Mission #63 HE's Side

Para kay @JustWorthIt

As much as I wanted to give every character a partner, mahirap na po haha. Not all can have their happily ever after. :)
#bitter

LEIF's POV

I'm humming habang nagluluto. It's just that there's no dull day for me since naging kami ni Rose.

I was able to discover her naughty and funny side and may pagkachildish din siya lalo na kapag nagseselos.

I just really can't get over on how she reacted when a girl approaches me. Napapangiti na lang ako. Para akong tangang kinikilig mag-isa dito.

"Para kang tanga Leif, maghain ka na nga lang!" Napalingon ako kay Wave na kunot noong nakatingin sakin.

Sumunod na rin sina Crimson na wala ng buhay at si Ash na matagal ng hindi umiimik.

"Oh ayan niluto ko lahat ng mga paborito niyo para naman sumigla kayo. Daig niyo pa ang namatayan eh." I sighed.

"Just shut up Leif." Irap ni Crimson sakin. Nagkibit balikat na lang ako.

"How is she?" Dahan-dahan akong napatingin kay Ash.

"S-Si Lhorraine??"

He sighed. "Nevermind."

"Bakit ba?! Bakit pa ba kayo nag-aalala sa kanila?! Di ba nga mga Demonyo sila?! Masasama sila!!" Biglang sigaw ni Wave at hinampas pa talaga yung mesa.

"May ginawa na ba silang masama sayo Wave?? Sa pagkakaalam ko tayo ang nananakit sa kanila ng paulit-ulit." I gritted my teeth.

Wave clenched his jaw at napabuga na lang ng hangin sa inis.

"Where's Hunter and Throne?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi na sila babalik dito." Crimson said at nagsimula ng kumain.

"And why??"

"Dahil mga Demon din sila."

"What?!" Sigaw ni Wave. Siya lang naman ang OA samin dito. Si Ash nga napatingin lang kay Crimson.

"I was able to talk to Hunter at hindi naman niya dineny. They are capable of altering our memories, they put Hunter and Throne in our memories where infact hindi naman talaga natin sila kilala. Wala talagang Light at Steel ang gang natin."

"See?! They are capable of everything Leif!! Baka nga hindi lang natin naaalala na may mga ginawa na sila satin!!" Hysterical na sabi ni Wave.

Napamasahe na lang ako sa batok ko.

"Buti na lang pinakawalan mo na si Kristine, Wave. Ang kitid ng utak mo, I can feel it. Ramdam kong hindi yun magagawa ni Rose o kahit sino naman sa kanila. Malaki ang tiwala ko sa kanila."

"At para nga pala sagutin ang tanong mo kanina Ash, ayos lang naman siya. Masyado siyang nagpapakabusy sa mga nakaraang araw." I said.

"Si Lhorraine! Kala mo kung sino siyang Santa diba? Pero nakita niyo ang ginawa niya noon! Gawain talaga yun ng demonyo!" Entrada ulit ni Wave. Napipikon na ko.

"Tinanong ko na si Rose tungkol diyan. They're Demons, hindi sila normal sa point of view natin. It wasn't Lhorraine, it was Diamond. Lhorraine's shadow. Or sa point of view nating mga tao, para siyang multiple personality disorder and the only way to overcome that is to kill herself. Kaya nga noon diba? Namatay si Lhorraine but because of Ash and because of those rings. Hanggang ngayon buhay pa sila. Inshort nakasalalay sa mga singsing na yan ang buhay nila."

"May sumpa ba itong singsing na toh?! Peste ang hirap tanggalin." Wave hissed at pilit tinatanggal yung singsing.

"I will ask Rose to explain everything to us."

"Don't you dare make her step inside our house Leif." Wave hissed.

"Will you stop overreacting Wave?! We need to know the truth yun lang ang nakikita kong paraan para makamove on na tayo." Crimson said at tinuloy ulit ang pagkain.

"Tsk whatever." Irap ni Wave at kumain na rin. Ako na gumawa lahat, nagluto at naghugas pagkatapos naming kumain, nakakahiya naman kasi sa mga señorito niyo na umakyat na sa mga kwarto nila.

"BOO!!"

Napakislot ako sa gulat at agad na lumingon.

"Rose! Anong ginagawa mo dito?! Baka makita ka nila." I hissed at agad naghugas ng kamay.

"Namiss lang kita." She said and hugged me.

"Parang kanina magkasama tayo." I chuckled and hugged her tighter.

"Magpapaalam na ko Leif." She said.

Tinignan ko yung mukha niya. "Aalis ka na? Sige hatid na kita sa labas. Pumuslit ka pa para lang mayakap ako." I chuckled.

"No, hindi mo nagets. Aalis na ko, aalis na kami. Lalayo na kami Leif."

"W-wait what?! Why?! Kakasimula pa lang natin Rose! Iiwan mo na ko kaagad?" I asked.

"Hindi! Hindi ganun yun, kailangan lang naming lumayo, habang nandito kami magkakasakitan lang sila. Nahihirapan na sila Leif." She said.

"Bakit pati ikaw kailangang lumayo??" I asked.

"Dahil kailangan naming magsama-sama. Don't worry kaya ko namang takbuhin mula dun hanggang dito. Pangako lagi kitang pupuntahan." She said.

"Sasama ako sayo." I firmly said.

"T-talaga??"

I nodded, "Pumapayag ka bang maging elemental knight ko?"

Hinawakan ko ang mukha niya, "Syempre naman, lalaban ako sa tabi mo." I grinned.

Muli niya kong niyakap ng mahigpit. "Salamat Leif." Narinig ko ang marahang paghikbi niya.

"Sure ka na bang sasama sakin?" she asked for the nth time. Tapos na kong mag-empake at hinarap na siya sabay kurot sa pisngi niya.

"Gusto mo atang magbago ang isip ko." I said.

"Syempre hindi naninigurado lang ako, baka napipilitan ka lang Leif."

I sighed at hinaplos ang buhok niya. "Sigurado ako Rose, hindi ko hahayaang malayo ka sakin lalo't alam kong kasama niyo si Hunter."

"A-alam mo?"

"Umamin na sila, kaya halika na." Kinuha ko na yung maleta ko at hinila na siya palabas ng kwarto ko.

"Saan ka pupunta Leif?" Natigilan kami ng makitang nasa baba na silang tatlo at nakatingin samin.

"S-sasama na ko kay Rose." I said at nilagay sa likod ko si Rose.

"Baliw ka na Leif." Wave hissed. "You altered his memories you monster!!" Sigaw nito kay Rose agad akong bumaba at sinuntok siya.

Agad namang umawat sina Ash at Crimson.

"Hindi yun magagawa ni Rose!!" I shouted at pilit kumakawala kay Ash.

"Bakit ba kasi hindi tumatatak diyan sa kokote mo na mga halimaw sila Leif!!" Sigaw ni Wave. Nag-init na ang ulo ko at nakawala ako kay Ash kaya nasuntok ko ng ilang ulit si Wave.

"G*go ka!!"

"Tama na!!" Agad na tumakbo pababa samin si Rose. "Oo na mga halimaw na kami!!! Yun naman kasi ang nakatatak sa mga isipan niyo diba? Ang mga Demon lahat sila masasama, bakit nakakita na ba kayo noon ng Demons? Nakaranas na ba kayo ng pagmamalupit mula sa kanila? Why do you judge a being by their physical aspects?! Kayong mga tao ang makasarili, kayo ang masasama! Ang ang kasamaan niyo ang dapat niyong tinatawag na halimaw at hindi ang mga lahi namin na walang ginagawang masama dito sa mundo niyo!!"

"I'm tired dealing with this stupidity. Wala kayong karapatang husgahan kami dahil lang naiiba ang itsura namin sa inyo." She sighed.

"Aalis na ko Leif." She said.

"Sasama ako sayo Rose!!"

"I'm happy I have you." She whispered at mabilis pa sa kisap matang nawala sa paningin ko.

"Rose..." I whispered.

-------

ROSE' POV

"BAKIT ANG TAGAL MO?!" Bulyaw sakin ni Jana. Napangiwi na lang ako.

"Bitbit na namin lahat ng mga gamit natin. 30 minutes lang naman natin tatakbuhin mula dito hanggang Palawan."

Yeah sa Palawan kami didiretso sa lugar kung saan walang makakahanap samin. And I don't know kung magkikita pa ba kami ni Leif.

Siguro hindi na.

Magsisimula na rin ang training namin bilang paghahanda. Kailangang may gawin na kami bago namin kunin ang mga Elemental Rings.

Agad na lumipad sina Lhorraine at Jana, I transformed into a wolf at tumakbo na rin sina Kritine, Daemon, Throne at Hunter. Maiiwan si Yancey dahil sa dami ng gagawin niya.

20 minutes kaming nagtravel. Walang tigil sa takbo at lipad. Dumaan din kami sa dagat syempre nakakalipad naman si Jana kaya walang problema.

Nakarating kami sa isang isla.

"Saan tayo tutuloy??" Jana asked pagkalapag nila sa lupa.

"Magpatayo na lang tayo ng bahay dito." Lhorraine suggested.

"Kami na ang bahala. Manghuli na lang kayo ng isda para kainin." Daemon said at sumunod naman sa kanya si Throne at Hunter.

"Kami na ni Kristine ang bahalang manghuli ng isda, Jana gumawa ka na ng bonfire. Bahala ka na sa gagawin mo Lhorraine." I said.

"Kay!!" Jana grinned.

Pumasok sa kagubatan sina Lhorraine at Jana para kumuha ng kahoy. Agad naman kaming lumusong ni Kristine sa dagat. Pahirapan sa paghuli dahil gabi na... buti na lang may electric power si Kristine na nagsisilbing ilaw namin.

"Kamusta pala ang paghahanap mo sa Tiefling mo?" I asked. Simula kasi nung umuwi kami wala na siyang imik at dumiretso lang sa kwarto niya.

"W-Wala naman akong nakita dun." Mailap na sagot nito.

"So, you saw it??" I asked. Nakakakita na nga rin kami ng aura at base sa reaction ni Kristine nakita na niyang blue din ang aura ni Jane.

"Nakita niyo rin pala.." She sighed. "Sumisisid na lang tayo." She grinned at agad na sumisid sa malalim na parte ng dagat.

Sinundan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa seabed habang yakap-yakap ang tuhod.

Kahit hindi ako water demon alam kong umiiyak siya. Yung mga sea creatures lumapit na rin kay Kristine na parang nag-aalala.

Sumenyas na lang ako sa kanya na mauna na ko sa pampang dahil marami na rin kaming nahuli.

"Si Kristine?" Lhorraine asked. Habang nagcrecreate ng panggrill dito sa mga isda.

"Ayun nagdradrama, JANA ANO BA YAN!! Baka masunog itong buong lugar!!" Singhal ko kay Jana na ang laki-laki na ng ginawang bonfire.

"Ang ganda kaya!" She chuckled at binubugahan pa yung bonfire niya para mas lalong lumakas yung apoy.

"Magpatuyo ka muna." Lhorraine said at pinaikotan ako ng wind niya.

"Thanks..."

"Wala pa ba sila?? Jana tawagin mo muna sila, kain muna tayo."

"Wag na, tayo na lang kakain niyan. Gutom na ko." She pouted.

"Jana..." I warned her.

"Eh di wow!" Irap nito at nagmartsa na papasok sa kagubatan.

"May nakuha pala kayong mga shells." Lhorraine said.

Sasagot na sana ako ng maramdamang umahon na si Kristine, agad naman siyang pinatuyo ni Lhorraine.

"Hindi ba masakit ang mga mata mo? At sa ilalim ng dagat ka pa talaga umiyak." I sighed.

"Hindi naman. May huli pala ako." She said. Napabalikwas kami ni Lhorraine ng may hinila siya mula sa tubig na isang Great White Shark.

"Napagbuntungan ko ng galit, napatay ko sayang naman kung maaagnas lang yan sa dagat." She said.

"Mukhang may gamit na tayo sa ginawang bonfire ni Jana." Lhorraine chuckled.

---------------

"JANA WAG MONG SOLOHIN YUNG PATING!!!" Sigaw ni Hunter kay Jana.

"Hindi ko naman sinolo ah! May binigay na nga ko sa inyo!!" She pouted.

"Wow! Andami mong binigay ha? Isang platito ng karne. Ang generous mo naman Jana." Kristine mocked.

"Atleast meron." Dila nito. Napabuntong hininga na lang kami. Mahirap talaga kapag kasama mo yan sa pagkain, mamamatay ka sa gutom.

"Start na ng training natin bukas... ano ang gagawin natin??" Kristine asked.

"May training menu na binigay si Yancey para sa atin. Kami ni Throne, focus lang kami sa swordmanship, for 2 weeks kayong lima papalakasin niyo at cocontrolin ng mabuti ang powers niyo. You need to overcome your weaknesses para narin sa mga pwedeng mangyari sa mga cursed missions." Hunter said.

"You mean magkakanya-kanyang training muna kami sa loob ng dalawang linggo??" I asked.

"Yup, tapos after nun, pwede na kayong maglaban-laban na lima sa normal form niyo. You can't summon your Demon and Beast form. Sa susunod na buwan na yun." Dagdag ni Hunter.

"Okay game ako diyan. Basta ba walang iiyak pagnatalo" Jana grinned.

"Baka nga ikaw ang umiyak eh." Daemon laughed.

"We need to make everything clear. Pumunta tayo dito para makalimot at makafocus sa missions natin, kaya kung pwede lang yang mga nararamdaman niyo kung hindi niyo kayang kalimutan gawin niyo na lang instrumento para mas lumakas kayo." Throne said.

Natigilan kaming lima sa sinabi nito.

"Bitter ka lang eh.." Sabi ni Jana.

"Jana..." Saway namin dito.

"Eh di wow ulit!!" She pouted at kumain na ulit. Napatingin ako kay Kristine na natulala sa apoy.

"Wag ka ng magmukmok, gagawa ako ng paraan para mabawi yung singsing na hindi ka na nasasaktan."

Natigilan kami sa sinabi ni Hunter kay Kristine.

"Paiba-iba ka tol, kala ko ba si Rose?!" Singhal ni Throne dito. Agad akong napayuko.

"Ewan ko sayo Throne, wag mo ngang bigyan ng malisya! Tumutulong lang ako." Irap ni Hunter at nagwalkout na.

"Ay bitter number 2." Jana said.

"Jana... tumigil ka nga." Suway ni Lhorraine dito.

"Bakit ba lagi niyo na lang akong napapansin?! Wala naman akong ginagawang masama." Nakangusong sabi nito.

"Kung magsalita ka kasi parang di ka bitter." Daemon chuckled.

"U-uyy hindi ako bitter noh! Nakamove on na ko!" Irap nito.

"EH DI WOW!" sabay-sabay naming sabi na nakapagpausok sa ilong nito.

-------------
To be continued...
LOLS.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top