17
“Hyystt!! Ano na naman bang kagaguhan to?”
Galit na pagkakasabi ni mystein. As usual tulad padin ng dati may namamatay sa tuwing may papasok sa M.U o babalik and Yes, Welcome back primus ang nakalagay.
Hindi na bigdeal samin ang ganito , ikaw ba naman araw araw may darating na student sa M.U idi araw araw ding may patay tssskkk!!
“Dalhin n‘yo na ‘yan sa M.I kayo na bahala.” pag uutos ni mystein.
Mabilis namang kumilos ang ibang ssg officer at binuhat ‘yong namatay tumalikod naman si mystein saka sumandal sa may pader at naka cross arm.
“Welcome back Bestfriend.” alex said saka tinapik si mystein.
“Welcome back ms primus.” keil habang nakangiti.
“Welcome back Ms Primus.”
“Welcome back Mystein.”
Halos lahat samin bumati na except kay ken na nakatitig lang kay mystein at tila walang balak gumalaw. “Ba’t ka nakatitig sa‘kin di mo ba ewewelcome at fiance mo?”
“AYYYYYIIIIEEEEEEE!!!”
Asaran namin.
Mas lalo naman kaming nag asaran ng lumapit si ken kay mystein saka ito niyakap. “I miss you, ayos kana ba? Dala mo ba ang gamot mo bago ka pumasok dito?” pag aalalang tanong ko.
Ngumiti ako kahit deap inside nasasaktan ako. Oo gusto ko si ken pero si ken mahal si mystein at wala akong pag asa don. Kaibigan ko si mystein kaya wala akong balak na gumawa ng dahilan para makuha si ken.
“Ganito kaba ka sweet sa‘kin dati? Kadiri ah.” mapang asar na sabi ni mystein saka humiwalay sa yakap.
Natahimik naman kaming lahat ng magsalita si alex. “Ano plano mo? May mga new teachers na nagbabalak na tanggalin ka as supreme student at palitan ng bago sa tingin ko din karamihan sa mga exchange student sumasang ayon sa itinalaga nilang new ssg president at gusto nilang ‘yon ang manalo. Meron ding isang exchange student na nag rereyna reynahan dito at ‘yon ang gustong bumangga sa‘yu.”
“Siguraduhin n‘ya lang na pagbinangga n’ya ako mananalo s‘ya. And beside gawin n‘ya ang gusto n‘ya hindi ako intirisado.”
Mahinahong sagot ni mystein saka tumalikod at umalis kaya sumunod na kami sa kan‘ya.
“Dawn and Keil kayo ang prince sa University aasahan kung makakatulong kayo sa mga nangyayari dito sa University. And Jay Ikaw ang gagawin kung secretary , alex tapatan mo kung sino may ’yang nag rereyna reynahan sa M.U fo what you want may iba akong dapat ayusin.”
“Mystein, hindi ba pwedeng malaman namin ang bawat gagawin mo? Pano kung mapahamak kana naman? May sakit ka diba?!”
“Wala ng may mas masakit pag isa pa sa inyo mawala sa‘kin. Gawin n‘yo na ang gusto ko at mag ingat kayo lagi kayo palang at ang section Class S-U ang nakaka alam na naka balik na ako. Huwag n’yo munang ipaalam sa lahat na nandito na ako.”
Tumango kaming lahat para mag sang ayon sa sinabi n‘ya.
“S‘ya nga pala Ms Primus? Anong dahilan mo kung bakit natagalan ka na bumalik dito? May nangyari ba?”
“Um.”
“Pwede ba naming malaman , kung anong nangyari?”
“Si kuya, ikakasal kay Kim?”
“WHAT?!”
gulat na gulat na tanong ni alex saka huminto sa paglalakad at humarap kay Mystein. ‘yong totoo? San ba s‘ya may feelings sa tropa ni Marvin mylabs o kay Riley na muhang iwan.
“SINONG KIM?” sabay sabay na tanong namin.
“Si kim Louise Chua.”
“SINO ‘YAN?”
tanong ulit namin.
“Si kim.”
Sagot ni mystein
“Sinong kim nga kasi ‘yan?”
Inis na tanong ko.
“Kim Louise Chua nga.”
“Eh sino nga ‘yan?”
Tanong ni dawn na kinakamot sa batok n‘ya.
“Si Kim nga.”
Sagot ulit ni mystein. Magsasalita pa sana ako pero sumingit na si Alex.
“Si Kim, Gf ni zedrick na anak ng C.E.O na naka away ni mystein.”
Paliwanag ni alex na kinakunot ng noo namin.
“Eh Gf naman pala ni Zedrick ba’t ikakasal sa kuya mo ms Primus? Teka nga sinong zedrick ba?”
Kunot noong tanong ko.
Sa totoo lang di ko talaga minsan maintindihan ang mga sinasabi nila. Una si Kim sunod si Zedrick oh mga pashneya.
“Si Zedrick Gomez ang Tagapag mana ng Gomez Company. Na isa sa member ng Cboys ang Cboys ay ang tawag sa groupo nila kuya.”
“Tama ba nadinig ko Dawn? Si Ms Primus Nagsalit ng mahaba?”
“Oo keil tama dinig mo, buti di kana bingi!”
Nag tawanan kami except kay Mystein at Alex na seryuso ang mukha , Oo magkaibigan nga sila pareho sila ng ugali pero tila mas malala si mystein.
“Teka mystein, kumain kana ba?”
Tanong ni ken dito.
“ikaw kumain kana?”
“Nagtatanong ako kung kumain kana, bawal sa‘yu ang magutom kung gusto mo ikukuha nalang kita ng pagkain sa Lunch counter dadalhin ko nalang sa Office mo.”
“Aba ken, Ano pumapapil kana? Yiiiieee!! Go dre malay mo kayo talaga para sa isa’t isa.”
Pang aasar ni dawn dito.
“Siraulo.”
“Oh! S‘ya nga pala Ms Primus may gagawin pa kami nina dawn at keil sa library.”
“H-huh?”
Tila nadouble meaning yata pagkakaintindi ng babaeng to. “Ah!! What I mean is mag reresearch kami about sa project namin.” paliwanag ko na kinatango tango n‘ya ‘yong totoo kailan pa naging green minded utak nito.
“Ang dami kung na mess na subject hindi pa mahihirap? Nainrole naba ako para sa second Cem?”
“Matalino ka kaya east lang lahat ng Lesson namin para sa‘yu at saka nasa pinauna ka ng listahan kaya di na kailangan na iinrole kapa.”
Sagot ko. “So pano una na kami?” pag papa alam ko saka hinila si Dawn at keil paalis.
____
•Ken Point Of view
••••••••
Nanatili akong nakasunod kina mystein at alex habang nag uusap sila. I miss her gusto ko s‘yang yakapin lalo ng mahigpit pero hindi kuna nagagawa tulad ng dati. Miss kuna ‘yong dati na ako pa ang mahal n‘ya na ako pa ang priority n‘ya pero dahil sa kasalanang ginawa ko sa isang iglap nawala ang lahat ng iyon.
“Oh, ken? Ayos kalang ba?”
Biglang tanong ni alex , napatingin din ako sa babaeng mahal ko ng lumingon ito at tumingin sa mga mata ko.
Kapag nalaman n‘ya kaya ang totoo? Mamahalin n’ya pa kaya ako? Kapag ba, bumalik na ang ala ala n’ya posible kayang makalimutan n’ya si Sk ng tuluyan?
“Oo nga ken, ayos kalang ba?”
Nguniti ako.”Oo naman ayos lang ako, s‘ya nga pala alex and mystein mauna na ako sa inyo pupunta pa ako ng lunch counter para kumuha ng makakain mo.”
Nakangiting sabi ko saka umalis.
“OYYYY ALAM N‘YO BA NA ISANG S‘YANG CAMPUS PLAYBOY DITO SA UNIVERSITY? BUKOD SA PAGIGING GWAPO MADAMI NADAW NAKAKADATE NA BABAE, GRABI ANG GWAPO N‘YA TALAGA NOH?”
“DIBA NGA ANG SABI SA RULES DITO SA M.U KAPAG MANLOKO KA NG BABAE ISA KA SA MAMAMATAY? BA’T HANGGANG NGAYON BUHAY PADIN S‘YA?”
“ANO KABA? WALA NAMANG MAY NAGTATANGKANG PUMATAY D"YAN KASI NGA HINDI NAMAN N’YA INUTOS NA MAY MAGKAGUSTO SA KAN‘YA KUNG BAGA SUMASABAY LANG S’YA.”
napailing nalang ako dahil sa sinabi nila. Tssskk!!!! Talaga bang naniniwala sila na playboy ako? Hindi pa naman umabot sa isang daang ang naging jowa ko dito sa M.U ah at saka alam naman nilang hindi ko sila gusto.
Patuloy lang ako sa paglalakd ng may nakasalubong ako na isang groupo ng babae kasama si luz, tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.
Yong legs n’ya midyo malaki.
Yong beywang n‘ya mas maganda pa tignan ang beywang ni Jay.
Yong mukha n’ya maganda naman pero wapa pading tatalo sa gandang meron si alex at mystein.
“Your Kenneth Smith righ know as ken?”
Tanong nito sa‘kin saka lumapit at hinawakan ang mukha ko.
Nanatili lang nakalagay ang kamay ko sa bulsan ng pants ko habang pinapakiramdaman ang kamay n’ya nasa mukha ko pababa sa dibdib at tyan ko. Ano bang ginagawa nito?
“Oh ngayon?”
“Balita ko kahit sinong babaeng pinapatulan mo? Will you be my date? Free ako lagi. Gusto mo bang makasama ako sa unit ko? Actually bagay tayu alam mo ba ’yon?”
Ngumiti ako saka nagkagat labi.“Actually di tayu bagay, masyado akong gwapo para pumatol sa’yu.” nakangiting saad ko.
“Tsss.. Tinatanggihan mo ang ganda ko? Ikaw palang ang lalaking tumanggi sa kagandahang meron ako? Alam mo bang ako na ang susunod na magiging Highest supreme dito?”
“Hindi naman sa tinatanggihan kita, hindi lang talaga tulad mo ang gusto ko ang gusto ko ‘yong may dating ‘yong tipong—unang kita mo palang pwede ng edate at saka ayuko talaga sa babaeng sila ang nag pepersmove eh. Parang ang landi tignan.”
Napahawak ako sa muka ko ng wala sa oras dahil sa sampal n’ya. Nagkaron din ng bulungan dito sa hallway ng M.U!
“Pag ako na ang naging Supreme student , sisiguraduhin kung mapapasa‘kin ka. At pagtumanggi ka mamamata ka! Kaya kung ako sa‘yi jowain muna ako para safe ka.”
“Magpapakamatay nalang ako kaisa patulan ka.”
Sagot ko saka dumiritu ng lakad.
Tsskkk!! Mas malala pa yata ‘yon sa mga babaeng nakilala ko dito sa M.U eh masyadong mayabang.
“Oh, Mr Montefalco? Nag iisa ka yata ngayon asan na ang iba mong kasama ba’t ikaw lang ang nandito sa Lunch counter?”
Tanong sa’kin ng cheif ng makapasok ako sa lunch counter at tumungo sa harap n’ya.
“May ginagawa po sila ngayon, mag oorder nalang po ako para sa babaeng mahal ko.”
“Aba! Totoo ba‘yan ang Campus playboy may minamahal na? Baka lukuhin mo na naman ‘yan.”
Natawa ako. “Hi-hindi naman po.” sagot ko saka pumili ng mga kakainin.
“OYYY NABALITAAN MO BA KANINA MAY ISA NA NAMANG NAMATAY GRABI TAPUS ANG NAKALAGAY DAW DON IS WELCOME PRIMUS.”
“SINONG PRIMUS?”
Ba’t pa puro exchange student ang nandito? Asan naba ang mga old student? Ahhh baka nasa auditorium baka nag memeeting para sa darating na valentines pero hindi ba dapat ang supreme student ang magplano sa mga ganong bagay.
Umiling nalang ako saka umalis don at tumungo sa office ni mystein sa ganon ay makakain na s‘ya.
____
•Mystein ”Primus” Point Of View•
••••••••
“Alam mo naba na darating dito si Uno? Ang second owner daw ng M.U?”
Napatigil ako at tumingin sa gawi ni alex na ngayon ay napatigil din.
“Sinong Uno? At sinong may sabi?”
“Isa sa mga announcer na pupunta na dito ang second owner ng M.U I think January 14 or 15 hindi ko alam kung kailan?”
“I think kilala kuna kung sino? Pero anong dahilan n‘ya at babalik s‘ya sa M.U? Ako ba ang puntirya n‘ya o kailangan n’yang baguhin ang rules dito?”
“Ba’t ako tinatanong mo mukha bang alam ko?”
Nabaling ang tingin ko kay alex. “Himala at di na kita nadidinig na nagmumura ngayon? May nakain kabang kakaiba sa labas ng M.U at tila mukhang nagbago kana?”
“Tang*na kaba?”
“Hindi.”
“Ni wala nga akong natandaan na nakakain ako ng matino sa labas ng M.U eh bukod sa puro problema lang ang dinanas ko”
Sagot ko sa kan‘ya na kinangisi n‘ya naman. “Alam mo besh, pano kung buhay panga talaga ang kapated mo? Ano gagawin mo?”
Seryusong tanong nito sa‘kin na kinatahimik ko.
Ano bang gusto n‘yang sabihin? “Wh-what do you mean?”
“Diba nga sabi mo? Pag gising mo non nasa ospital kana? Pano nga kung di talaga tuluyang pinatay ng kapated mo? Pano kung buhay talaga s’ya.”
“Pag nangyari ‘yon pwede na akong mamatay.”
Sagot ko na kinatahimik n‘ya. “Mahal na mahal ni papa si Mike at ikakasaya n’ya pag nalaman n‘yang buhay ito pero pano? Dahil sa’kin namatay ang kapated ko?”
Tinapik n‘ya ako sa balikat saka hinagod hagod kaya umabanti ako ng kunti ayuko kasi ng kinakaawaan ako? Pero hinila n‘ya ako.
“Huwag kana mahiya, kaibigan mo‘ko mystein kaya wag muna ako dramahan d‘yan. Nagtatanong lang ako gusto kulang pagaanin ang loob mo tila kasi ang dami mong problema, suki kaba ng problema?”
“Maiba tayu alex? May gusto kaba kay kuya? Kasi kung meron man.. Pag nanligaw sayu si kuya huwag mong pahirapan ah. Alam kung gusto ka ni kuya kaya naman botong boto ako sa’yu. Ayukong mapunta si kuya sa iba gusto ko sa’yu lang.”
Nakangiting saad ko dito.
“Pag sa‘kin ang dami mong binibitiwan na salita may pa ngiti ngiti kapa pero pag sa iba.. Laging walang expression ’yang mukha mo.”
”Magkaiba naman kasi ‘yon.”
“May iba akong gusto mystein.”
Sagot n‘ya na kinatahimik ko.“Ayos lang sa‘kin kung may iba kang gusto hindi ko naman sinabing mahalin mo kaagad si kuya ang sa‘kin kung gusto mulang naman.”
“Teka nga, ikaw naka move on kana kay Sk?”
“Mahirap mag move lalo na pag alam mong mahal na mahal mo talaga ‘yong tao.”
”Hindi mahirap mag move on mystein.” napakunot noo ako sa sinabi n’ya. “Lalo na pag alam mo na ang taong ‘yon ay hindi na babalik sa‘yu.” dagdag n’ya pa.
To be hones tagos sa puso.
“People come and people go.”
“Merong darating at merong aalis. At yong dumating sila ang bigyan mo ng pansin hindi ‘yong taong kailan man ay hindi kana mapapansin.”
Sunod sunod na sabi n‘ya.
“Sinasadyan mo bang saktan ang puso ko?”
Inis na tanong ko sa kan‘ya ba’t ba laging nag tatagumpay to na pikunin ako.
“Hindi kita sinasaktan , sad‘yang di mulang matanggap na iniwan kana ng tuluyan ng iyong mahal.”
“Gusto mo bang mamatay?”
Saad ko dito at hinila ang uniform n‘ya.
“Kahit patayin mo‘ko hindi padin magbabago ang salitang wala ng Sk sa mundo.”
“ALEX?!”
banggit ko sa pangalan n‘ya.
“I love you besh una na ako.”
She said saka ako iniwan.
Putang*na ba‘yon? Ang angas mang asar ah.
___
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top