa‘kin na kinakuyom ng kaamo ko.


“Dahil inipit mo’ko ken binuhay ko ang kapatid ni mystein dahil ’yon ang bilin mo. Ngayon labas na ako d‘yan at wala nadin akong paki alam sa mga naka raan n‘yo. Ang mahalaga  sa’kin ang buhay ni mystein isusugal ko ang buhay ko maligtas lang s’ya.”


”Pano kung sabihin ko sa kan‘yang isa ka sa dahilan kung ba’t namatay ang kapatid n’ya?”

”Baka nakakalimutan mo din,  hindi patay ang kapated ni mystein at ikaw ang nagtago pinadala mo sa‘kin sa ospital kasabay ng pagdala mo kay mystein non sa ospital. Alam mong alam ko lahat ng sekretong meron ka ken kaya huwag na huwag mo’kong kakalabanin.”


”Mahal ko si Mystein , alex? At kaya kung gawin lahat matuloy lang ang kasal namin.”


”Yan ang hindi ko maipapangakong matutulungan pa kita ken. Dahil bukod sa hindi kuna hawak ang ala ala ni mystein nakokonsensya na din ako. Minsan nga pinapanalangin ko nalang na sana bumalik na ang ala ala n‘ya para matapos na ang lahat ng ito o kaya naman dapat nga sinabi kuna eh.”

“Subukan mo alex! Subukan mo?!”


“Bakit natatakot ka? Don’t worry wala ka namang ginawang mali diba? Tinago mulang ang kapated n’ya ’yon lang. Ba’t ka natatakot?  Natatakot kabang kamuhian ka n‘ya dahil sa pagtago mo sa kalaped n’ya HAHAHAHA diba nga sabi mo mahal ka ni mystein at kahit bumalik ang ala ala n‘ya mamahalin ka padin n’ya. Bakit? Nong time ba na dumating ako may iba pang nangyari bukod don?”

Tanong ko dito na kina iwas n‘ya ng tingin.

“Wala  na.” mabilis na sagot n’ya saka umalis.

“D*MN IT!”
Napatingin ako kay Uno dahil sa pagmura nito kaya namab lumapit ako sa kan‘ya.

”Masakit ba? Gusto mo dagdagan natin?” pang aasar ko.

“Are you st*pid?”

”Stupid ,  stupid tssskkk.. Sapak gusto mo?” saad ko saka umalis din.

“ALEXZ HINTAY!” dinig kung sigaw nong tatlo.

“S‘ya nga pala Ms Queen panalo ba tayu?”

”Talo tayu.”
Sagot ko kay jay.

Ihahanda kuna ulit mamaya tainga ko dahil sa hagupit ni ms thea para kay mystein.

Kawawang mystein ayaw tantanan ng problema.

____

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top