Mission #75 Cleansing
AN: MAGBASA NG HINDI TANONG NG TANONG!!!!
Q1: Ilang chapters?
A: 100+
Q2: Kailan next UD?
A: Kung kailan ko gusto :)
Warning: Medyo magulo and lame.
ROSE' POV
Akala ko pagkagising ko kinaumagahan magiging ok na ko. Pero ngayon, nanghihina pa rin ako.
"Magmumukmok na lang ba kayo diyan?!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Yancey ng bigla niyang ibagsak yung mug niya sa mesa.
"What do you want us to do?" Hinang-hinang tanong ni Kristine.
"In the first place, ano ba ang dapat niyong ginagawa dito sa Human World?! Ang magboyfriend ba? Hindi ito Romance Novel!! Fantasy ito!!!" She snorted.
"This is FanRom, tignan mo kasi sa mga tags." Irap naman ni Jana.
"Actually, Randomized na siya." Lhorraine added.
"ANO BANG PINAG-UUSAPAN NATIN?!" Bulyaw ni Yancey.
"Yung category ng story'ng ito?" I asked.
"Wala akong oras makipagbiruan sa inyo. Gaya nga ng sabi ko, tieflings and demons shouldn't have a romantic relationship with each other. Ang kailangan niyo lang ay strong bond and not all the time that bond is love."
"What are you trying to say then??" Daemon.
"Sumunod kayo sakin sa basement." Biglang tumayo si Yancey at pumunta sa bookshelf sa gilid hagdan. May hinila siyang libro at agad nahati yung shelf sa dalawa, revealing an elevator door.
Pumasok kami dun and then Yancey pushed ang kaisa-isang button na nandun.
Inabot kami ng halos 15 minutes bago tumigil yung elevator.
"Gaano ba kalalim dito at ang tagal ng travel time?" Jana asked as the elevator's door opens.
"Ang pagtravel ng elevator ay pahigang L. Naget's niyo ba?
Parang ganito yun |________, bumaba tayo ng two floors mula sa bahay and travelled horizontally underground. Ang tinatawag naming basement ay isang underground organization ng mga Demons." Yancey said. Naglakad kami sa isang mahabang pasilyo na para bang sa isang malaking laboratory experiments.
"Ang layunin ng Basement ay ang pagtatanggal ng black aura sa bawat Black Demons, in short, lahat ng mga nandito ang tawag namin ay CBD, o Cleansed Black Demons."
"Parang nirerevert niyo sila sa mga dati nilang lahi?" I asked.
"Yes, kung naaalala niyo, nagawang buksan ni Hades ang portal noon kaya maraming Black Demons ang nakarating dito sa Human World, isa iyon sa mga mission naming Guardians, ang lipunin ang mga Black Demon and cleanse them bago sila sumabak sa mahigpit na training para sa Elemental Batallion." Yancey.
"Oh em... Kaya pala lagi kayong wala nina Hunter?" Kristine asked.
"Masyado kaming busy para asikasuhin ang mga broken hearts niyo, so please lang help yourselves, know your priorities, masyado na tayong nagtatagal." Yancey sighed.
Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na bumuntong hininga.
"LET ME OUT!!! Bwisit ka THRONE PALABASIN MO KO DITO KUNDI KAKATAYIN KO KAYONG DALAWA NI HUNTER!!!"
Natigilan kaming lahat ng may marinig kaming sigaw at kasunod nun ang pagtakbo nina Throne papunta samin.
"Y-Yanz, bakit sila nandito?" Gulat na tanong ni Hunter.
"Para magkaroon naman sila ng silbi." Sagot ni Yancey.
"AAAAHHHHHHHH!!!!"
Muli naming narinig ang sigaw ng isang babae... Sobrang pamilyar ang boses na yun.
"Makakabuti bang dinala mo sila dito?" Tanong ni Throne at sumulyap kay Daemon. Hindi man niya siguro gustong ipahalata pero nakita namin yun.
Kumunot pa ang noo ni Daemon.
"Ito na ang tamang o-----"
"KYAAAHHHHH!!!! IBALIK NIYO KO KAY DAEMON!!!!" Tuluyan na kaming napako sa kinatatayuan namin.
Hindi kami pwedeng magkamali. Napatakbo kami papunta sa pinagmulan ng boses at may nakita kami agad na kulungan na may babaeng nakaupo sa sulok at nakayakap sa mga tuhod niya habang umiiyak.
"L-Leila..." Daemon whispered.
THIRD PERSON's POV
Agad na nagtaas ng mukha si Leila at patakbong lumapit sa lima. Kumapit siya ng mahigpit sa bakal na rehas at dahan-dahang inabot ang mukha ni Daemon.
"Daemon, you're real? You're here." Naiiyak na sabi ni Leila. Hanggang ngayon hindi makapaniwala ang lima sa nakikita nila.
Leila became a Black Demon. No one knew how she became one, just herself.
Inilapat ni Yancey ang palad niya sa palm print detector at automatic na nawala yung bakal na rehas na pumapagitna sa kanila.
Agad na yumakap si Leila kay Daemon, and Daemon started to brush her long blond hair.
Walang ibang nagawa si Leila kundi umiyak ng umiyak at humingi ng tawad sa mga nagawa niya, Daemon kissed her head para patahanin ito.
"Pano niyo siya nahanap?" Daemon asked.
"Siya ang nakahanap samin and asked for cleansing." Yancey said.
"Just what's cleansing? Ano bang ginagawa dun?" Jana asked.
"Sumunod kayo sakin, may ipapakita pa ko." Yancey said.
Binuhat ni Daemon si Leila sa likod niya na ngayoy wala ng malay.
Naglakad ulit sila at pumasok sa isang observatory room.
Nanlaki ang mata ng lima ng makita ang mga leaders ng Black Parade na nasa loob ng isang malaking capsule na puno ng tubig ngunit may oxygen mask naman sila sa loob.
Lahat sila tulog.
"They are Tieflings, at alam kong alam niyo yun, ang aura ng isang Tiefling ay may dalawang layer, ang Pure Tiefling ay may Colored at White Auras habang ang Stained Tiefling ay may Colored and Black Auras. Ang ikalawang layer ng aura ay nakikita lamang ng mga malawak na ang experience na mga Knights gaya namin nina Throne at Hunter."
"Related ba yung pagkakaroon nila ng Black Aura sa mga Black Demons?" Lhorraine asked.
"Maybe yes, maybe no, ang mga may black second layer na aura ay yung mga nilalang na may masasamang ugali, may negativity'ng kinikimkim at galit. Kumbaga nabubuhay sila sa kasamaan kaya pati kaluluwa nila nilamon na ng kasamaan." Mahabang paliwanag ni Yancey.
"Then ano ang ginagawa niyo sa kanila para macleanse sila?" Kristine asked.
"May mga nagflaflash na mga imahe sa utak nila ngayon na unti-unting makakapagpabago sa pananaw nila sa mundo." Hunter.
"Pano niyo malalaman kapag nacleanse na sila?" Rose.
"Kusa silang magigising sa mahimbing nilang pagkakatulog." Throne said.
"Salamat nga pala, inalagaan niyo si Leila, akala ko tuluyan na siyang nawala samin." Daemon said at sinilip ang mukha ni Leila na nakasandal sa balikat ni Daemon.
"Maswerte siya dahil hindi siya tuluyang nilamon ng mga negative sa loob niya." Throne.
"Kunin niyo na yung dagger sa lamesa at maglaslas." Yancey said.
"Bakit mo kami paglalaslasin?!" Singhal ni Jana dito.
"Kailangan natin ng dugo niyo para makausap niyo sila through Telepathy and dreams." Yancey said.
"At bakit namin sila kailangang kausapin?" Kristine asked.
"Obviously, sila na ang magiging tiefling niyo, at bibigyan niyo sila ng dugo hanggang magising sila---"
"Wait a minute, pero pano sina Ash?" Lhorraine asked.
"Hay naku, ewan ko sayo Lhorraine, masokista ka talaga." Bored na sabi ni Jana.
"Hindi rin naman kasi biro yung pinagdaanan na natin, tsaka nasa kanila pa yung mga singsing." Lhorraine sighed.
"Makukuha niyo rin yung singsing, trabaho yun ng mga tiefling niyo." Throne said. Nagkatinginan ang lima at nakaramdam ng kaonting kilabot...
"Mukhang mahirap yung gusto niyong mangyari, nag-uumapaw na kami sa negative vibes baka mahawa pa sila." Rose said.
"I know, kaya ko nga kayo dinala dito." Yancey said that made them puzzled.
"Pati negative vibes shineshare na." Jana mumbled.
"You can talk to them and they will answer through telepathy, you can build bond just by doing that, makikilala niyo ng mabuti ang isang being during their downs. They will help you with those pain and at the same matutulungan niyo din sila." Yancey said.
"Apat lang sila pano si Daemon?" Lhorraine asked at kumuha na ng dagger.
"Problema din namin yan. Ngayon lang sumulpot ang Fifth Element, kaya di hamak na mas rare ang tieflings niya kaysa sa inyong apat." Throne.
"I'm fine, ang mahalaga meron na kayong bagong tieflings, magmadali na kayo dahil malapit ng magexpire ang frozen time." Daemon said at nilagay sa sofa si Leila.
Isa-isa silang kumuha ng dagger at sabay-sabay na nilaslas ang mga palad nila. Nagkatinginan muna silang apat bago ipatak ang kanikanilang dugo sa blood absorber ng mga capsules.
Kitang-kita nila kung pano kumalat ang dugo nila sa loob ng capsule at naihalo iyon sa tubig...
Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib nila kaya natumba silang apat...
JANA's POV
"R-Rion?" I whispered.
May narinig akong boses after kaming matumba.. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko kanina.
"Jana? Ikaw ba si Jana?" He asked.
I bit my lower lip and sighed. "Oo, yung nakalaban niyo sa Isla Concordia."
"T-Talaga? I've been dreaming of you pero ngayon lang kita nakausap." He said. Napatingin ako kay Kristine na napapangiti na ewan.
Si Lhorraine seryoso pa rin at si Rose on na naman sa bait-baitan effect niya.
"Kamusta ka naman?" He asked ng hindi ako nakasagot.
"Mabuti naman, hinihintay lang kitang magising." I said.
"Ayoko na atang magising, kung noon napapanaginipan lang kita, ngayon nakakausap na, kaso hindi naman kita nakikita." He said.
Napatingin ako sa kanya... Nakapikit pa rin ang mga mata niya.
"Gano na karami ang nalalaman mo tungkol sakin?" I asked.
"Hmm? May nakikita na kong images mo mula pagkabata. You're a demon, right? Kung noon natakot ako sayo pero ngayon unti-unti nang nawawala yung takot ko.
Kasi alam ko kahit ganun ang pinagdaanan mo, hindi ka pa rin ganun kasama."
Hindi ko alam kung mapapangiti ako or what pero honestly parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya.
"Salamat..." Tipid na sagot ko.
"Sana hindi lang panaginip toh. Sana makausap din kita balang araw." He said.
"Bakit hindi mo subukang gumising?" I asked.
"Dito na nga lang tayo nagkakausap puputulin ko pa ba?" I heard him chuckle.
"Pangako kapag nagising ka. Ako ang una mong makikita." I said.
Biglang tumunog ang alarm ng capsule ni Rion, may pulang ilaw ang nagc-create ng ingay at nagpupumiglas si Rion sa loob ng capsule.
"Jana wag mo siyang piliting gumising, hindi pa siya lubusang nalilinis." Throne said.
Nagulat na lang ako sa sinabi niya..
"H-Hindi ko alam." I stummered.
"Kausapin mo siya, pinipilit na niya ang sarili niyang gumising. Wag kang magbigay ng rason para gumising siya, hayaan mong siya ang humanap ng rason para magising." Hunter said.
I bit my lower lip and gulped.
"R-Rion andyan ka pa ba?" I asked.
"Jana? Asan ka? Ang dilim dito!!" He screamed.
"Ipikit mo ang mga mata mo Rion, pakinggan mo lang ang boses ko."
KRISTINE's POV
Kumalma na si Rion ngunit kasabay nito ang pagbagsak ni Jana sa sahig at tuluyan na itong natulog.
"She's in her dreams already with Rion." Throne said at nagsquat sa tapat ni Jana para buhatin ito. May pinindot namang button si Hunter sa capsule ni Rion kaya umikot ito at nilagay nila sa loob din ng capsule na walang tubig si Jana.
"Pano namin yan magagawa?" I asked.
"Maya-maya makakatulog din kayo. Mas madali lang talagang makatulog si Jana." Hunter smiled.
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa capsule ni Vixen. Pinindot ko yung button na kaparehas ng button na pinindot ni Hunter.
Umikot yung capasule ni Vixen at may isa ring capsule sa likod nito na nakapaslant na sakto lang na pahigaan.
"Kristine andyan ka pa ba?" I heard Vixen's voice.
"Yeah.. Bakit?" I asked at humiga din dun sa capsule nakita kong ganun din ang ginawa ni Lhorraine at Rose.
"Wala lang nag-aalala lang ako, bigla ka na lang kasing nawala." He said.
"Anong nakikita mo ngayon Vixen?" I asked and closed my eyes.
"Nasa isang isla ako ngayon. Tahimik dito at walang ibang tao kundi ako lang. Paiba-iba rin kasi ang lugar na napupuntahan ko." He said.
I opened my eyes pero iba na ang scenery na nakikita ko. Nasa isang isla na ko. Bumangon ako sa may buhanginan at pinampag ang suot ko.
Hindi ako familiar sa lugar na ito.
"Kristine? Kristine andyan ka pa ba?!" I heard someone shouted. Napalingon-lingon ako at hinanap ko yung boses.
"Kristine??"
May nakita akong isang lalaking nakaupo sa may batuhan at nakatingala sa langit.
"Kristine? Hmm sayang naman ang iksi ng conversation namin." He sighed at tumayo sa may batuhan.
Now I'm pretty sure..
I'm in Vixen's dream. Napatingin ako sa palad ko, sarado na yung sugat na ginawa ko kanina.
Nagkasalubong ang mga mata namin pag-angat ko ng tingin. His eyes widen ng makita ako.
"H-Hi." I shyly said at nagtaas konti ng kamay.
"K-Kristine?" He stummered. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko and I slowly nodded.
"I was just talking to you awhile back, kanina ka pa?" Tanong niya. Naglakad siya papunta sakin at I don't know what to do first...
Maglalakad din ba ko papunta sa kanya or answer his question first. Although I can do both at the same time, I did neither of the two.
"This is great, I've been dreaming a lot about you. Buti nakilala na kita personally." He smiled at lumabas ang dalawang dimples niya.
"The first and last time we met, magkaaway tayo." I said. He chuckled and smiled at me. Nag-iwas ako ng tingin.
Oo mas gwapo si Wave, mas malakas ang appeal ni Wave pero sobrang irresistable si Vixen dahil sobrang cute niya.
"Sorry about last time. Maybe pagkagising ko, I can apologize to BD Gang for what we did before."
Napatingin ako sa kanya at tumango-tango.
"Y-Yeah, dapat lang. Mali kasi yung ginawa niyo." Napaatras ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sakin.
"Ang ganda mo talaga." He smiled innocently.
Bigla akong nilamon ng hiya. "Wag ngang kung anu-anong sinasabi mo!!"
"This is my dream, I can do everything I want." He chuckled. Napanguso na lang ako. I can't tell him what's happening right now.
I guess I'll just go with the flow..
Niyaya niya kong umupo sa may batuhan na kinauupuan niya kanina. Marami siyang kwinento at hindi mahirap makagaanan siya ng loob.
Everytime na sinasabi niyang maganda ako, yung ngiti ko, yung mga mata ko, nakikita ko ang pagkislap sa mga mata niya.
And he's smiling like he's already satisfied of what he is seeing, that he couldn't ask for more.
"May kaibigan ako..." I started... "Ilang beses na siyang sinaktan ng taong mahal niya, at ilang chance na rin ang binigay nito sa kanya, but in the end mas pinili pa rin niya yung mga kaibigan niya over her, wht do you think should she feel and do?"
"Depende sa sitwasyon." He smiled at hindi ko naigilang mapatingin sa kanya.
"Panong depende..."
"Sometimes we can hurt someone just by doing what's right. Ano bang nangyari noon at bakit niya pinili ang mga kaibigan niya?"
"Because they are all jerk at sinaktan nila yung mga kaibigan ko." I hissed.
"So this is about Wave and you, right?" Natigilan ako sa tanong niya and I bit my lower lip. I nodded.
"May problema ka ba that time? Or may problema ba sina Crimson?" He asked.
"W-wala naman sakin, pero sina Crimson sinaktan nila yung mga kaibigan ko."
"Alam mo ba ang rason kung bakit nila sinaktan ang mga kaibigan mo?"
"Because they're a bunch of freakin' assholes!" I cursed.
"Everything happens for a reason Kristine, between his group and you, his group needs him more than you do, and the right thing to do at that moment is to help someone who needs you more. May valid reasons siguro sila kung bakit nila ginawa yun but one thing is for sure, you need to hear their side first before you could let go of every pain you're feeling right now, pwede kang lamunin ng galit na yan at gawin kang masama, if you really wanted to move on, you must learn to let go of all the pain and hatred you have."
Hindi ko namalayang wala na palang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang mga braso ni Vixen na pumalibot sakin. He gave me hug...
He knew that I need it, even if I didn't told him.
LHORRAINE's POV
"What is it again?" Briggs asked.
We are in a library in his dream. He's the exact opposite of Ash. Nahihirapan siyang umintindi ng topic ngunit sobrang daldal niya.
"You have to--" Natigilan ako ng bigla niyang idikit yung pisngi niya sa pisngi ko habang nagsusulat ako.
"Sorry hindi ko kasi makita." He grinned at nagpeace sign. Napabuntong hininga na lang ako at inilapit yung papel na sinusulatan ko kanina.
"You have take the blah blah blah blah then blah blah...." Tango lang siya ng tango habang tinitignan yung papel. Bigla na lang siyang napakamot sa ulo niya at binagsak ang ulo sa mesa.
"I'm beat. Maglaro na lang tayo Lhorraine." He pouted.
He's childish.
"Ano? Scrabble?" I asked.
"Yan ang problema sa inyong mga matatalino pati laro niyo pang matatalino lang." He sighed.
"Oh sige, anong gusto mong laro?" I asked.
"Kasal-kasalan, ako yung groom at ikaw yung bride." He grinned.
Nanlaki ang mga mata ko. Bigla na lang nagchange yung setting. I am now wearing a white long wedding gown before the aisle wearing a boquet of rose.
Habang si Briggs nakatayo sa dulo ng altar at nakangiting naghihintay.
"This is not funny!!" I hissed. I took off the vail at tinapon sa gilid yung boquet.
"How does it feel to marry someone you don't even love?" He mocked. I clenched my jaw at sinampal siya ng makalapit siya sakin.
"Now you know, kung anong nararamdaman ni Ash." Malungkot ang mga mata niyang nakatingin sakin.
"W-what are you talking about?"
"You both have been through a lot. Sa tingin mo lahat ba ng pinakita ni Ash sayo puro kalokohan lang? Ganun ba kababaw ang tingin mo sa nararamdaman niya para sayo?"
"How am I suppose to know?! At bakit ba kinakampihan mo siya?!" I snorted and gritted my teeth.
"Because I know and I saw his reason, I know what he did was wrong but if you were on his position you will also do the same." Walang emosyong sabi niya.
"Then ano yung rason niya? Why did he choose to hurt me again?" I asked.
"I'm not in the right position to tell." He said.
Napabuntong hininga na lang ako.
"It's not about the wedding game kaya nagalit ako. It is because I am a demon, pagpumasok ako diyan masusunog ako."
Natigilan siya saglit sa sinabi ko tapos bigla na lang tumawa. Natawa na rin ako...
"Nagkadramahan na tayo yun lang naman pala rason mo." He chuckled and in an instant iba na naman ang suot namin at nakaupo na kami sa isang malaking clouds.
"Gusto mo? Favorite ko toh eh marshmallow at cotton candy." He grinned habang kinakain yung clouds.
"Talagang kontrolado mo itong panaginip mo." I said habang nakangalumbabang nakatingin sa kay Briggs.
"Hmm? Ikaw lang naman ang hindi ko kontrolado." He said at kumuha ulit ng piece ng cloud at kinain.
Kumuha na rin ako at nakikain.
"Mmm it's sweet." I said after kong kainin yung cloud. Lasang cotton candy talaga.
"Oo nga eh, may cappucino, mocha, at milk tea flavor din, imaginin mo lang."
"It's your dream pano ko naman mapapalitan yung lasa?" I asked.
"Oo nga pala, hanggang kailan ka dito sa panaginip ko?" He asked.
"Bakit? Gusto mo na ba kong umalis?" I asked.
"Hindi naman. Para lang malaman ko kung kailan na ko pwedeng gumising." He grinned.
"Ikaw, kung hanggang kailan mo gusto. Gigising na rin ako mamaya. Pero babalik din ako, masanay ka na dahil hangga't tulog ka, makikita't-makikita mo ko." I smiled.
Nagulat na lang ako ng bigla niyang takpan ang bibig ko. Nakayuko siya pero pansin ang pamumula ng tenga niya.
"W-wag kang ngingiti, baka mahalikan kita." He said and I froze.
"Kapag ako talaga nagising hahanapin kita sa real world at aagawin kita kay Ash." He said kahit pulang-pula na yung mukha niya.
I stopped myself from smiling...
"Sige hihintayin ko yan."
ROSE' POV
"Awwww!!!!" I hissed.
"Yan ang clumsy mo kasi." Zee snorted habang ginagamot yung sugat ko sa tuhod. I realized na kapag nandito kami sa Dreamland, nawawala yung powers namin at nagiging normal lang kaming tao.
"Eh kala ko kasi kaya kong akyatin yung puno." I pouted. Grabe ang sungit niya.
"Ayan, kaya mo bang lumakad o bubuhatin pa kita?" He asked in a cold tone.
"Piggy back ride na lang!!" I grinned at tinaas yung dalawang kamay ko na parang magpapabuhat.
"Piggy? Baboy ka ba?" He asked. Agad kong binaba ang mga kamay ko at sinimangutan siya.
"Ang sama talaga ng ugali mo." Irap ko.
"I was just asking." He sighed at nagsquat patalikod sakin. Napangiti na lang ako at sumampa sa likod niya.
Naglakad-lakad kami paikot sa forest.
Asan nga ba kami? Sabi niya nasa isang malawak na Forest kami. Inlove atah sa nature kaya dito ang Dreamland niya.
"RoZee Scorpiona." He mumbled. Napatingin ako sa kanya tapos doon sa tinitignan niya.
Isang pulang scorpion na pa-Z yung hugis ng buntot.
"Yun ba talaga ang pangalan niya? O gawa-gawa mo lang?" I asked.
"Siyempre gawa-gawa ko lang yun." Irap nito. Sungit talaga.
"Eh bakit RoZee?!" I asked.
"Kasi nakita nating dalawa iyon. It's a combination of our name Rose and Zee. RoZee." He said.
I didn't know if he smiled or smirked. Pero sa view ko tumaas ng konti yung gilid ng labi niya.
"RoZee? Magandang pangalan." I smiled.
Naglakad ulit kami at iba't ibang halaman, hayop at insekto ang nakikita namin.
We named them all RoZee and now this Forestal Dreamland is named RoZee Forest.
Bumaba na ko mula sa likod niya at sinabayan siya sa paglalakad.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" I asked. Tumingin siya sakin saglit at nagtuloy sa paglalakad.
Hearzoned....
Nakasimangot na lang ako at sumunod sa kanya habang lakad siya ng lakad. Hanggang sa bigla na lang siyang tumigil kaya natigilan din ako.
Pansin ko nasa may Falls na kami.
"Whoah!!! Andaming isda!!" I grinned at magdadive na sana ng bigla akong hilahin ni Zee.
"Masyadong malakas ang current wala kang powers, aanurin ka lang, at hindi ako mag-aabalang sagipin ka pagnagkataon." Cold na sabi niya.
Napanguso na lang ako.
"Eh sa nagugutom na ko eh." Naiiyak na sabi ko. Umupo siya sa may batuhan sa gilid ng rumaragasang tubig ng falls.
Kinuha niya yung bag niyang kasing laki ng bag ng nagpapajueteng at may kinuha dun.
Nanlaki ang mga mata ko ng may ilabas siyang dalawang fishing rod, isang timba at bait mula sa maliit na bag.
"Kamag-anak mo ba si Dora?" I asked ng iaabot niya sakin yung isang fishing rod.
"This is my dream." Tipid niyang sagot. Napairap na lang ako sa kawalan.
Nagtanong pa ko.
Dahil sa lakas ba naman ng current ng tubig eh inabot na kami ng dalawang oras at wala pa kaming nakukuha.
"I knew this would happen." He said at inilagay na sa gilid yung fishing rod niya tapos may dinukot ulit mula sa bag niya.
Kumunot ang noo ko ng may ilabas siyang Jollibee Chicken bucket with gravy, dalawang Coke Float at isang malaking bowl ng rice.
"Bakit pa tayo nagpakahirap mamingwit?!" I breathed.
"Hmmm? Experience." Pagkibit balikat nito at kumain na ng fried chicken.
"Ang weird mo." Irap ko at kumuha na rin ng fried chicken sa bucket after kong itabi yung fishing rod.
Biglang nag-iba yung setting. Nasa taas na kami ng isang hill at may nakalatag na na picnic blanket sa kinauupuan namin.
Nasa ilalim kami ng malaking puno at napapalibutan ng maliliit ngunit iba't-ibang kulay na bulaklak.
Lihim akong napangiti.
"I just want to be with you much longer." I heard him said kaya napatingin ako sa kanya.
"Y-You mean, sinadya mo yun?"
He nodded. "I wanted to atleast look cool infront of you. Hindi ka ba naimpress?" He asked at nilaro yung tip ng bangs niya na parang bata.
Natawa na lang ako and grinned at him, "Well masanay ka na dahil lagi mo na kong makakasama."
THIRD PERSON's POV
The five of them spent their vacation to help the tieflings and Leila hanggang sa tuluyan ng magising ang apat sa mahimbing nilang pagkakatulog.
They spent Christmas and New Year.
They explained to them the cleansing activity that was done to them and now the tieflings can't help but feel awkward towards the Demons.
They were able to confess their feelings to the four because they thought it was all a dream.
Wala silang kamalay-malay na magaan na ang loob ng apat na Demons sa kanila.
Will this be a start of new romance?
----------
Abangan... XD
Next Chapter.
School after Vacation.
Highlight:
Black Demon Gang vs Black Parade.
Leila vs Daisy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top