Mission #9 Yancey's Past
"Jana buksan mo yung TV." Utos ni Kristine kay Jana habang naglilinis ng kuko. At nakacross legs na nakaupo sa sofa.
"Kaw kaya malapit diyan sa TV!!" Angal naman ni Jana na busy sa pagkain ng popcorn.
"Ikaw tong walang ginagawa eh!"
"Anong wala!! Kitang mong kumakain ako!" Sigaw ni Jana sabay bato ng popcorn kay Kristine.
"Kyaaahhh!! Ano ba?! Wala kang manners!!"
"Bleeehhh!!"
"Jana! Kristine! Ano na naman ba yan?!" Sigaw sa kanila ni Yancey pagkadating niya sa bahay. Seven pm na siyang nakakauwi dahil hindi lang naman ang Royal Academy ang hinahandle niya. May mga business enterprises din siyang hawak.
"Ano pa bang bago Yancey?" Tanong ni Lhorraine na naglalaptop.
"Welcome home!" Bati naman sa kanya ni Rose na galing pang kusina at naka-apron.
"Uyy Lhorraine tanggalin mo na yang eyeglasses mo nandito na nga tayo sa bahay eh." Sabi naman ni Kristine kay Lhorraine. Tinanggal ni Lhorraine yung eyeglasses at tinuon ulit ang atensyon sa laptop.
"Snob!" Kristine pouted.
"Hoy! Yung Tv!" Binato ulit siya ni Jana ng popcorn.
"Jana! Tama na yan! Pagod ako okay? Wag na kayong maingay!!" Natahimik naman ang apat sa biglang pagsigaw ni Yancey.
"May problema ba?" Tanong sa kanya ni Rose habang tinatanggal nito ang apron niya.
"Some business problems." Tipid na sagot nito at umupo sa sofa.
"Kailan pa naging business problems ang mga problema mo kay Mark Thunder Greyson?" Natigilan si Yancey sa narinig mula kay Lhorraine nakunot noong nakatingin sa kanya.
"W-what are you talking about?" Kinakabahang tanong niya. Sa kaloob looban niya. Alam niyang tama si Lhorraine. It's all about Thunder. Ang tanging lalaking minahal niya. Kaso hindi pwede, tao si Thunder, demon si Yancey.
Magkaibang-magkaiba ang mundong ginagalawan nila.
"Sino yun?" Tanong ni Jana at lumapit na rin kay Yancey.
"Mamaya na lang natin siya kausapin." Sabi ni Rose, bumaling siya kay Yancey, "Pahinga ka na. Tawagin ka na lang namin kapag kakain na."
YANCEY's POV
Napabuntong hininga na lang ako. Life saver ko talaga si Rose. Buti pa yung batang yun, sobrang bait hindi gaya ni Jana at Kristine na puro kalokohan ang alam at si Lhorraine na katakot takot na katotohanan ang mga nalalaman.
Pumasok ako sa banyo para maligo at magbabad sa bath tub.
Flashback 6 months ago.
"Ikaw Yancey, ang pinuno ng mga kawal ng palasyo. Ang pinakatapat na alagad meron ako. Sayo ko pinagkakatiwala ang kaligtasan ng palasyo. Humayo ka't bumalik sa mundong ibabaw, sa mundo ng mga tao. Ika'y magsaliksik at mamalagi doon, hintayin mo ang pagdating ng mga itinakda."
Nakayuko ako sa harap ng Demon King, habang tinatanggap ang kanyang basbas muli para makabalik ako sa mga mundo ng mga tao.
"Makakaasa po kayo Mahal na Hari." Makaraan ng ilang saglit, naramdaman ko na lang ang mabilis at malakas na hanging lumibot sakin at sa isang iglap nandito na ulit ako sa mundo ng mga tao.
"Hey!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Thunder. Buti na lang sa kwarto ako napadpad at nakapagpalit agad ako ng suot.
"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at agad tinakbo pababa ang hagdan para mayakap siya. Alam kong mali ito. Alam kong mali ang mahalin siya, pero anong magagawa ko?
Isa lang talaga siya sa mga dahilan kung bakit patuloy akong bumabalik dito.
"Ilang araw kang nawala. Namiss kita sobra." He smiled pero bakas na bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"Sorry hindi kita nacontact ng madalas."
"It's okay. Tara date tayo. Namiss kita ng sobra eh." He winked. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya.
This is it, itutuloy ko na ang plano ko. Bago pa lang kami ni Thunder, at bago pa lumalala ang nararamdaman namin para sa isa't isa kailangan ko ng itigil ito.
Hindi ito tama, ayokong madamay siya. At ayokong kamuhian niya ko pagnalaman niyang hindi ako tao. Ayokong katakutan niya ko. Dahil mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya.
"Hey bakit ka umiiyak?" He wiped my tears using his thumb as he cupped my face.
"Sorry." Hinaplos ko ang mukha niya. "...pero hindi tayo pwede."
"W-what?! B-bakit? Anong problema Yanz?? Ilang araw ka lang nawala yan na agad sasabihin mo sakin? Tell me nagjojoke ka lang." Pumatak ang isang butil ng luha galing sa left eye niya.
No! No! Wag kang umiyak please!! Ayoko!! Hindi ko kaya..
"Sorry Thunder, p-pero I fell out of love." Halos pumiyok ako sa sinabi ko. Ang sakit sobrang sakit.
"Yanz, ilang weeks pa lang tayo, we just had our monthsary last week. Please. Stop this huwag mo kong iwan." Napahagulgol na lang ako ng yakapin niya ko ng mahigpit.
"Sorry Thunder. Hindi na talaga kita mahal."
It broke him. Napayuko na lang ako at nagpunas ng luha. Marahas niyang pinunasan ang mga luha niya.
"Balak sana kitang ipakilala sa parents ko ngayon, sa family ko. It's my parents 25th wedding anniversary. I want you there, I need you there." Umalis na siya at iniwan akong umiiyak.
I know hinihintay niya ko. Ilang beses ng may lumapit sa kanya para yayain siya sa loob pero umiiling lang siya. He really looks good in his americana.
Nakatayo lang siya sa harap ng gate. Naghihintay.
Ako? Andito ako sa taas ng puno at pinapanood siya. Hanggang dito na lang ako. Hanggang tanaw na lang.
It's 10 pm. Halos apat na oras na siyang naghihintay. Sumakay siya ng kotse at pinaharurot iyon. Hinabol ko siya, patalon-talon ako sa bawat puno. 50x na mas mabilis tumakbo ang mga demons kaysa sa mga tao kaya nakakasabay ako sa pagharurot ng kotse.
"MAAAAAAARRRRRKKKKKK!!!" I screamed at the top of my lungs ng bumangga ang kotse niya sa isang ten wheeler truck.
Malakas ang tunog ng nasirang busina. Lumapit ako sa kotse at sinira ang pintuan nito hanggang mailabas ko siya.
Agad ko siyang tinakbo sa hospital. Palakad-lakad ako sa waiting area habang hinihintay ang doctor.
Agad akong nagtago ng dumating ang mga parents niya.
Ilang araw siyang walang malay. At nakakapasok lang ako kapag nakakaalis na yung mga bisita niya.
"Sorry." I whispered and kissed the back of his hand. Napatayo ako ng maramdamang gumalaw ang daliri niya..
He opened his eyes and looked at me. Matagal niya kong tinitigan bago niya bigkasin ang mga katagang tuluyan ng dumurog sa akin....
"Sino ka??"
***
Tok! Tok! Tok!
Isang malakas na katok ang nakabasag sa pagmumuni-muni ko.
"Yancey kakain na!!"
"Oo! Andyan na!!" Sabi ko at agad nagbihis.
"Kainan na!! Kainan na!!" Kanta ni Jana in the tune of a wedding march.
"Kanta mo? Ang weird." Pang-aasar naman ni Kristine sa kanya. Ayan na naman magbabangayan na naman.
"Okay ka na?" Tanong sakin ni Rose, ngumiti lang ako sa kanya at tumingin kay Lhorraine na nakatingin sakin ng seryoso.
"I wanna know the whole story." She said na nakapagpatigil ng pagsubo nung dalawa.
"Ang alin?" Singit ni Kristine. Pero si Jana sumubo muna bago nagtanong. "Amwong finwagwuwuswapwan nyo??" Tanong nito sabay lunok.
"Eewww gross!!" Sabi ni Kristine pero inirapan lang siya nito.
"Wala, kumain na lang kayo. Maaga pa kayo bukas."
"Eehhh ano nga?" Pangungulit ni Kristine.
"Oo nga! Ano nga?!" Si Jana naman.
"It's all about Yancey's Ex. Mark Thunder Greyson." Sabi naman ni Lhorraine.
"Saan mo na naman nakuha yan?" Takang tanong ni Rose kay Lhorraine.
"Napasama sa mga data ng He Royals."
"Yan! Kaya ka napapaaway!!" Biglang singit ni Jana.
"Anong away? Anong gulo na naman pinasok niyo?" Tanong ko sa kanila Lahat sila natahimik at nag-iwas ng tingin.
"Jana, sagutim mo yung tanong ko." Banta ko kay Jana. Ngumiti lang siya at nagpeace sign.
"Okay tutal hindi matino kausap itong si Kristine at Jana, Lhorraine anong ginawa mo?" Saglit na nanlaki ang mga mata niya tsaka siya bumuntong hininga.
"I was just curious about those Royalties, kaya naghanap ako ng infos about them. Napasama dun ang info ni Mark Thunder Greyson, ang ex mo. At dating leader ng Black Demon gang na mahigpit na kalaban ng Cursed Royals."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lhorraine, masyado siyang matalino para malaman lahat ng ito agad-agad.
"Share mo naman, KakaOP eh." Pangungulit ni Kristine kay Lhorraine. Sobra ang kakulitan ni Kristine at hindi ka talaga niyan titigilan hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.
"Mark Thunder Greyson, a.k.a Thunder, the former Leader of blackdemon gang. Na ngayo'y pinamumunuan na ni Crimson. I heard his already engaged."
Napayuko ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Mahal mo pa siya?" Napatingin ako kay Rose na nagabot ng panyo sakin. Napahawak ako sa mukha ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Hindi kami pwede."
"Kasi Demon ka? At tao sila?" Tanong ni Jana. "Lahat na lang ba ng bagay hindi pwedeng pagsaluhan ng tao at demons? Tingin na lang ba nilang lahat satin masasama? Na hindi dapat tayo nag-eexist? Hindi naman natin kasalanan kung iba ang tingin nila satin diba? Hindi porke't nakakatakot na ang itsura natin masasama na tayo."
Napatango naman ang tatlo sa sinabi nito.
"Hindi kami pwede kasi magkaiba kami ng mundo, balang araw babalik tayo sa underworld, at gustuhin man natin o hindi, ang mga bagay na minahal at mamahalin natin dito ay kailangan nating iwan."
"Eh bakit hindi mo na lang sulitin ang nalalabing oras mo dito kasama siya?" Tanong naman ni Kristine.
"Gaya nga ng sabi ni Lhorraine, malapit na siyang ikasal sa iba. Wala na kong karapatang makita siya."
----------------------------------
Hanggang diyan po muna, babawi na lang ako sa susunod na UD.
:D goodluck sa mga may exams.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top