Mission #70 SAVIOUR Part 1

Nakakalito itong bagong itsura ng wattpad XD

Para sayo @KEdsNExtDAre_24

THIRD PERSON's POV

Hindi na nakareact ang Black Parade sa bilis ng mga pangyayari.

Biglang nawala yung lima sa harapan nila. Nasa taas na ulit sila ng gymnasium.

"Dito ka lang. Magtago ka dito. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyaring masama sayo." Daemon said and kissed Daisy forehead.

"M-Mag-iingat ka." Daisy stummered.

"Kami na ang bahala ni Daemon dito. Hanapin niyo na sina Wave." Lhorraine said.

"Sige, mag-iingat kayo." Kristine said.

Agad na tumalon pababa sina Lhorraine at Daemon, nagcreate pa ito ng hukay sa pinagbagsakan nila at konting earthquake.

"Game na?" Daemon cracked his knuckles.

Sunod-sunod ang pagbaril ng mga snipers sa kanila. Hanggang sa maging maalikabok at mausok na.

Unti-unting nawala yung alikabok. Nanlaki ang mga mata ng Black Parade ng hindi man lang napano sina Lhorraine at Daemon.

Pareho na pala silang may hawak na timba na punong-puno ng basyo ng bala.

"Kahit kanyon pa ang iharap niyo samin. Hindi niyo kami masasaktan." Lhorraine hissed. Agad niyang hinagis ng malakas yung mga basyo ng bala, na tumama ng mas malakas pa sa tama ng bala sa mga underlings.

Lahat na sila tumba ngayon.

Naestatwa sa kinatatayuan ang Black Parade Leaders.

"Ikaw na bahala dito, hahanapin ko lang si Ash." Lhorraine said at mas mabilis pa sa kisap matang nawala.

Hindi alam ng Black Parade ang sasabihin o gagawin. Ang alam lang nila nay naramdaman silang malakas na hampas sa likod, then everything went black.

LHORRAINE's POV

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung room kung asan si Ash, dahil lahat ng room dito may nakakasulasok na amoy.

Para bang tambakan ng mga bangkay at inaagnas na.

"D*mn asan ka na ba Ash?" I bit my lower lip dahil nanginginig ito. Alam kong kahit isang segundo lang na mahuli ako, sobrang mapanganib na yun.

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi makahinga ng makita kung sino yung nakabitin patiwarik sa dulo ng hallway.

I gasped ng makitang wala na itong malay at halata at bakat na bakat ang lalim ng mga hiwa sa balat niya.

Naglakad ako ng dahan-dahan papunta sa kanya.

"Aack!!" I screamed may biglang sumabit sa leeg ko at hinila ako pabalibag sa sahig.

Nagpupumiglas ako ng simulan na niya kong kaladkarin palayo habang sinasakal ako.

"L-Let m-me go!!!" I choked at pilit tinatanggal yung barb wire sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagbaon nito sa lalamunan ko at unti-unting pag-agos ng dugo mula dito.

"Sisiguraduhin kong matatanggalan ka muna ng ulo bago ka makalapit ulit kay Ash." He hissed. Isa siya sa mga underlings pero kakaiba ang lakas niya.

"S-Sino ka ba?!" Napangiwi ako ng mas lalong humigpit ang pagkakaikot ng barb wire sa leeg ko.

"Kailangang mamatay ang mga leader ng BD GANG, at kung kailangang isa-isahin namin kayong kakampi nila, gagawin namin!!" He hissed.

Wala ng pumapasok na hangin sa katawan ko. Nagsimula na kong mahilo at unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa dumilim na...

--------
Nagising ako dahil sa kaluskos na narinig ko. Bigla akong napangiwi ng maramdamang may nakabaon sa wrist at leeg ko. Dahan-dahan kong tinignan ang kamay ko at hindi ako nagkamali, nakasabit ang katawan ko gamit ang barb wire at ang mga tinik nito'y nakabaon na sa katawan ko.

"Buhay ka pa rin?" He asked. Napatingin ako sa pinagmulan ng boses niya. Napansin kong nasa loob na kami ng isang room, maliwanag at nasa harap ko na si Ash na nakatali sa upuan at nakatingin sakin.

Para akong nabunutan ng tinik ng makitang buhay pa siya.

Pumikit ako and summoned my beast form.

"Lhorraine wag.." I heard Ash whispered. I opened my eyes and smiled at him hanggang sa unti-unti na kong magtransform.

Agad na napigtas yung barb wire at mabilis na naghilom ang mga sugat ko.

"A-ANO KA?!" sigaw nito sakin at napaupo sa sahig dahil sa takot.

"Ako? Isa lang naman akong kakampi ng BD Gang." I smirked. I opened my wings and folded it forward para tumusok yun sa katawan niya.

Hindi ko alam kung ganu karami ang dugong tumalsik sakin. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko.

"Sisiguraduhin kong maghihirap ka ng matagal bago kita tuluyang patayin." I hissed. Narinig ko ulit ang pagpigil ni Ash sakin pero hindi ako magpapatinag.

Gamit ang pakpak ko iniangat ko sa ere yung underling, ni-levitate ko yung barb wire. I threw him to the wall kaya bumaon siya dun kasama nung barb wire.

Merong barb wire sa leeg, sa wrists, sa dibdib, sa thighs at ankles. Bawat pagpupumiglas niya dinidiinan ko yung barb wire.

Hindi na rin siya makapagsalita dahil nasira na yung vocal chords niya. Umaagos yung dugo niya hanggang sa paanan ko.

"Lhorraine... huwag..." Hirap na hirap na sabi ni Ash.

Napabuntong hininga na lang ako. Kapag pinagpatuloy ko pa ito, sigurado akong magkakalasog-lasog ang katawan niya.

"Maswerte ka, marunong akong maawa." I hissed at kinalas yung barb wire at hinayaan siyang bumagsak sa sahig.

Agad akong lumapit kay Ash para gamutin ang sugat niya.

"Gagamutin na kita. Pero sa tingin ko, isang linggo kang makakatulog nito. Masaya ako at buhay ka." I smiled at hinaplos ang pisngi niyang puno ng dugo.

"Ok na ko, nakita na kita eh." Bola nito at agad ininda ang sakit ng katawan.

Hahawakan ko na sana yung mga sugat niya ng pigilan niya yung kamay ko.

"Kiss na lang, mas effective." Nguso nito. Naitulak ko yung mukha niya ng mahina kaya napahiyaw ito sa sakit.

Natawa na lang ako. "Sleep Tight Bolero." I whispered at unti-unti na siyang nakatulog.

KRISTINE's POV

Agad kong nakita yung water glass tank at nandun nga si Wave. Walang malay at nakakadena ang mga kamay at paa sa bottom ng tank.

Kung tutuusin bakit ko pa ba ililigtas itong lalaking ito? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang saktan, husgahan at laitin ako.

Kapag nawala siya matatahimik na ko..

"Tssss wag ka ngang tanga Kristine, don't fool yourself, nandito ka kasi mahal mo siya." I whispered to myself and sighed.

Napansin kong nasa bandang dibdib na niya yung tubig dahil nakaupo siya. Sinuntok ko ulit yung glass pero ayaw talaga.

"Hoy Wave! Gumising ka diyan!!" I shouted at sinuntok-suntok yung tank.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may nagsspark sa tuktok ng tank.

"Don't tell me..." Nanlaki ang mga mata ko ng bigla ulit itong magspark!! Sh*t kukuryentehin siya sa tubig!!

"WAVE!! ANO BA?! GUMISING KA DIYAN!!" I screamed at susuntukin na sana yung glass ng biglang may matigas na bagay ang tumama sa gilid ng ulo ko kaya lumagapak ako sa sahig.

Napaubo ako ng may ihampas siya sa tiyan ko at tinutukan ako ng baril.

"Cursed Royals my ass. Pare-pareho lang naman tayong mga tao." She hissed. Nagulat nga ko kasi babae lang siya pero ang lakas niyang humampas.

Nararamdaman ko nga ang pag-agos ng dugo sa ulo ko.

"Kailangang silang mamatay!" She hissed.

"Eh di patayin mo! Pero hangga't nabubuhay ako hindi mo magagawa yun." I smirked bago ko siya sipain sa legs kaya natumba siya sa sahig. Mabilis kong naagaw ang mga hawak at nagkapalit na kami ng pwesto.

"A-Aray!!" She squealed at diniinan ang pagkakaapak ko sa dibdib niya hanggang marinig ko ang pagkabali ng ribs niya.

"Kung gusto mo pang mabuhay, itigil mo yung pagpuno ng tubig sa tank." I hissed.

Bigla siyang tumawa pero bakas sa mukha niya ang hirap.

"Hindi na yun titigil. Automatic yang titigil kapag napuno na yung tank." She chuckled.

"Hmm? Wala na kong magagawa kung ganun. Kailangan ko ng tubig." I said.

"Nababaliw ka na."

"Siguro nga." I smirked. Inilapit ko yung kamay ko sa kanya at unti-unting kinuha yung dugo mula sa mga sugat niya.

"A-anong ginagawa mo?!" Hirap na hirap na sabi niya. Inipon ko yung dugo niya hanggang sa magsolidify ito.

"Dalawang bag din toh." I chuckled. Nagpupumiglas siya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Napalingon ako ng mapansing nagpupumiglas na si Wave sa loob ng tank. Malapit na ring umabot sa tuktok yung tubig.

Agad akong lumayo at nilaro yung dugong ginawa kong bola.

Pumostura akong parang pitcher. Itinaas ko yung isang paa ko at malakas na hinagis yung bola na agad na bumasag sa salamin.

Isang patak na lang sana makukuryente na yun. Wala na siyang malay ng kalasin ko yung kadena sa mga paa't kamay niya.

"Kapagod. Ibalik ko muna itong dugo mo miss." Minelt ko yung bola at binalik yung dugo sa mga nilabasan nitong sugat.

Bubuhatin ko pa si Wave... tsk. Pinasan ko na siya sa likod ko ng marinig ko siya magsalita.

"Wala man lang bang CPR?" He asked.

Binagsak ko na sa sahig.

"Mukhang kaya mo naman, sumunod ka na lang sa labas.."

-----------
To Be Continued...
Next UD will be after my Internship. In short sa June na po :) Winarningan ko na kayo noon ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top