Mission #79 BOYS

AN: Naiinis ako sa mga nagcocomment na sana mawala na sina Jana at Rose sa story :)

Siguro every weekends na ko magUUD dahil school days na :)

CRIMSON's POV

"Tahimik mo atah?" Napatingin ako kay Wave na tumabi sakin ngunit nakatingin siya sa cellphone niya habang nagtetext.

Alam ko kung sino yung katext niya dahil nakita ko kanina at talagang tuwang-tuwa pa siya.

I grab his phone and smashed it on the floor.

"Yung IPHONE 6 edge ko!!!" he exclaimed at lumuhod sa sahig para pulutin yun.

"Ano bang problema mo Crimson?!" He hissed.

"Tinatanong mo kung anong problema ko?! Ikaw nananadya ka ba?!" I scoffed. Nanlaki ang mga mata niya na parang ngayon niya lang narealize yung ginawa niya.

"Ano bang problema? Tapos na kayo diba?" He mocked.

I grabbed his collar at susuntukin na sana siya ng biglang pigilan ni Leif yung kamao ko.

"Remember Crimson, ikaw ang nang-iwan don't act like you still own her." Leif said.

"Talagang kinampihan mo pa talaga si Wave?! Magbabarkada tayo dito, what would you feel kapag nilandi ko si Kristine?!" Singhal ko kay Wave. Tumayo ito and met my glare.

"Bakit may gusto ka pa ba kay Jana? After doing that to her? Sa tingin mo may karapatan kang sabihin yan? At para tumahimik ka na, kaibigan ko lang si Jana. Hindi ko siya papatulan dahil kaibigan din kita." He said.

I clenched my jaw. Binitawan ni Leif ang kamao ko.

"About Emerald, she reminds me of Carla." Pag-iiba ni Ash sa topic. Umupo na lang ulit kami and acted like nothing happened.

"Emerald? Yung batang kasama nila Kristine?" Wave asked.

"Yeah, don't you think she's cute? Kaano-ano kaya nila yung bata?" Ash asked. He's really fond of kids.

"I don't care, wag lang siyang lalapit sakin." Leif hissed at kumuha ulit ng can of beer.

Since naghiwalay sila ni Rose naging ganyan na siya, laging umiinom at late na kung umuwi sa gabi. Pero lagi naman niyang sinasamahan si Bea na magpacheck up.

"Dahil kasama siya nina Lhorraine, ibig sabihin malapit siya kay Rose, Leif. Are you sure you wanna act like that towards the kid?" Ash asked.

Napansin kong natigilan si Leif at medyo nayupi yung lata ng beer niya.

"I don't know, but just seeing a kid, naiinis ako, nagagalit ako."

"Ilang beses ko na kasi kayong pinaalalahanang gumamit kayo ng condom." Wave said.

"It's not the baby Leif kaya nagalit sayo si Rose." I said at sumandal sa couch.

"Then, what?" He asked na takang-taka.

"Dahil may nangyari sa inyo ni Bea, may bata man o wala, hindi nun mabubura ang katotohanang may nangyari sayo habang kayo ni Rose. Hindi mo pwedeng sisihin yung bata Leif." I said.

"Y-you think so?"

"S*x, for them is a sacred thing. Sabi ni Lhorraine, isa lang daw ang pwede nilang makas*x sa buong buhay nila, kaya nga noong may nangyari samin galit na galit sa kanya sina Rose." Ash said.

"Wag kang magalit sa bata Leif, nadamay lang siya." I said to him.

He sighed. Bago ulit uminom ng beer.

"How's Tita, Ash?" Tanong ni Wave kay Ash habang pilit niyang pinapagana yung phone niya.

"She's okay, wala na siyang sakit. I believed Lhorraine did this. Akala ko talaga wala ng pag-asa si mommy dahil may taning na ang buhay niya and I just wanted her to be happy before she dies. But I belittled a demon's power. Nagawa niyang ibalik ang health ni Mommy." Ash happily said.

Napapansin din namin ang pag-aliwalas ng kondisyon ni Tita, tumubo na rin yung buhok niya at hindi na siya namumutla.

"How about the marriage?" I asked.

"Wala ng rason para pakasalan si Junea, and Mom would even want Lhorraine lalo na ng malaman niyang nagkahiwalay kami dahil sa kanya."

"Alam ba yan ni Lhorraine?" Wave asked.

"Nope, but I'm willing to court her again. Cause I know, we're bound to be together." He exhaled.

Buti pa si Ash, may solusyon na sa problema niya. Ako?

Nagpalamon ako sa pride ko. I hurt Jana because of jealousy, because she's stronger than I, that I couldn't find a place for myself in her life.

Na para bang kahit anong gawin ko magiging pabigat lang ako sa kanya. I want her to depend on me, hindi yung laging kay Throne na lang siya dedepende.

I want her to need me not just to love me.

WAVE's POV

"Maglaro na lang tayo ng basketball. Hamunin natin yung mga Black Parade. Tutal PE naman." Aya ko sa kanila. NakaPE uniform kami ngunit wala yung teacher namin sa PE kaya wala naman kaming magawa.

"Hoy, basketball!" Maangas na sigaw bigla ni Crimson kay Rion na nakikipagkulitan kay Jana.

"Kailangan ba?" Bored na tanong nito.

"Don't tell me nababakla na kayo." I hissed. Napatingin sakin si Vixen. Yung mukhang totoy sa black parade dahil baby face?

"Ang lakas ng loob niyong sabihan kaming bakla, mga duwag." Briggs smirked. Napantig ang tenga ko sa narinig. Ibabato ko na sana yung bola ng biglang pumagitna si Ash.

"Wag na kayong dumada, laban na." He hissed.

4 vs 4.

Hindi naman pwedeng sumali si Daemon dahil personalang away na kasi daw ito. Nakita kong nakatingin sakin si Kristine.

I winked at her.

Nanlaki ang mga mata niya at ngumiwi.

Sige lang matulala ka lang sa kagwapuhan ko.

Pumwesto na si Ash at Zee sa gitna para sa junp ball. Kung titignan mo mas matangkad pa si Ash kay Zee.

Si Daemon na rin ang nagvolunteer na maging referee dahil sisiguraduhin naming magiging madugo ang laban.

KRISTINE's POV

Consistent ang training nina Vixen ngunit mukhang wala talaga silang laban kina Wave.

Kanina pa ko naiinis sa pagkindat-kindat at pagflaflying kiss ni Wave dito sa direksyon ko.

"Tita Kristine, don't you think Mr. Leif is handsome?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Rose. Kanina pa siya nakangiting nanonood at tumitili kapag nakakashoot si Leif.

Batang toh! Ang landi!!

She's been giggling all the time.

"Uhm, gwapo naman." I admit. Pero mas gwapo pa rin ang Wave ko.

W-wait! What?! Did I just say WAVE KO?! Oh freaking hell!! I'm insane!!!

Namumula na ko sa hiya dito ng makita kong ipasa ni Crimson kay Wave yung bola.

"Pagnashoot ko toh! Hahalikan kita mamaya!!" He grinned while looking at me and I was like... huh???

*shoot*

3 points.

Tapos na ang first half at bumalik sa tabi ko sa Vixen.

"Sorry, I wasn't able to stop him. We knew they are good, but atleast we tried to stop them." He breathed.

Para akong nasampal sa narinig ko. Vixen was always there protecting me, but here I am, kinikilig sa mga gestures ni Wave.

I'm too pathetic and hopeless.

"Tatay! Ang gwapo ni Mr. Leif." Rose giggled at muntikan na siyang mabugahan ng tubig ni Zee.

"You like him?" Zee asked. And Rose' cheeks flushed red.

Rose nodded. Ngumiti lang si Zee sa kanya and patted her head.

"How about we make a deal? If we won, you'll kiss Tatay, but if not, I'll let you kiss Mr. Leif." Zee said.

"Talaga?!" Rose grinned. Napatingin ako kay Lhorraine, who's wearing pity on her eyes.

Zee knows what the result would be yet he still wants Rose to be happy. Ang laki niyang masokista.

"Yep! If only they win." He smiled.

Tumunog yung buzzer, halos puno na rin ng students dito sa gymnasium para makiusyoso sa laban.

"Bilib din ako kay Zee, he really knows how to hide his pain." Jana said at binuhat si Rose papunta sa gitna namin.

"It's painful seeing them fighting even though they know that they will never win the battle." Lhorraine sighed.

Nagulat na lang kami ng biglang matumba si Ash sa bench namin dahil hinabol niya yung bola.

"D*mn." He hissed. "Are you okay? Hindi ka naman natamaan ng bola?" He asked Lhorraine.

Natulala pa nga si Lhorraine sa sobrang pagkabigla.

"I-I'm fine, ikaw?" Lhorraine stummered.

"I'm okay, I just need a goodluck kiss." He grinned. Napasinghap na lang kami ni Jana at automatic na tinakpan yung mata ni Rose ng biglang halikan ni Ash si Lhorraine ng mabilis sa lips.

"Sh*t!" Lhorraine cursed at napasapo sa bibig niya habang sobrang namumula.

"Kilig ka naman?" Jana mocked and Lhorraine squealed.

"Sh*t! Sh*t talaga!" She gritted her teeth pero obvious namang nagpipigil siya ng ngiti.

Nagkatinginan kami kay Jana at sabay na napabuntong hininga at tanggalin ang pagkakatakip sa mga mata ni Rose.

"Okay na kayo?" Jana asked Lhorraine.

"H-Hindi, we never talked mula nun." Napayuko siya sa sinabi niya. "I hope his Mom is okay."

"Kyaaahhhh!!!! Hihihi 3 points!" Nagtatalon-talon sa tuwa si Rose ng makashoot si Leif. Napatingin si Leif sa direksyon namin habang nagpupunas ng pawis gamit ang shirt niya.

He smiled.

Biglang nagtakip ng bibig si Rose dahil sa sobrang kilig. Agad naman siyang hinila ni Jana at kinulit.

"Kilig na kilig ka ha? Papaluin ka ng Tatay mo!" Jana chuckled. Napapout na lang si Rose.

"C-crush lang naman po."

"Ang liit-liit mo para magkacrush!" I exclaimed. Kinuha naman siya ni Lhorraine at pinaupo sa lap niya.

"Let's just cheer for them quietly okay?" She asked. Tumango naman ni Rose at tahimik na lang na nanood.

"Lahat na atah bumata sa kanya, pero yung pagkagusto niya kay Leif hindi nawala." Jana whispered to me.

"Oo nga eh, nakapagtataka. Mahihirapan si Zee dito." I said.

Nanood na lang kami ng tahimik sa laro. Hini man lang namin napansing sobrang ingay na dito sa loob at lahat sila may kanya-kanyang fans club.

Pati nga si Daemon meron din buti na lang nasa office ni Yancey si Leila.

"WAAAHHHH ANG GWAPO MO RION!!!"

"KYAAHH IWAN MO NA YANG BOLA AT AKO NA LANG BOLAHIN MO CRIMSON!"

"ANO BA?! AKIN LANG SI VIXEN!!!"

"WAVE, DINADALA KO NA YUNG ANAK MO!!!"

"BRIGGS ALIPININ MO KO!!!"

"OH MY GOSH ASH!!! SAGUTIN MO NA KO!!!"

"ZEE AKIN KA NA LANG!!!

"LEIF!!! PATIKIM NAMAN!!!"

"DAEMON, AKO ANG FUTURE MO!!"

"A-ano daw?" I stummered. Nababaliw na atah ang mga nandito.

"Susunugin ko sila isa-isa eh." Jana gritted her teeth.

56-47

Lamang sina Wave. Halatang pagod na pagod na sina Vixen.

"Prrrrtttt Personal Foul! Rion!" Daemon whistled ng mapasubsob si Crimson sa sahig.

Marahas itong tumayo at kwinelyuhan si Rion.

"Sinadya mo noh?!" Singhal ni Crimson. Napatayo na rin kami dahil nagkakagulo na.

Nagsusuntukan na silang walo. Aawat na sana kami ng bigla kaming pigilan ni Daemon.

"Hayaan niyo silang magpatayan, ginusto nila yan eh." Pagkibit balikat nito.

"Pero Daemon naman! Magpapatayan talaga sila." Singhal ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakahiga na si Vixen at nakapatong sa kanya si Wave habang sinusuntok ito.

Halos maiyak na ko.

"D-Daemon, pigilan natin sila!" I cried.

"Tatay!!! Tito, si tatay!!!" Yumakap si Rose sa binti ni Daemon. Namumula ang mga mata nito't ilong kakaiyak.

"Rose." Binuhat ni Lhorraine si Rose at inaalo ito. Pero nagpupumiglas siya at umiiyak.

"Daemon..." Tawag ni Jana. Kahit tingin lang nagkakaintindihan na sila. Napabuntong hininga si Daemon.

Agad kaming napatakbo at umawat sa mga nag-aaway.

"Tama na! Ano ba?!" Tinulak ko si Wave palayo kay Vixen. Hirap na hirap na itong bumangon dahil sa dami ng sugat sa mukha.

"Wala ka pala Totoy." Wave smirked at dumura ng dugo.

"Ano bang problema mo ha Wave?!" I hissed.

"Wala naman akong problema." Cool lang na sabi niya. Bigla akong nainis at sinipa siya sa tuhod.

"D*mn it!!!" Singhal niya ng masubsob siya sahig.

"Serves you right jerk!" I hissed at inalalayan si Vixen papunta sa Bench.

"Humanda ka sakin, kapag ikaw nainlove ulit sakin. Hinding-hindi na kita papakawalan kahit umiyak pa yang totoy na yan." Wave said to me habang nakatalikod ako sa kanya.

Pinaupo ko sa may Bench si Vixen at hinarap si Wave na nakaupo sa sahig.

Para siyang model ng gatorade. Yung pawisan na pero gwapo pa rin. Mas gwapo pa nga siya kaysa sa mga member ng EXO.

"Hindi na ulit ako maiinlove sayo." Pagtataray ko.

"Pano ako maiinlove ulit sayo, kung matagal na kong inlove sayo." I whispered to myself enough para hindi niya marinig.

"You will." He firmly said. Inirapan ko na lang siya at pumunta sa tabi ni Vixen.

LHORRAINE's short POV

Bigla akong nahiya ng makitang tinititigan pala ako ni Ash habang yakap-yakap ko si Briggs para awatin siya.

"B-bakit ba kayo nag-aaway?" I asked.

"Siguro sapat ka ng rason para pag-awayan namin?" Ash said. Muli akong natigilan sa sinabi niya.

"Bakit niyo ko pag-aawayan? May Junea ka na Ash." Inis kong sambit. Inakbayan ako ni Briggs.

Tinignan niya ko ng masama. "Tch. Mas okay sana kung sinabi mong may Lhorraine ako."

Naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakaakbay sakin ni Briggs at muntikan na kong mapayakap sa kanya.

"Wag mo na kaming guluhin, masaya na kami and FYI, girlfriend ko na siya." Nagulat ako sa sinabi ni Briggs. Napatingin ako kay Ash na nagulat din sa sinabi niya.

"Tch, girlfriend pa lang naman. Maaagaw ko pa siya." He hissed.

"Subukan mo lang at magkakamatayan tayo." Briggs gritted his teeth.

"Tam--"

"Matagal na kong handang mamatay para kay Lhorraine." Ash said at nagwalk out na. I was dumbstruck.

"Tch pasikat." Irap ni Briggs at hinila nanko papunta sa Bench.

JANA's short POV

"Pagod na kayo?" I asked them. Nakaupo lang naman ako sa gilid at pinapanood silang nagpapatayan.

"Wala ka talagang balak na pigilan kami?" Hingal na hingal na tanong ni Rion sakin.

"Dapat ba pinigilan ko kayo? Akala ko manonood lang ako eh." Sarcastic na sagot ko. Sabay pa silang napahiga sa pagod at sakit ng katawan. Hingal na hingal na sila at nanghihina.

"Bangon na." Alok ko sa dalawang kamay ko sa kanila. Agad namang humawak sa kamay ko si Rion pero tinampal lang ni Crimson yung palad ko.

"Hindi ako nagpapahawak sa pangit." He hissed at umupo sa sahig. Hinila ko patayo si Rion at umakbay naman siya sakin para hindi matumba.

I saw Crimson smirked.

"Bagay kayo." He grinned. Natigilan ako sa sinabi niya. "Parehas kasi kayong panget." He chuckled.

"P-panget? A-ako?" I asked.

"Oo, ngayon mo lang narealize?" Irap niya sakin at tumayo.

"W-wow ha! Nahiya naman ako sa kagwapuhan mo." I sarcastically replied.

"Kaya ka nga nainlove sakin kasi gwapo ako." He grinned.

"Huh?! Nainlove ka rin naman sa panget na sinasabi mo." Belat ko sa kanya. He laughed sarcastically.

"Love is blind. Pero ngayon nakakakita na ko." He laughed. Feeling ko namumula na ko sa inis.

"Wag ka ngang magpapansin kay Jana." Sabat naman ni Rion sa tabi ko.

"Hindi kita kinakausap. Rest in Peace!" Singhal nito at dinuro pa si Rion.

"Umalis na nga kayo dito! Naaalibadbaran ako sa kapangitan niyo!" Inis na sambit ni Crimson samin.

"Kung ayaw mo kaming makita eh di pumikit ka. Wag na wag ka ng didilat." Ganti ni Rion sa kanya.

"Ang lakas din naman ng loob mong pilosopohin ako lampa?!"

"Di bale ng lampa, basta hindi duwag." Rion hissed. Kwekwelyuhan na sana siya ni Crimson ng pumagitna na ko.

"Nagpapaawat na nga kayo kanina, tapos maggugulpihan na naman kayo?! Kailan kayo titigil?!" Naiinis kong sambit sa kanilang dalawa.

"Tara na nga Jana may papansin." Inakbayan ako ni Rion at tinalikod na ko.

"Nakakasore eyes ang kapangitan niyo! Tsss." Crimson hissed. Napalingon ako sa kanya at napansing kinukusot niya ang mga mata niya.

LEIF's POV

Nakaluhod kami ngayon ni Zee sa harap ni Emerald na nakahalukipkip at sinesermonan kami.

Ang cute lang ng batang toh.

"Tatay! Bad po ang nakikipag-away! And Mr. Leif, masama pong manakit ng kapwa." Nakapout na sabi niyo.

Parang 2-3 years old lang siya na chubby na mataba ang pisngi at bakat na bakat yung tiyan niya sa dress niya. Chubby rin yong nga braso't binti niya.

Ang cute cute niya.

"Sorry Ro-- Emerald." Nahihiyang sabi ni Zee.

"Magsorry na po kayo sa isa't-isa ng magbati na po kayo." Pagtataray nito at may papikit-pikit pa ng mga mata.

"Baby, sorry about that huh? There are just times that you can express more what you feel through punches. It's men's form of conversation." I smiled at Emerald. Kumunot ang noo nito at tumingin sakin.

"Totoo?"she asked innocently. Napatingin siya kay Zee tapos sakin.

We both nodded.

"Hindi po kayo magkaaway?" She asked.

"We cannot say that." Zee replied.

"Okay, para hindi ka na mag-alala, magsosorry na ko sa Tatay mo." I smiled at her. I tapped Zee's shoulder. "Sorry bro."

"It's okay bro. Sorry din." He said.

"Yey! Tito Daemon bati na sila!" Nagtatalon na sabi ni Emerald at pumapalakpak pa.

"Asan nga pala si Rose? Matagal ko na siyang hindi nakikita, gusto ko sana siyang makausap." I said.

Nagkatinginan si Daemon at Zee.

"Katatapos lang ng cursed mission niya. Nagpapagaling pa siya sa mga sugat niya." Daemon said.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"W-what? Malala ba? Can I see her?" I asked.

Umiling si Daemon and sighed. "You can't, it's Zee's job. Come on Zee, let's tend your wounds."

Natigilan akonsa natinig ko. Kapag cursed mission, dapat tiefling nila ang kasama nila after nun.

I was so excited to be Rose' knight. Pero lahat nasira na.

"Mr. Leif??"

Namimiss ko na siya. I want to hug her again. Namimiss ko na yung pangungulit niya. Yung luto niya, yung mga ngiti niya at pagtataray kung minsan.

"Mr. Leif, ok lang po ba kayo?"

Ayaw ko mang aminin pero yung pagiging pervert niya at pangungulit saking magpakasal na kami ang sobra ko pang namimiss tungkol sa kanya.

"MR. LEIF!"

"Ay! Chaka Doll!" I exclaimed. Napaupo pa ko sa gulat ng bigla na lang may sumigaw sa tabi ko.

"C-chaka doll? M-mukha po ba kong chaka doll?" Napatingin ako kay Emerald at namumula na ang ilong nito't mga mata.

"No.. no baby, you look like a barbie doll to me." Pang-aalo ko dito.

"But you called me chaka doll." Sumisinghot na ito at malapit ng maiyak. Bigla na lang akong nataranta.

"Uhm kasi, nagulat lang ako, I'm sorry baby. Akala ko kasi sumunod ka kina Zee." I said.

"May gagamot na naman po ng sugat ni Tatay, kayo po wala kaya sinamahan ko na po muna kayo." She sniffed. Hinaplos ko ang pisngi nito.

"Want some ice cream?" I asked.

"Strawberry flavor po?" Natigil ang pag-iyak niya. I smiled at her.

"Any flavor you want." I grinned. She smiled at me at masayang tumango. Nagpaalam siya kina Daemon. Mukhang nag-alangan pa silang payagan siya pero bigla na lang siyang umiyak kaya napilitan na rin silang pagbigyan ito.

"Mmm! Brain freeze!!" She giggled after sumubo ng isang kutsarang ice cream.

"Dahan-dahan kasi." I chuckled and wiped the side of her lips.

"Minsan lang po toh kaya sinusulit ko na." She chuckled.

"Anong minsan? Gusto mo kahit araw-araw pa eh." I said. Natigilan siya sa pagsubo at tumingin sakin na para bang hinihintay niyang sabihin kong nagjojoke ako.

"I'm serious baby."

"Waaahhh!!! Talaga po! Sige iba't ibang flavor everyday!" She grinned.

So ganito pala kapag may kasama kang bata. They are sweet and nice. Nakakatakot lang kapag umiyak dahil iisa-isahin mo talaga kung anong nagawa mong masama.

Hindi na ko pumasok ng school, sinasamahan ko na lang si Emerald na ngayo'y nandito sa park at nakikipaglaro sa mga bata dito.

"Waaahhh kapagod!" She exclaimed. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko dito sa bench. Kinuha ko yung bimpo at polbos sa bag niya.

"Amoy pawis ka na." I said. Pinunasan ko yung mukha at likod niya dahil basang-basa na ng pawis.

"Gusto mo bang magpalit ng damit? Baka magkasakit ka."

"Waaahh not here po Mr. Leif, nakakahiya." She blushed. Natawa na lang ako. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papasok sa isang parang maliit na bahay sa ilalim ng plastic na slides para sa mga bata.

Itinaas niya yung kamay niya.

Wala namang malisya, bata toh. Inalis ko yung damit niya at nilagyan siya ng polbos. Humahagikgik pa siya dahil daw nakikiliti siya lalo na kapag nilalagyan ko sa kili-kili at leeg niya.

Nagsuot na siya ng shirt at medyo nahirapan kami sa bandang tiyan niya dahil masikip dun.

"Saan mo na gustong pumunta?" I asked her habang pasan-pasan ko siya sa likod. Nakalagay sa likod niya yung Sailor Moon na bag niya at nakalagay naman sa harap ko yung backpack ko.

"Swing po tayo!" She giggled. Pinaupo ko siya sa swing dahil hindi niya abot. Pinipilit nga niyang abutin ng paa niya yung buhangin para itulak yung sarili niya.

"Wow! Ang cute! Inaalagaan niya yung kapatid niya." May narinig akong nagsabi at may nagflash na camera.

Nag-init ang mga pisngi ko. Emerald looked at me and I just smiled at her habang tinutulak ko yung swing.

"Bakit nga pala Tatay ang tawag mo kay Zee?" I asked.

"Yun po sabi ni Tito Rion." She said.

"Asan yung Mommy at Daddy mo?"

"Nasa malayo po eh." Bigla siyang napayuko sa tanong ko. I think hindi ko dapat tinanong yun.

"Hmmm ganito na lang, habang wala pa sila ako muna ang Daddy mo." I said. Napaangat siya ng tingin sakin.

Tinigil ko yung swing at nagsquat sa harap niya. I held her hand and slightly squeezed it.

"Baka po magtampo si Tatay."

"He won't. Ayaw mo ba nun? Dalawa na ang Daddy mo. Tsaka wag kang malungkot andami mong Tito at Tita na nagmamahal sayo."

Nakatingin lang siya sakin. "Sige po kayo na po ang Daddy ko."

I felt happy at this moment.

Yumakap si Emerald sakin. Binuhat ko siya at sinandal yung ulo niya sa balikat ko. Hanggang tuluyan na itong nakatulog.

Ganito pala ang feeling ng isang ama. Maybe, it's time. I should accept it. Magkakaanak na ko, and I should be a good father.

I am now, willing to marry Bea at alagaan ng mabuti ang mag-ina ko.

------------
Tbc.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top