Mission #65 Doors

@ImGNEL
@bandalyre

ASH' POV

"WAVE!! Kala namin magpapaiwan ka?!" Leif asked.

"I changed my mind. Boring sa mansyon kapag mag-isa lang ako." Cool lang na sabi nito.

"You're lying." I said. Inirapan lang niya ko.

"Pano ka nakarating dito??" Daisy asked.

"Kanina pa ko dito, bumalik lang ako sa mansyon dahil may naiwan ako. Naabutan ko pa kayo sa harap ng pyer kaya nauna na lang akong umakyat dito." Cool lang na sabi nito.

"You knew all along kung saan sasakay?" Leif asked.

"Yup! Kahapon pa. Kausap ko si Miss Yancey."

"At bakit mo siya kinakausap ng palihim?" Crimson asked.

"M-Magpahinga na lang tayo at matulog marami pa tayong gagawin mamaya." He said.

"Tsss. Fishy." Daisy said kaya tinignan siya ng masama ni Wave. Sumunod na rin kami sa kanya.

Ilang floor ba meron dito bakit ang daming kwarto??

"Nasa pinakataas daw yung colored doors, papasok ba kayo?" He asked.

"Iyon lang ang paraan para matapos na lahat ng katanungan natin." Singit ni Crimson.

"You know what guys, you are all acting strange lately, ano ba talagang nangyayari?!" Daisy asked.

"Pumasok la na lang din sa colored doors para malaman mo." Leif tapped her shoulders.

Napagdesisyunan naming pumasok muna sa kanya-kanya naming kwarto bago kami magkikita sa deck ng yate.

"Umakyat na tayo." Crimson said. Tumapat kami sa mga pinto na iba't-iba ang kulay at may nakaukit pang pangalan nila.

Hinawakan namin yung mga doorknobs ng sabay-sabay. Nagkatinginan kaming lima bago tumango at nagkanya-kanya ng pasok.

Nanlaki ang mga mata ko pagpasok ko at pagsara ng pinto. Para akong nasa kalangitan.

Lumulutang ako. Maraming clouds sa paligid at malambot sa balat ang hangin. Napansin kong gumagalaw ako papunta sa lugar na hindi ko alam.

Para akong nasa loob ng isang 5D movie.

Napaawang ang bibig ko ng may makitang castle sa taas ng isang malaking cloud. Kumikinang ito sa tama ng araw at ang castle na yun ay gawa sa diamonds.

Sa isang iglap nakaapak na ko sa loob ng castle. I was roaming around the castle at napadpad sa may garden ng biglang may nagliparang pegasus na may nakasakay na nga knights.

I was about to run but the horses just went through me. Illusion lang pala lahat ng ito.

Parang memories.

Natigilan ako ng mahagip ng mga mata ko si Lhorraine who is silently sitting on a bench and playing the harp.

Nakasuot ito ng puting gown at para siyang kumikinang.

"Prinsesa Lhorraine, kanina pa po namin kayo hinahanap." Tumigil sa pagtugtog si Lhorraine at nagtama ang mga tingin namin.

Natigilan ako, nakikita niya ko??

"Bakit?" She asked innocently.

"Mapanganin na po dito sa labas. Dapat nasa kwarto lang po kayo." sabi ng mga alipin nila.

"Sige papasok na ko." She sighed.

Then, suddenly biglang mabilis na nagflashback ang mga pangyayari. Ang araw na pinanganak siya, hanggang sa makilala niya si Daemon.

Kung bakit ganun si Daemon sa kanya, kung pano niya nakilala sina Jana at hanggang sa magkaroon ng gyera.

"I-Ina, a-ayoko!! Ayoko po..." Lhorraine sobbed habang pilit siyang kinukuha ng mga kawal palayo sa Ina niya.

"Lhorraine, tuparin mo ang nakatakda sayo." Her mom said.

"Hindi ko kayo pwedeng iwan dito nina Ama! Ina, pakiusap, nagsusumamo ako sa inyo! Sumama kayo sakin." She cried again. Umiling ang kanyang Ina habang unti-unting sinasara ang pinto ng sasakyan ni Lhorraine.

Nag-iba ng setting...

Magulo, may mga meteorites na tumatama sa paligid. Maraming mga bangkay na nagkalat.

Maraming building ang nasira at halos wala ng mga demons sa daan.

"S-Si Daemon? Hindi tayo aalis ng wala si Daemon.." Lhorraine sobbed.

Napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko,

"Crimson?"

Lumingon siya sakin at nanlaki din ang mga mata niya, Napansin ko rin na nandito si Wave, Leif at Daisy.

Lumapit kami sa isa't-isa at muling nanood.

"Wala na si Daemon, patay na siya." Miss Yancey said in her shinning armor.

"H-hindi..." Rose stummered. Malakas ang iyak ni Kristine and Jana cursed almost everytime.

"Umalis na tayo habang maaga pa, wag nating sayangin ang sakripisyo nila para satin." Miss Yancey said.

Binuksan nila ang isang malaking gate at isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot samin.

LEIF's POV

She's a tough girl. Mula pagkabata wala na siyang ginawa kundi ang magsanay ng palihim.

She may not be the family's favorite dahil nasa kuya niya ang atensyon ng buong Earth Kingdom, she never fail to make everyone proud of her own achievements.

"Rose, ako ang mapapagalitan kapag nalaman nina Ama ang ginagawa mo. Hindi ka dapat humahawak ng armas aking prinsesa." Halik ng kuya niya sa noo niya.

Rose pouted, "Talagang mapapagalitan tayo ni Ama kapag nalaman niyang ilang ulit na kitang natalo."

Her brother let out a big sigh. "Matigas kasi ang ulo mo..."

"Kuya, sa susunod na palagsihan gusto kong sumali. Diba makakalaban natin dun si Ama?"

"At anong gusto mong patunayan??" Her brother asked.

"Gusto kong malaman kung sino naman ang pinakamalakas dito sa kastilyo." She grinned.

Nag-iba ang settings.

Sa loob ng isang malaking arena. Maingay, magulo...

May dalawang naglalaban. Isang ninja na balit na balot ang mukha at ang kuya ni Rose.

Mapapansin mo agad sa tikas ng ninja na babae ito. At ramdam kong si Rose toh.

Nagsimula na ang laban. Nakaarmor ang kapatid niya at may hawak na espada. Habang si Rose walang armas ngunit naiiwas ang tira ng kapatid niya.

She's flexible dahil umiikot-ikot ito sa ere. Malakas ang impact ng bawat pagbagsak niya sa lupa.

Malakas si Rose, mabilis at maliksi dahil nagawa niyang patumbahin ang kapatid niya.

Natahimik ang buong arena ng bumaba ang mahal na hari sa kanyang trono at hinugot ang espada sa tagiliran.

Hini agad nakareact si Rose ng iwasiwas nito ang espada at sa isang iglap nailahad na sa lahat ang mukha sa likod ng kanyang maskara.

Lahat ay napasinghap. Maging ang kanyang ina'y napatayo sa upuan nito.

Nagpupuyos sa galit ang kanyang ama.

"Sinabi ko na sayong ang mga babae hindi nakikipaglaban!!" Sigaw niya kay Rose at sinugod ito. Pero mabilis na nakakaiwas si Rose ngunit nadadaplisan din siya minsan.

Unfair man ang laban makikita mong magkasingbilis at lakas sila.

Rose kicked the sword at tumilapon ito patarak sa harap ko. I gulped.

Suddenly, Rose summoned her demon form. Nagulat ang lahat, then her Dad did the same. Nagkagatan at naglaban na ang dalawang lobo hanggang sa manalo si Rose ng maraming pilay sa katawan.

That was the moment, they recognized her presence...

Biglang nagflashback ang mga pangyayari.

Matagal na silang magkaibigan ni Daemon at mahahalata mo sa paglaki ni Rose na mas tumitindi ang pagtingin niya dito.

Yet Daemon wasn't able to see it dahil nakafocus siya kay Lhorraine. Then they met Jana and Kristine. Kung pano nabuo ang pagkakaibigan nila.

Nag-iba yung setting...

Magulo, may mga meteorites na tumatama sa paligid. Maraming mga bangkay na nagkalat.

Maraming building ang nasira at halos wala ng mga demons sa daan.

Nagkita-kita kami nina Ash. Hanggang sa buksan nila ang isang malaking gate at nilamon kami ng nakakasilaw na liwanag.

CRIMSON's POV

Her father wanted her to take Daemon away from Lhorraine but she couldn't kaya tinatanggap na lamang niya ang bawat pagmamalupit sa kanya ng kanyang ama.

She always ends up crying on her mother's lap.

Ngayon ko lang masasabi kung bakit ganun ang ugali ni Jana, kung ikokompara sa tatlo, si Jana ang pinakaout of the box. Dahil demure yung tatlo, tapos siya hindi.

It was all because hindi siya natuturuan ng kanyang Ina, lagi kasi siyang isinasama ng kanyang ama sa bawat hunting nila.

At a very young age, she was taught how to hunt and kill animals mercilessly. She wanted to make her father proud but a single word of appreciation never came out from his mouth.

Nag-iisang anak lang siya kaya lahat ng atensyon nasa kanya. Lahat ng ginagawa niya napupuna, so she just accepted the fact that she is no ordinary princess.

Kilala siya bilang ganun...

She found home with her friends ng makilala niya sina Rose. Araw-araw siyang masayang umuuwi na napupuna naman ng mga magulang niya.

Nag-iba ng setting...

Jana was crying habang nasa kandungan nito ang kayang Ina na wala ng malay...

Maraming patay sa paligid at malakas ang pagputok ng bulkan.

"Ina... wag mo kong iwan..." Garalgal ang boses nito.

"J-Jana tuparin mo ang nakatakda para sayo..."

"A-Ayoko ko po!! Pakiusap wag niyo kong iiwan, kukunin tayo ni ama dito."

Hinaplos ng duguan niyang palad ang mukha ni Jana.

"Jana, wag mong hahayaang makuha ka niya. Umalis ka na habang maaga pa, hindi na siya ang ama mo." Mahina ang boses ng kanyang ina at namamaos.

"H-Hindi ko kayo pwedeng iwan." She sniffed.

"Jana, mahal na mahal kita anak, ikaw ang pinakamagandang prinsesa sa buong Underworld. Sobra akong nagpapasalamat dahil ikaw ang naging anak ko." She said at unti-unti ng naging abo ang kanyang Ina.

"INA!!!"

Nag-iba yung setting...

Magulo, may mga meteorites na tumatama sa paligid. Maraming mga bangkay na nagkalat.

Maraming building ang nasira at halos wala ng mga demons sa daan.

Nagkita-kita kami nina Leif. Hanggang sa buksan nila ang isang malaking gate at nilamon kami ng nakakasilaw na liwanag.

WAVE's POV

It was under the sea. Nakapagtatakang hindi ako nasusuffocate. Or maybe illusion lang ang lahat.

Nakita ko siyang lumalangoy kasama ng kaniyang parang personal Yaya. Mahilig silang kumuha ng mga perlas sa mga kabibe at madalas kumakanta sa may batuhan sa dalampasigan.

Inaalagaan siya ng mabuti ng mga nasasakupan ng kanilang kaharian at lagi silang nagkakasiyahan.

"Kristine, may darating na piging sa palasyo upang ipagdiwang ang kaarawan ng mahal na reyna." Sabi ng ate niya.

"Bakit mo sakin sinasabi yan?"

"Kasi sasama ka samin nina Ina."

"H-huh?! Ayoko! Natatakot ako." She's been hiding all this time dahil sa takot niya sa ibang Demons. Baka daw kasi saktan sila ng mga ito.

"Itigil mo na ang kaiisip ng ibang bagay. Umapak ka naman sa lupa at makisalamuha sa iba pang prinsesa at prinsipe. Pano ka makakahanap ng mapapangasawa niyan?"

Napanguso na lang ito.

Dumating ang araw ng piging. Umahon sila sa dagat at unti-unti silang nabalot ng tela na unti-unting naging gown.

Maraming napapalingon kay Kristine dahil malakas ang hatak niya sa mga lalaki. Nakakapang-akit siya kahit wala siyang ginagawa.

Maraming kumausap at nakipagkamay sa kanya. Dahil sa pagod at pagkaparanoid. Tumakbo siya papunta sa garden para magpahinga...

"Bakit ka lumabas?" Natigilan siya ng dumating si Daemon. Aalis na sana siya ng higitin siya nito sa braso.

"Sshhh... dito lang tayo, wag kang mag-alala proprotektahan kita." He smiled.

"P-pero..."

"Shhh..." Naramdaman ni Daemon ang panginginig ni Kristine. He suddenly cupped her face and kissed her.

Nanlaki ang mga mata ko. Unti-unting pumikit si Kristine like she's comfortable with it.

"Ayos ka na?" Daemon asked.

Kristine nodded and smiled sheepishly. Dumating din sina Rose at nakipagkilala sa kanya.

After that day, lagi ng pumupunta sa lupa
si Kristine para makasama ang mga kaibigan niya.

Nag-iba yung setting...

Magulo, may mga meteorites na tumatama sa paligid. Maraming mga bangkay na nagkalat.

Maraming building ang nasira at halos wala ng mga demons sa daan.

Nagkita-kita kami nina Crimson. Hanggang sa buksan nila ang isang malaking gate at nilamon kami ng nakakasilaw na liwanag.

DAISY's POV

W-what is this?! Natigilin ako ng magflash ang mukha ng isang cute na cute na batang lalaki.

Is that Daemon?? Ang ganda ng Mommy niya. Pero natigilan ako ng lumapit siya sa batang kamukha ni Lhorraine.

They're romance started there. Kahit obvious din na may gusto si Rose sa kanya.

P-pero bakit sila nakasuot ng damit ng mga pinsipe't prinsesa?? Bakit sumasakay sila sa mga karwahe??

Bakit may mga knights in shinning armors?!

Bakit may king and queen?!

Galing ba silang ENGLAND?!

Nagbago ang setting.. Napunta kami sa lugar kung saan tinago nila si Daemon. Para hindi siya mahanap ng mga masasamang Demons.

Unti-unting nagsink it sakin habang punapanood ko itong video na hindi nga sila mga tao.

May kutob na ko noon pero nakakapraning lang. He devoted almost all of his life protecting the four girls and healing Lhorraine.

He even gave up his immoratality para lang sa kapakanan ng Underworld. He underwent severe training.

Nalaman niyang umalis na sila Lhorraine at mas nagpursigi pa sa pagsasanay. Then one day, may lumabas na marka sa balat niya.

He was able to summon a very powerful power. Ilang buwan niya itong minaster at palihim na nakikipagcommunicate kay Miss Yancey na nasa mundo na namin noon.

Nag-iba yung setting...

Magulo, may mga meteorites na tumatama sa paligid. Maraming mga bangkay na nagkalat.

Maraming building ang nasira at halos wala ng mga demons sa daan.

Nagkita-kita kami nina Wave. Hanggang sa buksan nila ang isang malaking gate at nilamon kami ng nakakasilaw na liwanag.

I blinked couple of times. Nakahawak ako sa doorknob at nasa labas na ng dilaw na kwarto.

I gazed at the others at hindi ako nagkamali, nagkatinginan kaming lima at agad na bumitaw sa doorknob.

"That was fun!!" I exclaimed.

"F-Fun?! Alam mo ba yung nakita mo??" Wave asked.

I nodded, "Yep! The truth, kung sino ba talaga sila..." I said.

"You're not terrified?" Leif asked and I laughed hard.

"Why would I be terrified? Before I entered that room, I told myself that no matter what I'll see, nothing will change... ang mga babae kapag nagmahal, totohanan yan. Alam niyo ang ibig kong sabihin kung totoo kayong magmahal, I am inlove with him and I will always love him even if the world is against us." I said.

"Y-your unbelievable." Naiiling na sabi ni Crimson and sighed.

"Sa wakas nakahanap na rin ako ng kaparehas ko." Leif chuckled.

"Alam niyo, walang boundaries ang love. Age, gender, color or anything doesn't matter, you just need to open your hearts. Kayo lang din ang masasaktan kapag pinipigilan niyo ang sarili niyong maging masaya." I added.

"Saan mo ba napupulot yan?" Ash asked.

"Ganito lang siguro ang inlove.. nagiging corny." I laughed. "Sige na magpahinga na tayo." I suggested.

Wait for me Daemon...
------------

To be continued :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top