Mission #66 Roommates
April 6, 2015
Happy 19th birthday to me!! :)
WAVE's POV
Lumabas kami sa mga kwarto namin ng bandang 7 am para magbreakfast.
Pumunta kami sa deck para lumanghap ng fresh air. Pero laking gulat na lang namin ng may nakahanda na pa lang mga pagkain doon.
"M-Miss Yancey, kayo po ang naghanda nito? Nakakahiya naman po nakikisakay na nga lang kami." Leif said.
"Don't worry, dinagdag ko sa yan sa school fees niyo." She grinned.
"Sabi ko na nga ba." Ash chuckled bago kami umupo sa mahabang table.
"May crew ako dito, if you need anything you can always press the green button besides your beds." Sabi nito habang nakaupo sa pinakadulo ng table.
"Sige po salamat po."
Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman naiiba yung pagkain nila. What I am expecting before was puro dugo, puro lamang tao, fresh meat. Parang ganun?
Tahimik lang kami hanggang matapos kaming kumain.
Pero ewan ko ba, since lumabas ako ng kwartong yun ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko.
"Miss Yancey, nakalayo na po ba tayo??" Daisy asked.
"Hmm? Yeah. Nandito na tayo sa Palawan." She said.
"Po?! Pero kanina lang nasa Batangas port pa lang tayo." Crimson said.
"Sinamantala namin na madilim ang lugar para walang makakita. May mga kaibigan naman tayong handang tumulong." She grinned.
Naestatwa kami sa kinauupuan namin ng biglang may balyenang tumalon over the yatch.
Parang nagslomo pa ito hanggang nagdive sa tubig sa kabilang side kaya para na kaming natsunami at sobrang basa na kami.
Pero si Miss Yancey nakapayong na at hindi man lang nabasa.
"Sorry, hindi ko kayo nasabihan. Buti na lang tapos na tayong kumain." She rang the bell at may mga lumabas naman para ayusin yung pinagkainan namin.
"Now, that's weird." Daisy chuckled habang pinipiga yung shirt niya.
"Let's go back..."
Nagstay muna kami sa mga kwarto namin for few hours hanggang may marinig kaming tunog ng horn. Halos sabay-sabay pa kaming lumabas at pumunta sa deck.
Naabutan namin si Miss Yancey na may hawak-hawak na binoculars.
"Get ready. We'll be arriving in 3 hours." She said. Bigla niyang binigay yung binoculars niya sakin. Kaya sumilip ako dun.
"Is that the island??" I asked. Agad na inagaw sakin ni Leif yung binoculars at tinignan din yun hanggang sa pinagpapasa-pasahan na nila.
"Ayusin na natin mga gamit natin." Crimson said. Bumalik ulit kami sa mga kwarto namin.
2 hours passed. Natatanaw na namin ang isla kahit walang binoculars...
30 minutes...
10 minutes. Hanggang sa sumadsad na yung barko sa seabed. Dali-dali kaming bumaba..
"Wag kayong lalayo. Delikado dito." Miss Yancey said. Nakahigh heels pa siyang naglakakad sa may buhangin pero di naman nasisira ang poise.
Ilang oras na kaming naglalakad ng makaramdam kami ng kakaibang presence. Parang may kung anong mabilis na bagay ang tumatakbo at pinapaikutan kami.
Kumapit ako sa braso ni Wave.
"Ano ba?! Kinikilabutan ako sayo." He hissed.
"Bakit ba?! Parang hahawak lang eh." Biglang tumili si Daisy kaya napasigaw na rin kami.
Then she laughed.
"Hahahahahaha!!! Dapat nakita niyo mga mukha niyo!! Priceless hahahahaha!!" She kept on laughing.
"Tch t*ngina mo Daisy." I hissed.
"G*go hindi TANG ang nanay ko! She's a human!! Ginawa mo pang juice." Irap niya sakin.
Leshe, sumasakit ulo ko sa konyong toh.
Nakaramdam kami ng kaluskos. Natigilan kami ng papalakas ito at papalapit samin.
"T-Teka si Miss Yancey?" Crimson asked.
"D*mn! Naiwan tayo!!" Leif said.
"A-ano ng gagawin natin?!" Daisy squealed.
"E-Ewan ko!! TAKBO!!!" hindi na namin alam kung saan kami napadpad at kung gano na kalayo ang tinakbo namin.
Sumandal na lang kami sa isang malaking puno while panting.
"Ano na?! Wala pa ba kayong nakikitang bahay?! Or kahit yung dagat na lang!!" I said. "Dapat talaga hindu na tayo pumunta eh!! Mamamatay tayo sa nerbyos dito!!"
"Ulol, diba ikaw pa nga unang sumakay dito?!" Singhal sakin ni Crimson.
Napatili na lang kami ng biglang parang lumindol ng malakas yung puno. Napaatras kami ng mukhang mababali na ito.
"A-Ack!!"
"K-Kristine..." Tawag ko sa babaeng nasa likod ng puno at hinihimas yung likod.
"W-Wave?! Nandito na--" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya ng may isang mabilis na bagay ang tumama sa puno kaya tuluyan na itong bumagsak.
Tumambling si Kristine para umiwas and we saw Rose on the Tree. Siya pala yun.
Then bigla na lang tumilapon sa lupa si Rose dahil sinipa siya ni Jana sa likod.
Jana was smirking.. Biglang sumulpot si Lhorraine sa likod niya and gave her punch na naiwasan nito. Jana was able to grab Lhorraine's arm at tinaas ito pabalibag sa puno.
Sinunggaban ni Rose si Jana kaya napahiga sila sa puno. Sinipa ni Jana si Rose pataas at umikot ito sa ere pabalibag sa lupa.
Agad na tumakbo si Jana and the next thing I knew may nakadampi ng matulis na bagay sa leeg ko.
Natigilan sa pagsugod si Kristine.
"That's unfair." She hissed. Bumangon naman sina Lhorraine at Rose at parang nabigla pa na nandito kami na laglag ang pangang nanonood sa kanila.
This is a battle of Demons.
"Jana, that's against the rule." Biglang sulpot ni Daemon.
"P-pero..."
"Jana enough." Napanguso na lang si Jana at lumayo sakin.
"Nakalayo na kayo. Gagabihin na tayo kapag naglakad lang kayo." Daemon hissed.
"Kanya-kanyang sakay." Rose grinned at sinampa na si Leif sa likod nito.
"R-Rose! Mabigat ako..." Leif said.
"You're not! Mauna na tayo!!" She squealed and in a snap wala na sila at alikabok na lang ang naiwan.
Napatili ang namumulang si Daisy ng buhatin siya ni Daemon.
Nagtitigan na lang kaming anim. Si Lhorraine versus Ash.
Crimson vs Jana
And Ako vs Kristine.
"Kung gusto mong maglakad ayos lang sakin." Pagkibit balikat nito.
"I don't have any other choice. Sasakay na lang ako sayo kesa mamatay sa takot dito." I said.
Nagkibit balikat lang siya at lumuhod ptalikod sakin. This is so gay. Iniyakap ko yung braso ko sa leeg niya at mabilis niya kong nabuhat.
"This is so GAY!!" I hissed. I heard her chuckle.
Si Jana at Lhorraine at pumwesto sa likod nina Crimson at Ash. Biglang may lumabas na pakpak sa mga likod nila at dahan-dahang tinaas sina Crimson.
"Let's go!!"
-------------
CRIMSON's POV
Namumutla kami at nagfreeze na mga utak namin sa bilis ng pangyayari. Di na nga namin mapuna ang sobrang laking mansyon dito sa kagubatan na dinaig pa ang Cullen's Mansion.
Daisy was busy detangling her hair na gulo-gulo na.
"Oww. Nandito na pala kayo." Miss Yancey said at umiinom lang ito ng tea.
"You left us in the middle of nowhere!" Singhal ko dito.
"I thought nakasunod kayo sakin eh." She grinned.
Biglang lumapit sina Throne at Hunter kina Jana at Kristine. Natigilan kami ni Wave lalo na ng akbayan nung dalawa sina Jana papasok sa mansyon.
"D*mn this f*cking life!" I murmured.
"Pumasok na kayo, nakahanda na mga kwarto niyo." Miss Yancey said.
"Yanz, walo lang ang kwarto dito kasama na yung guest room. Kala namin sa centro kayo magsstay." Lhorraine said.
"Ano pang purpose ng pagpunta nila dito kung hindi niyo sila makakasama sa mga kwarto niyo?"
"Really?!" Sabay pang sabi ni Daisy at Rose. Napailing na lang ako and silently smirked.
"Pero Yanz..." Angal ni Lhorraine.
"Lhorraine, para naman hindi niyo pa ginagawa yun." Pang-aasar ni Miss Yancey kay Lhorraine na ikinamula ng mukha nito.
Napatingin siya kay Ash na nagpipigil ng ngiti.
"Ugh! Bahala na! Kapag nalaman ito ni Jana at Kristine, humanda na kayo sa paglubog nitong isla." Irap nito at patakbong pumasok sa mansyon.
-------------
"Pwede namang si Throne at ako, tapos si Kristine at Hunter sa iisang kwarto di ba?" Jana suggested.
Kanina pa sila nagsisigawan at ramdam namin ang pagcrack ng bawat walls at glasses dito.
"It would be unfair to Lhorraine." Miss Yancey said.
"Then she can stay in Daemon's room! Tapos si Daisy na at Ash sa iisang kwarto."--Kristine.
"Ayoko nga! Alam niyong may past kami ni Ash." Daisy pouted.
Napahilamos na lang sa mukha niya si Jana at napafacepalm na lang si Kristine.
"Aren't you against this?! Diba takot ka naman sakin! So say something!" Singhal ni Kristine kay Wave.
Nagkibit balikat na lang si Wave. "No problem sakin."
"Umayaw ka dito kundi tustado ka." Jana whispered to me. Kumunot ang noo ko like we're talking different languages.
"Lumalabas yung totoong bitter." Rose chuckled.
Namula sa inis si Jana at nagsisigaw hanggang sa mabasag lahat ng salamin.
"Pwede namang dun na lang sa kwarto ko si Jana." Nagsalita si Throne.
"She won't, magkasama dapat kami." I hissed at nakipaglaban ng titigan kay Throne.
"Nakapagdesisyon na ko. Demons and their tieflings and that's final." Miss Yancey put an end to this argument.
"Humanda ka sakin dahil paiinitin ko ang bawat gabi mo." Jana glared at me.
I smirked. "Then bring it on."
Bigla siyang namula ng marealize niyang double meaning yung sinabi niya.
"Ugh!! I hate this!!" She squealed at nagwalk out na.
LHORRAINE's POV
Napangatngat ako sa kuko ko sa inis. Bakit ba kasi dito sila tutuloy?!
Bakit pa sila nagpunta dito?!
Bakit pa sila sa kwarto namin matutulog?!
At higit sa lahat!!!!
"Bakit mo ba ko sinusundan?!" Singhal ko kay Ash. Nakapamulsa itong tumingin sa likod niya tapos tumingin sakin at tinuro yung sarili niya.
"Ako?" He asked.
"Hindi, yung puno kanina pa siya sunod ng sunod." Irap ko at naglakad ulit tapos sumunod na naman siya.
"Ash, matiwasay na ang buhay namin, gusto mo rin ba kong sabihan ng monster? Sabihin mo na para wala ka ng kinikimkim." I said.
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. I don't want to admit it pero hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa kanya.
Nababaliw na talaga ang puso ko.
"Sige na sabihin mo na!" Singhal ko.
"I miss you."
"Oo na! Tanggap naman namin eh, ganito-- A-anong sinabi mo?" Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nabingi lang siguro ako kaya mali ang pagkakaintindi ko.
"I miss you." Pag-uulit niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Y-You can't. Galit ka sakin diba?" Nanginig yung labi ko kaya kinagat ko yun.
"Noon, pero mas nangibabaw yung nararamdaman ko para sayo. Kahit anong gawin ko hindi ka mawala dito at dito." Turo niya sa ulo niya tapos sa puso niya. Napalunok ako ng humakbang siya palapit sakin.
"Jinojoke mo ko?" I asked. Bigla siyang tumawa and cupped my face.
"Namiss kita ng sobra." He said at bigla na lang akong niyakap. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at ang nagawa ko na lang ay isubsob ang mukha ko sa dibdib niya and pour my heart out.
"Hindi mo alam kung gano ako nag-aalala sa bawat oras na di kita nakikita." He said. Nandito kami sa tuktok ng isang puno. Inilipad ko siya dito.
"Kasi ayaw mo kong makita." I pouted.
"Sabihin na nating natakot ako. Feeling ko hindi mo ko kailangan, kasi mas malakas ka pa sakin, baka nga pabigat lang ako sayo. Kaya mas pinili kong lumayo kahit sobrang hirap, ayoko kasing maging pabigat sayo."
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.
"Sure na yan? Wala ng bawian? Wala ng iwanan at sakitan?"
He nodded.
Nagpigil ako ng ngiti at tinignan siya ng masama.
"Magdusa ka." I grinned at tumalon pababa ng puno before I heard him scream my name.
"Kapag nakababa ka diyan, may premyo ka!" I chuckled at naglakad na pabalik sa mansyon.
---------------
To be continued.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top