Mission #74 Anniversary Ball 2
Guys, under review comments niyo due to abusive words haha. Wag masyadong hard.
DAEMON's POV
Hindi na umimik si Lhorraine hanggang sa makaalis na sina Ash. Agad siyang tumalon pababa at sumunod naman ako.
"Tell me to kill him and I will do it right away." I told her. She looked at me with those eyes that I've never seen before.
Kasing lamig ng yelo ang mga mata niya. Namatay na ang ningning nito at walang sigla.
"Just act like nothing happened Daemon, wag mo na kong alalahanin. I don't want to ruin your night with Daisy." She said.
I hold her shoulders and forced her to face me.
"Cry..." I commanded.
"As much as I want to, there are really no tears coming out." She said at kinapa ang ibaba ng mata niya.
"Lhorraine..." I'm worried. D*mn worried, as much as I wanted to ease the pain she's feeling right now, I just can't without her consent.
"Ganito na ba kasakit yun? At sa sobrang sakit wala na kong maramdaman." She sighed.
"Lhorraine, just cry to lessen the burden." Lalapit na sana ako para yakapin siya but she shrugged.
"Daisy's looking for you, I can hear her voice." She said.
"I'll take you home." Hinila ko siya sa wrist pero hindi siya nagpatangay.
"Let's go inside."
"Lhorraine!! You're hurting! Gusto mo pa bang dagdagan?!"
"I can handle my emotions Daemon, I wont breakdown infront of them. I won't beg for love nor chances." She said at nagpatiuna ng naglakad papasok sa hall.
"Kanina pa namin kayo hinahanap!!" Bungad agad ni Daisy samin ng makalapit kami sa table.
"Kainan time na." Jana said. Napatingin ako kay Lhorraine with the same cold look on her eyes.
"Are you okay?" Ash approached Lhorraine at kinuyom ko agad ang kamao ko. Hindi siya sinagot ni Lhorraine at nilagpasan lang siya bago umupo sa upuan niya.
Tahimik ang lahat na parang takot magcreate ng ingay.
"L-Lhorraine ayos ka lang ba? Baka gusto mo ng umuwi?" Kristine courageously asked.
Napatingin sa kanya si Lhorraine with her cold stares at ilang beses pang napalunok si Kristine.
"I'm seriously fine." She said at tahimik na kumain.
"I have something to tell you after the ball." Sabi ni Ash kay Lhorraine. Napatingin ako kay Lhorraine and I saw that she glanced at me bago tumingin kay Ash.
"Sige." tipid na sagot nito na walang bahid ng kahit anong emosyon.
"You're not okay." Pagpupumilit ni Ash dito. I bit my lower lip and I couldn't help but get uneasy about this.
"May problema ba?" Napatingin ako kay Daisy when she suddenly held my hand on the table.
Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha niya and I can't bear seeing her like this.
"Wala." I smiled at her at medyo iniiwas ang kamay ko. Ayokong maramdaman niyang nanginginig na ko sa galit.
"O-okay. Kumain na tayo." She smiled at me pero alam ko. Kitang-kita ko na nasasaktan siya dahil sa reaksyon ko.
Sh*t!
This is frustrating.
"I just need some fresh air." I said bago tumayo at tumingin sa gawi ni Lhorraine. Tumingin siya sakin bago ulit nagtuloy sa pagkain.
"You haven't eaten." Daisy said.
"May problema ba? May hindi ba kayo sinasabi samin Lhorraine, Daemon." Kunot noong sabi ni Rose.
"Wala naman. Kanina ko pa pinipilit na umuwi si Lhorraine dahil masama ang pakiramdam niya pero hindi siya nakikinig. Naiinis lang ako." I lied.
"Sus, hayaan mo na. Malapit na namang matapos toh. Kumain ka na lang." Jana grinned.
"Wala kong gana." I said at lumabas na ulit ng hall. Dumiretso ako sa garden at humiga doon.
Lagi kaming tumatambay noon sa may garden sa palasyo kapag may ball dahil laging tumatakas si Jana. Syempre sinasamahan namin siyang magtago sa mga kawal.
"Pwede na ba kong magselos?" Napakurapkurap ako mg makita ang mukha ni Daisy na tumakip sa mga bituin.
Bumuntong hininga siya at humiga sa tabi ko.
"Buti pa ang mga butuin lagi mong pinagmamasdan, ako nga hirap mong tignan." She pouted.
If only she knew kung anong epekto niya sakin to the point na hindi ko na siya matignan ng diretso.
I silently smiled. I can't be more than thankful for having her by my side.
Hindi niya alam kung anong nararamdaman ko, she kept on asking kung ano na ba kami, she could feel that I have feelings for her pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya.
Mamaya na siguro..
"Mas maganda kasi ang mga bituin kaysa sayo." I chuckled. Nakita ko sa peripheral vision ko na pinalobo niya ang pisngi niya.
"Oo na ganyan ka naman lagi eh. Kahit ang totoo'y mahal mo na nga ko." Nakangusong sabi niya.
And again, I didn't answer her.
"Wala ng papatol sayo." I said. Kasi akin ka na at wala ng pwedeng lumapit na iba.
"Excuse me? Marami akong manliligaw noon noh!" She's desperate and I laughed.
"Eh asan na sila ngayon?"
"H-Hindi ko alam, basta one day, wala ng nagparamdaman." She sighed.
Napasmirk na lang ako... Magaling ako eh.
"I told you wala ng papatol sayo." I said. Bigla siyang nagdadabog sa tabi ko.
"Okay. Kapag talaga binasted mo ko at nakahanap ako ng iba, who you ka sakin."
"Sino bang may sabi sayong babastedin kita?" I asked at bumangon na paupo sa may damuhan.
Umupo na rin siya at tumingin sakin.
"Y-You mean sasagutin mo na ko? Tayo na?" She giggled at hinawakan yung tip ng sapatos niya habang namumulang nakatingin sakin.
"Sinabi ko bang ngayon na?"
"Huh? Eh sasagutin mo na naman na ko, bakit kailangang patagalin pa?!" Nakangusong sabi niya ulit.
"Magtiis ka wag kang excited." Irap ko.
"Hoy! Katakot-takot na pagtitiis na ang pinagdadaanan ko ha?!" Daisy
"Oh susuko ka na?!"
"S-Syempre hindi, ngayon pa ba ko susuko?" Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.
"Dahil nagustuhan ko yang sagot mo, may premyo ka sakin." I grinned. Nanlaki ang mga niya at naging uneasy ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya.
She gulped 3 times.
Iniiwas ko yung mukha ko at niyakap siya ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
But it calms me...
Napapikit ako pero agad din akong lumayo ng gumanti siya ng yakap.
"Umaabuso ka na." I chuckled and she just blushed at nagpout.
"Hindi ba pwedeng ninanamnam ko lang ang bawat sandali?" She mocked. I can't stop smiling. She's stupidly cute.
Muli akong tumingin sa langit at pinagmasdan ang mga bituin.
"Sana naging bituin na lang ako para gabi-gabi mo kong tinititigan." She sighed..
"I don't want you to be a star. I just want you to be my Daisy, yung ako lang ang pwedeng tumingin sayo at mayayakap kita anong oras ko man gusto." I said and looked at her.
As always nanlalaki na naman ang mga mata niya sa gulat sa sinabi ko.
Biglang may nagpaputok ng Fireworks. Alam ko kung gano yun kaganda at kakulay but as of now,
Wala ng mas gaganda pa sa babae sa harap ko ngayon. Kahit nagmumukha siyang ewan ngayon....
Isa lang ang masasabi ko...
"I want you to shine only for me, you are mine now and I am yours." I said and brought my hand on her face to feel her burning cheeks.
"I-Is that a yes?" Namamaos ang boses niya at halatang maiiyak na...
"Should I answer that with a kiss instead?" I grinned.
Hindi na siya nakahintay at hinila na ang mukha ko. Our lips met.
Even with our eyes close...
I can see our own bright fireworks...
------------
"Happy hoursary!!" Daisy grinned at niyakap ako.
"Inorasan mo talaga?" I chuckled. Hindi ko namalayang kanina pa kami dito sa garden na nagkwekwentuhan.
Kanina pa kasi tapos yung fireworks.
"Oo naman! You just don't know kung gano ako kasaya. I love you Daemon." Yumakap siya sa braso ko at tumingala sakin.
"I love you, too." I smiled. Her cheeks flushed red as her smile grew wider.
"Dali! Iaannounce na natin sa loob na tayo na!!" Sabi nito at hinila ako patayo. Nagpatangay na lang ako at bumalik nankami sa hall.
Naabutan naming kinukulit ni Ash si Lhorraine na hindi siya pinapansin.
Si Kristine, natatawang inuutusan si Wave ng kung anu-ano para silang naglalaro ng bring me..
Nagkaka-ilangan sina Jana at Crimson na parang di alam kung pano iapproach ang isa't isa.
Si Rose nakasandal sa balikat ni Leif habang nag-uusap. Leif is holding Rose's hand and slightly pinching her fingers.
"San kayo galing? Kanina pa namin kayo hinihintay." Jana said.
"Wala--"
"Guys kami na!!" Daisy giggled, cutting me off. Nagkatinginan silang lahat.
"Kala ko matagal na kayo." Kristine said.
"Matagal na kong nanliligaw, pakipot kasi toh."
Napabuntong hininga na lang ako.
"We're happy for the both of you." Rose smiled. I can see that she's happy.
Nasaktan na ang pinsan ko, kapag nasaktan pa ang bestfriend ko o kahit sino pa sa kanila, makakapatay na ko.
But seeing Leif, I know that he is madly and deeply inlove with Rose....
"And after the closing remarks from our very lovely president, please remain seated for a Video presentation." Sabi ng emcee.
Tumayo si Yancey sa podium. Kung titignan mo malaanghel talaga ang intsura niya pero ang ugali?
Mas masahol pa sa Leon.
"....I hoped you enjoyed tonight. Thank you."
Hindi ganun kahaba ang speech ni Yancey pero yung last part lang ang naintindihan ko.. Pano ako makakafocus kung nakayakap si Daisy sakin at maya't-mayang inaamoy ako.
Biglang nagdilim ang buong paligid at may nagflash sa malaking white screen.
"3...2....1"
Napatayo kaming lahat ng makita ang mansyon namin sa isla... Para siyang paranormal activity na kuha karamihan sa cctv.
Pero walang cctv sa bahay...
Ipinakita yung training namin... At kapag sinabi kong training lahat may kinalaman sa kapangyarihan namin.
Wala ring takas sina Yancey sa video.... kung pano siya magparusa....
"Stop that video.." I said. Kapag nagpatuloy yan, malalaman nila kung ano kami...
Hanggang sa punto ng Isla Concordia. Lahat kami napanganga ng mapanood sa screen yung lahat ng nangyari.
Kung pano ito naging madugo at brutal...
Wala kaming nagawa sa gulat sa mga nangyari...
In just a snap, naibunyag na ang pagkatao namin.
Nagbukas ang ilaw at nakatayo sa podium si Bea..
"We respected them for we thought, they're incredible humans...
"We look up to them because we thought they're nice and kind...
"We loved them cause they show compasion and care....
"But as what you've seen in the video, I know you can tell, they're freaks! Monsters!!!
"We are nothing but their food!!!
"We even let our friend Daisy to go after them and gather enough data. She must have gone through a lot of hardships cause she's been acting strange....
Natigilan ako sa narinig. Napatingin ako kay Daisy ngunit wala na siya sa tabi ko.
"Right now in this hall, there are 8 or maybe more Demons that can kill us anytime...
Biglang nataranta lahat ng mga nandito at halos magkastampede na. Kanya-kanya silang takbo palabas ng hall.
Natulala na lang kami sa bilis ng pangyayari... Nagsisigawan ang mga tao...
JANA's POV
Bigla akong nataranta sa bilis ng mga pangyayari.. Hahawakan ko na sana si Crimson ng biglang may yumakap sakin.
"Ssshhh, it's okay. Kami na ang bahala dito." Napalingon ako at nakita si Throne.
Yung takot na nararamdaman ko, unti-unting nawala.
Alam ko, kaya naming patayin lahat ng mga nandito pero hindi kami ganung klase ng Demons.
Wala ng mas nakakapangilabot pa, kaysa sa katakutan ka ng lahat ng tao.
"Jana.. Huminahon ka magiging ayos ang lahat." Throne hissed at hinawakan ang mukha ko.
Nanginginig ako...
"A-Ano bang dapat kong sabihin? G-Gawin?" I stummered. Pinaupo ako ni Throne sa upuan ko at tinignan diretso sa mga mata ko.
"Kami na ang bahala. Babalikan kita." He said at tumakbo na palabas para tulungan si Hunter sa pagcontrol sa mga tao.
Napatingin ako kay Crimson at inabot ang kamay niya ngunit iniiwas niya yun.
"Wag mo kong hahawakan." He hissed.
Parang biglang tumigil ang oras dahil sa narinig ko.
"P-Pahawak lang..." Nanginginig na pati boses ko..
"Why? Kumapit ka na lang sa table o chair bakit kailangang sakin pa?"
"K-Kasi mababawasan yung kaba ko kapag nakahawak ako sayo..." Naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko. Nanginginig ang mga labi ko kaya maya't maya ko yung kinakagat.
"You don't need me Jana. Andyan naman si Throne. He can save you more than I can." He said na hindi man lang ako tinignan.
"A-Ano bang sinasabi mo??"
"Hindi mo ba makuha Jana? Sawa na ko. Sawang-sawa na ko sa sitwasyon natin. Nakakalalaki kana. Pano ako magiging Knight mo kung mas malakas ka sakin? Pano mo sasabihing tagapagligtas mo ko kung ako naman lagi ang inililigtas mo?"
"Crimson..."
"You need someone who can truly take good care of you. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko dahil alam kong di ko naman kaya."
I grabbed his hand at hinawakan yun ng mahigpit.
"W-Wag kang magsalita ng ganyan, kailangan kita." I sobbed. Kumunot ang noo niya at pinilit iniiiwas yung kamay niya.
"Throne can do better. Pagod na ko sayo Jana." He said and left me dumbfounded..
Napatingin ako sa mga kasama ko pero wala sila. Kailangan ko ng makakapitan. Pero bakit ganun??
Bakit kailangan pa niya kong iwan sa ganitong sitwasyon??
Natatakot ako...
Yung nga sigawan... Parehas na parehas yun sa mga sigaw ng Demons sa Underworld. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung pano nila patayin ang mga Fire demons noon ng walang kahirap-hirap.
Wala akong nagawa kundi tumunganga sa takot...
Wala akong nagawa bilang prinsesa...
Hinayaan ko silang mamatay...
Ang mga sigaw na yun... Hanggang ngayon sinusundan pa ko ng bangungot na yun.
ROSE's POV
"Jana!!!" I shouted. Kitang-kita ko kung pano siya mawalan ng malay. Para siyang may nakikitang nakakatakot na bagay at halos mabaliw na siya.
"Jana gumising ka!!!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya ngunit hindi pa rin siya nagigising.
Inayos ko na lang ang pagkakaupo niya para makahinga siya ng maayos.
"Dito ka lang, babalikan kita. Asan na ba si Leif?" I asked myself.
Natulala ako kanina habang nanonood tapos pagtingin ko kay Leif wala na siya sa tabi ko.
Mabilis namang napakalma nina Lhorraine ang mga tao. Lahat sila tulog na at kasalukuyang inaalter ang mga memories nila.
Si Daemon at Kristine hindi ko alam kung asan...
Kailangan ko pang hanapin si Leif, baka napano na siya...
"Hinahanap mo ba si Leif?" Napatingin ako sa nagtanong at agad na kumulo ang dugo ko.
Hinablot ko ang wrist niya at hinigpitan ang hawak ko dito.
"Babaliin ko ang buto mo kapag hindi mo sinagot ang tanong ko." I hissed.
Napangiwi siya sakit and struggled. "A-Aray!!!"
"Saan niyo kinuha yung video?!"
"K-Kay Daisy!! Naglagay kami ng spy camera sa kanya at nakakuha siya ng copy ng cctv footage sa Isla Concordia! Aray! Masakit na!!!" Jane hissed.
Dahil sa gulat agad kong nabitawan si Jane at agad naman siyang nilapitan ni Jheraine.
"Alam na namin kung ano kayo!! Kukuyugin kayo ng mga tao." Jheraine hissed.
Mas lalong uminit ang ulo ko. I clenched my jaw and look coldly at them.
Lumindol ng malakas sa Hall.. Agad na nagyakapan si Jheraine at Jane sa takot. Lumabas mula sa ilalim ng hall ang mga naglalakihang ugat ng puno at sinira nito ang sahig.
Pinulupot ko ang mga mumunting ugat kina Jheraine at Jane.
"Alam niyo kung ano kami? Alam niyo naman siguro kung anong kaya naming gawin." I hissed. Hindi na sila makapagsalita dahil mas hinihigpitan ko at pagkakapulupot ng ugat sa mga leeg nila.
Sa wrists, sa bewang, sa hita at legs. Iniwan ko na sila at muling hinanap si Leif.
Tulog na ang mga tao. Unti-unti na silang nauubos gamit ang teleportation ni Lhorraine at Throne.
Lumabas ako ng Hall at agad kong nakita si Leif sa may gazebo at nakaside sakin. Agad akong tumakbo papunta sa kanya pero natigilan ako ng makitang kasama niya si Bea.
Agad akong nagtago sa likod ng bush ng roses at sumilip.
"Akala ko ba nagbago ka na?!" Sigaw ni Leif dito.
"Nangako ka Leif! Nangako ka na kapag nagbago ako, iiwan mo na si Rose! Matagal na kong nagbago pero in the end sumama ka pa rin kay Rose!!!" Bea's crying.
Natigilan ako sa narinig ko... So, may plano pala si Leif na iwan ako.
"Bea..." Buntong hininga ni Wave. Bakas na bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. may kung anong bagay ang tumarak sa puso ko at sobrang sakit nun.
"Leif, simula pa ng pagkabata, magkasama na tayo. Bakit ang dali lang para sayong itapon yun?" Humahagulgol na sabi ni Bea.
Oo nga naman. Ilang taon na silang magkasama ni Bea, kami ni Leif ilang buwan pa lang magkakilala.
Dun pa lang talong-talo na ko.
"Mahal ko si Rose." Leif said. I bit my lower lip at hindi ko na rin napigilan ang sarili kong luha.
"Pero sabi mo mahal mo rin ako." Nanghihina ang boses ni Bea dahil na rin siguro sa pagod kakaiyak. "Leif, sabi mo babalikan mo ko. Sabi mo di mo ko iiwan."
"Bea, please wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Si Rose ang mahal ko. Siya lang ang mahal ko." Leif insisted at naglakad na paalis ng gazebo.
Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero natutuwa ako. Nakapaskil ang ngiti sa mga labi ko habang nagpupunas ng luha..
Tatayo na sana ako ng bigla ulit humirit si Bea.
"Leif, buntis ako."
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig.
"W-what?!" Nanlalaki ang mga mata ni Leif sa narinig.
"Buntis ako at ikaw ang ama Leif, gusto mo pa bang ipaalala ko sayo yung gabing may nangyari satin?" Irritableng sabi ni Bea.
"P-Pero..."
"Pero ano Leif?! Ayos lang naman saking iwan mo na ko pero kahit para sa bata lang naman sana...." And again Bea started to cry...
"Sh*t!!" Leif hissed and messed his hair napaluhod siya sa sahig at pinagsusuntok yun.
"Leif..."
"I guess I don't have a choice, pananagutan ko ang bata Bea." Leif let out a desperate sigh.
Sobrang lawak ng ngiti ni Bea ngayon pero ako ewan ko kung kaya ko pa bang ngumiti...
Parang may kung ano sa loob ko ang tuluyan ng namatay...
"Salamat Leif." Niyakap ni Bea si Leif.
"Wag kang umiyak, makakasama sa bata." Leif sighed. Hindi na ko nakapagpigil pa at agad na kong sumugod sa kanila.
Agad ko silang pinaghiwalay. Pareho silang napaatras sa gulat at binigyan ko silang pareho ng malakas na sampal.
"I hate you."
Yun na lang ang nakaya kong sabihin kay Leif dahil tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil tumakbo na ko palayo.
Nakita ko si Kristine na kasama ni Wave, papasok na sila ng hall. Tumakbo ako kay Kristine at yumakap sa kanya...
Wala na kong ibang nasabi o nagawa kundi ang umiyak na lang ng umiyak.
KRISTINE's POV
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Rose habang umiiyak kanina. Pero ngayon tahimik na siya at tulala.
Kanina pa namin siya kinakausap ni Wave pero ayaw niyang sumagot. Gising na rin si Jana at tulala rin.
Naibaba na rin nina Hunter sina Jheraine at Jane kanina at naibalik na sa dati ang ayos ng hall.
"Ano bang nangyayari sa inyo?" I asked pero ni isa walang sumagot.
"Anong nangyari?" Biglang sulpot ni Daemon at halatang takang-taka sa nakikita.
"Ewan ko, kanina pa sila tulala." I sighed.
"Baka may nangyaring masama kanina." Wave said. Napabuntong hininga na lang ako.
"Siguro ganun nga, gano ba kasama yung nangyari sa kanila at nagkaganyan sila?" I asked. Nagkibit balikat na lang sila.
"Rose!!!" Napatingin kami kay Leif na halos madapa na ng kakatakbo papunta sa direksyon namin.
Nakasunod sa kanya yung isa sa mga miyembro ng Higad Girls. Si Bea Bitch.
Hindi na siya nakalapit kay Rose ng bigla siyang hinarang ni Daemon at tinignan siya ng matalim.
"Anong ginawa mo kay Rose?" Daemon asked. Nakahabol na rin si Bea at humawak sa braso ni Leif.
Agad kaming nagkatinginan ni Wave.
"Anong ibig sabihin nito Leif?" I asked at lumapit na sa kanila.
Agad na nag-iwas ng tingin si Leif. Nakatingin sa kanya si Bea na para bang naghihintay sa sasabihin ni Leif.
Napasinghap na lang kami ng biglang bumulagta sa sahig si Leif ng bigla siyang suntukin ni Daemon. Lumapit na rin samin sina Lhorraine at yung iba pa.
Ibinangon ni Ash si Leif habang nagpupunas ng bibig.
"Daemon!!" I shouted at pinigilan ito dahil akmang lalapit pa kay Leif.
"Una si Lhorraine! Tapos si Rose naman?! Hindi na ko magtataka kung pati si Jana!!" Sigaw ni Daemon.
"A-anong pinagsasasabi mo Daemon." I asked.
"Rinig na rinig ko. Kitang-kita namin ni Lhorraine kung pano siya pinagtataksilan ni Ash!" Duro ni Daemon kay Ash na nanlalaki ang mga mata.
Tumulong na rin si Hunter at Throne sa pagpigil kay Daemon.
"Y-You saw?" Agad na tanong ni Ash kay Lhorraine. Pero hindi siya sinagot nito. Ni tignan nga siya hindi niya ginawa.
"Wala kang karapatang kausapin siya g*go! Dun ka na sa mapapangasawa mo!" Singhal pa ni Daemon.
"Lhorraine, magpapaliwanag ako!!" Ash shouted pero hindi ulit siya pinansin ni Lhorraine na nagtutuloy-tuloy lang papunta kina Rose.
"T-Teka lang magpapaliwanag ako." Desperadong sabi ni Ash pero humarang na rin sina Hunter at Throne.
Napaluhod na lang si Ash sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang umiyak at nagmakaawa.
"Please let me talk to her. Bugbugin niyo na ko mamaya, just let me talk to her." He pleaded pero nagmistulang bingi yung tatlo.
Lumapit na si Crimson at Wave sa kanya at hinila siya patayo.
"Umalis na tayo Leif." Crimson hissed. Napalingon ako kay Jana at nakitang nakatanaw siya kay Crimson.
Aalis na sana sila pero hinila ko ang braso ni Wave.
"Saan ka pupunta? Babalik tayo sa isla." I said to him. Napatingin siya sa mga kaibigan niya na kasama na ni Bea tapos sakin.
"P-Pero--"
"Ito na ang huling ipapagawa ko sayo Wave, pagsumama ka sakin babalik na tayo sa dati."
Desperado na kong desperado pero wala na kong ibang pagpipilian pa. Selfish na kung selfish.
"Wave, bahala ka. Aalis na kami." Crimson said at naglakad na sila paalis.
Napatingin sakin si Wave kaya napalunok ako. Mas lalong lumakas ang kabang kanina ko pa nararamdaman.
Hinawakan ni Wave yung braso at tinanggal yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"Sorry pero mas kailangan ako ng mga kaibigan ko." He said at nagtatakbo na paalis at hindi na siya lumingon.
Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko kung hindi lang sana hinawakan ni Daemon ang balikat ko.
"Mukhang malas tayong lima sa araw na toh." He gave a sad smile. Napayakap na lang ako sa kanya at tuluyan ng umiyak.
DAEMON's POV
"Kayo na ang bahala sa kanila." Sabi ko kina Hunter at Throne habang hawak ko yung pinto ng limousine.
"Sige. Umuwi ka agad. Lagot kami kay Yancey kapag hindi ka niya naabutan pag-uwi niya.." Hunter said.
"I know. May tatapusin lang ako." I said bago ko isara yung pinto. Hinintay ko pa silang makalayo bago ako bumalik sa hall.
Naabutan ko si Daisy na ginagamot si Jheraine at Jane. Si Junea at Bea sumama na kina Leif.
Naglakad ako papunta sa kanila at sinipa yung first aid kit na sa tabi ni Daisy.
Napakislot silang tatlo at agad nagtago yung dalawa sa likod ni Daisy.
"D-Daemon..." Daisy stummered. Agad kong hinila yung wrist niya kaya napilitan siyang tumayo.
Sobrang nanginginig na siya ngayon....
But d*mn!!! Hindi ko talaga siya kayang saktan. Tinulak ko na lang siya kaya napalakas ang pagupo niya sa sahig.
"Sorry." Daisy said. Tumalikod na ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
"I didn't know hanggang 2 hours lang pala tayo." I said.
"2 hours? Y-You're breaking up with me?" I heard her voice broke. Pero hindi ko siya nilingon. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Kung mga lalaki lang sana kayo, kanina ko pa kayo pinatay, pasalamat kayo at marunong akong rumespeto ng babae." I hissed.
"P-Pero Daemon magpapaliwanag ako." Garalgal ang boses ni Daisy. I bit my lip. Sh*t lang hindi dapat ako naaapektuhan eh.
"I don't need your reasons Daisy, sapat ng trinaydor mo kami. At ang magpaloko sayo ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko. Let's pretend we never knew it each other. We won't alter your memories, kargahin niyo sa konsensya niyo ang mga nangyari ngayon." I firmly said at lumabas na ng hall.
I let out a deep sigh.
I think I can handle this one.
Kabaklaan mang amining nasaktan ako.
Then so be it.
Masakit pala. It's my first time to fall inlove.
Tapos naloko pa.
T*ng*na...
----------------
Tbc.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top