Mission #78 Emerald

2 chapters in 1.
Cut version

ROSE' POV

"Ayos lang ako, ano ba?" Tawa ko ng makita na sobra silang nag-aalala sakin.

"Nakakatawa ka pa eh hindi ka na nga makalakad." Kristine said. Napangiti na lang ako ng mapait.

Hindi na nga ko makalakad talaga. Siguro totoo nga ang sabi ni Lhorraine ako na ang susunod. Pero kung ano mang mangyari, isa lang ang masasabi ko,

EXCITED NA KO!!

"Ikaw na nga siguro ang susunod pero hindi pa nagpaparamdam ang cursed book." Jana said habang nakaupo siya sa tabi ko.

"Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari Rose, dahil sa cursed mission, nag50-50 muna ako bago ko naipasa yung sing-sing, Lhorraine even died! Pano ka na lang? Baka kapag naibaon ka na namin sa lupa tsaka ka babangon ulit." Kristine said.

Natawa na lang ako.

"Malakas ako." I chuckled and she pouted.

"May gusto ka bang kainin?" Lhorraine asked. Sa wakas magaling na siyang magluto kaya medyo natutulungan na niya ko.

"Wala naman, siguro pahinga lang toh." I smiled at her.

Nagkatinginan naman sila na para bang ayaw pa nila akong iwan.

"Will you be fine?" Daemon asked at naramdaman ko ang paghawak ni Leila sa kamay ko.

"I will. Magpahinga na rin kayo." I said at sunud-sunod na silang lumabas.

Naiwan si Zee dito sa kwarto dahil siyempre, iisa lang ang kwarto namin.

"May masakit ba sayo?" He asked at umupo sa gilid ng kama.

"Hmmm wala naman, puso ko lang." I laughed at pansin ko ang pagngisi niya.

"She denied it." Zee said at naglakad papunta sa bintana. Hinawi niya konti yung kurtina at tumingin sa kalangitan.

"You can't expect her to tell you that. Hindi natin alam kung ano ang totoo. Maybe 9 or more months pa bago malaman diba?" I sighed.

"Are you okay with this?" He asked. Napatingin ako sa kanya at saktong nakatingin siya sakin.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan. Ayos lang ba sayo yung ganito? I know you have feelings for me pero bakit mo ginagawa ang mga toh?" I asked. He smiled a little at tumingin ulit sa kalangitan.

"Nabigyan kami ng second chance para tulungan kayo, para maging tiefling niyo, wala sa plano na mahuhulog ng tuluyan ang loob namin sa inyo. I'm here to help Rose, to make you happy and smile again, kahit naman kasi anong gawin o sabihin ko, isa lang talaga ang makakapagpasaya sayo. And knowing that, I can't do anything but to give you your happiness."

"Kahit na ikaw ang nahihirapan?" I asked.

"Kahit mahirap tinitiis ko, kasi gusto kitang maging masaya." Naglakad siya papunta sa pinto at pinihit ang door knob.

"You should rest, sa guest room na muna ako." He said at hindi na ko nakareact sa ginawa niya.

---------------

2:30 am.

Hindi na ko nakatulog. Nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip. Umaga na pala hindi ko man lang namalayan.

"Rose Emerald..."

Napabangon ako ng may marinig akong boses na tumawag sa pangalan ko.

"Sinong nandyan?! Jana? Kristine? Lhorraine? Leila?" Sunud-sunod na tanong ko.

Bigla akong kinabahan at pinangilabutan. Nakaramdam ako ng matinding panganib.

"Ipikit mo ang mga mata ko at pakinggan mo ang boses ko."

Boses ng babae ngunit hindi ko alam kung saan parte galing.

"Bakit naman kita susundin, sino ka ba?!" I hissed.

"Ako ang magtatakda ng kapalaran mo."

"Cursed Book?" I asked.

"Pakinggan mo ang boses ko Rose Emerald at iyong tahakin ang daan na para sayo."

She added. I slowly closed my eyes and tried my very best to listen.

"Ikaw ang pinakamalakas sa lima, ngunit ang misyong ito'y kukunin lahat ng lakas mo.

Sundan mo ang liwanag.

Sundan mo ang simbolo.

Makikita mo sa isang himlayan ang hinahanap mo.."

Napamulat ako ng mga mata ng wala na kong marinig at nawala na rin yung kabang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa mga kamay ko at napansing may hawak na kong lumang pahina ng libro kung saan may nakaguhit.

"Grand Canon at... Pyramid?"

----------------

"So, anong ibig sabihin nito?" Kristine asked after kong ipakita sa kanila yung pahina ng libro.

"Baka naman, namunit ka lang ng libro diyan Rose ha? Wag ko kaming pinaglololoko." Jana said. Kaya napairap na lang ako.

"Sasama ako." Zee suggested.

"Hindi kami pwedeng magsama ng tao, kahit sabihin nating tieflings kayo, tao pa rin kayo, mahina pa kayo at delikado ang cursed mission." Lhorraine said.

"Matatagalan ba yan?" Rion asked.

"Depende..." I said.

"Panong depende?" Tanong ni Briggs.

"Depende sa mission at depende sa kakayahan namin." Lhorraine said.

"Basta ipangako niyong babalik kayo." Vixen said. Agad naman siyang inakbayan ni Kristine at kinulit-kulit.

"Okay na ba yang binti mo?" Zee asked. Ibinaba ko yung paa ko at tumayo.

"Mukhang ok na." I smiled at him and he then smiled back.

"Ngayon na ba ang alis niyo? Wala ba kayong gagawing paghahanda?" Rion asked.

"Hindi na iyon kailangan. Kahit man maghanda kami, magiging balewala rin yun kapag kahinaan na namin ang kalaban namin sa cursed mission." Jana said.

"Wag ka ng masyadong mag-alala Rion, hindi naman mapapahamak si Jana." I chuckled at napanguso na lang ito.

"Kayo na ang bahala dito sa mansyon at sa school, nasabi ko na rin kina Yancey ang nangyari." Lhorraine said.

"Bakit hindi ako pwedeng sumama? Demon naman ako." Leila said.

"Hindi pwede Leila, hindi papayag si Throne." Daemon said.

Napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni Leila at pamumula nito.

"Eh ano ba namang pakealam niya?" She mumbled.

"Mas mapapanatag ako kapag andito ka. Mas mababantayan ka nina Throne, tsaka bantayan mo rin ang ibang tieflings." Daemon tapped her shoulder.

"Pero gusto kong sumama." Leila pouted.

"Wag makulit Leila, kailangan na naming umalis." Daemon said.

Gaya ng nakagawian, nagdala lang kami ng mga gagamitin nila para sa camp. Si Jana puro pagkain lang naman ang dinala as usual.

Gabi na ng makarating kami sa Grand Canon.

"Maze runner lang ang peg mo, Rose?" Jana asked habang busy kami sa pag-aayos ng tent.

"Ewan ko nga rin. Ang sabi ng book sundan ko lang daw yung liwanag."

"So, bukas ka pa pwedeng magsimula." Kristine said.

"Oo, siguro."

Wala na kaming ibang ginawa kundi kumain at magkwentuhan sa harap ng campfire. Lalo't mas active si Jana sa gabi.

"May gusto si Leila kay Throne noh?" Biglang tanong ni Jana kay Daemon. Natigilan pa si Daemon sa tanong niya.

"Obvious naman siguro." Daemon chuckled.

"Masyado pang bata si Leila, Daemon at tsaka mukhang hindi naman alam ni Throne." I said.

"May pagkamanhid din pala si Throne." Kristine chuckled.

"But I know, Throne care for her. Nalaman ko kay Yancey na si Throne mismo ang nakahanap kay Leila noon. At first, ayaw niyang magpacleanse, matagal-tagal din bago siya kusang pumunta sa basement." Daemon said habang naglalagay ng twigs sa campfire.

Magsasalita na sana ako ng biglang lumindol ng malakas.

Agad kaming inilipad nina Lhorraine at Jana at napansin namin ang pagbabago ng form ng Grand Canon.

"Nagiging Maze na talaga ang itsura niya." Jana said.

Tumigil ang paglindol at unti-unting nagliwanag ang paligid. Ibinaba na kami nina Jana.

Unti-unting lumabas ang araw.

"Rose, ayan na yung araw. Mag-iingat ka." Lhorraine said. Napatingin ako sa kanila at tumango.

"Pangako, babalik ako." I smiled. Gaya nga ng sabi ng cursed book sinundan ko yung araw.

May parteng hindi nasisikatan, at merong hindi. Hindi ko alam kung gano ako katagal na naglalakad, pero wala pa kong nakakasagupang ano man.

Pero lahat ng nadaanan ko nagsasara.

Mag-aalas dose na ng tanghali pero wala pa rin as in wala. Kahit mab lang paru-paro o lamok wala.

Mukhang may mali eh.

"Dead End." I murmured. As in wala ng ibang dadaanan. Bigla pang nagsara yung dinaanan ko kanina at tutok na tutok ang araw sa kinatatayuan ko.

Sinundan ko naman yung araw eh.

Agad akong napahawak sa pader ng biglang lumindol. Unti-unting nagcrack yung lupa.

Pero isa lang ang masasabi ko.

"EXCITING TO--- ahhhhhhhhh!!!!!!" I screamed ng biglang bumuka yung lupa kaya nahulog ako.

I just closed my eyes at hinintay ang pagbagsak ko.

"Ack!!" I squealed. Bumangon na ko at napatingin sa paligid.

"EGYPT?!" I exclaimed. Seryoso nasa Egypt na ko?!!!!

Agad kong pinasok yung pyramid na nakapagtatakang nag-iisa dito sa gitna ng disyerto.

"Maze na naman???" I sighed. Hindi ko naman mabasa yung mga writings sa mga walls.

"Whoah!!!" I screamed ng may biglang tumarak na spear sa gilid ng mukha ko. Napahawak ako sa pisngi ko at napansin ang pagdurugo nito.

"Sh*t!" I cursed at lumingon sa pinanggalingan ng spear.

Egyptian Knights. Yung mga kawal na nakadamit ng pangegyptian.

"Uhm, ano kasi, napadaan lang ako... tourist! Yeah! I'm a tourist, I just got lost." Nakangising sabi ko.

Napasigaw na lang ako ng may isa pang spear na tumama sa gilid ko.

Seryoso na toh!!!

Biglang may mga sumugod na may hawak na spear. Nagbend ako para iwasan yun at sinipa sa kamay yung isa para makuha ko yung spear niya.

Tumatakbo na ko pataas, pababa at paikot-ikot sa loob ng pyramid. Pero bawat lugar na puntahan ko may mga kalaban.

Sa dami nila at sa dilim at sikip ng lugar na toh, punong-puno na ko ng sugat. Hindi ko na rin nabilang kung ilan sila.

"Ack!!" I hissed ng maramdamang may bumaon sa likod ko at tumagos sa tiyan ko. Napasuka ako ng dugo dahil dun.

Unti-unti kong kinapa yung tiyan ko at naramdaman ang isang mahabang spear na nakatarak dun.

Wala na kong makita sa sobrang dilim at hindi ko rin matawag ang Demon o Beast Form ko.

Sabi ko na nga ba ito yung mali.

Lumalaban ako gamit ang normal kong lakas. Ito na ba yung sumpa? O may mas masahol pa?

May biglang nagtanggal ng spear sa katawan ko at muli akong sumuka ng dugo. Dahil nasa normal form ako at malalim ang sugat ko, matatagalan sa paghilom ito.

Baka lumubog na yung araw at hindi ko na makita yung simbolo. Napaluhod ako sa may lupa at iniinda ang sakit sa tiyan ko.

Ayaw nitong tumigil sa pagdurugo. Naramdaman ko na lang na may humila sa paa ko.

Kinaladkad niya ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

------------------

Nagising ako ng may marinig akong parang mga nagsasalita. Napatingin ako sa kalangitan na puno na ng mga bituin.

Mga bituin?!

Sh*t! Gabi na! I failed!!! Wala na yung araw! Wala ng liwanag..

Napatingin ako sa paligid kong puno ng mga kandila. Tapos yung mga Egyptian Knights ay nakapalibot sakin.

Babangon na sana ako ng maramdaman ang mahigpit na bakal na kadena sa mga kamay at paa ko. Nakahiga ako sa isang matigas na bagay at hindi ako makagalaw.

"P-pakawalan niyo ko!!!" I hissed and struggled pero yung lakas ko wala na talaga.

Napatingin ako sa sarili ko at napansin na iba na ang suot ko.

"Excuse me! Hindi ako si Cleopatra!! Pakawalan niyo ko- hmmmmm!!!!" I screamed ng may isang tumakip sa bibig ko.

May para silang sinasabing ritual at sinasayawan pa nila yung isang gintong kopita sa gitna.

Napalunok na lang ako ng ilapit nila sakin yung kopita. Biglang umikot pataas yung kinahihigaan ko, kaya napahiyaw ulit ako sa sakit.

May inilabas silang kutsilyo at inilapat yun sa palad ko.

"Anong---- AAAHHHHH!!!!" I screamed ng walang awa nilang hiniwa yung palad ko at ipinatak yung dugo ko sa kopita.

Naiiyak na ko sa kaba at yung excitement na nararamdaman ko kanina eh wala na.

May kung ano silang inilagay sa kopita tapos nilapitan nila yung gintong kabaong na nasa harap ko na ngayon ko lang napansin.

Unti-unting tumaas yung nasa loob nito.

Isang Mummy. Yung taong binalotan ng tissue yung buong katawan para mapreserve.

Tinapat nila yung kopita at ipinatak yung dugo ko at kung ano mang halo nito sa bibig ng Mummy.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumaling sila sakin at muli na namang umikot pahiga yung hinihigaan ko.

Wala na kong ibang nagawa kundi umiyak at sumigaw sa takot. Meron silang inilagay na kung ano sa bibig ko para kusa itong bumukas.

Pinainom nila sakin yung dugo ko at kung ano mang halo nito.

Hindi ako si Jana!!! Hindi ako masisiyahan sa lasa ng dugo!! Naramdaman ko na lang ang pagkalas ng pagkakatali sakin.

Nahulog ako sa lupa at napaduwal na lang.
Biglang may humila sa buhok ko kaya napaangat ako sa ere.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita yung Mummy na nakahiga lang kanina.

"Waaahhhhh!!!! Uuwi na ko!!!" I cried.. a lot. Nakakahiya mang aminin. Ang yabang ko kanina pero lahat ng yun nawala na.

Tinulak niya yung ulo ko at sumubsob ako sa lupa. Yung mga kawal eh ibinabagsak nila yung dulo ng spear nila sa sahig na para bang sunasabihan kaming maglaban.

Unti-unti akong tumayo at tumingin ng masama dun sa mummy... I gritted my teeth.

"Ako sa ang pinakamalakas sa Earth Kingdom at hindi ako magpapatalo sa isang patay." I hissed at pinunasan ang gilid ng labi ko.

Hinablot ko yung spear ng isang kawal at sinugod siya. Malakas siya at mabilis.

Araw-araw akong nagsasanay kaya nahasa na rin ang katawan ko sa pakikipaglaban. Lahat na ng takot ko nawala at bumalik na naman yung pagkasabik ko sa laban.

Bawat hampas, suntok at sipa niya ay may sobrang lakas na kulang na lang ay titilapon ako.

Parang yung lakas ko bilang Demon eh lumipat na sa kanya.

Napahawak ako sa balikat ko ng may naramdaman akong matulis na bagay mula sa kamao niya.

"May sandata siya." I mumbled at sumugod ulit. Rinig na rinig ang bawat pagtama ng bakal sa katawan niya at mukhang hindi naman niya iniinda yung sakit.

Patay na nga pala toh ano nga ba naman ang iindain niya?

Pero alam ko, kabisado ng katawan ko ang bawat galaw na dapat kung gawin. Kung talo ako sa palakasan, gagawin ko na lang sa pabilisan.

Natigilan ako sa paglaban ng makaramdam ng kakaiba sa loob ko. Bigla akong pinagpawisan ng matindi.

Napaluhod ako sa sahig at tinignan yung kalaban ko.

She unwrapped her arm at nakita ko ang singsing. She pulled my face at hindi ko nagawang manlaban sa sobrang panghihina.

She forcefully opened my mouth, at ipinalunok sakin yung sing-sing.

Nakaramdam ako ng matinding sakit ng katawan. Parang kinakalas lahat ng buto ko. Sobrang sakit na hindi na ko makahinga nanparang pinipiga ang loob ko.

"Magaling ka, Rose Emerald. Pumasa ka sa pagsusulit, dito na magsisimula ang sumpa." She said.

Then, everything went black.

-------------

JANA's POV

"Uyyy umuwi ka na Lhorraine paubos na stocks natin, tatlong araw na tayo dito wala pa si Rose." I said habang kinakain ko yung corned beef sa loob ng lata.

"We brought a 1 month supply of goods Jana, dahil sayo kaya naging pang3 days na lang mga toh." Irap ni Lhorraine, napanguso na lang ako.

"Ang tagal naman ni Rose." Kristine sighed at nagdrodrawing sa lupa.

"Sa tingin niyo? Ano na kayang nangyari sa kanya?" Daemon asked.

"Nangako naman siyang babalik siya, kaya sigurado ako babalik yun." I said.

"AYAN NA SIYA!!" Kristine exclaimed at napatayo pa. Ganun din ang ginawa namin.

Napatingin kami sa babaeng naglalakad papunta samin. Hindi pa namin masyadong maaninag ang itsura niya dahil sa mirage.

Pero isa lang ang napansin ko.
Papaliit siya ng papaliit...

"Hindi naman yan si Rose!" I breathed.

"Anong ginagawa ng bata dito? Tsaka mukhang mag-isa lang siya." Daemon said.

Tumigil sa tapat namin yung bata. Yung suot niya eh, suot ni Rose nung umalis siya. Nagmukha na iyong kumot dun sa bata.

"What are you doing here, kiddo?" Tanong ni Lhorraine at nagsquat sa harap nung bata na baka 3-4 years old pa lang.

Medyo chubby, parehas sila ng kulay ng buhok at mata ni Rose.

"In just 3 days, nagkaanak na si Rose." I said at nakatanggap ako ng batok mula kay Kristine.

"Anong pangalan mo?" Kristine asked after nagsquat sa harap nung bata.

"Rose.... Emerald..." She said innocently and we gasped.

Tulog na si Rose, este yung bata sa loob bg tent. At hindi na kami magkandaugaga dito kakaisip ng kung ano mang pwedeng isipin.

"Naging chibi na si Rose!!!" I exclaimed. "Sino ng magluluto ng pagkain natin?! Mamamatay na tayo sa gutom!!!"

(A/N: Chibi- japanese for maliit)

"Nagkaganun na nga si Rose, pagkain pa rin ang iniisip mo. I just can't imagine kung gano kasakit ang pinagdaanan niya para magshrink ng ganyan ang katawan niya." Kristine said.

Napanguso na lang ako. I was just, you know... Worried about our health and well being naman kasi. Hindi naman kasi talaga pagkain ang priority ko.

"For the meantime, paghati-hatian muna natin ang mga gawain ni Rose, ako na ang magluluto." Lhorraine suggested.

"Kakain na lang ako sa restaurant..." I said.

"Padeliver na lang tayo." Kristine added. Kaya napatingin samin ng masama si Lhorraine.

"Magaling ng magluto si Lhorraine kaya hayaan niyo na." Daemon chuckled.

And I was like... yeahhhhh.

"Yung garden niya, Zee could take care of it tutal talagang nagtutulungan sila dun." Daemon said.

"Sa paglilinis ng bahay, pwede akong tumulong." Kristine volunteered.

"Me, Leila and Briggs could help, too. Kunin mo na si Rion at Vixen sa kusina Lhorraine and they could do some errands." Daemon suggested.

Excited na ko sa ipapagawa nila sakin. Kaya nakikinig lang ako at medyo nagpaparamdam.

"Ikaw Jana... uhm... manood ka na lang ng TV." Lhorraine said at lahat ng excitement ko napalitan ng inis.

"Or matulog ka na lang, magkulong sa kwarto mo at wag na wag ka ng magpaparamdam." Kristine smirked.

"Anong sabi mo?!" At ang inis ko napalitan na ng galit, hinagpis at poot. Joke lang, medyo bad trip lang.

"Ssshhhh!!! Nagising na tuloy si Rose!!!" Daemon hissed at binuhat mula sa tent yung Chubby'ng Chibi.

"Ang cute-cute mo naman, nagugutom ka na?" Kristine asked. Umiling naman si Rose at nagkusot ng mata.

"Gusto ko... uwi." She said at nagkatinginan kaming apat.

"Don't tell me, hindi lang size ang nagbago sa kanya?" I asked.

"Mukhang naging bata na talaga siya and this is the curse." Lhorraine said.

---------

"Sigurado kayong si Rose yan?!" Rion asked havang nakaupo si Rose sa lap ni Zee at kumakain ng spaghetti.

"Spaghetti!!! Hotdog!!!" Rose grinned.

Naiinis na ko dahil iiyak siya kapag kukuha kami ni Briggs ng spaghetti niya pero ang lakas mang-inggit.

"Papatulan ko na toh eh." I hissed at tinignan nila akong lahat ng masama.

"Bumili kaya tayo ng mga damit niya? Masyadong malalaki yung mga damit natin sa kanya." Leila suggested.

"Gabi na, bukas na lang after school, ano pa lang balita sa school?" Daemon asked at pinunasan yung bibig ni Rose.

"Okay naman. Medyo boring. Akyat na ko." Leila said at duniretso papuntang hagdan.

"Everyday, nadedetention si Leila dahil sa pakikipag-away." Vixen said.

"Leila!" Sigaw ni Daemon dito.

"Daemon, hayaan mo na, that's life." I laughed at nagthumbs up kay Leila na ngumisi lang bago nagtatakbo papasok sa kwarto nila ni Daemon.

"Ayokong matuto sa mga ganung bagay si Leila." Daemon hissed.

"Daemon, hayaan mo na. Ineenjoy niya ang pagiging normal, kapag bumalik tayo, babalik din siya sa dati." Kristine said to him.

"Saan pala natin iiwan si Rose? Hindi siya pwedeng sumama sa school." Briggs said.

"Oo nga pala, wala tayong mapag-iiwanan sa kanya." Lhorraine sighed.

"Dalhin na lang natin sa DSWD o bahay ampunan." I suggested.

"Isama na lang natin sa school, no choice tayo." Daemon said totally ignoring my suggestion.

"Ito na yung milk mo, matulog ka na mamaya ha? Para bumalik ka na sa dati mong laki." Kristine said. Kinuha naman ni Zee yung milk at pinainom kay Rose.

"Sige, mauna na kaming matulog." Sabi ni Briggs at inakay na palayo si Lhorraine. Sumunod na rin sina Vixen at Kristine.

"Tulog na tayo? Kayo na bahala kay Rose?" Rion asked them at umoo naman sina Zee.

-------

"Waaahhhh!!! Saan mo nakuha yang maliit at cute mong uniform?!" Leila giggled habang pinaglalaruan ang pisngi ni Rose.

"Nakita ko po sa drawer kasama nung pink headband at shoes." Inosenteng sagot nito at honestly nanggigigil ako.

"Pakabait ka sa school ha?" Zee said while combing her hair. Para talaga siyang tatay.

"Opo, tatay." Rose smiled. Natigilan kaming lahat bago kami tumawa.

"S-sinong may sabi sayong tawagin mo kong Tatay?" Malumanay ngunit alanganing tanong ni Zee.

"Tito Rion." Rose pouted at nakita na lang namin yung hair brush na sumapol sa noo ni Rion.

Rose giggled.

Ikakadena ko na toh at gagawing keychain.

--------

Nakasakay si Rose sa balikat ni Zee habang naglalakad kami sa hallway, as usual, agaw pansin na naman kami.

Kailangan talagang si Zee ang magbantay kay Rose dahil siya ang tiefling nito. Hindi lanf namin alam kung pano matatapos yun.

"Baba na po!" Rose said pagpasok namin sa classroom, agad na nahagip ng mga mata ko si Crimson na nakatingin sakin pero agad din siyang tumingin sa ibang direksyon na parang hindi niya kakilala yung nakita niya.

Hindi ako bato para hindi masaktan. Kahit papano umaasa pa rin ako.

"Labas muna ako, tinatamad akong pumasok." Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita?" Rion asked and I just shrugged.

"I need space." Tawa ko pero inirapan lang niya ko.

"Just be back before lunch, wag kang magsimula ng gulo." Lhorraine said at nag-Ok sign na lang ako bago ako lumabas ng classroom.

Lumingon ako kay Rose na pakanta-kanta pa habang may hawak na coloring book.

"Tssss..."

Dumiretso ako sa park. Matutulog na lang ako.

I was about to put down my bag ng biglang may yumakap sakin mula sa likod. Agad akong napalingon.

My eyes widen, HINDI KO SIYA KILALA!!!!

"E-excuse me, nagkamali ka po atah." I said. He then let go of me at hinawakan ako ng mahigpit sa balikat.

Umiling siya, "Matagal na kitang gusto Jana, matagal ko ng pinipigilan ang sarili ko, mahal talaga kita." He said.

Inayos ko yung bag ko, "Uhm, may pupuntahan pa pala ako." I smiled at naglakad na palayo ng hilahin niya ko and his hands are on my waist.

"L-let me go." I hissed. Kapag pinatulan ko toh baka mapatay ko. Nagpromise pa kong hindi ako gagawa ng gulo! Tch.

Mas lalo niyang idiniin ang sarili niya sakin at nakaramdam na ko ng takot. Napansin ko ang kulay ng aura niya...

Black..

Isa siyang masamang tao...

"Akin ka lang Jana." He breathed at niyakap ako para hindi ako makawala sa kanya.

D*mn this, hindi ko macontrol yung panginginig ko, mapapalakas talaga ang tama niya sakin.

"Bitawan mo ko sabi!!!" I hissed. I just can't push dahil baka tumilapon siya!! I can't control my powers kapag hindi ako nakarelax.

Naramdaman ko yung kamay niyang humahaplos sa hita and I screamed. Naramdaman ko na lang na may tumulak sa kanya at may yumakap sakin.

"Aalis ka dito, o papatayin kita?" Matigas na sabi niya.

Napalingon ako sa nagsalita...

"W-Wave..." I sniffed. Nagtatakbo na palayo yung lalaki.

"Ayos ka lang?" He asked. Umiling ako st umiyak. Para na kong si Kristine na iyakin.

"Dapat binugbog mo na yun." He said at niyakap ako to comfort me.

"I can't fight if I'm scared or nervous, baka mapatay ko siya ng wala sa oras." I sobbed.

"Tumahan ka na, you're safe now." He said. Nagpunas ako ng luha at tumingin sa kanya.

"Why are you here??" I asked.

He sighed at umupo sa gilid ng fountain.
"I want Kristine to be happy, and I can see that she's with Vixen, pero masakit pala. Gusto ko na lang na lumayo, para hindi na kami magkasakitan."

"Sa tingin mo ganun yun?" I asked at kumunot ang noo niya.

"What do you mean?" He asked. Pero nagshrug lang ako.

Humiga ako sa may damuhan at naramdaman kong tumabi sakin si Wave.

"Ikaw masaya ka ba?" Wave asked. Nakatingin lang kami sa asul na asul na kalangitan.

"I don't deserve happiness, wala akong karapatang maging masaya." I said. Bumaling siya sakin at tumingin din naman ako sa kanya.

"Ang drama mo." He laughed and I just smiled. Marami na rin kaming napagkwentuhan at tawa lang kami ng tawa.

Hanggang sa marinig na namin yung bell dahil lunch break na.

"Sabay na tayo?" He asked and I nodded. "Pakitanggal naman yung mga damo sa likod ko."

Tumalikod siya sakin at umupo naman ako para alisin yung mga dumi sa likod niya tapos ganun din ang ginawa niya.

Dumiretso na kami sa cafeteria at nariribig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa hallway...

"Napanood niyo na ba yung news flash???"

"Oo, ang sweet nga nila eh.."

"Pero akala ko ba si Crimson???"

"Diba si Wave at Kristine??"

"Pero kasa-kasama ba ni Kristine si Vixen.,,"

"Bagay pala sila at ang cute nila..."

Talagang nagtataka ako sa mga sinsabi nila.

"Wag mo na lang pansinin." Wave smiled at me.

"Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nila." I said and he chuckled at inakbayan ako kaya tumili yung nga nakakita.

"Just go with the flow." He grinned.

At napa"HUH?!" na lang ako dahil hindi ko talaga gets.

Pumasok na kami sa cafeteria. Nakakapanibagong tahimik ang lahat na nakatingin samin ni Wave habang nakaakbay siya sakin.

"Dun na ko sa table namin." He said and I nodded bago ako pumunta sa table din namin.

"News Report. Today, at Royals Garden, Wave Daniel Montereal and one of our queens, Jana Ruby Royal, were seen by some students together. There are rumors that the two are actually couples who secretly meet each other to avoid publicity. Queen Jana is Crimson's exgirlfriend who happens to be Wave's friend and also, Wave is Kristine's ex who happens to be Jana's sister. There were evidences that shows that the two has really an affair." sabi ng reporter doon sa malaking TV sa loob ng cafeteria.

Nagflash yung mga picture namin ni Wave kanina lang.

Yung yakap-yakap niya ko habang umiiyak ako, yung nakahiga kami sa damuhan at nagkukulitan, yung tinatanggal niya yung mga dumi sa buhok ko at yung inakbayan niya ko sa may hallway kanina.

Agad akong napatingin kay Wave na saktong nakatingin sakin, nagkibit balikat na lang kami and laughed.

"And that's our hottest news for today, good afternoon."

Napatingin ako kay Kristine who is glaring at me and I just chuckled.

"Masyado kang friendly kaya napagkakamalan ka." Rion said. Napatango ako sa kanya.

"What if totoo?" I chuckled.

"Jana, that's not a good joke!" Kristine hissed at napataas na lang ako ng kamay.

"Grabe, intense mo naman, wala naman sigurong masama. Tapos na kayo diba?" I grinned at mas lalo pa siyang nagngitngit sa inis.

"Ay!" Rose squealed ng nahulog yung pencil case niya at nagkalat ang mga laman nito.

Daisy help her pick them up and Rose thank her with a wide smile.

"Ang cute mo naman, what's your name?" Daisy asked.

"Ro---"

"She's Emerald, anak namin ni Daemon, may angal ka?" Leila hissed at natigilan pa si Daisy.

Babalik na sana si Rose sa upuan niya ng mapansin niya si Leif.

Lumapit siya kay Leif at hinila ang laylayan ng damit niya.

"Color po tayo..." She giggled. Leif stared at her coldly at tinanggal yung kamay niya sa laylayan ng damit nito.

"I hate kids." He hissed.

Napansin namin ang pagkagulat sa mukha ni Rose.

"Leif, wag ka namang ganyan sa bata." Ash said.

Napayuko na lang si Rose at naiiyak na yumakap kay Zee...

"I really hate kids. Sana wala na lang bata dito sa mundo." He added and walked out.

-----------------

Tbc
Daming error :P

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top