Mission #84 Farewell

Gwynne Harriette Reonal Alcones. Add niyo ko sa fb tapos accept ko kayo don't worry. Watch the video about Demons in my album :)

Book 2 na po ang gagawin ko.
Suggest kayo ng title at cover :)

JANA's POV

Kumunot ang noo ko ng makitang lahat sila may name tag. Umagang-umaga ganyan ang aabutan ko?

Nakakagutom tuloy.

"Anong agahan natin--" Natigilan ako ng humarap sakin si Rose at itinuro yung name tag niya. Napatingin ako kay Lhorraine na winagayway pa yung sa kanya.

"Magrerecite ba kayo at kailangan niyo ng name tag?" I asked at umupo na sa tabi ni Crimson na nakalagay pa yung name tag sa noo niya.

"Read this." Turo niya.

"Crimson?" I asked.

"Good, now that's my name. Wag mong kakalimutan." He said at naglagay ng pork chop sa plato ko. Tapos kanin at ketchup.

Napangisi na lang ako.

"Ouch! My head hurts. Hindi atah ako makakakain ng maayos." Arte ko at may pahawak-hawak pa sa ulo ko.

"W-why?" Crimson stummered.

"Baka nahihirapan pang mag-adjust ng memory niya." Kristine said.

I almost laughed. Hindi nila alam pinagtritripan ko lang sila kahapon. Mabilis ding bumalik ang mga alaala ko ng sabihin ni Crimson ang pangalan ko. Lols.

"Subuan mo ko." I pouted at Crimson. Napakamot na lang siya sa batok niya.

"Eh kasi hindi ko pa natry eh." He shyly said. Napatingin ako kay Rion na nakatingin sakin pero nag-iwas din ng tingin.

"Subuan mo ko." Sipa ko kay Rion sa ilalim ng mesa.

"Sabihin mo muna pangalan ko." He grinned.

"Rion."

"Yung mabilis at marami." He chuckled.

"Rion. Rion. Rion. Rion. Rion. Rion."

"Say ahhh." Lapit ni Rion sa kutsara niya. I opened my mouth at nagulat na lang ako ng si Crimson ang kumain nun imbes na ako.

Rion laughed hard.

"Subukan mo pa ulit Rion. Pati plato ipapalamun ko sayo." Irap ni Crimson sa kanya.

"Ikaw naman! Katabi mo lang boyfriend mo tapos nagpapasubo ka sa iba?!" Singhal niya sakin.

"B-boyfriend?! Boyfriend kita?!" I exclaimed. Hindi naman atah ako updated diyan! Alam ko okay na kami pero boyfriend?

My head is ouch.

"Oh etoh na kumain ka na lang." He said and tried to feed me. Napangisi na lang ako at sinubo yung kutsara na may pagkain.

"Uyy damihan mo naman ng kanin! Tsaka lagyan mo ng ketchup." Utos ko sa kanya.

"Ang takaw mo talaga." He hissed. Napanguso na lang ako. Napatingin ako may Libra na tulala at hindi ginagalaw ang pagkain niya.

"Libra, okay ka lang?" I asked her. She blinked and looked at me.

"H-huh?" She asked.

"Okay ka lang?" I asked her again. Ngumiti siya ng tipid sakin tapos tulala na ulit.

Napatingin ako kay Crimson pero nagkibit balikat lang siya. Tumingin din ako kina Lhorraine at umiling lang sila.

Lahat kaming mga babae except Daisy eh nanonood ng Kalyeserye.

"Waaahhhh!!! Oh gosh! Nagkita na sila! Waaahhh bakit ganun bakit saglit lang!" Ngawa ni Leila habang busy ako sa pagkain ng ikapitong box ko ng popcorn.

"Feeling ko sa Sabado na talaga sila magkikita para bongga." Kristine said.

"Nakakinis si Lola ni Dora, pag-igibin ba naman si Alden para sa pool?!" Rose hissed.

AlDub, yan na ngayon ang kinaadikan nila. Nakakabitter lang. Umiiyak na nga tong mga toh dahil wala na namang forever.

Tapos maya-maya tatawa na naman. Mga baliw.

"Wala na ba tayong popcorn?" I asked Rose pero inirapan niya lang ako. Napatingin ulit ako kay Libra na tahimik din na nanonood pero wala man lang kaemosyo-emosyon at hindi pa nagagalaw yung box ng popcorn niya.

"Oy Hunter!" I shouted at literal na nabitawan ni Libra yung popcorn niya.

Sabi ko na nga ba...

"Asan? Asan si Hunter?" Lhorraine asked. Nagkibit balikat na lang ako at ngumisi kay Libra na nag-iwas lang ng tingin.

"Ang tagal naman ng meeting nila, patapos na ang Aldub eh." Dabog ni Leila.

May meeting sina Yancey kasama ang mga tieflings with Throne, Daemon at Hunter. Ewan ko lang kung anong pag-uusapan nila.

"Jana, samahan mo ko sa likod." Libra said at nagmartsa na palabas. Napatingin pa sakin sina Lhorraine at nagkibit balikat na lang ako.

"Bakit?" I asked her. Pabalik-balik siyang naglalakad habang pinipisil ang palad.

"M-mAy gusto atah ako kay Hunter." She breathed.

"Anong atah? Obvious kaya." I chuckled.

"H-huh? P-pero nakakahiya." She bit her lower lip at pansin ang pagiging uncomfortable niya.

"Wala namang nakakahiya dun, normal lang yun." Napalingon kami ni Libra sa biglaan nilang pagsulpot.

"Yup, tsaka knowing Hunter sigurado akong aalagaan ka nun." Rose smiled at her. Mas lalo tuloy nahiya si Libra at lumapit sakin.

"Wala kang mapapala kapag makikiramdam ka lang. Alam mo naman ang nga lalaki torpe na nga manhid pa." Leila said like an expert.

"Says the one who got a boyfriend while still 14." I mocked. Napanguso na lang siya. Ang bata-bata pa feeling expert na sa love life.

"So you really got your memories back?" Lhorraine smirked. Napangiwi na lang ako at nagpeace sign sa kanila.

"Sinadya mo talagang papangitin mga pangalan namin?!" Kristine exclaimed. Natawa na lang ako.

"Cute kaya."

"Naku! Naku Jana! Pasaway ka talaga." Rose chuckled. Nilukot-lukot na nga nila yung nga name tags nila.

"Okay Let's start our operation HuLi!!" I raised my hand. Napahuh naman sila.

"Sinong huhulihin?" Tanong ng ever slowpoke na si Kristine.

"HuLi! Short for Hunter at Libra! Duhh!!"

"Ang eeew talaga! Pero game ako diyan!" Leila said.

"Ikaw Libra? Game ka na ba?" I winked at her and she just sighed.

CRIMSON's POV

"Gaya nga ng napag-usapan. Black Demon Gang will be the Elemental Knights." Daemon said.

Napatango naman kami. Noon pa lang laban namin ng Black Parade kahit talo kami kami pa rin ang pinili ng singsing.

Ako pa rin ang pinili ni Jana.

Namimiss ko na naman yung babaeng yun. -///////-

"Kami ang sasama sa inyo sa Underworld?" Wave asked them. Tumango naman si Yancey.

"Sa Underworld na gaganapin ang training niyo dahil dun lang lalabas ang mga elemental weapons." She said.

Napatingin ako sa singsing. Sana cool yung weapon na makuha ko.

"Pano na kami?" Briggs asked. Napabuntong hininga sina Throne.

"Naging maganda ang pagsstay namin dito sa mundo niyo dahil nakilala namin kayong apat. And we hoped sana nakatulong din kami sa inyo." Throne said.

Nagkatinginan na lang silang apat at lumapit samin.

"Alagaan mo si Jana." Rion tapped my shoulder. Tumango ako sa kanya.

"Jana is an attention seeker, gusto nun na lagi siyang nilalambing, alam mo na medyo childish." Dagdag pa niya.

"Thanks for being with her sa mga oras na g*go ako." I said.

"Kailan ka ba hindi naging g*go?" He chuckled. Natawa na lang din ako.

"Honestly, I never imagined na magkakaayos ang Black Demon at Black Parade Gang." I said.

"Me, too. Who could have thought that Demons can bring peace? Goodluck bro." He said at naglahad ng kamay. I smiled at him and shook his hand.

"I'll do my best."

"Anong balita?" Napatingin kami kay Jana na bigla na lang yumakap sakin.

"Anong ginagawa niyo dito?" I asked her.

"Ang tagal niyo eh. Tsaka may sasabihin ako sayo." She whispered. Napatingin ako kay Rion.

"Mag-aayos pa kami ng gamit. Kitakits na lang." He winked at nagsalute pa bago umalis.

"Bakit? Saan sila pupunta?" She asked at susundan na sana si Rion pero hindi ko alam kung bakit hinila ko yung kamay niya.

"H-Hayaan mo na lang sila." I said.

"Pero aalis sila diba? Itatanong--"

"Wag na. Halika na lang dito." I said and gave her a big hug.

"Landi mo rin eh noh?" She chuckled. "Sasama ka sakin sa Underworld?"

I cupped her face and looked at her in the eyes. "Kahit sa pluto pa yan o sa ibang galaxy."

"Landi mo." She chuckled and she pinched my nose.

"Mahal mo naman." Belat ko.

"Tayo na ba talaga?" She asked.

"Ayaw mo?"

"Hmmm ang bilis eh. Wala pa sa tamang panahon." She chuckled. "Pero bahala na, ang importante love kita." Pacute na sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nakangiti lang kami sa isa't-isa hanggang sa marealize niyang hindi ako sumagot.

"Wala man lang I love you, too?" She asked. Natawa na lang ako and shook my head. Akma niyang aalisin yung pagkakayakap niya sakin pero mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.

"Walang, I love you too, pero may I love you more." I chuckled. "Sobrang mahal kita Jana kahit matakaw ka, moody, at badmouthed."

Tumingin siya sakin at ngumuso. "Nilalait mo ba ko?" She glared.

Umiling ako, "those are the things that made me fall inlove with you harder and deeper."

"Sh*t, kinikilig ako." She giggled and we both laughed.

WAVE's POV

Nagpupumilit siyang sundan si Vixen kaya sumunod na rin ako. Kwarto yung pupuntahan nila alangang hayaan ko na lang.

"Uyyy... Aalis ka na?" May himig ng lungkot sa boses ni Kristine while she's sitting on his bed at ako nakatayo lang sa tabi ng pinto.

"Oo, I lost." Vixen said while looking at her.

"Iiwan mo na ko? Hindi ka na babalik? Kakalimutan mo na ba ko?!" She again started crying. I clenched my jaw lalo na ng hawakan ni Vixen ang mukha niya at pahirin ang mga luha niya.

Pinipigilan ko lang talagang huwag suntukin si Vixen ngayon. Tch.

"Makakalimutan ba naman kita?" He smiled at her.

"Bakit aalis ka na? Ambilis naman." Kristine sobbed.

"Malapit na kayong umalis. At magiging sagabal na lang kami kapag nagtagal pa kami dito."

"Hindi naman eh. Wag ka ng umalis please." Kristine almost pleaded. Naikuyom ko ang mga kamao ko.

Nakakawarak ng ego ang makita yung girlfriend mong nagmamakaawa sa ibang lalaki.

"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Magkikita pa naman tayo diba?" Vixen said to hush her.

Lumabas na ko the moment she hugged him.

KRISTINE's POV

"Shhhh shh tama na wag ka ng umiyak." Napahagulgol na lang ako. Ayokong bitawan si Vixen. He became so special to me at ayokong mawalay siya sakin.

He hugged me tighter at narinig ko ang banayad na pagsinghot niya.

"Ipangako mo sakin mananalo kayo at magkikita ulit tayo." He whispered. I sniffed and nodded.

"Oo.. Oo basta wag mo kong kakalimutan." I said.

"Impossible yun. Kaya tumahan ka na." Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang palad niya before kissing my forehead.

"I love you Kristine." He said.

So I replied. "I love you, too."

"Sana parehas tayo ng ibig sabihin." He mumbled pero hindi ko naintindihan sa lakas ng iyak ko.

Mahaba-haba pang paliwanagan before I decided to let him go. Hinatid na namin silang apat sa labas.

Si Jana nga parang tukong nakayakap kay Rion. Briggs gave Lhorraine a kiss on cheek tapos nagyakapan din sina Rose at Zee.

"Waaahhhh!!! Ayoko!!! Huhuhuhu!!!" Ngawa ni Jana habang pilit siyang inilalyo kay Rion. Napapunas na lang ng luha si Rion at tumalikod samin.

Jana was sobbing. Hindi naman iiyak yan ng ganyan kung hindi siya talaga nahihirapan o nasasaktan. Yumakap ako kay Wave at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"He's the only guy bestfriend I ever had." Paos na sabi ko.

"It's okay. Magkikita pa naman kayo eh." Wave said to me. Umalis na sina Vixen.

Nakaupo na ngayon si Crimson sa couch habang nakahiga sa lap niya si Jana at humahagulgol. Crimson is patiently brushing her hair para patahanin ito.

Farewells and goodbyes, iyan ang mga moments na pinakamasakit kay Jana. Nakasandal lang ako sa balikat ni Wave habang nginangatngat ko yung kuko ko.

Daig ko pa ang natrauma sa nangyari.

"Okay ka na?" I heard Wave asked. Dahan-dahan akong tumango.

"I'm sorry." I said.

"Saan?" Malumanay na tanong niya. His voice is full of care and affection. Napakalambing pakinggan.

"For what you saw, I know you're jealous."

Humigpit ang pagkakayakap niya sakin and kissed my temple. "He's your friend. Naiintindihan ko, wag ka lang magsasabi ulit ng I love you sa ibang lalaki."

Nagtaas ako ng tingin at sinandal yung ulo ko sa balikat niya. His face is just few centimeters away.

"Hindi pwede." I said.

"Bakit?!" May diin na tanong niya.

"Pano na si ama, yung mga kamag-anak namin--"

"Okay lang, exception sila."

"Tsaka meron pa---"

"What the! Sino pa?!" He hissed natawa na lang ako so he glared at me..

"Wag mo kong tawanan, I'm serious." He glared. I cupped his face and kissed him.

"Para pa sa MGA baby boy natin." I grinned.

LHORRAINE's POV

I just found myself inside Briggs room. May mga picture pa kami dito. He loves taking good care of memories.

GGSS din yung isang yun. Gwapong-gwapo sa sarili. Everytime na may ginagawa aiyang dubsmash o cover ng song laging ako ang unang nakakapanood nun.

Paborito ko nga yung don't judge me challenge na ginawa niya na walanpang 24 hours naka2 million views na sa facebook.

Pati rin yung twerk it like miley niya. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

I miss that guy.
I miss Briggs.

Yung pamimilit niya saking kumain. Yung pangungulit niya at mga korni niyang jokes para patawanin lang ako.

"Andito ka lang pala." Lumingon ako kay Ash and gave him a faint smile.

"Would you be mad if I say, I almost fell inlove with Briggs?" I asked him directly.

He was stunned. Pansin yun sa panlalaki ng mga mata niya.

"No, I don't believe you. That's not a good joke." He hissed. Nag-iwas ako ng tingin.

It hurts. I like Briggs. Kahit nakangiti siyang umalis kanina I know it was painful for him.

He loves me and I love him, too nagkataon lang na mas mahal ko si Ash.

"No Lhorraine please don't." Ash hugged me from behind. Rinig ko ang banayad niyang paghikbi.

I just wanted to be honest with him pero ang sakit ng nararamdaman ko.

"I love you, I love you so much." He whispered. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ki namalayang pumatak.

"Don't worry, I love you, too." I said. Iniharap niya ko sa kanya at mahigpit na niyakap.

"More than you love him?" He asked na parang batang nagtatampo.

"Yeah." I smiled.

"D*mn, you don't know how much you made me happy. I love you so much." He said habang pinaghahalikan ako sa mukha.

"Stop it, baka kung saan na naman mapunta toh." I chuckled.

Napanguso na lang siya. "Pananagutan naman kita eh."

Nanlaki ang mga mata ko. "Gusto mo kong lumaban ng buntis ako?" I breathed.

"Tsk, hindi ba pwedeng isa lang? Last na toh next time after kasal na." He grinned.

"Tigil-tigilan mo ko Ash."

"Sige kiss mo na lang ako."

Napataas ako ng kilay sa kanya. Napapout na lang siya at parang batang nagtatampo.

"Hindi mo atah ako love." He said at nagsimula ng naglakad palabas ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako and followed him.

"Fine! Ako ng bahala, basta dun tayo sa kwarto ko." I said at kinaladkad na siya papasok sa kwarto ko.

ROSE' POV

"Anong plano mo?" I asked Zee habang naglalakad kami dito sa park at kumakain ng ice cream. Napayagan kasi akong lumabas para bumili ng mga kakailanganin namin sa pag-alis namin.

"Syempre pananagutan ko si Bea." He smiled.

"You look happy."

"I am?" He chuckled. "I just can't believe I'm having twins soon. I'm kinda excited."

"You're a good person Zee, you deserve to be happy." I tapped his shoulder.

"I became a better person because of you, kung hindi dahil sa inyo siguro mga sakit parin kami ng ulo at wala ng ibang alam kundi ang mang-away."

Napangiti na lang ako and let out a deep sigh.

"Wag mo kong kakalimutan ha?" A tear almost fell from my eyes yet i immediately blinked it back.

"It's not as if hindi ka na babalik. Magiging ninang ka pa ng mga anak namin." He said happily. Natawa na lang ako.

"Pero ilagay niyo ang pangalan namin sa list ng ninangs ha?"

"Matagal-tagal pa, excited ka rin masyado." He said and pinched my nose.

"Uyy ilang buwan na lang! Tsaka hindi nga kami sigurado kung mananalo kami o hindi, kung makakabalik pa kami o hindi na ng buhay."

"I believe in you at kina Leif. I know they are worthy. Kaya ka niyang ipaglaban at ipagtanggol." He smiled.

"Andami niyong sinakripisyo para samin pero napunta naman lahat sa wala." Malungkot na sabi ko at pinagsisipa yung maliliit na bato na nadadaanan namin.

"Hindi naman, kasi we have the strength now to defend those who are important to us, at yung saglit na panahon na kasama namin kayo, naging masaya naman kami. Wala kaming pinagsisisihan, yun lang sigurong masyado kaming late na dumating sa mga buhay niyo." He winked. Hinampas ko na lang siya sa balikat at tumawa.

"Pero honestly, mamimiss kita." I said. Hinaplos niya ang buhok ko and gently hugged me.

"Mamimiss din naman kita." He sniffed. Naiyak na lang talaga ako...

Zee is a good man, kung nauna lang sana siguro siya kay Leif, siguro siya na ngayon ang mahal ko.

"Alagaan mo si Bea ha?" I sobbed.

"Oo naman, wag kang magpapatalo ha? Mangako kang bibisita ka."

"Basta ba't hinding-hindi mo ko makakalimutan." I grinned.

"Baliw, hinding-hindi kita makakalimutan." He grinned. Napatingin ako sa harap namin ng may tumigil na taxi.

Bumaba mula doon si Bea at diretso ang tingin samin.

"P-pwede ba kitang makausap?" She asked at kay Zee siya nakatingin.

"Tungkol saan?" Tanong naman ni Zee. Up until now hindi pa sinasabi ni Bea na kay Zee ang dinadala niya.

But Zee knows. I don't know when did he find out. Pero hindi ko rin naman alam kung nasabi na ni Bea kay Leif ang totoo.

"Pwede bang tayong dalawa lang? Somewhere private." Bea said at tumingin sakin saglit tapos kay Zee.

"Nasabi mo na ba kay Leif?" Zee asked her. Nanlaki ang mga mata ni Bea at agad nag-iwas ng tingin.

"I-I can't tell him but I know that you know na sayo toh." Namumula ang mga mata ni Bea at hindi makatingin ng diretso kay Zee.

"Ako ang magsasabi kay Leif kung ayaw mo." Matigas na sabi ni Zee sa kanya.

"NO! Please huwag! Huwag naman. Huwag muna ako na lang sa tamang panahon. Please." Kitang-kita ang pagkatakot sa mga mata ni Bea at para na siyang maiiyak.

"Kailan ang tamang panahon, Bea?" Nagulat na lang kaming tatlo ng buglang sumulpot si Leif out of nowhere.

"Anong ginagawa mo dito?" Bea asked him.

"As far as I know, public place toh." Kunot noong sabi ni Leif sa kanya. "Akala ko ba may check up ka sa OB Mo ngayon?"

"U-uhm ano kasi I was on my way ng makita ko sila kaya tumigil muna ako to say hi." Bea said.

Tinitigan lang siya ni Leif saglit bago niya akbayan si Bea. Hindi ko alam pero parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Gusto mo samahan kita?" Leif asked her. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod sa kanila.

"S-Sige--"

"Kaso baka magalit ang girlfriend ko." I heard Leif said at sa isang iglap lang amoy na amoy ko na ang pabango niya.

Mahigpit ang pagkakayap niya sakin. Gaya ni Bea gulat na gulat ako sa nangyari.

"Nangako kasi ako sa kanyang susunduin ko siya after ng lakad nila ni Zee." Leif said at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi niya sa pisngi ko.

"LEIF! Anong ginagawa mo?!" Bea cried.

"Don't cry makakasama sa mga bata." Zee told her ng makalapit siya kay Bea.

"Wala kang pakealam!"

"May pakealam ako dahil anak ko sila Bea!!" Sigaw ni Zee sa kanya. Napakislot sa gulat si Bea at dahan-dahang tumingin kay Leif.

Hindi ko alam pero hinigpitan ko ang yakap ko kay Leif. Na parang hindi man lang natinag sa sinabi ni Zee.

"Matagal na kong kinausap ni Zee, Bea. Tama na yang kalokohan mo. Hinding-hindi ko na sasaktan si Rose ulit, gagawa pa kami ng Jasmine, Tulips, Violet, Lily and others namin."

"The game is over Bea, let's go home." Zee hissed at hinila na paalis si Bea at pasakay sa taxi.

"So saan mo gustong pumunta?" Leif asked me habang yakap-yakap namin ang isa't-isa.

"Hmmm? Uwi na tayo pagod na ko eh." I grinned.

"Ganun? After I let you spend the whole day with Zee, gaganitohin mo na lang ako? Nakakatampo ka." He pouted.

Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

"Eh saan mo gusto?"

"Ewan ko, kahit saan basta kasama kita, pakiss nga ulit." He grinned at hinalikan naman ako pero smack lang ngunit limang beses.

"Uyy! Umaabuso ka na ha?" I laughed.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko then we started walking.

"I was mad when I learnt I wasn't the father of Bea's twins, you see I hurt you because I have chosen a lie. Yet you still forgave me and love me." He said at hinalikan niya ang kamay ko habang umiiyak.

My tears started to fall.

"I was hurt, angry, mad at you. Pero I am more inlove with you. Mahal kita Leif at ikaw lang ang gusto kong maging ama nina JJasmine, Tulips, Violet, Lily and others." I chuckled before he wrapped me in his warm hug again.

LIBRA's POV

"Gusto mong sumama samin? Mamasyal kami." Aya sakin ni Leila. I shook my head ng mapansing kasama pala nila si Hunter.

"Sige na Libra sumama ka na. Learn to socialize." Sabi ni Yancey.

Umiling ulit ako. Nakakahiya kasi talaga.

"Hayaan niyo na lang kung ayaw sumama." Hunter said while looking at me coldly. Parang nasaktan ako sa sinabi niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Aitx hindi pwede yan, sige na Libra magpalit ka na at sumama kina Leila."

----------

Kanina ko pa napapansin na sinasadya kaming iwan nina Throne at Leila.

"Sakay tayo sa ferris wheel!!" Leila grinned. Napatingin ako sa malaking bilog na napapalibutan ng magagandang ilaw habang umiikot.

"Sige na tara na." Throne grinned. Bumili na sila ng ticket habang nasa likod nila kami.

Alam kong nasa tabi ko lang siya. Kanina pa siya tahimik at kanina pa ko kinakabahan.

"Pasok na daw tayo." Leila grinned. Pumasok na ko sa loob at sinara na nila yung pinto only to see na naiwan pala sina Leila sa baba.

"L-Leila! Throne!!"

"Enjoy!!" Kaway nila sakin. Napatingin ako kay Hunter pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Ninenerbyos na talaga ako.

"You really don't like me do you?" He hissed. Napasinghap ako sa tanong niya.

"Lagi mo kong iniiwasan at hindi ka makatingin sakin ng diretso."

I gulped. Gusto kong magsalita pero nauutal ako. I bit my lower lip.

"Tssss."

"Uhm ano!" I shouted. Naiyak na lang ako sa sobrang kaba ko.

"H-hey, lalabas na ko kung gusto mo." He said. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong hawakan siya sa braso.

"I-I like you, g-gusto kita. But everytime you're this near ang sakit ng puso ko. Ang bilis at ang lakas ng kabog." I grasped for air.

I saw him smile. "Hindi ba't ibig sabihin nun mahal mo na ko?"

Nagtaas ako ng tingin sa kanya, "h-huh?"

He chuckled at umupo sa tabi ko. He held my hand and intertwined our fingers.

"Akala ko ayaw mo talaga sakin." He said. Umiling-iling ako.

"You confessed to me." Parang tuwang-tuwang sabi niya at ang lawak ng ngiti niya.

"P-pero may kasintahan ka. S-sorry." I said and bit my lip.

"Don't worry wala, pero ngayon meron na." He said habang nakatingin sakin. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"OA man pakinggan, but the first moment I saw you with Jana before, I already knew ikaw na and forever ko." He grinned. Napayuko na lang ako when I felt myself blushed.

"P-pano kung masama pala ako?"

"Then, I'll tame you. I love you, too Libra sorry mas nauna ka pang nagconfess." He said. Hindi ko na napigilan ang sarili kong napangiti.

Korni mang pakinggan but I'm really happy.

------------

Tbc. Puro kakornihan na lang ang pumapasok sa utak ko haha.

Epilogue na po susunod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top