Mission #71 Saviour Pt 2

Two separate chapters po sana ito pero pinagsama ko na, expect some or few long updates dahil masyado na tayong maraming chapters :)

ROSE' POV

Hindi ko akalaing sa Laguna pa nila dinala si Leif para lang pasagasaan sa tren.

Nilibot ko ang buong isla, ang buong Palawan para maghanap ng riles ng tren pero wala.. Kung hindi ko lang siguro pinahirapan yung isang Underling, hindi niya sasabihing kung saan nila mismo dinala si Leif.

Hingal na hingal akong nakarating sa kinaroroonan ni Leif. Wala itong malay at nakakadena ang mga paa't kamay sa riles.

Napansin ko ring may tren ng papalapit. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya ng biglang may mga humarang sakin. Sa tingin ko 20-30 ang bilang nila.

"Paraanin niyo ko!!" I hissed pero hindi sila natinag. Tumawa pa sila at maangas na lumapit sakin na may hawak-hawak na mga bakal na tubo at kung anu-ano pang matitigas na bagay na pwedeng pambugbog.

Naramdaman kong may pumalo sa sa likod ko hanggang sa sunod-sunod na sila. Sa likod, sa ulo, sa braso, tiyan, hita, tuhod.

Lahat ng parte ng katawan ko may tama.

Hanggang sa marinig ko ang pagkabali at pagkadurog ng mga buto ko.

Hanggang sa bumigay ang katawan ko at mapasubsob sa lupa.

Biglang uminit ang ulo ko ng mapansing papalapit na yung tren. Napaubo ako ng dugo sa lupa.

"Tama na ang laro, galit na ko." Walang emosyong sabi ko at unti-unting tumayo habang bumabalik sa dati ang mga buto ko.

I cracked my neck, my fingers, my back and everything.

Napaatras sila at sinubukan ulit akong paluin ngunit nababali o nasisira yung mga pinamamalo nila.

Tinanggap ko lahat ng iyon ngunit wala na akong maramdamang sakit. Napipikon na ko wala man lang epekto sakin yung ginagawa nila pero ang lakas ng loob nilang manghamon.

Nanlaki ang mga mata ko ng papalapit na talaga yung tren agad akong nagpalit anyo bilang lobo at pinagkakagat at ginutay-gutay ang katawan ng mga taong humarang sakin.

"Ahhhh!!!"

"Wag po!! Maawa ka!!!"

Wala na kong pakealam kahit sumigaw pa sila, umiyak at magmakaawa para sa buhay nila. Kinain na ko ng galit ko at hindi ako mabait sa sitwasyong ganito.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nakarinig ng pagkadurog ng mga buto. Ng pag-iyak, pagsigaw at pagmamakaawa pero nagmistulan akong bingi at isa-isa silang pinatay.

Inaamin ko naging mabangis ako't walang awa.

Pero saktan niyo na lahat, wag lang si Leif dahil sumasagad sa sukdulan ang galit ko.

Bago pa masagasaan si Leif, agad akong nakatakbo papunta sa harap ng tren at nakapagpalit sa normal form ko.

Ako yung nabangga ng tren at nahati ito sa gitna hanggang sa dulo. Rinig na rinig ko ang pagkalas ng mga bakal, pagkayupi nito, pagsabog at kung anu-ano pa.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi napano si Leif ngunit randam ko na ang pagkirot ng likod ko.

Ikaw ba naman ang magpatigil sa isang tren na tumatakbo sa bilis na 300 km/hr.

Napaluhod ako sa may riles at kinalagan si Leif. Wala pa rin itong malay at namumutla na dahil nawalan siya ng maraming dugo.

Sinubukan ko siyang buhatin pero nanghina ako ang nagawa ko na lang ay ang idial ang no. ni Lhorraine bago ako tuluyang mawalan ng malay sa tabi ni Leif.

THIRD PERSON's POV

Kasalukuyang pinapagaling ni Lhorraine si Ash ng biglang niyanig ang buong gymnasium dahil sa malakas na pagsabog.

"ASAN SINA ROSE??!!!" Rinig-rinig nila ang malakas na sigaw na yun na makapabasag salamin talaga kasabay ng pagliparan ng mga underlings na humarang sa dadaanan niya.

"JANA! Andito kami!" Kaway ni Kristine sa kanya mula sa 2nd floor dahil sa baba pumasok si Jana.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?! KAPAG AALIS KAYO DAPAT MAY INIIWAN KAYONG PAGKAIN!!"

Nagkatinginan sina Kristine sa narinig.

"Y-Yun lang ba ang pinunta mo dito?" Lhorraine asked ng biglang tumalon mula sa baba papunta sa kanila si Jana.

"Ano pa ba?! Nagugutom na ko peste! Bakit ba kasi kayo nandito?! At anong nangyari sa mga yan?" Tukoy niya kinaAsh na walang malay.

"May sumugod sa isla at kinidnap sila." Kristine said.

"WHAT?! Sinong may gawa nito?!" Sigaw ulit nito. Galit na galit na siya dahil gutom na gutom na siya.

"S-Sila." turo ni Daisy sa apat na nakatali sa upuan at nakaharap sa malaking monitor kung saan nagpleplay yung mga nangyayari.

Susugod na sana si Jana ng pigilan siya ni Daemon.

"Mas mahalaga ang buhay ni Crimson." He said. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jana sa narinig.

"B-Bakit? Asan siya? Anong ginawa nila sa kanya?" She asked.

"Sa tingin ko sinusunog na siya ng buhay ngayon." Sabi ni Daemon at sa isang iglap lang wala na si Jana.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero isa lang ang alam niya ngayon. May mamatay na namang malapit sa kanya dahil sa apoy.

Napunta siya sa may dagat. Dahil may nakita siyang usok. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang parang may isang maliit na stage sa may dagat na gawa sa kawayan at sa taas nito may lalaking nakatali sa pinagkurus na kawayan.

Nakatayo siya sa pile ng dayami at sa paligid niya may mga gallon ng gasolina.

Siyempre alam ni Jana ang amoy ng gasolina dahil madalas siyang umiinom ng gasolina at gas kapag wala siyang nahahanap na dugo.

Dahil naiinis na siya agad na siyang sumugod. Hinila niya sa mukha yung lalaking may hawak na baril at sinubsob sa may buhangin. She grabbed his gun at pinakain siya ng bala.

Bumalik na ang mga alaala niya, mainit ang ulo niya, badtrip siya at gutom na gutom na, tapos etoh pa ang aabutan niya.

"Dapat sinigurado niyo ng nakapagpaalam na kayo sa mga pamilya niyo dahil kahit hibla na lang ng buhok niyo, sisiguraduhin kong wala ng makakabalik." She hissed kasabay ng pag-apoy ng mga mata niya.

Pinaulanan siya ng bala ng mga underlings pero hindi niya yun ininda. Para siyang halimaw na uhaw na uhaw sa dugo't laman at wala na siyang pakealam kung magkandalasog-lasog man ang katawan nila.

"Ahhhh! Sh*t!!" Nanindig ang mga balahibo ni Jana ng marinig ang sunod-sunod na sigaw ni Crimson.

Nakita niyang nagliliyab na ang kinatatayuan nito at unti-unti ng nilalamon ng apoy si Crimson. Agad siyang tumalon papunta kay Crimson ngunit agad ding bumigay ang kinatutuntungan nila at lumubog sa tubig.

"S-Sh*t!!" Jana gasped. Hindi niya magawang painitin ang tubig dahil nasa tabi lang niya si Crimson.

Sobrang hapdi na ng balata niya na feeling niyang natutunaw na.

"Umalis ka na!!! Tumakbo ka na! H-Hanapin mo sina Lhorraine." Napangiwi si Jana sa hapdi at sakit. Hindi na niya maisip kung anong dapat gawin.

"P-Pano ka? Hindi ka pwede sa tubig." He said at sinubukang lumapit kay Jana pero sinigawan lang niya ito.

"Parehas tayong mamamatay kapag nagpumilit ka pa!! Umalis ka na!! Dalian mo!!"

Dahil sa gulat at takot, mabilis na lumangoy palayo si Crimson. Unti-unting lumubog sa tubig si Jana.

At parang isang underwater volcano na bumuga ng apoy. Hingal na hingal siyang umahon habang nakatampisaw sa kumukolulong tubig na para ng asido.

Lahat pa ng sumunod sa kanya sa tubig ay parang kandilang mabilis na natunaw.

Nang umayos na ang pakiramdam niya, mabilis siyang umahon sa tubig para ipagpatuloy ang pagkain.

Sa loob ng gymnasium, titig na titig si Rion sa screen sa harapan niya. Hindi matanggal ang tingin niya sa isang stranger na walang awang pinapatay ang mga underlings niya.

Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang tuwa sa kanyang ginagawa at imbes na matakot si Rion, puro panghanga na lang ang nararamdaman niya ngayon.

Punong-puno ng dugo ang maganda niyang mukha, at ang buhok niya'y kumiskislap sa pagtama ng liwanag ng buwan dito.

Ang mga mata niya'y nagliliyab, itim na itim pero nagkukulay dugo kapag kumikislap. Nais sanang hawakan ni Rion yung monitor ng maramdamang nakatali pala ang mga kamay niya sa upuan.

----
Naghalo na ang dugo at tubig dagat sa may dalampasigan, ang kulay puting buhangin ngayo'y pula na. Pinunasan ni Jana ang bibig at napangisi ng makita ang isang barko sa di kalayuan na paalis na ng isla.

"I told you, walang makakatakas." Jana hissed at bumuo ng isang napakalaking fire ball at binato sa may barko.

Agad itong sumabog at may ilang parte pa ng barko ang lumipad patungo sa direksyon ni Jana na agad niyang naiwasan.

Bumalik na siya sa gymnasium at nakitang andun na si Rose at Leif.

"Bakit hindi niyo pa pinapatay yung apat?" Jana heard Crimson asked Rose.

"Hindi namin sila pwedeng patayin, basta ipaubaya niyo na lang sila samin." She said. Napatingin si Jana sa apat na sinasabi ni Crimson.

Tinignan niyang mabuti yung apat at napansin ang dekolor na aurang lumalabas sa bawat isa sa kanila.

Hindi alam ni Jana kung anong mararamdaman niya sa mga sandaling yun.

Pero isa lang ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Sana pumayag si Crimson na maging tiefling ko." She whispered to herself.

--------------------------------------------

2 weeks na ang nakakalipas mula ng mangyari ang karumaldumal na insidente sa Isla Concordia-- ang pagbagsak ng Black Parade.

2 weeks ding nakatanggap ng karumal-dumal na parusa yung lima dahil sa dami ng napatay nila lalo na si Jana at Rose. Hindi nila pinapakita sa mga tiefling kung paano ang pagpaparusang ginagawa sa kanila ni Yancey dahil baka hindi kayanin ng mga utak nila.

Sa basement nila ginagawa ang pagpaparusa.

"Yancey naman, sorry na kasi. Nadala lang ako ng emotions ko!" Rose pouted habang pinaparusahan sila ni Yancey.

Tapos na rin ang parusa nina Daemon, Lhorraine at Kristine dahil wala naman silang pinatay.

"Yancey, inosente ako!." Singit naman ni Jana.

"Sa lahat ng mga sinabi mo, yan ang pinakaimpossible kong paniwalaan." Yancey hissed at pinatungan pa ng dalawang sako ng bigas ang mga palad ni Jana habang nakaluhod sila sa tangkay ng roses na may tinik.

Malapit ng maiyak si Rose pero si Jana pacool-cool kaya pinatungan ulit ni Yancey yung mga palad niya.

"U-uy!! Sumusobra ka na ah?! Hindi naman ako umaangal eh!!" Jana hissed.

"Nagsisisi ka na ba?" Yancey asked.

"Hindi." Tipid namang sagot nito.

"Sige na Rose, tumayo ka na diyan. Tapos na ang parusa mo." Yancey said. Agad namang umalis si Rose bago magbago ang isip ni Yancey.

"Ibigay mo lahat ng yan kay Jana." Utos ni Yancey kay Rose. Iba kasi ang buhat ni Rose, tons ang bigat habang kilos lang kay Jana.

"P-pero Yancey.."

"Aangal ka?" Agad na napailing si Rose and gave Jana a sorry look. Pinatong ni Rose yung 1 ton na bakal sa palad ni Jana muntikan pang sumayad sa sahig yung mga kamay niya sa bigat nito at naramdaman niya ang pagbaon ng mga tinik sa mga tuhod niya.

"Uulitin ko Jana, nagsisisi ka bang pinatay mo sila? Na pumatay ka ng mga taong alam mong walang laban sayo?"-- Yancey.

"Hindi."

"Jana wag ka ng magmatigas." Kristine said.

"Hindi ako nagmamatigas. Nagsasabi lang ako ng totoo." Jana hissed.

Lumuhod si Yancey sa harap ni Jana at binigyan siya ng malakas na sampal kaya nabitawan na nito ang mga binabalanse niya.

Napasinghap sila Kristine sa nasaksihan. Tutulungan na sana siya ni Throne ng bigla itong pigilan ni Hunter.

"Alam mong wala kang karapatang pumatay ng mga tao." Yancey hissed. "Gusto mo bang gamitin ko ulit sayo yung holy gun?!"

"Sige!! Gawin mo!! Tutal diyan ka naman magaling! Everytime na may gawin akong masama feeling mo magiging black demon na ko!! Kung hindi ko sasanayin ang sarili kong pumatay, pano ko magkakaroon ng lakas ng loob na patayin ang sarili kong ama?! Kung hindi ako magagalit pano ko makokontrol ang galit ko?! For once Yancey please, stop comparing me to him, anak lang niya ko, hindi ako siya!!"

Natameme ang lahat sa narinig. Dahan-dahang tumayo si Jana at inslis ang mga tinik sa tuhod.

"Kung may parusa ka pa, ituloy na lang natin bukas, alas seis na ng gabi." Jana said at pumanhik na sa taas.

Naabutan niyang nakatingin sa kanya yung limang na tiefling na malakas na at nasa living room na nakikiramdam sa nangyari.

Nag-iwas na lang ng tingin si Jana at pumasok sa kwarto niya.

THRONE's POV

"Hmmm nagtampo na si Jana" Sabi ni Rose samin after magwalk out ni Jana.

Napabuntong hininga si Yancey at umupo na lang.

"Aminin mo na kasi Yancey, wala ka talagang tiwala kay Jana." Komento ni Kristine.

"Natatakot lang ako sa kung ano mang pwedeng mangyari kapag naging Black Demon siya. Kapag nangyari yun, mawawala na ang Underworld." Yancey sighed. Lumakad siya at sumandal sa pader.

"Oo nga pala. Yung apat na tiefling, anong nangyari sa kanila?" Daemon asked.

"Syempre binuhay namin sila, kakailanganin natin ng reserba." Hunter said.

"Bakit? Papayag naman siguro sina Leif?" Rose asked.

"Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa mga isip nila ngayon. Mas mabuti na yung sigurado." Throne.

"Maghanda na pala kayo dahil kailangan nating bumalik sa Manila para sa Anniversary Ball ng Royal Academy." Yancey said.

"Kailangan pa ba yun? Nasa gitna tayo ng pagsasanay." Lhorraine.

"Taon-taong pinagdiriwang yun, at hindi pwedeng hindi tayo umattend." Yancey.

"Pano si Jana? Alam mong allergic siya sa mga ganyan." Daemon said.

"Eh di magpractice. Bukas aalis na tayo. No more buts, no more ifs." Sabi ni Yancey bago umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top