Mission #85 Epilogue
Epilogue na po toh kasi nga BOOK 2 na yung susunod. Wag makulit makakasapak na ko haha.
Yung mga nacut na parts or missing parts, fault po ng wattpad kaya sa kanila po kayo magreklamo. Wala akong soft copy nito.
YANCEY's POV
"Nasa forbidden room ang forbidden door sa basement. Ready na ba kayo?" I asked them.
Bakas sa mga mukha nila ang kaba. Sa pagtapak nila papasok sa forbidden door wala ng bawian, wala ng atrasan.
Magbabago na ang mga buhay nila.
"Okay na." Rose breathed. Sumakay na kami sa elevator papuntang basement. I took out my keys to open the forbidden room.
Madilim ang buong paligid. At ang laman ng forbidden room ay ang nag-iisang forbidden door.
Kulay itim ito. Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumati samin.
It lasted for few seconds bago unti-unti itong nawala.
"We're back." I said to them. Nagmulat sila ng mga mata.
My armor was back.
Daemon is wearing his Prince suit at ganun din si Leila nakasuot din ito ng pangprinsesa. Hunter and Throne is also wearing their armors.
Rose was back to being a wolf girl. Mahaba ang mga tenga niya na parang aso and she has her tail. Nakasuot na siya ngayon ng brown leather shorts at tube.
Nakalabas na rin ang mga pakpak ni Lhorraine. Wearing her white boots with feathers, a skirt and chest armor made of feathers. Her hair is white.
Wala pang nagbago kay Kristine dahil nasa lupa pa siya. But her hair is blue.
Jana is with her Fire girl look. Red hair, black wings, red lips, red eyes. May chest armor din siya made of steel and leather pants.
"Hindi niyo naman sinabing kailangan ng change outfit." Daisy said.
"It's natural, talagang nagbabago ang suot namin depende sa lahi namin." Lhorraine answered her.
"Nasa Alta Majora tayo." Rose said. "Nasa kalagitnaan ng syudad Mierez, malapit sa palasyo."
Kumbaga sa human world. Nasa lugar kami kung saan nakatira ang mga nasasakupan ng palasyo. May mga mumunting stalls at pwesto kung saan nagbebenta sila ng mga iba't-ibang uri ng produkto.
"KAMAHALAN!" may mga lupon ng mga kawal ang bumaba sa kani-kanilang mga kabayo at lumuhod sa harapan namin.
"Maligayang pagbabalik."
"Aros, kailan pa bumalik ang daloy ng oras?" Tanong ni Daemon kay Aros ang isa sa mga heneral ng palasyo.
"Dalawang araw na po ang nakararaan, mahal na prinsipe at sa kasalukuyan wala pang ginagawang hakbang ang mga Black Demons."
"We can't let our guards down. Ipaalam sa Palasyo ang aming pagbabalik at ihanda niyo sila ng kani-kanilang silid." Daemon added.
May inutusan si Aros na magbalita sa palasyo at may dalawang karwahe naman ang dumating para sakyan namin papunta sa Palasyo.
"Parang nasa fairytale lang tayo." Daisy said habang nakatingin sa labas ng palasyo.
"Ano ng balita sa Mga Kingdoms?" Tanong ni Daemon sa isang adviser na kasama nila.
"Nakalikas na po angmga nakaligtas sa palasyo at pansamantalang naninilbihan sa Hari. Ang mga Kingdom Kings and Queens ay kasama ng Mahal na Hari at Reyna sa pagplaplano laban kay Hades habang hinihintay nila ang pagbabalik niyo."
"Sabihan agad lahat ng mga kawal na magkakaroon ng matinding pagsasanay , kukuha tayo ng mga plebian dahil baka kulangin tayo ng mga kawal." Utos ko dito.
"Masusunod po."
THIRD PERSON's POV
Saglit lang ang nakarating na sila sa palasyo. Tumunog ang kampana at mga horns. Maraming naghihiyawan sa pagbati sa mga Prinsipe't Prinsesa.
"Ang mga Anak ko!" Bungad ng Mahal na reyna at agad na yumakap sina Daemon at Leila sa kanila.
"Ina! Ama!" Halos sabay sabay na sabi ni Kristine, Lhorraine at Rose sa mga magulang nila.
Napaiwas ng tingin si Jana. Sino nga ba naman ang sasalubong sa kanya. Si Throne at Hunter ay nilapitan na rin ng kanilang pamilya.
Si Yancey ay kausap sina Aros at iba pang heneral.
Libra held Jana's hand and smiled at her. Jana forced a smile.
"I feel so out of place." Daisy said.
"Para tayong galing sa future nito." Wave commented.
"Pumasok muna kayo para sa pagsasalo-salo, alam kong pagod kayo sa byahe." Anunsyo ng hari.
Masaya ang naging piging but as usual nasa labas na naman si Jana at nakatingin sa mga bituin.
Hinaplos niya ang chain na nasa braso niya na dati'y suot-suot ng Ina. Shw missed her so much.
"Hindi ka pala matakaw dito." Napalingon siya kay Crimson na may dala-dalang nga pagkain. Nakasuot na ito ng pangprinsipe.
Jana forced a smile. Walang tagaFire Kingdom ang nasa loob. She felt so out of place dagdag pa ang mapanghusgang tingin sa kanya ng iba pang demons.
"Sayaw tayo?" Crimson asked her at nilapag sa bench yung mga pagkain.
"Alam mong hindi ako magaling diyan." She said. Hinawakan ni Crimson ang kamay niya at hinalikan ito.
Sinabayan nila ang tugtog na galing sa palasyo. Jana closed her eyes and rested her head on his shoulder.
Naramdaman niya na lang ang pagtulo ng mga luha niya.
"Don't mind them Jana, mahalaga ang role mo dito. Mga bobo sila at hindi nila maappreciate ang existence mo." Crimson said and brushed her red hair.
"Talagang nagMOMOL kayo dito?" Wave chuckled. Kasama nito si Kristine.
Jana wiped her tears. Andito pala silang lahat maliban kay Yancey.
"Hindi namin sila hahayaang saktan ka Jana, you have the lead role kaya wag ka ng magmukmok diyan." Daemon chuckled.
"Walang may gusto na nasa loob ako." Jana sniffed.
"Hindi totoo yan. Asan na ba yung Jana na matapang? Halika na nga kayo sa loob ang lamig-lamig dito sa labas."
Pumasok na sila sa loob at napatingin naman agad sa kanila ang mga panauhin.
"Andito na pala ang mga pangunahin nating bisita. Nais ko nga palang ipakilala sa inyo ang mga magigiting nating mga Tieflings na galing pa sa mundo ng mga tao!"
Napasinghap ang karamihan sa narinig. Isa-isa silang pinakilala ng hari. Sumunod ang Elemental Five.
"Si Jana, alam kong marami sa inyo ang may duda sa kanya. Anak siya ni Hades. Oo. Pero hindi niyo alam kung gano karami na ang isinakripisyo ng batang ito."
Jana clenched her fist at napahawak sa chains niya.
"Siya ang nakatakdang magligtas sa Underworld, nakatakda niyang patayin ang kanyang ama para sa kapakanan nating mga Demon. Nanalaytay sa kanyang dugo ang dugo ng isang Black Demon pero ang mga humuhusga sa kanya ay mas masahol pa sa isang Black Demon!"
"Ang kailangan niya ngayon ay suporta at hindi pang-aalipusta! Lahat tayong nandito'y may mga pinag-aralan. Alam niyo na ang ibig kong sabihin." Matigas na sabi ng Hari.
Her friends approach Jana. She just gave them a reassuring smile.
------
"Buti na lang nagpagawa sila ng ganitong room." Rose said habang nakaupo sa kama niya.
"Oo nga eh, magkakasama tayong anim." Lhorraine grinned.
Jana, Kristine, Lhorraine, Rose, Libra and Daisy.
"Ang daya naman kasi! Mag-isa lang ako sa kwarto!" Leila pouted.
"Eh prinsesa ka eh! No choice ka." Kristine told her.
Yung mga boys nasa kabilang kwarto kasama sina Throne at Hunter. May sarili ding kwarto kasi si Daemon.
Saktohan namang pumasok yung mga boys kasama si Daemon.
"Anong ginagawa niyo dito? Gabi na." Daisy asked Daemon na humiga sa kama nito.
"Hindi ako makatulog, wala ka eh." Daemon grinned. Namula tuloy sa hiya si Daisy.
"Landian niyo!" Jana chuckled.
"Mahal na Prinsepe, Mahal na Prinsesa bawal po kayo dito." May mga katulong na pumasok.
Napatss si Daemon. "Gusto ko siyang makasama sa kwarto ko." Turo nito kay Daisy.
"Pero mahal na--"
"Sinusuway niyo ba ko?"
"Daemon! Bumalik ka na nga sa kwarto mo!" Napabuntong hininga na lang si Daemon and kissed Daisy's forehead.
"Good night." He said at lumabas na. Kasalukuyan namang hinihila ng ibang maids si Leila na nakayakap kay Throne.
"Leila, alam mong bawal yan. Mapupugutan ako ng ulo." Throne whispered to her. Napanguso na lang si Leila at mukhang maiiyak na.
"Let me face your parents formally first." Throne said. Nagdadabog na lang na umalis si Leila.
Sinara na nila yung pinto.
"Uyy kayo alis na rin kayo." Utos ni Kristine kay Wave ba nakayakap sa kanya mula sa likod.
"Hindi naman bawal eh." Wave grinned. "Pabebe ka pa. Tignan mo nga sila tulog na oh."
Napatingin naman si Kristine sa mga kasama nila. Si Lhorraine at Ash tulog na tulog na habang magkayakap.
Si Leif at Rose naglalandian pa pero nakahiga na sila pareho.
Si Daisy nagmumukmok lang.
Si Jana, Crimson, Hunter, Libra at Throne dumiretso na sa kabilang kwarto.
"Okay. Tulog na tayo." Kristine at tumagilid na lang patalikod kay Wave.
"Good night kiss ko?" Pangungulit naman niya.
"Manigas ka." Kristine chuckled beofre drifting to sleep.
Nagsimula na ang kani-kanilang training na umabot ng mahigit sa isang buwan.
Halos mawalan na rin sila ng oras para sa isa't-isa. Puro physical trainings. Nahihirapang magcope up ang mga tieflings dahil iba ang lakas ng mga Demon compared sa kanila.
~PALACE~
"Wala pa siyang napapatunayan Leila." Matigas na sabi ng Hari sa kanya.
"Kaya ko pong ibuwis ang buhay ko para sa anak niyo." Throne said habang nakaluhod sa harap ng Royal Family.
Nasa tabi niya si Daisy na nakaarmor suit na rin.
"Handa ko pong patunayan ang sarili ko para sa anak niyo." Daisy said.
"Isa kang tao ija." Malungkot na saad ng Mahal na Reyna.
"Wala naman sigurong masama Ina, pumunta sila dito para iligtas tayo. Utang natin ang mga buhay natin. Sa kanila." Daemon said.
"Hindi pa ba sapat ang mga sakripisyo nila sa Human World?" Leila asked her father.
Napaisip ang Mahal na Hari.
"Sinusumbatan na ko ng mga anak ko dahil sa inyong dalawa. Mukhang importante kayo sa kanila. Kung ganun pumapayag na ko. Pero lahat pa rin ay may limitasyon."
"Yes! Salamat Ama!" Sabi ng dalawa at yumakap sa ama nila. Napangiti na lang ang mahal na reyna.
Nagkatinginan naman si Daisy at Throne na hindi na napigilan ang kasiyahan.
~EARTH~
"Kapag natalo ako ng lalaking yan, tatanggapin na namin siya Rose." Sabi ng Kuya ni Rose sa kanya.
"P-pero kuya, tao lang siya--"
"Tinatanggap ko." Pagtanggap ni Leif sa hamon ng kapatid ni Rose.
"Baliw ka na ba? You can't beat him!" Pigil ni Rose kay Leif. Pero hindi ito nagpatinag at dumiretso sa battleground.
"Ama! Ina pigilan niyo sila! Mapapatay ni Kuya si Leif!" Halos maiyak na si Rose.
"Tinanggap niya ang hamon Rose, wala tayong magagawa." Cold na sabi ng Ama nito.
Naiyak na lang si Rose habang nanonood. Parang pitik lang ang suntok ni Leif sa kuya ni Rose. Kahit ilang ulit na itong nababalibag, nasusuntok at natatadyakan pilit paring bumabangon si Leif.
"Yan lang ba ang kaya mo." Leif smirked at dumura pa ng dugo.
"KUYA TAMA NA!!!" Rose cried. Ethan clenched his jaw.
"Nakakawalang gana ang laban na ito." Ethan said at naglakad na paalis sa battle ground.
"Wait what?! Hindi pa tayo tapos!!" Leif hissed.
"Suko na ko." Bored na sabi ni Ethan. Agad namang tumalon papunta sa kanila si Rose and hugged Leif tight.
"I-I'm sorry, I wasn't able to defeat him." Nanghihinang sabi ni Leif as he leant on Rose.
"You won!" Naiiyak na sabi ni Rose.
"W-what?"
"You won Leif! You won! Your love for me won! It's not about physical strength, it's a measure of love. You love me more than my brother do, so you won."
"P-pano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leif sa kanya.
"You can die for me without second thought and Kuya can't dahil mas importante sa kanya ang kapakanan ng Earth Kingdom. You won." Rose said at siniil si Leif ng halik.
Naghiyawan ang mga nakapanood. Maging ang mga magulang ni Rose ay napangiti na lang.
"Dalaga na ang prinsesa natin." Sabi ng Ina ni Rose na humawak sa braso ng asawa niya. Her husband smiled t her and held her hand.
"Parang tayo lang noon." The Earth King grinned and they both laughed.
~WIND~
"Ikinagagalak ka naming makilala ijo." Mainit ang naging pagtanggap nila kay Ash who was so nervous before meeting them.
"Mukhang masaya si Lhorraine dahil sayo." The Wind Queen said.
Ash blushed shyly at natawa na lang si Lhorraine sa nakikita niya.
"Obsess sa knowledge ang mga magulang ko. You can teach them a little bit about technology." She winked.
Ash showed them some basic science at halatang-halata ang pagkamangha ng mga magulang ni Lhorraine.
He was so happy dahil hindi na siya nahirapang kunin ang loob ng mga ito.
"Sorry po. Hindi po ako ganun kabuting boyfriend sa anak niyo." Ash said. Habang nagcrecreate sila ng electricity mula sa tubig at sinusubukang paganahin ang isang light bulb na ginawa nipa kanina.
"My Dad doesn't like her and I've hurt her many times."
Nasa kusina si Lhorraine at kanyang Ina para maghanda ng pagkain.
"Hindi ko man lubos maintindihan ang iyong turan ijo ay sana tama ang pagkakaintindi ko. Ang mahalaga para samin ay naging masaya ang anak namin. Simula ng magkasakit siya binigay na namin lahat ng makakapagpasaya sa kanya, kaya sana ganun ka rin. Mahalin mo si Lhorraine, Ash, bigyan mo ng kasiyahan ang anak ko." He said.
Ash smiled at him at saktuhan naman umilaw yung bulb. Nagpawhoah pa silang dalawa.
Ash never felt like this. He never felt the feeling of having a father not until now.
~WATER~
"Kyaaah! Ang gwapo ng kasintahan mo Kristine! Saan mo napulot yun?" Ngisi ni Pearl, ate ni Kristine. Natawa na lang si Agua yung personal maid nito habang sinusuklay ang buhok niya.
"Marinig ka ni Kuya Ethan." Panunukso ni Kristine dito.
"P-pano naman napasok sa usapan natin si Ethan?!" Hysterical na sagot ng Ate Pearl niya.
"Bistado ka na! Tingin mo pa lang sa kanya kahapon alam kong pinagnanasahan mo na yun. Pero di ka naman pinapansin." Belat nito sa kanya.
"Huh?! Ako? Baliw ka na ba? Eh hindi naman makisig yun at lalong hindi maginoo." Pagtataray nito.
"Hmmm may point ka, gusto mo Agua ilakad kita, mukhang ayaw ni Ate eh." Nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
"H-hindi po pwede mahal na prinsesa." Nahihiyang sabi ni Agua.
"Dahil ba prinsipe siya at katulong ka lang?" Nag-iwas ng tingin si Agua.
"Dahil may kasintahan na siya Kristine, palibhasa puro Wave ang nakikita mo." Singit ni Pearl.
"Ikaw puro si Prinsipe Ethan." Kristine chuckled. Halos mamula na sa hiya si Prinsesa Pearl ng biglang may kumatok.
Agua opened the door at bumungad si Wave sa kanila.
"Hi, pwede ba kay Kristine." Pagpapacute nito.
"Pasok po kayo."
"Kyaaahhh!!! Ang gwapo mo talaga." Biglang niyakap ni Pearl si Wave na ikinagulat ni Kristine.
"Waaahhhh! Get off him! Lumabas ka na nga! Agua ilabas mo si Ate dito at baka lunurin ko pa yan." Singhal ni Kristine dito.
"Parehas tayong Water Demon baliw! Pero pagbibigyan na kita. Halika na nga Agua." Pearl grinned at lumabas na kasama si Agua.
"Whoah! Ang hot at sexy ng ate mo!" Wave exclaimed.
"Baka gusto mong lunurin na kita." Irap ni Kristine.
"Etoh naman siyempre ikaw pa rin ang pinakahot at sexy para sakin." Wave grinned and hugged her.
"Bolero, anong napag-usapan niyo ni Ama?"
"Chicks! Grabe ang playboy ng Daddy mo! Pero mukhang under naman sa Mommy mo."
"Sinabi mo pa, my Mom was a former general, siya lagi ang nagtatanggol kay Ama kaya ayun nagkainlove'n basta ang cheesy nila." Kristine laughed.
"I'm glad your Dad likes me." Wave said to her.
"Syempre parehas kayo eh." Natawa na lang silang pareho.
~FIRE~
JANA's POV
The chaos, the blood, the ruins, the corpse. The memories are still playing inside my head nonstop.
I can still see the black fire burning their bodies. The cries, the yelped.
I realized, those people needed me. I need to fulfill my mission.
I need to seek revenge.
I need to fight for the lives lost.
I need to face the consequences.
I need to sacrifice more.
I need to go back.
I need to go back...
.
.
.
.
.
.
To the FIRE KINGDOM.
.
.
.
.
.
THIRD PERSON's POV
Their time in the human world is already over. Their missions had completely and successfully done.
It was a long journey of pain, sorrow and trials but in the end they gained unmeasurable happiness and contentment.
Now as a new page opens, their lives are again in danger. The happiness and contentment they gained are not assured.
Betrayal will cross their path. Death will play with them. Misfortunes will engulf them.
Bliss will be unreachable.
They'll face the consequences of their choices. They'll meet new friends or are they really friends?
Will they win the game? Or lose everything?
Will they reach the goal? Or die with regrets?
But one thing is for sure,
Trusting is lethal.
You can't trust anyone but yourself.
And that's the DEMONIC RULE.
~END~
--
AN: Sa wakas! Tapos na!
DEMONIC RULE will be the title of the second book at hindi pa ako nakakagawa ng cover lols.
May isang special chapter pa! :) thanks for the support everyone!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top