Mission #7 Rubious Flames
Dahil naka1000+ reads na ito, sinipag ulit akong magUD :)) kamsahamnida!!
------------------------
JANA RUBY's POV
Grabe na this laging ako na lang nakikita. Laging ako na lang napapagalitan. Nakakasawa na ring maging center of attention!! Ang gusto ko lang naman ay matulog sa umaga at maghunt ng pagkain sa gabi!! Is that too much to ask?
Oh well, may mission nga pala kami. Actually, hindi ko alam kung bakit ako kasama sa mission na ito. Ang naalala ko lang iyun ang utos sakin ng pinakamamahal kong Inang Reyna.
Sana matapos na ito agad para makauwi na ko sa kaharian namin, kung saan naghihintay si ama at ina.
"Jana." Rinig kong tawag sakin ni Yancey habang nasa bubong ako. Sarap mag sun bathing eh.
"Magsisimula na yung dance lessons niyo. Dumating na yung mga dance instructors niyo mula pa sa underworld." Sabi nito. Alam niyo yung mga ball sa mga kaharian? Yung waltz atah yung sayaw etc.
Well, hindi ako interesado sa mga ganyan. Mas gugustuhin ko na lang matulog.
"Okay bababa na ko, wait lang." Sabi ko na lang.
"Wala akong tiwala sa mga sinasabi mo Jana, tara na bumaba ka na. Tatakas ka na naman eh." Irap niya sakin. Napabuntong hininga na lang ako at tumalon pababa mula sa bubong sumunod naman si Yancey.
"Dalian mo, kanina pa sila naghihintay." Sabi nito at nauna ng pumasok sa bahay.
Sumunod na lang ako papuntang hall. May lumapit saking babaeng hindi ko kilala.
"Kamusta ka na prinsesa Jana? Pang-ilang lesson na natin toh ah?" Medyo may pagkasarcastic na sabi niya.
"FC ka. Bakit kilala ba kita?" Tanong ko na ikinalaglag ng panga niya. Lumapit naman si Yancey dun sa babae at may binulong, nakakabagot, nagkwento na atah eh, ang tagal. Natapos ang usapan nila sa pagtango nung babae at ngumiti sakin. Napairap na lang ako.
Nakita ko naman si Kristine na seryoso na sa pagsasayaw kaya agad akong lumapit at tinisod siya.
"Kyaaahhh!!!" She screamed kasabay ng pagbagsak nilang dalawa ng partner niya.
"Wahaahhahahahaa!!!" I laughed. Grabe ang epic nun!! Agad akong binato ni Kristine ng water balls pero napapaevaporate ko yun gamit ang fire balls ko. Dumila ako sa kanya sabay tawa.
"Aww!!' I squealed ng maramdaman ang isang malakas na batok.
"Magseryoso ka nga Jana! Ang childish mo!" Sigaw sakin ni Yancey, ngumuso na lang ako at hinarap yung FC na dance instructor.
"Princess, ganit-- aww. Hindi po dapat-- aray!! Wait!! Aray!! Stop na!!" Sabi niya sakin.
"Huh? Hindi pa nga tayo nangangalahati." Sabi ko. Kahit ang totoo'y tuwang-tuwa ako dahil sa wakas meryenda time na!!
"Sige ako na lang magtuturo kay Jana!" Biglang singit ni Yancey.
"Ikaw? Ayoko nga! Baka nga mas matigas ka pa sakin eh." Sabi ko. Namumula na siya sa inis at umuusok na yung ilong niya sa galit.
"Dali!! Ganito yun!!" Bigla niya kong hinila at pinosisyon.
"A-aray!!" Impit ko sa bawat hila at paikot niya sakin. "Aray naman!"
Narinig ko ang mahinang tawanan ni Lhorraine at Rose pero si Kristine halos malagutan na ng hininga sa kakatawa.
"Oh ano? Siguro naman may natutunan ka na?" Hingal na hingal ako after ng "dance lessons" ni Yancey.
"An0 namang matututunan ko dun? Pagsasaway sa gitna ng gyera? Gosh! Mukhang papatay ka na eh." Irap ko at umupo sa floor.
"Sige repeat from the top." Sabi niya. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. She snapped her finger at naglakad papuntang gitna ng dancefloor kasabay ng pagstart ng music.
Pagkatalikod niya sakin agad akong kumaripas ng takbo palabas kaso sa kamalas-malasan nakita pa ko ni Kristine.
"Tatakas na naman si Jana!!" Sigaw niya pero nakaakyat na ko sa bakod bago pa man ako makita ni Yancey. Sumaludo agad ako sa kanya para asarin siya at dirediretso na sa pagtakas.
Alam kong maabutan pa ko ni Lhorraine at Rose kaya kahit nakashorts at sando lang ako, tumakas na rin ako.
Amboring ng dance lessons! Tapos papagalitan ka pa ng instructor kapag naapakan mo yung paa nila. Sarap lang ihawin eh..
*peeeeeeepppppppppp!!!!*
*boogggssshhhh!!!*
Dahil hindi ko na napansin yung sasakyang paparating nabangga ako at napagulong all over the car.
"Ouch!" I squealed after kong bumagsak from it's trunk. Grabe ang sakit sa pwet!
"Miss are you okay?" Tanong ng lalaking bumaba mula sa kotse. Agad akong tumayo at pinampag yung sarili ko.
"Shet maabutan pa nila ako." Bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa lalaking nakabangga sakin at nagulat ako ng makilala siya.
"Feeling King!!" Turo ko sa kanya. Nangunot ang noo niya, hindi na maipinta ang itsura niya ngayon, mukhang nagtataka, na gulat, na naeewan. Basta!!
"D-do I know you? Well, anyway, are you hurt? Dalhin na kita sa hospital." He said at hinawakan ako sa siko pero agad ko ring piniksi yung siko ko.
"No! Wag na, maabutan na nila ako." I said nakita kong paparating na sila kaya tinalikuran ko na si Feeling King at tumakbo na paalis.
Narinig ko pa ang pagyupi ng mga bakal. Siguro tinalunan nung dalawa yung magarang sasakyan ni Crimson vince, kawawa naman yun.
"Gotcha!" Biglang sulpot ni Lhorraine sa harap ko. Sabi naman sa inyo. Siya yung pinakamabalis, sa sobrang bilis niya para na siyang nagteteleport.
"Tsss!! Ayoko! Kayo na lang!" Irap ko sa kanila.
"Ano ka ba Jana? Part pa rin toh ng buhay natin bilang mga prinsesa." Biglang sulpot din ni Rose.
"A-yo-ko!" I said at humalukipkip sa gitna nila.
"You don't have--"
"Help!!!!!!"
"Sunog!!!"
"Sunog!!!"
May narinig kaming mga sigaw mula sa mga kalapit na bahay. At may maitim din na usok sa direksyon nito.
"Tara na umuwi na tayo." Hinawakan ni Lhorraine yung braso ko.
"Pero may nangangailangan ng tulong natin!!" Sabi ko habang pilit na tinatanggal yung kamay niya sa braso ko.
"Trabaho na ng mga pulis at bumbero yun." Sagot ni Lhorraine. Napatingin ako kay Rose, umiling lang siya na para bang sinasabing wag na lang akong mangealam.
"No! Hindi! Hindi ginagamit ang apoy para manira o pumatay!" I said at piniksi yung kamay ko mula kay Lhorraine.
"Stop it Jana kundi mapipilitan kaming saktan ka." Sabi ni Rose.
"No!! Yung mga anak ko!! Please iligtas niyo yung mga anak ko!!"
Rinig ko pang hagulgol ng babae. Kahit ilang metro ang layo ng lugar rinig na rinig ko pa rin ang bawat iyak at tunog ng pagtupok ng apoy sa bawat bahay at gamit doon.
"Hindi, hindi to maari." Halos mawala na ko sa katinuan sa mga naririnig ko.
Fire gives off heat not tears.
"Anong nangyayari?" Halos hindi ko na marinig ang boses ng hingal na hingal na si Kristine as usual, bagal talagang tumakbo.
"Si Jana." Sagot naman ni Rose. Pero nagiging mahina na ang boses nila. Wala na kong ibang marinig kundi ang tunog ng apoy sa mga nasusunog na bahay.
Naging kulay pula na lahat ng mga nakikita ko. At sa isang iglap nasa loob na ko ng isang natutupok na bahay.
Agad na kumapit sakin lahat ng apoy, parang malambot na telang humaplos sa balat ko.
May nakita akong dalawang batang magkayakap at wala ng malay.
Kusang naggive way yung apoy sa daraanan ko papunta sa mga bata. Nagsquat ako sa harapan nila at agad kong napansin ang paso at sunog sa balat nila. Hahaplusin ko na sana ang mukha nila ng makita kong naging apoy na ang buong katawan ko.
Hindi lang basta-bastang apoy kundi pulang apoy. Parang matingkad na dugo ang kulay nito. Napatingin ako sa basag na salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Ang buong katauhan ko ay naging apoy.
Ang mata ko'y kulay pula at nag-aalab. May mga mumunting imahe ang nabubuo sa basag na salamin.
"Jana aking prinsesa, ikaw ang magsisilbing ilaw ng lahat, ikaw ang magsisimbolo ng init ng pagmamahal."
"Ang apat na elemento'y dapat magkaisa para mapanatili ang balanse ng mundo."
"Jana!! Mag-iingat ka! Anak, ipagtanggol mo ang kaharian natin."
Bakit? Bakit umiiyak si Ina? Bakit siya duguan? Bakit andaming patay? Bakit patuloy ang pagputok ng mga bulkan? Bakit andaming nasusunog? Bakit sira na ang kaharian?
Asan si ama? Alam kong hindi niya hahayaang mangyari ito. Hindi niya hahayaang masira ang Fire Kingdom.
"Jana aking prinsesa, halika na't sakupin natin ang underworld!!" Nakakatakot ang tawa ni ama. Hinawakan niya ang aking kamay ngunit naramdaman ko ang paghila ni ina sa laylayan ng damit ko.
"Jana, hindi na siya ang iyong ama. Wag kang sasama sa kanya anak. Hindi ito ang nakatakda para sayo."
Hinila ako palapit ina sa kanya, niyakap ako ng kanyang duguang katawan. Hinawakan ako ng kanyang duguang mga kamay.
"Wag kang iiyak Jana, hindi ginagamit ang apoy para manira o pumatay. Ginagamit yun para magbigay init. Init sa tuwing hindi mo na kaya ang lamig, Ilaw tuwing madilim ang paligid. Hindi kalaban ang apoy Jana. Hindi masama ang apoy..."
Isang malakas na palo ang naramdaman ko sa batok ko bago ako nawalan ng malay.
Third Person's POV
Nakita ng tatlo kung pano mag-ibang anyo si Jana. Anyong matagal na nilang pinipigilang mabuo. Anyong makakapagpabalik ng alaalang matagal na nilang binura.
Ang katotohanang patay na ang kanyang Ina at wasak na ang Fire Kingdom sa kagagawan ng kanyang ama.
Hindi alam ni Jana na siya ang nakatakdang pumatay kay Hades. Na siya ang nakatakdang pumatay sa kanyang ama. Hindi nila makumbinsi si Jana kahit siya ang isa sa mga nakatakda kaya napilitan silang burahin ang mga alaala nito.
"Kami na ni Kristine ang bahala dito Rose, iuwi mo na si Jana." Sabi ni Lhorraine habang pilit nilang pinapatay yung apoy ni Kristine.
"Pano yung mga nakita't nalaman niya?" Tanong ni Rose.
"Hindi ko alam. Ako man din ay natatakot sa mga pwede niyang gawin pagkagising niya." Sabi ni Lhorraine.
"Sige dalian niyo na diyan. I'll try to control if ever magising siya habang wala pa kayo." Rose said at agad na sinukbit sa balikat ang walang malay na si Jana. Mabilis siyang tumakbo para hindi siya mapansin ng mga taong dumadaan.
---------------
Vote and Comment first.
Tapos may question po ako.
Anong tingin niyo sa mga Demons? Not those demons in the story. But those demons you knew and heard of. Ano pong tingin niyo sa kanila and why did you say so. Pakicomment din po yung answer lagay ko sa isang UD :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top