Mission #64 Lost
Para kay @dark_cobra :)
Note to readers: Hello mga kabitters! Thank you sa suporta :)
WAVE's POV
"Leif tigilan mo na nga kakapilit kay Miss Yancey." Singhal ko kay Leif habang naglalakad kami papuntang office ng president.
"Alam mo, 3 weeks ko ng ginagawa toh. 3 weeks mo na kong pinipigilan at 3 weeks na rin kayong sumusunod. Kung wala talaga kayong pakealam sa kanila, bakit niyo pa ko sinasamahan??" He asked.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at pacool na ngumuya ng bubble gum.
"Sinasamahan ka namin kasi... kasi.. Demon si Miss Yancey at baka kung mapano ka. Concern lang kami bro." Tapik ni Crimson sa balikat ni Leif.
"Ang sabihin niyo naduduwag lang kayong aminin na nag-aalala kayo para sa kanila." He smirked.
"Kilabutan ka nga Leif." Irap ko kay Leif. As if mag-aalala ako dun. Asa na lang siya, mas mag-aalala pa ko sa puso ko na baka atakihin na kapag nakita ko siya ulit.
Kumatok muna si Leif bago kami pumasok.
"Yeah! Yeah! Andito kami ngayon sa centro walang signal sa isla." Yung boses na yun. Si Jana...
"Miss--" Natigilan si Leif ng sumenyas si Miss Yancey na umupo kami sa couch. Napansin naming nakaspeaker yung phone niya. Hindi niya siguro mahawakan sa dami inaasikaso niya.
"Kamusta naman ang training niyo, next month na ko pupunta diyan para intensive training niyo."--Yancey.
"Huh?! Wag ka ng pupunta dito! Matiwasay na kami--kyaahhhh!!"--Jana.
"Wag mo ng pansinin yun..." Napatingin kami kay Ash, ofcourse marerecognize niya yung boses ni Lhorraine.
"Ayos naman kami dito, yung mga singsing pala nabawi mo na?" We heard Lhorraine asked.
Napahawak si Ash sa singsing at napatingin naman ako dun.
"Hindi ko pa yun pwedeng kunin dahil wala pa kayong nahahanap na ibang tiefling."
"If hindi yun naalis sa kanila, mawawala yung singsing Yancey..."
"Pero kapag inalis ko sa kanila, mamamatay kayo." Miss Yancey said at tumingin samin.
Natigilan kaming apat. So, totoo ngang nakasalalay dito ang buhay nila.
"Ewan ko na... Bahala na siguro. Hindi naman kami mamamatay agad. May dalawang buwang palugit naman kapag nagkataon diba?"
"Oo pero kay Kristine, mamamatay na siya agad dahil ubos na yung palugit niya." Napalunok ako sa sinabi ni ma'am Yancey.
Hindi ko nagets yung sinabi niya and I felt I'm partly responsible for this. P-pano namang mamamatay si Kristine eh mas malakas pa sakin yun.
May sakit kaya siya? Kumakain kaya siya ng maayos? Iyakin pa naman yun baka napupunta sa pag-iyak niya lahat ng energy niya.
And why am I even thinking about her again?! Tch...
Wave, you don't care about her... you don't care okay? You really don't...
"Anyway, kamusta si Kristine?? Sina Rose??"
"Si Kristine, naiwan sila sa isla ni Hunter." Kumunot ang noo ko sa narinig. Bakit sila magkasama ni Hunter?!
"Si Hunter kasi ang personal trainor ni Kristine ngayon, lagi kasi silang magkasama. Minsan nga bigla na lang silang nawawala. Sige kausapin mo lang si Daemon"
I clenched my jaw. Teka nga bakit ba ako affected. tsss peste pakealam ko ba sa kanila.
"Yo..."
"Oh Daemon, kamusta naman diyan?"
"Hmm ayos lang. Si Jana hindi ko na masyadong naaasikaso dahil kay Throne. Buti na lang nandito si Rose at Lhorraine." He chuckled.
Napatayo agad si Leif sa narinig. Tssss Daemon na naman bwisit.
"Uhm, Yancey, kamusta na pala si Daisy?"
Napatingin kami kay Miss Yancey na tinigil ang ginagawa at nangalumbaba sa may table.
"Lagi siyang pumupunta dito at nakikibalita. Don't worry, isasama ko siya sa pagbisita ko diyan."
And this time, napatayo na kaming apat. Agad din akong umupo. Bakit ba ko tumayo?!
Hindi naman ako afftected.
"T-talaga?! I mean, bakit??"
"Alam ko kasi matutuwa ka at ng tumigil na kakakulit sakin nun, pati si Leif mukhang gustong sumama."
"Si Leif? Andyan siya?" Boses ni Rose.
"Yeah, gusto mong kausapin? Kanina pa sila nakikinig dito." Yancey chuckled.
"What?! Why didn't you tell us!!"--Lhorraine.
"Oh chill lang, Yanz pakausap kay Leif."
--Rose.
Lumapit si Leif at umupo sa harap ng table ni Miss Yancey. Iiyak na yan mamaya. Tsk bakla.
"H-Hi Leif."--Rose.
"Hindi mo tinupad ang pangako mo." Leif said na parang galit.
"Sorry, natatakot lang kasi ako eh. Na baka pagbalik ko diyan hindi na kita maiiwan. I'm doing this for our sake. Napag-usapan na naming lahat, we can't risk your lives here. Mission namin ito at hindi namin makakayang makita kayong masaktan dahil samin."--Rose
"Sa tingin mo mapapanatag ako kapag hindi kita nakikita pag alam kong nanganganib ang buhay mo?!"
"S-sorry.. pero Leif..."
"Suasama ako kay Miss Yancey, Rose. Kahit ilang beses mo kong takbuhan. Hahabulin pa rin kita." Corny'ng litanya ni Leif.
Naiinis ako.. Ang corny niya.
"P-pwede ba kong sumama?" Napatingin kami kay Ash. Napabuga na lang ako hangin. Isa pa toh.
Kala ko ba matalino toh.
"Sasama rin ako."
"Pati rin ba ikaw Crimson?!" Singhal ko dito.
"Maiwan ka Wave. Tutal ikaw lang naman ang sobrang galit sa kanila."
"Okay! Maiiwan talaga ako." Singhal ko sa mga ito at nagwalk out na.
CRIMSON's POV
"Anong gagawin natin? Tuluyan ng naging bato si Wave?" Ash asked.
Nandito kami ngayon sa headquarters at umiinom.
"Hindi natin siya pwedeng pilitin. Napilit ko kanina si Miss Yancey sa makalawa aalis na tayo." Leif said.
"We still need to talk to him. He's just a little bit lost." I said.
"Kayo na lang ang bahalang kumausap sa kanya, I don't wanna talk to someone who alreay closed his heart and mind." Leif hissed at tumungga ng beer.
"I wonder what will happen after nating pumunta dun. I can't assure that everything will go back to what they used to be." Ash said.
"No one is hoping for that, they even gave up thinking about that. We brought them pain and they brought us happiness. We've been so selfish and unfair. Tayo rin naman kapag nasa situation nila syempre ililihim natin kung ano tayo." Litanya ni Leif.
I sighed at uminom ulit. Just thinking na nagkakamabutihan na naman si Jana at Throne, I don't know.
I don't like what I'm feeling right now. Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko, but I just can't mas lalo lang akong nasasaktan.
I always dream about her everynight. Parang totoo lahat. Siguro epekto ito nung bagay na nilagay ni Jana sa loob ko.
"Guys! Totoo ba? Pupunta din kayo sa Palawan?!" Bumalibag yung pinto at agad na sumulpot si Daisy.
"O-Oo..."
"Great! May mga kasama na ko! Alam niyo ba kung bakit sila umalis?! Hindi man lang sila nagpaalam! Nakakatampo!!" She pouted at umupo sa couch.
Nagkatinginan kaming tatlo..
"So, you still don't know?"
"Still don't know about what?" She asked.
"Kung ano sila." I said.
She raised her brow, "Bakit ano ba sila?"
Nagkatinginan kaming tatlo and sighed.
Gulo na naman ito.
-----------
"Saan kayo pupunta?" Wave asked. Mukhang kagagaling na naman sa bar. Amoy alak eh.
"Ngayon ang alis namin papuntang Palawan." I said.
"Anong gagawin niyo dun? Bakit di ako kasama?" Inosenteng tanong nito. Tinotopak na atah.
"Hindi ka pwedeng sumama dahil ayaw mo diba? Pupuntahan namin sina Rose." Leif said.
Napaow na lang si Wave at nakapamulsang umakyat sa hagdan.
"Matatagalan ba kayo? Pasalubong ko ha?" He grinned at pumasok na ng kwarto niya.
"Yun lang?! Yun lang talaga ang reaction niya?! Ang babaw niya peste." Leif hissed.
"Tara na nga. Katakot-takot pa na byahe ang pagdadaanan natin." Leif said. Hinila na namin yung mga maleta namin at lumabas na ng mansion.
"Guess it's too late for a change of heart." Ash said pagkasakay namin ng kotse.
......
"So, ilang araw po aabutin bago tayo makarating sa Palawan?" Leif asked kay ma'am Yancey. Sasakay atah kami ng barko.
"Kung normal na transportation, makakarating tayo sa exact location nila in 3-4 days at dahil hindi naman ako normal, makakaabot tayo before lunch." She said.
"Hindi po tayo sasakay ng barko?" Daisy asked.
"Hindi. May sarili kaming yate." Sabi nito. Napaoohhh na lang kami at sumunod sa kanya.
Nanlaki ang mga mata namin.
"Y-Yate po ang tawag niyo dito?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Yung yate nila kasing laki ng normal na barko.
"Yup yate lang tawag namin diyan."
"Eh pano na po ang barko niyo? Mala Noah's ark na?" Sarcastic na sabi ni Ash.
"Hindi naman, mas malaki lang ng konti dun." Napafacepalm na lang kami.
Oo na lang...
"Pano po tayo makakarating dun before noon?! 10 hours lang yun." Ash said habang nakatingin sa relo.
Alas dos na kasi ng madaling araw.
"Akong bahala." she grinned. Umakyat na kami sa yate nila.
"You can pick any room you want, just don't enter sa red, blue, green, white and yellow doors."
"Favorite colors namin yun." Daisy said.
"And favorite color din nila." Miss Yancey sighed. "Okay, you can only enter their rooms kapag buo na ang loob niyong kilalanin sila."
Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na tumango.
Umandar na yung yate nila. Hindi naman siya ganun kabilis, normal lang ang takbo nito.
"Yo! Magkakatabi tayo ng rooms ah?"
Lahat kami napalingon sa nagsalita..
"WAVE?!"
---------
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top