Mission #82 Awakening

Para kina
@asdfghjnmy
@MsPrincessYomi22
@HectorJohn143
Na wagas makacomment :) lab u ol XD

And kay @JazkoJazziePahayahay na nagsabing maganda Ako harhar XD.

Special chapter was deleted lols. It was suppose to be a surprise chapter kaso Inatake kasi ako ng tanga-tangahan syndrome kaya naipost ko ng hindi pa tapos.

Swerte ng mga nakabasa :3... Quiet na lang sa mga nakabasa prize niyo na yung nag-abang ng UD ko lols.

#unedited

JANA's POV

"AYOKO NGA SABI ANO BA?!" Singhal ko kina Lhorraine. Kanina pa sila nangungulit at bwisit na bwisit na ko.

"Jana! Parang noon lang excited ka sa mission mo! Ano bang nangyayari sayo!!" Rose exhaled at napasapo sa noo sa inis.

"Hindi niyo kasi alam kung anong mangyayari sakin!! Hindi niyo alam kung ganu kahirap ang pagdadaanan ko! Natatakot ako na baka... na baka hindi ko kayanin." I almost cried.

Mas lalong lumalala ang sakit ko kapag naiisip kong malapit na ko. Ano mang oras ako na ang susunod.

Ang laban sa pagitan ng Black Parade at Black Demons ay natapos na. It was an easy win for the Black Parade.

Ni hindi nga nakatama ng suntok ang kahit sino sa He Royals yet they didn't give up until they lost conciousness.

"Jana wala ka ng ibang pwedeng gawin kundi tanggapin at kayanin kung ano mang mangyayari sayo!" Kristine exclaimed.

Hinawakan ko ng mahigpit yung cursed book. At sinilaban ito.

"Jana! HUWAG!!" Lhorraine shouted. Binitawan ko yung libro at unti-unti itong tinupok ng apoy. At kahit water power ni Kristine ay walang nagawa.

"Jana! Isipin mo yung pagkamatay ni Reyna Yren! Diba kaya ka nandito para ipaghiganti ang pagkamatay niya?! JANA!!"

"Tama na! Wag niyo na kong utuin! Hindi na babalik si Ina kahit anong gawin ko! At hindi ko rin papahirapan pa ang sarili ko!"

Nanginginig akong napangisi. Wala na ang cursed book.

Wala ng cursed mission.

Naramdaman ko na lang ang malakas na sampal sa pisngi ko. Halos matabingi ang ulo ko at mamanhid ang pisngi ko.

"Lumayas ka dito. Kung ayaw mong patayin ulit kita." Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatutok na sakin ang Holy Gun ni Yancey.

Aga kong nilabas ang mga pakpak ko at mabilis na lumipad palayo. Masakit ang tama ng ulan sa balat ko.

Nahihirapan akong painitin ang tubig na sinasabayan ko pa ng mabilis na paglipad. Hindi ko alam kung maluluha ako o ano basta ang alam ko lang,

hindi ko na kaya.

KRISTINE's POV

"Asan na kaya siya?" Tanong ko kina Lhorraine. Wala na sina Yancey dahil bumalik na ulit sila sa Basement para simulan ang training ni Daisy with Black Parade.

Yung mga He Royals, tulog pa rin at kasalukuyang nagpapagaling.

"Tumigil ka muna Kristine, ako ang nahihilo sa kakalakad mo ng pabalik-balik." Rose sighed. Pabagsak akong umupo sa tabi niya sa couch.

"Bumabagyo Rose, hindi ko naman maiwasang hindi mag-alala." I said.

"She's hiding something from us." Lhorraine said.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Jana loves challenges, like Rose, adik yun sa laban. But now, para siyang batang nakakita ng karumal-dumal na krimen at natrauma." Sabi nito. Kasalukuyan niyang sinusubukang ayusin yung cursed book na puro abo na lang ang natira.

"Why wouldn't she tell us?"

"Alam mo naman si Jana, Kristine. Hindi siya marunong magsinungaling pero magaling siyang maglihim. Kala mo okay lang siya pero deep within her, she's dying." Sabi naman ni Rose.

Hini ko alam kung anong magiging reaction ko. Kung ano man yung tinatago niya baka nga talaga delikado yun.

"Si Jana?!" Napatingin kami sa taas at nakita si Crimson na hingal na hingal at mukhang nakakita ng multo.

"Tumakas siya." Lhorraine replied. Mas lalo pang namutla si Crimson at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Pero pagkabukas pa lang niya ng pinto, malakas na hangin at kidlat na agad ang sumalubong sa kanya. So he immediately closed the door.

"D*mn! Si Jana! Nasa panganib ang buhay ni Jana! Kailangan natin siyang tulungan!!!"

"May alam ka ba Crimson?" Lhorraine asked him. Natigilan ito sa tanong ni Lhorraine at mukhang nag-aalangang sumagot.

"If you know something, then come on, tell us." Rose said.

Hindi sumagot si Crimson. May alam nga siya talaga.

"S-Si Reyna Yren." Crimson mumbled. Kumunot ang noo namin. Anong kinalaman ng ina ni Jana dito.

"Bakit? Nagpapakita siya sayo?" Lhorraine asked.

"May inilagay siya sa loob ni Jana." He added. "There's a chain on Jana's heart. Yung chain na yun ang pipigil sa kanyang maging Black Demon Princess, kapag natrigger ang black heart niya hihigpit ang chain na nakapalibot dito and it can crush Jana's heart na ikamamatay niya. We need to avoid those things that will trigger it, most specially pain and fear."

Napasinghap ako sa narinig ko.

"No way..." I gasped.

"We need to save her. I have her life source, it was given by Queen Yren, yung life source na yun ang makakapagpakalma kay Jana. She needs it."

"Panong nasayo ang life source niya?" Rose asked.

"She gave it to me before, I don't know how to give it back." Nakayukong sagot nito.

"A-anong gagawin natin?"

JANA's POV

I woke up somewhere dark at sira-sira na ang damit ko. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at hapdi ng mga sugat ko.

"Glad you're awake." Nanlaki ang nga mata ko ng may isang babaeng nagsalita sa tabi ko habang nilalagyan niya ng kahoy yung bonfire.

"S-Sino ka? Asan ako?" I asked her.

"Nandito ka sa isang kweba, malakas ang ulan sa labas." She said totally avoiding my first question.

"Sino ka?" I hissed. Tumigil siya sa paglagay ng kahoy at tumingin sakin. Dahil sa munting ilaw ng apoy naaninag ko ang mukha niya.

May mga parang tattoo sa mukha niya pero parang mga writings ito ng sinaunang pnahon na may mga simbolo pa.

"Hindi ko alam kung sino ako. Pero ikaw ang nagligtas sakin sa sarili kong sumpa. Dahil sayo muli akong naipanganak, bakit hindi mo ko bigyan ng pangalan?" She smiled....

Nakaramdam ako ng panlalamig at halos magkagoosebumps ako..

"Paanong pinalaya?"

"Sinunog mo ako kaya nakalaya ako sa sumpa."

"Sinunog?! K-Kailan kita sinunog?"

"Kanina lang. Ako yung tinatawag niyong cursed book at ako ang tagagawa ng sumpa. Hanggat libro ako, hinding-hindi mauubos ang sumpa. Mauulit at mauulit ang mga nangyari noon." She said.

"You mean... Wala na akong cursed mission?"

"Nalagyan ka ng sumpa bago ako mag-anyong tao ulit. Ang mga sumpang naigawad ay hindi na maaalis."

Napaiyak ulit ako sa narinig. Iniuntog-untog ko yung ulo ko sa lupa. Wala na kong kawala sa nakatadhana para sakin!!

"I can't escape it? Can I?" I sobbed. Umiling siya at nilagyan pa ng maraming kahoy yung apoy.

"Hindi mo pwedeng gawin yun. Kapag pinatagal mo pa, mas lalo yung lalala at ang mga mahal mo sa buhay ay madadamay." She said.

"Bakit? Bakit ako pa?! Bakit kailangang piliin mo ko?!" I hissed.

"Hindi kita pinili. Oo ako ang gumagawa ng sumpa pero ang sumpa ang pumipili ng kakapitan niya."

Pinilit kong makatulog ng gabing yun. Matyaga naman si Cursed Book ma dalhan ako ng hayop na kakainin.

"So, andito ka para ihatid ako sa cursed mission?" I asked her habang nginunguya yung laman loob ng baboy na nakuha niya.

"Oo, kailangan mo yung gawin para matapos na ang sumpa para makalaya na tayong lahat at para makapamuhay na ko ng normal." Malungkot na sabi nito.

Mukhang kaedad lang namin si Cursed Book. Sumikat na ang araw at tumigil na rin ang ulan. Buong katawan pala niya ay may mga tattoo.

"Alam mo? We should get you some clothes first." I said. Nasatisfy na naman yung hunger ko kaya okay na ko for the moment.

"Bakit?" She asked.

"Alangang lumabas ka ng ganyan! Wait lang lalabas ako kukuha ako ng damit mo. Hintayin mo ko." I told her and she slowly nodded. Wala siyang damit, feeling niya siya si Eva?!

Busog na ko kaya magaling na ang sugat ko at nakakalipad na ko. Mabilis akong kumuha ng mga nakasampay na damit sa pinakamalapit na bahay.

"So saan?" I asked her pagkatapos niyang magpalit. She closed her eyes.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang magliwanag at yung mga marka niya sa katawan ay lumipad sa ere at nagform ng mga words na hindi ko mabasa.

"Mount Everest" She said.

"Wait what?! Below 0 degrees na dun! Baka nga hindi pa tayo nakakalapit patay na tayo." I said.

Nawala yung ilaw at bumalik sa katawan niya yung nga marka.

"Ang ring of fear, ay nakatago sa pinakamalalim na bahagi ng bundok at once na inalis mo yun sa kinalalagyan niya sasabog ang mount everest."

"Ring of Fear?"

"Oo, may iba't-ibang tawag ang mga singsing,

Ring of Dreams- Water Element, targets sorrows and pains. Kristine became weak because of Home Sickness.

Ring of Soul- Wind, targets doubts and inferiority, Lhorraine doubted her feelings and herself, her reflection backstabbed her.

Ring of Faith- Earth, targets selfishness and pride, Rose was too proud about her strength and she became nothing without her powers.

Ring of Love- Lightning, targets emotions and feelings, the curse was passed to Daisy, she willingly sacrificed her life for someone that truly matters to her.

An lastly, the Ring of Fear, targets fear and memories, Fire, Jana you need to conquer your fears dahil gagamitin nila ang mga alaala mo para durugin ka."

Mahabang paliwanag ni Cursed Book. Hininko alam pero parang nawalan ako ng sigla. My memories, if only I could erase them para hindi ako mahirapan sa misyong toh.

"Kailangan na nating lumakad Jana." Hila nya sa kamay ko. Sa isang iglap lang nasa Mount Everest na kami.

Agad na umihip ang napakalakas na hangin at agad akong gumawa ng fire barrier. Natutunaw ang yelong nadadaanan namin kahit gano man ito kakapal.

Kung may lakas lang sana akong pagsabayin ang paglipad at pagfocus sa Fire Barrier.

"Sa bilis natin, aabutin tayo ng dalawang linggo bago makarating sa entrance." Cursed Book said.

"Inaasar mo ba ko?! Sa tingin mo madaling maglakad ng hindi natatamaan ng snow o tubig?!" I hissed.

Bigla siyang nagtatakbo sa snow and yelled.

"Madali naman!!!" She said. Kung may bato lang sana dito kanina ko pa siya binato! Syempre madali para sa kanya at pahirap para sakin.

"Bwisit ka! Saan ba yung Entrance?!" I hissed. Tumakbo siya pabalik sakin.

"Sa tuktok kung saan naglalagay sila ng mga flags."

"The eff! Hindi ba buwan buwan ang inaabot para makarating dun ang mga tao?" I asked in disbelief.

"Hindi ka naman tao." She said and i nearly rolled my eyes. "Lumipad ka na lang Jana, tiisin mo muna ang sakit. Tsaka ka na lang bumaba at magpagaling kapag medyo pagod ka na. Para mas mapabilis." She said.

I clenched my jaw. "Sige tara na." I said and held her arm.

"Wag na! I can teleport." She said.

"Huh?! Eh bakit hindi mo na lang ako isama hanggang sa tuktok?!"

"It's your mission." She said at bigla na lang nawala. I groaned and did what she said. I flew with my full speed pero mabilis din akong bumabagsak sa snow.

Naka-ON ang Fire Barrier ko at nagpapahinga para sa paglipad ko ulit mamaya.

Inabot na ko ng gabi pero hindi ko pa rin makita ang tuktok dahil sa kapal ng blizzard. Humiga ako sa lupa at natulog...

4 days na ang nakakalipas...

Hindi ko pa rin makita ang tuktok. Hingal na hingal na ko at wala pa kong kain sa loob ng apat na araw.... If I go back now sigurado akong mamamatay na ko sa gutom.

Bumagsak ako sa snow at agad naman itong natunaw.... Unti-unting nauupos ang init sa katawan ko, until everything went black again....

"Jana... Jana..." Biglang nagising ang diwa ko ng makaamoy ako ng dugo. Humaba agad ang pangil ko at bumangon.

"Inumin mo muna ito." Cursed book said. May nakita akong isang karton ng blood bag na hawak-hawak niya.

"Saan mo nakuha yang mga yan?!"

"Sa basurahan, may nga napkin dun kaya piniga ko." She said with that obvious ba look.

I glared at her at hinablot yung mga blood bag at inistraight lahat ng mga yun...

Unti-unting bumalik ang lakas ko. Ngayon ko lang napansing nasa tuktok na pala kami. Pumasok kami sa isang kweba at nagpalipad ng fireballs para ilawan ang daan.

"Save it for later." Sabi ko kay Cursed Book at binigay yung mga tira ko.

"Hanggang dito na lang ulit ako Jana." She said. Biglang bumalik lahat ng takot sa katawan ko. At ngayon ko lang narealize na matapang kong hinarap ang pagsubok na toh dahil hindi ako nag-iisa.

"Alam kong kaya mo yan." She smiled. I forced a smile.

"Libra..." I said.

"Libra?"

"Ang tagalog ng Book ay Libro, kaya Para malapit, Libra na lang ang pangalan mo. Pasensya na ang pangit ng taste ko sa names." I chuckled.

Bigla na lang siyang naluha at mukha hindi pa niya namamalayan.

"Hintayin mo ko, Libra." I smiled. Bago ako nagtatakbo papasok. Habang tumatakbo ako palakas ng palakas ang kaba ko.

Dahil alam kong, mag-isa na naman ako.

*bwaaak!!*

Napaluhod ako ng may tumamang kung anong bagay sa loob ko. Sumuka ako ng dugo.

Then suddenly, bigla itong hinugot. Ramdam na ramdam ko ang pagpigtas ng mga laman ko sa katawan.

*bwaakk!!*

*cough*

*cough*

"D*mn! Anong--" natigilan ako ng maramdamang may bumaon sa leeg ko.

Matatalas na kuko...

"Kailan ka pa natutong pagsalitaan ako ng ganyan Jana?" She whispered. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako pwedeng magkamali.

Ang boses na yun. Kilalang-kilala ko ang boses na yun.

"I-Ina?" I breathed. Marahas niyang tinanggal ang mga kuko niya sa leeg ko. Napahawak ako doon at nilingon siya.

Then, I saw her. Licking her nails with her blood colored eyes and chains on her arms. She had always loved chains.

"Ina! Ikaw nga!!" I gasped at halos magkanda-dapa-dapa na para lang mayakap siya. I poured my heart out.

I missed her so--

"Ugh!!" I groaned ng maramdamang may bumaon ulit sa loob ko... Then into my wrists and ankles...

Umangat ako sa ere habang sumusuka ng dugo.

"Sinabi ko bang hawakan mo ko?" She said coldly. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na ng maramdamang dumadaan yung mga chains sa loob ng katawan ko.

Napapahiyaw na lang ako sa sakit dahil natatamaan yung mga buto ko..

"I-Ina! B-bakit?" I sobbed.. Using her chains, she harshly pulled me and examined my face.

"Hinayaan mo kong mamatay." She hissed. "Ipapalasap ko sayo ang sakit na dinanas ko."

Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi lang luha kundi pati na rin dugo. I let my father kill her.

"Wala akong kwentang anak." I sobbed...

"Oo wala kang kwenta." She smirked...

"AAAHHHH!!!" I screamed ng maramdaman ang pagpulupot ng chain niya sa backbone ko slowly crushing it...

"T-Tama na!" I pleaded... Lumagapak ako sa sahig pero hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Paralisado na ko...

Nanlalabo na ang mga mata ko at halos hindi na ko makahinga ng bigla niyang ipulupot yung chain sa leeg ko..

"I-Ina.." I gasped. Nagkukulay dugo na ang nakikita ko when she suddenly let go. I gasped for air.

Pinagsisipa niya ko sa katawan at inapak-apakan...

My mother who had always been so gentle. Who had always been so warm. Why did she become like this?

This is my fault. Kung hindi lang sana ako naging mahina.. Kung hindi lang sana--

"May sasabihin akong importante sayo." She grinned. Halos hindi ko na maibukas ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sakin.

"Ako ang naglagay ng sakit ni Lhorraine noong bata pa siya." She whispered. "Inagaw ng kapatid ni Reyna Aria, ang Ina ni Daemon ang korona sakin. Kaya naraapat lang na sirain ko ang pangalan nila." She chuckled.

"Pinakasalan ko ang iyong ama at sinuhulan siyang maging Black Demon, para maging immortal siya, para magsama kami ng matagal. Kahit ayaw ko talaga sa apoy."

I clenched my jaw. I grabbed her chain at binalibag siya pabalik-balik sa pader. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at hindi na nakakilos.

"Ang kapal ng mukha mong magpanggap bilang si Ina!" I hissed at pinunasan ang gilid ng bibig ko. "Unang-una, nanglulunas ng sakit si Ina at hindi nagdudulot!!" I shouted at sinira yung chains niya.

"Pangalawa, hindi naagaw sa kanya ang korona, she gave it up dahil mahal niya ang Fire Kingdom, she fell inlove with my father, with his fire." I hissed at sinapak-sapak siya sa mukha hanggang madurog ang bungo niya at madeform ang mukha niya.

Punong-puno na ng dugo ang kamao ko, damit at mukha...

"At ang panghuli..," Ipinasok ko yung kamay ko sa chest niya crushing her ribs at hinawakan yung puso niya na hindi naman tumitibok. "My Mom is not an immortal."

Pinisa ko yung puso niya at marahas na hinugot yung backbone niya palabas ng chest niya.

I smirked. "Yan dapat ang huli niyong ginawa ang magpanggap bilang si Ina." I hissed and kicked her heard hanggang sa humiwalay ito sa katawan.

I cracked my bones.. I am fed up, that's the worst prank they could have ever done. Umayos na ang mga buto ko at tumakbo papasok pa sa kweba.

"The mission is easy." I smirked. Nakita ko agad ang sing-sing.

"Kung ako sayo, hindi ko kukunin yan." Napalingon ako sa biglaang nagsalita.

"B-buhay ka pa?! Sino ka ba?!" I hissed. There she is again with my Mom's face na parang hindi ko siya binugbog kanina.

"Ako? I am your memories." She smirked at bigla na lang siyang nagbago ng anyo.

Crimson.

"Wag kang magpapanggap na iba! Hindi mo ako mauuto!!" I hissed at sinugod siya. Nasangga niya ang kamao ko and suddenly twist it.

Sinipa ko na bago pa ko mabalian ulit ng buto. Natumba siya kaya agad kong hinawakan yung paa niya at pinagbabalibag siya sa sahig.

Iniikot niya yung katawan niya kaya nakawala siya. Tumalon ako paatras. At nagtransform ulit, ako naman ngayon.

I spit blood. Pinatunog niya yung mga chains niya while cracking her bones.

Inihampas niya sa direksyon ko yung chain pero tumalon ako para iwasan yun. When suddenly I felt it wrapped on my foot.

She can manipulate the chains like Mom. Lumagapak ako sa sahig at kinaladkad niya ko. Hinawakan ko yung chains at sinubukang sirain ng mas lalo itong bumaon sa loob ko.

I created a fire ball at binato sa kanya. Pero hindi naman siya natupok ng apoy.

"I have no other choice, I'm removing my limiter." I hissed. I cracked my hands para humaba ito lalo na ang mga kuko.

Ibinaon ko sa chest ko yung kamay ko at kinuha yung chains doon. If being the Black Demon Princess is the only way then I'm going to risk it.

Hinila ko yung chains na nakapalibot sa puso ko. Ito ang totoong chains ni Ina. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Hmm you removed your protection Jana." She chuckled. I wrapped the chains on my arms at sinuntok yung chains niya kaya nadurog ito...

Para na kong nagteleport sa bilis kong nakalapit sa kanya. Sinakal ko siya at iniangat sa ere. Nagtratransform siya ng paiba-iba pero wala na kong pakealam. Naging kulay pula na ang nakikita ko.

Dugo... Kailangan ko ng dugo...

Kumalas yung chain sa braso ko at pumasok sa loob ng kalaban ko slowly crushing her insides. Nagpupumiglas na siya... Binitawan ko na siya at lumapit sa singsing.

Nakabaon ito sa sahig. I pulled it nagcreate yun ng cracks sa sahig paakyat sa gilid... Then suddenly, may mga lava na na lumalabas sa mga cracks.

Naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod...

"This is the cursed Jana." She whispered. Naramdaman ko na lang na pumasok siya sa loob ko... The chains wrapped on my arm.

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit!!! Sobrang sakit!!!

LIBRA's POV

Ilang araw na ang nakalipas nung pumasok si Jana. Ayos lang kaya siya? Nagfreeze na nga itong mga dugong kinuha ko sa blood bank.

Napatayo ako ng biglaang lumindol ng malakas kasunod nito ang pagbuga ng mount everest ng lava.

"J-Jana." I gasped when I saw her. Puro siya dugo at nakayuko lang siyang naglalakad at my nakapulupot na chain sa braso niya.

"A-Ayos ka na ba? Asan yung singsing?" I asked. She raised her hand kasabay noon ang pag-angat ng mukha niya.

My eyes widen. Kulay dugo ang mga mata siya as in lahat and she's grinning. Na para bang gustong-gusto niya yung ginawa niya.

"Has it awaken?" I asked her.

"It felt so good." She chuckled at biglang nagliyab ang braso niya na may chain. Her fire has always been beautifully red.

But now, it's pitch black.

"Time to kill, Libra." She smirked and spread her wings. It used to be red and now it's jet black.

"S-Sino? Sino ang papatayin mo?" I gulped.

"Sina Daemon." She laughed devishly. "They killed my family, the Fire Kingdom."

No way. Her memories were altered.

Hinawakan niya yung kamay ko at sa isang iglap nasa mataong lugar na kami. Nasa rooftop ng MOA.

Sa bilis niya para na siyang nagteleport. Has she always been this fast?

"It's showtime." She laughed at sa isang iglap sumabog na ang MOA. The fire was pitch black. Kasabay ng itim na itim na usok.

"I'll destroy humanity." She smirked. Pinapanood namin ang nga taong tumatakbo ng duguan palabas ng mall. Nagsisigaw sila sa takot.

Jana raised her hand sa direksyon ng araw. Unti-unting nag-iba ang kulay ng araw at unti-unting nagdilim ang paligid.

Naging kulay itim ang araw at simula na ito ng mahabang gabi.

"JANA!!" lumingon kami ni Jana. Kumpleto sila, ang Black Demons ang Black Parade, si Daisy, Yancey, Leila, Throne at Hunter kasama ang iba pa sa Elemental Five.

Jana smirked.

"Anong nangyayari sayo?" Rose asked.

"Rose Emerald, naaalala ko pa kung pano mo pinasugod ang mga kalahi mo, wala awa nilang pinatay ang mga nasasakupan namin maging mga bata."

"A-Anong sinasabi mo?! Wala akong ginagawang ganyan Jana!!" Rose hissed at napatingin sakin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Sino siya?"

"Isang kaibigan." Jana said...

"The chain on her arm is a limiter. Nakapalibot yun sa puso ni Jana, pero tinanggal niya yun, so her true power was unleashed and at the same time she has awaken." Paliwanag ko.

"The Black Demon Princess." Yancey gasped.

"Tumpak Yancey! Mas matalino ka pala kay Minerva. Nagkaroon din naman siya ng silbi kahit papano. Buti na lang pinatay mo na siya."

"I didn't kill her!!" Hinugot ni Yancey ang Holy Gun niya at pinaputukan si Jana pero mabilis na nakalapit sa kanya si Jana at sinuntok siya.

Tumilapon yung Holy Gun. Jana was on top of Yancey throwing punches on her face while laughing devishly.

Pinagtutulungan na nila si Jana. Pero kitang-kita na sa pisikal na lakas, mas malayong mas malakas si Jana kay Rose. Mas mabilis pa kay Lhorraine.

Wala silang laban kay Jana.

Then suddenly, it poured rain. Kahit papano it's Jana's weakness still. Nakakalaban pa rin siya hanggang sa mawalan na siya ng malay.

"Dalhin niyo siya sa basement at ikulong. Ikaw, sasama ka samin." Utos sakin ni Yancey. Sumunod na lang ako sa kanila.

-----

Nakakulong na ngayon si Jana at nakagapos. Na kay Yancey na rin yung chain niya.

"So sino ka?" Tanong nila sakin. Lahat sila nakatingin kaya napayuko na lang ako.

"Wala kang aura, so ano ka?" Hunter asked.

"Isa akong Demon gaya niyo, na nakulong sa loob ng mahabang panahon. At si Jana ang nagpalaya sakin." I said.

"Nakulong saan?" Lhorraine asked.

"Sa isang libro, ako at ang cursed book ay iisa." I said.

"Ikaw ang cursed book?!" Kristine exclaimed. I slowly nodded. Kwinento ko sa kanila ang buhay ko bilang cursed book.

"She gave you the name Libra? Ang babaw talaga ni Jana, she should have chosen something unique, like Cassandra, Elizabeth, Ashley..." Leil commented.

"Ayos lang, I was so happy when she gave me a name."

"Anong nangyari kay Jana?" Rose asked.

"Her memories were altered. That's her weakness and curse. Soon, lalamunin na siya ng galit at poot, a monster will be born."

Nakaramdam ako ng matinding hilo kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Magpahinga ka muna, Libra. Hunter kaw na bahala sa kanya." I heard Yancey said before everything went black.

----------------
Tbc...

Hooo!!! New character :)
Hanggang chapter 85 lang po ang part 1 :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top